Chapter 13
Chapter 13
Mind
Tulad na lang ng ginawa ko kanina ay hindi siya tumigil hanggang sa maubos ang laman ng baso. Inilapag niya ito sa mesa at nag-angat siya ng tingin kay Kuya.
"Sa tingin ko, mas mabuti na sa'min na lang ni Claudine ang tungkol diyan," derekta ngunit magalang pa rin na pahayag niya. "We are both adults. What we currently have should only just be between the two of us. Sana ay respetuhin ninyo ang privacy namin."
Bumagsak ang panga ko. Hindi ako makapaniwala na naging prangka siya sa pinsan ko.
Biglaan ang ginawang pagtayo ni Kuya Baldo. Matalim niyang tiningnan si Doc Theo na kalmado pa ring nakaupo sa tabi ko. Naalarma ako at pati na rin si Ate Meryl. Kaagad niyang hinawakan ang braso ni Kuya para awatin ito sa kung ano man ang gagawin.
Nag panic ako nang makitang tumayo na rin si Doc Theo at hinarap si Kuya. Mas matangkad naman si Doc Theo kumpara kay Kuya kaya lang mas nakakakaba ang paraan ng pagtingin ni Kuya kay Doc.
Kinain ni Kuya ang kaonting distansiya sa pagitan nilang dalawa ni Doc Theo. Nagsinghapan kami ni Ate Meryl sa kaba nang bigla na lamang niyang hinawakan si Doc Theo sa magkabila nitong mga balikat.
"Kaya kita gusto para sa pinsan ko, eh!" natatawa at may bahid ng saya na saad ni Kuya. "May paninindigan ka talaga bilang isang lalaki at hindi nagpapatinig sa opinyon ng iba!"
Ang paghinga na pinigilan ko kanina ay lumabas ng wala sa oras kaya naman napaubo ako.
Malakas na sinapak ni Ate Meryl ang likod ng pinsan ko.
"Bwisit ka! Kinabahan pa kami ni Claudine dahil inakala namin na susuntukin mo si Doc!"
Napaharap sa kanya ang pinsan ko. Awtomatikong pumungay ang kanyang mga mata at lumambot ang disposisyon niya.
"Sorry na, mahal!" paglalambing niya sa asawa. "Huwag ka nang magalit dahil hindi 'yan maganda sa baby natin."
Hinila siya ni Ate sa braso at pinaupo ulit. Naupo na rin si Doc Theo sa tabi ko.
Ngumisi si Kuya sa tapat namin. "Kung anuman ang relasyon ninyong dalawa ay rerespetuhin namin." Pinirmi niya ang tingin kay Doc Theo. "Isa lang ang pabor na hihingin ko sa'yo, Dok. At 'yan ay ang aalagaan mo ang pinsan ko. May powers 'yan, bahala ka kung gusto mong masumpa!" Natawa pa siya sa sarili niyang biro.
Walang nakisabay sa tawa niya. Tumikhim siya at nagkunwaring seryoso ulit. Sinulyapan niya ako at sinipat ko siya ng tingin. Mas lalo lang siyang ngumisi.
Nagpatuloy ang inuman na parang walang nangyari. Halata marahil ang pagiging apektado ko dahil hindi na ako tumagay pa kaya naman ang ending, si Kuya lang mag-isa ang uminom. Hindi naman siya nagreklamo dahil ang hilig hilig niya namang uminom.
Kinahapunan naman ay dumating ang mga kaibigan niya. May bago na siyang kasamang tumagay. Mas lalong umingay ang loob ng bahay.
Nagpaalam na si Doc Theo. Sa tingin ko ay naiingayan na rin siya sa mga barkada ni Kuya. Lalo na at nakainom na kaya lumalakas ang boses sa tuwing nagsasalita.
Itinulak ako ni Tiya Magda na ihatid si Doc Theo sa labas kung saan nakaparada ang kotse niya. Para wala ng masabi ay sinunod ko siya. Naging excuse ko na rin ito para makaiwas sa pag-iingay ng mga bagong dating na bisita ni Kuya Baldo.
Nakarating na kami sa kotse ni Doc Theo. Base sa kilos niya ay mukhang wala pa siyang balak na pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Hinarap niya ako at tila ba may gusto siyang sabihin. Hinanda ko rin ang sarili sa maaaring sasabihin niya.
