Chapter 36
"Why the fuck are you confessing under the burning sun you moron!"
Sumulyap si kuya Lance sa kapatid niya at tinignan ito ng masama.
"Should I confess my feelings in the middle of a fucking typhoon?!"
"A-Anong pinagsasabi mo?!" Singhal ni ate Kass kay kuya Lance.
Naubo padin ako hanggang ngayon dahil sa pagkasamid at patuloy padin ang paghagod ni Gian sa likuran ko.
"They could've just talked somewhere else..." Bulong ni Gian.
Oo nga naman sana sa ibang lugar nalang sila nagsigawan at hindi dito dahil ang daming nakakarinig at nakakakita sakanilang dalawa! Imbes na gamutan ay may libre pang palabas ang mga pasyente.
Nakita kong nagbulungan ang mga kablock ni Ate na nagvolunteer sa medical mission. Siya siguro yung naikwento nina Geor nitong nakaraan at kung naalala ko ay may malaking inis 'to si ate kay kuya Lance dahil ilang beses na silang nagkakaalitan mula pa nung mga bata palang kami.
Kakaiba ang ihip ng hangin.
Sabagay kakaiba din ang ihip ng hangin sa'ming dalawa ni Gian.
"Hmm ang cute kaya," humagikgik ako, "
... Isipin mo dito talaga napaconfess ang kuya mo, nakakagulat pero cute." Nakakunot ang noo ni Gian na tumitig sa kuya niyang kumakamot sa batok nito dahil kay ate Kass.
"You think if I did that way back it would be cute for me as well?"
"Ha?!" Kung ganyan din ginawa niya baka nagpapiyesta pa ako. Kahit naman paanong paraan padin siya magconfess wala naman sakin 'yon, mas cute siya sa sarili niyang paraan.
Natawa nalang ako at kinurot ang pisngi niya.
"You're cute in your own ways, Love, hmm..." Namula ang mga pisngi ni Gian sa sinabi ko at agad na tumalikod sa'kin.
"I have to go. May inuutos pala sa'kin si Doc," he said coldly.
Seryoso pero kinikilig lang 'yan.
"Okay! See you later, Doc."
Paglingon ko sa direksyon nina ate ay wala na sila sa kinatatayuan nila kanina. Saan naman kaya nagpunta ang mga 'yon at bakit bigla nalang nawala.
Ipinagwalang bahala ko nalang at baka nag-uusap sila ngayon. Napaisip tuloy ako, sumama ba talaga si kuya Lance para mag volunteer o para lang dumikit sa ate ko. Kung yung dahilan ay yung isa malalagot talaga siya kapag nalaman ni Papa mula sa volunteers na ipinagsigawan niya ang damdamin niya.
Kawawang kuya Lance..
"Lexi! Pwedeng magpatulong?" Kalabit sa'kin ng isang doktor
"Ah sige po! Ano po ang gagawin ko?"
"Ipapakuha ko lang sana 'yung kahon ng syringe sa truck, ubos na kasi eh may inaasikaso pa ako ngayon baka pwedeng pasuyo?"
"Ayos lang, Doc, dadalhin ko nalang sa tent niyo.." sagot ko naman sakanya. Napasulyap kami sa likod niya kung nasaan ang tent at may mahabang pila pa nga ng kailangang turukan doon.
malapit lang naman ang parking ng mga truck kung saan may supplies doon at kami talaga ang nagiging taga kuha ng mga nurse at doktor dahil halos hindi na rin naman sila nalabas sa tent. Mainit padin pero nagsumbrero naman ako para hindi mainit ng husto.
Nang makuha na sa truck ang pinapasuyo ni Doc ay may narinig naman akong kalabog mula sa truck kaya dahan dahan akong pumunta at nagtago sa sulok. Sinilip ko 'yon at halos mapasigaw ako nang makita ko si ate Kass at kuya Lance.
Ang dalawang palad ni kuya Lance ay ikinukulong si ate para hindi siya makaalis, nakatitig si kuya Lance sa mukha ni ate na namumula ngayon.
"Tumabi ka, Lansilot." Malamig na sabi ni ate.
"Ayoko nga."
"Bibigwasan kita, Lance kapag hindi ka umalis."
"Baka hindi tayo magka-anak kapag binigwasan mo ako, Kass."
Nalaglag ang panga ko sa narinig ko. Usapang anak agad..
"Hindi talaga tayo magkaka-anak dahil wala akong balak magpalahi sa'yo, Manyak!"
