Chapter 4
"Oi! Bakit ka nag patama? Kaya moyung idodge ah." Sabi ni Aeron.
"Sorry bro, di ko kaya eh. Sa puso palang, tinamaan na ako.." Sagot naman ni Sai.
Huh? Ano daw?
"Cass!" Napunta ang atensyon ko kay Simon. "Sabay natin siyang tamaan. Ikaw sa kaliwa, ako sa kanan."
"Sige." I agreed with him at prinepare ang aking sarili.
"Game? 3... 2... 1!"
Sabay naming binato ang bola, ngunit nagawang iwasan ni Aeron yun at binato niya ang bola towards saken. Akala ko matatamaan na ako pero humarang si Simon at siya ang natamaan.
Ginamit ko naman ang chance na toh at pinulot agad ang binato ni Aeron tapos madalian kong ibinato papunta sa kanya, which hit him successfully at napangiti ako. I then jump up in joy kasi nanalo kame.
"Yes!" Pasigaw kong sinabi.
"Good job!" Sinabi ni Simon sa akin at tinaas ang kamay niya para sa high-five.
Nagulat ako dito pero hini-five ko na lamang siya. Sobrang saya ko sa naganap to the point na baka mahihimatay ako sa sobrang kilig.
"Huy te, hinay hinay kalang at baka mahimatay ka diyan." Daff immediately joined me and whispered in my ears.
"Hinding hindi ko na huhugasan ang kamay ko." I whispered back.
Simon also joined his friends and they talked about the game.
"Galing nyo ah, strategist kanarin pala ngayon!" Narinig kong sinabi ni Juan.
"I learn from the best bro." Inapir ni Simon si Keith.
"Not bad bro." Sabi naman ni Keith.
"Cass did a good job too." Compliment ni Simon habang tiningnan ako.
"Yeah Cass, that was great! I was caught off-guard." Aeron stated at sobrang saya ko naman.
"Sanaol masaya." Sai grumbled habang naglalakad papunta sa changing room at hindi ko narinig ang sumunod na sinabi niya. "Pasalamat ka sakin nagpatama ako."
"Nubang problema nun?" Tanong ko kay Daff.
"Hayaan mo na siya, baka sad lang siya kasi natalo." Sagot ni Daff and I shrugged it off.
Pumunta na din kami ni Daff sa changing room and guess who we met again? Demonia and the minions.
"You thought you are good you are, but you are not! Ang kapal naman ng mukha mo para landiin ang Simon ko!" Sabi ni Demonia na may cross arm.
"Huh? Ano daw? You are you, you are me, you are us? Pinagsasabi mo?!" Sabi ni Daff na may tonong sarcasm.
"You-" Before Demonia can finish her sentence and order her minions, inunahan na siya ni Daff by pushing her.
Nahulog si Demonia sa pwet niya at napasigaw eto. Sumugod naman si Jessica at Fatima, pero tinalisod namin silang dalawa.
"You will paid for this!" Galit na sigaw ni Demonia.
"Actually, I did pay for it already. I'd given you what you've owed me." I told her at pumalakpak si Daff.
"Yown! That's how you should English spokening!" Sabi ni Daff.
Kinuha na namin ang gamit namin at lumabas in order to avoid any more drama. We met up with Sai after niyang mag palit at naglalakad na kami sa hallway ngayon, papalabas ng school.
"Bakit hindi pa kayo nagpapalit?" Tanong ni Sai.
"May mga bubuyog kasi sa changing room." Sagot ni Daff at nagets agad ni Sai.
"Sinaktan kaba nila?" Tanong niya sakin and he sounded worried.
"Huh? Ayos lang ako. You should have seen how Daff pushed Demonia." Tawa ko and Sai gave me a worried look.
"Napaaway na naman kayo? Hindi ka talaga tatantanan niyang Demonia nayan, baka kung ano pa ang gagawin niya sayo." Sai pointed out.
"Subukan niya lang, palaban kaya tong bespren naten." Sabi ni Daff habang sinuntok ang hangin.
"Oo nga, kayang kaya koyun!" I exclaimed.
"See? Kaya nga sumemplang yan sa lapag eh! Hahaha!" Tawa ni Daff and I gave her a straight face.
"Ano? Tinulak ka niya?! Aba kupal yun ah! Pag yun nakita ko, babatukan koyun!" Galit na sinabi ni Sai at bigla siyang binatukan ni Daff. "Aray!"
"Kalalaki mong tao, pumapatol ka sa babae!" Daff growled.
"Wala akong pake kung babae payun, sinaktan niya si Cass so deserved niyang mabatukan!" Sai defended.
"Wag mong pansinin yun! Basta ako, masaya sa nangyari ngayon!" Napangiti ulit ako ng maalala ko si Simon.
Emegesh! Nahawakan ko ang kamay niya!
"Uy bes sa kakangiti mong abot hanggang langit, baka maging ganyan na mukha mo forever." Sabi ni Daff at tinignan ko siya habang hawak ang kanang kamay ko.
