Chapter 4
Face
"Ang ganda noong digital artwork mo! Ang daming reacts. Fantasy ba ang forte mo?" tanong ng kaklase ko.
Kinamot ko ang batok at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri. "Hindi naman masyado kasi pangatlo ko pa lang naman 'yon. Expirement pa lang naman 'yon," sagot ko at balisang pinaikut-ikot ang lapis sa aking daliri.
Napapangitan ako sa gawa ko. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba yung mga papuri o tatanggapin kong baka nadala lang sila sa kulay. Minsan kasi, ang daming reacts pero pakiramdam ko ay wala namang totoo. O baka ako lang 'to na lagi na lang akong unang bumabatikos sa sarili ko bago pa man gawin ng iba.
"Pero marami na agad ang magagandang feedbacks. Magpapagawa rin ako sa 'yo soon, magkano ba kung bust? Balak ko kasing i-regalo sa boyfriend ko!"
However, I still posted it despite the doubts and fears of anxious tapping inside me. Kasi kahit hindi ko gustuhin yung gawa ko, baka sakaling may ibang makakita ng kagandahan na hindi ko pa kayang makita ngayon.
Kaya importante rin ang audience pero hindi ko ginagawa para lang magustuhan nila. Pero totoo rin na minsan, sila yung dahilan kung bakit ko naaalalang mahalaga rin yung ginagawa ko.
"Gagawa pa lang ako ng commission sheet," ngiti ko sa kaniya. "Papakita ko sa 'yo kapag nakagawa na ako."
"Okay, thank you! Pagpalain ka!"
Hinihingal na dumating si Anikka. Naglaglagan pa ang mga hairpins sa buhok niya, lupaypay na hinawakan ang desk ko at doon naghabol ng hininga. Inayos ko na lang ang buhok niya at tinali 'yon.
"Your art has been traced..." Hindi makangiti si Anikka.
Nanigas ang katawan ko.
"Ha?" tanong ko, pilit pa ring iniintindi ang narinig ko. "Anong ibig mong sabihin?"
Inabot ni Anikka ang phone niya, binuksan ang gallery, at pinakita sa akin ang screenshot. Halos kapareho ng gawa ko pero iniba ang ilang kulay, binura ang watermark, at pinost sa ibang account. Hindi rin ako naka-tag.
"Sinend ng mutual natin. Kilala mo si Riva, 'di ba? Siya raw may gawa nito." Napatingin siya sa akin at tahimik na nagbabantay ng reaksyon.
Napatitig ako sa screen. Kilala ko ang style ko. Kilala ko ang mga linya na ilang beses kong binura at binago. Kilala ko yung paraan ng pagkulay at yung technique na ilang beses kong pinag-aralan sa gabi kahit gustung-gusto ko nang matulog.
"Kausapin natin habang maaga pa."
Pagdating namin ni Anikka sa cafeteria, agad kong nakita si Riva. Nakaupo siya sa isang mesa kasama ang dalawang kaklase at nakikipagtawanan siya.
Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung uunahin ko ba ang inis o ang kaba. Kasi totoo, kinakabahan ako. Hindi ako sanay humarap sa ganito. Pero mas hindi ko kayang palagpasin.
"Hi, Riva," mahinahon kong sabi.
Napatigil sila sa tawanan at napatingin sila sa akin. "Uy, hello! Bakit?"
Inilapit ko lang ang phone ni Anikka sabay pakita ko yung screenshot. "Galing ito sa 'yo, 'di ba?"
Tumingin siya sa screen, tapos natawa ng kaunti at halatang halos pilit. "Ah! Oo. Practice sketch lang kagabi, medyo mahirap nga. Bakit?"
"Gawa ko 'yan," walang atubiling sagot ko.
