Chapter 35


Hindi nakarating sa mga magulang ko ang nangyari dahil ako na din mismo ang umayaw na ipaalam sakanila kahit kinukulit ako ni Gian na sabihin sakanila. Pero Gian is also stubborn that his parents knew about it and took action kaya naikulong ang lalaki.

"Magagalit po kasi si Mama at mag-aalala kapag nalaman po nila kaya ayaw ko na din sana sabihin..." I said to Tita.


"Naku don't worry we won't tell them, okay? Ang mahalaga nasa authorities na ang manyak na 'yon," naglapag si tita ng iced tea sa tapat ko.


Nandito ako kina Gian ngayon dahil pinapunta ako ng Mommy niya para daw ipatikim ang gawa niyang pastries, hindi ko alam at nagulat nalang din ako nang biglang may tumawag na unknown number sakin at si Tita pala 'yon. Si Gian ay wala naman ngayon dahil may inaasikaso siya sa university kaya kami lang ng Mommy niya ang narito ngayon.


"How does it taste? Masarap ba?" She asked habang nginunguya ko pa ang gawa niya.


"Opo, masarap po.. sakto lang ang tamis," puri ko sa brownies na ginawa ni Tita.


She clapped her hands feeling so proud of herself and quickly went inside the kitchen again. Pagkalabas niya ay may dala dala siyang tatlong medium sized box na kulay blue saka lumapit sakin uli.


"Iuwi mo 'yan sa bahay niyo and tell to your dad na magaling na ako magluto! Hindi niya na kamo ako maaasar pati ng Mom mo," tumatawa pa niyang sabi sakin.


Napailing nalang ako sa sinabi ni Tita at tinanggap ang binigay niya. Magsasalita pa sana ako kaso may biglang bumusina sa labas at nagulat pa tila may naalala si Tita nang marinig 'yon.


"Gian's car is here already? I thought bukas pa dadating..." she whispered.


Gian's car?


"Gian's car po? Akala ko wala siyang kotse, Tita?" I asked.


"Ah, yes wala talaga pero days after the incident he asked us to buy him a car. He didn't say kung bakit basta he needs one daw.." her phone started ringing kaya naman ay sumenyas siya na sasagutin niya muna at tumango nalang ako.


Gian doesn't like asking his parents for expensive things at nakakagulat na ganito ang hiningi niya.. I have a hunch kung bakit at sana naman ay hindi totoo na iyon ang rason kung bakit.


I decided to stay for a while para hintayin si Gian dahil malapit naman na daw itong umuwi sabi ni Tita kaya naman ay nagkwentuhan pa kami ng konti ng mommy niya bago siya makauwi.


"Ah Gian's here na, hija. Tara labasin natin..." aya niya while carrying a small box na naglalaman ng susi ng kotse ni Gian.


Nang makalabas kami sa gate ay sinalubong ni Tita ang anak na gulat pa sa kotseng itim na may ribbon sa harapan nito pero nang lingunin ako ay mas lalo atang nagulat dahil nandito pa ako.


I smiled awkwardly and glanced at his car. Nang makalapit si Gian sa akin ay agad niyang hinapit ang bewang ko at iginiya patungo sa nakaparadang sasakyan niya. His mom handed him the small box containing his car keys and left us with a smirk on her lips.


Pinatunog ni Gian ang sasakyan nang pindotin ang hawak na susi. He opened th shotgun seat for me gesturing I should ride his car.


"Akala ko ba ayaw mo sa material things?" I asked him. He tossed his bag inside and licked his lower lip bago magsalita.


"Don't tell me na dahil 'to sa.." dugtong ko. Matapos kasi nung nangyari ay hindi na ako nagcocommute at hindi na rin ako hinahayaan magcomute ni Gian palaging naka grab at kung minsan hinahatid gamit ang sasakyan ng kuya niya.


"Then I won't tell you," aniya.


"Gian, you didn't have to ask for a car..." I said feeling so guilty about it.


Baka mamaya ay kung ano ang isipin ng magulang niya kapag nalaman nila ang totoong reason behind sa pagpabili ni Gian ng sasakyan... Baka isipin nilang ginagawa kong maluho ang bunso nila.


"It's also for me to skip the traffic on my way to university but also for you dahil ayaw ko nang nagcocommute ka pa uli," he said trying to convince me.


