Chapter 3

Cold

Anikka:

Nauna na akong umuwi. LBM feels.

Tumayo na ako at hindi na tinignan si Cyan na umiinom. I heard him gasped dramatically!

"Hey!"

Mas binilisan ko ang lakad dahil humabol siya.

"Magta-taxi ba tayo?"

"What makes you think na isasama kita?" iritado kong tanong at binilisan ang lakad habang siya ay humahabol sa akin.

Naririnig ko pa ang ingay ng takong niya. I almost massaged my head since I glanced that he's wearing sky blue heels. Walang-wala sa crocs ko. Ngumuso ako at umiwas ng tingin.

"Because I'm basically wearing heels para habulin lang kita? Count this as an effort, please," he replied as I heard him huff a breath.

"Concerned ka lang sa sarili mong takong na baka mabali 'yan," sabay lingon ko sa kanya. "Baka ikaw pa ang mawalan ng bukung-bukong diyan sa ginagawa mo," sita ko.

"That's why wait for me!"

Halos tumaas ang kilay ko sa asta niya. Mas binilisan ko pa ang lakad ko.

"Oh, never mind! Why chase a man when a store is already standing beside me!" he squealed!

Nang lumingon ako ay nakatigil siya sa harap ng isang boutique na puro pastel na pananamit ang paninda. Nakita ko agad sa mannequin ang pink na sweater. It looks fluffy and soft like cotton candy.

"Wait lang," tawad ni Cyan nang ngumiti sa akin at biglang pumasok sa loob ng store. "Two minutes, promise!"

Tumitig ako sa papalayo niyang pigura at nagdadalawang-isip kung susundan ba siya o hahayaan na total hindi ko naman siya gustong makasama pauwi.

Pero ang ganda ng mga damit sa loob.

Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok na rin. Paglapit ko sa kaniya ay hawak na niya yung pink sweater. May maliit lang na embroidered heart sa may chest area.

Simple, pero ang cute. Alam niya talaga siguro ang babagay sa kaniya.

"Tingin mo bagay sa akin?" tanong niya, hawak ito sa harap ng katawan niya habang nakangiti.

"Hindi."

He rolled his eyes and turned his back in a sassy way to check some sweaters. Agad na lumagapak ang tingin ko sa heels niya na baka mabali at kusang umangat ang kamay ko kung sakali! But his vanilla scent made me stop.

Hindi ko talaga gusto ang vanilla. Kapag tumatagal ay parang nauumay ako. Amoy baked goods na nakakasuka, parang air freshener sa CR ng mall. Pero sa kaniya ay ewan. Preference niya naman 'yan kaya hindi na lang ako nagsalita.

"Staring is rude," ani Cyan habang hindi lumilingon, pero obvious na narinig ang paghinto ko sa likod niya.

"Who's staring?" balik kong sagot, sabay iwas ng tingin at balik sa paglalakad para sundan siya.

He turned his head slightly with a smirk. "You, obviously. And stop eyeing my heels, hindi mo afford."

"Ipagpag mo, baka lumipad." I grunted.

"Why are you so harsh?!"

Binaling ko ang tingin ko sa ibang sweaters, pero ramdam ko ang sulyap niya sa gilid.

"I'll buy this," maarteng sabi niya sa saleslady na sumusunod din pala habang tumatakbo papunta sa counter.

Halos pumikit ako. Yung takong, ang kulit...

Tahimik lang akong nakatayo habang pinagmamasdan siya habang abala sa pagbayad ng natipuhan niyang sweater. Ayokong maging sunud-sunuran. Ayoko sa ideya na siya ang humahatak sa akin palabas ng comfort zone ko.

"Maybe, you should tone it down a bit, Olivia..."

"Right, she's being too harsh to her kid. He needs time to explore."

Namilog ang mata ko nang marinig ang pangalan na iyon. Nanigas ako sa kinatatayuan at mabilis na hinila ang hoodie ko para takpan ang ulo. My heart started beating faster as I ran towards Cyan who was opening the paper bag.