Pinigilan kong matawa sa sinabi ni ate dahil baka malaman nilang pasikreto akong nakikinig sakanila. Impossible nga din yata mag boyfriend si ate kaya niya nasasabi na wala siyang balak magpalahi. Ever since na nag-aral siya ng medicine ay wala na siyang ibang inasikaso, hindi rin nagpaligaw at nagka boyfriend.
"Sure ka ba d'yan? Ayaw mo talaga sa'kin?"
"Umalis ka na sa harapan ko bago ka maging pasyenta sa medical mission na'to."
"Kung ikaw lang naman magiging doktor ko baka hindi na ako umalis sa pagiging pasyente..."
Hindi ko na kinakaya ang pinag-uusapan nila kaya naman ay umalis nalang ako, masamang maki-chismis at baka masabunutan pa ako ni ate Kass kapag nalaman niyang nakikinig ako sa usapan nila.
Hanggang mag hapon na ay medyo madami pa din ang nakalinya kaya abala talaga ang lahat lalo na ang mga doktor. Pagod na ako pero mas pagod sila. Napaisip tuloy ako na ganyan din ang mararanasan ni Gian kapag naging doktor na siya, sa pag aaral pa nga lang ay kubang kuba na ang isang 'to.
Napasandal nalang ako sa silya nang matapos ko ang lahat ng inutos sakin. Pawis na pawis na din ako at nanakit na ang braso sa kakabuhat ng mga box. Napapikit ako saglit at nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko sa hindi kalayuan si Gian na inaassist ang huling pasyente ni Papa na isang matanda.
Bagay talaga sakanya maging doktor. Kitang kita ko 'yung saya sa mga mata niya kapag nakikipag usap siya sa mga pasyente, kahit pagod na siyang mag-aral ay mas pinagbubutihan niya pa.
Baka boyfriend ko 'yan!
"Tired already?" Tanong ni Gian nang makalapit sa'kin. Pawis na pawis din siya kaya naman hinugot ko ang panyo sa bulsa at pinunasan ang noo niya.
"Yup pero mukhang mas pagod ka..." Sagot ko, "... Sinungitan ka ni Papa?" Natatawang tanong ko sakanya.
Kanina kasi ay si Papa ang tinutulungan ni Gian at narinig ko pa kanina na inutusan niya sa masungit na tono si Gian.
"He's like that when I'm around. In the future he might be my mentor so I should maintain a good image as a med student and your boyfriend," he pinched my cheek.
"So ayos lang sa'yo na sungitan ka ni Papa?"
"Yes, I'm used to it. He's nicer when I wasn't your man back then but I guess our relationship bothers him a bit. This man can impress your Dad so don't worry about me.."
"Kaya love kita eh..." Wala sa sariling nasabi ko dahilan para magulat kaming dalawa. Gian chuckled and wiped my sweat using his handkerchief
"I love you too."
"Lexi? Uuwi na daw tayo," napalingon kami kay Kuya na bigla nalang nagsalita.
"Sige, kuya ayusin ko lang gamit ko.."
"Sumama ka daw sa bahay, Gian, nagpaluto sina mama doon na kayo maghapunan ni Lance," nagkatinginan kami ni Gian sa huling sinabi ni Kuya.
Hindi ata narinig ni kuya ang isinigaw ni kuya Lance at baka hindi rin nakasagap ng chismis kaya wala siyang bad reactions sa ngayon. Baka mamaya magulat nalang kami mag-confess sa hapagkainan si kuya Lance, talagang malalagot ang magkapatid na Laxson sa tatay ko.
"I just hope no one told Tito about what my brother said earlier," bulong ni Gian sakin.
"Sabay tayong magdasal." Bulong ko sakanya dahilan para mapangisi siya.
"Huh? Ano 'yon, Lexi?"
Napatingin ako kay kuya na nandito pa pala. Hindi niya narinig ang binulong ko at sana huwag niya rin marinig ang mga pinagsasabi ko.
"Ah wala, kuya."
"Sumabay ka nalang kay Gian pauwi," kumindat pa si kuya bago kami iwan ni Gian.
Gian drove me home and pagkarating namin sa bahay ay saktong pagdating din ng sasakyan ni kuya Lance. Nalaglag ang panga ko nang makita kong pinagbuksan ni kuya Lance ang kapatid ko, magkasama pala silang pumunta dito.
May malilintikan talaga mamaya.
