Chapter 34
"Congrats, love!" Sinalubong ako ni Gian sa baba ng stage at niyakap. I won a gold and silver medal for this year's conference and I'm proud of myself for reaching this far.
I smiled while holding my phone to take a selfie of us. Malawak ang ngiti ko sa Gian na nakapatong ang baba sa aking balikat ngayon. Gian stayed sa condo for a couple of days. Ilang gabi siyang natulog sa sofa sa labas at wala namang iniangal. Alam pala ni Sir Cabral na pupunta siya at planado talaga ang surpresa niya.
We spent time together watching movies and going around different places near the tower condo. Bumalik pa kami sa Intramuros at nagpicture ng sobrang dami.
"You did great! I told you mananalo ka.." aniya. I kissed his cheek and smiled widely.
"Thank you! You're the best," I exclaimed.
A few moments after that I checked my phone at may notification na nagpop sa screen ko.
GianLaxson mentioned you in a story
It was a picture of me sa stage habang sinasabitan ng medal, nakazoom in para makita ang mukha ko...
'Congrats, love. Well deserved.' Nakalagay sa caption. I smiled and shared it to my IG story as well at bumaha ng messages sa story na iyon galing sa mga kaibigan kong mga chismosa.
That was our last day in Manila at kinabukasan ay umuwi na din kami. Before the awarding ceremony even started ay naka-impake na kami pabalik ng Cebu para aalis nalang kami kinabukasan.
The remaining months was just me and Gian being busy about our studies. Pa third year na siya as Med Tech student at ako naman ay pa-college na. Ilang beses na akong tinanong kung gusto ko bang mag-aral sa manila but I declined and entered an entrance exam sa university ni Gian.
There were times na sa coffee shop na kami nagdedate ni Gian dahil kinailangan ko mag-review para sa entrance exam at siya naman ay sa mga subjects niya. We had to compromise to have a decent date and I think studying together is a great date.
"Do you think you'll pass?" Tanong ni Gian sa'kin. Nandito kami sa café ni ate Gem at ngayong araw lalabas ang results ng mga nakapasa sa exams. Kinakabahan ako dahil isang university lang ang sinubukan kong exam-an.
"I don't think I did well nung exams," napahilamos ako sa mukha ko at frustrated na sinuklay ang buhok ko.
Hawak ni Gian ang iPad niya kung saan lalabas ang mga results mamaya, I suggested na siya nalang ang sumilip dahil baka masaktan lang ako sa dulo sa resulta.
I covered my eyes with my hands and felt the loud beating of my heart. I never thought it would scare the hell out of me like this.
"It's already time for them to release the results. You ready?" Tanong nito.
I shook my head slowly and nodded it bilang pagbawi. Well, I had to be ready. Sana lang ay kahit pasang awa ay nareach ko, medyo mataas ang standards ng university na 'yon at sobrang nakakapraning dahil halos lahat ng isinagot ko sa exam ay hindi ko sigurado.
"Don't be scared, I know you'll push through." He tried to lift my spirit up. Ipagpasa-Diyos ko nalang ang resulta.
"You think so? Teka! Kinakabahan ako," I stopped him from fiddling on his iPad. He wanted to burst out laughing because of my reaction but he couldn't.
"I'll check the website, love. I know you'll pass," he tried to motivate me. Mas lalo lang akong kinabahan nang kalikutin na niya ang iPad niya. He was using his iPencil because he just finished highlighting his notes sa ipad.
Ramdam ko ang tibok ng puso ko na sobrang lakas. Kung hindi man ako papasa ay mapipilitan akong mag-enroll sa ibang university at malayo kay Gian. Sa university nina Gian kasi ay maganda ang Journalism track at may ilang professors na ipinakilala sa'kin si Sir Cabral na makakatulong daw sa tulad ko.
The thought of studying in Manila is gone. I just want to stay here where I feel like I'm in my home.
Walang ekspresyon si Gian nang tumigil sa pag-tap ng iPad niya. He stared at the screen na nakapagpakaba sakin lalo dahilan para takpan ang tenga ko at ipikit ang mga mata ko. I guess I wasn't that ready to know the results, mas nakakatakot kaysa sa Journalism Conferences.
