Chapter 12
Chapter 12
Inuman
Doctor Cain Mattheo Hemendez stole my first kiss. I didn't want to be affected. Ni ayaw kong bigyan iyon ng kahulugan. I couldn't even remember if I kissed him back or what. Sinubukan kong i-validate ang ginawa niya. Baka naman na-overwhelm lang siya sa pagkapanalo niya.
We both acted like as if it did not happen. Tumayo ako pagkatapos ng halik niya. Nanatili naman siyang nakahiga. Ngumisi ako at naglahad ng kamay sa kanya. Tinanggap niya ito at hinila ko na siya para makatayo na rin.
Sinulyapan ko ang biik na hawak niya. "Anong gagawin mo riyan?"
"I'll set it free."
"Sumali ka para lang pakawalan iyan?" singhap ko. Hindi makapaniwala sa balak niyang gawin.
Tumango siya at ngumisi. Bahagya siyang yumuko at nag-squat sa lupa. Marahan niyang ibinaba ang biik. Taliwas sa ginawa nito kanina sa palaro, hindi ito tumakbo kaagad papalayo at nanatili lang sa puwesto.
"This is your second chance to life," sabi ni Doc Theo habang tinitingnan ang biik na nakatingin din pabalik sa kanya na para bang nakikinig. "Don't let those bastards catch you, do you understand?"
Napakawalan ko ang tawa nang mag-oink ang biik sa kanya. Tumakbo na rin ito palayo.
"Congratulations, SuperTheo," sabi ko habang tinatanaw ang biik na tumatakbo na papasok ng gubat. "You just saved another life."
He gave a small smile and stood properly. Ipinalandas niya ang mga daliri sa basa niyang buhok. Walang tigil pa rin sa pagbuhos ang ulan.
"Puno ng putik ang ulo ko," reklamo niya. "We should go and wash up."
Nagbaba ako ng tingin sa sarili. "Hindi ako sasakay sa kotse mo na puno ng putik ang katawan." Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya.
Nagkibit siya ng balikat. "I don't really mind."
Inalala ko ang magarang SUV niya. Luminga ako at hinarap ang deriksiyon ng gubat.
Kaagad niyang nakuha ang suhestiyon ko. Mariin ang ginawa niyang pag-iling.
"Ano? May ilog doon! Puwede na tayong doon magbanlaw," giit ko.
"There could be wild animals in there. It's dangerous."
Inirapan ko siya. Hinawakan ko ang kanyang braso at bahagya siyang hinila.
"Sanay ako sa gubat. Akong bahala sa'yo," puno ng kumpiyansa kong sinabi. "Halika na!"
Ang akala ko ay magmamatigas pa siya. Mabuti na lang at hindi dahil nagpatianod naman siya. Nagsimula na kaming humakbang sa deriksiyon ng gubat. Nakampante na akong susunod siya kaya binitiwan ko na ang braso niya.
"Bilisan mo!" natatawa kong untag. Tumatakbo kami paalis ng palayan.
Dumaan ako sa pilapil para hindi masyadong maputik, nga lang dahil sa basang mga damo ay nadulas ako pabalik sa maputik na palayan. Napaupo tuloy ako sa putik. Dinig ko ang tawa niya sa likod. Nahawa na rin ako.
Maagap siyang lumapit sa akin at kinuha ang kamay ko. Inalalayan niya ako dahil nabaon na sa medyo malalim na putik ang mga paa ko.
"Teka lang! Ang tsinelas ko!" I laughed hysterically.
"Iwan mo na para pareho na tayong nakapaa," suhestiyon niya.
Kumapit ako sa braso niya dahil kung bibitiw ako, tiyak na matutumba na naman ako sa putikan.
"Nabaon na ang mga paa ko...." sabi ko.
"Hold on tight," utos niya. "I'll lift you up."
Bago pa man ako makapagprotesta ay hinawakan niya na ang baywang ko at inangat ako nang bahagya. Hindi pa siya nakontento, kinarga niya talaga ako paalis sa putikan.
Nang masigurong nasa mas matigas na parte ng lupa na kami ay ibinaba niya ako. Nagpatuloy kami sa pagtakbo habang magkahawak ang kamay.
