CHAPTER EIGHTY- THREE

* * *

Woosh!

Akalaing may bumulusok na kometa sa gilid ng mukha ni Logan. Kasunod nito ay ang nakabibingi na sigaw ng nagpupuyos sa galit na si Aaron.

"YOU! PATHETIC PIECE OF SH*T! AAH!" Hindi pa siya nakontento at dinampot naman ang isa pang maliit na paso na nakapatong sa lamesa na nasa gilid ng silid. Ito na ang pangalawang pang-disenyo na paso na tinapon ni Aaron kay Logan.

Woosh!

Hinagis niya ulit ito kay Logan. Ngayon ay sa kaliwa naman na pisngi ng dayuhan bumulusok ang paso.

Mamula-mula na ang mata at pisngi ni Aaron sa galit. May mga namumuong ugat na rin sa gilid ng kanyang ulo. At mistulang ambon na ang laway niyang tumatalsik sa bawat pagsigaw niya.

"How come you were not able to stop them. YOU HAVE THE NUMBER! BUT YOU ARE TOO DUMB ENOUGH TO NOT ABLE TO STRATEGIZE!"

Sa pagkakataon na ito ay ubos na ang mga maganda at makinis na porselana na paso sa lamesa. Kaya naman ay binunot na lang ni Aaron ang dala niyang punyal na sing haba lang ng kanyang kamay ang buong sukat. Naka-ipit lang ito sa kanyang pantalon kaya madali niya itong nabunot at tinapon kay Logan.

"Augh!" mahinang igik ni Logan nang tumama ito sa kanyang braso.

Sa wakas ay nasira na rin ang napaka-kalmado at walang ka-emo-emosyon na mukha ni Logan.

Tila ba ipinagpalay nito na hindi magagawa ni Aaron na saktan siya. Sinubok lang naman ng kanyang kawalanghiyaan ang pasensya ni Aaron. Kaya naging seryoso na ang matanda sa pangatlong beses na naglabas siya ng pagkadismaya sa mas batang bampira. Kung kanina ay sinasadya pa ni Aaron na hindi tamaan si Logan, sa pagkakataon na ito ay sinigurado niya na babaon sa braso ng binata ang kanyang matalim na punyal.

"Uh... Uhm, forgive me, sir. I know that he's dumb but could you please not add another injury in his body? It's already quite challenging to patch the hole in his stomach." Batid ito ni Paolo na nasa tabi ni Logan.

Nasa loob sila ng parisukat na silid na may tig-isang sofa ang bawat gilid. Isa sa tabi ng lamesang nasa kaliwa ng kinatatayuan ni Aaron, isa sa kanyang kanan. At tag-iisa ulit sa kanyang harap at likod. At sa kanyang harapan ay naka-pwesto si Logan na duguan mula sa kanyang sikmura hanggang sa kanyang pantalon.

Sa laki kasi ng sugat na natamo niya mula sa laban nila ni Mateo ay nasa mga dalawa hanggang limang oras pa ang gugugulin bago ito tuluyan na maghilom.

At dahil hindi magiging kaaya-aya kung lumabas siya na may butas sa kanyang tiyan at luwa ang kanyang mga lamang-loob, tinulungan na siya ni Paolo na lagyan ito ng benda. Sa gilid ni Paolo ay isa na namang maliit na lamesa. Dito nakapatong ang kahon niya na puno ng mga kagamitan na panggamot.

"Y-You're too cruel, sir," sambit ni Logan kay Aaron habang binubunot ang nakabaon na punyal sa kanyang braso.

"Aba'y dapat lang. Ang hirap kasi sa'yo ay hindi ka natututo. Hindi ka rin nakikinig!" bulyaw niya ulit sa kano. Sinisigurado niya na may bitbit na pwersa ang bawat salita na kanyang minumutawi kahit na hindi siya sigurado kung naiintindihan ito ni Logan.

Nang mabitawan na niya ang huling salita ay napaisip si Aaron. "Nag-Ingles na ako kanina. Huwag niyang ipakita na hindi niya naiintindihan ang pagkamuhi ko sa kanya?"

Sa kabilang banda, lumipat naman sa kaliwa si Paolo para linisin ang tumutulong dugo sa braso ni Logan. Nilagyan na rin niya ito ng band aid para maging malinis tingnan.

Pagkatapos nito ay ipinahayag niya kay Logan ang tinatayang oras bago tuluyan na maghilom ang maliit na sugat.

