Chapter 19

Chapter 19

Red

Nanlamig ako. Nakaupo man sa tapat ko si Attorney Pelaez, parang mag-isa pa rin ako sa mesa. Mag-isang inuunawa ang lahat.

"Paanong... Hindi ko..." pangangapa ko.

"We were friends," paliwanag ni Attorney. "Arthur was one of my brothers... Brothers bonded by our fraternity in college."

"Pero pa'no nadamay ang nanay ko?" mariin kong tanong.

"Arthur fell for your mother. Hindi ko siya masisisi. Your mother was beautiful, kind, smart..." Malungkot siyang napangiti at may kakaibang kislap na sa mga mata niya.

"You also fell for her," komento ko sa mahinang boses nang mapagtanto ang lahat.

"Yes, I did," pag-amin niya. "Inocencia was a charming woman. Pati nga ang atensiyon ng isang dating Governor Teodoricio Albes ay nakuha niya."

Muli kaming natahimik habang pinoproseso ko ang lahat.

"Pero sa huli, ang nag-iisang Julio Manalo lang ang binalingan ng tingin ni Inocencia," pagpapatuloy ni Attorney.

"At ikinagalit iyon ni Doctor Arthur Hemendez," dugtong ko, napagtagpi-tagpi na ang lahat. "Kaya niya pinatay ang nanay ko—"

"Arthur refused to operate on your mother," pagtatama niya. "He eventually regretted it in the end but—"

"Anong pagkakaiba no'n?" Sa galit at matinding emosyon ay napaahon ako sa kinauupuan. "Kung inoperahan niya sana si nanay, hindi sana siya namatay. Hindi sana sumunod ang tatay ko dahil sa sama ng loob at pagsisisi. Hindi sana ako naulila!"

Natahimik siya. Wala akong pakealam maski pinagtitinginan na kami ng iba pang customers sa café dahil sa bahagyang pagtaas ng boses ko.

"At kayo? Wala kayong ginawa," marahas na paratang ko. "Pinagtakpan niyo siya sa loob ng mahabang panahon! Bakit? Dahil ba kaibigan niyo siya at mahirap lang kami?"

"I'm sorry, hija," bigo niyang saad. "We should have done more. Arthur took an oath as a doctor. Maski kahit man lang iyon ay tinupad niya..."

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong ipinapakita ng mga mata ko. Siguro ay ang pagkasuklam sa kanila para sa dinanas ng ina. Anong karapatan nilang paglaruan ang buhay ng isang tao. Nagtiwala ang nanay ko sa kanila. Nagtiwala siya kay Doc Arthur hindi lang bilang doktor kundi bilang kaibigan na rin. Hindi ko maintindihan kung paano nila naatim na gawin iyon sa isang kaibigan.

"The guilt and burden of the past had been eating me," dagdag niya. "And when a dear friend of mine passed away, it had swallowed me whole."

"Anong magagawa ko ngayon?" walang lakas na sambit ko. "Kung magpa-file ba ako ng lawsuit bilang medical malpractice kay Doc Arthur may bisa pa 'to? Ang tagal na panahon na no'n..."

"I am afraid you are right," mapait niyang sinabi.

"Bakit ngayon ka lang lumabas? Wala na ang nanay ko..."

Napayuko siya marahil sa kahihiyan na rin. Pare-pareho lang silang lahat. Hindi ko kayang magpasalamat sa kanya para sa katotohanang sobrang tagal niya namang inilihim. Ano pa ang silbi nito? Para lang mawala ang guilt at malinis ang konsensiya niya? Paano naman ako?

Nagdilim ang paningin ko nang pauwi na ng apartment sakay ng taxi. Nagdulot ng ibang klaseng galit ang naging pag-uusap namin ng matandang abogado. Walang lakas akong nag-abot ng pamasahe sa drayber ng taxi at lumabas na ng sasakyan. Hindi pa nakakadalawang hakbang ay nag-ugat na sa lupa ang mga paa ko. Tumambad sa akin ang lalaking hindi ko inaasahang makikita sa araw ding iyon.

"I'm sorry," sambit ni Theo. Nakatayo siya sa harap ng pintuan ng apartment ko. "I love you. I don't care if you liked my father. What we have is what matters the most."