Hindi mawala ang ngiti ko. Lahat ng alaala ko noong kabataan dito sa probinsiya ay bumalik. It's like we were back to being kids again. Nagtatawanan sa gitna ng ulan habang tumatakbo sa maputik na palayan.
Sumuong kami sa gubat hanggang sa matagpuan na nga namin ang ilog. Patalon na bumagsak sa tubig si Doc Theo. Humagikgik naman ako at ginaya rin siya. Iginugol namin ang trenta minutos sa paglangoy.
Saka pa lang kami umahon nang tumila na ang ulan. Naglakad ulit kami palabas ng gubat pero sa pagkakataong iyon ay sa ibang daan na. Mabuti nga at kabisado ko pa rin ang short cut na daanan. Wala ng putik ang mga damit ko at ang jeans na suot niya. Pareho na rin kaming walang sapin sa mga paa habang naglalakad sa sementadong kalsada.
Tinungo namin ang nakaparada niyang sasakyan. Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. Bahagya akong natigilan dahil sa pag-aalinlangang pumasok.
"Baka mabasa ko ang upuan mo," sabi ko.
"Basa rin naman ako. That's fine," tugon niya at pagkatapos ay lumiko na para pumasok sa kabilang pinto.
Kinusot ko muna ang laylayan ng tshirt ko para mapiga ang tubig. Pumasok ako sa loob ng kotse at naupo. Ilang sandali pa ay pinaandar na niya ang sasakyan.
Tahimik ako habang bumibiyahe kami. Hindi rin nag-effort si Doc Theo na magsimula ng usapan. Mukhang may iniisip din siya. Inabala ko na lang ang sarili sa pagmamasid sa labas ng bintana. I wasn't even aware that the car had stopped in front of my house. Mabuti na lang at inanunsiyo niya ito. Mabilis kong tinanggal ang suot na seatbelt.
"About that kiss..." Dinig kong sambit niya sa mahinang boses. "I... I just..."
Kumalabog ang puso ko. Ang buong akala ko ay matatapos ang araw na hindi niya mababanggit ito!
"W-Wala 'yon." Hindi ako makatingin sa kanya.
"Wala 'yon?" May nahihimigan akong kakaiba sa pagkakasabi niya nito. He sounded surprised and... offended.
I winced. Sinubukan ko siyang tingnan at nginitian.
"Baka nadala ka lang sa emosyon mo dahil nanalo ka at nadakip mo ang biik. Umuulan din kasi and I knew that it was quite exhilarating. Your actions and thoughts were clouded—"
"What are you, a psychologist?" May bahid ng sarkasmo ito. Naka poker face lang ako habang nakatingin sa kanya. Napahilot siya sa kanyang noo. "I'm sorry. I didn't mean to sound rude to you..."
"Did you regret it?" deretsahan kong tanong. Naisip na baka ganito talaga ang nangyayari sa mga ganoong bagay. Kissing a...friend. Baka naman may stage talaga ng confrontation.
Matagal pa bago siya nakasagot. He inhaled sharply and stared at me. Sinuklian ko rin siya ng seryosong tingin.
"I didn't regret that I kissed you," aniya sa paos na boses. It sounded sincere. Ipinalandas niya ang dila sa ibabang labi habang tinititigan pa rin ang mga mata ko.
"I regretted that I didn't ask your permission first," marahan at malinaw niyang dagdag.
Ang weird ng nangyayari sa tiyan ko. Sa kabila nito ay hindi pa rin ako nagpaapekto.
"Do you like me?" prangkahan kong sinabi.
He blinked a few times. I realized that my question had caught him off gurad. Hindi ulit siya nakapagsalita ng ilang segundo. He gave a nervous chuckle.
"You are very straightforward..."
I did not even blink as well. "So... gusto mo ba ako o ano?"
Mariin niyang tinitigan ang bawat sulok ng mukha ko. Na para bang may hinahanap siya na kung ano. Mukhang hindi niya ito mahanap dahil nagpakawala na lang siya ng isang mabigat na buntonghininga.
"Yes, I like you," sambit niya. Tunog sigurado.