"Oh, I can already wear it partnered with cycling and post a thirst trap if we're friends-"

Hinila ko siya sa gilid at nilagay siya sa unahan ko sabay dikit sa kaniya sa pader, ang isang kamay ay nasa gilid ng kaniyang leeg. His eyes widened as he stared at me, gripping the paper bag tightly. Umawang ang labi ko habang nakatitig sa mukha niya.

"Wow-"

"Shut up," I murmured and stayed still. "Silip ka sa likod ko kung nandiyan pa si Mommy."

"Huh?" He blushed while staring at me. "Sino ka para sundin ko?"

"You dragged me here!" I hissed.

"Ano naman kung nandyan si Mommy? Is she a villain or we are in a K-drama era? But wala kang biceps." He even pinched my arm!

"Shhh!" I pressed closer, one hand still braced against the wall beside his head. "Huwag ka nang maingay."

He raised a brow at me, but his cheeks were turning suspiciously pink. "So let me get this straight. You're basically pinning me to a wall, breathing on my face-"

"Don't make it so dramatic." I snapped as I pursed my lips, glaring at his nose but stopped when I realized he has a small mole beside his left eye.

"Oh..." He smirked. "Our position is so dramatic..."

Nagpakawala ako ng isang hangin sa ilong. Give me patience...

"I'm hiding you and not making a scene. So shut up, and check if she's still here."

Cyan tilted his head, lips parted like he was about to ask something again. Umiwas ako ng tingin at tumitig sa pader sabay buntong-hininga. Ngumuso rin siya palihim at dahan-dahang sumilip sa likod ko.

"Your Mommy Dearest is still talking to her amigas," he murmured that made me stare at him again.

I licked my lower lip. Akma akong magsasalita nang binalik niya ang pagkakatindig ng ulo sabay nangingiting pumikit sa harapan ko. Lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi niya at sobrang lalim noon.

Hindi ako nagmumura, pero tang ina...

"Tumingin siya!" mangha niyang bulong sa akin. "Oh, let me silip ulit!" Bigla siyang humawak sa braso ko at sinundan ko ng tingin ang reaksyon niya.

His eyes shone bright in excitement. Nagpigil siya ng ngiti pero habang tumatagal ay nawawala na ang ngiti niyang kumawala na talaga. I poked my tongue against my cheek and stood straight without removing my hands from the wall.

"She's gone, we're safe. Phew!" Nagkunwari pa siyang nagpunas ng noo katulad ng mga nasa tv. "You're free to act like you don't like me again."

"Good." I stepped back.

Pero hindi ko maiwasang mapansin kung paanong inayos niya ang buhok niya pagkatapos. Napabuntong-hininga ako at umiwas ng tingin.

"On a serious note..." he continued, while lightly brushing invisible lint off his sleeve. "That was kinda hot, not gonna lie."

"Huwag kang ganyan," I grumbled, trying to walk ahead. "Tumigil lang talaga yung utak mo."

I went out of the store immediately and his heels started to make loud ticking noises. Nakahabol siya agad at halos tumakbo ako sa kaba!

"Uuwi na ako."

"Sama ako!" he uttered.

Pero nang palabas na kami ng mall at naghihintay ng masasakyan ay dumating ang mga kaibigan niya. He has a lot of gay friends, but also he has a lot of guys.

"Cyyy! There you are! Saan ka ba pumunta? We were looking all over for you!"

Napalingon kami pareho. A loud, cheerful group approached with some familiar faces, and some were not. Makukulay ang suot, may halakhakan agad, at may isang lalaki na diretsong lumapit kay Cyan at walang paalam na humawak sa bewang niya.

My eyes turned into slits. He's that comfortable to be held?

"Tumatakas ka ba sa blind date mo? Or maybe you still haven't move on from me?" ani ng lalaking hawak siya sa bewang.

Ngumiwi si Cyan at umatras dahilan para mahulog ang pagkakahawak ng lalaki sa kaniya. Ngumuso ako at nagpara ng taxi sabay lingon sa kaniya.

