Chapter 18
Chapter 18
Surgeon
Nakabibinging katahimikan ang sumunod noon. Sa sobrang tahimik ay narinig ko ang bawat malakas na pintig ng puso ko.
"Hindi.... totoo 'yan," si Theo sa mahinang boses.
"Ako mismo ang nakarinig ng confession na ginawa niya sa daddy mo," marahang paliwanag ni Madame Aurelia. "Believe me, son... I was also there. It made my blood boil."
Naikuyom ko ang mga kamay na nasa gilid. Para akong dinadaganan ng malaking bato habang pinakikingnan ang pag-uusap nila.
"I... I want to talk to her," si Theo na tila ba wala na sa sarili. "She will eventually tell me the truth."
"Why not ask your father instead?"
"Aurelia..." Dinig kong awtomatikong saway ni Doc Arthur.
"What? Tell your son!" bumalik ang pagiging matalim sa boses ng ina ni Theo. "Tell him before it's too late!"
There was a long pause. Nanginig ang labi ko habang nakakaramdam ng takot pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili na pakinggan sila.
"Yes. Abigail confessed her feelings for me and your mother heard it but I-"
Isang malakas na pagtama ng isang bagay sa pader ang sunod na narinig ko.
"Theo!" sigaw iyon ni Madame Aurelia.
Sa lubos na pag-aalala ko ay hindi ko na namalayan pa na umalis na ako sa pinagtataguan at tumambad sa harap nila.
Umawang ang labi ko nang makita ang kamao ni Theo na nakadikit sa pader. Mula kay Theo ay parehong nabaling ang atensiyon ng mga magulang niya sa akin. Hindi man gaanong maliwanag, nakita ko pa rin ang dilim ng tingin ni Madame Aurelia sa akin.
Wala akong pake. Ang tanging ipinag-alala ko lang ay si Theo. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ang unti-unti niyang pagbaling ng tingin sa akin.
"Leave us," malamig na utos niya, sa akin malamig na nakatitig.
"But, son-"
"I said, leave us!" matalim na pagputol niya sa sariling ina.
Hindi ko alam ang reaksiyon ni Madame Aurelia dahil nasa kay Theo lang ang buong atensiyon ko. Ilang sandali pa ay pagod na napabuntonghininga ang mga magulang niya. Hindi nagtagal, umalis din silang dalawa kaya naman ay naiwan kami ni Theo.
Nanghihina man ang tuhod ay naglakas loob pa rin ako na humakbang palapit sa kinatatayuan niya. Sa malapitan ay mas lalo lang akong nag-alala. Nakita ko ang sugat sa kamay niya nang ibaba niya ito at ang likido ng hindi maipagkakailang dugo na pumapatak sa lupa.
Mariin niya akong tinitigan. Nakita ko ang maraming katanungan sa mga mata niya. Mas nanaig pa rin dito ang paghihintay.
"I want to hear the truth from you," panimula niya. "Please be honest with me, Claudine."
Nagtiim bagang ako dahil sa matinding emosyon. Dahan-dahan akong tumango.
"My mother told me that you..." sa hirap ay hindi niya na rin madugtungan ang sasabihin.
"confessed of liking your father..." sa nanginginig na boses ko sinabi. Ako na ang nagpatuloy nito para sa kanya.
Nagkatitigan ka me. His eyes were of a man who was betrayed. At hindi ko siya sinisisi roon.
"So it's true then." Yumuko siya na para bang hindi pa rin makapaniwala sa ibinunyag ko. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at ibinalik ito sa akin. "I don't understand. Why would... why would you feel..."
"I had grown attached to him," paliwanag ko sa nagmamakaawang boses para pakinggan niya. "Siya ang tumulong sa'kin sa probinsiya... Pakiramdam ko siya lang ang karamay ko noon."
"You had feelings for him," hindi makapaniwala niyang sinabi.
"Theo, it was in the past. I was just con-"
"He's a married man and you knew that!" Tumaas na ang boses niya kaya napatalon ako sa gulat. "He's my father!"
