Chapter 17
Chapter 17
Outrageous
He carried me inside the apartment. I clung to his neck and wrapped my legs around his waist. Sa sobrang pagkalunod ko sa mga halik niya ay hindi man lang ako nagulat sa dabog ng pintuan dahil sa malakas na pagkakasara niya.
Maingat at marahan niya akong ibinaba sa kama. Pansamantalang natigil ang paghahalikan namin kaya nakahabol ako sa paghinga. Parang lasing ako na dinudungaw siyang nasa ibaba ko, nakaluhod ang magkabilang tuhod sa ibabaw ng kama.
Isa-isa niyang tinatanggal ang mga butones sa suot na white button down long sleeve habang tinititigan ako na hininingal pa rin. Nang matanggal na lahat ay kaagad niya itong hinubad at kinubawan na niya ako.
Ginawaran niya ulit ng halik ang mga labi ko at hindi ako nagdalawang isip na tumugon. Napakainit ng haplos niya sa braso ko pababa sa baywang.
"Theo..." A moan escaped my lips when he deepend the kiss.
Inilingkis ko ang mga kamay sa leeg niya. Hindi siya tumigil sa mariin na paghalik maski abala na ang mga daliri niya sa mabilisang pagtatanggal ng butones ng suot kong gray sweater.
Napaisip tuloy ako kung bakit ang galing niya sa ganito.
Napaigtad ako habang tinutulungan na siya sa paghuhubad sa suot kong blouse. Itinapon niya ito sa baba ng kama at inatake ng mainit na halik ang leeg ko.
Tanging bra at jeans lang ang natitirang suot ko samantalang khaki pants naman ang natirang damit na suot niya. Bumaba ang mainit na labi niya sa collarbone ko.
"There's no turning back now," bulong niya habang hinahalikan ang balat ko pababa.
Kinagat ko ang ibabang labi at tumango maski hindi ako sigurado kung nakita niya. Pumikit ako at dinamdam ang bawat pagdampi ng mga labi niya sa balat ko. Napadilat ako nang narinig ang click dahil sa pagtanggal niya sa bra ko. Walang kahirap-hirap niya itong naihubad mula sa akin at itinapon sa sahig.
He stared at me wantonly. Uminit ang pisngi ko at sinubukan kong takpan ang dibdid gamit ang mga palad pero agad niya itong sinaway. Marahan niyang ipinako sa kama ang magkabilang kamay ko. I moaned once again when he kissed me right there and then.
Nang makarating na sa bandang puson ko ang labi niya ay nagbaba ako ng tingin sa kanya. Nakita kong nakatingin na rin siya sa akin sa lasing na mga mata, tila ba nanghihingi ng permiso. Sa puntong iyon ay alam ko kung ano ang gusto niya.
Marahan akong tumango at agaran niyang tinanggal ang butones ng suot kong jeans. Hindi ako kumurap at kuryosong pinagmamasdan lang ang ginagawa niya. It was slow and precise. Alam na alam niya ang gagawin.
Napasinghap ako dahil sa mabilis na pagbaba niya sa jeans na suot ko at ilang segundo lang ay napabilang na ito sa mga damit kong nasa sahig.
My toes curled up when I felt his fingers traced the lines of my panties. Nanghihina ang kamay ko dahil sa ginagawa niya. Bilang suporta ay napahawak ako sa dibdib niya. Walang nakaharang na saplot sa pagdampi ng palad ko sa balat niya. Namumula ito at lumalantad talaga ang pagiging mestizo niya.
Naging kuryoso na rin siya at sinubaybayan ng tingin ang palad kong bumababa na sa belt ng suot niyang khaki pants.
Pansamantala siyang natigil sa paggalaw ng daliri nang napansin niya ang pagsisimula ko sa pagtatanggal ng belt na suot niya. Nakita niyang nahihirapan ako kaya tumulong na rin siya. Mabilis itong natanggal at tanging boxer na lang ang natira sa kanya.
