Chapter 22
Chapter 22
Kid
Dapat in-expect ko nang magiging ganoon nga ang trato niya sa akin. Siguro masyado lang akong umaasa na sa paglipas ng maraming taon naghilom na ang sugat niya. Na kumpara sa akin, nakalimutan na niya ang lahat at nakausad na sa buhay. And yet, he is still angry. Para bang hindi naibsan ng nagdaang panahon ang galit niya. He is still angry about the past. He is still furious at me.
Sa dami ng iniisip ko ay muntik ko nang malagpasan ang information desk. Napatingin tuloy sa akin ang dumaan na hospital staff. Ngumiti ako sa kanya na parang walang nangyari para hindi masyadong halata ang katangahang ginawa. Bumuwelo agad ako at nagpatuloy na sa paglalakad sa tamang deriksiyon.
Nadatnan ko ang kumpolan ng nurses sa pinakamalapit na station. Sa pagiging abala nila sa pag-uusap ay hindi na nila napansin pa ang pagdating ko.
"Grabe. Ang bilis ng kamay ni Doc Theo sa surgery! Para akong nanood ng Korean medical drama, eh. Tapos no'ng pagpasok pa ni Doc Abby! Naku, ang intense grabe!" Natigilan ang isang nurse sa pagkukuwento nang palihim siyang siniko ni Nurse Relani.
Umayos kaagad ang nurses sa station nila dahil nakatayo na ako sa harap ng information desk. Ang iba sa kanila ay kinakabahan pang napasulyap sa akin.
"Patingin nga ako ng MRI result ng patient sa room 406," sabi ko sa mababang boses.
"Ako na," saad ni Nurse Relani sa nurse na malapit sa computer. "Antabayanan mo na lang 'yong telepono."
Mabilis na ni pull-out ni Nurse Relani ang chart ng pasyente. Iniharap niya ang monitor sa akin para makita ko ang nakadisplay dito. Mabilisan kong pinasada ang tingin dito at nakitang normal naman ang lahat.
"Okay ka lang ba?" tahimik na tanong ni Nurse Relani sa akin matapos kong iniharap pabalik sa kanya ang monitor.
Alam niyang may nakaraan kami ni Theo at isa siya sa mga katrabaho ko dati na nanatili pa rin sa ospital na kasalukuyan kong pinagtatrabahuhan.
"Masakit lang sa pwet ang ma-kick out ng OR." hinaluan ko ng biro ang sinabi para hindi masyadong kawawa. "Lalo pa at... marami ang nakakita."
"Pasensiya na at wala akong nagawa. Lahat kami na naro'n 'di rin kasi alam ang gagawin. Nakakatakot si Doc Theo..." Ibinulong niya ang huling sinabi.
Napangiwi lang ako at sinubukan pa ring ngumiti. "Kailangan kong maging propesyonal. I'm sure Doctor Hemendez can do that as well kaya siguro naman magiging okay din ang lahat kalaunan.."
"Doctor Hemendez?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Kapag ba propesyonal apelyido na ang gagamitin sa pagtawag?"
Umirap lang ako sa pamimilosopo niya. Sinulyapan ko ang suot na relo. "Uuwi na ako. Tapos na ang shift ko."
"Hindi ka Mag-o-OT o tatambay sa ER ngayon? Himala yata, Doc Abby!" eksahiradang komento niya.
Tumalikod lang ako at kinawayan siya bilang pagpapaalam.
"Hindi ka rin magpapa-on call?!" pahabol pa niya na inilingan ko lang maski hindi lumilingon pabalik sa kanya.
I was done for the day. Masyadong mahaba at emotionally draining ang araw na iyon para sa akin. Kailangan kong magrecharge at mag-ipon ulit ng katatagan at lakas ng loob lalong-lalo na dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng mapait na nakaraan ko. Ang taong nililihiman ko ng napakaraming bagay. Ang lalaking galit na galit pa rin pala sa akin.
Dumaan ako sa locker at tinanggal ang suot na lab coat. Kinuha ko ang hanger at ni-hang ito rito. Isinabit ko ulit ang hanger sa loob. Pinagmasdan ko ang maliit na picture ni Red na nakadikit sa dingding ng loob nito. Minsan sa pagtulog ko, binabangungot ako na nakalimutan ko na ang hitsura niya. Nagagalit ako sa sarili sa tuwing nangyayari iyon. Wala akong karapatang kalimutan ang anak ko.
