Chapter 33


Love:

Really? Who's this friend of yours?


Nagtitipa na ako ng reply sakanya nang bigla akong tawagin ni Sir Cabral na kakapasok lang ng lobby. Kinausap pa niya kasi ang driver at si Sandara ay mukhang nauna na yata sa taas. May sarili namang mundo 'yon lagi.

"Sino 'yung kausap mo kanina?" Kuryosong tanong ni Sir Cabral. Ibinulsa ko naman ang telepono ko at hindi pa din nakapagreply kay Gian.

"Ah kaibigan ko, Sir. Taga Cebu din..." sagot ko.

"Ay oh? Artistahin, huh, balot na balot mula ulo hanggang paa, e." Usisa ni Sir.

Sumakay na kami sa elevator at tumungo na sa Unit. Nadatnan ko si Enrique sa may sala na nanonood ng Anime sa malaking flatscreen TV, mukhang hindi kinakabahan kahit bukas na ang laban nito. Chill pa siyang nakain ng chichirya niya at tamad na nakasandal sa malaking sofa.

Kumuha ako ng bottled water sa ref at tumabi kay Enrique. Nanonood din ako dati ng anime kaya medyo alam ko itong pinapanood niya. Sanay na din ang mga mata ko na mabilis na magbasa ng subtitles.


"Season ano 'yan, Enrique?" Tanong ko sakanya.


"Season 12, final arc. Nanonood ka din nito?" Tanong niya. Kumuha naman ako sa plastic ng chichirya niya bago sumagot.


"Hanggang first arc lang natapos ko," sabi ko sabay tawa, "... tinamad na ako, e." Sagot ko.


"Ako din, e. Ngayon lang nakapanood ulit kaya sulitin na."


Hinayaan ko na siyang manood sa labas ng mag-isa. Tinanong lang kami ni Sir Cabral kung ayos bang fastfood nalang ang kainin ngayong gabi at sumang-ayon naman ang lahat. Nasa kwarto na ako ngayon at nakabihis na din.


Naalala kong hindi ko pala nareply-an si Gian... agad kong kinuha ang phone ko sa bedside table at tinuloy ang draft na reply ko sakanya. Inabot ng isang oras bago ako makapag-reply.


Ako:

Just an old pares buddy. I took a bath, sorry. What are you doing? I miss you na :(


Using the towel, I wiped my wet hair while sitting on my bed waiting for Gian's reply. Tuloy lang ang pagtuyo ko sa buhok gamit ang tuwalya habang nakaabang sa cellphone na nasa kama. When my phone lit up I immediately grabbed it and read Gian's reply.

Love:

Just got home. I miss you too, love.

I pouted and felt my crazily beating heart with my hand against my chest. How can he make my heart beat so fast even though we're miles and miles away from each other? Siguro napaka mahiwaga lang talaga ng pagmamahal at kahit nasa ibang planeta ay kaya niya itong patibukin.


I thought Gian would reply fast but he didn't. Lumipas ang ilang minuto at hindi pa din siya nakakapag-reply. I sighed and hugged the pillow while lying down the bed waiting for his reply. Ayaw kong gumawa ng ibang bagay, I just want to hear Gian's voice.


Nagpagulong gulong na ako sa kama at nagbilang na ng mga imaginary tupa sa kisame pero wala pa ding reply si Gian. Minu-minuto ko din na sinisilip ang telepono. Baka abala lang siya sa pag-aaral. Well, he's not Gian if he's not busy studying hindi ba?


I yawned and arranged my bed to have a short nap while waiting for the food to arrive. Kakasapit lang ng dilim at inaantok na talaga ako pero kailangan kong kumain dahil nagugutom na din ako. I closed my eyes and hugged the thick and fluffy pillow to rest.