"Na-offend ba kita sa naging sagot ko sa pinsan mo?"
"Hindi naman," matapat na sagot ko. Taas noo ko siyang tiningnan. "May balak ka bang manligaw sa'kin?"
Hindi ko nakitaan ng gulat ang hitsura niya. Nasanay na siguro siya sa pagiging prangka ko.
"And... if I say yes?" His voice was careful. Kung hindi rin ako namamalikmata, nakitaan ko yata ng kaonting takot ang mga mata niya.
"Huwag mo nang ituloy," sabi ko sa matatag na boses. "Kung hindi ka pa nakaka move on kay Winona—"
"Why is she even in this conversation?" pagputol niya sa akin. May bahid ito ng pagkairita.
Nagtaas ako ng kilay at humalukipkip.
"Bakit? Wala ka na bang nararamdaman para sa kanya? Kung makita mo siya ngayon, hindi mo ba siya papansinin at bibigyan ng buong atensiyon?"
Hindi siya nakapagsalita. I know that I hit a nerve. Alam naming parehas iyon kaya hindi niya basta-bastang mai-de-deny ang bagay na iyon.
His jaw clenched and he looked away. Ramdam kong ayaw niya akong tingnan.
"Hindi ka makasagot?" Sobrang dahan ng pagkakatanong ko nito.
Marahas siyang bumuntonghininga.
"Of course, I'll talk to her. May pinagsamahan din naman kami. But it doesn't mean that..."
Why do you sound so defensive, Theo? Gusto ko sanang itanong kaya lang naisip na baka mas mairita lang siya. Mabait at very polite man si Doc Theo, nakasisiguro akong may malamig na pag-uugali rin siya. Naranasan ko iyon sa kanya noong nasa Pillars pa lang ako. At hindi ko iyon nagustuhan kaya naman ay iniiwasan ko ito kung maaari.
"Wala ka nang mararamdaman kung mag-usap man kayo?" tanong ko na lang.
"Why are we talking about her?" reklamo na naman niya. Dinig ko ang frustrations sa boses niya.
Ngumiti ako pero walang saya rito.
"Ikaw na rin ang nagsabi kay Kuya Baldo kanina. We are both adults so let's talk about your intentions towards me like adults."
Nagtiim-bagang siya at nakuha na akong tingnan.
"Alam kong nagpunta ako rito para tumakas," panimula niya. Mabigat siyang lumunok. "But I have grown to like it here."
"And I am not taking that against you, Theo," sabi ko, puno ng pang-unawa dahil naiintindihan ko naman. "Hindi rin masama ang loob ko kung may nararamdaman ka pa kay Winona dahil alam kong matagal din naman ang pinagsamahan ninyo."
Nanliit ang mga mata niya. He stared at me ridiculously for a long moment.
"You think that I am making you a rebound? You think that I don't sincerely like you?"
Naitikom ko ang bibig dahil nadali niya kagad ang iginigiit ko.
"I know that you like me," kalmante kong sinabi nang makabawi na. "Sabi nga nila, magaling akong magbasa ng emosyon at intensiyon ng ibang tao."
"Kung gano'n bakit ayaw mong manligaw ako sa'yo?"
"Because I don't think that you like me enough," deretsahang pangangatwiran ko. Nag-iwas na naman siya ng tingin kaya sinubukan kong hagilapin ang mga mata niya para matingnan niya ako. "Oo at wala akong experience sa ganiyang klaseng relasyon pero isa lang ang sigurado ko. Kung may magkakagusto man sa akin, gusto kong ako lang ang gusto niya. Dahil ayaw kong dumating ang araw na mangamba ako kung pumapantay na ba ako sa ibang babae na gusto niya."
Bigo siyang yumuko. Nagpatuloy naman ako.
"We can stay friends..." pampalubag loob ko.
Iyon na yata ang ikalimang beses na nasambit ko ang linyang ginamit ko noon sa pambabasted sa mga dati ng sumubok. Hindi ko sukat akalain na pati kay Doc Theo ay magagamit ko iyon.
"Alright," he sighed. Bagsak na ang mga balikat niya at pagod niya akong tiningnan.