Walang pasabi ang ginawang pag-uunahan sa pagbuhos ng mga luha ko pero hindi ako lumapit sa kanya.

"Clau, I'm sorry for hurting you. Sorry kung mas pinili ko ang umiwas. Nasaktan lang ako." Bumalandra ang sakit sa mga mata niya. Tumagos ito sa akin. Tumagos pa rin kahit na sobrang dami ko ng pasa sa lahat ng mga rebelasyon sa araw na iyon.

Lumakas ang hikbi ko. Ipinirmi ko pa rin ang distansiya naming dalawa. Hindi na talaga kami puwede sa isa't-isa. He took a step forward. Wala sa sarili akong napaatras dahil na rin sa takot.

"Claudine..."

"Diyan ka lang!" awat ko sa nanginginig ng boses. Pinagmasdan ko siya pero kahit anong gawin ko ay nakikita ko pa rin ang ama niya sa mga mata niya. Umusbong ulit ang galit ko.

"Umuwi ka na lang, Theo..."

"Dahil ba gabi na? Puwede naman akong bumalik bukas, 'di ba?" Dama ko ang paghahanap ng pag-asa sa boses niya.

Suminghot ako at pinaatras ang pagbuhos ng panibagong luha. Nagmamakaawa ko siyang tiningnan. Alam kong wala siyang kaalam-alam sa ginawa ng ama niya sa nanay ko. At maski ako na nakakaalam na ng katotohan, wala ring lakas para sabihin sa kanya.

"Kapag tinititigan kita, si Doc Arthur ang nakikita ko..." hirap na hirap kong sinabi.

Napapikit siya at nakita ko ang pagtagis ng bagang niya. "Ako naman ang mahal mo..."

Bumalik sa akin ang ginawa ni Doc Arthur sa nanay ko. Ang desperadong mukha ng tatay ko.

"Paano ko makakalimutan si Doc Arthur kung lagi kitang makikita?" matapang kong tanong. "Kung lagi kitang kasama..."

"You were only confused," mariin niyang saad. "You only admired him because he saved you. I get it now."

"Hindi ko siya kayang kalimutan!" Halos sumigaw na ako. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya at alam kong dahil iyon sa iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko.

Huminga ako nang malalim dahil kung hindi ko gagawin, baka sumabog na ako sa galit sa harapan niya.

"Ang dami niyang ginawa para sa'kin," pagpapatuloy ko sa nanggigigil na boses," sa pamilya ko... lalong-lalo na sa nanay ko—"

"You like him that much, huh?" pagputol niya sa akin. Hirap na hirap akong suklian ang nagsusumamo niyang mga mata. "Ganyan ba ang sukatan ng pagmamahal mo, Clau? Kung sino 'yong mas maraming nagawa?"

Tumango ako at kinimkim lang sa sarili ang ginawa ng ama niya. Sinarili ko ang totoong dahilan ng pagtataboy sa kanya. Kung sasabihin ko ang lahat sa kanya,  makakatulong ba naman ito? Hindi. Masisira lang pati ang paniniwala at buhay niya.

"Kaya umalis ka na lang dahil 'di rin naman tayo para sa isa't-isa. Hindi kita kayang...mahalin," malamig kong saad bago pa bumigay sa harap niya.

Hindi siya kumibo at nagkatitigan lang kami. Pinagmasdan niya ang bawat sulok ng mukha ko na para bang sinusuri kung may katiting akong kasinungalingan mula sa lahat ng sinabi. Para makumbinsi lang si Theo ay inalala ko ang galit sa ama niya at ang maaaring kahihinatnan nito. Sa huli ay napaniwala ko siya.

Isang beses siyang tumango at dahan-dahang naglakad paalis, papunta sa nakaparada niyang sasakyan. Bagsak ang magkabilang balikat niya. Parang tulala niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob.

Dahan-dahan na rin akong humakbang palapit sa pinto ng apartment. Binuksan ko ito at pumasok na rin. Hindi ko narinig ang pag-andar ng sasakyan ni Theo. Batid kong nanatili pa siya nang matagal sa labas ng apartment ko. Sumandal naman ako sa likod ng pinto habang hinihintay ang pag-alis niya. Ang tagal nito. Para bang habang buhay na. Para bang doon na siya titira at sa likod ng pinto naman ako mananatili.