The night was just a normal night, kumain at natulog lang kami after, nothing special actually. I waited for Gian's reply until midnight but he didn't sent even a goodnight message. Ayos lang naman sa'kin, he's busy studying and he has other stuff to do other than talking to me. Hindi ako yung tipo ng tao na I want his time only for me, I know where I stand and being possessive is not really my style.


Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit na puyat ako. Una kong tinignan ang cellphone kung nag-reply ba si Gian pero wala talaga siyang mensahe sa'kin. Maybe he slept late because of studying? There are many possibilities and I'm not that toxic to think that he's cheating, kabago bago lang ay dapat nagiintindihan lang kami.

Unknown:

San ka? Tara breakfast! Jay 'to 😜


I smiled when Jay texted me. Naalala kong inalok niya nga pala ako na magbreakfast. Makakagala na din kaya ako around manila? Aalis sina Sir at hindi naman ako kasama kaya naman ay kaysa maiwan ako dito ay sasama nalang ako kay Jay, maybe I could ask him to bring me to Intramuros?

Ako:

Condo. Ligo lang ako, wait ka nalang sa lobby haha.


Agad akong naghagilap ng pang-alis ko at nagtungo sa cr para maligo na. Magpapaalam muna ako kay Sir Cabral at sigurado naman akong papayagan niya ako. Ilang minuto lang siguro ang itinagal ko sa banyo at agad agad akong nagbihis.


I'm wearing a baggy denim pants paired with a maroon racerback top at ang puti kong sneakers. I planned my outfits talaga before leaving Cebu dahil nakakita ako ng isang post ng outfits kapag lalabas.. so here I am wearing it to Intramuros!


"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Sir Cabral. Nakabihis na din sila ni Enrique at palabas na din sila ng unit. Si Sandara yata ay tulog pa.


"Sir, kakain lang sa labas. Remember the friend I told you yesterday? Siya po kasama ko..." I said. He hesitantly looked at me at parang hindi pa ako papayagan when I showed him my phone, a text from Jay.


Jay:

I brought a car. Ihahatid kita after.


Sir Cabral sighed and fished out his phone saka inilahad sa'kin. Si Enrique naman ay nakikinig at nanonood lang saming dalawa ni Sir Cabral.


"Lagay mo number niya dito," aniya sa nakalahad na cellphone, "... Itetext ko o itext niya ako kung nasaan kayo."


I immediately typed Jay's number sa phone ni Sir Cabral. Hindi na kinailangan ng mahabang paliwanagan dahil kilala naman pala ni Sir ang tinutukoy kong Jay, he was once featured sa isang school news paper na nabasa ni Sir Cabral. He got interviewed din by several journalist ni Sir before.


Jay is famous from Cebu hanggang dito.


Sabay naman kaming bumaba nina Sir at nang makarating ng lobby ay nakita ko si Jay na nakaupo sa mahabang sofa doon. Naka short sleeved linen top na kulay asul at pantalon na itim si Jay. He's lazily tapping his foot on the floor while unconciously staring at the big clock infront of him.


Jay shifted his gaze at our direction at napatayo agad siya saka lumapit sa'min nina Sir. Si Enrique ay mapang-asar na nakangiti sa'kin at si Sir Cabral ay mala striktong tumingin kay Jay.


"Goodmorning po," Jay greeted them.


"Anong good sa morning?" Masungit na tanong ni Sir Cabral. Napansin kong parang natakot si Jay sa sinabi nito.


"Ikaw, Sir, good ka sa morning." Ani ni Jay saka ngumiti kay Sir. Akala ko ay sisinghalan siya ni Sir Cabral pero nagulat ako nang tumawa ito ng malakas at pinalo ang braso ni Jay.


"Bolero pala ang batang 'to?! Saan ba kayo pupunta?" Tanong ni sir kay Jay.


"Ah mag-aalmusal lang, Sir. Baka mag-ikot na din,  kung gusto ni Lexi na gumala..."


"Ah..." si Sir Cabral. ".. basta mag-iingat kayo, ha? Mag-text sa'kin kapag may problema. Naku kapag may nangyari sa babaitang 'yan ako ang malalagot kina Doktora!" Sir Cabral said in horror.

