Chapter 16
Chapter 16
Intimate
Inayos ko ang pagkakatali ng buhok bago tumayo mula sa upuan sa loob ng station. Napatingin sa akin si Nurse Relani mula sa computer.
"Ngayon lang kita nakitang nagpusod ng buhok, Nurse Abby, ah," komento niya, "Mas lalo kang gumanda."
"Medyo mainit kasi," sabi ko at kinuha na ang chart para maghanda sa pag-alis at pagpasok sa wards...
"Oo nga naman..." pangsang-ayon ni Nurse Relani.
Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng station. Naglakad ako sa hallway papuntang ward para sa rounds namin ni Doc Marco. Sa hallway ko na rin siya nakasalubong.
Binati ko siya at ngumiti naman siya pabalik. Pumasok na kami sa loob. Bitbit ko ang charts sa isang kamay habang naglalakad kasunod niya. Abala siya sa pagbabati sa mga pasyenteng nasa kani-kanilang hospital bed.
Matagal ng doktor sa Makati Medical Center si Doc Marco kaya naman ay halatang kilala siya at marami talaga ang mga pasyente na nagre-request na siya ang maging surgeon nila.
Huminto kami sa pangatlong bed. Ngumiti si Doc Marco sa lalaking pasyente na nakahiga rito. Kumpara sa pamumutla na nakita ko kahapon ay may kaonting kulay ng pula na sa mukha niya.
"How are you feeling, Jimmy?" palakaibigang tanong ni Doc Marco.
"Medyo okay na po, Doc," tugon ng pasyente sa mahinang boses. "Kumusta rin po?"
Mahinang natawa si Doc Marco. Marahil ay hindi inasahan na mangungumusta rin pabalik ang pasyente sa kanya.
"I'm good," magiliw na tugon ng doktor at pagkatapos ay pahapyaw ang sinulyapan. "Oh, batiin mo rin naman si Nurse Abby!"
Nahihiya akong nginitian ni Jimmy. "Morning, Nurse Abby. Ang galing niyo pong nurse..."
"Salamat," nakangiting tugon ko sa papuri niya.
Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap ni Doc Marco habang sinuri ko naman ang IV ng pasyente. I decreased the pressure of the clamp on the tube to slow the rate of the fluid. Matapos itong gawin ay binilang ko rin ang number of drops nito para masiguro na tama ang rate ng flow.
Buong araw akong naging busy sa trabaho at sa pagpapainom ng gamot sa mga pasyente. Bumalik din ako sa pag-a-assist ng consultations ni Doc Marco. Sampong minuto na lang at patapos na ang consultation niya nang balingan niya ako ng tingin.
"You should take your lunch now, Nurse Abby," saad niya.
"May ten minutes pa po," sabi ko sabay sulyap ulit sa suot na relo kahit natingnan ko na naman ang oras kanina.
"That's fine. I can handle it from here." Ngumiti siya. "Naghihintay na rin yata sa'yo si Doc Theo."
Napakagat ako sa ibabang labi. May duda naman akong may alam siya sa relasyon namin ni Theo pero iyon na yata ang unang beses na pahapyaw niya itong nabanggit.
"Okay, Doc," pagpayag ko na lang at baka mas maging awkward pa ang sitwasyon.
Lumabas ako ng ward at nagpunta na pabalik sa station. Muntik na akong mabuwal sa sahig nang natanaw nga si Theo na kaswal na nakikipagkuwentuhan sa nurses na nasa station. At siyempre nakasuot siya ng lab coat niya. Marahan siyang natawa at humagikgik naman ang mga katrabaho kong nurses.
Lumingon siya sa gawi ko na para bang ramdam niya ang pagdating ko. Malapad siyang ngumiti, pinigilan ko naman ang sa akin. Ito ang unang pagkakataon na lantaran siyang nakaabang sa akin sa trabaho habang may ibang empleyado na nakatingin sa amin. Hindi ko alam ang gagawin.
"Tapos na kayo ni Doc Marco, Nurse Abby?" si Nurse Relani na nakatingin na rin sa akin.
