Chapter 11
Chapter 11
Biik
Tirik na tirik ang araw sa alas dos ng hapon ay bumaba ako ng traysikel bitbit ang styro ice box na may lamang juice sa loob. Ibinaba ko ito sa lupa at nag-abot ako ng pamasahe sa drayber. Nang makaalis na ito ay tinanaw ko sina Kuya Baldo na nasa gilid ng kalsada.
May iba pa siyang kasamahan na mga lalaki at hindi na ako nagulat pa nang isa sa kanila ay si Doc Theo. Kasalukuyan nilang ikinakabit ang banderitas na may iba-ibang kulay sa poste ng ilaw.
Hindi pa man nakakatawid ng kalsada ay kaagad akong nakita ni Doc Theo. Binitiwan niya ang dulo ng banderitas at iniwan ang mga kasamahan niya. Tumawid siya sa kalsada at naglakad palapit sa akin.
"Tulungan na kita," aniya sabay abot sa hawakan ng styro ice box. Siya na ang nagdala nito at sabay kaming naglakad patawid ng kalsada.
"Mukhang napasubo ka yata kay Kuya, ha," komento ko habang naglalakad kami.
"It's cool. Wala rin naman akong ginagawa," sabi niya sa magaang boses. Sinulyapan niya ako. "I didn't expect you'd be here."
Napatingin ako sa styro box na walang kahirap-hirap niyang bitbit. "Napag-utusan lang ni Ate Meryl."
Naudlot ang usapan namin dahil nakalapit na kami kina Kuya Baldo.
"I'll just go get the sandwiches." Inilapag ni Doc Theo sa lupa ang styro at naglakad siya patungo sa nakaparada niyang sasakyan.
Binalingan ko ng tingin si Kuya na abala na ngayon sa pagbubukas ng styro.
"Si Doc Theo ang pinabili mo ng snacks ninyo, Kuya? Nakakahiya naman," saway ko.
"Na-flat kasi ang gulong ng traysikel ko kaya hindi na ako nakadaan ro'n sa bayan. May dala naman siyang sasakyan kaya nagpresinta siya." Isa-isa niyang iniabot sa mga kasamahan ang pack ng juice.
Inabutan niya ako ng isa at kaagad naman akong umiling.
"Ayaw niya ngang tanggapin 'yong pera na bigay ni Kapitan para sa budget ng snacks, eh," pagpapatuloy pa niya. "Nahiya nga ako."
"Sana nag text ka na lang pala kay Ate Meryl para kami na lang din ang bumili ng tinapay." Hininaan ko ang boses dahil napansin na naglalakad na pabalik sa gawi namin si Doc Theo dala dala ang dalawang paper bags.
Pareho kami ni Kuya Baldo na umayos kaagad sa pagtayo at hinarap na ang paparating na si Doc Theo.
"Here." Iniabot ni Doc Theo ang dalawang paper bags kay Kuya na agaran naman nitong tinanggap.
"Ikaw, Dok? Meryenda ka na rin muna," alok sa kanya ni Kuya Baldo.
"Busog pa ako," pagtanggi niya. "Nag-lunch na rin kasi ako sa bayan no'ng binili ko 'yan."
"Sige sige. Bigay ko lang 'to sa mga boys," paalam ng pinsan ko at pagkatapos ay tinalikuran na niya kami ni Theo. Nilapitan niya ang mga kasamahan niyang sumilong sa lilim ng malaking puno.
Iginala ko ang tingin sa itaas. Ramdam na ramdam na talaga ang pista dahil sa mga banderitas na nakalagay.
"Patapos na pala kayo," komento ko habang nakatingala sa iba-ibang kulay ng banderitas.
"Maaga nilang sinimulan kaya mabilis lang," tugon niya. "Binilisan din kasi bukas na ang simula ng mga palaro."
Tiningnan ko siya. Gaano man ka kaswal ang suot niyang white tshirt at brown shorts, hindi talaga maipagkakaila ang kaibahan ng estado niya sa amin.