Nanlabo ang paningin ko hindi lang dahil sa talim ng tingin niya kundi dahil sa sakit din na nakikita ko rito.
"And now you're with me. What does that make me, huh?" paos na tanong niya.
Kasabay ng paghakbang ko ay ang paglandas din ng mga luha ko. I stopped when I saw him flinched with just my mere step.
"Theo, mahal kita," nanghihinang sambit ko. Hindi ko alam kung tamang timing ba ang pag-amin ko ng tunay na nararamdaman. Ang alam ko lang, sinunod lang ng bibig ko ang sigaw ng puso at utak ko. It was too powerful that I could not stop.
Ang sakit lang dahil hindi man lang siya natinag. Nanatili ang kalituhan sa mga mata niya. He looked so lost as he gazed at me.
"At ngayon sa'kin ka naman umaamin..." mapait niyang saad. "Sa anak ka naman umaamin, Claudine."
"Inaamin kong nagkamali ako," desperada kong saad. "Mali ang pagkakaintindi ko sa nararamdaman ko para kay Doc Arthur. Napagtano kong lahat ng 'yon no'ng ni-reject niya ang feelings ko..."
"So you basically waited for him to reject you." Marahan siyang natawa pero nanatili ang pinaghalong galit at sakit sa mga mata niya. "Tingin mo ba mababawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil diyan?"
"Sinabi ko na sa'yo dati pa na may problema akong initindihin ang nararamdaman ko," paliwanag ko.
"I can forgive your feelings, but I can never forgive your lies..." pagbitiw niya. "Matagal tayong nagkasama sa probinsiya niyo pero 'di mo man lang nabanggit ang tungkol sa inyo ni Dad."
"Dahil natakot ako...sa magiging reaksiyon mo... sa iisipin mo." Bumuhos na ang mga luha ko. Gusto kong lumapit sa kanya pero natatakot ako na baka mas lalo lang siyang lumayo.
Bumaba ang tingin niya sa sugatang kamay. Inisip ko na may sasabihin pa siya ngunit nanatili siyang tahimik nang matagal. Ni hindi siya nag-angat ng tingin sa akin. Duwag ako at nagpirmi lang sa kinatatayuan habang hinihintay ang susunod na gagawin niya.
Tumalon ang puso ko nang gumalaw na ulit siya pero nadismaya lang nang pagtalikod sa akin ang ginawa niya.
"I'll call a taxi for you," aniya sa mahinang boses, nilubayan na ng lakas. "I'll make sure you go home safe."
"Theo..." Hindi niya pinakinggan ang tawag ko at nagsimula na siyang humakbang papalayo. Iniwan na niya ako.
Nagtagal pa ako sa sulok, umiiyak sa dilim. Naisip ko na baka umalis na sila ng pamilya niya iyon ay kung magkasama man sila. Nilapitan ako ng isa sa mga staff ng restaurant at binigyan ng tubig na para bang alam nito na kanina pa ako umiiyak. Mas lalo lang akong naiyak nang maisip na siguro inutusan siya ni Theo.
Tinupad ni Theo ang sinabi niya. Bumungad sa akin sa labas ng gusali ang taxi na inarkila niya. Kahit nasasaktan na siya, inaalala niya pa rin ang kapakanan ko. Mas kumirot lang ang puso ko habang pinagbubuksan ako ng driver ng pinto ng sasakyan.
Masyadong okupado ang isip ko na hindi ko namamalayang imbes sa apartment ay sa ELights pala ako nagpahatid. Nag-abot ako ng pamasahe sa driver pero mabilis niya akong inilingan. Binayaran na raw siya ni Theo.
Lumabas ako ng taxi at tiningala ang ELights. Hindi ito masyadong maliwanag sa labas pero alam kong bukas naman ito. Nilapitan ko ang malaking pinto at marahang itinulak. Nakita ko nga na walang tao sa loob. Natanaw ko naman agad sa may counter si Jok na kasalukuyang nagpupunas ng mga baso.
Isinara ko ulit ang pinto at nagpirmi na muna sa likod nito habang pinagmamasdan siya sa ginagawa. Marahil ay napuna niya ang presensiya ko. Mula sa basong pinupunasan ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Ilang saglit lang iyon dahil nagpatuloy ulit siya sa ginagawa.