"Uh... pinauna na ako ni Doc para mag lunch," sabi ko sabay lihim na sulyap kay Theo na sa akin pa rin ng tingin. Pinukol ko siya ng tingin na nagsasabing sa cafeteria na siya maghintay pero parang hindi niya yata nakuha dahil nakatitig pa rin siya sa akin.
"Ang bait talaga ni Doc Marco..." komento naman ni Risa na nakaupo sa tabi ni Nurse Relani.
Tumango lang ako habang natatarantang nangangapa sa sasabihin kay Theo.
"Lunch ka na rin po, Doc?" si Risa habang nakangiting nakatingala kay Theo.
"Yeah. I was actually waiting for Claudine," kaswal na tugon ni Theo sabay sulyap sa kanya na parang ngayon lang niya napansin.
Nagpirmi man ang ngiti ni Risa ay may nakikita naman akong kalituhan sa mga mata niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Theo. Nang magawi ang tingin ko kay Nurse Relani ay nakatanaw naman ito sa malayo, tila ba may hinahanap.
"Girlfriend niyo po? Nandito?" si Risa. Sinundan niya na rin ng tingin ang tinatanaw ni Nurse Relani.
Oo nga pala at Nurse Abby at hindi Claudine ang tawag nila sa akin sa ospital.
Ibinalik ulit ni Theo ang tingin sa akin at nagkunot siya ng noo. Naniningkit na rin ang mga mata niyang halatang may tanong.
"Hindi ko pa nasasabi," bulong ko, nagbabakasakaling siya lang ang makarinig.
Realization dawned on his face. Ngayon, siya naman ang hindi alam ang gagawin.
Kilala ko siya. Napaka considerate at gentleman niya. Alam kong sa mga oras na iyon ay hinihintay niya ang desisyon at ang sasabihin ko. Ayaw niya akong pangunahan.
Unti-unti kong hinarap sina Nurse Relani at Nurse Risa. Kabado akong tumikhim para makuha ang atensiyon nilang dalawa dahil nasa may pintuan pa rin ang tingin nila, napaghahataang nag-aabang sa Claudine na darating na ako naman talaga.
Nang sa wakas ay bumaling ulit silang dalawa sa amin ni Theo, nagsalita na ako. "B-Boyfriend ko pala..."
"Huh?" Nagsalubong ang kilay ni Risa samantalang si Nurse Relani naman ay unti-unting nanlaki ang mga mata.
"Boyfriend ko si Doc Theo," mabilisan kong sinabi.
Napaubo si Nurse Risa samantalang si Nurse Relani naman ay napatakip sa kanyang bibig gamit ang palad. Parehong palipat-lipat ang gulantang nilang tingin sa aming dalawa ni Theo.
"Nice to meet you," si Theo na nag-iisang kalmado sa aming apat, "and I'm saying this not as one of your doctors here, but as Claudine's boyfriend."
Lantaran nang nakanganga ang dalawang kasama kong nurses. Hindi ko maiwasang maalala noon sina Jane at Kim. Ganitong-ganito rin ang reaksiyon nila dati kay Winona at Theo. Hindi ko lubos na maisip na ako na ang kasalukuyang nakararanas nito.
"Shall we go?" boses ni Theo na nagpabalik sa akin sa wisyo.
Tumango ako at nagpaalam na kami sa dalawang nurses na mangha pa ring nakamasid sa amin.
Naglakad na kami ni Theo papunta sa hallway ng hospital cafeteria na nasa kasalungat lang na deriksiyon. Hindi man lumilingon pabalik kina Nurse Relani ay ramdam naman ng likod ko na nakatanaw sila sa amin. Si Theo ang nagbukas ng sliding door gamit ang isang kamay habang ang kabila niya namang kamay ay malapit ng dumampi sa baywang ko.
"You changed your hair," komento niya sa mababang boses.
"Mainit lang," sabi ko at naramdaman ang init na nagmumula sa katawan niya dahil sa lapit namin sa isa't isa.
Natigilan ako sa paghakbang papasok ng cafeteria nang maramdaman ko ang mga labi niya sa tainga ko. Ganoon ka lapit. Siguro sa mga nakakakita sa amin muka sa malayo ay aakalaing hinahalikan na niya ako.