"Okay."
Nagsalubong ang kilay niya at nanliit ang kanyang mga mata. "Okay?"
"Okay," pag-uulit ko at humarap na sa pinto ng sasakyan upang buksan ito.
"Claudine, I just told you I like you," mataman niyang sinabi.
Nabuksan ko na ng tuluyan ang pinto. Lumabas na ako ng sasakyan at bago muling isinara ang pinto ay nilingon ko siya.
"Sa bahay ka na mananghalian bukas," sabi ko at pagkatapos ay itinulak na ang pinto ng sasakyan para maisara.
Nanatili ang mariin at maingat na tingin niya sa akin. Kinawayan ko siya at tumalikod na ako.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Napahawak ako sa dibdib habang nakasandal sa likod ng pinto. Pumikit ako nang mariin. Ang bilis ng tibok ng puso ko at ang weird ng nangyayari sa tiyan ko. Parang may nagliliparan sa loob nito.
That was not the first time that I have heard a confession from a guy about liking me. Dati pa naman akong nakatatanggap ng ganoong pag-amin noong nasa Maynila pa. Wala akong kakaibang naramdaman noon. Ngayon lang. Sa ginawang pag-amin lang ni Doc Theo nayanig ang buong sistema ko.
"Clau? Okay ka lang?" Dinig kong boses ni Ate Meryl.
Unti-unti akong dumilat at tumambad siya sa paningin ko na nakatayo sa harapan. Bakas ang pag-aalala sa kanyang hitsura.
Napatuwid ako ng tayo. "Ha? Ah...Oo!"
Nagsalubong ang kanyang kilay at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Nagpaulan ka? Basa ka, ah..." Napasulyap siya sa may binta. "Kasama mo si Doc Theo? Ang sabi ni Tiya Magda sinundo ka raw no'n."
"Oo... Umuwi na rin siya," sabi ko at nagsimula nang humakbang. Nilagpasan ko siya at nagtungo ako sa hagdan para umakyat na. "M-Maliligo lang ako."
"Hindi mo siya inimbita para rito na maghapunan?!"
"Inimbita ko siya bukas ng pananghalian!" Mabilis akong umakyat na ng hagdan at hindi siya nilingon.
Pumasok ako ng kuwarto at dere-deretsong naglakad papasok ng banyo. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at pinagmasdan ang mga labi. Namula ito dahil sa pagkagat ko.
"Humalik ba ako pabalik sa kanya?" bulong ko sa sarili. Ipinilig ko ang ulo at sinubukang alalahanin ang nangyari pero hindi ko pa rin matukoy kung tinugunan ko nga ba ang halik niya o hinayaan ko lang siya.
"Akala ko ba matalino ka, Clau?" pangangaral ko ulit sa sarili at dismayadong napailing na lang.
Nanatili ako sa loob ng bahay kinabukasan at hindi na dumalo sa iba pang programa ng bayan para sa pista. May mga bisita rin kasi si Tiya Magda kaya tinulungan ko siya sa pag-aasikaso sa kanila. Hindi naman pupuwedeng si Ate Meryl lang ang tumulong at baka ma-i-stress pa siya.
"Balita ko ay nurse na pala itong si Claudine, Magda!" sabi ng isa sa mga kaibigan ni Tiya na taga karatig bayan lang din.
"Oo. Awa ng Diyos," nakangiting tugon ng tiyahin ko.
"Mas maganda iyan, Claudine. Kaysa naman manghula ka," komento naman ng isa pang babae na hindi ko kilala.
Nagkatinginan kami ni Tiya. May nakita akong iritasyon na dumaan sa mga mata niya nang sulyapan niya ang kakilala niyang nagsabi noon.
Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalapag ng pinggan sa mesa. Habang ginagawa ito ay nakarinig ako ng nagtatawag na boses galing sa labas.
"Ako na rito, Clau at tugunan mo na muna iyong tao sa labas," utos ni Tiya.
Tumango ako at ibinigay sa kanya ang natitirang mga plato na hawak. Iniwan ko sila ng mga bisita niya sa kusina at nagtungo ako sa sala. Nadatnan ko ang isa sa mga kagawad ni Kapitan na kausap na ni Ate Meryl. Sabay silang napalingon sa akin.
