Chapter 3

Lalabas na sana kami kaso biglang pumasok sina Demonia at ang kanyang mga underlings.

"Well well well, look who goes have here. Ang Miss Tali-Talinuhan at ang kanyang alalay." Sinabi niya habang nag-cross arms siya.

Nag pose naman ang dalawa niya pang kasama at lahat sila ay tinitignan kami na para bang langaw lang kami sa kanilang paningin.

"Well well well, look who we have here. Ang Miss Tali-Talinuhan pero di naman talaga matalino. Your English not Englishing te?" Daff fired back at sumama ang tingin ni Demonia.

"Anong kailangan mo Demonyo- este, Demonia?" Tanong ko at biglang tumawa si Demonia.

"Anong kailangan ko? Wala naman akong kailangan pero..." Lumapit siya sa akin at itinulak ako sa lapag.

"Cass!" Sigaw ni Daff at tutulungan niya na sana ako pero pinigilan siya ni Jessica at Fatima.

"Laban nila yan, wag kang nangengeelam." Banta ni Jessica.

"Who would have ever have would thought that a smart person like you would have be kneeling down the floor, begging me to stop would hurting her." Nag-yabang si Demonia.

Lalabanan na sana ni Daff si Jessica pero hinawakan siya ni Fatima sa kaliwang kamay tapos kinuha ni Jessica ang right hand niya.

"She's not kneeling down the floor gaga! Her butt is on the floor not her knees! Pati ba naman pagluhod ng tao hindi mo pa alam! Tyaka anong klaseng English grammar yan, naging how much wood could a woodchuck chuck if a woodchuck could chuck wood?" Sigaw ni Daff at biglaan na lamang akong napatawa.

Tinignan ako ni Demonia ng masama at tumayo ako sa lapag.

"Anong nakakatawa?" Galit niyang tinanong.

"Kayo nakakatawa, ganito na pala talaga kayo mambully noh. Nothing ever changed. Takes two people labanan ang isa at ikaw..." This time, tinignan ko siya ng masama at para bang natakot siya.

Humakbang ako ng isang beses at napaatras siya.

"Girls, tara na." Sinabi niya na lang nang biglaan.

Ni hindi kopanga natatapos ang sasabihin ko, umatras agad siya.

"Pero kayang kaya natin si-" Sinubukang mag-protest ni Jessica pero tinignan siya ng masama ni Demonia.

"Ang sabi ko, tara na!" Inulit ni Demonia at lumabas na siya.

"Babalikan namin kayo!" Banta ni Jessica at sinundan ang kanyang kaibigan.

"Subukan niyo lang!" Palaban na sinabi ni Daff.

Sumunod agad sa kanila si Fatima at pinuntahan ako ni Daff.

"Ayos kalang bes? Nasaktan kaba?" Tanong niya at tinignan niya ang buong katawan ko na para bang bata ako.

"Ayos lang ako uy!" Ang sabi ko at tumigil na siya. "Diba dapat ako ang magtanong nun kasi ikaw ang napag-tulungan?"

"Sino kaya sa atin ang napatalsik sa lapag? Okay ba yung pwet mo?" She gave me an obvious look.

"Di naman masakit." Ang sabi ko tas nilagay ko ang kamay ko sa puso ko. "Ang mas masakit ay yung dito. Charot."

"Ayyy naku ayan nanaman siya humuhugot nanaman, wala namang pinagdadaanan. Abnormal ka talaga bes, tara na nga at baka masita pa tayo ni Ma'am." Lumabas na siya ng pintuan at sinundan ko habang nakangiti.

Pag-kalabas namin ay naghihintay na ang titser at mga kaklase namin. Almost lahat ng estudyante andito na except sa dalawang tao. Si Simon at si Juan.

Nagbibihis parin ba sila?

Meanwhile in the men's changing room

"Uy tol tara na at baka masita tayo ni Ma'am." Tinawag ni Juan si Simon na nakaupo at may binabasa sa hawak niyang notebook. "Tol? Tara na. Ano bang binabasa mo diyan?"

Tinignan ni Simon si Juan at napangiti ito.

"Ganda nang story, parang ayaw kong tigilan." Ang sabi ni Simon.

"Tungkol saan ba yan at umabot hanggang langit ang ngiti mo?"

"Tungkol sa babae na may gusto sa isang lalaki. Tatlong taon na niya gusto yung lalake at di niya masabi sabi sa kanya kasi natatakot siya na baka lalo pang mapalayo ang lalake. Ganda nga ehh, konti palang nababasa ko pero nagustuhan ko na agad." Reply ni Simon.

"Ah, matagal tagal din since nung huli kang nagbabasa ng libro ah. Kung binabasa mo yan edi talagang maganda. Pabasa ako mamaya ah?"

"Tapusin ko muna..." Biglang napatigil si Simon. "Kaso parang hindi pa tapos yung story eh so parang mabibitin ako."

"Bakit, sino ba yung author niyan at ano yung title?"

"Crush ko noon, Jowa ko ngayon, Ano kaya sa future ang title at ang sumulat ay si-"

Hindi natapos ni Simon ang kanyang sinasabi dahil biglang pumasok si Keith.