Marahan kong idinampi ang mga daliri sa picture at malungkot na ngumiti. Lagi kong naiisip kung ano na kaya ang hitsura niya ngayon na lumaki na siya. Pareho pa rin ba ang tunog ng tawa niya? Nag-iba na ba ang ngiti niya? Inaalagaan kaya siya ng mga kumupkop sa kanya?
Umakyat ulit ang galit sa dibdib ko nang maalala ang ginawa ng mag-asawa. Isinara ko ang pinto ng locker at idinikit ang noo rito. Ramdam ng noo ko ang lamig ng bakal nito. Pinakalma ko ang sarili dahil sa nararamdamang galit na kinakaya kong kontrolin sa tuwing naaalala ang nangyari.
Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad sa corridor papunta sa elevator.
Pumasok ako ng elevator at bumaba sa basement. Dumeretso ako sa nakaparadang kotse at pumasok sa loob. Binuhay ko ang makina nito at pinaandar na. May destinasyon na ako sa isipan.
Ipinarada ko ang sasakyan sa labas ng ELights. Masyado na itong abala dahil sa mga customers. Nagbabakasakali lang ako na mahagilap si Jok sa loob. Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa maingay na club.
Dumeretso ako sa may counter table at naupo sa isa sa mga stool. Iginala ko ang tingin at nakita ang pagpasok ng bartender.
"Si Attorney?" awtomatikong tanong ko.
"Backroom," tipid na tugon niya. "Drinks?"
"Isang shot ng vodka," sagot ko pero agad na nagbago ang isip, "know what? I'll take one bottle instead."
Maagap siyang tumango. Sanay na sa madalas na request ko. Kumuha siya ng isang bote at binuksan ito sa harap ko. Iniabot niya ito sa akin.
Bitbit ang bote ay nagtungo ako sa backroom na tinutukoy ng bartender ni Jok. Kapansin-pansin ang pagiging pribado nito dahil hindi ko na masyadong narinig pa ang ingay ng music ng club. Nag-iisang bombilya lang na nasa ibabaw ng pader ang ilaw dito.
Nang nasa tapat na ng pinto ay ngumisi ako dahil sa signage na nakadikit dito. DOCTORS ARE NOT ALLOWED INSIDE. Inangat ko ang kamay at isang beses akong malakas na kumatok. Hindi ko hinintay pa ang pagtugon niya mula sa loob. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Pumasok na ako sa loob.
Unang umagaw ng pansin ko ang mga nagkalat na papel sa ibabaw ng malaking mesa. Nakita ko sa gilid ng mesa si Jok na nakaupo sa isang swivel chair. Nakatitig siya sa kawalan na parang may malalim na iniisip. Napatingin na rin ako sa malapad na white board na puno ng mga naka-pin na papel at printed photos.
" 'Di ako na-inform na lumipat ka na pala ng office, Attorney," intrada ko. Dumapo na rin ang tingin ko sa ilang un-opened boxes na nagkalat sa paligid.
Napasandal si Jok sa backrest ng upuan. "Sinusubukan kong magtago mula sa'yo, Doc," resbak niya sabay tanggal ng suot na spectacles. Hinilot niya ang kanyang sentido. "Walang kuwenta. Natunton mo pa rin ako."
Umangat ang sulok ng mga labi ko. He was one of the few people from my past whom I still stayed connected with. Nanatili ng matagal na panahon ang pagiging magkaibigan naming dalawa.
Hindi man inimbita ay naupo pa rin ako sa bakanteng swivel chair sa harap ng mesa niya.
"Any updates?"
"Ang alibi ng primary suspect ay on duty daw siya between twelve midnight to three in the morning," litanya ni Jok. "However, nobody from the staffs can confirm it for him..."
Nagpirmi ang seryosong tingin ko sa kanya hanggang sa tiningnan niya na rin ako. Alam kong klaro sa kanya ang determinasyong ipinapakita ng mga mata ko.
Pagod siyang nagbuga ng malalim na hininga. "You're asking me about a case six years ago, Abby."
"Anak ko 'yon, Jok," halos garalgal na sambit ko. "May anak ka rin kaya alam kong naiintindihan mo'ko."
