Chapter 2
Happy Pride Month! 🌈🤍
Pride
"Anong magandang brand ng brief?" tanong ni Anikka at siniko ako sa tagiliran ko.
"Hindi ko alam, panty ang suot ko," saad ko na ikinalingon niya.
"Weh? Tingin." Sinundot niya ako sa ribs kaya talagang masakit!
Tumawa ako. "Ewan ko, basta online lang 'to. Baka umabot ka na sa puntong bibilhan mo ng brief si Cyan para lang pansinin ka, ah?"
Tumikhim ako, lalo na at dinig ko na kahit anong patibay ko sa mahinhin at malamyos na boses ay hindi ko pa rin magawa. Bumuntong-hininga ako at pilit na inalis iyon sa utak ko.
Humagalpak siya at hinampas ako sa balikat! Iyan talaga ang habit niya! Ang hilig manghampas!
"Hindi, 'no! Para 'to sa kapatid ko!"
"Edi kahit ano!" Humagikhik ako at luminga para maghanap ng maganda sa mata.
Yung mga bulaklakin na kurtina ay ang ganda. Tapos ang mga white vases din. Mas gusto ko yung totoong bulaklak ang nilalagay doon. Pangit tignan ng artificial, lalo na kapag may alikabok!
"Pwede ba 'tong i-test, Sir?" tanong ng isang pamilya na boses.
Lumingon ako at agad na tumama ang paningin sa nakatagilid na si Cyan habang kasama ang dalawang niya ring kaibigan. Kausap nila yung staff ng mall na nandoon sa home appliances section.
"Pwede po, Sir."
Busy si Anikka kakasukat ng brief at nilagay pa sa ulo niya. I heard a shutter sound from her phone and she chuckled while staring at her dumb photos.
"I'm super shy, super shy..." ani noong isang kaibigan ni Cyan habang hawak ang microphone.
Halos pumikit ako habang nakangiti. My cheeks puffed when Cyan and the other one started dancing. Para silang back up dancers nito!
What the hell?
"But wait a minute while I make you mine, make you mine..." Tinuro pa ng kumanta ang TV at kikay na kikay sa paggalaw.
Laging bumabalik ang mata ko kay Cyan na ginagalaw ang balakang. I pouted my lips when I saw him in his white skirt and oversized pastel blue sweater. Bahagyang nakatuck-in ang isang bahagi ng hem nito sa kaniyang skirt.
While I was on my black hoodie, white shorts and a black crocs. May dala akong gray na shoulder bag na kumpleto ang lahat ng gamit. I even have a garlic, just in case. Panlaban daw 'to sa aswang.
Bigla niyang inagaw ang microphone sa isa niyang kasama. "You're on my mind all the time... I wanna tell you, but I'm super shy, super shy..."
Nakagat ko ang labi nang mapagtantong ang ganda ng boses niya. I unconsciously reached for Anikka's hair and grabbed it to show her that she's missing out a lot.
"Aray, ano?!" Namilog ang mata niya at napangiti na parang tanga nang makita ang crush niya. "Bagay sa kaniya ang skirt, dang it! Dang it! Saan ba niya nabili 'yan at nang mauna ko 'yan bago 'tong brief!" She lazily raised the undergarment in front of my face.
Umirap ako at naglakad patungo sa direksyon nila Cyan na tumatawa kasama ang mga kaibigan niya. His smile faded a bit when he saw my face. I rolled my eyes and walked past him while Anikka was waving like a die hard fangirl.
"Ay, wow, echosera! Taray ni baks, kilala mo 'yon?" ani ng isa niyang kasama na hindi ko pinansin dahil tuloy-tuloy lang sa lakad.
"Gusto mo bang sabunutan namin, girl? Charot lang! Pero grabe, fierce si ate gurl ha. Deadma kay bakla!" ani ng isa habang naglalakad pabalik sa TV na nagpi-play ng karaoke video nang nilingon ko pa saglit.