"Ew, Nile. Hindi lahat ng lumalapit sa 'kin ay rebound mo. Baka ikaw yung hindi maka-move on."

The group let out a chorus of laughter, but I barely heard them. My gaze stayed sharp and steady, as I stepped inside the taxi. Sinara ko ang pinto at nakitang hindi man siya nag-abalang lumingon habang kausap ang mga kaibigan niya.

Tss, bakit ko ba siya hinintay? I should not get comfortable with his presence. Hindi pwedeng hayaan ko ang sarili kong makitang magkasama kaming dalawa. I'm afraid to be seen like him.

Comfort is dangerous. It makes you believe, even for a second that you're safe. That you're allowed to exist without fear, but it's not true. Kapag naging komportable ako, mawawala yung gwardya ko sa sarili ko.

Siya ang klase ng tao na parang hindi natatakot mahalin ang sarili niya o ipakita kung sino siya. Masyado siyang malaya at alam niya kung paano buuin ang sarili niya ng walang takot.

Samantalang ako yung sanay mabuhay sa pagitan ng takot at pag-aalinlangan. Sanay magtago at sanay tumanggi. I can't let myself relax around him. I can't let myself want that kind of peace.

Kasi kapag nahanap ko 'yon at napagtanto kong hindi talaga 'yon para sa 'kin mas masakit pa 'yon sa kahit anong pagtanggi sa akin ng mundo.

So I left without a word.

"Ciel, if you're going to leave or what, lock the doors and windows, okay? Be responsible," saad ni Mommy bago sinara ang pinto ng kwarto ko.

Bumuntong-hininga ako at patuloy ang pag-reload sa friend request section sa Facebook. Nakatulala lang ako roon habang yakap ang bolster. My lips protruded when I realized something.

Bakit ko hinihintay?

"Kainis!" I dropped my phone and grabbed my iPad so I could start rendering a new art commission.

My fingers were already twitching, itching to bring the piece to life. I had barely skimmed the client's reference sheet, but the vibes were a chef's kiss.

Hindi biro ang ginagawa ng mga artist. It was not just a damn drawing. It needs creativity, interpretation, technical skills, and patience involved. Minsan akala ng iba madali lang, pero grabe ang effort na binubuhos sa bawat artwork.

From planning the composition, choosing the color palette, to rendering the features at lighting; all of it was mindful. At syempre, may communication pa with the client, revisions, deadlines, at minsan emotional labor pa!

Nakakatuwa kapag may client na super appreciative. Yung tipong excited silang makita yung progress, tapos sobrang happy sila sa final output. Iba ang feeling na gano'n.

Art connects people and imagination turns that connection into understanding.

My phone buzzed and Anikka's caller ID popped up on the screen. Marahan kong binaba ang digital pen ko at sinagot iyon.

"Hello?" mahina kong tanong.

"Ciel, I need your help! I already told Cyan that I'll meet up with him at the mall. Pero gago, hindi pa pala tapos ang LBM ko, may aftershock pa siya! Naghihintay na siya roon, nakakahiya naman kung ika-cancel ko, 'di ba?"

"Anikka, alam mong-"

"Gusto mo ba ng ebidensiya? Nasa banyo ako, baka gusto mong kunan ko pa ng picture?!" hiyaw niya at base pa lang sa boses niyang parang umi-echo ay nasa banyo nga.

Hindi ako agad sumagot at napatingin ako sa iPad screen ko. Half-done na ang sketch ng character na may matang punong-puno ng emosyon. Ironically, mas expressive pa ang art ko kaysa sa 'kin.

Matatapos ko ba 'to?

Napakagat ako sa labi habang tinitigan ulit yung mata ng character. Ang ironic lang kasi parang siya pa yung nakikiramay sa 'kin.

"Pauwiin mo na lang siya, rito ko na lang ibigay," I declined.