"P-Pasado ba ako?" I hesitantly asked, "H-Hindi 'no? Gian ano nakalagay?!" I panicked a bit. Hindi pa din siya umiimik at nakatitig lang sa screen.
Sabi ko na eh...
Baka hindi ko talaga kaya ang ganon level na University..
Baka bo—
"You passed, love! You passed the entrance exam!" Nanigas ako sa kinauupuan ko at napaawang ang bibig. Si Gian ay may malaking ngiti sa labi niya at halos sumigaw na ako sa tuwa dahil sa sinabi niya.
"Weh? Seryoso?!" Tanong ko pa at napatayo sa kinauupuan ko. Gian sat down beside me and showed me his iPad.
Nanlaki ang mata ko nang dumako sa letter D ang paningin ko. Nawala ang lahat ng kaba at napalitan ng saya.
Dominguez, Alexine Francesca V.
"Told you."
I sat down and hugged Gian tightly expressing how happy I was. Matutuwa sina Mama nito kapag sinabi kong nakapasa ako sa University. They finished Med School there at doon nag-aaral ang mga kapatid ko kaya alam kong matutuwa sila kung sa Alma Matter nila ako tutuloy for college.
I can't believe it that I passed!
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko nang makarating sa bahay. Si Gian ay nasakanila na at mag-aaral pa para sa quiz niya ako naman ay uuwi na dahil sabay sabay daw kakain mamaya ng hapunan.
I held my chest in excitement. Madilim na at kakaalis lang namin ni Gian sa café, sana lang ay hindi nakita nina ate ang resulta dahil nga gusto ko ay surprise ito. When I opened the large doors of our house I immediately heard nothing but silence. Nagtungo ako sa living area at nakita sina Mama, Papa, Ate Kass at Kuya na nagkukumpulan sa isang sulok at may tinitignan. Papalapit na sana ako nang biglang sumigaw si Ate
"She passed! Lexi passed oh my gosh should we surprise her?" Tanong nito.
Wala na hindi na surprise.
"Pauwi na ba? Tawagan mo nga, Pa!" Si Kuya.
"Kass, take a screenshot of it! Can we still order something online? Baka pauwi na 'yon..." tarantang sabi ni Mama. Little did they know that I'm already here watching them.
Naiiling akong tumayo sa likod ng kapatid na parang wala lang. Hindi rin naman nila ako napansin at nakita kong nasa resulta sa website ang iPad ni ate Kass. Pinipigilan kong tumawa.
"Ang galing naman, pasado..." I muttered at napatango tango pa silang lahat at hindi pa din narerealize na ako ang nagsalita.
"Tawagan mo na, Hon. Pauwiin mo na." Agad na nilabas ni Papa ang cellphone niya at tinawagan naman ako.
Tumunog ang cellphone ko at nanigas silang lahat nang marinig 'yon, sabay sabay pa silang napalingon sa akin at nagsipaglakihan ang mga mata nila sa gulat. Nasurprise pa din sila pero sa ibang dahilan nga lang.
Hindi naman ganito ang balak ko pero wala na akong magagawa dahil nangyari na eh.
"Surprise." Natatawang sambit ko.
"Lexi!" Si ate Kass, "... Nakauwi ka na pala, hindi ka man lang nagchat."
"Isusurprise ko sana kasi kayo na nakapasa ako sa University tapos alam niyo pala," I awkwardly smiled.
Ngumiti si Mama ng matamis habang nakatingin sa'kin. I can see how proud she is at masaya ako na kahit sa simpleng bagay ay nakakabawi ako sakanila ni Papa, I'm making them proud... it feels great.
Papa walked towards me at umakbay sa'kin bago ako patakan ng halik sa labi. He smiled and ruffled my hair that made me chuckle.
"We're proud of you, Bunsoy. Nasurprise naman kami, dalawang beses pa." Natawa kaming lahat sa sinabi niya.
"We can still celebrate! Padelive nalang tayo," Mama suggested.
Months passed and I'm finally a college student. I finished Senior High with honors at tuwang tuwa ang magulang ko. They prepared a party for me after the ceremony at inimbita pa ang pamilya nina Gian. I was also awarded sa mismong araw dahil sa participation ko sa National Journalism Conference, I'm glad I made such a history sa school for winning a prestigious award.