"A-Alright?" Ngayon ay ako naman ang nabigla sa simpleng reaksiyon niya. May parte rin na gumuho sa loob ko.
"Tama ka... Ngayon ko lang na-realize na ang gago pala ng dating ko sa pagbibigay ng motibo sa'yo." He chuckled bitterly. "You of all people do not deserve it."
Hindi ako nakakibo at bahagyang naestatwa na lang.
"I will fix and try to make peace with my own emotions first. You deserve an assurance." Ginawaran niya ako ng nahihiyang ngiti. "I accept your offer of friendship... for now."
Tanging isang beses na pagtango lang ang naisukli ko sa mga sinabi niya. Wala rin akong makapa na salitang masasabi. I guess I should feel thankful that he was not so... upset?
Tuluyan na siyang nagpaalam sa akin at pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng kanyang SUV.
Maski nakaalis na ang sasakyan niya ay nag-ugat pa rin ang mga paa ko sa kalsada. Ang mature ni Doc Theo tumanggap ng rejection. Ako iyong nambasted sa kanya pero bakit pakiramdam ko ako iyong na-reject? Umiling ako para maiwaksi ang bumabagabag sa isipan. Tinalikuran ko na ang kalsada at mabilis na naglakad pabalik ng bahay kung saan sobra nang ingay.
Madalang na ang pagpunta ni Doc Theo sa bahay sa mga sumunod na araw. Sa tuwing pumupunta naman siya ay umaakto kaming normal. Hindi na siya nagpakita pa ng ibang motibo sa akin. Ika nga sa mga naririnig ko noon sa Manila galing sa mga kaklase ko, 'He kept his distance.'
"Binasted mo?" tanong ni Ate Meryl isang hapon habang sinusuri ko ang BP niya.
Sinabi ko ang resulta ng BP niya at tinanggal na ang strap mula sa kanyang braso.
"Hindi mo... type?"
Naupo ako sa gilid. Isinandal ko ang likod sa upuan at pumikit.
"May gusto pa siyang iba," sabi ko sa mahinang boses. "Tinutulungan ko siya sa ginawa ko."
Natahimik si Ate Meryl. Napasulyap ako sa gawi niya at nakita ang banayad na paghaplos niya sa kanyang tiyan.
"Malapit ka nang manganak," sabi ko. "Dito na lang muna kayo mag-stay ni Kuya para ma monitor din kita at may mag-alalay sa'yo sa tuwing abala si Kuya sa bukid."
Mula sa kanyang tiyan ay inilipat ni Ate ang tingin sa akin. Nakita ko ang pagpapasalamat sa ngiti niya.
Inabot ko ang remote ng tv na nakalapag sa ibabaw ng center table at ni-on ito. Mabilis akong naglipat ng chanel at naghahanap ng magandang palabas. Huminto ako sa paglilipat sa kalagitnaan ng isang breaking news.
"... Sumabog malapit sa kampo... pinaghihinalaang isang... terrorist attack.." ayon sa isang reporter na nasa telepono lang at naka loud speaker, "Ang sabi nila ay sumabog lang daw na tangke ng gas....Kasalukuyan pang kinukuhanan ng panig si Senator Del Fuego as the committee in Peace and Unification...."
Hindi ko man nakita ang buong balita ay nakuha ko na ang kabuuang laman nito. Kaagad na lumipad ang isipan ko kay Winona. Wala na akong masyadong balita sa Manila pero base na rin sa huling narinig ko, nalalapit na ang kasal nila ng batang senador.
"Baka naman fake news lang 'yan at tangke ng gasul lang talaga ang sumabog," komento ni Ate habang pinanonood ang balita.
Hindi na ako nagbigay ng opinyon pa at tumahimik na lang.
Pareho kaming napalinga sa may pintuan dahil sa narinig naming tunog ng traysikel ni Kuya Baldo. Tumayo na si Ate at sinalubong ang asawa. Nanatili naman ako sa sofa.
Pinunasan ni Ate ang pawis ni Kuya sa noo gamit ang maliit na bimpo. Nagpagpag naman si Kuya ng kanyang mga paa sa doormat na nasa sahig. Habang ginagawa niya ito ay nakuha niya pa ring sumilip sa gawi ko.