Nitrace ko ang waistband ng boxers niya habang malagkit na nakatitig sa kanya. Hinaplos ko rin ang mumunting balahibo. Nagpatuloy din siya sa kanina pang ginagawa ng daliri niya. Parang minimemorya niya ang sensitibong bahaging ito ng katawan ko.
I became bold and touched him. It moved. Malutong siyang napamura. Sinubukan ko ito ulit at mistulang naputol na ang litid ng pasensiya niya. In one swift move, he pulled my panties down until it reached my knees.
Tinanggal niya ang isang kamay na nakatukod sa kama at gamit ito ay tinanggal na niya ang suot na boxer.
I stared at him standing proud and big. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganoon lalo na at nagtatrabaho ako sa medical field pero iba pala talaga....
Natigil ako sa pag-iisip at kakatitig nito nang naramdaman ko ang daliri niya sa akin. I was already wet down there.
"I don't have a condom with me," aniya habang gumagawa ng milagro sa sistema ko, "but I will pull out. I swear."
"Mmm..." ungol ko sabay pikit at dama sa ginagawa niya.
I straightened my legs and my toes curled repeatedly as I felt the sensations he was giving me. It was just a dip pero pakiramdam ko may kung anong sasabog mula sa puson ko.
"Bakit ang tagal?" daing ko habang nakapikit. Hindi na makapaghintay.
I heard his delicious chuckle. "Hinahanda pa kita. I know this is your first time."
Ibinaba ko ang mga kamay sa kama mula sa pagkakakapit nito sa baywang niya. Napakapit na lang ako sa bed sheet. When I sensed like I was about to explode, I felt his hard tip in my entrance. Hinagkan niya ako sa noo, sa ilong, pababa sa labi. When he started to deepen I felt him plunged in one swift move. Naiyak ako sa hapdi, lalo na nang mapagtano ko na hindi pa siya nakasagad. He was only halfway.
Naramdaman ko ang luhang lumandas sa gilid ng mga mata ko.
"I'm sorry..." he murmured as he kissed me. Panandalian siyang huminto.
Dumilat ako at nakita ang mariin niyang titig. Nabasa ko rito ang pag-aalala.
"'Wag kang tumigil..." banta ko.
"Open up for me..." paos na utos niya.
Sinuklian ko ang nakakapasong titig niya. I felt my muscles contract. Batid niya iyon at kinuha itong pagkakataon para sumagad na.
"Theo..." halinghing ko na mabilis namang nilamon ng mga halik niya.
Ipinaramdam niya sa akin ang iba't ibang nag-uumapaw na sensasyon. Masyado siyang mapagbigay at dahil dito, mabilis akong naka-adjust sa laki niya. Unti-unting nawala ang hapdi hanggang sa nakuha ko nang tumugon sa sunod-sunod na galaw niya.
"Gaano ba kasakit?"
Mula sa kanina pa pagtitig sa desk ay napakurap ako ng isang beses. Luminga ako kay Nurse Risa na nakaupo sa gilid ko.
"Huh? Ang?" parang tangang sagot ko sa tanong niya. Hindi pa rin kasi matanggal sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Theo kagabi.
"Iyong sinabi ng pasyente sa room 105 noong nag-administer si Doc Marco sa kanya ng Dolorimetry para sa pain tolerance," sagot ni Risa.
"Ah. Seven daw."
Bahagya niyang iniliko ang inuupuang swivel chair para maiharap ang sarili sa akin. Tinitigan niya ako.
"Okay ka lang ba? Kaninang umaga ka pa tulala."
"May iniisip lang," mabilis na sagot ko.
"Hmm... Masarap ba naman 'yan?"
Napaubo ako sa tanong niya. Kung alam lang niya ang laman ng utak ko. Mukhang hindi niya naman pinuna ito dahil tumayo na siya mula sa swivel chair, nag-stretch ng braso at humikab.
"Speaking of masarap, gutom na ako," anunsiyo niya. "Mauna na ako sa cafeteria. Hinihintay mo pa si Doc Theo, 'di ba?"
