Chapter 21

Chapter 21

Unprofessional

"Doc Abigail?" Dinig kong boses mula sa malapit pero pilit pa rin akong hinihila ng nakaraan sa malayo.

"Doc Abigail Manalo?"

Ilang ulit akong napakurap. Tumambad sa akin ang nag-aalalang hitsura ni Nurse Risa.

"I'm sorry. Ano nga ulit 'yon?" paghingi ko ng paumanhin.

"Tungkol sa dosage ng gamot na oxycodone ng patient sa room 37. Stable na kasi ang vitals niya. Should we decrease it?"

"Yes, that would be better. Ire-relay ko lang kay Doc Marco for official permission. Let's stick to the protocol."

"Masusunod, Doc," mapaglarong sagot ni Risa sabay saludo pa. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin. "Sigurado ka bang okay ka lang?"

"Yes. I just... spaced out a bit."

"Baka kailangan mo munang mag-break," suhestiyon niya. "Straight din kasi ang duty mo. Kapos na kapos ka talaga sa tulog."

"Magpapahinga ako ngayong weekend," sabi ko para mapanatag na ang loob niya.

"Pang-ilang beses mo ng sinabi 'yan tapos 'di mo naman ginagawa. Pumapasok ka pa rin."

Bago pa man ako makasagot ay may sumagot na para sa akin.

"Ganyan talaga kasipag si Doc Abby," sabad ni Doc Eric sabay kindat sa akin. "Ikaw ba naman ang maging isang most hard working first year resident ng Makati Medical Center..."

"Try mo kayang maging ganyan din, Doc Eric," pang-aasar sa kanya ni Nurse Risa.

Napangiwi si Doc Eric. "Nahirapan nga akong pumasa sa board exam, maging most hardworking resident pa kaya."

Pareho kaming mahinang natawa ni Nurse Risa sa sinabi ni Doc Eric. Pansamantala ko na namang naisantabi ang sakit ng nakaraan.

"Hindi na nga yata ako makakapag-asawa nito," pagpapatuloy ni Doc Eric gamit ang pilyong boses. "Kung mag-aasawa man ako dapat sa isang doktor din."

Umikot ang mga mata ni Nurse Risa. Nagsisimula na naman kasi si Doc Eric sa mga pasaring niya.

"Bakit daw kailangang si Doc Abby—este bakit naman daw, sabi ni Doc Abby?" patuyang tanong ni Nurse Risa.

Kumurba ang sulok ng labi ni Doc Eric na pareho ko namang nasa first year residency din.

"Para kahit parehong sobrang busy kami, puwede pa ring maglambingan sa loob ng emergency room."

Humagikgik si Nurse Risa at ang isa pang nurse na katabi niya.

Nailing na lang ako habang pinapakinggan ang nakasanayan ng patutsada ni Doc Eric. Bumaling siya sa akin. Naging seryoso na ang hitsura niya.

"Pinapatawag ka pala ni Doctor Marco. Dumating na raw kasi 'yong bagong GS. Ikaw yata ang napiling mag-aasist. Lucky you."

Nurse Risa and I exchanged looks. Alam namin pareho kung sino ang bagong general surgeon ng ospital.

"Si Doc Carmen yata. Mag-o-observe lang ako," sabi ko.  Nagdadasal na iyon nga ang mangyayari.

Nagkibit ng balikat si Doc Eric. "Puntahan mo na. Sa outpatients department lang ako."

I nodded at him. Naglakad na siya sa deriksiyon ng outpatients department. Naiwan naman akong nakatanga pa rin sa harap ng information desk.

"Punta ka na," sita sa akin ni Nurse Risa.

"Maaga pa naman..."

"Pinapatagal mo lang, Doc Abby."

"Nakita mo ba ang pagpasok ng... bagong surgeon?" tanong ko sabay kabadong sulyap sa magiging opisina nito.

Napapilitik pa si Risa ng kanyang dila. " 'Di mo pa talaga mapangalanan, eh ano. Oo, nakita ko."

Bumaling ako sa kanya. "T-Talaga. How was..."

"Parang Iceland."

"Huh?" Nagkasalubong ang kilay ko.

"Ang super cold, eh," nguso ni Nurse Risa. "Nagyeyelo sa lamig."

Mas naging kabado lang ako matapos ang pag-uusap namin ni Nurse Risa. Sa tagal ba naman ng pagkakakilala ko sa kanya, alam ko nang sinasabi niya talaga kung ano mismo ang nakikita niya. Kaya malamang na magiging malamig na ang pakikitungo ni Theo at mas naging istrikto pa ito.

Gustong bumigay ng mga binti ko habang naglalakad papunta sa opisina ng head surgeon ng ospital. Kung anuman ang maaaring sabihin nito ay parang ayaw ko nang marinig pa. Lalo na at may duda ako na tungkol nga ito sa gagawing surgery.