Naglakad ako palapit sa counter. Nang marating ito ay naupo na ako sa isa sa mga stool.
"Long time no see, ah," bati ni Jok sa akin.
"Isang bote ng vodka, please," tugon ko.
"Next time talaga, maglalagay na ako ng padlock sa pinto," bulong niya pero tumalikod pa rin para kumuha ng inumin ko. Nilingon niya muli ako. He cocked an eyebrow. "One bottle? Not one shot?"
Nag poker face lang ako sa kanya. Naiiling niyang ipinagpatuloy ang pagkuha ng bote mula sa shelves.
Bitbit ang isang bote ng vodka ay bumalik na siya sa counter. Binuksan niya ang takip nito at nagsalinan sa isang baso.
Inilapag niya sa counter ang bote at iniabot naman sa akin ang baso. Kaagad ko itong tinanggap at nilagok ang inumin.
"Magsasara na 'ko mamaya kaya tatlong shots lang, ah," pasaring niya.
"Wala ka naman yata talagang balak magbukas," walang ganang komento ko sabay gala ng tingin sa buong bar.
"Bakit ba nagiging tanga ang tao pagdating sa feelings?" pagpapatuloy ko sabay pahid sa bibig gamit ang likod ng kamay. Ako na rin mismo ang nagsalin ng panibagong shot sa baso. Nag-angat ako ng tingin kay Jok at nakitang napangiwi siya.
"Problemang puso ba 'yan? 'Di ako magaling sa ganyan, sorry."
Lumagok ulit ako at ninamnam ang init ng lalamunan dahil sa alcohol. Hindi na ako nagsalita pa at tahimik naman siyang nakatingin lang sa akin.
"Na-in love ka na ba?" tanong ko ulit sa mahinang boses.
Tumango siya at imbes na sagutin ang tanong ko ay walang imik niyang kinuha ang baso ko na wala ng laman. Siya na mismo ang nagsalin ng vodka rito. Nagulat ako dahil siya rin mismo ang uminom nito.
"Ang unhygienic naman," maagap na komento ko.
"Papaghugasin mo pa ako ng isa pang baso," aniya sabay salin ulit ng inumin. Itinulak niya ang baso palapit sa akin.
Uminom ulit ako at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagtatanong, "So na in love ka na ba?"
"I think so..."
Naningkit ang mga mata ko. Hindi ko naman talaga gaanong kilala si Jok kaya wala rin akong alam sa personal na buhay niya.
"Ilang beses? Kanino?"
Kinuha niya ang bote ng vodka at nagsalin ulit sa baso.
"Isa lang," aniya at pagkatapos ay uminom.
"Hindi ka na na-inlove ulit?"
Napangiwi ulit siya. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa tanong ko o sa vodka.
"Pa'no naman ako ma-i-in love ulit kung 'di pa nga ako tapos ma-in love sa kanya..." he murmured.
Umawang ang labi ko. Pansamantala kong nakalimutan ang sariling problema dahil sa sinabi niya. Hindi ko sukat akalain na ang gwapo at halatang playboy na lalaking tulad ni Jok ay loyal pala.
Nilagyan niya ulit ang baso at itinulak ito sa akin.
"Inom ka pa para makauwi na 'ko," utos niya. "Lasinggera mo talaga. Sigurado ka bang nurse ka?"
"Sigurado ka bang abogado ka?" bato ko pabalik sabay turo sa nakadisplay niyang mga alcoholic drinks.
Ngumisi siya at saka kumindat. Muli kaming natahimik at nagpokus na lang ako sa pag-inom.
Hindi ko na mabilang kung ilang baso na ng vodka ang nainom ko. Ang gusto ko lang ay ang magpakalunod sa bigat ng nararamdaman.
"Tingin mo, ano'ng dapat kong gawin? Dapat ko ba siyang habulin?" Nagsimula na ang paghapdi ng mga mata ko.
"Amputa. 'Di nga ako marunong sa ganyan," sagot ni Jok.