"Huwag kang masyadong didikit kay Kuya," babala ko sa mapagbirong tono. "Baka gagawin ka niyang ganap na Pablista."
Umangat ang sulok ng kanyang labi. "This place is growing on me actually. It's a breath of fresh air....and I mean that both figuratively and literally."
Nahawa na rin ako ng charm niya. Umiling ako pero nakangiti naman.
"Clau!"
Sabay kaming napalingon sa gawi nina Kuya dahil sa pagtawag niya sa akin.
"Ako na ang magdadala ng styro pauwi! Mauna ka na sa pag-uwi dahil dadaan pa kami kina Kapitan para uminom!"
Isang beses ko siyang tinanguan. Nagpatuloy naman siya sa pakikipag-usap sa mga kasamahan. Binalingan ko si Doc Theo.
"Mauna na ako," paalam ko sabay harap sa kalsada. "Mag-aabang lang ako ng traysikel."
"Ihahatid na kita," mabilis na presinta niya. "Konti na lang naman at matatapos na kaya... kaya na nila."
Ngumisi ako sa kanya. "Excuse mo lang yata 'yan para hindi makasama kay Kuya kina Kapitan, eh!"
Walang kahiya hiya siyang ngumisi pabalik. "Guilty as charged."
Umikot ang mga mata ko. "Sige na nga. I'll save you today. Ihatid mo na ako."
Mas umangat pa ang sulok ng labi niya. Nilinga niya ang lokasyon nina Kuya.
"Hatid ko lang si Claudine, Baldo!" sigaw niya bilang paalam.
"Babalik ka naman, 'di ba?" tawag pabalik sa kanya ni Kuya. "Magpapainom si Kapitan!"
"Shoot me," bulong ni Doc Theo. "Tingnan ko!" sabi niya sa mas malakas na boses at pagkatapos ay itinuro na ang sasakyan.
Tumango si Kuya sa amin. Pansin ko na nagtagal ang palipat-lipat na tingin niya sa amin ni Doc Theo bago niya muling ibinaling ang atensiyon sa mga kasamahan.
Nagpatuloy na kami sa paghakbang patungo sa nakaparadang sasakyan. Pinagbukasan ako ni Doc Theo ng pinto nito nang tuluyan na kaming makalapit. Pumasok ako sa front seat at naupo. Sumunod naman siya at pagkatapos ay isinara na ang pinto. Hindi nagtagal, umalis na kami sa lugar.
Nakarating na kami ng bahay. Ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Lumabas ako at bago isinara ulit ang pinto ng sasakyan ay tiningnan ko muna si Doc Theo.
"A-attend ka sa mga palaro bukas?" tanong ko sa kanya.
"Of course. I'll pick you up tomorrow."
Pinasadahan ko ng tingin ang suot niyang puting tshirt. "Huwag kang magsuot ng puting damit bukas."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit naman?"
Pinigilan ko ang papalabas na ngisi. "Basta. Wear something dark in color. Or old na tshirt."
"What?"
Isinara ko na ang pinto ng kanyang kotse at kinawayan siya. Tumalikod ako at naglakad na patungo sa bahay. Lumipas ang ilang minuto, narinig ko rin ang papaalis na niyang sasakyan.
Napamulat ako kinaumagahan dahil sa ingay ng kinakatay na baboy ng kapitbahay namin. Sinubukan kong pumikit ulit at inipit ang ulan sa bandang tainga. Tumagilid din ako sa kama. Mas lumakas pa ang ingay ng baboy. Nabulabog din ako ng sunud-sunod na katok sa may pinto ng kuwarto ko.
Napadaing ako sa kaonting inis at napilitan na lang na bumangon mula sa kama. Nakapajama pa ako nang daluhan si Tiya Magda sa pintuan.
Humikab ako at pimagbuksan na siya ng pinto.
"Nasa ibaba na si Doc Theo," bungad niya.
"Ha? Bakit?" Pakiramdam ko tuloy naalimpungatan pa ako.