Tila napatigil siya saglit. "Ha? Ginawan ko lang ng version ko. Ibang kulay nga 'yan, oh. Sa Pinterest ko 'yan-"
Traced arts are the worst feeling an artist could ever handle. Hindi lang dahil nanakaw ang gawa, kundi dahil parang inagaw rin yung proseso, yung puyat, yung insecurity na tiniis ng isang artist habang ginagawa 'yon.
"Hindi ako nag-post sa Pinterest. Sa art page ko lang." Mahinahon pa rin ang boses ko pero diretso na. "May watermark 'yan pero mukhang binura mo."
"Grabe ka naman," sabat ng isa sa kanila na umiinom ng drinks. "Parang ang laki ng issue para puntahan talaga kami."
"Malaki talaga, nakaw, eh," sagot ni Anikka na alam kong nagtitimpi lang na magwelga.
Tahimik si Riva habang nilalapag niya ang phone, at sandaling pinanood kami ni Annika.
"Hindi ko naman sinasadya," sagot niya. "Practice lang talaga. Hindi ko akalaing mapapansin mo pa."
"Pero pinost mo, at hindi mo ako na-credit. Hindi rin 'to mukhang practice lang kasi nilagyan mo pa ng caption na ikaw ang gumawa. Alam mong bawal ang ganyan."
Napasandal siya sa upuan, parang naubusan ng paliwanag. Hindi na ako nagsalita agad. Pinag-isipan kong mabuti kung ano pa ang dapat sabihin. Ayokong palakihin, pero ayokong i-normalize.
Nagkibit-balikat si Riva. "Nag-trace lang naman ako. At saka, in-edit ko naman, 'di ba? Hindi na 'yan eksaktong katulad."
"Go, Ciel!" bulong ni Anikka.
Pinikit ko sandali ang mga mata ko, pinipiling hindi magpadala sa inis. Pagbukas ko ay diretsong tumingin sa kaniya.
"Alam mo, ang tracing, lalo na kung ipo-post mo at hindi mo man lang ikinredit kung saan mo kinuha. Hindi lang 'yan simpleng practice o edit. Para sa mga artist na tulad ko, 'yan yung klase ng bagay na mabigat tanggapin," saad ko.
"Ang sensitive niyo naman, traced lang, eh!" sabat ng isa.
"Hoy, boba, huwag kang makisali kung ayaw mong ratratin ko kipay mo ng suntok, gagang 'to!" saad ni Anikka na hinawakan ko na dahil mukhang susugod pa ata.
Tumingin ako sa kanila.
"Alam mo ba kung ilang beses naming tiningnan yung gawa namin tapos tinanong ang sarili kung okay ba? Tapos may makakakita na lang kaming ita-trace, i-post, at sasabihing gawa nila. Tapos kami pa yung sensitive sa bagay na pinaghirapan namin?"
Hindi sila nakaimik. Umirap pa yung isa.
"This isn't about clout or compliments. It just really hurts to see something you worked so hard to build from nothing get copied, passed off as someone else's, and then you end up looking like the demanding one for saying it's not okay."
"Oo na, idi-delete na nga!"
Kumunot ang noo ko. Kailangan sumigaw?
"And I hope that if you truly respect my fellow artists, you learn to acknowledge where things come from. Because not everything beautiful on the internet is free for you to claim," saad ko nang tuluyan niya na ngang mabura ang post.
I went on for days. Medyo nawalan ako ng gana dahil doon sa nangyari. Nako-conscious na rin akong mag-post ng artworks ko dahil sa takot na naka maulit iyon kaya hindi muna ako nag-online at inasikaso na lang ang school requirements ko.
"Rapunzel, let down your hair!"
Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na nagkalat ang mga lapis ko sa kama nang magulat. I stood up without hesitation and opened the door of my tree house.
"Hello, nandito ba si Tita?" ngiti ni Cyan na nasa ilalim at nakatingala sa akin habang sinisinagan ng araw.
He was wearing a tight black dress that reached his knees. Bahagya pang nakapikit ang isang mata habang sinisinagan siya ng araw. His left hand shielding his face against the rays.