"May nasabi ba si Dok sa'yo tungkol sa pag-alis niya, Clau?!"
Napakunot ako ng noo at bahagyang natigilan. "Umalis siya?"
Bumaling na rin sa akin si Ate Meryl. Pati siya ay may tanong na rin sa mga mata. Naglakad na silang dalawa patungo sa sala.
Kinuha ni Kuya ang bimpo mula kay Ate Meryl at siya na mismo ang nagpunas ng sariling pawis. Kagagaling lang niya sa bukid para mag-ani ng mga mais.
"Ikukuha lang kita ng tubig na maiinom," paalam ni Ate Meryl at umalis na ng sala para magtungo sa kusina.
"Nakita ko sa kalsada kanina ang pagdaan ng sasakyan niya noong bumaba ako ng bukid," pagpapatuloy ni Kuya at pabagsak na naupo sa plastik na silya sa gilid. "Namataan din daw siya ni Kagawad Nonoy na naglalagay ng maleta sa likod ng kotse kaninang umaga... Ang sabi niya, eh uuwi raw ng Maynila. "
Bumalik na si Ate Meryl bitbit ang isang baso ng tubig. Ibinigay niya ito sa pinsan ko.
"Hindi siya nagpaalam sa'yo?" usisa ni Kuya Baldo na nakatingin sa akin.
"Bakit naman siya magpapaalam sa'kin?" Pinilit kong pagaanin ang boses para maipakitang hindi naman ako apektado.
Hindi na nangulit pa si Kuya at sumimsim na lang sa baso ng tubig niya. Lumilipad ang isipan ko at sinubukang pagtapi-tagpihin ang nangyayari. May kinalaman kaya iyong balita kanina sa pag-alis ni Doc Theo?
Umuwi ba siya para kay... Winona? Tama nga yata ang desisyon ko sa hindi pagpayag sa kanya na manligaw.
Lumipas ang dalawang araw. Hindi na bumalik at ni nagparamdam man lang si Doc Theo. Sa tuwing nababanggit siya sa usapan ay napapatingin sa akin si Kuya Baldo. Wala akong sagot sa mga tanong nila dahil wala rin naman akong alam.
May ideya ako kung bakit siya umalis at iyon ay ang sitwasyon ni Winona. Wala rin akong maisip na ibang rason para sa biglaang pag-alis niya. Hindi ko naman puwedeng sabihin ang tungkol dito kina Kuya.
Kinabukasan ay nagtungo ako malapit sa burol para mamitas ng bunga ng ampalaya at iba pang gulay. Balak din naming ibenta ni Tiya Magda sa palengke ang iba rito.
Dala-dala ang isang basket ay umakyat ako. Sinimulan ko ang pamimitas nito. Banayad ang simoy ng panghapong hangin. Hindi rin mainit ang panahon. Binilisan ko ang pamimitas dahil sa balak na umidlip sa burol.
Napuno ang hawak kong basket. I closed my eyes and breathed in. Kabaligtaran na ngayon dahil kapag naiisip ko ang Maynila ay mas lalo kong gustong manatili sa San Pablo. Noong nasa Maynila naman ako, natatakot akong bumalik ng San Pablo.
Naupo ako sa damuhan, sa patag na tuktok ng burol. Para akong kinikiliti ng mga damo. Kasabay ng paggalaw ng makakapal na ulap ay unti-unti rin akong humiga. Ilang minuto pa ay hinila rin ako ng antok.
Nagising ako kalaunan sa medyo mabagsik na hangin. Napatingala ako at napansing dumidilim na pala. Sinulyapan ko ang suot na relo at nakita na alas tres pa ng hapon. Sampong minuto lang naman ako nakaidlip! Ang bilis nagbago ng panahon. Wala naman akong nakitang balita sa TV na may bagyo.
Dali dali akong bumangon at pinagpag ang mga damo na dumikit sa suot na jeans at lumang university tshirt. Maglalakad pa ako pauwi kaya hindi ako puwedeng maabutan ng ulan. Kinuha ko ang basket na inilapag ko rin sa damuhan kanina. Mula sa itaas ng burol ay ibinaba ko ang tingin.