"Pagod na pagod ako masyado nilang inenjoy ang muscles ko!" Si Kuya. Napangiwi si ate Kass sakanya at binatukan siya.
"Wala kang ganon, Kuya. You stopped going to the gym, right?"
"I was just busy to go and work out pero may muscles ako, Kass!" Pumilit pa niya kay ate Kass na tinaasan lang siya ng kilay.
Masungit ngayon si ate ah.
"Manang pahingi nalang po ng inumin para sa mga bisita, salamat.." bulong ko sa katabi kong si manang.
Nasa sala kaming lima, si kuya, ako, Gian, kuya Lance at si Ate. Si Mama ay tinignan ang kusina at si Papa naman ay nasa taas nagpapalit ng damit. Hindi pa kasi tapos magluto kaya nandito muna kami.
Nang dumating si manang na may dalang tray ng juice ay agad na kinuha ni ate Kass 'yon at inilapag sa lamesa.
"Salamat, Manang." Si Ate. Tahimik lang niyang inabutan ng basong may juice si kuya Lance na katabi niya.
Kukuha na sana ako para kay Gian kaso nauna na siyang kumuha pala ng baso.
"Drink up," aniya. Si kuya naman ay nakabusangot lang na kumuha ng inumin niya.
"Sana all mga kapatid."
Dinner was served and naging usapan lang buong gabi ay ang tungkol sa naging medical mission kanina. Since may dalawang doktor at med student kaming kasama sa hapag ay madalas sila ang magkakausap. I really enjoy listening to their conversation because I really admire intelligent people like doctors.
I think kuya Lance enjoyed the conversation as well dahil nakatitig lang siya kay ate buong hapunan, buti nga hindi nagtaka si Papa dahil malamang magbubuga ng apoy 'yon at madadamay pa ang Gian ko.
The night went well and Mama served the mango float she made yesterday at nagpadala pa sa magulang nina Gian. Nitong mga nakaraang araw alam ko madalas na nagpapadala din ng pagkain ang Mommy ni Gian samin at ganun din ang ginagawa ni Mama hindi ko lang sure kung bakit pero para silang nagcocook off.
Around ten na nang matapos kami at magsabing uuwi na sina Gian, nagkwentuhan pa sila nina Papa sa garden kaya napatagal din ang stay nila. Nasa labas ako ng gate ngayon para magpaalam kay Gian kahit d'yan lang ang bahay niya.
"I wanted to stay longer but I have to study for a quiz tomorrow," malungkot naman na sabi nito.
"Okay lang, kung hindi ka umuwi ay baka nilasing ka pa ni Papa..." Inaya kasi ni Papa ang magkapatid na uminom kasama niya at ni Kuya.
"Maybe I'll drink with him next time until dawn," he laughed a bit, "... Rest well tonight, okay? I'll message you tomorrow."
Napatingin naman ako sa gawi nina ate Kass malapit din sa gate. Tumatawa si kuya Lance habang naka poker face lang ang kapatid ko, inaasar niya ata si ate.
Napailing ako nang tawagin na siya ni Gian para umalis, baka kasi kapag hindi tinawag ay dito na 'yan tumira eh.
"Ingat mga lover boys!" Sigaw ni Kuya sa magkapatid, "... Bisitahin niyo ulit mga kapatid ko ha? Mga ungas!"
"Kuya bunganga mo nga." Saway naman ni ate Kass sakanya.
"Mamimiss mo bestfriend ko 'no? Bakit, Kass? Gusto mo na si Lance?"
Umismid si ate, "Asa kang magugustuhan ko 'yon."
"Naku, Ate, kapag 'yon boyfriend mo na sa susunod na buwan tatawanan talaga kita..." Pang-aasar ko sakanya. Sinamaan kami ng tingin ni ate Kass.
"Hindi nga sabi! Tigilan niyo ako ha!"
Things went back to normal and nagsisimula na maging hectic ang mga gawain. Madami akong dapat gawin at nag-iisip pa ako ng pupuntahan namin ni Gian para sa monthsarry celebration namin.
Madami akong nakitang restaurants pero feeling ko dapat iba naman, dapat unique and hindi pa namin natatry.. Napasabunot nalang ako habang iniisip ang mga bagay bagay, nagbabasa ako ngayon para sa quiz ko at si Gian ay may klase pa ngayon hindi rin kami ata magsasabay mag lunch dahil may kasabay ako ngayon. So far may mga naging kaibigan na ako.