"Oo," tipid na tugon ko. Lumipad na naman ang isipan sa pangyayari kagabi.
At dahil nagbalik tanaw na naman ako ay hindi ko na namalayan pa ang pag-alis ni Risa sa station. Tulala akong naiwan at nakatitig pa rin sa desk. Hindi ako aware kung ilang minuto akong ganoon. Napansin ko na lang ang bouqet ng tulips na may iba-ibang kulay na inilapag sa mismong desk na tinititigan ko.
Mula sa mga bulaklak ay nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang nakangiting si Theo. Sa tangkad niya ay nakadungo na siya habang tinititigan ako sa counter.
Sumilay na rin ang ngiti ko at kinuha ang bouquet mula sa mesa.
"Thank you," sabi ko sa mahinang boses sabay langhap sa mabangong amoy nito.
"Welcome. How are you...feeling?"
Alam ko ang tinutukoy niya.
"Nurse ako kaya mas gamay ko reaction ng katawan ko," sabi ko. "I'm fine." Inilapag ko ulit ang bulaklak at tumayo na para sa lunch namin.
Lumabas ako ng station at kaagad naman siyang lumapit sa akin. Mabilisan niyang pasimpleng iginala ang tingin sa paligid. Nakita niyang walang ibang tao sa hallway. Gamit ang isang braso niya ay hinila niya ako sa baywang at ginawaran ng marahang halik ang noo ko.
"I was thinking that we should eat outside, in a restaurant," aniya matapos akong halikan.
"Naka white uniform ako," sabi ko.
"Okay lang yan," sabi niya at nagsimula na kaming maglakad sa hallway.
Mukhang balak niya talagang sa labas kami kumain dahil hindi niya suot ang lab coat niya. Ang suot niya ay ang inner button down shirt na kulay gray.
Sumunod ako sa gusto niya dahil medyo nagsawa na rin ako sa menu sa cafeteria. Sumakay kami ng elevator pababa ng basement kung nasaan ang sasakyan niya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan nang marating na namin ito. Awtomatiko kong isinuot ang seatbelt pagpasok. Pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan. Nagsuot siya ng seatbelt. Ipinatong niya ang mga kamay sa manibela ngunit hindi pa pinapaandar ang sasakyan. Base sa pagmamasid ko sa malayong tanaw niya ay napagtanto kong may iniisip siya.
"Bakit?" Hindi ko na napigilan ang sarili.
"It's my mom's birthday tomorrow. She invited us." Tiningnan na niya ako.
"Pati ako?" paninigurado ko.
"Of course," sabi niya pero may kakaiba akong nabasa sa mga mata niya bago ito kaswal na iniwas.
"Alam ba ng Mommy at ng... Daddy mo na tayo?"
"Oo. Sinabi ko. I want you to official meet them."
Kinabahan ako. Ano kaya ang iniisip ng parents niya? Wala namang alam si Theo sa hindi pagkakaunawaan namin ng daddy niya. Sigurado naman ako na hindi iyon binanggit ng ama niya sa kanya.
"Pero nagdadalawang-isip ka?" panghuhula ko. Magaling akong magbasa ng expression sa mukha. At may duda ako sa ipinapakita niya.
Kung walang problema sa mga magulang niya, bakit ngayon lang niya ako sinabihan gayong bukas na kaagad ang mismong birthday ng mommy niya? Bakit parang last minute decision yata ang imbitasyon niya?
"May misunderstanding lang kami ni Dad. We just don't see eye to eye on certain things. Lagi naman kaya dapat na akong masanay," paliwanag niya at saka pilit na ngumiti. "Don't worry about it."
Nahirapan akong maniwala. My gut was telling me something else. At maski hindi masyadong kumbinsido ay pumayag pa rin ako. I trusted Theo kaya naman isinantabi ko na muna ang iniisip na hindi maganda.