Ganda na naman...
"Wala siya rito," malamig kong sagot habang nakadapa sa sahig at nakababa sa kaniya ng tingin.
"Oh, I thought she's here. I cooked carbonara pa naman," nanghihinayang niyang sagot sabay angat ng pyrex glassware niyang dala.
Ngumuso pa siya at ang kamay na sinasalo ang init sa kaniyang mukha kanina ay nilagay niya sa kaniyang pisngi na parang nagpapa-cute.
Kahit huwag na siyang gumanyan. Effortless pa rin tignan.
"Siya lang ba ang tao? Akin na 'yan," sagot ko sabay baba ng kamay. "Paano ka nakapasok? Lock ang gate, ah?"
"Inakyat ko na kasi medyo abot ko naman, but look my skirt got torn. I don't know how to stitch pa naman, wala si Mommy..." parinig niya sabay turo ng dress niya.
Marunong naman ako...
Bumuntong-hininga ako at umiwas ng tingin. "Pasok ka rito, tatahiin natin."
His eyes excitedly lit up. Umakyat siya ng ilang baitang at inabot ko ang kamay para kunin sa kaniya ang hawak nang makaakyat siya ng ligtas. He giggled, his dimples lit up as he continued climbing the stairs.
Tumayo ako at mabilisang naglinis kahit na nakarating na siya. I tried to wipe my full paint hands as I looked back at him to watch his reaction. Mukhang maganda naman ang impresyon niya sa space ko.
"Wow!" mangha niyang bulalas habang hawak ang skirt niya na parang gown kahit ang iksi. "I'm jealous, natupad mo ang childhood dream ng lahat. Well, you're an only child, so it's expected to be spoiled."
Napangiti ako nang kaunti, hindi dahil natawa ako, kundi dahil ang liit ng pagkaintindi nila. Sa totoo lang, marami na akong beses na tinawag na spoiled. Parang awtomatikong hatol 'yon kapag nalaman nilang ako lang mag-isa.
Oo, akin lahat ng gamit sa bahay. Walang agawan, walang kakompetensya. Pero ang kapalit? Lahat ng mata sa akin. Lahat ng tama at mali ay ako ang may gawa. Walang ibang puwedeng sisihin at wala ring ibang puwedeng umintindi.
That's the thing about being an only child, you're not the favorite. You're the only one. And what they don't realize is having no one to share with also means having no one to share it with.
Noon, iniisip ko na sana may kapatid ako para may karamay ako, pero napagtanto ko na mabuting ako na lang kaysa pati sila mapunta sa ganitong pamilya.
"Tss, mukha ba akong spoiled?" tanong ko dahil ayokong pag-usapan iyon. "Akin na hita mo..."
Nandito lang siya dahil tatahiin ko ang suot niya. Pero kung magsasalita pa siya ng kung ano-ano ay pati bibig niya na lang ang tatahiin ko— kahit na sadyang nakakairita kahit na mapula ang labi.
Kumuha ako ng karayom at sinulid sabay upo sa kama. He timidly sat down beside me. Umusog ako palayo habang inaasikaso ang ginagawa ko. I was conscious of my moves when I noticed he was staring.
"I'm ready na," aniya at hinaplos pa ang hita!
Anong?
Mabilis akong tumunghay na natatawa niyang inilingan sabay nguso sa sahig. I stared at the torn fabric he was wearing and reached for it. Tumikhim siya habang inaayos ko ang napunit na bahagi para maayos ang pagkakatahi.
"Should I take it off first para hindi nakakailang?"
"Ano?"
"Itong suot ko?" He looked at me with his doe eyes widening.
"Kapag naiilang ka, sa utak mo na 'yan," malamig kong sagot.
"I was just thinking about your comfortability!" singhap niya.
Ngumuso ako at natawa na. He stared at me.