"Ano ba? Don't you get it? Pumunta si Cyan sa mall to meet up with me because I want to personally give him the artwork! Hindi ko pwedeng i-meet up diyan sa bahay nila at baka isipan ng Mama niya na namamanhikan ako! Look at my side, totally, he's my guest, and not the contrary."

"Pauwiin mo na nga lang, sabihin mo, na binigay mo rito sa akin."

"My gosh, you're stressing me out. Kakalabas ko lang ng sama ng loob dito sa banyo, dadagdagan mo pa talaga! Naiintindihan mo ba ang punto ko, Ociel Laurent?!"

"Oo nga, gets kita, pero bakit pa ako gagastos ng pera para puntahan 'yon-"

"Ciel," singit ni Anikka na ayaw talagang magpatalo. "Ako ang nagpa-commission sa 'yo ng artwork para kay Cyan. Ibig sabihin, ako yung client mo pero siya yung recipient. Naiintindihan mo ba?"

"Eh 'di ikaw na lang ang makiusap sa kaniya na pumunta rito."

"Hindi puwede! Kasi ako ang nag-invite. Ako ang dapat makipagkita sa kaniya, at hindi siya ang lalapit. Basta, puntahan mo! That's my idol, you know, tapos ako pa yung makikiusap? Gosh, ang kapal ng mukha! Wala akong autograph kapag gano'n!"

"Fine, ibibigay ko lang, 'di ba?"

"Irarampa mo pa 'yan," tarantadong sagot niya. "Nasa labas lang siya ng mall, puntahan mo na, ang sakit na talaga ng tiyan ko. Bakit kasi nagkatotoo?" I heard her murmur.

"Ang alin?"

"Itong tubol!"

"Gross!"

She ended the call and I went straight to the mall while carrying the canvas. Nakapants lang ako, tsinelas, itim na shirt at maayos ang wolf cut kong buhok.

Para akong bagong gising!

Pagkarating ko sa harap ng mall ay siya agad ang namataan ko na nakikipag-picture sa babaeng mukhang fan niya. May baby pink siyang handbag, puting na cropped cardigan na may mga perlas sa butones at skirt, at isang pares ng heels.

He's wearing light make-up and his winged eyeliner made his eyes look even sharper. It framed his gaze so precisely, it felt illegal for someone to look that composed. The faint blush on his cheeks, the soft gloss on his lips cleared my throat.

I hated that I noticed. I hated it more that I kept noticing.

Pinanood ko siyang itaas ang phone niya at kumanta pa siya roon.

"No matter gay, straight, or bi. Lesbian, transgendered life, I'm on the right track, baby, I was born to survive..." He smiled on the camera while touching his upper chest.

Tumikhim ako at inayos ang likurang bahagi ng buhok ko. Pero hindi pa rin niya ako napapansin dahil bigla siyang nagsalita.

"Hello there, my colors! Oh, it's cringe or nah? I'm actually going to meet with a fan and she's going to give me an artwork she purchased-"

Mas nilakasan ko ang tikhim na ikinalingon niya sa akin kasabay noon ang pagkapawi ng ngisi niya.

"-or a basher..." He looked at me from head to toe while the video is still on going. Binaba niya ang phone at masama akong tinignan. "What are you doing here? Are you papansin?"

Nilahad ko sa kaniya ang canvas. "Pinapabigay ni Anikka, masama ang pakiramdam niya kaya ako na lang yung nakipagkita sa 'yo."

"And lugi ka pa niyan?" He raised a brow, reluctant to even hold the canvas. "Is this painting or what?"

Saglit akong natulala nang mapagtanto. Sabi ni Annika, sketch pero ginawan ko na lang ng painting dahil ang laki ng binayad niya.

Para maganda na rin ang impression sa kaniya ni Cyan...

"Painting 'yan, huwag ka nang maarte," pagsusungit ko.

"How much do I have to pay for your time? It was supposed to be Anikka, sayang," aniya na halatang pinaparinggan ako!

That pissed me off.