"Dala ko pala iyong premyo sa palaro kahapon noong biik, Claudine," sambit ni Kagawad sabay abot sa akin ng puting envelope. "Umalis na kasi kayo ni Doc Theo kahapon kaya hindi 'to naibigay kaagad."
Hindi ko ito tinanggap. "Kay Doc Theo po 'yan at hindi sa akin."
Napakamot si Kagawad sa kanyang batok. "Iyon na nga, eh. Tinawagan siya ni Kapitan para i-claim. Ang sabi niya sa'yo raw 'to ibibigay."
Nagtagal na muna ang tingin ko sa envelope. Kalaunan ay tinanggap ko ito.
"Ako na lang ang magbibigay nito sa kanya," sabi ko.
Maya maya ay nagpaalam na rin si Kagawad at tinanggihan ang imbitasyon ni Ate sa pananghalian.
"Andito na pala si Doc Theo!" anunsiyo ni Ate Meryl.
Napatingin ako sa labas ng pintuan at nakita nga si Doc Theo. Isang kulay puti na naman na button down shirt ang suot niya at brown khaki pants. May bitbit siyang dalawang bote ng wine. Sa likod niya ay si Kuya Baldo na may bitbit namang isang case ng beer. Siguro ay dumaan sila sa bayan para bumili nito.
Pumasok sila sa loob ng sala. Dere-deretsong naglakad si Kuya Baldo at bago kami lagpasan ay nilingon niya muna si Doc Theo.
"Salamat sa pag-sponsor sa inumin, Dok!" pahabol na pagkakasabi niya at pagkatapos ay dumeretso na sa kusina.
"Ako na ang magtatabi niyang wine na dala mo, Doc," presinta ni Ate Meryl sabay lahad ng dalawang kamay.
Ibinigay ni Doc Theo ang dalawang bote kay Ate. Nagpaalam si Ate Meryl sa amin at iniwan na niya kami sa sala.
"Kumain ka muna ro'n sa kusina," sabi ko.
"Kumain ka na ba?"
Umiling ako. "Mamaya na. May mga bisita pa kasi si Tiya."
"Mamaya na rin pala ako. Sabay na tayo."
Tumango ako. There was a long pause.
Napuna ko ang mabilisang pagpapasada niya ng tingin sa suot ko.
"You look good in your dress," sabi niya sabay tikhim at iwas ng tingin.
"Thanks." Nag-iwas na rin ako ng tingin. Ordinaryong lace white dress lang naman ang suot ko.
Nang maalala ang hawak na envelope ay inilahad ko ito sa kanya.
"Premyo mo pala kahapon."
Nagbaba siya ng tingin dito. "Sa'yo na 'yan."
Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan siya. "Hindi naman ako 'yong sumali."
"Ikaw ang rason kung bakit ako sumali," he said it as a matter-of-factly.
"Akala ko ba sumali ka para iligtas ang biik?"
"And that as well..."pag-amin niya.
"Okay." Sumuko na ako. "Itatabi ko na lang 'to in case na gamitin natin..."
Tumambay na muna kami sa sala. Matapos kumain ng mga bisita ni Tiya Magda ay kami naman ni Doc Theo ang kumain. Sumabay na rin sa amin sina Kuya Baldo at Ate Meryl. Nagkuwentuhan kami sa hapag. Pansin ko na habang tumatagal na kasama namin si Doc Theo, mas nagiging komportable at sanay na kami sa presensiya niya.
Lumipat kami sa sala para mag-inuman. Dahil hindi naman puwedeng uminom si Ate Meryl, siya na ang nagboluntaryo na pakyawin ang lahat ng kanta.
"Ang sarap pala nitong wine," komento ni Kuya. "Hindi ako sanay, eh. Pangmayaman naman kasi!"
"May mura namang wine, Kuya," sabad ko.
Sinalinan niya ng wine ang baso ni Doc Theo. Ang dami niyang inilagay. Parang beer lang. Hindi ko na inawat pa.