Nevertheless, in-enjoy ko pa rin ang lunch date namin. Malimit lang namin itong ginagawa na sa labas kumain dahil sa hectic ng schedule sa nagdaang linggo.
Sa hapong ding iyon, matapos ang shift namin ay sinamahan ako ni Theo sa isang boutique para mamili ng damit na susuotin. Tumanggi ako sa stylist na family friend nila dahil wala na ring oras at isahang gabi lang naman. Tama na sa akin ang simpleng damit.
Pinili ko ang French retro vneck white chiffon dress sa lahat ng naka-display. Sumang-ayon naman si Theo. Kanina pa ako nagsusukat at puro lang siya sabing 'maganda' kaya sa huli, hindi na rin ako dumepende sa opinyon niya.
Hindi ako nag-expect ng magarbong party dahil ang sabi ni Theo, pinili raw ng Mommy niya na magkaroon lang ng intimate family dinner sa isang five star restaurant. Imbes na igasta ang pera sa magarbong dinner party, mas pinili ni Madame Aurelia na i-donate ang pera sa foundation for cancer patients na ipinatayo ng namayapang dating asawa ni Senator Caleb Del Fuego.
Dumating kami sa nasabing restaurant sa alas siyete ng gabi. Ayaw ni Theo ng nali-late dahil para sa kanya, ayaw niyang paghintayin ang isang tao. Pagpasok namin sa building ay iginiya kami ng isang manager sa VIP table na pinareserve ng mommy ni Theo.
Bumagal ang paghakbang ko at muntik nang umatras ang confidence ko habang naglalakad patungo rito. Nakita kong parehong nakatanaw sa amin ang mga magulang ni Theo. Ni head to foot kaagad ako ng mommy niya.
Naconscious ako at nagbaba ng tingin sa sariling damit dahil napagtanto na pareho pa kaming white chiffon dress ang suot. Ang kaibahan lang ay may puffy sleeves lang ang sa kanya.
Napuna marahil ni Theo ang pag-aalinlangan ko. Hinawakan niya ang baywang ko at inudyok ako na magpatuloy sa paglalakad.
Parehong tumayo ang mga magulang niya nang makalapit na kami sa kanila. Unang naglahad ng kamay sa ere ang ina ni Theo sabay ngiti sa akin.
"Hello, Abigail. It's good to see you again," bati niya.
"Good evening po, and happy birthday, Madame." Tinanggap ko ito at magalang na napangiti na rin.
"Call her Tita Aurelia," bulong ni Theo na nanatili pa sa tabi ko.
Nagkatinginan sa isa't isa ang mga magulang niya. May dumaang kakaibang tingin sa mga mata ng mommy niya.
"Please, the both of you should take your seats," tanging nasabi ng ina ni Theo sabay muwestra sa bakanteng upuan na nasa tapat nilang dalawa ni Doctor Arthur.
Dumapo ang tingin ko sa malaking mesa na nalalatagan ng marami at iba't ibang klase ng mamahaling pagkain.
"So, hija," panimula ng mommy ni Theo at pagkatapos ay kinuha ang wineglass na naglalaman ng wine, "how was your life in the province," nagtapon siya ng tingin sa asawa, "since you left Pillars at such a short notice..."
"Okay naman po," mahinang tugon ko. "I would also like to apologize for it din po."
Naramdaman ko ang paghawak ni Theo sa kamay kong nasa kandungan ko. Napatingin ako sa kanya. He gave me an encouraging smile.
"Let's forget about it." Muli akong napabaling ng tingin kay Madame Aurelia dahil sa pagsasalita niya. "Let's look forward to the future."
Ngumiti siya. Pansamantalang naging panatag ang loob ko. Puna ko naman ang pananatiling tahimik ni Doctor Arthur.
The evening continued. Nagsimula na rin kaming kumain. Napunta sa magagaang na topics ang usapan at pagkatapos ay sa trabaho naman. Sumasagot lang ako sa tuwing may tanong si Madame Aurelia sa akin. Madalas namang sinasalo ni Theo ang mga tanong ng ina.