Nag-iwas ako ng tingin sakanya at madami pading iniisip na mga bagay bagay na hindi matanggal sa utak ko. Maybe if I didn't push riding PUVs I won't drag him into this mess ngayon.


"Stop thinking about it too much. I want to test this car and since nandito ka na let's go somewhere, is that okay with you?" Aniya.


I sighed and smiled a bit feeling a little better.


"Sige, saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko.


"Hmm, that's a surprise," nakangisi niyang sabi habang hawak ang pintuan ng sasakyan niya at hinihintay akong sumakay.


"May pa surprise surprise ka nang nalalaman ha." I gave him a suspicious look na nakapagpatawa naman sakanya.


Nang makasakay ay sinuri ko ng maigi ang kanyang sasakyan. Maganda ang interior at halatang mamahalin, sabagay galing nga naman sa mayamang pamilya ang isang 'to at hindi papayag ang mommy ni Gian na simpleng sasakyan lang ang bibilhin para sakanya.


Natigil ako sa pagsuri nang kabitan ako ng seat belt ni Gian. Nang magtama ang mga mata namin ay halos maduling ako sa lapit ng aming ilong. My heart was beating so fast and it stopped when Gian kissed the tip of my nose.


"Cute mo, love." Aniya


I blushed hard dahil hindi naman palasalita ng ganyan si Gian he may be sweet now but never the exagerrated type of sweet. I have been adjusting sa changes na nangyayari din kay Gian ever since we entered this relationship. He surprises me with his acts and words and nasanay na akong mabigla sa mga pagbabago kay Gian..


"Alam ko naman 'yon," mayabang kong saad


"Sheesh that was a joke, love." He said slightly grinning.


"Aba.." hinampas ko ang braso niya dahilan para tumawa siya sa ginawa ko. Mapang asar na ang isang 'to.


Kinusot ko ang mata nang magising na at halos mahulog pa ako sa kama dahil sa lakas ng alarm clock ko. Unang araw ng klase sa University ngayon at sasabay ako kay Gian pumasok. Maaga ang subject niya kaysa sa'kin pero maglilibot pa ako sa University at bibili ng libro bago magklase.


Naligo na agad ako at sinuot ang uniform ko. Fitted blouse na may University crest sa dibdib at pencil skirt ang uniform namin naka black strapless shoes ako na may kaunting takong at nakalugay ang buhok ko ngayon.


From Love:

Nasa labas na ako, tapos ka na? Love you.


Napangiti naman ako at agad na nagtipa ng reply sakanya.


To Love:

Pababa na, love you din :))


Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na. Walang tao sa bahay ngayon kahit umaga palang dahil maaga sila nagsialisan kaya ako ang natira at sina manang.


Bago makalabas ay sinuklay ko pa ng bahagya ang buhok gamit ang mga daliri ko. Nakangiti naman akong lumapit sa sasakyan ni Gian at bago ko pa mabuksan ang pintuan ay naunang bumukas 'yon dahil kay Gian na nasa loob.


"Goodmorning, have you eaten breakfast yet?" Tanong niya.


"Hindi pa eh," pagkasakay ko ay naamoy ko agad ang mabangong pabango niya. I locked the door and Gian buckled my seatbelt for me and gave me a peck on the cheek.


"You look beautiful in your uniform," namula naman ako sa sinabi niya. Ang swerte ko naman Lord sa boyfriend ko..


"Thank you, love, you look handsome, araw araw." I kissed his cheek and he blushed kaya naman napangiti ako.


He drove to the nearest fastfood to buy us breakfast. Malapit lang naman sa University kaya may natitira pang oras bago magstart ang klase.


Nag park lang si Gian malapit sa building na babaan ko, sabi ko sakanya ay sa building na nila pero ayaw niya naman. Dito na rin kami kakain sa loobng sasakyan niya habang hinihintay ang klase niya.


"After two hours pa ang klase mo 'di ba?" Tanong niya, "... Saan ka pupunta bago mag-start? Ayos ka lang mag-ikot dito?"


Uminom muna ako sa iced coffee ko saka siya sinagot.


"Bibili lang ng ilang libro at tsaka maghihintay nalang ulit siguro kung madami pang oras," he gave a slight nod and wiped the side of my lips using a tissue.


"Message me if something happens, call me kung emergency. If you can stay sa library or coffee shop before class please just stay there..."


He's still worried the last time we went outside. Nasettle na 'yon pero Gian can't help but to be worried kaya ganiyan siya.. I understand him and I also felt a bit guilty about it.