Huminto ako sa tapat ng pinto ni Doc Marco at dalawang beses na kumatok. Nang marinig ang mahinang boses niya ay binuksan ko na ang pinto at pumasok na sa loob.

Naupo ako sa tapat ng desk niya. "Pinatawag niyo raw po ako?"

"Doctor Theo is back," panimula niya, "I am sure you are fully aware of that."

"Yes, I've heard of it."

"He is now practicing as a general surgeon. He's been a huge asset in some of the renowned hospitals in Canada. Mabuti nga at nakombinsi ko na bumalik dito sa ospital natin."

Hindi ako kumibo at naghintay lang sa kung anuman ang susunod na sasabihin ng beteranong surgeon.

"Now, I've heard that you've been studying the medical chart of the patient who has been scheduled for an operation this afternoon."

"B-Balak ko po sanang mag-observe sa gagawing surgery..."

"I think you should go in. Assist the surgery. It's only a simple one especially with the set of skills that Doctor Theo has, but it will be a good training for you." Sinabi na nga niya ang kinakatakutan ko. " Since you have an interest to become a surgeon yourself."


Hindi ako umimik. Tiningnan naman niya ako gamit ang mapanuring tingin.

"Is there a problem?"

"I can't work with him on this surgery," I complained, medyo naging prangka na.

"Ayaw mo bang mapagtibay ang residency mo, Doc Abigail?"

Napahilot ako sa sentido. I felt frustrated again because of the current situation. Sumandal ako sa backrest ng upuan at huminga ng malalim. Ni hindi nakatulong sa asiwang nararamdaman ko ang lamig ng silid. Muli kong tiningnan si Doc Marco.

"He's not going to work with me," reklamo ko. Sa inaasal ay mistulang isang batang nagsusumbong.

"You don't know that," kalmanteng tugon ng beteranong doktor.

Nanatili akong tahimik at nagmamakaawa siyang tiningnan. Pinagmasdan niya rin ako pabalik at marahil ay may nakita siya sa hitsura ko kaya nagpakawala siya ng isang mabigat na buntonghininga.

"That was what? Five? Six years ago? Siguro naman naka-move on na iyon," pampalubag loob niya.

Maagap akong umiling. I know in my heart that he still hates me. Hindi alam ni Doc Marco ang buong istorya. Hindi alam ni Doc Marco ang pinanghuhugutan ng galit sa akin ng bagong dating na general surgeon ng ospital.

"You should go now," pangungumbinsi sa akin ng kaibigan kong doktor matapos niyang sulyapan ang orasan sa pader.

"Wala ba talagang iba na puwedeng pumalit sa akin? How about Doctor Carmen?" pagtutukoy ko sa isa sa mga fellow doctors ng ospital. Desperado kong kapit sa huling alas.

"She has another surgery."

"Does he... know that I will be assisting him?" sa maliit na boses ko sinabi.

"Sigurado akong alam niya."

Natahimik ako ng ilang minuto. Sa huli ay wala rin akong nagawa. Kailangan kong gampanan ang trabaho ko. I took an oath as a doctor. Hindi ko dapat biguin ang pasiyente. Tinanggap ko na ang kapalaran at nagpaalam sa head surgeon ng ospital.

I took a deep breath in front of the operating room. Ngayon ay suot ko na ang blue scrubs. Bahagya kong itinaas ang dalawang kamay at huminga ng malalim. Ilang sandali pa ay pinagbuksan na ako ng pinto.

Isang beses akong humakbang papasok at huminto rin. Nakita ko ang pamilyar na hitsura ng mga kasamahan ko na rin sa General Surgery Department. At sa gitna nilang lahat ay nakita ko siya ulit. He was looking at me intently as well. Walang ni isang staff sa loob ng OR ang gumalaw o nagsalita. Alam nilang lahat ang nakaraan naming dalawa.

It was a defeaning silence. Tanging tunog ng medical equipments ang maririnig.

"H-Hello, Doctor Hemendez. I... I will be assisting your surgery—"

"No," malamig na pagputol niya sa akin. Kasing lamig ng kanyang tingin. He then turned to look at the nurse beside him. "Get me a fellow here."

Napasulyap si Nurse Relani sa akin. Maski siya ay hindi alam ang gagawin.

Nilakasan ko ang aking loob. "I'm about to finish my first year of residency. I have had assisted plenty—"

"I don't trust you." His words rang with cold finality. Batid ko ang iba pang pinanghuhugutan ng paninindigan niyang ito.

"Again, get me a fellow here," utos niya. May pagbabala na sa likod ng kanyang boses.

Mabilis na naglakad si Nurse Relani papunta sa sulok kong nasaan ang telepono. Kaagad siyang nagdial ng numero rito.

Yumuko ako at tinanggap ang desisyon niya. Tumango ako at dahan-dahang tumalikod. Sa huli, tinupad ko ang gusto niya. I went out of the operating room.