"May usapan daw kayo na magsasabay papunta sa complex hall." Sa sinabi ni Tiya ay naalala ko na. "Alas diyes na ng umaga, Clau. Magsisimula na ang pambungad na palaro para sa pista," pagpapatuloy niya.
"Maliligo pa po ako," natataranta kong sinabi.
"Bilisan mo! Naghihintay na si Doc sa'yo sa ibaba at nakakahiya naman sa kanya."
Nasapo ko ang buhok at tumalikod na para maligo. Bumaba na rin ulit si Tiya Magda.
Hindi na ako masyadong nakaligo ng maayos dahil sa pagmamadali. Parang kidlat sa bilis akong nagbihis ng damit na isang lumang brown tshirt. Naka-imprenta pa sa harapan nito ang pangalan ng university ko dati. Nagsuot na rin ako ng jeans.
Dahil okay na naman tingnan, lumabas na ako ng kuwarto at bumaba.
Nadatnan ko si Doc Theo na nakaupo sa sofa, sa may sala. Sumunod nga siya sa sinabi ko at isang kulay itim na sweatshirt ang suot niya at isang gray pants. If he looks neatly handsome in white, he looks obscenely attractive and dangerous in black.
"Kumain ka na muna ng agahan, Claudine!" pukaw ng boses ni Tiya Magda sa atensiyon ko.
Napalingon ako sa gawi niya at nakitang mukhang kagagaling lang niya sa kusina.
"Uh... Magkakape lang po ako." Tiningnan ko ulit si Doc Theo. May tawa akong nakikita sa mga mata niya.
"Nag-breakfast ka na?"
"I just had a coffee. I don't usually eat breakfast," sagot niya.
"Uh...sige. Magtitimpla lang ako ng kape..."
"Ipinagtimpla na kita," agap ni Tiya. Nakita ko nga na may bitbit na siyang isang tasa. Ang bilis!
Iniabot niya ito sa akin. Maingat kong tinanggap ang mainit na kape at nagpasalamat. Nilapitan ko si Doc Theo sa sofa at naupo sa armchair na nasa tapat nito.
"Mabilis lang 'to," sabi ko at sumimsim kaagad sa tasa ng kape na hawak.
"Take your time. Enjoy the coffee."
Napasulyap ako sa suot na relo at dahil nakitang sobrang late na ng oras, mas binilisan ko ang sunod-sunod na paglagok nito.
Bigla siyang natawa. "Kape ba 'yan o tubig?"
Ngumiwi lang ako at sumimsim ulit. Mas kalmado na. "Mali-late na kasi tayo."
"Okay lang 'yan. Marami pa namang palaro, 'di ba?"
Inilapag ko ang tasa na pinangalahatian ko na sa center table. "Oo pero sayang kasi. Dapat mapanood mo ang opening."
Kinuha ko ang tasa at tumayo na. "Okay. Let's go."
Dumapo ang tingin niya sa tasa na hawak ko. "Tapos ka na?"
"Okay na ako. Lagay ko lang 'to sa kusina," sabi ko at tnalikuran na muna siya. Tinungo ko ang kusina at inilapag sa lababo ang tasa. Binalikan ko rin siya kaagad sa sala.
"Let's go!" ulit ko at pagkatapos ay naglakad na palapit sa pintuan para lumabas. Inaasahan kong susunod siya sa likod kaya puno ng kumpiyansa kong ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa bukana ng pintuan.
Nilingon ko siya sa likod at nagtaka nang makitang nakangisi siya habang nakatingin sa akin.
"Ano?" naguhuluhan kong tanong.
"You still got a towel on your head."
"Shit," malutong na mura ko at mabilis na tumakbo pabalik ng sala. I heard him chuckle.
Tinanggal ko ang maliit na tuwalyang ibinalot sa ulo at mabilisang pinasadahan ng mga daliri ang buhok. Ipinagpatuloy ko ito habang naglalakad pabalik sa may pintuan kung saan naghihintay si Doc Theo.
"Okay na talaga," sabi ko na may halong kahihiyan at tawa.
"Okay then," aniya na hindi pa rin natatanggal ang ngisi.