"Excuse me guys, but the class is starting. Our teacher is already waiting for the two of you!" Nagmamadaling sinabi ni Keith.

"Mamaya nalang yan tol, tara na." Lumabas na si Juan at nilagay ni Simon ang binabasa niya sa kanyang bag tapos sinundan ang mga kaibigan niya.

Back to Cassandra

Hinihintay na lamang namin ang remaining na students which are Simon, Juan at Keith. From time to time, nakikita kong tinititigan ako ni Demonia at binibigyan niya ako ng masamang tingin. Di ko na lamang siya pinapansin.

"Uy bes, red alert red alert." Kinalabit ako ni Daff at tinignan ko kung ano ang tinuturo niya.

Si Simon, Juan at Keith ay papunta na kung nasaan kami pero nakatutok lamang ang tingin ko kay Simon. Naimagine ko na magiging kami sa future, ikakasal kami, magkakaanak kami ng anim tapos parehas na tatanda,

Ngunit biglang nawala ang imagination ko nang magsimulang kumanta si Daff.

"Why do birds~
Suddenly appeeeeear"

Pumunta siya sa harap ko at gumawa nang mga hand gestures.

"Everytime, you are heeeereee~
Just like you, you long to be...
Close to hiiiiiiim"

"Ano ba, para kang baliw, baka may makarinig sayo." Ang sabi ko habang tinakpan ang bunganga niya bago pa may makarinig sa kanya.

"Eh totoo naman na gusto mo talaga siyang makatabi." Komento ni Sai.

"Oo na tama na, ako na ang gustong makatabi sya kaya stop kana." Saad ko at pinakawalan si Daff.

"Ingay mo Daff." Reklamo ni Sai.

"Sungit mo naman." Sabi ni Daff. "Selos ka lang eh."

"Wag kang maingay!" Tinakpan ni Sai ang bunganga ni Daff.

"Huh? Selos kanino?" Tanong ko at tumawa si Daff.

"Ah, eh wala wala! Don't mind me, I do note what I am saying!" Sabi ni Daff habang kinakaway niya ang mga kamay niya.

Magsasalita na sana ako, pero biglang na interrupt ng teacher.

"Alright, now that everybody is here, we will start with the game!" Sabi ni Ma'am Glaiza, ang P.E teacher namin. "I will split you up into two teams and the game we're going to play is dodgeball."

Binigyan kami ni Ma'am ng number. Ako ay number one, si Daff at Sai ay number two. Pinapalangin ko na sana mag-kateam kami ni Simon.

"Luh, di tayo mag-kateam. So shad. Dapat pala humiwalay muna ako sayo." Nag pout si Daff at tinawanan ko siya.

"Ayos lang yan. Wag kang mag-alala, di kita babatuhin haha." Biro ko.

"Ano bayan, di kita mapoprotektahan." Sabi ni Sai.

"Luh, I don't need protection, all I need is myself." Pabiro kong sinabi at kinurot niya ang pisngi ko.

"Dami mong alam." Sabi niya habang napahawak ako ang pisngi ko dahil sa sakit.

"Aray ko naman, makakurot wagas ah." Hinampas ko siya at tumawa lang siya.

"Okay class, go to your team now! Number one on the left side and two on the right." Ininstruct ni Ma'am at nag puntahan na ang mga tao sa side nila.

Nakita ko na sa other team si Demonia at Jessica, kasama narin si Keith. Biglaan akong kinilig nang malaman ko na mag-kateam kami ni Simon. Pero hindi ko pinakita na kinikilig ako, syempre dapat mahinhin. Kateam korin sina Juan, Yvonne, Fatima at iba pa.

"Emergesh bes! Ang swerte ko kateam ko siya!" Pabulong kong isinabi kay Daff.

"Sanaol swerte." Sai mumbled at napa kunot kilay ulit ako.

Palagi na lang siyang bumubulong sa sarili niya, hindi ko minsan marinig mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung kinakausap niya ako o yung sarili niya eh pero hindi naman siya ganyan noon.

"Kami unlucky, yung demonyitang babae at yung sidekick niya nasa team namen. Feeling ko imbis na ibato niya yung bola sa inyo, ibabato niya sa akin yun." Galit na sinabi ni Daff at tumawa ako.

Kaya siguro nasabi ni Sai na sanaol swerte kasi pangit ang kateam nila.

"Ayos na yan, basta do your best." Masaya kong sinabi.

"Kaw di mo na kailangan i-do your best kasi yung tatlong best player nasa team mo." Itinuro niya si Yvonne, Juan at syempre si Simon ko.

"Kateam mo rin naman si Keith ah at sure ako na magaling din yung iba sa team mo noh." Tinignan ko lahat nang kateam niya at nag-shrug na lang siya.

"Teka, kateam niya din ako ah. Bakit si Keith lang minention mo? Eh hindi naman masyadong mahilig si Keith sa sports." Tanong ni Sai.

"Syempre kasama kanadun." I pointed out at nag frown siya.

"Porket di ko kaibigan si Simon, hindi na ako magaling."

"Wala akong sinabing ganun."