"What kind of stitch will you do? May ganyan, 'di ba?" tanong niya habang tinatahi ko ang suot niya.
"Depends sa tela mo," sagot ko nang hindi siya tinitingnan. "Medyo manipis 'to, parang chiffon or georgette. Kaya kahit kaunting friction lang, puwedeng mapunit agad."
"Dapat pala hindi na ako gumalaw masyado." Bumungisngis siya.
Ngumuso ako ay bahagya pang naipikit ang isang mata nang may kung anong epekto iyon sa akin.
"Next time, huwag ka nang umakyat ng gate na parang ninja na naka-cocktail dress. Hindi bagay sa 'yo." Napalunok ako nang lumitaw ang hita niya sa gitna ng pagtahi ko.
"Baka gusto ko lang maging stylish habang lumulusob sa bahay niyo. Of course, if someone saw me and would say, damn, that gay is slaying right there. Sana pala nag-video ako pandagdag sa vlog ko! Ugh, it's been weeks!"
"Hindi ito cotton o twill. Hindi ka puwedeng tumambling dito." I don't know why I couldn't stop yapping about this.
Napangiti siya nang saglit akong mag-angat ng tingin. "So, anong tahi 'yan?"
"Running stitch lang para temporary. Pero lalagyan ko ng backstitch sa dulo para hindi madaling matastas. Kung gusto mong mas malinis, dapat hand-rolled hem o invisible stitch, pero kailangan mo munang hubarin 'to kapag nagkataon," I explained clearly.
Tinuloy ko lang ang pagtahi kahit medyo nanginginig na ang daliri ko. Saka na lang ako hihinga ng maayos kapag hindi na kita ang balat niya.
"By the way..." Ngumuso siya habang pinanonood ang kamay ko. "Nakaka-chat ko pala lately si Anikka."
Tumigil ang karayom sa ere at mabilisan akong tumunghay.
"Ha?" tanong ko, hindi ko alam kung saan ako dapat unang mairita. Kung doon sa tono niya o sa mismong balita.
"Your friend? She followed me sa IG. Tapos nag-comment siya sa reels ko, ay nag-chat din siya sa 'kin. She's so cool pala." He sighed dreamily.
Wala naman akong pakialam sa mga crushes ni Anikka noon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nakaka-bother na ang ngayon.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko at hinila ang sinulid nang matapos ko ang backstitch sa dulo, pero agad na natigilan. "Wala akong pake."
I grabbed the food he brought and silently ate it while he's watching me. Doon ko binuntong ang namumuong inis. Nakakairita talaga siya, ang daldal niya. That's what I kept on thinking while munching the carbonara.
"Hindi ko gets bakit ang tahimik mo bigla," komento ni Cyan habang tinutusok ko ng tinidor ang carbonara.
"Nagugutom lang ako," sagot ko, kahit na halatang hindi iyon ang dahilan kung bakit ako parang batang walang energy. "Uubusin ko 'to, tapos pwede ka nang umuwi."
"Hindi mo huhugasan?" ngiti niya habang nakalagay ang magkabilang palad sa kaniya hita, ayos na ayos ang pagkakaupo niya sa kama ko.
Napako ang titig ko sa mukha niya. Parang ang hirap sagutin kapag ganoon siya ngumiti. Yung tipong parang araw na piniling sumikat lang para sa 'kin. Agad kong naipilig ang ulo.
"Hindi ko naman sinabi na dalhan mo 'ko ng ganito."
He raised a brow at me and crossed his arms. "Excuse me? That's for your Mom."
I pursed my lips together. Hindi pala sa akin, ah?
"Alis." Seryoso kong tinignan tinuro ang pinto na ikinaawang ng labi niya.
"I was kidding-"
"Alis ka nga kasi! Tapos ko nang tahiin damit mo, 'di ba?"
Matapang niyang sinalubong ang mata ko at tumayo sa harapan ko. "I'm going to inquire about an art commission for you. Is that how you're gonna treat your customer?"