Jay chuckled and nodded sa mga bilin ni Sir. Dumating na ang driver ng sasakyan nila kaya nagpaalam na sila ni Enrique sa'min. I'm excited! Aayain ko si Jay na pumunta sa Intramuros, buti nalang at may dalang sasakyan ang isang 'to.


"Bye, 'te Lexi. Pasalubong, ah?" Ngisi ni Enrique.


"Oo na!" Natatawang sabi ko naman at nagpaalam na sakanila. Naiwan kami ni Jay sa lobby at nang harapin ko siya at nakatulala pa siya sa'kin.


I snapped my fingers infront of his eyes, "Huy!" I called Jay at napaigtad naman ito sa ginawa ko.


"Let's go? Saan mo gusto pumunta?" Tanong ni Jay sa'kin. Alam ko na agad ang sagot!


"Intramuros! Gusto ko talagang pumunta do'n, may mapupuntahan ba doon ng ganitong oras?" I asked dahil masyado pang maaga. Sa tingin ko ay wala pang bukas na pasyalan doon.


"Hmm, meron naman. May alam akong cafe do'n nalang tayo mag-breakfast?" Aniya. Agad naman akong tumango at nagtungo na kami sa labas kung saan nakapark ang sasakyan niya.


His white Honda Civic was parked infront of the tower condo. Pinagbuksan pa ako ng pintuan at sumakay naman ako. Mainit dahil kakabukas lang ng aircon at maya maya pa siguro lalamig sa loob ng sasakyan. I took out my phone and checked if Gian is now awake.


Still no messages so I typed a message instead.


Ako:

Goodmorning, love! Alis kami ngayon, eat your breakfast ha? Love you 😗


Itinago ko na iyon at sinuot ang seatbelt. Jay started the engine and we finally took off. The long streets of Manila was such a sight to see. Madaming sasakyan at mga bata padin ang nasa labas gaya ng unang araw namin dito. I kept on seeing children selling in the streets. Mayroon naman sa Cebu pero mas marami sa Manila.


My heart crumpled seeing beggars roaming the hot streets of manila. May ibang wala pang tsinelas at punit pa ang mga damit, destiny is not really fair to everyone. The social class would always be divided, will there be a day that the earth has no more beggars and abandoned children? A clean and peaceful world... I'll make that as my birthday wish next year.


Naipit pa kami sa traffic habang papunta doon. I enjoy watching from the window and I can't take my eyes of it. Alam kong matagal pa bago ako makabalik kaya susulitin ko na. I'm not even sure if I'll be able to go out tomorrow and the day after, maiiwan nanaman ako sa condo dahil wala na akong match.


"That's Intramuros?" I asked while we are about to pass a huge arc of brick. Mas maganda pala rito kapag personal at hindi lang sa picture.


My jaw literally dropped when we finally reached Intramuros. It's old beauty never fails to amaze me, luma ang mga disenyo ng mga fastfood chains na nadadaanan at animo'y nag-time travel ka nga talaga. I was busy looking around and I didn't even noticed na nakapark na pala si Jay sa tapat ng isang cafe.


Natatawa pa akong bumaba dahil ilang minuto na pala kaming nakatigil doon pero nakatitig padin ako sa labas. Pumasok na kami sa loob at sa balkonahe na part ng café naupo. Even the café is giving you that vintage vibes.. la cathedral.


"What do you want?" Napatingin ako kay Jay na sumusulyap sa'kin pati sa hawak niyang menu. Kinuha ko naman ang nasa harapan ko at namili na.


"Just classic pancakes..."


"I'll get that too. How about coffee?"


"Sige, coffee na din." Sagot ko.


Our orders were taken at maghihintay nalang kami ng ilang minuto para dumating iyon. Jay seemed a little preoccupied and I don't know why.

