CHAPTER EIGHTY-FOUR
M I L L E R
Isa na namang normal na araw... well, not really the type of normal day a human would think of.
It has been almost a month since the rescued vampirized victims came to the Red Mansion. They have been staying in the rooms behind the walls. Although ganito ang sabi nila, it is more or less like they are occupying the whole main bedroom of those spacious spare rooms.
Marami pa palang vacant rooms ang mansyon, at isa pa, hindi naman stay-in ang mga bampirang nakikita ko dito sa Red Mansion araw-araw. May iba naman na nakatira lang sa pinakamalapit na residential area sa mansyon. Since they can teleport, wala ng kaso pagdating sa kanila ang transportation.
Magkasama sa isang silid ang mga babae, at sa isa naman ang mga lalaki. Pablo often visits Kim every three days. She's doing great but not the others. Dalawa sa apat na unang kinagat ay nagkaroon ng hindi magandang reaksyon sa vampire essence sa katawan nila. Kaya magdamag na naman na nasa laboratoryo niya si Axel kasama si Mr. Martin at iba pa na intern researchers nila para maghanap ng lunas. They just need to come up with something that could ease the pain of those vampirized.
Kung dati ay hindi nila ito magawa. Ngayon na may nakuha ng samples si Axel mula sa katawan ko – a body that has little to none side effect experienced – ay napapadali ang paggawa nila ng lunas.
Ako naman, sa kabilang banda, ay nagsimula nang mag-training ng teleportation kasama si Mateo.
"Nagawa mo na bang mag-teleport ng malayo?" tanong sa akin ni Kristoff.
Katatapos lang namin na mag-training ni Mateo. He immediately left to do another job. He is a busy man after all. At mukhang bakante ata sa mga sandaling ito si Kristoff kaya nandito siya ngayon sa training ground, naghahanap ata ng makakausap.
"Hm? Hindi pa. Pero nakakaya ko na ng konti ang mula rito hanggang sa kwarto namin," I told him.
It only has been a week and a half since I started the teleportation training. Noong unang tatlong araw ay pakiramdam ko ay niloloko ko lang ang sarili ko. Kahit ano kasing sabihin ni Mateo sa akin ay hindi ko pa rin ito magawa.
He told me to imagine the place that I wanted to be teleported to and to feel every fiber of my body slowly dissipating in thin air. But to no avail, I could still find myself standing on the exact same spot every time I opened my eyes.
"Ah. Hindi na rin naman bago 'yan. Mahihirapan ka talaga sa simula. Para ngang imposible, 'di ba?"
Kristoff is absolutely correct. Because during the fourth to sixth days, I couldn't still see any progress. Although I can feel a little exhaustion, hindi naman ako gumagalaw sa kinatatayuan ko kahit anong gawin kong imagine sa sala ng Red Mansion. Nasa training ground pa rin ako. May mga sandali na para na akong ginu-good time ni Mateo. But he remained calm and serious, which only implies that this training is real.
"Oo," tumango ako tapos ay nagpatuloy sa pagkukwento. "Kaya nagulat ako nung nagawa kong umalis sa point of origin ko. I was about to get pissed back then."
The first time the progress happened was on the seventh day. Yup, exactly one week.
I was just standing in front of Mateo again, doing the exact same thing I was doing for a week. Nakapikit ang mga mata ko at ini-imagine ang lugar na gusto kong patunguhan, yet this time I imagined a much closer destination – the bushes behind Mateo. Inimagine ko rin ang unti-unti na pagpawi ng katawang lupa ko sa mismong kinatatayuan ko. Just like how a sand would vanish gracefully with the strong gust of wind.
Nakaramdam ako ng matinding pagod, at kakaibang paghila sa buong kalamnan ko. It was pretty similar to how I teleported with Axel and Kristoff. I felt a strong pull, heat enveloped my body, and to top it all, I felt the exhaustion intensified.
"Open your eyes..." Malinaw na malinaw pa sa akin ang pag-alingawngaw ng boses ni Mateo sa tenga ko.
Sa sobrang pagod ay natumba pa ako noong idinilat ko ang mga mata ko.
Una kong napansin ang pulang batik-batik sa balat ko. Para bang may mainit na maliliit at bilugan na bagay na itinapon sa akin. Fortunately, those gradually fade away.