Museum..
Restaurant..
Ano pa ba..
Napaungol nalang ako sa daming napasok sa isip ko dahil sa sabado na 'yon at gusto ko sana ako naman ang may surprise kay Gian, kakayanin kaya ng oras?
"Makalbo ka n'yan, Lex..." Natatawang sabi ni Mae, ka block ko, "... Nahihirapan ka sagutan? Kopyahin mo nalang 'tong sa'kin," alok niya sa gawa niya.
Agad kong tinanggihan ang offer niya kasi ayaw ko namang mangopya at malamang ay mahahalata kami ng professor namin. Hindi naman din 'yun ang problema ko..
"Ah hindi," sagot ko, "May iniisip lang ako at tsaka tapos na ako magsagot d'yan."
"Ganun ba? Eh anong problema mo? Gusto mo tulungan kita?"
"Wala na kasi akong maisip na pwede naming puntahan ni Gian..."
"Ah 'yung jowa mong medtech student? Wow sana all may jowa," aniya at lumipat ng upuan at tumabi sa'kin.
May boyfriend din ang isang 'to kaso nakipag-break siya.
"Oh ano sa tingin mo magandang puntahan, Mae?"
"Movie night?" Si Mae
"Done that before."
"Fine dining?"
"Halos maubos na namin ang restaurants sa cebu."
"Sight seeing?"
"Tapos na din."
"Uhmm... Hiking?"
"Too extreme!"
Mukha siyang nauubusan ng ideas kaya naman ay ilang minuto napaisip
"Marunong ka magluto? Bakit hindi kaya mag picnic kayo, para naman maiba 'di ba?" Kumindat pa siya sa'kin.
Oo nga ano.. Tutal lagi kaming nagrerestaurant ni Gian ay bakit hindi naman luto ko 'yung kainin namin? Hindi ako pro magluto pero pwede naman matuto sa google.
"Ang galing mo, Mae! Salamat sa idea ha!" Agad akong nagmadali at nag-ayos ng mga gamit ko.
"H-Hoy saan ka pupunta?"
"Maglalunch kasama si Gian."
My weekdays came like that, papasok sa klase at maglulunch kasama si Gian. Gian would drive me home kapag maaga ang dismissal nila at minsan ay nagpapasundo nalang ako sa driver kapag gagabihin masyado si Gian.
Last time kasi ay nagtalo pa kami, puyat na puyat siya dahil sa pagrereview tapos hindi agad umuwi at hinintay pa ako kahit ang lalim na ng eyebags niya. Starting that day sinabi kong kapag late siya ay mauna na siya at kung maaga ang dismissal ko't pagod na siya ay mauna na rin siya. It actually took a lot of reasonings against him to finally win.
Weekend came and I woke up early to prepare the things I'll be cooking. Hindi ako nagpahatid kagabi kay Gian dahil dumaan pa ako ng grocery at namili. Sabi niya ay magpapareserve daw siya sa isang resto but sinabi kong may surprise ako at ako na ang bahala.
"Aga naman n'yan?" Napatingin ako kay ate Kass na kakagising lang, may dala siyang tasa ng kape at nakaipit sa kili kili ang malaking iPad mukhang mag-aaral siya.
"May date kami mamaya," paliwanag ko, "...gusto mo ng sandwich, Ate? Gawan kita, mag-aaral ka diba?" Tanong ko sakanya.
"Sige pahingi ako ah!"
"Oo nga pala, Ate, kagabi nandito si kuya Lance ah bakit hindi mo nilabas?" Tanong ko sakanya nang maupo siya sa stool at nag-set up don.
Umiwas ng tingin si ate Kass at nagkunwaring may tinatype sa iPad niya.
"Inaantok na ako 'nun. Wala akong oras para labasin siya," sagot niya.
"Late ka na daw natulog ah?" Panghuhuli ko sakanya. Tinapos ko ang sandwich ni ate at inilagay sa platito para ibigay sakanya.
Nang maupo ako sa tabi niya ay nakatulala lang siya sa kape niya at parang malalim ang iniisip. Kahit naman hindi ko siya tanungin alam ko ang sagot niya kung gusto niya ba si Kuya Lance o hindi.
"Huwag mong pigilan, Ate. Ikaw lang ang mababaliw kakaisip niyan kesa tanggapin mong gusto mo talaga siya," pang-aasar ko
"Hindi ko gusto si Lance. Hindi ko siya dapat magustuhan."