"So.. kamusta?" Ani Jay.

"Okay lang naman, living the life, stressed but blessed." I chuckled. Sinikop ko ang buhok at inilagay sa kabilang parte ng balikat ko. Medyo umiinit na nga ngayon.

"That's good. I'm quite shocked na dito pa talaga tayo ulit magkikita... I was planning to go home sa cebu para magbakasyon," aniya.

"Really? Shocked din ako hindi ka bigla nagparamdam tapos model ka na pala?! Grabe ka talaga, Jay!" I exclaimed. He smirked with my reaction and sipped on the glass of water infront of him.

"Hindi naman sikat... nagsisimula palang."

Syempre hindi ako naniniwala sakanya kaya naman ay hinanap ko siya sa IG. Why didn't I thought about contacting him through IG? Sabagay, I was too busy with other stuff at hindi rin ako nakakapagbukas ng IG, palaging twitter for updates.

Namilog ang mga mata ko nang makitang he has million followers! Tapso sabi niya hindi pa siya sikat sa lagay na ito?! Who is he kidding?! Eh wala pa nga halos sa 0.1% ng followers niya ang followers ko.

Wow ano 'yan? Sit down be humble?

"Not famous?! You have million followers tapos hindi pa famous 'yon sayo?" I showed him my phone kung nasaan nandoon ang profile nito. He laughed loud siguro'y natatawa sa reaksyon ko.


"Hindi naman talaga, ah? I still have a far and long journey to cross."

"Sus, pahumble ka talaga 'no? Grabe ka! Papicture po, Idol.." I teased Jay.

We ate breakfast and Jay took some pictures of me. Sa wakas ay may maipopost na din akong bago sa IG ko hindi na puro tanawin at half body pictures. After eating breakfast ay inaya ko si Jay sa Planetarium dahil bukas na ito ng ganitong oras. Hindi naman daw gan'on kalayo kaya um-oo nalang siya na dumaan kami.

I saw pictures of people from facebook at gusto kong makapagpicture sa mga bituin kahit na ba ay display lamang iyon sa museo.

"Here! Take a picture of me here!" I motioned Jay towards the huge picture of starry skies and million stars. Tanging itim na pigura ko lang ang kita gaya ng mga post ng karamihan sa facebook.

I did several poses and took Jay's picture naman. Kinuhanan ko lang ng ilang litrato ang mga nakasabit na planeta, they were glowing like no other sa phone ko at sobrang ganda ng quality ng kuha ko kaya naman ay agad akong nag-upload sa IG account ko ng pictures ng mga nakadisplay doon.

"You like stars?" Tanong ni Jay.

"Medyo, but not really into astrology..." Sagot ko sakanya habang abala sa cellphone ko.

"Oh? More on music type ka hindi ba?" Napatingin ako sakanya, "... I remember you singing sa..." natigil siya bigla na para bang may nasabing mali kaya nangunot ang noo ko.

"Singing where?" He shifted his gaze away from mine.

"W-Wala, kamukha mo lang siguro..."

"Oh? Pero dati nag-part time singer ako sa café, it was a good experience though," kwento ko sakanya.

He just nodded slowly while listening. Naalala ko bigla ang nadaanan naming park kanina. It looks big at mukhang maganda rin doon.

"Punta tayo sa park, 'yung nasa likod lang nito."

"Rizal park?" I nodded.

Dahil nasa likuran lang naman iyon ng museum ay agad kaming nakarating doon. I was tired from walking and walking and taking pictures. Sa bawat sulok yata ng park ay may litrato ako, I should cherish this moment dahil who knows kung makakalabas pa ako sa unit?

I felt a bit guilty for making Jay my photographer. Isipin mo, million followers ang mayroon ang model na 'to tapos ginawa ko lang na taga-picture? He's sweating bullets na din dahil sa init kaya naman ay nang makakita ako ng bench sa gilid ng kinatatayuan ko ay inaya ko siyang magpahinga muna.