"Sinabi ko sa kaniya na doon na lang sa bahay total magkapitbahay naman tayo."

"Yeah, and it's as if I like being your neighbor. You're not even nice to me," he huffed. "Thanks for this, anyway. I'll meet her up some time."

Napalunok ako habang inoobserbahan siya. Masama ata ang loob kasi iniwan ko noong nakaraang araw.

"Mukha kasing ayaw mong umalis doon. Alam mong muntik na tayong makitang magkasama ni Mommy," I retaliated even if it's not in our topic.

"And so? Magkapitbahay naman tayo! She's friends with my Mom, and will you please stop acting like being with me is a disease! Fine if ayaw mo!" He rolled his eyes and grabbed the canvas from me.

"Hindi naman gano'n, ah? Wala akong sinabing gano'n!"

"Whatever, Ciel! I don't even want to deal with it na! Ako naman yung nagpumilit na sumama sa 'yo no'n kahit ayaw mo. It's understandable, too, maybe I'm just overreacting today. I'll grab a coffee na lang to calm myself kahit kapag nakikita ko yung mukha mo ay nagpapalpitate ata ako sa irita sa 'yo." He rolled his eyes while his handbag was effortlessly hanging on his arm.

"I wasn't doing anything-"

"I don't want to talk to you. Sabihin mo na lang ngayon kung anong pwedeng ibawi ko sa 'yo for wasting your time." Umiwas siya ng tingin at tinignan na lamang ang kuko niyang pink na pink!

"Huwag na, ayos lang."

He rolled his eyes. "I insist. What is it?"

"Wala nga..." irita kong sagot sa marahang boses.

"Coffee?"

"Hindi ako nagkakape."

"Then what do you like? Mag-oorder ako para sa 'yo pero hindi kita sasamahan," seryoso niyang sinabi.

"Huwag na nga. I'll consider you as my client, kaya ang pag-deliver ko ay dala na 'yan sa art purchase," malamig kong sinabi.

He stared at me and stifled a laugh.

"You really don't know how to tone down your pride, ano? Or maybe I'll just give the sweater I bought last time?"

"Huwag na." I shook my head even if yes, I kind of like the sweater a bit. "Opinyon mo na lang sa painting na gawa ko. Ayos lang ba?"

Bumaba ang tingin niya sa hawak na canvas. He stared at it with his doe eyes. Ngumuso ako nang makitang perpekto na naman ang pagkakalagay ng eyeliner niya. His red and parted lips looked heavenly with his side profile.

Umiwas ako ng tingin nang ngumuso siya sabay haplos sa kaniyang mata roon sa painting. I awkwardly scratched the back of my neck and bit my nail in nervousness as I anticipate his response.

"Bakit ganito ang mata ko?"

Napalunok ako. My fingers twitched, wanting to fix a detail that wasn't even wrong. Nang tumingin ako sa mga mata niya ay totoong nakatitig pabalik sa akin. Kumukunot ang noo niya na parang may iniisip.

"Alam mo yung mga mata na kapag tumingin sa camera, parang may kinukuwento? Gano'n yung sa 'yo, lalo na at ang lalim," pag-amin ko. "Pangit ba? Masyadong naging expressive? Pero 'yan naman ang nakita ko talaga sa picture mo, ah..."

Sinubukan kong tumingin ulit sa painting na hawak niya. I guess, I put in a lot of effort that every angle in his face was meaningful.

"This is actually my first time receiving an artwork. It's really pretty for me now that this portrait actually has some deep perspective. Akala ko kasi art is just about colors and clean lines. Pero ikaw, ginagawa mong salamin yung canvas. Hindi para lang ipakita kung anong nasa labas, kundi kung anong nangyayari sa loob. And that takes so much more than talent."

Napatitig ako sa kaniya.

"Hindi lang basta maganda yung gawa mo. Hindi mo lang siya ginuguhit para maging maganda... ginuguhit mo rin habang iniintindi mo at para maintindihan. You might haven't known, but you've painted something blue," aniya bago tumalikod.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top