Bigo akong naupo sa bench na nasa labas ng OR. Napatingin pa sa akin ang dalawang babae na marahil ay immediate family ng pasyente na nasa loob. Hindi ko alam ang iniisip nila sa akin ngayon. A doctor who got kicked out from the operating room? How pathetic. Nagrereklamo man ay wala akong ibang nagawa. At tulad din nila, tatlong oras akong naghintay na matapos ang surgery.

Kung ganito ang magiging turing niya sa akin ay hindi ko alam kung paano kami makakapagtrabahong pareho sa iisang ospital. He is still bitter of the past.

Naalerto ang buong sistema ko nang bumukas ang pinto ng OR. Tumayo ang dalawang babae sa tabi ko at nilapitan na ang surgeon ng kapamilya nila.

Nag-usap sila at base sa masasayang hitsura ng dalawa ay alam kong naging matagumpay ang operasyon. Walang sawa ang ginagawa nilang pagpapasalamat sa kanya.

Mabilis akong tumayo nang makita na ang pag-alis ni Doctor Hemendez. Determinado ko siyang sinundan.

"That was unfair!"sambit ko, hindi na napigilan pa ang sarili.

Awtomatiko siyang natihil sa paghakbang. Unti-unti niya akong nilingon.

"What did you just say?" marahan at mapanganib niyang tanong.

Hindi ako nagpatinag. I know him. Or do I?

"Masyadong unprofessional ang ginawa mo kanina,"pagpapatuloy ko baon ang lakas ng loob. "If what you did earlier was because of our past, Theo—"

He grinned but the look on his eyes was menacing. "Ang taas naman ng tingin mo sa sarili. Even without our past, I still don't trust you."

"Why? Kung hindi dahil sa nakaraan bakit ayaw mo akong makatrabaho?"paos at mahina kong tanong.

"It was a complicated surgery." Nag-iwas siya ng tingin. His jaw clenched.

"Liar."

Marahas siyang bumaling ulit sa akin. "I'm not like you. "

Kinontrol ko ang sarili at nakipagtagisan lang ng titig sa kanya.

"If you're questioning my skill as a doctor..."

"You're still a resident doctor," agap niya. He sarcastically smirked. "Nagtataka ako kung paano ka nakakapag-assist sa isang komplikadong surgery. Do you also sleep with doctors from the high ups these days—"

Isang sampal. Isang malakas na sampal ang itinugon ko sa panghuhusga niya sa pagkatao ko.

"How... How dare you . . ." Puno ng panginginig ang boses ko. Ikinuyom ko ang palad na isinampal sa pisngi niya. "Ang sama mo.. Ang s-sama sama mo para tratuhin ako ng g-ganyan. . ."

Umigting ang kanyang panga. Puno ng pandidiri at pagkasuklam ang kanyang mga mata.

"You were my father's mistress. How else do you want me to treat you?"

Halos matumba ako sa bigat na dumagan sa puso ko dahil sa sinabi niya. Tell him! Tell him the truth. Tell him why you had to do it! Sigaw ng utak ko ngunit hindi naman kayang panindigan ng bibig ko. Tulad na lang ng nakaraan ay wala akong ibang nagawa. I looked at him with pleading eyes. Hoping for him to understand. Begging him to search for the truth himself.

"Tell me, Clau or shall I say tell me, Doctor Abigail Claudine Manalo," binabalot ng pait ang bawat pagbigkas niya sa buo kong pangalan. "Did you think of my father while you slept with me? Did you wish it was him beside you while you were in bed with me?" Bumalatay ang sakit at pang-aakusa sa kanyang mga mata. "Did you . . .  even love me?"

"Ang . . . Ang tagal na no'n, Theo," tanging nasabi ko sa mahinang boses.

Napasinghap ako at napatakip sa bibig nang suntukin niya ang pader. Malutong ang sunud-sunod na pagmura niya. Nagtagis ang kanyang bagang.

Tiningnan ko ang kamay niya at nahindik sa nakitang dugo na dumaloy mula rito. Sumabay dito ang pagbuhos ng mga luha ko.

"T-Theo. . ."

Tinitigan niya ang kanyang nagdurugong kamao. Ni isang beses ay hindi niya ako sinulyapan. It was like I wasn't even there. Just him, his anger, and his pain. He turned around and walked away.

I wanted so bad to tell him the truth. Pero paano ko gagawin iyon? Paano ko sasabihin sa kanya ang katotohanan kung lalo lang itong ikawawasak ng buhay niya?

Paano ko isisiwalat sa kanya ang ginawa ng ama niya? Magdudulot lang ito ng paghukay sa lahat ng nangyari sa nakaraan. Pati ang pagkawala ng anak namin ay mauungkat din. Hindi ko kaya. Hindi pa ako handa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top