"Ih kashi naman, nyahwakan ko yung kamay ni My Labs ko... hinigh-five nya aku." Ang sabi ko at parang babatukan niya na ako. "Hindyi ko nah hyuhyugasan toh."
"Enedew? Hala naging pabebe na siya. Kapag umiibig naman talaga oh kahit high-five nagiging baliw ang tao." Tinawanan ako ni Daff at dinilaan ko siya.
"Wala ka kasing lovelife kaya ganyan ka. Simula palang yun noh at pag umamin na si My Labs na mahal niya rin ako, who you ka sa akin."
"Who you pa talaga ah, sinong walang love life? May love life ako noh! Baka ikaw ang ma who you diyan kasi si papa Brian ko umamin na sa akin kahapon. Tyaka malabo bes, baka may jowa na si My Labs mo eh malay mo si Yvonne pa."
"Uy, sinagot mo na si Brian?" Tanong ko.
"Hindi pa noh, syempre pa hard to get muna ako." Sagot niya.
"Ay ganun, basta ako hindi ako mag-papahard to get. Pag tanungin ako ni Simon na maging jowa niya, yes agad ako!"
"Corny mo, mauna na nga ako." Bigla nanamang naging masungit si Sai.
"Problema nun?" I questioned.
"Ikaw kasi." Daff answered.
"Ako?"
"Ay, ah eh kanina kapa kasi corny kaya baka nainis na yun."
"Di naman ako corny ah, at tyaka di naman yun ganun dati ah, may pinagdadaanan bayun."
"Di kasi siya pinapansin ng my labs niya."
"Teka, may jowa na siya?" Tanong ko na may kasamang shock.
"Wala pa, di nga pinapansin diba."
"Sino yung my labs niya?" Bigla na lamang nagkamot ulo si Daff.
"Dikodin alam eh."
"Ikaw ah, may tinatago ka sa akin ah." Nag cross arms ako.
"Uy si Simon!" Tinuro niya likuran ko at nag panic naman ako.
Tumingin agad ako sa likuran ko pero wala naman si Simon. Pag ka lingon ko kay Daff, tumakbo na siya papalayo sa akin at hinabol ko siya.
"Hoy Daffzkie! Ang daya mo! Why you hiding hiding you secreting you you ah!"
Maya maya ay nahabol ko siya pero nag change topic na kami.
"Sure ka ba na hindi ka masasaktan kapag may jowa na si Simon?"
"Hindi nga, basta masaya na ako na nakikita ko siya at syempre, sobrang saya ko nung nahawakan ko kamay niyaaaa!" Kinilig nanaman ako nung naalala ko yung high-five namin ni Simon. "Parang mapapakanta ata ako!"
"Hay naku dis one." Nginitian ko siya at nagsimulang kumanta.
"Mister Kupido~
Ako nama'y tulungan mo~
Ba't hindi panain ang kanyang damdamin~
At nang ako ay mapansin!" Sinimulan ko na merong hand gestures at sumasayaw ako sa harap niya.
"Hala! Nabaliw na! Tulungan niyo po ako!" Sabi ni Daff habang hawak hawak ko siya at sinasayaw.
"Mister Kupido~
Sa kanya'y dead na dead ako~
Huwag mo nang tagalan ang paghihirap ng puso kooooo~"
"Whoa..." Napatigil ako nung may ibang taong nag-salita at napatigil nanaman ako nang makita ko kung sino ang nakarinig.
Simon...
Hindi ko alam kung narinig niya lahat nang kanta ko pero bigla nalang ako nahiya kaya hinila ko si Daffodil at nag madaling nag walk out.
"Uy bes! Anong ginagawa mo!" Pinigilan ako ni Daff nang makalayo na kami.
"N-narinig niya boses ko, yung pangit kong boses!" Ang sabi ko at tinawanan niya ako.
"Okay naman yung boses mo ah at bat parang nakakita ka ng multo diyan?" Tanong niya.
"Bes! Si Simon yun! Kung iba ang makakarinig ayos lang pero si Simon yun! At sabi niya pa Whoa. Syempre yung puso ko di mapigilang tumibok kaya umalis nalang ako kasi baka mamaya may masabi pa ako na ikakahiya ko!" Explain ko sa kanya.
"Whoa lang eh baka whoa ang ganda or whoa ang galing."
"Or whoa ang pangit naman ng boses nya, whoa parang pusang namamatay na ewan!"
"Alam mo Cass, wala kang mapapala kung lagi mong inuunahan sarili mo. Why don't you try making a conversation? Hula ko sa tagal tagal niyong mag-kaibigan sa facebook ni kahit isang message sa kanya wala pa."
"Meron akong message sa kanya noh, every year kapag Birthday niya." Nilabas ko ang phone ko at binuksan ang message namin ni Simon. "Ayan oh, sabi ko Happy Birthday Simon! Tas nag-reply siya na thank you cass! ❤"
That message was repeated three times everytime na birthday niya. Tinignan ni Daff ang message namin and she gave me a 'Are you serious' look.