"Magiging ayos lang ako, Gian, huwag ka na mag-alala kaya ko ang sarili ko," Pagkumbinsi ko sakanya pero hindi naman ata gumana.


"Still, update me. Let's not risk it, hmm?"


I sighed. Sa relasyon namin hindi naman laging ako ang panalo at hindi rin lagi si Gian, small arguments are part of a relationship and we resolve it as quick as we can, in our case walang superior, we both understand eachother everytime.


"Okay.."


"I'm just worried, love, mas kampante ako kung updated ako," paliwanag pa niya. Nginitian ko nalamang siya.


"I know. Oo, sige i-uupdate kita," mas naging kampante ang mga mata niya ngayon sa sinagot ko.


Nang umalis na si Gian para sa klase niya nag-ikot ako sa university para hanapin ang bilihan ng libro. Masyadong malaki ang University kaya inabot ako ng ilang minuto sa paglalakad. Makulimlim dahil madami ang puno sa loob kaya naman ay hindi ako pawisan, buti naman dahil baka mangamoy ako sa room mamaya...


Nagpunta nalang ako sa isang coffee shop malapit sa University para maghintay sa unang klase ko, medyo nanood na din ng mga documentaries. Sa paglipas ng oras ay nakailang slice na ata ako ng cheesecake, kinulang siguro ang inorder ko kanina kaya gutom padin ako.


Or maybe I'm nervous sa magiging bagong environment ko kaya kung ano ano ang nararamdaman ng sikmura ko ngayon.


Ipinagkibit balikat ko nalang ang isipin at nang malapit na magstart ang klase ko ay agad na akong nagligpit, ayaw ko namang malate ako.


Pagkarating ko sa unang klase ay tahimik ang mga tao at may ilang napatingin pa sa akin. Yumuko lang ako ng bahagya at nagtungo na sa likod para doon maupo dahil may bakante doon at wala sa harapan. Hinintay ko nalang magstart ang klase at nanahimik na umupo lang sa upuan ko.


"Okay Class prepare a piece of paper we're going to have a short quiz," Nanlaki ang mata ko dahil first day palang may quiz na agad, nagdiscuss lang ang Professor kanina ng konti tapos may quiz na agad...


Nang makapaglabas ako ng papel ay may naramdaman akong kalabit sa gilid ko.


"Pwedeng makahingi ng papel?" Tanong ng lalaking kumalabit sa'kin.


Unang araw walang papel?


Dahil bago rin naman ako nakisama at binigyan ko nalang din siya ng isang pirasong yellow paper. Halos mapasampal ako sa noo sa sumunod na sinabi niya.


"May ballpen ka din? Pwedeng pahiram?" May studyante pala sa college na ganito.. sarili lang ang dala.


Nagdadalawang isip pa akong ipahiram sakanya ang isa kong ballpen.. Pero wala na akong nagawa nang bigla niyang hablutin 'yon sakin at nagsulat na ng pangalan niya sa papel.


"Salamat!" Pagpapasalamat pa nito at nagsulat na ulit sa papel niya.


Napabuntong hininga nalang ako. Sana hindi ko siya kaklase sa ibang subject dahil baka maubos ang papel ko.


Nang matapos ang klase ay tahimik lang akong nagligpit ng gamit ko malapit lang sa building ni Gian ang sunod kong klase kaya baka makita ko siya. Napatigil ako nang may ballpen na sumulpot sa tapat ng mukha ko..


Kukunin ko na sana kaso nilayo nung lalaki ang ballpen.


"Salamat nga pala, ah? Pahiram muna ako wala kasi akong ballpen malapit lang klase ko hindi na ako makakabili.." aniya.


Bigyan na din kaya kita ng papel? Nakakahiya naman sayo.


"Ayos lang kahit 'wag mo na ibalik."


"Mike nga pala," inilahad niya ang palad niya. Tinanggap ko nalang 'yon at nakipag kamay nalang din.


"Alexine," tipid kong sagot at umalis na.


Sa sumunod na klase ay nagulat ako nang magkaparehas kami ng sched. Buti nalang ay malayo ang upuan ko sakanya, bahala na siyang dumiskarte kung kanino at saan siya kukuha ng papel niya.