I spent my summer having dates with Gian, since may pasok sila ay minsan natambay lang ako sa mansyon nila at nanonood kami ng movie, his mom would often as for me to visit her and nagbebake naman kami. Sometimes I go to ate Gem's café to sing dahil requested raw ng ilang customer nito so I had to go.
My life was turning great, masaya ako sa bawat oras na nalipas at hindi ko maisip na dadating ang araw na magiging ganito. Everything was just too fulfilling.
"Oh, pababa na daw si Gian..." ani ni Tita, "... Ang batang 'yon talaga ikaw pa ang pinaghihintay," reklamo nito.
Nandito ako sa living room nila at inaabangan ang pagbaba ni Gian. Sabado ngayon at date namin, laging naka set ang sabado namin as date at kahit abala mag-aral si Gian ay nasipot padin siya, sabi ko nga ay huwag na kami tumuloy dahil may quiz siya sa lunes pero mapilit na tutuloy pa din daw kami.
Kung hindi mo mapigil sa pagrereview ay hindi mo din mapipilit na huwag tumuloy sa date.
"Ayos lang po, Tita, ako naman po ang dumiretso dito kahit sabi niyang susunduin niya ako," paliwanag ko. Tita combed her hair at napatingin sa may bandang hagdan kung saan nababa na ang bunsong anak.
Basa pa ang buhok ni Gian at nakabihis na ito. Kita ko ang malalaking eyebags niya at siguradong dahil sa pag-aaral niya 'yon buong linggo.
Dapat talaga pinatulog ko nalang ang isang 'to o nagkunwari nalang akong may sakit para naman makapagpahinga siya.
"Sorry I made you wait," Gian kissed the top of my head.
"Ayos lang, sigurado ka bang ayaw mong... magpahinga nalang? You look tired," nag-aalalang tanong ko.
"No, Date natin ngayon and tutuloy tayo. Don't worry about me, I feel rested."
Nagpaalam na kami sa Mommy niya na halos pingutin pa ang tenga dahil pinaghintay daw ako. Gian's Mom is the sweetest, marahil ay walang babaeng anak kaya ako ang nilalambing. Mama and Gian's Mom are bestfriends since college pati ang pagtira ng magkatabi ay planado nilang apat.
Mabuti nga 'yon dahil nakilala ko si Gian.
Nakasuot ako ng maong shorts at Gingham square neck top partnered with a pair of white sneakers. Nakalugay lang ang buhok ko ngayon at nakaliptint and blush on ng kaunti para naman ay gumanda ako kahit papaano.
"I'll just book a grab," Ilalabas na sana ni Gian ang cellphone niya kaso pinigilan ko siya.
"Mag jeep nalang tayo? I missed riding it since palagi na tayong grab," I said.
"Pag pauwi nalang, it's hot at papawisan ka lang. Let's just ride a cab for now." Tama naman siya, tirik nga ang araw ngayon at hassle magbyahe.
He booked a grab dahil wala pa siyang sariling kotse ay nanghihiram pa siya sa Daddy niya minsan kapag sobrang malayo ang pupuntahan namin. Mag-iikot lang naman kami at manonood ng sine gaya ng madalas naming ginagawa.
I smiled when I looked at our fingers intertwined against each other, I can feel Gian's warm hand against mine and kung hindi lang papawisan ang palad ko ay hindi na ako bibitaw talaga. I can feel the stares from girls inside the mall, paanong hindi titingin e ang guwapo ng boyfriend ko.
Sorry, girls, akin 'to.
Kumain muna kami ni Gian dahil lunch na nang makarating kami at pagkatapos ay manonood na rin siguro kami ng sine. Hindi ko naman balak magtagal ng sobra ngayong araw dahil kahit hindi sabihin ni Gian ay alam kong madami pa siyang gagawin.
"You want to go somewhere else instead watching a movie?" Tanong nito matapos sumimsim sa baso ng coke niya.
"Wala naman, okay na ako mag-sine gusto kong panoorin 'yung bagong movie ngayon..." I smiled.