"Pero bilang lalaki," dagdag ko, "kapag ba nagkakamali kaming mga babae, gusto niyo bang naghahabol kami sa inyo?"
"Maski naman 'di kayo ang mali, kayo pa rin minsan ang naghahabol," deretsahan niyang sinabi.
"Pero ako kasi 'yong nagkamali, eh," mapait kong sinabi. "Nasaktan ko siya..."
Nakitaan ko ng awa ang mga mata ni Jok habang pinagmamasdan niya ako. Napakamiserable ko sigurong tingnan. Sa huli ay malallm siyang napabuntonghininga.
Kinuha niya ang baso at bote mula sa counter at inilagay ito sa ilalim.
"Hindi pa ako tapos no'n," saway ko pero sa maligalig na boses lang.
"Maghahabol ka pa, 'di ba? 'Wag ka na uminom at baka madapa ka sa daan."
"Hindi naman ako literal na ngayong gabi talaga maghahabol sa kanya," pangangatwiran ko.
Hindi siya kumibo at tinitigan lang ang mga mata ko. Nag-iba ang tingin niya. Naging matalas ito. I could see now why he's an attorney. Hindi mo siya kaagad na makukumbinsi sa salita lang.
"Kaya mo bang umuwi mag-isa?"
Halos umirap na ako sa hangin. "Bakit ba talaga concern kayong mga lalaki pagdating sa pag-uwi namin. Hindi naman ako mahinang nilalang!" Nagsimula na akong tumayo. Hindi naman ako nahilo o ano.
"Hatid na kita pauwi."
"Malapit lang ang apartment ko rito. Maglalakad lang ako," tanggi ko at tinalikuran na ang counter.
"May sasakyan ako. Brand new!"
"Gago," bulong-bulong ko pero alam kong dinig niya dahil sa mahinang pagtawa niya sa likod ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng bar.
Tumingala ako sa buwan at pinakiramdaman ang banayad na paghaplos ng panggabing hangin. Lumipad ulit ang isipan ko kay Theo. Mapapatawad niya pa kaya ako?
May pait man na nakabara sa lalamunan ay nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi. Nang medyo nakalayo na sa ELights ay naalala ko bigla na hindi pa pala ako nakapagbayad kay Jok sa ininom ko sa bar niya. Wala sa sarili akong napalingon at dahil na rin sa liwanag na nagmumula sa buwan at poste, nakita ko siyang nakapamulsang nakatayo sa labas ng ELights. Nakatanaw siya sa akin na tila ba pinagmamasdan ang paglalakad ko.
Nag-aalala ba siya na baka nadapa na talaga ako sa kalsada?
Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya pabalik. Itinuro ko ang malapit na apartment. Tumango si Jok at pagkatapos ay tumalikod na at bumalik sa loob ng bar.
Masyadong naging mahirap ang mga sumunod na araw. Halata masyado ang pag-iwas na ginagawa ni Theo sa akin sa tuwing gumagawa ako ng pagkakataon para makalapit sa kanya. Para bang naglagay na siya ng pader sa pagitan naming dalawa. Napansin din ito ng mga kasamahan kong nurses. Batid ko naman na kuryoso sila pero hindi ko sinagot ang mga tanong nila.
At sa sumunod nga na linggo, siya mismo ang nag-volunteer na dumalo sa isang medical conference sa ibang lungsod. Pinalitan niya si Doc Marco para lang makaiwas sa akin at magbigay ng distansiya sa aming dalawa.
Hirap man ay nagpatuloy pa rin ako sa trabaho. Hindi titigil ang buhay ko dahil lang sa lugmok ako. Pumasok ako sa isang VIP room para bigyan ng shot ng gamot ang pasyente.
Nadatnan ko si Attorney Pelaez na nakaupo sa kama habang nagbabasa ng libro. Isa siya sa mga kilalang magagaling na abogado sa buong Pilipinas. Nagkaroon siya ng mild na atake sa puso. Isang linggo ko na ring inaasikaso ang pagpapainom ng mga gamot sa kanya.