Naging maayos naman ang mga sumunod na klase at hindi ko na kasama si Mike sa mga sumunod pa. Mainit na ngayon habang naglalakad ako papunta sa cafeteria na malapit sa susunod kong klase, sabi ko kay Gian doon nalang sa malapit sa building niya kami maglunch pero ayaw niya.


"Bakit naman kasi wala akong payong.." pinunasan ko ang pawis ko dahil sa init. Parang bumuga si Satanas ng hiningang apoy.


"I could've fetch you kung sinabi mong wala kang payong," nawala ang init at napatingin ako sa tabi ko.


May hawak na payong si Gian habang tagaktak din ang pawis niya. Napangiti naman ako at kumapit agad sa braso niya.


"Ayos lang, sandali lang naman ako naglakad," dahilan ko. Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang noo ko.


"You're sweating..."


Napanguso ako at hinila na siya papasok sa cafeteria. Buti nalang at malamig at konti lang ang mga studyante sa ngayon, mainit kapag kumpulan.


"Ako na oorder, just take a seat..." Bulong niya sakin at tumango nalang ako.


Nakahinga ako ng maluwag nang makasandal sa upuan. Pagtapos maglakad sa ilalim ng araw ang sarap sa pakiramdam na nasa lamig ka na.


Habang pinaglalaruan ko ang mga daliri ko napaisip ako na wala pala akong naging kaibigan ngayong araw.. Hindi man lang ako nakipagkilala sa iba.. naging kampante ata ako dahil nandito naman si Gian para iguide ako sa University pero iba padin yung may kasama ako maliban kay Gian, baka naiistorbo ko na siya.


"Alexine?" Napatingala ako at nakita si Mike na nakatayo sa harapan ng lamesa.


"Mike.. B-Bakit?" Ibabalik pa ba niya ang ballpen ko? Sabi ko sakanya na 'yun ah.


"Mag-isa ka lang?" Tanong niya.


Tinignan ko ang mga bakanteng upuan. Hindi ba halatang mag-isa lang ako? May nakikita ba siyang hindi ko dapat makita?


"Ah hindi, may kasama ako..."


"Ah ganun ba? Ibabalik ko kasi sana 'tong ballpen mo.." may hinugot siya sa bulsa niya at inilapag sa mesa, bago pa 'yon at walang bawas.


Paano naman nangyaring walang bawas 'yon eh halos kalahating araw na niyang ginamit 'yan?


"Bumili pala ako ng bago... Nakakahiya naman kasing ibalik kung walang tinta.." kamot nito sa batok niya.


Naubos nga niya yung tinta?!


"Ayos lang naman sabi ko kahit huwag mo na ibalik—"


"Okay na! Tanggapin mo nalang nahihi—"


Natigil siya sa pagsasalita nang may marinig na mahinang ubo sa gilid niya. Nanigas ako sa upuan ko nang makita si Gian na nakatitig sakanya ng masama.


Juicecolored.


"Who is he?" Tanong sa'kin ni Gian sa malamig na tono.


Mike utang na loob huwag ka nalang manghiram sa susunod ng ballpen..


"Ah kaklase ko! May sinoli lang siya, 'di ba, Mike?" Baling ko kay Mike. Mukha din siyang kinakabahan kaya naman awkward siyang tumawa.


"Ah, oo dude, sinoli ko lang 'yung hiniram ko kay Lexi kanina!"


"Alexine," sabi ni Gian tila itinatama si Mike sa tawag niya sakin.


Napabuntong hininga nalang ako.


"Maglulunch na muna kami, Mike, ikaw din..." Sabi ko at binigyan siya ng ngiti saka naman tumango nalang ito at umalis.


Busangot ang mukha ni Gian nang ilapag ang mga pagkain sa lamesa. Napanguso nalang ako at nagsimula nang kumain.


Was he jealous of Mike? Pfft impossible dahil hindi naman seloso si Gian.


Wala na akong ibang marinig kundi ang mga kumakalas na bagay sa paligid ko. Hindi naimik si Gian at tahimik lang na nakain. Parang may itim na aura sakanya ngayon kaya pinili ko nalang din manahimik.


"Is that guy bothering you?" Biglang tanong niya.


"Hindi naman..." Sagot ko.


"He's your friend?"


Friend? Parang hindi naman ganon...


"Hindi rin, nanghiram lang talaga siya ng ballpen kanina at nagpakilala..." Sagot ko, ".. hindi naman kami close at lumapit lang din siya kanina," tumawa ako ng bahagya.