"You sure? Halos isang buwan na tayong nagsisine, just thought you might want other things to do aside from watching."
"Hindi na, manood nalang tayo. Ikaw ba? May iba kang gustong gawin?"
"Manood nalang tayo," sagot niya.
Nang matapos kaming kumain ay bumili na kami mg ticket para manood. Ako ang namili ng papanoorin at wala namang inangal si Gian. Madalas talagang ako ang pinagdedecide niya kahit sa kakainan o gagawin, bibihira lang siya mag alok ng sariling ideya niya hindi ko ba alam sa isang 'to.
As expected ay madaming tao ang manonood, bago lang kasi ang movie na ito kaya matunog pa sa mga tao. Nasa bandang taas naman kami sa gitna at nakasandal amg gilid ng ulo ko sa braso ni Gian na naka focus lang sa pinanonood namin.
I smiled when I slowly intertwined our fingers and felt his warm skin against mine. The feeling never fails to amaze me everytime we hold hands. Ayaw ko na bumitaw, hindi na ako bibitaw.
"Are you cold?" He whispered. Hindi ako nakapagdala ng jacket ngayon at medyo nagsisi ako na hindi ako nagdala dahil malamig sa sinehan.
"Medyo," sagot ko naman.
Gian jailed my hand in between his palms trying to make me warm by letting our skins touch. Nag-init ang pisngi ko kaysa sa kamay ko, napaka harot mo naman, Lexi.
Ngumisi ako sa ginawa niya at swabeng pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa na ikinatigil naman ni Gian. Kahit madamilim sa paligid ay nakita ko ang multo ng ngisi sa mga labi niya. Gian chuckled a bit and kissed the back of my palm in the middle of the movie we're watching, pagtapos ay isinandal nito ang gilid ng ulo niya sa ulo ko saka ito pinatakan ng mabilis na halik.
"I love you," I murmured.
"Love you more."
Nag-ikot ikot lang kami sa ilang stores sa mall at nag quick snack before we decided to go home. Ayaw pa talaga ni Gian na umuwi pero sabi ko lang ay may mga gagawin pa ako, I know he has a lot to study kaya hindi ko uubusin ang oras niya. Ayaw kong nagca-cram siya dahil may dates kami and such so that's why I'm reasoning out of this.
Magkahawak kamay kaming nagaabang ngayon ng jeepney dahil nga request ko ito kanina. It reminds me of that young days na nag aabang lang ako kay Gian.
Good thing though that he's not concluding nor complaining why gusto kong umuwi agad. Normally ay gabi na kami nakakauwi kapag may date pero the last dates were quite different.
Nang makasakay na kami sa jeep ay maluwag naman nung una pero padagdag nang padagdag ang mga pasahero kaya naman ay medyo nagigitgit na ako. Hawak pa din ni Gian ang kamay ko habang nakatingin sa harapan at pinapanood kung nasaan na ba kami.
Kinilabutan ako nang bigla akong may maramdaman na mainit na kamay sa gilid ng hita ko... sinugod ng kaba ang dibdib ko at naramdamang ang katabi kong lalaki ang humahaplos sa gilid ng hita ko.
"G-Gian..." dumiin ang hawak ko sa kamay ni Gian at agad siyang napatingin sa'kin. Konti nalang nga yata ay mahihimatay na ako dito.
"Bakit? May problema ba?" Tanong niya. I bit my lip and Gian's eyes blazed with anger when he took sa quick look on the other side of the seat.
"Manong, para." Aniya sa matigas na tono, "Ako muna ang bababa." Paalala niya.
Akala ko ay didiretso siya bumaba pero nagulat ako nang kunin niya sa kwelyo ang lalaking nanghipo sa'kin at kinaladkad pababa sa jeepney. Nagbulungan ang mga taong naroon at dali dali akong bumaba.
Bago pa ako makababa ay nakahalandusay na sa lapag ang lalaki. Dumudugo ang labi at kilay nito at nakatingin ng masama kay Gian. Natigil ako sa kinatatayuan ko nang dumapo ang tingin nito sa'kin pababa sa mga hita ko.
"Gago 'to." Ani ni Gian at itinago ako sa likuran niya saka sinipa muli ang lalaki.