Hinihintay ko pa na mawala ang pagkahilo ko nang marinig ko ang boses ni Mateo. "Congratulations on your first teleportation."
Nanlaki ang mata ko. I know. I was overreacting. Ang OA lang ng reaksyon ko dahil lang sa boses ni Mateo. Pero nasa ibang direksyon kasi nagmula ang boses niya. Kung kanina ay siya ang nasa harapan ko, ngayon ay puro berdeng dahon na lang ang natatanaw ko. At si Mateo? Nasa likuran ko lang naman siya.
It was just a few meters, pero labis na ang mangha ko sa sarili.
"Ang sarap sa pakiramdam, hindi ba? Matapos ang ilang araw nagawa mo na rin," ani ni Kristoff.
Paakyat na kami ng second floor at ang teleportation training ko pa rin ang paksa ng usapan namin.
"Yes. That was so great. Since then, I started to feel excited every time I start my training. Excited ako na makita ang progress ko kada araw."
That's why today, teleporting to our room from the training ground was just another record-breaking teleportation distance of myself.
"Kumusta naman ang katawan mo ngayong lampas isang linggo ka na sa training? Hindi ka pa ba napapagod ng lubos?"
Napaisip ako sa tanong ni Kristoff.
"It's exhausting," simple kong tugon.
"'Di ba."
"Pero sa palagay ko it's only part of the process. Isa hanggang dalawang beses nga lang ako pwede sumubok then after than, we're over. Any further than that will drain me too much energy."
Kristoff's eyes suddenly popped out. "Hanggang dalawang beses!?"
Tumango ako.
"Woah. Ang galing naman. Sigurado ba talaga sila na hindi ka isang alpha? Mga alpha lang ang ganyan. Naalala ko nga nung nag-aaral pa ako mag-teleport, isang subok pa lang, pagod na ako."
Well, I don't know about that. At this point ay wala na akong pakialam sa kung alin ako sa tatlo. As long as I can fight and be useful to Axel, I'll be fine.
Nagkibit-balikat lang ako.
"Ah. Dito na ako. Babalik na ulit ako sa lab," paalam sa akin ni Kristoff nang narating na namin ang dulo ng hagdan.
"Nasa lab ka the whole night?"
"Oo." Kristoff nodded, "Tagahatid lang naman ako ng calming serum sa mga vampirized na may malalang sintomas. Oras na para uminom sila kaya babalik na ulit ako doon."
He then waved his hand and was about to leave me alone in the hallway.
Itatanong ko pa sana sa kanya kung kailan matatapos si Axel. But I guess that isn't happening yet because I thought of a much better question to ask.
"Uh, Kristoff!"
He paused then turned around immediately. "Bakit?"
"Is there any particular food that Axel likes to eat? Or anything he likes aside human blood and uh... s*x?"
I noticed Kristoff was taken aback by the last word I uttered but then he cleared his throat and said, "Hi-Hindi ako sigurado, eh. Sa totoo lang hindi ko naman talaga masyadong kilala si Master. At saka wala na akong ibang alam na paborito niya maliban na lang sa utus-utusan ako." He smiled awkwardly and stiffly turn his back on me and waved his hand, officially leaving me alone.
"I guess that's it."
The reason I wanted to know Axel's favorite is nothing too surprising for the other people, I guess. Hindi na rin naman kasi lingid sa lahat ang relasyon namin.
It's just that since his estrus. Yup! Ever since that more than a week of staying in the bed with him, Axel seems acting strange. He keeps on avoiding eye contact with me. Maayos pa naman kami na nag-uusap. Nagbabahagi siya sa akin ng mga bagay-bagay tungkol sa mga research niya kahit minsan ay nahihirapan na ako sa pag-intindi. We sleep on the same bed. He eats human food with me during meals. And we are both considerate with each other's feelings so we seldom did that.
In short, everything's still fine... probably.
Pero kahit ganun, I can still feel that he is way more reserved towards me these days. At nag-aalala ako ng lubos dahil d'yan.
Hm... Naisip ko lang. We never had a proper date together since we became in relationship. Sa dami ng mga nangyari these past few days ay halos naging normal na routine na nga namin ang training at ang laboratory ng isa't isa.
Hah! May naisip ako.