At nang marinig ko ang pagbuhay ng sasakyan niya nang mag-uumaga na ay may namatay naman sa loob ko. Tama nga siya sa sinabi niya noon sa talon tungkol sa pagmamahal niya. Nagpapalaya nga ito.

Wala na akong panahon pa para paghilomin ang sakit ng puso sa nangyari sa amin ni Theo. Inokupa na kaagad ito ng galit.

Gusto kong maghiganti at papagbayarin si Doc Arthur sa hindi niya pagganap sa tungkulin niya, sa pagtalikod niya rito para lang sa pansariling interes. Gusto ko siyang managot kahit pa matagal na panahon na ang nagdaan. Hindi siya mabuting tao.

Sa kabila nito, pinangunahan pa rin ako ng pagiging patas. Naisip ko rin na kailangan ko siyang personal na komprontahin. Kailangan kong pakinggan ang dahilan ng pagtalikod niya sa nanay ko. Sa kasulok-sulukan ng puso ko, umaasa pa rin ako na mali ang paratang ni Attorney Pelaez. Gusto ko pa ring maniwala na mabuting tao si Doc Arthur. Gusto kong umasa na puwede pa kami ni Theo.

Pinuntahan ko si Doc Arthur sa clinic niya kinabukasan. Walang masyadong nagbago sa loob nito. Napakapamilyar pa rin nito sa akin. Masyado pa rin itong simple.

Naghintay ako ng halos kalahating oras dahil may pasyente pa siyang kasalukuyang kinukunsulta. Inignora ko ang paninitig sa akin ng babae niyang sekretarya. Nagtataka siya kung bakit hindi ko sinasabi ang pakay ko sa matandang doktor.

Sabay na lumabas ng consultation room si Doc Arthur at ng kanyang babaeng pasyente. Nagtagal ang tingin ko sa ngiti ng ama ni Theo habang kausap ang babae. Ilang pasyente na kaya ang naloko ng ngiti niya?

Natigil ang pag-uusap nila ng pasyente nang dumapo ang tingin niya sa akin. Narinig ko ang mahinang pagpapaalam ng pasyente sa kanya.

"Pinaniwala mo ba siya na ayos lang ang lagay niya at hindi na niya kailangan pa ng surgery?" agarang tanong ko paglabas ng pasyente. "Oo nga pala... You don't practice surgery anymore. Bakit kaya?"

Sinulyapan ni Doc Arthur ang kanyang sekretarya. "Iwan mo muna kami," utos niya rito na kaagad namang sinunod nito. Nang kami na lang dalawa ay binalingan niya ulit ako. "I told you, Abby, I lost... interest," kalmante niyang tugon at saka iminuwestra ang upuan. "Bakit hindi ka muna maupo? May gusto ka bang pag-usapan?"

Nagtiim bagang ako at nanatili sa puwesto. Matalim ko siyang tiningnan. "Pa'no mo nakukuhang tawagin ang sarili na isang doktor kung may pinatay ka naman?"

Napuna ko ang gulat sa mga mata niya. Mabilis naman itong napalitan ng kalituhan dahil sa pagkunot ng kanyang noo.

"Hindi kita naiintindihan. I thought you are here to talk about Theo..."

"Kinailangan ng nanay ko ng heart surgery. Ikaw dapat ang surgeon niya," nagpatuloy ako maski nakitaan ng gulat ang mga mata niya. "You refused to operate on her on the last minute. Urgent surgery 'yon at ikaw dapat ang gagawa no'n."

"Abby..."

"Totoo ba?!" sigaw ko. "Bakit inayawan mo siya? Bakit nasa medical records niya na siya ang umayaw dahil walang pera. Dahil ba gusto mong pagtakpan ang ginawa mo?" Nagpupuyos na ako sa galit.

Hindi siya nagsalita. Hinabaan ko ang pasensiya para pakinggan ang rason niya. Para matuldukan na ang lahat ng katanungan ko at makausad na sa buhay.

"Nadala ako," hirap na pagsisimula niya, "ng matinding selos dahil hindi ako ang pinili niya..."

"Hayop ka," marahan kong sinabi. "Wala kang karapatan na gawin 'yon sa kanya!"