"Pasensiya ka na. Wala kasi kaming wineglass dito sa bahay," sabi ko kay Doc Theo sa mahinang boses. Nakaupo naman siya sa tabi ko kaya rinig niya pa rin ako sa kabila ng pagbirit ni Ate Meryl sa kanta.
"This is fine," nakangiti niyang sinabi sabay angat ng baso at sumimsim na rito.
Sumimsim na rin ako sa sarili kong baso at naging tahimik. Silang dalawa lang ni Kuya ang nag-uusap at nakikinig lang ako sa pagkanta ni Ate Meryl. Medyo maganda naman ang boses niya kaya napanatag na rin ako na hindi kukulog at uulan.
Hindi nakontento si Kuya sa naubos na dalawang bote ng wine. Nagbukas siya ng beer.
Napangiwi ako nang maalala ang pagkalasing ni Doc Theo noon sa bar sa Manila.
"Baka.. malasing ka na niyan, ah," saway ko habang kay Kuya nakatingin.
"Hindi na ako iinom..."bulong niya pabalik.
Pareho kaming nakatingin kay Kuya Baldo na nagsasalin sa tapat namin. Inangat niya ang baso na puno ng beer at tumingin siya kay Doc Theo.
"Para sa'yo, Dok!"
"Okay na ako dito," magalang na pagtanggi ni Doc Theo at inangat ang sarili niyang baso na may kaonting wine pang laman.
"Naku! Isang case pa naman ng beer ang ipinabili ko para sa'ting tatlo!"
Mabilis kong kinuha ang baso mula sa kamay ni Kuya. "Ako na ang iinom para kay Doc," sabi ko at lumagok nang dere-deretso.
Nang maubos na ang laman ay inilapag ko ito sa mesa. Pinunasan ko ang bibig gamit ang likod ng kamay. Nag-angat ako ng tingin at tumambad sa akin ang gulantang na mukha ni Doc Theo. Nakaawang ang labi niya.
Humalakhak si Kuya. "Huwag kang mag-alala, Dok! Hindi talaga nalalasing iyang si Claudine!"
Isinara na ni Doc Theo ang kanyang bibig at binalingan niya ng tingin si Kuya na may malapad na ngisi.
Sinulyapan ako ni Kuya at inangat niya ang bote. Nakuha ko kaagad ang tanong sa mga mata niya. Kinuha ko ang baso at inilahad ito sa kanya. Pinagsalinan niya ulit ako ng beer.
Nilagok ko ulit ang laman ng baso at muli na namang inilapag ang baso sa mesa.
Nagsalin ulit si Kuya ng para sa sarili niya. Madali niya itong naubos. Maingay siyang dumighay at ibinaba ang baso. Tiningnan niya kaming pareho ni Doc Theo pero nagpirmi ang tingin niya sa doktor.
"Kayong dalawa na ba?" seryosong tanong niya. Mariin at bahagyang may pagkaistriktong tinitigan niya si Doc Theo. "May nakapagsabi sa'kin na hinalikan mo raw 'tong pinsan ko sa palayan kahapon..."
Nilubayan ng kulay ang mukha ko. Pansin ko rin na biglang huminto ang tugtog at tumigil na sa pagkanta si Ate Meryl. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong sala.
"Tapatin mo nga ako, Dok," marahan na pagkakasabi ni Kuya. He even slightly leaned forward. Nanatiling mapanuri ang tingin niya. "Nililigawan mo na ba 'tong si Claudine?"
Huminto ang oras para sa akin. Hinintay ko na kainin ako ng lupa. Ni isang beses ay hindi ko sinulyapan ang ang katabing si Doc Theo para sana makita kung ano ang reaksiyon niya. Ang tanging napansin ko lang ay hindi na siya gumagalaw sa tabi ko.
Pipikit na sana ako dahil hindi na nasikmura pa ang kahihiyan na nararamdaman nang bigla kong napansin ang pagkuha ni Doc Theo sa bote ng beer. Nagsalin siya nito sa baso. Dahil na rin sa katahimikan ay maski tunog ng pagbagsak ng likido sa baso ay dinig namin. Nang halos mapuno na ay dahan-dahan niya itong inangat at uminom siya mula rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top