Lumabas na kami ng bahay at tinungo ang nakaparada niyang SUV. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa may front seat gaya na lang ng ginawa niya kahapon. Nang makapasok na ako ay sumunod naman siya sa pagpasok sa kabilang pintuan ng sasakyan.
"Hindi talaga ako gano'n ka makakalimutin..." panimula ko na hindi siya tinitingnan. Tumikhim ako habang nanatili lang ang tingin sa harapan. "Very focused and efficient akong tao gaya na lang sa Pillars..."
"Of course you are, Nurse Abby..." marahan at seryoso niyang sinabi. May bahid pa rin ng tawa ang boses.
Hindi ko matukoy kung saan siya sumang-ayon. Sa huli kong sinabi o sa nauna. Para makompirma ito, sinulyapan ko siya at nakita ang ngiti at tawa sa kanyang mga mata. Pinaandar na niya ang sasakyan.
Ang ingay ng banda ang sumalubong sa amin nang makarating kami sa maliit na complex hall ng bayan. Matapos mai-park ni Doc Theo ang sasakyan sa gilid ng kalsada ay sabay kaming luambas nito. Hindi pa tapos ang ipinapatayong complex kaya kita pa namin ang loob nito. Marami na ring tao ang nasa loob habang pinapanood ang closing remark na yata ng isa sa mga kagawad ng bayan.
Nang marinig namin ang masigabong palakpakan ng mga tao ay binalingan ko si Doc Theo. Nakita kong may suot na siyang kulay itim na aviator sunglasses. Mas napaghahalataang city boy.
"Huwag na tayong pumasok," sabi ko nang mahanap na ang boses. "Deretso na tayo sa unang event."
Mula sa nangyayari sa loob ng complex hall ay ibinaling ni Doc Theo ang tingin sa akin.
"Ano nga ulit ang first event?"
"I'd rather show it to you," sabi ko at naglakad na. Sumunod naman siya.
Tumawid kami ng kalsada at naglakad sa gilid malapit lang sa complex hall. Lumiko ako at tahimik naman na nakasunod lang sa akin si Doc Theo.
Nang makarating na sa mismong likod ng hall ay bumungad sa amin ang nakapalibot na mga banderitas sa malawak, kuwadrado, at bakanteng palayan. May iilan na ring mga tao na nakapalibot dito. Mga pamilyar ang mukha nila sa akin dahil dito naman ako lumaki.
Bumundol ang kaba sa dibdib ko nang sinundan nila kami ng tingin. Naisip kong kilala nila ako at naaalala nila ang mga panghuhula na ginawa ko noon. Kaya lang ay nagtaka ako bigla, hindi sila nakatingin sa akin kung hindi sa likod ko, kay Doc Theo!
Unti-unting nawala ang kaba sa dibdib ko. Agaw pansin naman talaga yata si Doc Theo dahil tinititigan talaga siya ng mga tao. Lalo na ng mga babae. Wala lang naman yata ito sa kanya dahil nanatili siyang kalmado at confident.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at nakihalo na rin sa kanila.
"What's the game called?" usisa ulit ni Doc Theo. Kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang maputik na gitna ng palayan.
"You'll see," sabi ko na nakangiti sa kanya.
Paglaon ng ilang minuto ay ingay ng biik na ang naririnig namin. Bitbit ito ng isang lalaki na papalapit sa amin. Nang tuluyan na siyang makalapit ay tumapak siya sa pilapil at nagtungo sa gitna ng palayan. Inilagay niya sa putik ang biik at agaran itong mailap na nagtatatakbo. Awtomatikong humarang ang mga tao sa bawat gilid ng pilapil.
Dumating si Kapitan na may hawak na megaphone. Tumango siya sa gawi namin. Marahil ay nakita niya ang nakatayo sa tabi kong si Doc Theo.
"Magsisimula na tayo, ha!" aniya sa megaphone, "Kung sinuman sa inyo ang makahuhuli riyan sa biik eh may cash prize...at siyempre dalhin niyo na rin ang biik sa inyo at letsonin niyo na..."