May dumaan na simpatya sa mga mata niya. Umayos siya ng upo at hinarap na ako.
"I had a talk with the police assigned to your daughter's case. Wala silang nakikitang galaw mula sa mag-asawa. The identity they used were fraudulent."
"Active pa naman ang case, 'di ba?"
Pagod niya akong tiningnan. "It's not a cold case, but it's not active either."
"Kung matunton pa 'yong kasabwat na staff na nagpakilala sa'kin sa mag-asawa mas mapapabilis ba ang paghahanap?" sabi ko, naghahanap ng panibagong pag-asa.
"It may crack the case," sagot ni Jok. "Pero ayokong umasa ka, Doc Abby. As what I always tell you, it's been six years pero 'di pa rin lumilitaw ni anino ng staff na 'yon."
"Ibigay mo na lang sa'kin 'yan," saad ko sa mapait na tono. "Iyan na lang ang nagpapatulog sa'kin sa gabi kahit papaano. I just need a bit of hope."
"Hope..." napangiti siya. May pamamanglaw na ngayon sa mga mata niya. "I thought doctors don't sleep?" dugtong niya. Bumalik ang gaan sa boses niya.
Ngumiti lang ako at tumayo na para sa pag-alis. Inilapag ko ang bote ng vodka sa ibabaw ng makalat niyang mesa.
"See you next time, Attorney," paalam ko. Tumalikod na ako at lumabas ng kuwarto. Napangisi ako nang maalala na hindi ko na naman binayaran ang in-order na vodka.
Apat na oras lang ang naging tulog ko. On duty na ako kaagad kinabukasan. Nasanay na rin ako sa hectic schedule ko at kahit kailan hindi ko makuhang magreklamo rito. Ginusto ko rin ito para naman maiwasan ko ang mag-isip tungkol sa nakaraan. My work helps me recover bit by bit. It helps me forget temporarily.
Kakadating ko lang ay ipinatawag kaagad ako ni Doc Marco sa opisina niya. Nagkausap kami at sinabi niya sa akin na kinausap niya na raw si Theo tungkol sa inasal nito sa loob ng operating room. Ang sabi ko naman wala lang iyon sa akin but the veteran doctor insisted. Ang sabi niya na maski nahirapan siyang sungkitin si Theo para palipatin sa Makati Medical Center, hindi niya pa rin daw mapapalampas ang ginawa nito. Doc Marco told me that what Theo did was uncalled for. Our situation needed to be fixed with utmost professionalism. And now he wants Theo and I to work together.
Pag-iyak ng bata ang nadatnan ko sa ER. Napilitan akong sundin ang utos ni Doc Marco na mag-assist kay Theo para sa potential for surgical operation ng isang seven years old na batang lalaki. When I heard about this, umalma na kaagad ako kay Doc Marco hindi lang dahil kay Theo kundi dahil na rin sa magiging pasyente. Hindi naman nagpatinag sa desisyon si Doc Marco. Ang sabi niya sa akin, makakatulong daw ito para sa kinakaharap na problema ko bilang doktor.
Gustuhin mang umatras ng sikmura ko at lumiko ng mga paa ko sa ibang deriksiyon, nagpatuloy pa rin ako sa paglapit sa kanila. Nakaluhod ang isang tuhod ni Theo habang nakatingala siya sa umiiyak na bata na nakaupo sa gilid ng kama na nasa harap niya. Nakaantabay ang mga magulang nito sa gilid habang pinagmamasdan ang mapanuring tingin ni Theo sa malaking sugat sa paa ng bata.
Dumapo ang tingin ko sa kamao ni Theo na may maliit na bandage din. Sa ilalim nito ay sugat na alam kong galing sa pagsuntok niya sa pader noong nangyaring komprontasyon sa pagitan naming dalawa.
"Are you going to cut my leg?" hikbi ng bata. Nakita ko ang takot sa mga mata nito maski sinusubukan nitong magpakatatag sa harap ni Theo at sa mga magulang.
"Of course not," tugon ni Theo sa malumanay na boses. "We're just going to clean your wound and then stitch it real fast. It'll be really quick, you won't even feel it."
Naalala ko ang nakaraan sa banayad na boses ni Theo. Ang galing galing niya talagang makitungo sa mga bata simula pa noon. He was very gentle with kids even before.