"Tang ina!" Mura pa ng lalaki sakanya. Akmang tatayo pa sana pero hindi na nito kinaya at napaupo uli sa sahig.
"Gian, tama na..." I pulled his arm gently at ramdam na ramdam ko ang panggigil niya at parang ayaw pang tigilan ang lalaki sa kasasapak niya.
The world is so harsh no matter what you wear or how long your outfit is people will still do such evil deeds. Hindi pa ako nabastos mula pa dati kapag nagcocomute ako.. ngayon lang.
Gian was furious and didn't let it slip. He called a police officer and dragged that man away papunta sa presinto. Labas na ang ugat sa leeg niya sa galit at napansin kong nasapak din yata siya dahil may sugat ito sa gilid ng labi. I couldn't talk to Gian dahil abala siya sa pagbook ng sasakyan pauwi.. he's really angry.
"G-Gian.." I called him. Napatingin siya sa'kin at nanlambot ang mga mata nito saka hinatak ako ng marahan mula sa bewang ko.
"What is it?" He asked in a soft tone.
"Sorry nagkagulo pa... Dapat hindi nalang ako nag-ayang mag jeepney, it's my fau—"
"No it's not. He's a maniac asshole and hindi mo kasalanan kung bakit ka ginanon. Don't blame yourself, love." Nagtubig ang mga mata ko sa sinabi niya.
Tama I'm not the one to blame but a part of me still wants to blame myself dahil desisyon ko naman iyon, kung hindi ba ako nag-aya na magjeepney ay aabot kami sa ganito?
But he's right.. hindi ko kasalanan. It's not your fault, Lexi..
"I know what you're thinking, stop that. Hindi mo kasalanan kung ano ang nangyari... We should go home and rest because a lot has happened today." Aniya.
Tumango nalang ako at tahimik na naghintay sa paparating na sasakyan. Gian's arms was clinging over my shoulders like he was protecting me from any harm.
Tahimik ang naging byahe namin at walang umiimik sa'ming dalawa sa loob ng sasakyan. I don't even know what to say anymore.. when we finally got out ay napansin ko ang pasa sa panga ni Gian at ang gilid ng labi niyang dumudugo na ngayon.
Gian is a calm person at kahit kailan ay hindi ko nabalitaang nakipag-away sa kahit na sino, it's a shocking sight of a wounded Laxson infront of me dahil sa nakipagsapakan ito kanina na hindi naman niya talaga ugaling gawin.
"Let's treat your wound first, Gian.." I said.
"I can do it myself, I'll go home kapag nakapasok ka na." Aniya. I don't want to go home pa, I still want to be with Gian.. I feel safer and calm.
"Gamutin ko muna 'yan bago ako umuwi.."
"No, go home now and rest—" he cut me off.
"Gagamutin ko nga muna huwag na makulit, Love." Natigil naman ang pagtatalo namin at bumagsak ang mga balikat sign na suko na siya sa pagtatalo namin.
Hindi na nakapalag si Gian at tumungo na kami sa bahay nila. Their house was filled with silence at walang katao tao. The brown and white modern interiors of their home welcomed my sight. Sinalubong kami ng isang maid at kinausap naman ito ni Gian at nagpakuha siya ng yelo pati ang first aid kit.
"Ako nalang po ang kukuha.." alok ko pa.
"Ay nako ako na, hija. Asikasuhin mo ang batang 'yan at babalik din naman ako agad.." anito at saka nagtungo na sa kusina.
Nasa living room na kami ngayon at tahimik lang kaming dalawa ni Gian. Ramdam ko pa din ang galit at gigil niyang hindi pa nahupa. Prente akong nakaupo sa sofa nila habang tahimik na nilalaro ang mga daliring nasa ibabaw ng hita si Gian naman ay nakasandal habang nakatingin lang sa malaking flatscreen tv sa harapan namin na nakapatay.
Namula ang pisngi ko nang magtama ang mga mata namin sa repleksiyon ng nakapatay na tv, agad akong umiwas ng tingin at narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito.
Hindi ko alam ang sasabihin ko..