"It will heal after more or less than fifteen minutes."

"Tch. I knew that! What do you think of me, a stupid?" Hinawi ni Logan ang braso niya sa pagka-irita. Mukhang naiintindihan niya naman ang mga sinasabi ni Aaron sa kanya.

Nais sana na sumagot ni Paolo ng "Oo." Ngunit alam niyang magiging mahaba lang ang argumento kung papatulan niya si Logan.

Bukod pa dito, hindi pa tapos si Aaron sa pangangaral sa mayabang na lalaking ito.

"Unang araw mo pa lang ay may ginawa ka nang kapalpakan. Alam mo naman siguro na hindi mo kaya si Mateo, 'di ba? Eh, bakit ka pa nakipaglaban doon? Inuna mo na lang dapat 'yung mga bihag mo. O baka naman nakikipag-taasan ka na naman ng ihi sa kanya? Naku, naku, naman Logan. A—Don't you already know that Mateo is a good fighter. You might be an alpha but—ah!" hiyaw ni Aaron nang mapagod na sa pag-Iingles. "Ang tagal na nung huli kang pumasok sa training room! Tapos ang angas-angas mong makipaglaban?"

Dahil hindi na natiis ni Aaron ang pag-Iingles, binuhos na lang niya ang lahat ng galit niya sa paraan na kaya ng kanyang dila. Habang putak siya nang putak ay bumalik naman sa pagiging malamig at walang pakialam ang mukha ni Logan.

Mukhang walang balak na tapusin ni Aaron ang pagsasalita niya. Wala sa dalawang mga batang bampira ang nangahas na pigilan o pahintuin ang matanda. Pero may ika-apat na tao sa silid ang walang anu-anuman na tumikhim.

"Ahem!"

Agad na lumingon si Aaron sa taong nasa kanyang likod.

Naka-upo ng komportable ang lalaki. Matuwid na nakaplastada ang kanyang mga biyas sa sofa habang nakasandal naman sa mataba at malambot na kamay nito ang kanyang leeg. Habang may nakatakip naman na tela na mistulan na panyo sa kanyang mga mata para matakpan ang liwanag ng ilaw ng silid.

Inalis niya muna ang tela bago tumatawa na lumingon kay Aaron.

"Aaron, relax. You are very tense. Take a deep breath." Walang anuman na payo ni Ronaldo kay Aaron.

Bumangon na siya sa kanyang pagkakahiga at maayos na umupo sa sofa. Agad na dumapo ang kanyang mata kay Logan na balot na balot ng benda ang katawan.

"You don't have to stress yourself with a few missed vampirized. We have plenty, and we can catch a lot more," pahayag niya kay Aaron.

Huminga naman ng malalim si Aaron bago siya nagbigay ng kanyang katwiran.

"Alam ko. Pero malay mo, isa o dalawa sa mga nakawalang vampirized na iyon ay isa palang alpha."

Hindi nga naman talaga madaling maghanap ng mortal na may mataas na potensyal na maging alpha. Sa libo-libo ng mga nahuli nila wala pa sa kalahati sa mga ito ay mga alpha. Madalas ay beta ang mga nagiging resulta ng mga vampirized nila. At mas madalas naman na nasasawi ang mga ito bago pa man nila malaman kung anong uri ng bampira ang vampirized. Hindi na rin nakakagulat dahil hamak na mas mahina ang katawan ng mga mortal kaysa sa mga bampira na halos mga immortal na sa bilis gumaling ng kanilang mga sugat.

"I know. I know. But I am still confident we still have the upper hand in this war."

"Alam kong naghihikahos na ang pwersa ng Supreme. Subalit hangga't wala kaming matibay na alas laban sa kanya, sa isang pitik lang ng kanyang mga daliri ay maaari kaming matulad kay Bernard."

Sa sandaling iyon ay sumagi sa isipan ni Aaron ang bali-balitang may mortal na nagugustuhan si Maximilian.

Dumako kay Ronaldo ang tingin ni Aaron sabay sambit ng, "Nalaman mo na ba kung saan tinatago ng Supreme ang mag-ina niya?"

"Hm?"

"Ang tanong ko, nalaman mo na ba kung saan tinatago ng Supreme ang mag-ina niya?" pag-uulit ni Aaron sa tanong niya.

Ilang beses kumurap si Ronaldo at sinabing, "No. No, of course not. Not yet... Have you found something about it, Logan?" Itinaas ni Ronaldo ang kanyang leeg para masilip si Logan sa kabilang dulo ng silid.