"Ayaw mo na mag-picture?" Tanong niya.

"Ayaw ko na, kawawa ka naman. Nagawa pa kitang photographer," natatawang sagot ko naman sakanya.

"Weh? Ayos lang naman sa'kin, minsan ka lang mapadpad dito.. sulitin mo na," aniya. Nako ha huwag akong pilitin at baka sumuka na sa picture ang cellphone ko.

"Hindi na! Ayos na 'yon, hindi naman lahat 'yon ma-uupload ko."

I closed my eyes and felt the morning breeze against my skin. Hindi tirik ang araw at malimlim lamang pero ramdam ko ang init sa hangin pati ang amoy ng mga puno. Mamaya siguro ay puro polusyon na ang maamoy ko kapag byumahe pabalik.

"Sure ka, ah? Oh baka pagod ka na? Hatid na kita pabalik?"

"Hindi pa. Gusto ko lang naman maupo saglit, ayaw mo ba ako kausap ha?" Tanong ko.


"Hindi naman. Baka kasi pagod ka na o gusto mo na magpahinga." Sumandal siya sa bench at tumingala sa asul na langit, "... san ka nga pala magcocollege? Grade 12 ka na hindi ba?"

I thought of going here in Manila for college but my plans changed... Magaganda ang mga university dito pero mas gusto ko nalang magstay sa cebu, nothing feels like home and pakiramdam ko ay araw araw lang akong maho-homesick kapag wala ako doon.

I can't leave Gian as well...

"Cebu padin."

"You don't wanna try and take exams here in manila?"

"Nah. Wala na sa isip ko ang mag-aral dito. I'm fine sa Cebu," I said.

"Wala na sa isip mo? So you changed your mind? Bakit?" I was about to answer Jay's question when my phone suddenly vibrated inside my bag.

Agad kong kinuha ang telepono at nakita ang pangalan ni Gian na naka-flash sa screen. He's calling me after hours of not even saying a word, without replies and such. Tinanghali yata siya? He usually wake up early in the morning at hindi sa ganitong oras.

Sumenyas ako kay Jay na sasagutin ko lang ang tawag at tumango lang siya sa'kin. I stood up and walked a few steps away from the bench.

"Hello, love?" Bungad ko.

[Where are you? Sorry I was too busy to touch my phone last night.] I knew it.

"Hmm naisip ko din naman na baka busy ka kaya hindi na kita kinulit. Nag-breakfast ka na ba?" I asked him instead.

[Nasan ka?] Pagbabalewala niya sa tanong ko kanina

"Ah nandito sa Rizal park, just resting for a bit and uuwi na. I ate my breakfast here and roamed around a bit so.."

[So pauwi ka na? Who are you with again?] I glances at Jay who's watching me talk to the phone. I smiled gently and lowered down my voice.

"An old friend from Cebu, si Jay. Nakalaro niyo 'yon one time sa basketball..."

[A guy? I thought it was a girl.]


"Ah hindi ko pala nasabi kagabi 'no? Sorry, love, we accidentally met yesterday so he asked to catch up, he's a really good friend of mine." I heard Gian's sigh on the other line.


[Okay... just don't stay outside for too long. Go back before lunch, okay? See you, I love you.]


"Chat me if you have time, ha? I love you too.."


The call ended at bumalik na ako sa pagkakaupo ko sa bench. Jay was silently watching me and I smiled at him when I got back on my seat.


"Parents?" He asked.


"Ah hindi, si Gian..." pigil kilig na sagot ko naman.

"Gian? I think I heard that name before."


"Ah siya 'yung kinekwento kong crush ko, 'nung nasa paresan tayo." Kwento ko, maalala pa kaya niya 'yon e ang tagal na no'n.


Jay's face fell when he heard what I said. Para bang lumungkot ang mga mata nito. Did I said something that made him feel bad?

"Your boyfriend?" Tanong nito. I nodded and I saw his bitter smile.