Base na rin sa impressions ko sa doktora ay alam kong istrikta lang ang awra niya pero mabait naman siyang tao. She's a sophisticated woman. Isang bagay na aasahan mo sa isang mayaman at edukadang babae. Kaswal siya sa akin at ramdam kong sinusubukan niya ring maging friendly.
Natapos na kami sa pagkain at nag-uusap na lang nang maisipan ko na i-excuse ang sarili para pumunta ng CR.
"Do you want me to come with you?" bulong ni Theo pero alam kong dinig ng mga magulang niya dahil bigla silang nahinto sa pag-uusap.
Sinipat ko siya ng tingin. Sinuklian niya naman ito ng mariin na titig. Titig na alam kong nagtatanong kung okay lang ba ako, hindi maipagkakailang isang tahimik na tanong patungkol sa ina niya.
Tumango ako at kampante siyang nginitian. "Hindi na at sa CR lang naman ako. Babalik ako agad."
Nagpirmi ang titig niya sa akin ng ilang segundo bago sumang-ayon. Tumalikod agad ako at naglakad na paalis sa mesa.
Tinanong ko ang isa sa mga staff ng restaurant kung nasaan ang CR nila. Agad niya naman akong binigyan ng deriksiyon nito. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dumaan sa isang tahimik na corridor na pinapaligiran ng mga nakasabit na halaman. Hindi ito masyadong maliwanag dahil tanging umiilaw lang na rebolto ng dalawang anghel sa gilid ng mga halaman ang pinagmumulan ng liwanag.
Madali ko namang natanaw sa unahan ang malaking pinto ng comfort room. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang marating ito, binuksan ko ang pinto nito at pumasok na ako sa loob.
I took my time. Naiihi naman talaga ako kanina pa dahil sa kaba. Ni-flush ko ang toilet at lumabas na sa cubicle. Humarap ako sa napakalaking salamin at tiningnan ang saril. Medyo nagtagal ang titig ko sa sarili bago ni-on ang faucet at naghugas ng mga kamay. Nagtagal ulit ang tingin ko sa repleksiyon ng sarili sa salamin.
Pinatuyo ko ang mga kamay at pagkatapos ay lumabas na. Kailangan ko ulit na dumaan sa may halamanan. Nakailang hakbang pa lang ako papaliko papunta rito nang mapahinto ng mga boses na naririnig.
Pinakinggan ko itong maigi at dahil napagtanto na nagmumula ang boses kay Madame Aurelia, wala sa isip akong napaatras at napatago sa gilid ng poste.
"....she's not good for you!" boses niya.
"Sinabi mo rin 'yan tungkol kay Winona no'n," mahina man pero 'di mapagkakailang galit na boses ni Theo. "Well guess what, Claudine matters to me the most!"
"We should not be talking about this in here," si Doc Arthur sa kalmadong boses.
Silang tatlo pala talaga ang nag-uusap! At alam kong ako ang pinag-uusapan nila!
"Theo, I am only saying this because I have bases to do so..." si Madame Aurelia.
"Bases for what exactly? To destroy my relationship with her?"
"I just don't think that her intentions to you are pure," ang Mommy niya sa mahinahon ng boses.
Mapait na natawa si Theo. "Do you even hear yourself, Mom? You're accusing her of something that she isn't. You're already crucifying her without even knowing her as a person, as the woman I love."
Dinig ko ang malakas na pagsinghap ng mommy ni Theo. Hindi ko rin siya masisisi dahil maski ako ay nagulat din sa pag-amin ni Theo.
"Y-You can't be, anak..." nauutal na sabi ng mommy niya. "She's outrageous and immoral!"
"You know how much I respect you, Mom... pero kung magpapatuloy pa kayo sa paninira na wala namang basehan sa babaeng mahal ko..."
"She confessed of liking your father, Mattheo!" anas ni Madame Aurelia. "Do you hear me? Your girlfriend fantasized on a married man... your own father!"
Nangatog ang mga tuhod ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top