Nang makita ni Ronaldo na abala ito sa pagtanggal ng band aid sa braso niya at tila walang interes sa usapan nilang dalawa ay agad na bumalik kay Aaron ang kanyang atensyon at nagwika ng, "Oh... But, I'm pretty sure that bearing a child is a weak link for him. You have to admit it, one shouldn't bare a child in the middle of war. That little one will be only victimized."

Nagbuntong-hininga si Aaron.

Ano pa ba ang inaasahan niya? Hindi na nakapagtataka kung itatago ng mabuti ng Supreme ang pamilya nito dahil malamang, siya mismo ay alam ang tungkol sa peligro na dala ng digmaan para sa magiging tagapagmana niyang musmos pa lang.

Akmang susuko na si Aaron sa pag-asa na may maririnig pa siyang magandang balita ngayong araw, nang biglang nagsalita si Logan.

"I heard a rumor..." panimula ng binata, "I was sleeping around a month ago. There's this girl with a great hourglass body. Meaty chest and meaty rare. Pretty good in bed. Yuh... and you know what? She said she worked at one of the Supreme's disguised businesses. And it was a hotel. She said she found the Supreme with a beautiful woman, walking hand-in-hand and sweet. She also mentioned they got a kid."

Tumaas ang kilay ni Aaron. "Don't you think we don't know about that? We were just talking about that a few seconds ago." Unti-unti na naman na tumaas ang altapresyon niya. Kung hindi pa nga siya isang bampira ay malamang kanina pa siya inatake sa pag-iiintindi sa binata.

"I figured," ang maikling tugon ni Logan.

Papa-sabog na naman si Aaron nang marinig niya ang mapangahas na konklusyon nito. Suminghap na siya at handa na sanang magbitaw ng malulutong na mura nang tumikhim ulit si Ronaldo.

"Ahem. Let's hear the kid out first, Aaron. Don't get carried away and bully him too much."

Hindi basta-basta na sumasabog si Aaron, pero iba na ang usapan kung si Logan ang kaharap niya.

Kagaya ni Mateo ay ayaw niya rin sa maingay, manyak, at hindi responsableng persona na tulad ni Logan. Ngunit hindi kagaya ni Mateo na mahinahon lang sa pagharap sa dayuhan, hindi naman kayang itago ni Aaron ang pagkamuhi niya rito.

Kailangan niya ng katulong sa pag-asikaso sa gagawing sandatahan ni Ronaldo. Subalit, pabigat pa ata ang binigay sa kanya imbes na isang karamay.

"Titigil lang ako sa pang-aapi sa batang 'yan kung natuto na siyang maging responsible," batid ni Aaron. Ngunit sa kabila nito ay nanatiling tikom ang kanyang bibig at hinintay na lang na ipagpatuloy ni Logan ang kanyang pagkukwento.

Tumango si Ronaldo kay Logan, saka ulit ito nagpatuloy.

"As I was saying, I figured that you knew about it. Lord Ronaldo asked me about it after all. You might think that I was just indulging myself with lust.... Well, it's not quite wrong to think because I did enjoy that woman's body. But! I discovered something useful."

"Ano nga 'yun? Kanina ka pa, eh."

"Ang tagal naman ata nitong magsalita." Naiinip na si Aaron sa mahabang dada ng binata.

"Oh, I just discovered the location of that mortal woman. Perhaps, do you want to know about it."

PAK! PAK! PAK!

Tatlong malakas at dumadagundong na palakpak ang umalingawngaw sa loob ng silid.

Dumako ang atensyon ng tatlo kay Ronaldo na siyang pumapalakpak habang may malapad na ngiti sa labi.

"Great. Great news! Tell us more about it. Tell us!" pagpupuri ng kanilang lider sa kanya.

Tunay nga na isa itong magandang balita.

"Surprisingly, there's a gain in sleeping around." Nakangisi na sabi ni Logan.

Subalit bago pa man siya nakapagmayabang ng tuluyan ay naglaho bigla ang ngiti ni Ronaldo at malamig na nagmutawi ng, "And if we find out that you are cheating on us or you got us the wrong information, Paolo, your friendly genius beside you, will be happy to welcome you to his laboratory as the first vampire to test the weapon he created using the deadly anti-vampire material."

Dito napagtanto ni Logan na hindi na nakikipag-biruan si Ronaldo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top