Chapter 2
"Make a move kasi gurl, walang mangyayari kung tititigan mo lang siya." Sabi ni Daff at napa buntong hininga ako.
"Ako po ang babae hindi siya, hintayin ko nalang na lapitan ako ni My Labs. Nahihiya lang yan." I said.
"Nahihiya saan? Sa flat-chested mo? Naku gurl mga lalaki ngayon katawan na lang ang habol sa mga babae."
"Tama si Daff!" Umagree si Sai.
"O akala koba puso ang tinitignan mo? Bakit ka nag agree sa sinabi ko?" Daff questioned Sai pero hindi nakasagot si Sai kasi ipinaglaban ko si My Labs ko.
"Wag mong lahatin, iba si My Labs. Kuntento na siya sa boobs ko." I defended at hinarap si Sai. "Tyaka ikaw, bakit ka umagree kay Daff kung lalake kadin? Akala koba personality and heart ang hanap mo?"
"Hindi ako lalaki." Lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sai, ngunit agad din etong lumiit. "Kasi alien ako! Kaya hindi ako katulad ng ibang lalake. Iba ako magmahal, faithful ako sa taong mahal ko."
"Baliw ka talaga." Napairap ako sa sinabi niya.
"Baliw sayo." Bulong niya pero hindi ko narinig.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Wala! Sabi ko sa tagal mong umamin, mawawala sayo si Simon! Wag kang iiyak pag nagkatuluyan si Demonia at Simon ah."
"Ako iiyak? Bakit naman ako iiyak?" Ipinagpatuloy ko ang pag-nood kay Simon at Demonia.
Demonia was touching Simon on his shoulders at hindi ko namalayan na ang sama na ng tingin ko sa kanila.
"Abay malay ko, maybe because your worst enemy ang nakinabang sa My Labs mo?" Sai pointed out at napanguso ako.
"Dami nyong alam." Nilabas ko na ang notebook ko at nagkunwaring nagsusulat ako.
"Just saying gurl, sa sobrang lapit niyang Demonia na yan malay mo may mangyari sa kanilang dalawa." Sabi ni Sai na pilit iniinis ata ako.
"Mangyari? Kay Demonia at Simon? Kilala ko si Simon noh. Ayaw na ayaw niya ang babae na gumagawa ng first move sa kanya kasi paniniwala niya na dapat trabaho niya yun. Tyaka lalaki kaba talaga? Parang naging bakla ka na eh." Pangiti kong sinabi at napataas siya ng kilay.
"Alien nga ako, at san mo naman nalaman na ayaw ni Simon ng ganun?" Tanong niya.
"Edi san pa ba? Sa panaginip ko!" Sagot ko. "Sinabi niya kaya sa akin sa panaginip ko."
"Hay naku, nabaliw na sa pag-ibig." Daff shook her head.
"Totoo noh, kaya di kami masyadong nag-uusap sa totoong buhay kasi sa panaginip ko kami nagbo-bonding." Pabiro ko nang sinabi at napabuntong hininga na silang dalawa.
"Tama nga ang kasabihan na nababaliw ang mga tao pagdating sa pag-ibig."
"Oo nga eh, buti nalang ako alien ako kaya hindi ako mababaliw."
"Eto naman, sige na labas niyo na gamit niyo at baka mamaya may makalimutan na naman kayo." Utos ko.
"Ay ay ay, change topic?" Daff questioned.
"Sinasabi kolang at baka mamaya sisihin mo nanaman ako sa mga nawawalang gamit mo." And that was the end of our conversation kasi pumasok na ang aming titser na si Sir Mike.
"See you later babe." Sinabi ni Demonia kay Simon na may kasamang kindat.
Muntik na akong masuka sa ginawa nya, muntik lang.
"Kapal talaga ng mukha niyang Demonya nayan, bagay na bagay ang kanyang pangalan. Assuming maysado." Sinabi ni Daff at napangiti ako kasi imbis na ako ang mainis, mas nauna pa siyang mainis keysa sa akin.