"Oh ano naman yan?" Tanong niya tapos pinakita kong mabuti sa kanya.
"Tignan mo oh, may heart sa dulo! Emegesh bes kinikilig ako!" Kilig kong sinabi.
"Hay naku, di ka naman sure kung lahat nang tao na bumati sa kanya last year ay sinendan niya ng puso sa dulo."
"Eh basta may heart yun na yun. Masaya na ako dun."
"Dahil lang sa heart? Pambihira ka naman bes, three years at yan lang conversation niyo?! Di mo man lang inask kung how was your day, o how's your day going?"
"Nahihiya ako eh."
I mean, di din naman siya nangamusta ah. Aside sa thank you heart, wala din naman siyang sinabi na iba or batiin ako sa birthday ko. Oh well, baka mahiyain lang talaga si Simon ko.
Habang naglalakad kami, may nakita kaming dalawang lalaki na parang may hinahanap.
"Uy bes, tignan mo oh baka nawawala sila." Tinuro ni Daff.
"Tara tanungin natin baka kailangan nila ng tulong." Ang sabi ko at nilapitan namin silang dalawa.
"Hello po, okay lang po ba kayo?" Tanong ko.
"Good afternoon po, baguhan palang po kasi kami dito. Transferred student po kami at ummm... kanina pa kasi namin hinahanap yung office." Sabi nang isang lalaki.
"Ah sundan nyo po kami, alam po namin kung saan ang office. Ako nga pala si Cassandra. Cass for short." Inabot ko ang kamay ko at kinuha ng isang lalaki.
"Christian Jay po, Cj for short." Ang sabi niya.
"At ako naman si Hanso, Hans for short. Nice to meet you Cass." Kinuha ng isang lalaki ang aking kamay at hinalikan niya ito.
Nagulat ako sa ginawa niya tapos biglaan na lamang na kinuha ni Daff ang kamay niya.
"Ako nga pala si Daffodil, tawag sa akin ng mga close friend ko ay Daff." Sabi ni Daff na parang may halong galit while giving Hans an aggressive handshake.
"Nice to meet you Daff." Ngumiti si Hanso at madaliang hiniwalay ni Daff ang kanyang kamay.
"Sabi ko, tawag sa akin ng mga close friend ko ay Daff, di tayo close kaya tawagin mo akong Daffodil." Binigyan ko ng confuse look si Daff pero di niya ako pinansin.
Kinuha niya naman ang kamay ni Cj at ngumiti siya.
"Hi Cj nice to meet you, ako nga pala si Daff." Sabi niya at napaisip ako pero bago pa ako makapagsalita, naunahan ako ni Daff. "Tara na, office is this way."
Nauna siyang naglakad so hinabol ko siya at sinabayan.
"Uy Daffzkie, anyare sayo? Bakit ganun reaction mo kay Hans?" Tanong ko sa kanya at galit siyang tumingin sa akin.
"Walang pwedeng humalik sa kamay nang best friend ko kung hindi si Sai lang at ang magiging future bf mo." Reply niya at napataas kilay ako.
"Si Sai?" Tanong ko at nag flinch siya.
"Simon kasi, sabi ko Simon hindi Sai. Bingi kana ata!" Inulit niya at napa kamot ulo ako.
I was sure that she said Sai pero baka di ko lang narinig ang mon.
"Teka, eh bakit galit na galit ka kay Hans?" I asked.
"Maka kiss ng kamay mo, akala mo jowa mo eh! Hindi pwede!" She replied.
"Ano ka nanay ko?" Tanong ko.
"Paano kung nanay mo nga ako? Mababatukan kita pag nakita ko yun."
"Toh naman, bakit parang highblood ka ata sa taong yun?"
"Napanood mo na ba yung palabas na Frozen? Yung Hans na bait baitan tapos sa huli bad guy pala? Di ko trust mga tao na may pangalan na Hans noh."
"Oh, pero Hanso naman ang pangalan niya di naman Hans ah diba?"
"Ganun parin yun, close to Hans parin yun. You can call him Hans nga diba sabi niya." Tumingin siya sa likod at tinignan ng masama si Hans nang pasikreto. "Tyaka parang chickboy yan."
"Eh lahat naman ata nang lalake para sayo chickboy."
"Si Sai at Simon hinde. Ay siyapa, si Simon na ang nagmamay-ari ng puso mo noh."
Bago pa ako makasagot sa sinabi niya ay bigla akong sinabayan ni Hans sa tabi ko.
"Cass pwede bang magtanong?" Tanong niya.
"Nagtanong ka na kaya umalis ka na." Si Daff ang nag-reply and I gave her a look of 'Hayaan mo na yung tao' at umirap siya.
"Ano ba yung tanong mo?" Tanong ko kay Hans.
"May... boyfriend ka na ba?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top