Ngumuso ako at hinila lalo paalis si Anikka na naguguluhan. Sa food court kami pumunta dahil gutom na rin ako. I ordered a winter melon milk tea while Annika was eating fries inside her hoodie. Literal na nilagay niya sa bulsa ng hoodie!
"Nanonood ka na ng vlogs ni Cyan?" tanong niya.
"Hindi na," malamig kong tanong.
"Oh, okay." She shrugged and bit another fries.
"Malapit nang matapos yung artwork ko sa kaniya. Baka bukas o sa susunod na araw ko maibigay sa 'yo." Saglit ko siyang nilingon habang kinukuha sa tindera ang order ko.
"Really?" Napangiti siya at hinampas ako habang naghahanap kami ng upuan. "Excited na akong ibigay sa kaniya. He looks dreamy talaga, ano? Hindi niya ata ako napansin kanina, sa 'yo kasi nakatingin."
Umupo kaming dalawa sa nag-iisang bakante. "Kapitbahay namin siya."
Namilog ang mata niya at hinampas ako sa braso. "Really? So? Masipag ba siya sa bahay nila? Makikita mo naman 'yan kasi lagi kang nasa tree house niyo. Kailangan mo ba ng mag-aayos ng bubong sa tree house mo? Kaya ko, Ciel!"
Napangiwi ako at natatawa sa kaniya. "Pupukpukin ko na lang ang ulo mo."
"What?!" angil niya na pinipigilan ang ngiti.
"Laging nasa pool nila," sagot ko at uminom ng milk tea na hawak, ginagala ang paningin sa paligid. "Nakahiga pa lagi sa recliner nila. In short, ang arte niya."
Namula ang mukha niya. Wala atang nakikitang mali sa ginagawa ni Cyan. Hindi niya alam na tinatapon lang no'n ang basura niya sa kung saan-saan.
"You mean, you have the free access to all that he does?!" excited niyang saad at ngumuya ng fries.
"Medyo..." I shrugged and pursed my lips.
"So lagi kang nanonood ka sa kaniya? Baka fan ka rin niya?"
"Hindi niya ako fan, paulit-ulit." Ngumuso ako sa inis at marahang hinaplos ang kilay. "Tinitignan ko lang baka kasi sa bahay niya itapon ang mga basura. Ang arte niya, promise." I raised my hand as an oath.
"Cute naman!" She giggled.
"Walang cute sa taong hindi marunong magtapon ng basura sa basurahan."
"Basher ka naman. Teach him, then." Ngumisi siya sabay tingin sa kaniyang phone.
Naabala na rin ako sa milk tea ko kaya hindi ko napansing may nakatayo sa gilid namin. A tray caught my attention and I slowly lifted my head and only to be welcomed by Cyan's face with light make-up on.
"Pwedeng makiupo-"
"Sure!" ngiti ni Anikka at pinagpagan pa ang upuan. "You want fries?" She widened the pocket of her hoodie that made me palm my face.
"Ah, no..." mahinhing sagot ni Cyan at ngumiti. "I have chicken wings and iced tea, though. You might want to try but it's maanghang..."
Umirap ako at ngumuya ng pearl. Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa mga taong dumadaan. Lumilipad din ang isip ko kung bakit hindi niya kasama ang dalawang kaibigan niya.
I felt a kick on my feet. Anikka struggled to smile since she was eating. Talagang inuna pa niya ang pagkain kaysa sa crush niya...
And she want me to entertain him?
I subtly glanced at Cyan who's eating with his back straight. Nakapatong ang isang siko sa mesa at marahan ang pagnguya. Tumahimik ako pero hindi pa rin matigil si Anikka kakasipa sa akin.
"Bilisan mong kumain, tawag ka na ng Mama mo," malamig kong sinabi kaya agad akong pinanlakihan ni Anikka ng mga mata.
He smiled tightly. "She's not here."
"Edi wow."
Punong-puno ang bibig ni Anikka'ng napapikit. Cyan creased his forehead at me as he drank his iced tea.
"I'm Anikka, by the way." Nilahad niya ang kamay kay Cyan na napatitig sa mga daliri niyang puno ng cheese!