Pero gusto mo na siya ate
"Bakit naman?" Kuryosong tanong ko.
"He's a playboy! Wala nang ibang dahilan!"
"I can clearly see that kuya Lance clings on you these past few months."
"Lexi, I want to be a doctor. Ayaw kong masira ang plano ko because of this stupid love, okay? My dreams comes first," aniya at nagsimula na kumain.
I just continued cooking at nang matapos ay nilagay ko lahat sa isang basket. Nagprepare ako ng sandwiches, finger foods and pati pasta. Lahat ng favorite ni Gian ay pinag-aralan kong lutuin kagabi, sana lang ay masarap ang luto ko.
Before lunch kami aalis ni Gian at dadaanan niya ako sa bahay pero malapit na maglunch at hindi padin siya nadating. Hindi rin siya nagmessage sa'kin kaninang umaga or tumawag. Tanghali na, matutuloy pa kaya kami?
"Sorry, Love! I overslept," hinihingal na pumasok si Gian sa living room. I smiled staring at his tired face, he must be really exhausted from studying all night.
"It's okay maaga pa naman. Aabot pa naman tayo sa lunch kung hindi traffic mamaya," kinuha ko na ang malaking basket pero bago pa mabuhat ay hinawakan ni Gian ang bewang ko at inagaw 'yon sa'kin.
"Let me," aniya.
Nang makasakay na kami ay nagseat belt na ako habang may inaayos si Gian sa likod. Binabantayan ko din ang oras dahil baka masyado kaming late makapaglunch, e.
"Happy Monthsarry, Love..." I felt his lips against my cheek and I saw him holding a bouquet of flowers while sitting beside me.
"Kelan mo binili 'to?" Tanong ko.
"Kanina bago kita sunduin kaya medyo nalate ako. I wanted to surprise you as well..." He stole a kiss from my cheek again, "... I love you."
I smiled and held his jaw, pulled him gently and planted a kiss on his lips that made his eyes open wide.
"Thank you. I love you too," I said sweetly.
"Love, isa pa..." He pointed his lips that made my cheeks burn, "... Or maybe two more? Para 'I love you'?"
"Heh! Magdrive ka na nga!"
About an hour before we arrived sa lugar na pinasundan ko kay Gian through waze. Sa isang malawak na flowerfield na may kalayuan sa lugar namin. I searched everywhere for this spot and finally nahanap ko din.
I think Gian already has an idea kung anong date ang gagawin namin ngayon. It's different but I will make it memorable. Nang makababa ay agad kong inagaw ang basket sakanya at inilatag ang dalang kumot para upuan namin. The scent of the flowers were fragrant and mabuti nalang at makulimlim sa lugar na ito ngayon.
"So this is the place you want to take me huh," Gian sat beside me and stole a kiss from my cheek.
"Nagustuhan mo?" I asked him while preparing the things I brought with me.
"Yes, I love your idea. It's very relaxing, balak ko sanang magbook sa resto but you already have a place in mind."
"Malapit na nating maubos ang restaurants sa buong cebu, Gian! I thought maybe we should try something new..." I said as I pour him a glass of orange juice, "... Effective naman 'di ba?"
He tucked some strands of my hair behind my ear and hugged my waist also resting his chin on my shoulder. Sinilip ko si Gian at kita kong nakapikit na siya ngayon, malalim ang eyebags pero gwapo padin naman.
"You can sleep for a while kung gusto mo," Sabi ko sakanya.
Gian smiled at mas lalong isiniksik ang baba niya sa balikat ko. I can feel his warm breath against my skin that sends shivers down to my spines.
"Date natin ngayon hindi nap time, Love." He frowned a bit, "... I'm hungry, anong dala mo?"
I showed him the foods I prepared and proudly looked at him. First time kong magluto kaya dapat lang proud ako sa sarili ko 'no. Kumuha si Gian ng tinidor para tikman ang niluto kong pasta at nang maisubo ay halos tumalon na ang puso ko sa kaba
"It's good," napangiti naman ako. Inilapit niya ang tinidor na ginamit at sinubuan ako ng gawa kong pasta.
"Mmm, oo nga!"
"Ikaw gumawa lahat?"
"Of course! Sino pa ba?" I laughed a bit and sipped some juice on my glass.
We ate and talked about what happened sa mga dumaang araw. A simple kamustahan meant a lot to me because I badly want to know how Gian is doing everyday. He is in a tough situation sa pag-aaral and I know he avoids telling me some difficulties he's having.