I should go and wait for Axel in our room... uh... patiently wait in our room at ayain siyang mag-date. That way ay magkakaroon pa ako ng oras para ihanda ang sarili ko at makapag-isip-isip na rin kung paano ko siya yayayain... or so I thought, dahil imbes na ako ang maghintay sa kanya, it turns out that he's been back in our room before me.
"Hey," bati niya sa akin habang inilalapag ang tatlong makapal na libro sa lamesa na malapit sa bintana.
He's going to read those reference books again, overnight?
Napansin niya ata na nakatitig ako sa kanya at iniwan ang libro sa lamesa. He quickly went to me, but suddenly did a quick halt when he was about to reach to hug me. Nag-aalinlangan man siya ay ipinagpatuloy niya pa rin ang pagyakap sa akin – ibinalot niya pa rin sa baywang ko ang mga braso niya at komportableng isinandal ang kanyang ulo sa aking dibdib.
"W-What's wrong?" He asked while stammering. Pero malambing pa rin ang tono ng boses niya.
Mukhang kinakabahan siya.
This is what I meant. He must be doing fine and acting all chill in front of me but when we started to become so close like this, so sweet and warm like this. He seemed to hesitate and began acting strange.
Para bang iniiwasan niya ako. O nagdadalawang-isip siya na lambingin ako.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. I just felt a gentle squeeze in my chest and without any warning, I asked him, "Do you want to go on a date with me?"
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Hindi umimik si Axel. He just stayed frozen on my chest with his arms still around my waist. I can feel my heart thumping loudly. At malamang sa malamang ay mas malakas ito sa tenga ni Axel na nakahimlay sa mismong dibdib ko.
Another second has passed, at sa wakas ay nagsalita na rin siya.
"I-I don't mind..."
Ramdam ko ang init ng paghinga niya. At ang paggalaw ng labi niya. It just tickles that I wanted to grabbed him off my chest and kiss him.
Ah! I don't know if that even makes sense.
"You... You don't mind, what?" sambit ko nang hindi ko marinig ang sunod niyang sinabi. His words were so muffled and quiet that I can't hear them properly.
Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya sa akin. He made a step away from me then his arms were finally unwrapped around my person. He putted his arms beside him. Pero kahit ganun ay nakayuko at hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Isa pa, sobrang lapit pa rin namin sa isa't isa na tuktok na lang ng ulo niya ang nakikita ko... ah, kita ko rin pala ang mamula-mulang dulo ng kanyang tenga.
He must be blushing again.
Sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa hati ng buhok ni Axel ay bigla na lang itong gumalaw. Napalitan ang tanawin ko ng mukha niya. Ang mala-rosas niyang pisngi at labi, at hindi mapakali niyang mga mata ay nakaharap na sa akin. Hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.
I raised both of my eyebrows while I was smiling wide and thin. Naghihintay lang ako sa sagot niya. Then, he cleared his throat with a weak ahem as he looked away at me.
Nakatingin siya sa gilid pero naramdaman ko ang maingat niyang paghila sa dulo ng t-shirt ko. He looked down again then uttered in a clear and articulate manner, "Listen. I will only tell you once. I won't repeat it again..." yet, another paused came in and his voice began to waver again. Pero kahit ganun ay nagpatuloy lang siya. Kasabay nito ay ang paglakas naman ng hila niya sa t-shirt ko.
"I-I don't mind coming on a d-d-date with y-you..."
Aw~ Why is he acting so shy?
This is so new!
Nagpapalit-palit ang paraan ng kanyang pananalita. Nauutal siya sa tuwing binibigkas ang bagay na alam kong mahihiya siyang marinig o sabihin man lang. Nahihiya pa rin siyang maging totoo sa nararamdaman niya. But it's fine, at least he is trying.
Aah! I can't anymore! It's another rare sight of a cute and shy Axel.
"But you have to know first, this is my f— oomph."
"I know. I know! It's your first date so don't be too shy and keep acting yourself, hm?" Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na rin naman ang sasabihin niya. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at pinaalam sa kanya na ayos lang.
Unang beses ko rin naman na lumabas kasama ang taong gusto ko. I've been on a date, but they were all customers. Sa mga panahon na iyon ay kailangan kong umarte bilang ideal man nila so it wasn't really me they were dating.
Masaya ako na malaman na hindi galit sa akin si Axel.
Masaya ako dahil hindi niya ako tinanggihan.
We are having a date.
Uh. Uhm. Where should I take a vampire on our first date by the way?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top