"Bahala na si Batman, see you later nalang." Sabi ni Daff at hinila niya si Sai papunta sa team nila.

Binigyan kami ni ma'am ng blue bands at red bands naman sa kabilang team. Every team has fifteen members. Sa side ni Daff there's six girls and nine boys. Sa side ko naman, there's seven girls and eight boys.

Nilagay na ni Ma'am ang mga bola sa gitna at pagkatapos ay pumunta siya sa gilid. Bago pa kami mag-start ay umarte nanaman ang demonyita.

"Ma'am! Isn't unfairing that those team has three team of good guys?" Tanong ni Demonia at bigla akong kinalabit ni Eula.

"Huh? Ano daw? Pinag-sasabi nya? Naintindihan mo ba?" Tanong nya sa akin at nag-shrug ako.

"Hindi ko din alam eh, bahala sya jan." Sagot ko.

"Nakakaloka tong batang toh." Natawa nalang ako sa sinabi ni Eula.

"Can you please repeat Demonia?" Tanong ni ma'am Glaiza.

"Ang ibig sabihin kopo, unfair naman po ata na three of the best manlalaro in the academy is nasa blue team po. Dapat ako ang katabi ni Simon ko!" Pasigaw na sinabi Demonia.

"Halata naman na si Simon lang ang habol niya." Napairap si Eula. "Landi talaga ng babaeng niyan."

Sana naman hindi payagan ni ma'am ang tantrum ng babaeng yun

"The teams are chosen randomly and fairly, it is not my fault if you're not happy with your team." Sagot ni ma'am.

"Boom, na english spokening ka tuloy. Please reply in English." Pabirong sinabi ni Daff at hindi na nag-salita muli si Demonia.

"Alright, let the game begin! 3... 2... 1... GO!" Almost lahat ng lalake tumakbo sa bola at ang mga babae ay nag-stay sa likod.

"Hi ate!" Binati ako ni Yvonne habang naglalaro.

"Uy hi!" Sabi ko pabalik.

Nagulat ako kasi bigla na lamang niya akong kinausap.

"Kamusta na?" Tanong niya.

"Ayos lang naman, ikaw?"

"Ayos lang din." Tumahimik siya konti tapos nagsalita ulit. "May jowa ka na ba te?"

Nagulat ako sa kanyang tanong pero sinabi ko ang totoo.

"Wala pa, naghihintay pa kay Mr. Right." Napatingin ako kay Simon at napangiti. "Sana ngalang bilis bilisan niya ang pag-dating. Haha char nag demand eh noh."

"Bakit te, sino bayan te." This time, parang hindi ko na mapigilang tumibok ang puso ng mabilisan.

Sa tuwing naiisip ko si Simon, bumibilis ang tibok nang puso ko. Kahit nga siguro pag-usapan lang namin siya ni Daff nababaliw na agad ako. Yung parang di ko na alam ang gagawin ko.

"Secret hehe." Ang reply ko at nag-pout siya.

"Ay daya haha." Ang sabi niya sabay dodge nang bola na tatama sana sa kanya.

"Nasa game pa pala tayo, mag-focus na muna tayo sa game."

"Sige po haha."

Nanalo kami sa first game dahil kay Simon at Juan. Sa second game talo kasi sinabi ni Keith sa kateammate niya na tanggalin muna si Simon at Juan. Si Sai ang nakatama kay Simon at para bang may galit siya sa kanya at si Keith naman ang nakatama kay Juan.

Finally sa last game, sinabi ni Simon na unahin si Keith dahil siya ang strategist ng team nila at si Sai dahil siya ang pinakamagaling sa kalaban. Did I forget to mention na soccer player din si Sai at siya ang the best player dun, pumapangalawa sa kanya si Simon.

At heto ako ngayon, natitira kasama ang My labs ko versing the last team na natitira sa kalaban, si Aeron at si Sai. One of the best player si Aeron sa basketball at soccer so medyo nag-aalala ako na baka matalo kami.

I mean, alam mo naman, I'm not a player of anything at ako pa talaga ang natira imbis na kay Juan.

Buhay pa si Simon so malamang mananalo kami! I believe in my labs ko!

Di ko alam kung paano ako naka-survive pero sobrang saya ko kasi kasama ko si Simon. As in kaming dalawa nalang ang lumalaban.

Hindi ko ini-underestimate si Aeron kasi isa din siya sa Basketball player. Si Sai naman ay magaling pero iba parin ang usapan kapag si Simon ang kalaban nila. Ang problema ngalang, ako ang natirang kasama ni Simon.

"Cass..." Bigla nalang lumapit sa akin si Simon at para bang na-freeze ako. "Aim mo si Sai, ako ang target nilang dalawa kaya sa akin ang focus nila."

Nag nod na lamang ako at sinunod ang kanyang sinabi. Totoo ang sinabi niya, binato siya ng dalawa and he managed to dodged the balls, so I took this opportunity na tamaan si Sai. Sobrang saya ko ng matamaan ko siya and I put up a peace sign.

"Peace be with you." I mouthed at pinalakpakan ako ni Sai before he left to join the others.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top