Chapter Two

NANLAKI ang mga mata at napangisi ang lalaking nakahubo. "Whoa, you didn't hit me?" Parang bata na amazed na amazed. Lalo pang nanigas iyong nasa pagitan ng mga hita niya.


Yes, I missed it.


Napailing ako. "Pasalamat ka pasmado ako."


Ngiting-ngiti lang siya. Ngiting tagumpay!


Napatitig ako sa kaniya, sa mukha niyang perpeko sa hulma. Damn it! Anong meron sa kumag na ito at nagkakaganito ako? Kailan pa naging pasmado ang kamay ko?


"So you never had a boyfriend, huh?"


Hindi ko siya pinansin. Nagtagis ang mga ngipin ko.


"Okay, I lied, too."


"Ha?"


"It's nine inches." Ngiting gago this time.


Namilog ang mga mata ko sabay baba ng tingin sa halimaw niya.


Itututok ko sana ulit ang baril sa kaniya nang biglang tumunog ang cell phone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko sa screen ang pangalan ni Cobra.


Sinagot ko ang tawag habang ang mga mata ko ay nakatutok kay Quiro. Mahirap na, baka may gawing hindi kanais-nais ang lalaking hubo.


"Hello?"


"Abort," sagot ni Cobra.


"What—" Putol na ang liniya.


Abort? Abort the mission?! Anong ibig sabihin n'on? Ngayon niya pa pinapatigil kung kailan naririto na ako?!


Nagbuga ako ng hangin. Bakit parang masaya pa ako na wala na ang misyon? Narinig ko ang mahinang sipol ng lalaking hubo. Kumibot na naman tuloy ang sentido ko sa asar. Mabilis ko siyang tinalikuran upang makalabas ng pintuan.


"Hey? Where are you going?" Habol ni Quiro sa akin. At humabol pa talaga!


Hindi ko siya pinansin. Magulo ang utak ko. Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa makalabas ng suite. Hindi ko na rin kasi makayanan na makita ang kaniyang hubad na katawan. Kung anu-ano na kasi ang nai-imagine ko. Parang natutukso kasi akong suntukin siya para makatulog.


At saka tititigan ang kaniyang katawan. Pagkatapos ay hihimasin ko ang kaniyang abs. Then hahalikan ko ang kaniyang malapad na...dibdib.


Oh come on, Tecla! Ano na naman ba itong naglalaro sa isip ko!


Nawalan ako ng balanse at kagyat na napasandal sa pader. Ano ang pakiramdam na ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? I was the one who made the bullet miss. Hindi ko alam pero ngayon lang yata ako nag-alangan na pumatay.


Something's wrong with that guy. O baka naman sa akin ang mali. Hindi ako mapapakali nito. Kailangan mailabas ko kung ano man itong nararamdaman ko.


Patakbo akong bumalik sa kinaroroonan ni Quiro. Hayun pa rin siya at prenteng nakatayo.


Still naked.


Agad ko siyang nilapitan.


Nakangiti siya sa akin with open arms. "Missed me—"


Bigla ko siyang sinipa sa betlog. "Bastos!"


Kandaduling siya sa sakit habang namimilipit. "D-damn! I'm starting to like you."


Pagkuwan ay tinalikuran ko na siya. Siguro naman ay magtatanda na siya. At least gumaan na ang pakiramdam ko. At kung magkatagpo muli kami, sisiguraduhin kong ako na mismo ang kikitil ng kaniyang buhay.



...


PAHARABAS kong itinulak ang pinto ng opisina ng Beauty & Madness Strip Club. Nadatnan ko si Cobra na prenteng nakaupo sa kaniyang executive chair. Para bang hindi niya alintana ang galit sa aking mukha.


"How's my angel?" sumandal siya sa kaniyang upuan at dumequatro. "Ready ka na ba for your number tonight? Marami tayong guests ngayon. Marami kang magiging tip."


"Hindi ako pumunta rito para magsayaw. I am here dahil sa napaka-epic mong side job for me." Napahampas ako sa kaniyang desk. "What the hell was that, Cobra? I almost got him."


Ngumiti siya. "But you didn't."


"Why the sudden abort?"


Tumayo siya. "I don't know. Biglang umatras ang client."


"Sa kalagitnaan ng misyon? What if nabaril ko ang target?"


Nagbukas siya ng wine at sinalinan ang wine glass. "Pero hindi mo binaril. You had your chance, but you chose not to kill him."


"Putsa! Hindi kita maintindihan!"Napaatras ako. Paano niya nalaman 'yon? Yet he was right. Sinadya kong hindi patamaan ng bala ang aking target.


Nangunot ang noo ni Cobra na nakamasid na pala sa akin. "Are you attracted to him? Sa kauna-unahang beses ay na-attract ka sa target mo? Sabagay, he's a handsome guy"


"I don't have a heart. Ganoon mo ako pinalaki, remember?"


Tumango siya. "Good!"


"So anong plano sa kaniya?"


"Hayaan mo na siya. Bored lang ang gagong iyon. Nagsasayang ng pera. Ang importante ay bayad tayo. Iyon ang mahalaga."


"Ikaw lang ang bayad dito." As if binabahagian niya ako.


Bigla siyang napahalakhak. "Did I ever tell you na ikaw ang paborito kong anghel? Higit kay Byuti na puro hangin pero walang talent."


Umikot ang bilog ng mga mata ko. Plastic at balimbing talaga ang gagong 'to. Alam ko naman na kapag si Bettisha ang kaharap niya ay ito ang paborito niya at hindi ako. At wala rin naman sa aming dalawa ni Byuti ang nanaising maging paborito ni Cobra. Pareho kaming nasusuka sa huklubang matandang 'to!


"And you know why?" pumitik siya sa hangin. "You're a genius. Mas malaki ang..." Sabay sipat niya sa dibdib ko.


Manyakis talaga!


"—ang utak mo kay Byuti."


Pumiksi ako nang himasin niya ang braso ko. Ngumisi siya, nasilip ko tuloy iyong isang pirasong ginto niyang ngipin sa loob ng kaniyang bibig.


"Alam mo ba kung bakit ko nalaman na hindi mo na naman nagawa ang misyon mo? Dahil tinawagan mismo ako ng kliyente natin. Hindi mo nga raw siya binaril kahit may pagkakataon kang gawin iyon.


"He's the target! He's not the client." Naguguluhang tiningnan ko sa mukha si Cobra.


"Wrong!" Bumuntong-hininga siya.


"What do you mean?"


"He's the client on his own target."


That's insane! "Siya ang nagpapatay sa sarili niya?"


"Yes, he is. And he will decide if kailangan na niyang ipapatay ang sarili. He's the client, and the target at the same time."


Baliw yata talaga ang lalaking iyon. But on the other side of my mind, ngayon lang yata ako na-excite nang ganito sa isang misyon.

JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top