Marahang tumango sa kanya ang bata. Napabaling ito ng tingin sa akin at napansin iyon ni Theo.
"Right, Doc Abigail?" ani Theo na naghahanap ng sasang-ayon sa kanya.
"Y-Yes..." Nabigla ako sa pagtawag ni Theo sa akin. Tumikhim ako at inayos ang sarili. I looked at the kid reassuringly. "Tama si Doc Theo..." nangapa ako sa pangalan ng bata.
"Rey," si Theo ang tumulong sa akin. "This brave kid is Rey." Nag-angat siya ng tingin sa mga magulang ng bata. "I will clean his wounds and then Doctor Abigail Manalo will stitch them..."
Tumango ang mga magulang ng bata. They both looked at me expectantly. Naalarma naman ako dahil sa ipinaalam ni Theo sa kanila.
"Puwede ba kitang makausap saglit, Doc Theo?" sabi ko sa mahinang boses. Tama lang para marinig niya.
Tumayo na nang maayos si Theo. "Excuse us," aniya sa mga magulang ng pasyente.
Nagpunta kami sa may sulok kung saan hindi na dinig ng mga magulang ng pasyente ang mga boses namin.
"I can't stitch his wound," mariing apila ko.
Nanliit ang mga mata ni Theo na para bang hindi niya naisip na magrereklamo ako. He crossed his arms as he stared at me.
"It may be a big wound but it's not too deep," pahayag niya. "Sigurado naman akong kayang tahiin 'yan ng mga doktor na kagaya mo."
"I can stitch other people's wounds but not of kids'," giit ko. "Alam 'yan ng department and they give me consideration—"
"So what are you saying exactly? You choose your patients?" marahas na tanong ni Theo. "As far as I know that is not how a hospital works. That's not how a doctor operates."
Natutop ko ang bibig at ang lahat sanang ipapaliwanag sa kanya. Pero naisip ko rin na kapag ginawa ko iyon, mas dadami lang ang mga tanong niya. Mga tanong na mas huhukay pa sa ilalim.
"Hindi ko kaya, Theo," namaos ang boses ko.
Pinagmasdan niya ako ng ilang sandali. Nagtagal ang titig niya sa mga mata ko. His eyes were neither cold nor gentle. They were closed and distant. Hindi ko abot. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.
"You will do it," pasya niya sa huli. "This is part of your training."
"Ikaw na lang ang gumawa, please..." Halos pagmamakaawa ko na kahit pa nakakahiya. My anxiety started attacking me. "Ayaw kong magkamali..."
"Pa'no kung wala ako? Ipapasa mo ang trabaho sa iba?" malamig na tanong niya. "Don't you feel for the patients? Don't you feel for the kid?"
Kid. Ni ang iligtas nga ang anak natin hindi ko nagawa, Theo. Gusto kong sabihin sa kanya pero pag-iling lang ang nakayanan ko.
He gazed at me disappointingly. As if his expectations of me were so high. Bakit naman mataas ang inaasahan niya sa akin kung hinusgahan na niya ako sa nakaraan? Hindi ba at mistress ng ama niya ang tawag niya sa akin noong komprontasyon namin?
"Wala ka bang batang pamangkin? Anak ng kaibigan? Anak?" ratsada ni Theo. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko dahil nakatanga lang akong nakatingin sa kanya. "Don't you have a kid of your own?"
Natigilan ako bahagya sa huling tanong niya. Wala siyang ka-ide-ideya na meron kaya naman patuloy ang walang habas na pagtatanong niyang sumusugat nang matindi sa akin.
"W-Wala," sabi ko, paubos na ang lakas.
"You sure you don't have a kid?"paniniguro niya. Sa inaasta niya ay parang wala na siyang tiwala sa mga sinasabi ko dahil sa nakaraan naming dalawa.
I do. I did. I lost her, Theo. I lost our daughter. Gusto kong isigaw sa kanya. Gusto kong makita ang reaksiyon niya. Gusto kong makita rin ang pagwawala at hinagpis niya bilang isang magulang na nawalan ng anak. Gusto kong magdusa rin siya kagaya ng pagdudusa ko magpahanggang ngayon. Pero lahat ng iyon ay kagustuhan lang ng makasariling ako. At hindi ako makasarili.
"W-Wala," pagtanggi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top