Napabuntong hininga si Gian at sinuklay niya ang kanyang buhok na parang naistress sa mga nangyayari.


"Sorry, I might've scared your friend."


Ha


"Ah hindi ko nga siya—"


"I'm jealous," yumuko ito na parang batang napagalitan.


Ano daw..


"Ha? Bakit?" Naguguluhan kong tanong.


"I just don't like his stares..." Aniya. Napatingin ako sa gilid ko at halos lumabas sa ribcage ang puso ko nang masalubong ko ang mga titig ni Mike.


Kumaway si Mike at wala na akong nagawa kundi ang ngumiti nalang pabalik sakanya.


"Huwag ka na magselos kasi ikaw lang naman ang gusto ko..." Namula ang pisngi ni Gian.


Lumang mga linyahan na 'yan pero wala akong maisip na iba. Ayos na 'yan basta sa'kin nanggaling!


"Ako din..." Sagot ni Gian, "... Ikaw lang din ang gusto ko."


Lord ang puso ko...


Ilang linggo ang lumipas at umayos naman na ang lahat. Nagkaroon ako ng ilang bagong kaibigan sa ibang mga subjects na nakilala ko at si Gian naman ay nakakasabay ko pa din kapag lunch. Hindi na rin ako masyadong nakakasabay sakanya papasok dahil masyadong maaga ang klase niya kumpara sa mga klase ko kaya nagsasabay nalang kami kumain.


Kapag uwian naman at maaga silang nadidismiss naghihintay na agad siya sa labas ng building ko para ihatid ako. Hindi na rin ako nagcocommute tulad ng dati, may driver na inassign si Papa dahil pinakiusapan siya ni Gian na huwag na akong pagcommute-in, hindi niya naman kinwento ang nangyari nung nakaraan.


Masayang masaya ako ngayon sa takbo ng buhay ko at sa tingin ko tuloy tuloy na itong magbabago.


"Oo nga pala may medical mission tayo Kass, ha? May pupuntahan ka ba sa araw na 'yon?" Tanong ni Mama kay ate.


Kumakain kami ngayon ng almusal dahil sabado at walang trabaho sa umaga sina Mama at Papa. Sa bahay lang sila habang naghahanda para sa medical mission bukas na kasama din naman kami.


At sina Gian.


"Wala akong pupuntahan, Mama. May mga ka-blockmate din pala akong volunteers bukas..." Sagot ni ate.


"Buti naman madami din sasama bukas baka kulangin tayo sa tulong kung sakali.." si Papa.


"Sasama din si Lance at Gian 'di ba?" Napatingin kami kay Kuya na tila bang siya nalang ang hindi nakakakumpirma na sasama nga ang magkapatid.


Hindi ko alam kung anong mayroon kay ate at kuya Lance pero laging nakabuntot ang kuya ni Gian kay ate Kass. Minsan ko na din nakita mula sa bintana ng kwarto ko ang paghatid ni kuya Lance kay ate at mukhang galing silang University.


"Oo, akala ko nga si Gian lang ang sasama..." Sumulyap si Mama kay ate Kass at nang magtama ang mga mata nila ay nasamid bigla si Ate.


"Medical missions are not related sa course nitong si Lance, mahal? Hmm maybe he wanted to try something else to help other people.." Mama smiled gently at Papa's words.


"Sana nga..." Bulong naman ni Kuya.


Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nagtipa ng message kay Gian... miss ko na siya..


Nagkita naman kami kahapon pero saglit lang dahil madami pa daw siyang gagawin... tapos na kaya niya?


To Love:

Good Morning! Busy ka pa?

Ilang oras ang lumipas pero walang reply..

Nanood nalang ako dahil wala naman akong ibang gagawin ngayon kundi ang magliwaliw lang, hindi naman nasagot si Gian sa chat ko kaya hihintayin ko nalang siguro siya.

From Vane:

Bihis ka, gagala tayo.


Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at nagbihis na. Hindi ko rin sila nakasama ng ilang linggo kaya naman inaabangan ko ang pagkikita namin mamaya.


Matagal tagal na din naman nung huling namasyal ako dahil nung nagsimula na ang klase ay diretso bahay agad ako kapag natatapos ang klase.


"Ayan na ang may jowa.." Sabi ni Geor nang maupo ako sa bakanteng upuang tinabi nila sa'kin.


"Wow iba ang glow ha!" Pang-aasar ni Zara.