"Oh ito na ang yelo pati first aid! D'yan muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng maryenda," ani ni manang saka inilapag sa ibabaw ng coffee table na nasa harapan ko ang mga dala nito.
Agad kong nilagyan ng yelo ang icebag saka inihanda ang bulak, alcohol at betadine para sa sugat ni Gian. I awkwardly went towards Gian while holding the cotton with alcohol. He's just lazily sitting there staring at me like he was memorizing my features.
"Ayos ka ng upo.." sabi ko na agad namang sinunod nito. Naupo ako sa gilid niya at dahan dahang dinampian ang sugat sa gilid ng labi nito.
Gian and I are this close to each other..
Inayos ko ang angulo ng mukha niya sa paghawak sa panga para maayos ko ang pagdampi ng bulak sa sugat nito. Ramdam ko ang paninitig niya kahit hindi naman kami direktang magkaharap ay ramdam ko ang titig niya na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko..
"A-ah.." daing niya nang mapadiin ang dampi ko ng bulak sa sugat niya.
"Hala sorry!" Nag-aalang sabi ko naman.
"It's okay.. dahan dahan lang, love.."
"Sorry.." I said and continued gently damping the cotton on his wound.
Matapos kong linisin iyon ay kinuha ko naman ang icebag na nasa table. Inayos ko muna ang nagulong first aid kit bag, paupo na sana ulit ako sa tabi ni Gian nang bigla niya akong hatakin mula sa bewang ko dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya.
Muntikan ko nang mabitawan ang icebag na hawak at halos mangamatis na ang buong mukha dahil sa ginawa niya.. Nakaupo ako sa kandungan ni Gian na nakayakap naman sa bewang ko ngayon.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. Humigpit ang yakap niya sa'kin tila ba takot akong bitawan o pakawalan sa mga bisig niya.
"I was so scared and angry.. I want to protect you so bad.." my heart swelled with his words.
Inilapag ko ang icebag sa lamesa at sinubukang umalis sa pagkakandong kay Gian pero hindi niya hinayaan, mas humigpit pa ang yakap niya doon..
"Pero naprotektahan mo naman ako, Gian.." I said in a soft voice.
"I didn't... I was so scared, paano kung hindi lang hipo ang nagawa sayo ng gagong 'yon?" Pigil ang gigil niyang sabi. I smiled a bit and rested my back against his body a bit.
"I'm scared too but alam kong nand'yan ka kaya I feel safer, alam ko na ililigtas at ipagtatanggol mo ako kaya hindi na ako natatakot.." I caressed his hand wrapped on my stomach and smiled.
My caring Gian..
"Ayaw ko nang mangyari pa 'yon ulit. I won't let it happen again, I promise.." bulong niya.
And he always keeps his promises. He never broke a single promise he made, tinutupad niya lahat at alam kong tutuparin niya din ito.
"I know you'll keep your promises, you never break your promises kaya..." I mumbled.
"Well, I'm trying my best to not break it," he whispered.
"... and you're doing a great job, love." I planted a soft kiss on his cheek na nakapagpatigil sa'kin.
Lalong namula ang mga pisngi ko at napakagat labi dahil sa ginawa ko. It was a sudden act that I shouldn't have done!
Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakandong kay Gian pero nakangisi niya lang akong pinigilan. Alam kong hindi ako makakatayo pero wala akong choice kundi ang pilitin na tumayo ako..
Napaka harot naman kasi, Lexi!
"Shy?" My heart almost went out from my ribcage when Gian pulled my jaw to give me a kiss on my lips.
Nanlalaki ang mga mata ko at kita ko ang pikit na mata niya tila ba parang nilalasap pa ang labi ko. I gripped tightly on his shirt while still sitting on his lap like a statued girl.. hindi ako marunong humalik at..
... he's my first kiss.
"I'll never break my promises, love.." he whispered and gave me a peck on the lips.
Santisima para akong hihimatayin..
________________________________________
A/N: this is unedited (well lahat naman ata) but I'll start posting updates again since medyo maluwag na ang time ko, I'll take a writing break after I finish this book and will continue the series na I posted sa account na 'to. Sorry for being inactive, got busy sa school but no worries, my sched is much better now.
Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top