"I'm not open to that," sagot ko at tinabi ang naubos na pagkain sabay tayo para ligpitin ang nagkakalat na mga lalagyan ng pintura sa sahig.
Huwag na muna. Nakakawalang gana.
"Please, Ciel?" he pleaded... cutely with his voice sounded like a goat. "I really liked your artworks!"
Bumuntong-hininga ako. "Akala ko ba, hindi mo na ako kakausapin?" tanong ko sa kaniya dahil bigla kong naisip ang nangyari noong nakaraan.
"Well, yeah?" Hindi pa siya sigurado at nag-squat pa sa tabi ko para tulungan akong magligpit.
"Mapupunit na naman 'yan!" inis kong sabi nang mapansin iyon, ang mga mata ay nasa dress niyang suot.
"You can fix it again. So payag ka na? May commission sheet ka ba? Can I see?"
"Wala..." malamig kong sinabi at aksidenteng nahawakan ang pisngi ko kaya napunta ang puting pinta roon. "Umuwi ka na..." Tumunghay ako sa kaniya.
Natagpuan ko siyang nakatitig sa mukha ko. Hindi ko siya makita nang maayos dahil naglaglagan ang iilang hibla ng wolf cut kong buhok, kaya kailangan ko pang bahagyang umiling pero mukhang pati ang buhok ko ay nalagyan na ng pintura.
With soft doe eyes, he reached for my cheek. Pinunasan niya ang pisngi ko habang ako ay tahimik na nakatingin sa kaniya. My grip on the can of paints tightened.
Tang inang ganda 'yan.
"Mukha kang bunny," ngiti niya at marahas na inalis sa mukha ko ang pinturang hindi ata mabilis na maalis.
Inalis ko ng bahagya ang kamay niya at nagpatuloy sa pag-ayos ng mga gamit. Hindi ko na siya naatupag o nakausap dahil naaalala ko ang malambot niyang kamay sa mukha ko.
Amoy vanilla pa. Kahit sa bahay ay nagpapabango siya?
"I'll get going now," aniya at inabot ang pyrex glassware sabay tingin sa akin.
"Oo, baka pauwi na rin si Mommy," sagot ko at tinitigan ang mukha niyang mukhang walang gana.
Napalunok ako habang hinahatid siya sa pintuan ng tree house ko. Akma siyang bababa nang hinawakan ko ang braso niya na mabilis, maganda ang pagkakalingon sa akin.
"May paint ka sa pisngi mo, ang dami," saad ko at inangat ang itim kong shirt.
Hinawakan ko ang batok niya habang titig na titig siya sa akin sabay punas ng dulo ng damit ko sa pisngi niya. I pouted and continued wiping it softly because I don't think I could ever touch his face harshly.
"Hindi matatanggal 'yan kapag ganyan kalamya," aniya na namumula ang buong mukha.
"Namumula ka na nga sa sakit ng punas ko. Hinaan ko pa?" malumanay kong bulong.
Nagkatinginan kami. Nakita kong bumaba ang mata niya sa labi ko hanggang sa lalamunan ko nang matunog akong lumunok sa hindi ko malamang dahilan.
"It doesn't hurt, Ciel." Umiwas siya ng tingin at umirap sa ere para tabunan ang namumula niyang pisngi.
Ngumuso ako dahil bigla akong na-guilty sa trato ko sa kaniya. Hindi pwedeng gamitan ko ang mukha niya ng kung ano-ano dahil baka masira. Mayroon naman sigurong skincare si Mommy?
"Okay, I'll be gentle so I won't hurt your face. Wala akong masyadong skincare dito, is it fine with you if we use micellar water? It breaks down oil-based paint gently without stripping the skin barrier unlike alcohol or soap," saad ko na tahimik niyang ikinatango, umiiwas ng mukha at pulang-pula.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top