"Bagay sa'yo," he murmured softly.
Inipit ko ang ngiti at nagpatuloy na sa paghakbang papasok.
Simula noong pagpapakilala ko kay Theo bilang boyfriend sa mga kasamahan sa trabaho ay bumagal ang pagdaan ng mga araw. Lalo na noong medyo naging usap-usapan ang relasyon namin sa mismong department namin at sa buong ospital.
Bumilis din ito nang nasanay na ang mga staffs na nakikita nila kami ni Theo halos araw-araw na nagsasabay kumain ng lunch. Hindi ko nga namamalayan at isang buwan na pala kaming nagtatrabaho sa iisang ospital.
"May rounds kayo ni Doc Marco mamaya, Nurse Abby?" nakangiting tanong sa akin ni Nurse Relani isang araw.
"Mamayang alas tres pa," sabi ko.
"Hindi ka ba nasasayangan na hindi kayo magkasama ni Doc Theo? Kay Doc Marco ka pa naka-aasign."
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Ayaw ko ring iba ang isipin ng mga kasama natin. Maigi na rin 'to para mas may professionalism talaga."
"Ay sus," pangangantiyaw niya. "Hindi naman porque't boyfriend mo si Doc Theo may kababalaghan na kayong gagawin habang nasa trabaho!"
Madali akong nag-iwas ng mukha dahil kinukutubang magsisimula na naman si Nurse Relani sa mga sekswal na paksa niya. Itinuon ko ang pansin sa charts ng isang pasyente na nasa mesa.
"At saka mukhang sagana naman ang sexual life ninyong dalawa ni Doc!" pagpapatuloy niya sa pagpaparinig.
Mas uminit lang ang tainga ko.
"Live in na ba kayo ni Doc?" si Risa na biglang nabuhayan at nag-angat na ng kanyang ulo mula sa pagkakasampa nito sa mesa.
Kung may iniinom lang ako ay baka naibuga ko na. Mabilis ko siyang hinarap at inilingan bilang pagtanggi.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Ay, totoo?! Akala ko talaga magka live in na kayo dahil lagi kayong sabay kung umuwi, eh!"
"H-Hindi kami live in..."
"Akala ko talaga..." Tinitigan niya pa ako ng ilang sandali na parang nagdududa pa. Bumaling siya ng tingin kay Nurse Risa. "Nga pala, may nabasa na naman akong article kahapon, Nurse Relani. Totoo po ba na nagpapatatag ng relationship ang sexual intimacy?"
"Siguro," sagot ni Nurse Relani. "Matatag naman ang relasyon namin ng asawa ko dahil intimate naman kami maski parehong busy sa trabaho. Sinisiguro ko talaga na may time ako na....alam mo na."
"Dapat gano'n talaga!" pagsang-ayon ni Nurse Risa na patango-tango pa. "Delikado kung hindi at baka maghanap 'yon ng iba!"
"Maghanap ng iba?" sabat ko sa usapan, naging kuryoso na rin.
"Yes... Ibang nagpapainit ng katawan," si Risa sabay kindat sa akin. "Nag cheat nga sa'kin iyong last guy na karelasyon ko, eh. Ako raw ang nagkulang. Hayop siya."
Bigla akong kinabahan. Wala pa namang nangyayari sa amin ni Theo bukod sa iilang halikan. Imposible rin naman yata na maghanap siya ng iba....
"Kaya ikaw, Nurse Abby. Alagaan mo ang intimacy part ng relationship ninyo ni Doc Theo," suhestiyon ni Nurse Relani habang kumukuha na ng patients' files mula sa drawers. "Naku! Sa gwapong iyan ni Doc, marami talaga ang nakaabang lang sa kanya!"
Nagdulot ang usapan namin ni Nurse Relani para maging conscious ako hanggang sa pag-uwi sa apartment. Ilang beses akong tinanong ni Theo sa loob ng sasakyan niya kung ayos lang ba ako. Siguro nga ay napansin niya ang pagiging tahimik ko.