"Uy, kalma lang." Sinabi ko sa kanya at tinuro niya si Demonia.
"Kapal nang mukha, pati make-up nya sobrang kapal, ten layers. Kala mo nawalan ng foundation." Binulong niya at ngumiti nalang ako.
"Okay class, paki labas ang inyong homework and past it in front of you." Sabi ni Sir at pinasa namin ang aming homework.
Pagkatapos kolektahin ni Sir, nagsulat siya nang tanong sa blackboard.
"So, if I have 500 apples and I gave 200 away, then my friends gave me double of what I currently have and I shared 150 to my family, how many apples will I have left?" Tanong ni Sir at na-calculate ko agad ang sagot.
"Nothing, because I will eat everything." Pabirong sabi ni Daff and I had to fight the urge of laughing.
"Wala kasi ibibigay ko lahat kay Daff at kakainin niya eto lahat." Dagdag ni Sai at kinailangan kong kurutin ang sarili ko para hindi mapatawa.
Tinaas ni Demonia ang kanyang kamay.
"Yes Demonia?" Tanong ni Sir.
"Wala na bang mas mahirap na tanong kaysa diyan? Sobrang dali naman. Ang sagot ay 400!" May mga estudyante na tumawa nang mahina at yung iba naman ay nilait siya nang pasikreto.
"Wow! You're so magaling Demonia! Ang bilis mong nasolve! The best ka talaga!" Puri ni Fatima.
"Wrong." Ang sabi ni Sir at nagulat si Demonia. "Cassandra, will you please give us the correct answer?"
Nagulat ako ng tinawag niya ang aking pangalan kasi lahat nang tao ay napatingin sa akin.
Hala, bakit naman ako sir? Inaano ba kita? Nananahimik ako dito eh!
Nakita ko si Simon na tumingin sa akin kaya sumagot agad ako nang mabilis para makaupo agad.
"450 po sir." Mabilisan kong sinabi at umupo agad.
Tinaas korin ang libro sa mukha ko para walang makakita na nagbla-blush ako.
"Correct, thank you Cassandra."
"Hoy bes okay kalang diyan?" Kinalabit ako ni Daff at sinilip ko siya.
"Nakita mo ba yun? Tumingin sa akin si Simon emegesh beshy tumingin siya sa akin!" Sinabi ko nang pabulong at parang di siya natuwa sa sinabi ko.
"Tinignan kalang naman niya, anong meron dun? Wala namang malisya yun noh. Tyaka lahat nang tao kanina nakatingin sayo kasi ikaw ang sumasagot ng tanong so... normal lang naman yun diba?" Masungit na sinabi ni Sai.
"Eh basta, tinignan niya ako at masaya na ako dun." Abot langit ang mga ngiti ko.
"Sanaol kinikilig kapag tinitignan, tagal tagal na kitang tinitignan." Sai mumbled something but I didn't hear it kasi naka focus ako sa puso kong pumipintig ng mabilis at malakas.
Bigla na lamang tumayo si Demonia sa kanyang upuan at hinampas ang kanyang lamesa.
"Wait a minutes, sinasabi mo ba na mali ang sagot ko! I am never wronging, NEVER! Kaya kung ang sagot nang babaeng ito ang tama, then I am taking police this to the Principal at ipapatangal kita sa school na toh!" Binanta ni Demonia at lalabas na sana siya nang classroom pero bigla siyang sinigawan ni Sir.
"GO BACK TO YOUR SEAT MISS GLASGOW!" Sa sobrang lakas ng boses ni Sir, halos napatalon ang buong klase. "If you assume that you're never wrong, did you just realize that your grammar was wrong! It only proves that you need to be taught more than everybody else in this room! If you go to your mother right now, then you will only embarrass yourself!"
I almost wanted to clap sa ginawa ni sir Mike. Believe talaga ako sa kanya dahil sa lahat ng teacher dito sa school, siya lang ang walang pake kung anak ng Principal si Demonia.