Naghiyawan sa tuwa ang mga tao.
"You gotta be kidding me," bulong ni Doc Theo.
"Mga lalaki lang ang pwedeng sumali," pagpapatuloy ni Kapitan. "Hindi dapat na mabahala ang mga kababaihan dahil marami pa naman tayong susunod pang mga palaro mamaya bukod dito!"
"Aww. Hindi pala ako puwede. Sayang naman ang cash prize," malungkot na saad ko sa gitna ng pag-aanunsiyo ni Kapitan. Tumingala ako kay Doc Theo. "Sali ka."
"Not a chance," awtomatikong sagot niya.
Bumuntonghininga ako at muling humarap sa palayan.
"Sampong players lang!" dagdag ni Kapitan.
May mga kalalakihan na kaagad na nagtungo sa loob ng maputik na bakanteng palayan.
Kumibot ang nguso ko sa pagkadismaya. Nga naman, may iba pang mga palaro mamaya.
"Sali ka, Bebot! Dalawang players na lang ang kulang! " dinig naming pangungumbinsi ng babae sa isang binatilyo.
"Oo na. Sasali na ako," pagpayag ng binatilyo at umakto pang maghuhubad ng kanyang tshirt, "para naman may lechon tayo mamaya!"
Napatango ako dahil sa paghanga sa determinasyong ng binatilyo. Wala sa sarili akong napabaling ng tingin kay Doc Theo. Pati siya ay nakatingin at nakikinig din sa usapan ng dalawa.
Pumikit siya at napahilot sa sentido na para bang may pinoproblema sa narinig na usapan. Dumilat siya pagkatapos ng ilang segundo at hinarap ako.
"I'll do it," anunsiyo na. "Sasali na ako."
Umawang ang labi ko dahil sa matinding pagkabigla. Bago pa man makabawi ay tinanggal niya ang suot na aviator at inabot ito sa akin.
"Will you hold this for me?"
Tanging pagtango lang ang naitugon ko.
Hinubad na niya ang kanyang suot na puting sapatos at iniwan na ako. Naglakad na siyang nakapaa patungo sa gitna kung nasaan ang iba pang mga kasali sa palaro.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan siyang nakatingin sa mga kasamahan niyang walang suot na tshirt. Napansin ko rin na si Doc Theo ang pinakamatangkad sa kanila.
Nag-anunsiyo ulit si Kapitan kung kailan magsisimula. Ang sabi niya ay magbibigay lang daw siya ng hudyat. Nakahilera sila sa may dulong bahagi habang ang biik naman ay balisang nanatili sa kabilang dulo, malapit sa pilapil.
May pumutok na lobo at kaagad na nag-unahan sa pagtakbo ang mga kalahok. Nakita ko rin ang gulat ni Doc Theo pero agaran naman siyang nakasunod sa pagtakbo. Namuo na ang tilian at hiyawaan sa buong paligid. Nakisabay na rin sa pagiging aktibo ang biik at mas lalo itong naging mailap sa lupa.
Dahil na rin sa liit nito ay walang kahirap-hirap itong nakakalusot sa kanila. Umingay ang tawanan ng manunuod nang may iilan ng mga lalaki ang natumba sa putik.
Nakakuyom ang dalawang palad ko habang nakatutok ang tingin sa tumatakbong si Doc Theo. Naaaliw ako sa pagiging sobrang focused niya tingnan habang pilit na dinadakip ang biik. Napatili ako nang tuluyan na niya itong ma-corner. Mukha yatang natigilan din ang mga kasamahan niya dahil hinayaan lang siya ng mga ito.
Sobrang suspense ng nagaganap dahil pati kaming mga manunuod ay natahimik din. Dahan-dahan ang ginawang paglapit ni Doc Theo sa biik na palipat-lipat naman ang tingin sa magkabilang gawi. Siguro ay naghahanap ng malulusutan.