Pumikit siya nang mariin at lumandas ang luha niya. Dumilat siya at parang ilang taon ang nadagdag sa hitsura niya. He opened his palms and stared at them.

"But the moment I realized what I had done, I was already too late. Isang oras lang ang pagitan, Abby." Namaos at nanghina na ang boses niya. "She died. I was too late..."

"Pinatay mo siya..." nanginginig kong sinabi.

"I should have operated on her sooner. Hindi dapat ako tumanggi at inanunsiyong ipapa-assign siya sa iba. I knew the risks..."

Humiyaw ako sa sakit ng isang musmos na nawalan ng ina. Napaungol ako sa hinagpis habang naiisip ang kagustuhan sana ni nanay na mabuhay. Nagdilim ang paningin ko dahil sa galit na lumalamon sa sarili. Nahirapan akong huminga hanggang sa hindi ko na maramdaman pa ang mga binti ko. Napasapo ako sa tiyan dahil bigla itong namilipit sa sakit.

Lubusan akong nanghina hanggang sa hindi ko na maramdaman ang mga paa ko na nakaapak sa sahig. Ang huli kong naalala ay ang pagsigaw ni Doc Arthur bago ako nawalan ng malay.

I could not remember how many minutes or hours I lost consciousness. Naramdaman ko na lang sa likod ang malambot na kamang hinihigaan. Unti-unti kong binuksan ang mga mata at nahirapang mag-adjust sa silaw ng kulay puting paligid na nakikita. I quickly recognized where I was. Nasa loob ako ng ospital.

"Hi, Abby. How are you feeling?" malumanay na pamilyar na boses na narinig ko sa tabi. Napatingin ako rito at bumungad sa akin ang kaibigang doktor ni Doc Arthur na si Doctor Esme.

"Anong nangyari sa'kin?" tanong ko. Nagtataka kung bakit nasa loob ng kuwarto ang isang OB.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay napabaling ang doktor sa gilid. Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Doc Arthur na papalapit na rin sa kama.

"You fainted," sagot ni Doc Esme sabay baling muli ng tingin sa akin. "It's due to over fatigue. You don't get enough sleep and signs of your early pregnancy..."

"Huh?" putol ko sa kanya. "P-pregnancy?"

Nanliit ang mga mata niya. "Hindi mo alam?" May sumilay na banayad na ngiti sa mga labi niya. "Yes, Abby. You are three weeks pregnant."

Pregnant? Buntis ako? May isang bata sa sinapupunan ko? Natulala ako habang pilit na iniintindi ang nangyayari. Kung sa akin ba talaga ito nangyayari o baka naman nakikinig lang ako sa sinasabi ng doktor sa pasyente... Pero ako ngayon ang pasyente.

"You should take more rest." Dinig kong pahayag ni Doc Arthur. "I will call Theo—"

"Hindi!" agarang pagtutol ko sa balak niya sabay baling sa kanya. "Hindi puwede!"

"Siya ang ama ng ipinagbubuntis mo," giit niya. "He has to know."

Paulit-ulit akong umiling. Natutulala man ay bumuhos pa rin ang mga luha ko dahil sa panibagong pasan. Nagmamakaawa kong tiningnan si Doc Arthur kahit na galit pa rin ako sa kanya.

"Mabuti pang magpahinga ka na muna, Abby," sabad ni Doctor Esme na kanina pa tahimik.

Hindi ako tumugon at nanatili lang na nakatingin kay Doc Arthur. Naghihintay ako sa desisyon niya. Naging panatag lang ako nang sa dulo ay malalim siyang napabuntonghininga at tumango. Kalaunan ay lumabas na silang dalawa sa kuwarto.

Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Hindi ako dinalaw ng pagod at antok. Nakatanga lang ako habang iniisip ang pagbubuntis. Ni wala akong sintomas na naramdaman sa mga naunang araw.

Ilang oras na ganoon ang ayos ko. I was numbed inside. Hindi ako makapaniwala na ang dami ng pinagdadaanan ko. Akala ko tapos na ang pasakit ko simula pa noong bata ako. Hanggang ngayon pa rin pala....

Umalerto kaagad ang sistema ko nang marinig ang biglang pagbukas ng pinto. Napawi ang kaba ko nang makitang hindi si Theo ang pumasok kundi si Doc Arthur.

Naupo ako at hinarap siya. "Gusto ko nang umuwi."