"Check po tayo ng vitals at saka mag-a-administer na rin po ako ng gamot ninyo, Attorney," pambungad ko sabay lapit sa kanya.
Inabandona niya ang librong hawak at tinitigan ako.
"Good morning, Nurse Abby."
Tumango ako at ngumiti. Inilagay ko sa mesa ang medicine tray at ni-check ang rate ng IV drip niya. Pagkatapos itong gawin ay nagpatuloy na ako sa pagbibigay ng mga gamot sa kanya.
"I'm sure that your mother is very proud of you. Sa narating mo...."
Palihim akong napakunot ng noo. Napag-usapan nga namin ang tungkol sa nanay ko noong unang araw na nagkakilala kami ni Attorney Pelaez. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit naging interesado talaga siya sa buhay ko simula noon. Binigyan ko na lang siya ng tipid na ngiti at nagpokus na sa trabaho.
Lumabas na ako sa VIP room at bumalik ng station. Bumagal ang paglalakad ko nang makita si Theo na masinsinang kausap si Nurse Relani. Napatingin sa gawi ko ang kasamang nurse. Base na rin sa pagkibot ng mga labi niya, tingin ko ay binanggit niya ang pangalan ko.
At dahil nga ay nakalapit na ako sa kanila, dinig ko ang biglaang pagpapaalam ni Theo.
"Pinaalalahanan lang niya ako sa dosage ng gamot ng isang pasyente," hindi na napigilang sabihin ni Nurse Relani nang makaalis na si Theo.
Tahimik akong tumango at naupo na sa station.
"Hindi pa rin kayo nagkakausap?" kaswal na tanong niya sa harap ko.
"Hindi pa. Iniiwasan niya ako."
"Madi-discharge na bukas iyang pasyenteng si Attorney Pelaez, 'di ba?" pag-iiba niya ng usapan.
Tumango ako. "Off ko bukas. Nagpaalam na rin ako sa kanya."
Si Nurse Relani naman ang tumango. Nagpatuloy na kami sa trabaho.
Dahil day off ko, namili ako ng groceries. Sa may food park sa mall na rin ako nananghalian. Hindi ko gaanong gusto ang pagkain pero hindi na ako nagpaka-choosy pa at wala rin naman akong masyadong gana.
Kukunin ko na sana sa may claiming area ang pinamili para makauwi na nang nabasa ko ang message sa cellphone. Hindi naka-register ang numero nito sa contacts ko pero nagpakilala naman siya. Nagtaka ako dahil si Attorney Pelaez ito. Gusto niyang makipagkita sa akin dahil may importante raw siyang sasabihin.
Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako. Siya naman ang nag-adjust at nagsabi na magkita kami sa pinakamalapit na café.
Napagpasyahan kong iwan na muna ang pinamili. Nagpunta kaagad ako sa tinukoy niyang café. He was already seated on one of the chairs inside. Sa hitsura niya ay hindi mo aakalaing kalalabas lang niya ng ospital.
Pinuntahan ko siya kaagad at marahan siyang napatayo nang matanaw ako. Tumango kami pareho bilang pagbati sa isa't-isa. Naupo na ako sa bakanteng silya sa tapat niya.
"Do you want to order something?" alok niya. Ramdam ko ang kaba niya na hindi ko maintindihan kung ano ang pinagmumulan.
"Kumain na po ako."
"I see." Iminuwestra niya ang tasa ng kape na nasa mesa. "I only ordered coffee. I don't eat lunch these days."
"May kailangan po ba kayo sa'kin, Attorney?" deretsahang tanong ko.
"I know your mother. She was a friend."
Nawindang ako sa sinabi niya. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalaysay. "Your mother died due to a heart condition."
"Wala silang pera ng tatay ko kaya hindi siya kaagad nabigyan ng pagkakataon na magkaro'n ng heart surgery," sabi ko ayon na rin sa ikinuwento sa akin ni Tiya sa akin noong bata pa ako.
"That's a lie," bigo niyang sinabi. "Of all people, Doctor Arthur Hemendez knew that the most. In fact, he was your mother's surgeon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top