Agad namang tinanggap iyon ng isa ngunit nabasa ko agad na medyo dugyot yung gano'n. Gustong-gusto kong buhusan ng milk tea itong kaibigan ko!
"Cyan... Arcyan..." He let out lip-tight smile.
"I know, I'm a fan!" ngiti ni Anikka na ikinasipa ko rin sa kaniya.
Uminom ako ulit ng milk tea at nakitang medyo ginalaw ni Cyan ang mga daliri niya. He even glanced at his food. Umirap ako at kumuha ng wet wipes sa shoulder bag ko sabay lapag no'n sa harapan niya sa padabog na paraan.
Napangiti si Anikka habang tahimik na umiinom mula sa straw ng milk tea ko na hindi ko naman binigay sa kaniya. Pinanlakihan ko siya ng mata pero tinuro niya si Cyan gamit ang mata niya.
Crush niya 'to, bakit ako ang mag-e-entertain? Swerte niya naman at tititig lang siya! I'm kind of awkward because I don't know how to entertain someone!
Bahala ka diyan!
Nang ma-realize niya sigurong wala akong balak magsalita ay inirapan niya ako. Anikka took a big sip from my milk tea straw, then leaned in a little with her eyes sparkling with excitement.
"Alam mo, Cyan, fan talaga ako. Sobrang dami ko nang napapanood na vlogs mo," she said in a bubbly voice. "Minsan, pati si Ciel, napapanood din sa mga ginagawa mo."
I shot her a sideways glance, raising an eyebrow, but she just grinned like she'd caught me in a lie. Napangiwi ako at hindi na muna nagsalita dahil moment niya 'to.
"Talaga?" he asked, sounding almost bubbly, too.
"Oo naman!" Anikka nodded eagerly. "Kaya, 'di ba, ang daming support sa 'yo dito."
"Salamat," he replied with his doe eyes shining like an idiot. "Na-appreciate ko 'yan. Pero sobrang iba rin pala yung mga nanonood sa likod ng camera."
Anikka giggled. "Siyempre, may mga secret fans na nagsu-support din ng tahimik." Sumulyap siya sa akin. "Pero baka naman... Pa-accept naman sa Facebook diyan, ehem, ehem." Umubo pa siya.
Walanghiya talaga 'to. Halos sampalin ko siya ng straw. Cyan nodded immediately. Halatang people pleaser din.
"Add ko na lang si Ciel," aniya na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit ako?" malumanay kong tanong kahit gustong mag-overreact.
"Kasi makikita ko naman yung name niya sa friends list mo?" inosente niyang tanong.
"Tanungin mo na lang pangalan niya."
"Magso-scroll ako sa timeline mo at hahanapin kung nag-react ba siya. Add na kita, ah?" He took out his phone.
Halos ngumiwi ako. Bumungisngis si Anikka.
"Sige, add mo na lang si Ciel, tapos mag-ala-detective ka, Cyan, para hanapin ang pangalan ko." She smiled widely like a kid who just received a candy!
Pumayag siya sa ka-pettyhan ni Cyan?
"By the way, balik lang ako, ah? Taeng-tae lang, guys!" She winked and sipped on my drink before walking away.
I pursed my lips. Sumimangot ako at napakuyom ng kamao. Nasulyapan ko pa ang naka-fake nails ang kuko ni Cyan sa daliri. Ang arte talaga, paano kapag magsi-CR siya?
Cyan placed his cup down gently. "So hindi mo na talaga pinapanood yung vlogs ko?"
Napatingin ako sa kaniya kasabay nang pagkunot ng aking noo. "Naniwala ka naman kay Anikka?"
"I mean, I kind of saw you." He blinked, then looked down at his plate of wings.
Tss, ang ganda talaga. Bagay sa kaniya yung make-up.
"Hindi naman ako nanonood ng vlogs mo. Ayoko sa maarte," sagot ko.
"Oof." Narinig ko ang mahinang tawa ni Cyan, pero hindi ko alam kung nasaktan ba siya o nagtatago lang ng inis. "Hindi naman lahat ng arte, minsan... expressive lang."