"You still need to undergo some tests. Kailangan nating masiguro na maayos ang lagay ninyo ng baby."

"Maayos ang pakiramdam ko. Wala akong ibang nararamdaman na abnormalities sa katawan," pagmamatigas ko.

Napahilot siya sa kanyang sentido. Ginawaran niya ako ng seryosong tingin. "You are a nurse, Abby. You are aware of the possible risks."

"Tinawagan mo ba si Theo?" pagsasatinig ko sa pangamba.

Umiling siya. "Hindi dahil 'yon ang hiling mo. But I beg you to reconsider your decision—"

"Ganyan din ba ang hiniling ng tatay ko sa'yo no'n?" malamig kong tanong. "Did he also beg for you to reconsider your decision about my mother's operation?"

"What do you want for me to do, Abby?" May pagsusumamo na naman sa boses niya na para bang siya itong nagdudusa. "Kung puwede ko lang sanang ibalik ang panahon..."

"Kaya mo ba ako tinulungan dati para maibsan iyang pagiging guilty mo sa nangyari?" Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "Hindi puwedeng malaman ni Theo na buntis ako. Hiniwalayan ko na siya at ayaw ko nang magkaroon pa ng koneksiyon sa kanya at sa pamilya ninyo."

"Pero paano ka? Theo has the right to the child. You need all the help you can get."

"Sa tingin mo ba talaga magiging maayos pa kami ni Theo pagkatapos ng mga nalaman ko?"

"Abigail..."

"Kapag sinabi mo sa kanyang buntis ako, sasabihin ko rin ang ginawa mo sa nanay ko," marahas na pagbabanta ko. "Masisira ka sa anak mo. Masisira ang credibility mo bilang doktor. Masisira ang pinaghirapan ng asawa mo. Hindi ako titigil hanggang sa masira at mawala ang lahat sa'yo..."

Alam kong nagtagumpay ako dahil sa takot na lumantad sa mga mata niya.

"Anong kailangan mo?" aniya sa hirap na boses. "That is also my grandchild. Let me help at the very least."

"Hayaan mo ako," matigas na utos ko. "Hayaan mo kami ng anak ko."

Nakaalis ako ng ospital ng walang sagabal. Dumaan muna ako sa ilang tests para masiguro ko rin na ligtas ang baby ko. Umalis ako ng apartment at walang kaproble-problemang nakaalis din mula sa pinagtatrabahuhang ospital dahil na rin sa kahuli-hulihang tulong na tinanggap ko mula kay Doc Arthur. At pagkatapos ng lahat ng iyon ay nawala ako sa buhay nila na parang bula.

Nang kumatok ang oportunidad para makapag-proceed ako ng Medicine ay pinagbuksan ko ito ng walang pagdadalawang-isip. Nakakuha kasi ako ng full sponsorship dahil isa ako sa sampong takers ng nakapasa sa sponsorship exam mula sa isang libong sumubok. Kaya naman kahit buntis, nag-aral pa rin ako dahil hindi naman naging maselan ang pagbubuntis ko.

Hindi ako nangamba na magkikita pa kami ni Theo dahil bukod sa umalis ako ng Maynila, balita ko ay umalis din siya papuntang Canada base sa napanood kong interview ni Madame Aurelia sa TV. Umusbong ang Pillars at mas namayagpag pa ito.

I was eight months pregnant when I had decided to go home to the province. Nagulantang nga sina Tiya Magda nang makita ako at ang tiyan ko. Sinabi ko sa kanila ang lahat. Isang buong gabi kaming nag-iyakan.

Sa San Pablo na rin ako nanganak. Pakiramdam ko ay napawi ang lahat ng mabibigat na pasan ko nang una kong makita ang maaliwalas na mukha ng anak ko.

"Anong ipapangalan mo sa kanya, Clau?" tanong ni Ate Meryl sa tabi ko. Nagsisiksikan kami nina Tiya Magda sa loob ng maliit na clinic. Malamig ang panahon at pasko na kinabukasan.

Pinagmasdan ko ang namumula ng magkabilang pisngi ng anak ko at ang mapusyaw niyang balat. Naaalala ko sa kanya si Theo.

"Red Claudia Manalo," nakangiting sambit ko. "Siya si Red..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top