"Why? Kilala mo 'to, eh, nakalaro niyo before!"

"Ah... oo I remember, Laxson right?" I nodded.

We stayed for a while to rest at maya maya pa ay may tumawag kay Jay dahilan para ihatid na ako pabalik. Tahimik si Jay matapos ang usapan namin kanina at hindi ko alam kung bakit. Maybe something is bothering him.

His car was filled with silence while we were on our way back. Naipit pa kami sa traffic at halos isang oras na nakatigil ang sasakyan pero hindi siya naimik, malalim ang iniisip at mariin ang hawak sa manibela ng sasakyan niya. Hindi ko kinausap muna dahil baka may bumabagabag sakanya, maybe the call he answered.


Nang makapagpark siya sa tapat ng tower condo ay hindi muna ako lumabas.


"Ayos ka lang? Tahimik ka kanina pa." Tanong ko.


"Me? Yeah, I'm fine, It's just work is bothering me.." he chuckled, "... Sorry I can't take you to more places today, I suddenly got a call from my manager, may shoot daw..." aniya.

"Hala, sana pala hindi mo na ako hinatid. Baka malate ka sa shoot mo?"

"Don't worry, It's just a few blocks away from here. Tara na?"

Bumaba na kami sa sasakyan at sabay na pumasok. My eyes widened when I saw a familliar figure of a man sitting on the lobby's long sofa. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha.


I walked faster and when I was about to reach the guy, he stood up and shifted his body to my directon. Nang magtama ang mga mata namin ay bumilis agad ang tibok ng puso ko at parang naiiyak na ewan sa saya.


"Gian?!" I exclaimed and ran to him to give him a tight hug. He encircled his arms on my waist and I heard his low chuckle.

"Miss you, baby." He whispered. Napangiti naman ako at humalik sa pisngi niya. Hihiwalay na dapat ako nang bigla niyang higpitan ang yakap sa'kin at binigyan ako ng mariin na halik sa noo.

Napaayos ako ng tayo nang maalala na kasama ko pala si Jay. Namula ang pisngi ko nang makitang nakatayo si Jay sa gilid namin at pinanonood lang kami habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa nito.


Ayan kasi, Lexi, ang harot.


"Thank you sa paghatid kay Lexi." Gian said to Jay. He smiled a bit and glanced me for a second.

"No problem, dude. Ako naman ang nag-aya kaya dapat ay ako ang maghatid, I had fun sana ikaw din, Lex.."

"Oo naman! When I come back to manila I'll make sure to contact you again, Mr Famous." Jay's eyes brightened when he heard that.

"Sure, just text me. Una na ako, I still have a shoot..."

"Ingat, Jay. Salamat pala ha!" I watched Jay walk away towards the exit door.

Napabaling naman ako kay Gian at hindi ko mapigilan ang kilig at bilis ng tibok ng puso ko. This is more than just what I've imagined, ang gusto ko lang naman ay simple replies pero bakit 'yung mismong tao ang nandito sa harapan ko.


I bit my lower lip as I stare at Gian's presence infront of me. Nilipad niya talaga ang Cebu at Maynila at wala nang mas nakakakilig pa sa ginawa niya. Oh Gosh.


"You'll just keep on staring at me? That's it?" He smirked. Kagat labi kong hinawakan ang kamay nito at dumikit sa braso niya. I miss my boyfriend!

"Gulat lang kasi nandito ka..." I said, ".. Bakit ka nga pala nandito, ha? May klase ka 'di ba?"

Nakalas ang hawak ko sa kamay niya dahil tinanggal niya iyon at umakbay sa balikat ko. Kita kong may hila siyang maliit na maleta sa kabilang kamay niya at may maliit na duffel bag na nakapatong roon.

"I missed my baby so I came here. We don't have classes until next week so I'd rather spend it here with you," we slowly walked towards the elevator with his arm all over my shoulder.