Isang hakbang na lang ay tuluyan nang mahahawakan ni Doc Theo ang hayop. Halos patalon niya itong bukas palad na sinugod nang madulas siya dahilan para matumba siya sa putik.
"Fuck!" Dinig kong malutong na mura niya.
Lumabas ang malakas na tawa sa bibig ko. Namayani ito sa buong paligid kaya napatingin na rin sa akin ang ibang mga tao. Tumikhim ako at isinuot ang aviator ni Doc Theo. Inignora ko ang kuryosong tingin nila at nagpatuloy sa pagtawa nang malakas na para bang wala ng bukas. Nasapo ko ang tiyan. Sumakit ito dahil sa walang humpay na pagtawa ko.
Saka pa lang ako umayos at tumigil nang bumangon na si Theo. Ngumisi ako at natawa ulit nang makita ang putik na dumikit sa kabilang pisngi niya. Dahil sa suot niyang itim na sweatshirt ay hindi naging klaro ang putik dito maliban na lang sa gray pants niya.
And just like that, he was quickly back in the game. Umigting ang kanyang panga at tumalim ang tingin niya sa biik na nakalayo na at hinaharangan na ng ibang kalahok.
Nadagdagan ang kumpiyansa ko na mananalo si Doc Theo dahil alam ko na kung anong kaya niyang gawin dahil sa competitive spirit niya. Humakbang siya palapit dito habang mula sa likod ay inaangat niya ang suot na tshirt. Until he finally took it off. Itinapon niya ito sa pilapil. Kasabay ng kusang pag-awang ng mga labi ko ay ang singhapan ng iilang mga babaeng nakatingin sa kanya.
Yes, I had seen him before without a shirt on...sa ilog... pero iba pala ang dating kapag nakikita siyang hubad maliban sa suot na gray pants na naglalakad sa gitna ng putikan. Para akong nanonood ng commercial sa tv.
Naging tulala ako. I thought I could see fogs. Bumilis ang mga pangyayari na hindi ko nasubaybayan. Kaya naman nang umugong ang pinaghalong tili ng mga tao at hiyaw ng biik ay saka ko palang naklaro si Doc Theo. Nakahiga siya sa putikan habang yakap yakap ang humihiyaw na biik.
May sinasabi si Kapitan sa megaphone niya na hindi ko na pinakikinggan pa.
Nadakip ni Doc Theo! Nanalo kami!
Biglang dumilim ang langit. Bumuhos ang malakas na ulan. Nagsitakbuhan ang mga tao paalis at nagtungo sa may hindi kalayuan, sa likod ng complex hall para sumilong.
Imbes na sumunod sa kanila ay tumakbo ako papunta kay Doc Theo na nakahiga pa rin sa putikan. Hindi niya pa rin binibitiwan ang pagyakap sa biik na naging kalmado na sa bandang dibdib niya.
Kaagad akong nabasa dahil na rin sa malalaking patak ng ulan pero hindi ko ito inalintana. Malapad ang ngisi ay huminto ako sa paanan ni Doc Theo.
"Panalo tayo!" masiglang tili ko. Umikot ako at tumalon-talon. "Ang galing galing mo!"
Imbes na sumagot ay naglahad ng kamay si Doc Theo sa akin. Nakuha ko kaagad ang paghingi niya ng tulong para makatayo. Hinawakan ko ang kamay niya at napatili ulit ako sa gulat nang hilahin niya ako pabagsak.
Napahiga ang kalahati ng katawan ko sa braso niya habang ang kalahati naman ay sa mismong putikan.
Humalakhak siya. Hindi nagtagal ay sumabay na rin ako sa pagtawa.
Pareho kaming nakatihaya habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Ininda namin ang bawat pagpatak ng ulan. Ramdam ko ang lamig nito ngunit ang init naman ng putik na hinihigaan ko.
"I could stay here forever," bigla niyang sinabi.
Itinagilid ko ang ulo at tiningnan siya. Muntik nang matanggal ang aviator na suot ko. He leaned forward as he stared at me.
"I could stay here forever, Claudine," he softly whispered and then his lips landed on mine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top