"Gian, can I ask you something?" Nakahiga siya ngayon at ang ulo ay nasa mga binti ko habang sinusuklay ko ang buhok niya.
"What is it?"
"This is a hypothetical question..." I said, "...Paano kung naghiwalay tayo sa future? Do you think it can still be resolved? What if you find someone better than me?" I asked him. He stared into my eyes at may bahid ng iritasyon doon.
"It will be resolved," siguradong siguradong sagot niya, "... If I find someone better than you? Love, do you know that you're the best among everyone?" Bumilis ang tibok ng lintik kong puso sa sinabi niya.
A man as great as Gian is liked by many women at alam kong madaming mas better sa'kin and I can notice and hear gossips about those girls who likes my man. I can't help it, sometimes I'm feeling insecure pero normal lang naman 'yon hindi ba?
Kinuha niya ang kamay ko at inilapat iyon sa dibdib niya. I closed my eyes and felt his rapid heartbeat for me.. only for me..
"Feel that?" Tukoy niya sa tibok ng puso niya, "... It beats for you like this, only for you."
Sa'kin lang..
"We'll never break up, okay?"
"Nagtatanong lang naman po," sabi ko. He pinched my nose and smirked.
"Don't ask things like that again." I nodded and smiled.
I know my flaws at hindi ko mapipigilan magka insecurities no matter how he tells me that he loves me. I'll just have to fight and make those flaws into strengths para hindi ko nararamdaman ang ganito.
Our date went well at mga hapon na kami nakauwi nung araw na'yon. Our relationship is strong as steel kahit na ilang babae pa ang marinig ko sa chismis sa loob ng university.
I know how those girls cling kay Gian but he assured me everytime. Nakakapagod makinig ng mga kwento so I decided not to stick my nose sa mga kwentong walang ebidensiya.
Months came and nalalapit na ang pagtatapos namin sa first year. The year was really draining and tiring na halos matuyot na ang utak ko, senior high school multiplied by three ata ang college level. We survived and mahaba pa ang lalakbayin kaya tiyaga talaga.
"Coffee shop mamaya?" Tanong ni Mike sa'kin. Naging magkaibigan na din kami and he cleared kay Gian na wala siyang gusto sa'kin, he said gusto niya lang talaga ako maging kaibigan but he sensed jealousy from Gian so he explained nang lapitan niya kami one time sa cafeteria.
"May lakad kasi ako mamaya," sagot ko. Sinilip ko ang phone ko kung nagtext ba si Gian dahil balak namin kumain sa labas mamaya.
"Mike, may kabebe time 'yan huwag kang istorbo," singit ni Mae.
"Oo nga pala! Sorry naman," tumawa si Mike.
I smiled when Gian sent me a message but suddenly disappeared when I read his text.
From Love:
Love, I can't go later nagka emergency lang sa isang subject. I'm sorry babawi ako, mahal kita..
To Love:
Okay! Mas importante 'yan next time nalang tayo mag-date :)
Ibinulsa ko ang phone ko at hinarap uli sina Mike.
"Tara coffee shop mamaya!"
"Hindi kayo tuloy?" Tanong ni Mae, umiling lang ako at malungkot na ngumiti.
"May emergency daw. Okay lang naman atleast makakaalis tayo 'di ba?"
"Nice, arcade din tayo mamaya! Nakakamiss mag mall puro tayo aral baka tumalino tayo ng sobra," humalakhak pa si Mike.
Nang matapos ang klase ay si Mike ang nag drive papunta sa mall na alam niya. Hindi ako sure kung anong gagawin talaga namin dito pero ang sabi niya ay bahala na daw kung ano ang makita naming gawain.
Nagtingin tingin kami sa mga shops at si Mae naman ay napabili rin ng mga damit habang hinihintay namin siya ni Mike. Nang matapos maglibot ay nakaramdam ata ng gutom ang mga 'to kaya naman naghanap na ng kakainan.
We were about to enter a restaurant sa labas ng mall nang mapatigil ako sa nakita ko.
Gian and a girl wearing the same uniform, kita ko sila sa mirror ng coffee shop. Katapat ni Gian ang babae at seryoso silang nag-uusap.
Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng mga kwentong naririnig ko ay ito ang makakapanakit sa'kin. The woman held Gian's hand above the table that made my heart throb in pain.
I shouldn't jump into conclusions pero bakit ang daming napasok sa isipan ko..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top