Umiwas ako ng tingin at humigpit ang hawak sa milk tea. Tumikhim siya at nilagay ang iilang hibla ng buhok niya sa likod ng kaniyang tenga. Cyan looked at me for a second, then down at his hands.
"Alam mo yung pagiging expressive, hindi lang basta pagka-maarte."
Nagkibit-balikat ako. "Puro ka pa rin arte."
Napangiti siya, pero hindi umabot sa mata. "People say that a lot. Pero hindi lahat ng expressive ay ginagawa 'yon para lang mapansin. Minsan, it's how we survive."
Napatingin ako sa kaniya habang kinakagat ang straw. Tahimik siyang nagpatuloy at diretso ang tingin sa akin na parang wala siyang pakialam kung kontrahin ko man siya.
"Lalo na sa mga katulad namin na feminine na lalaki, bakla, queer." He shrugged lazily and winked a bit. "Alam mo bang marami sa amin, bata pa lang ay pinipigilan na kung paano kami gumalaw, magsalita, manamit? Kaya 'pag may chance na kaming maging totoo, minsan lumalampas sa 'normal' sa paningin ng iba."
May kung anong lumubog sa dibdib ko.
Uminom siya ng iced tea, saka muling tumingin sa akin. "Pero para sa 'min, hindi 'yon sobra. Sakto lang 'yon. Kasi iyon yung sarili namin na hindi na kinailangan itago. I'm proud to be gay."
Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot. Parang may tinamaan sa loob ko; yung parte kong ayaw din magpakita ng totoo.
"Being queer isn't just about who you love. Sometimes it's how you insist that your body, your voice, your gestures and all the things they told you to erase are still yours. And being proud? Maybe it starts the moment you stop apologizing for being seen." Napangiti siya sa binitawan niyang salita.
Hindi ako nakaimik. Ang ganda sa pakiramdam nang marinig iyon mula sa kaniya. Parang alam niyang may lugar ang sinabi niya ngayon sa akin.
"And I kind of approached you because of what I had said last time. I actually took this opportunity to talk to you. Akala ko kasi... bakla ka rin." Halos pumikit siya nang sinamaan ko siya ng tingin.
Napakunot ang noo ko at saglit na napatigil sa pagnguya ng pearls. Tahimik akong tumingin sa kaniya, habang pinipilit kong hindi maapektuhan sa sinabi niya.
"Akala mo bakla ako," ulit ko, mas malamig ang tono.
Napakagat siya sa labi. "Sorry..." Hindi siya makatingin. Pinipilit niyang ngumiti, pero wala nang kumpiyansa sa mga mata niya.
"I'm not saying it's a bad thing. Being gay is not an insult," patuloy ko, mas mahina ang boses. "Pero ang masakit... 'pag ikaw na rin ang gumamit ng label sa ibang tao, kahit hindi pa nila kayang sabihin o tanggapin sa sarili nila kung ano talaga sila."
Napahawak si Cyan sa cup niya. Nakatingin lang siya sa iced tea. He licked his lower lip.
"Akala ko expressive lang ako. Pero minsan, expressive na rin ako sa assumptions ko." Kinagat niya ang pink niyang labi. "I'm sorry, hindi na mauulit 'yon."
Tumango ako. Tahimik akong umupo, iniikot ang straw sa loob ng cup. Na-realize kong hindi siya defensive. Hindi rin siya nag-justify. And that somehow made it harder to stay mad.
"Ayos na, huwag mo lang ulitin," mataray kong sagot.
He chuckled, yet it came out to me as a cute giggle. Napatitig ako sa nawawala niyang mga mata. His laugh sounds angelic. Malayong-malayo sa tawa niya tuwing may live o vlogs siya.
Was that a facade? And I realized maybe the best parts of us are the ones we try to hide. And somehow this raw and real laugh felt like mine to witness.
"By the way, Ciel..." he probed and smiled at me while holding the chicken wings with his hand. "Pwede bang sabay tayong umuwi?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top