Naestatwa ako nang rumehistro sa akin ang nakatayo sa ibabang paanan ng burol na si Theo. Nakatingala siya sa akin. Pareho kaming nakatanaw lang sa isa't isa. Dahil sa malakas na ihip ng hangin ay sumabog ang buhok ko. Hinayaan ko lang ito.
Sa suot niyang white suit at pants ay naisip kong mukhang kagagaling lang yata niya sa isang importanteng event. Pati buhok niya ay nagugulo na rin sa ihip ng hangin. At tulad ko rin, hinayaan niya lang ito.
Pero bakit nandito siya sa burol? Dahan-dahan kong ibinaba ulit ang basket na hawak sa damuhan.
"Saan..." pumaos ang boses ko kaya sumubok ulit ako. "Saan ka galing?" Medyo napalakas ang boses ko para marinig niya sa ibaba dahil na rin sa distansiya naming dalawa.
"Wedding!" pasigaw na sagot niya pabalik. "Winona's wedding to be specific!"
Tama nga ang hinala ko. Umuwi nga siya para kay Winona. I swallowed hard. Nanatiling kuryoso ang mga mata kong nakatanaw sa kanya.
"Bakit ka bumalik?" tanong ko ulit.
"I need to!"
Nagkasalubong ang kilay ko sa sagot niya. Ngumiti ako sa susunod na sasabihin.
"Brokenhearted ka na naman ba?!" kantiyaw ko. Umalingawngaw ang boses ko sa buong paligid.
"I guess so!" May ngiti man na sumilay sa mga labi niya at kahit na malayo ako, kita ko pa rin ang takot sa mga mata niya. "But it's with a different reason this time!"
Kumalabog ang puso ko sa ipinapahiwatig ng sinabi niya.
"I'm sorry it didn't go well with her!" sigaw ko at malungkot siyang nginitian.
Hindi siya nag-iwas ng tingin. Matagal pa bago siya nagsalita ulit.
"As she... As she walked down the aisle, I actually felt..."
Parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko.
"...happy!" dugtong niya.
Kumunot ang noo ko at umawang ang labi. Natahimik ako at tiningnan siyang mabuti.
"Pilit mong pinapamukha sa'kin na 'di pa ako nakaka move on!" pagpapatuloy niya sa determinadong boses. "But seeing her in her wedding day slapped me on the face with a realization... that I have moved on."
Saan ba patutungo itong mga pinagsasasabi niya?
"I felt happy during her wedding... but..." pansamantala siyang natigilan. "But I was thinking about you..." Mistulang may humawak sa puso ko dahil sa ibinunyag niya. Hinayaan ko siyang magpatuloy.
"I was happy because you were on my mind! You've been on my mind constantly. And I... like it a lot—"
Biglang kumulog nang malakas.
"Bababa na ako!" sigaw at putol ko sa kanya.
"Huh?" Naningkit ang mga mata niya.
"Diyan ka lang at bababa na ako ng burol!" I shouted.
Umapak ako sa medyo hindi matarik na parte ng lupa para hindi tuluyang madulas at mahulog sa ibaba. Ewan ko ba at mabilis naman akong nakaakyat dito kanina. Ang pagbaba lang talaga ang medyo mahirap gawin.
Nakahinga ako nang maluwag nang magtuloy-tuloy na ang maayos na pagbaba ko. Nga lang, gaya na lang ng napapansin kong nangyayari sa tuwing kasama ko siya, sa huling pag-apak ko sa may talahib na parte ay nadulas ako bigla. I was expecting for my fall. Muntik na akong masubsob sa ibaba, mabuti na lang at sa malapad na dibdib ni Theo ako bumagsak.
"Gotcha." He grinned sheepishly. His arms are around me.
Humagikgik ako at kumalas kaagad sa yakap niya. Nagpakawala ako ng malutong na mura nang may naalalang isang bagay.
"Ang mga gulay ko!" daing ko at napatampal sa sariling noom
Napatanaw siya sa itaas ng burol na pinanggalingan ko. Muli niya akong tiningnan.
"Kukunin ko," presinta niya at hindi na naghintay pa ng pagtutol ko. Patakbo siyang umakyat ng burol.
Natawa ako dahil sa hitsura at suot niya habang umaakyat. He looked so out of place in his decent suit. Maybe... Maybe I should stop overthinking. Siguro panahon na rin para sumubok ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top