Bumalik si Demonia sa kanyang upuan at para bang napapaiyak na siya. She had this look of 'Malalaman toh ni mommy ko'
May mga estudyante na nag-bulungan at nag-tawanan. Hindi ko nalang sila pinansin at binuksan ko ang story book ko kasi no matter how much I hate Demonia, being embarrassed in front of the whole class is not nice din. Di nagtagal, tumunog na ang bell, senya na lunch time na.
On the way na kami ni Daff at Sai sa canteen when all of the sudden, pagka-turn namin nang corner ay may nakabangga sa akin. Nahulog ang mga gamit ko at dali dali ko itong pinulot without looking kung sino ang nakabangga sa akin.
"Sorry, tulungan na kita." Nang marinig ko ang boses ng nakabanga sa akin, para bang tumigil ang aking mundo.
I was frozen in my spot, my mind was racing, heart beating at yung mga bulate sa tiyan ko ay nag-kagulo.
Don't tell me...
Tinignan ko ang owner ng boses at si Simon nga ang nakabangga sa akin.
OH MY GOSH!
Agad agad kong pinulot lahat ng gamit ko kasi nag panic ang buong katawan ko.
"Okay kalang?" Tanong ni Simon at nag nod nalang ako sabay alis agad.
"Uy bes!
"Beshy!"
"Cassandra De Guzman!!" Nagulat ako kay Sai nang tawagin niya ang buong pangalan ko at napatitig sa kanya. "Anyare na sayo? Ilang beses ka naming tinawag pero parang nakakita ka dyan ng multo."
"Beshies, panaginip ba toh?" Tinanong ko sila at kinurot ako ni Daff.
"Aray!"
"Masakit ba? Edi hindi toh panaginip. Bakit naman toh magiging panaginip?" Sagot niya.
"Oh my gosh bes! Nakabangaan ko si Simon!" Sinabi ko habang kinikilig.
"Oh tapos?" Masungit na tinanong ni Sai.
Luh, nung problema netoh!
"Ayun beshies, nahulog ko mga gamit ko tapos tinulungan niya akong pulutin lahat!" Sinabi ko ang nangyari kasi baka hindi nila nakita.
"Malamang siya nakabanga, edi dapat siya din pumulot diba? Kitang kita namin yun noh." Biglang napatawa si Daff. "Tapos sinabi niya na Sorry, tulungan na kita tapos ikaw naman parang tanga na nakatitig sa kanya. Tinanong ka niya na Okay kalang? Pero anong ginawa mo? Nag walk out ka. Siguro mas mabuting panaginip lang yun noh?"
Bigla ko na lamang naalala ang totoong nangyari at nagulat sa naging reaksyon ko.
"Nag walk out ako?" Tanong ko sa kanila at nag nod sila.
"Oo, bigla ka nalang nag-walk out nung tinanong niya kung okay kalang. Halatang hindi ka okay. Pambihira naman bes, yun na yung pagkakataon mo na kausapin siya pero pinalampas mo pa. Hay naku talagang ito, yun na yun eh, bakit hindi mo pa grinab yung chance. Tsk tsk tsk." Ang sabi ni Daff at napa-facepalm ako.
Ginagawa mo Cass?
"Oa naman, nabanga lang tapos ganyan na kiligin sobra." Pabulong na sinabi ni Sai habang nag-walkout.
"Problema nun?" Tanong ko kay Daff.
"Ah, eh baka nagugutom na. Alam mo naman yun, laging nauna sa canteen para mabili ang the best food." Sagot ni Daff at nag-shrug shoulder na lamang ako.
"Tara na, baka nga maubusan pa tayo ng pagkain." Hinila ko siya at napaisip ulit. "Nag walk out talaga ako?" Tinanong ko ulit at umoo siya. "As in?"
"Walk out nga, do you not understanding English? Are you becoming Demonia now? Your english is not englishing?"
"Oh my gosh bes, di ko kasi alam kung anong nangyari sa akin! Para bang tumigil ang mundo ko nung narinig ko ang boses niya tapos yung puso ko parang lalabas na sa chest ko sa kakatibok nang malakas." Explain ko sa kanya and she shook her head.
