Chapter Three
MARAHAN akong humakbang papasok sa sliding door ng suite's balcony. Hinawi ko ang ilang piraso ng bangs na bumagsak sa noo ko, mukhang maluwag yata ang pagkakatali ko sa buhok ko ngayon. Bakit ba kasi excited akong lumarga kanina? Ni hindi ko pa nga ga'nong napapakintab ang boots ko, eh.
Pinunasan ko ang pawis sa leeg ko saka kinapa ang baril sa gun holster. Hindi ko naman iyon gagamitin ngayon, pero maigi nang dala ko pa rin iyon.
Chineck ko ang aking sarili, ano pa bang kulang at mali? Ah, alikabok dahil sa pagsampa ko sa terrace. Pinagpag ko ang dumi sa suot kong hapit na black over all. Ito ang costume ko tuwing may misyon ako, sa loob nito ay wala akong suot na bra maski panty. Para kumbaga presko, saka if ever magkahulihan ay ready ako.
Wala akong balak na magpahuli ng buhay, wala akong balak mabulok sa kulungan. Patay kung patay. At least 'pag dinala ako sa morge, hindi na sila mahihirapang hubaran ako, isang zipper lang ang hihilahin nila, then voila! Burless na akez.
Inilibot ko ang aking paningin at hinayaan ang aking sarili na makinig at makiramdam. Tahimik ang buong lugar, may mahinang kaluskos sa kitchen.
Bumaon ang takong ng suot kong leather boots sa carpeted floor. Mararahang hakbang ulit hanggang sa makarating ako kung saan naroon si Quiro Saavedra.
Nakatalikod ito, nakahantad sa akin ang malapad na likod. Tanging boxers na kulay black ang suot. Narinig ko ang pagtunog ng coffee maker.
Marahan akong lumapit. Marahang-marahan.
Bigla siyang nagsalita. "Want some coffee?"
Bumagsak ang balikat ko. Again? "P-paanong..."
Lumingon siya at ngumiti sa 'kin. "Malakas ang radar ko sa mga sexy at magagandang babae."
Napasandal ako sa ref at saka napasipol. Magaling na lalaki.
Inilapag ni Quiro ang dalawang tasa sa ibabaw ng mesa. "So, what brought you here? Wala pa naman akong signal kung kailan ko gustong magpapatay sa 'yo."
"You're crazy," usal ko. Kinuha ko ang isang tasa na sinalinan ko ng brewed coffee. Talagang tig-isa kami, mukhang alam din ng mokong na ito na darating ako tonight.
Tumawa siya. "Hindi ba puwedeng weird muna? Kailangan baliw agad?"
Sumimsim ako sa tasa at tiningnan ang mukha niya. Hindi ko maiwasang pagmasdan pati ang hubad niyang dibdib. Naasiwa ako nang kusa ring bumaba ang mga mata ko mula sa dibdib niya pababa sa manipis na balahibo sa ilalim ng kaniyang pusod.
"Like the view? O huhubarin ko na pati ito?" Hinawakan niya ang garter ng suot na boxers.
Napasimangot ako, kahit pa ang gusto ko talagang maramdaman ay pagkapahiya. Gusto ko pa ngang mag-blush, kaya lang dyahe iyon. Magmumukha akong eng-eng. Hindi dapat gano'n, dapat maangas ako sa sight niya.
"So, ano? Hubarin ko na ba? Wala na rin naman akong itatago sa 'yo."
Inambahan ko siya ng suntok. "Ano ba talagang tumatakbo sa isip mo? Saka bakit ba ang hilig mong maghubo?!"
Tumawa muli siya. "This is my place, lady. Kahit kailan ko gustong maghubo, magagawa ko. At gagawin ko."
"Sabi ko nga," Nagbuga ako ng hangin. "Pero iyon nga, ano bang trip mo? Adik ka ba?"
"I told you, I'm bored." Siya naman ang sumimsim ng kape. Ubos agad. Ni hindi man lang napaso ang dila! Suicidal nga.
"Dahil mayaman ka at guwapo? Nakaka-bore na pala iyon ngayon?"
Kumibit ang balikat ni Quiro. Shet, ang hot talaga ng ungas.
Tumikhim ako para pakalmahin ang aking sarili. "This is really new to me," ani ko. "Iyong ganitong kalokohan. Iyong ganitong kagagong misyon."
Tumango-tango siya. At nagsalin muli ng kape. Adik sa kape. Pero hindi naman mukhang puyat? Ang fresh-fresh nga. Makinis pa sa 'kin ang mukha.
"I told you, I am bored with my life."
"Okay, I will help you tutal binabayaran mo naman ang amo ko kahit wala pang trabaho."
"Help?" Nagsalubong ang may kakapalan niyang kilay.
"Yes. Bibigyan ko ng sagot iyang boredom mo."
Ngumisi si Quiro at nagningning ang mga mata na ngayon ay nasa dibdib ko na. "You'll have sex with me? Hmn, not a bad idea."
Binato ko siya ng matalim na tingin. "'Tado! Hindi iyon."
"Then what?" Disappointed ba siya?
Umikot ang eyeballs ko. "Saka kung gusto mo lang palang jumerjer, marami naman sigurong willing bumukangkang sa harapan mo."
"Iyon na nga, it bores me. Pero kung ikaw? Kung sa 'yo?" Hindi naaalis ang tingin niya sa dibdib ko. Parang laway na laway na mukhang tanga. Ngayon lang ba siya nakakita ng dibdib? "To have sex with a sexy assassin? Hmn...thrilling."
"Mag-apply kang bouncer at janitor sa club na pinagta-trabahuan ko." Iyon ang naiisip kong paraan. Doon mati-thrill din siya sa maraming klase ng babae na walang pagod sa pagsasayaw nang halos hubo't hubad na. At mayro'n talagang naghuhubad sa club, lalo kapag special night.
"Club?"
"Tutal mamamatay ka rin naman, sasabihin ko na sa 'yo ang iba ko pang sideline. Magdalena rin ako sa isang high end club. Pero pauunahan na kita, hindi ako nagpapa-take home. At hindi ko inaalis ang panty ko."
"So, you're still a v—"
"Hep! Stop right there," singhal ko sa kaniya.
"So, you want me to be a..."
"You want some thrill, right?" tanong ko. Imagine, a millionaire working as a bouncer slash janitor in a strip club? Iyon ang thrill. Change of career!
"Yes, but..." Nangangasim ang guwapong mukha niya.
"Oo, bago sa 'yo iyon. It will thrill your boring life, believe me."
"All right."
"Payag ka na?" Namilog ang mga mata ko.
"Yup."
"Okay." Napapalakpak ako. "See you tomorrow, then. I'll pick you up at eight AM." Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. Hindi ko rin alam kung bakit ginawa ko iyon, pero dumagundong nang bongga ang dibdib ko sa kaba.
Pasimple akong lumayo para lang masalo ang kulay tsokolate niyang mga mata. Titig na titig siya sa mukha ko na parang bang gusto niya akong lunukin nang buo.
"Ah, eh..." Lumunok ako at pilit tinigasan ang aking anyo. "I better go, see you tomorrow."
Bahagya lang siyang tumango, sinamantala ko na ang pananahimik niya. Mabilis akong naglakad palayo, kahit parang may tila magnet na humihila sa akin pabalik. Weird. Nakakagagong feels.
Dire-diretso ako, ni walang lingon. Ni walang hinga. Basta dire-diretso. Sa pinto na ako ng suite niya dumaan.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top