"Mga sira ganun talaga kapag may jowang Laxson!"


"Ano ba 'yan, Vane, hinaan mo naman boses mo.." saway ko kay Vane. Kung makasigaw akala mo siya may ari ng coffee shop.


"Ay ganun? Magjowa na din ba ako ng Laxson para ganyan ang glow ko? Ay may single pa sakanila 'di ba?" Tanong ni Zara.


Single pa ba si Kuya Lance?


"Huli ka na sa chismis! May nililigawan daw na med student 'yon!" Ani Vane na hindi nauubusan ng kwento at chismis sa utak niya.


"Oh? Bakit naka sikreto? He's ashamed ba?"


"Ewan ko lang. Hindi ko naman sigurado kung meron nga pero kung meron man baka kilala na natin," si Vane.


"Tama! Alam mo naman ang magkapatid na 'yon showy types sila..."


Napatingin silang tatlo sakin nang mag-ring ang cellphone ko. Agad kong kinuha 'yon mula sa bag ko at napangiti nang makita ang caller ID ni Gian.

Nandidiri namang tumingin ang mga kaibigan ko sa'kin kaya tinawanan ko nalang sila.


"Sagutin mo na! Dun ka sa balcony at baka hindi namin kayanin ang sweetness niyo," si Geor.


"He—" bago ko pa matapos ang sasabihin ay nagsalita na agad si Gian.


[I'm sorry I called too late, what are you doing?]

Nakalimutan ko nga palang magchat kanina bago umalis.


"Ayos lang, madami ka bang ginawa? Magpahinga ka pa kaya..." Sagot ko.


[I'm fine, I just overslept. What are you doing?]


"Ahm nasa labas ako ngayon kasama ko sina Vane, sorry hindi ako nakapagchat agad nakalimutan ko..." I bit my lower lip.


[It's fine, love. I might be disturbing you so I'll hung up now, call me if you want me to fetch you.]


"Ayos lang naman kung mag gra—"


[No! Call me later I'm going to fetch you]


Napabuntong hininga ako.


"Okay okay, I love you..."


The day ended and Gian fetched me last night. Nasa medical mission na kami ngayon at maaga palang pawis na pawis na agad ako.


Naka-upo ako ngayon sa isang monobloc sa labas ng tent habang nagpapaypay gamit ang palad ko. Tirik na tirik ang araw ngayon at para akong iniihaw na karne sa sobrang init. Nanghihina nadin ako dahil sa init kahit wala pa namang nasisimulan masyado ngayong araw.


"Are you okay?" Napatingala ako kay Gian. Agad akong yumakap sa bewang niya at naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko.


"Ang init," sagot ko.


"Drink water first baka ma dehydrate ka..." Nakapikit akong uminom sa inabot niyang bote ng malamig na tubig. Maya maya pa ay may naramdaman akong hangin, pinapaypayan ako ni Gian.


"Feeling better?" Tanong niya at tumango tango lang ako.


Kumuha siya ng silya at itinabi 'yon sakin, isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya habang pinapaypayan padin ako. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti at kiligin sa ginagawa ni Gian.


"Our monthsarry is near, you have any plans? You want to go somewhere?" Pinunasan niya ang pawis sa noo ko.


Oo nga pala malapit na ang monthsarry namin...


"Wala akong maisip. Sabay tayong maghanap, gusto mo?" Tanong ko.


"Sure let's do that instead."


Ilang minuto na kaming nagpapahinga sa labas nang bigla naming marinig ang bangayan ni ate Kass at kuya Lance. Hinabol ni kuya Lance si ate at napatigil ang dalawa sa harapan namin tila ba parang walang tao doon.

"Ano bang problema mo?!"

"Ikaw, Kass, anong problema mo?!" Tanong ni kuya Lance.

"Layuan mo nga ako! Ikaw problema ko! Tsupi!" Akmang aalis si ate Kass pero napigilan siya ni kuya Lance.

Nanuyo uli ang lalamunan ko kaya uminom muna ako habang pinapanood sila.


"Wala nga akong ibang gusto kasi ikaw lang ang mahal ko!" Sigaw ni kuya Lance. Natigil si ate Kass at nagkanda samid samid ako matapos maibuga ang tubig na nainom.


"Lexi! Are you okay?!" Tarantang tanong ni Gian, "Why the fuck are you confessing under the burning sun you moron!"


Hindi yata kakayanin ng utak ko ito..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top