"Sa susunod na mangyari yun, wag kang mag-walk out. Dapat kausapin mo. Minsanan ka na nga lang magkaroon ng ganung chance, pinalampas mo pa." Ang sabi niya sa akin at nag nod nalang ako. "Asya tara na at kumain na tayo, baka maubusan pa tayo ng oras."
Osige, next time babangain ko ulit si Simon!
Pumunta na kami sa canteen at nag-order ng pagkain. We joined Sai, who was already eating at ng dumating ang pagkain namin, bigla niyang nilagay ang steak sa plato ko.
"Paborito mo yan diba, ubusin mo para naman hindi ka mangayayat. Eto din royal, paborito mong soft drinks." Sabi sakin ni Sai.
"Uy, salamat!" Masaya kong sinabi.
Ganito siya araw araw, lagi niyang binibili ang steak sa canteen at binibigay sa akin kahit na paborito niya din yun. Hindi ko lang alam kung bakit, baka kasi mabilis siyang mabusog.
"Pano naman ako?" Tanong ni Daff habang nakataas isa niyang kilay.
"Dami dami mo nang pagkain sa plato mo, mataba ka na kaya di mo na kailangan." Sagot ni Sai.
"Grabe ka naman saken, hindi ako mataba! Chubby lang! Kapag kay Cass, okay lang na ibigay buong steak? Ang unfair mo, paborito ko rin naman ang steak ah." Sabi ni Daff habang nag pout siya.
"Kumain kana lang, dami mong sinasabi. Mauubusan na tayo ng oras."
"Bakit hindi mo nalang kasi jowain, yung trato mo sa kanya kala mo boyfriend ka eh." Pilosopong sinabi ni Daff at muntik nang mabilaukan si Sai.
"Oh eto mash potato, kainin mo ng buo para matahimik kana." Sinubo ni Sai ang pagkain sa bunganga ni Daff at natawa ako sa kanila.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa next subject namin which is P.E. My favorite subject kasi kahit papano ay nakakalaro ko dito si Simon. And of course mahilig din ako sa mga sports. Not fully because of Simon ah, 99% percent lang because of Simon.
"Bes, alam mo ba kung may jowa si Simon?" Tanong sa akin ni Daff habang nagpapalit kami ng damit sa changing room.
"Di ko sure pero ang alam ko ay hindi si Demonia yun." Ang sagot ko at napatawa siya. "Pero kung may maisip man ako na jowa nun, si Yvonne siguro. Bagay sila ni Yvonne. Basketball player and Volleyball player. Sexy na, mabait pa."
Napatigil siya sa kakatawa at tinignan niya ako ng seryoso.
"Pano na ikaw bes?"
"Anong ako?"
"Di ka ba iiyak niyan kasi si My Labs mo taken na?" Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang hips, daliri sa kanyang mukha at nagkunwari na may luha sa mga mata niya.
"Ang oa mo. Bakit naman ako iiyak eh diba dapat nga sumaya pa ako kasi alam kong may ibang nagpapasaya sa kanya diba?" Bigla na lamang niya nilagay ang kamay niya sa dibdib at nagkunwaring na heart attack siya.
"Aray ko naman, ang bitter nang puso mo masyado na may kasamang pag-kasweet." Nag Drama siya at natawa ako.
"Ang drama mo. Kung ako oa ikaw naman Drama queen."
"Pero ang sweet bes eh. Yun ngalang, kawawa ang puso mo." Ngayon ay nagkukunwari siyang umiiyak ulit.
"Puso ko? Strong kaya toh! Kahit sampung babae ang jowain nun ok pa rin tong puso ko noh basta makita ko lang siyang masaya."
"Ayieee ang sweet naman ng beshy ko. Kaya love na love ko yan ehh!" Kinilig siya sa sinabi ko.
"Ano kaba, ang dami mong alam. Bilisan mo nalang at baka pati dito malate pa tayo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top