"Really? Akala ko ba ayaw mong maging clingy? Tapos nandito ka na..." I said in a suspicious tone. Gian laughed a bit and licked his lower lip.

"Oh fuck the I don't want to sound clingy, I miss you so... I'll be clingy whenever I want to."


Stil stunned with what Gian did hindi ako makahanap ng mga sasabihing salita. Saan ko siya patutulugin? Does Sir Cabral even know he's coming over?

Nang makarating sa floor ng unit ay tahimik lang kaming naglakad. I have keys so I opened the door immediately at naabutan si Sandara na papaalis palang. She's wearing a dress at may dalang baguette bag, her hair is in curls at agad na tumaas ang kilay nang makita ang kasama ko.

"Wow ang goals niyo naman. Hindi mapaghiwalay." she said in a sarcastic tone.

"Saan ka pupunta? Nagpaalam ka kay Sir?"

"Pakialam mo? Tabi nga d'yan, naalibadbaran ako sainyo." Aniya saka dumiretso na palabas ng unit. Ibang klase din talaga ang tama sa utak ng babaeng 'yon, tinatanong mo ng maayos eh.

I sighed and pulled Gian's luggage papunta sa gilid ng unit. Kaming dalawa ang naiwan at paniguradong mamaya pa ang uwi nina Sir at Enrique. Si Gian ay agad na naupo sa sofa at nagtanggal ng sapatos at ako naman ay kumuha ng maiinom niya dahil ang init nga kanina sa labas.

"Have you eaten already?" I asked him and gave him a glass of water.

"Yup sa eroplano, kumain na ako." Nilagok niya ang tubig.

"Great 'cuz walang pagkain, padeliver nalang tayo mamaya?" I asked him. He gave me a nod and pulled my hand dahilan para mahulog ako sa kandungan niya.

I stiffened and my cheeks burned when I felt his breath against my nape. Ang Gian ko ata ay nagpapa baby ngayon. He hugged my waist tightly and I can seriously hear the loud beating of my heart.

Please make it like this always. This close and this loving.

I smiled and caressed Gian's hand on my belly. Hindi ko alam kung anong meron pero I can feel his tiredness, jetlag sucks and if he wants to hug me until he feels better... I'll let him even if it's for 24 hours straight

"Napagod ka?" Isinandal ko ang likod sa dibdib nito. He sighed amd nodded, I reached for his hair and gently stroked it to make him feel better.

"Wanna sleep first? Doon ka muna sa kwarto ko—"

"Will you replace me in your heart someday?" Biglang tanong nito at hindi ako napatapos sa sasabihim ko. Nangunot ang noo ko at akmang haharap pero mas lalo niya akong niyakap mula sa likod.

"What? Anong klaseng tanong 'yan, love."

"W-Will you find someone better than me someday? When we break up or if..."

My heart was torned into pieces by just thinking a day without Gian. I can't see myself kasama ang ibang lalaki kundi sakanya lang. I can't even imagine myself having another relationship other than him, It's Gian or it's no one.

"Do you think we'll break up?" I asked him.

"No. I don't want us to break up. I won't let us to fall apart..." he whispered.

"Ayaw ko din naman. And your question..." panimula ko, "... I won't replace you, I can only imagine myself being so into you, hindi ko kaya na palitan ka s'yempre."

Lumuwag ang yakap ni Gian kaya naman ay tumagilid ako ng upo sa hita niya. I encircled my arms around his nape and leaned the tip of my nose on his. His eyes were glistening with happiness kahit bakas ang pagod. I smiled and kissed the tip of his nose.

"I love you. You'll be the only one, I'm so into you..." I whispered lovingly. He smiled and gently held my jaw.

Like a feather, he gave me a soft kiss on my lips. So delicate that he seems to be too scared like I was a porcelain glass, treated like a feather, we shared our first kiss. My first kiss... is for the man that I'm so into..


"I'm so into you as well..." Gian said and tilted his head for another kiss.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top