"What's wrong?" aniya nang marahan kong tinatanggal ang suot na seatbelt. Nakaparada na ang kotse niya sa tapat ng apartment ko.
"Gusto mo bang sa apartment ka na lang matulog?" wala sa sariling alok ko.
Nakita ko agad ang gulat sa mukha niya.
He licked on his lower lip. Masyadong maingat din ang titig niya sa mga mata ko.
"Isang buwan na kitang inihahatid-sundo rito... but this is the first time that you're inviting me to stay the night..."marahan niyang sinabi.
"Ayaw mo ba?" sabi ko at dahil nakaramdam na ng kahihiyan ay mabilis na yumuko at ipinagpatuloy na lang ang pagtatanggal ng seatbelt.
Dinig ko ang buntonghininga niya. "What's bothering, Claudine?"
Nang tuluyan ng matanngal ang seatbelt ay wala na akong mairason para iwasan siya. Sa halip ay harapin siya, nanatili akong nakayuko.
"Hey, what's wrong?" Sobrang banayad ng boses niya.
Kinapalan ko ang mukha at tiningnan na siya. "If you're going to cheat on me because I can't...."
Nagsalubong na ang mga kilay niya kaya hindi ko na naituloy pa ang sasabihin sana.
"Where is this coming from?" naguguluhang untag niya.
Na-frustrate ako kaya nagpalabas ako ng inis na buntonghininga. "Dapat daw may intimacy ang relasyon at wala tayo no'n kaya kung sakaling maghahanap ka man ng iba..."
"You think that I'd cheat just because of that?" tunog na-offend pa siya. "Gaano ba ka-intimate ang gusto mo para makampante na 'di ako magloloko?"
Napatahimik ako ng sinabi niya. Huminga ako ng malalim at pinanatag na ang loob.
"I'm sorry. Kasalanan ko dahil masyado akong nag-iisip," sabi ko.
He gazed at me intently. Puno ng pang-unawa ang mga mata niya.
"Don't apologize for how you think and feel. You are entitled to those emotions especially if I have done something that made you feel this way..." saad niya sabay kuha sa mga kamay kong parang patay na nasa kandungan ko. "Ako dapat ang nagso-sorry dahil naiparamdam ko 'yan sa'yo. I'm sorry kung may pagkukulang ako..."
"Theo, wala." Halos napaahon ako sa inuupuan dahil naalarma sa pahayag niya. "Wala kang pagkukulang. Sobra-sobra pa nga..."
Pumikit siya. Sa pagpikit niya ay nabanaag ko sa hitsura niya ang matinding pagpipigil sa susunod na sasabihin.
"I'm terrified, Claudine," namamaos niyang sinabi at saka dumilat. Sa takot na nakikita ko sa mga mata niya ay hindi na ako nagduda pa.
"I'm afraid that this would fail," pagpapatuloy niya sa nanghihinang boses. May ngiting sumilay sa mga mata niya pero alam kong pinilit niya lang ito para bahagyang matakpan ang takot na nararamdaman.
"I'm sure it won't," sabi ko, naiintindihan ang pangamba na tinutukoy niya.
"Maybe Winona broke my heart." He leaned forward. Masyadong malapit ang mga labi niya sa akin. "But losing you would shatter it to pieces..." he finally whispered.
His warmth embraced my heart. Ako ang tumalon sa kaonting distansiya na namagitan sa mga labi naming dalawa. I kissed him with all my heart. He kissed me back passionately.
It was different from all of the kisses we had shared. This one was both a promise and commitment.
Gumapang ang kamay niya mula sa braso pababa sa baywang ko. Nanatili ito rito ng medyo matagal at kalaunan ay para bang nanghihingi na ng permiso.
Hindi ko alam ang ipinagpapaalam niya pero tumango lang ako at nagpaubaya. Napaimpit ako ng tili nang mula sa ilalim ay bahagya niyang inangat ang hita ko.
"Hayaan mo'kong ipakita... kung ga'no ako... ka-intimate pagdating sayo," he murmured between kisses. His kisses turned hotter, "at sayong-sayo lang ako magiging ganito..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top