Chapter Four
THIRD POV
KINABUKASAN ay pinuntahan nga ni Tecla si Quiro Saavedra o si Q sa condo nito. Naabutan niyang naghihintay sa kaniya ang lalaki. Nakasimangot ito na tila inip na inip sa pagdating niya. At napaka-demanding!
"Paano 'pag dumating ka rito na bumubula na ang bibig ko?" Nakapangalumbaba ito sa mesa habang nakatingin sa kaniya. "Alam mo naman na suicidal na ako, right? And yet iniiwanan mo pa ako nang matagal," sumbat nito.
Guwapo sana, kaso baliw talaga. Sayang ang lahi. "Okay," sumusukong sambit niya.
"So you'll be staying here with me." It was a statement; he wasn't asking her.
Napailing siya matapos mapaubo.
Assasin siya. Kahit naman may pagka-epic siya ay assassin pa rin siya! And damn it. Ito ang dapat niyang patayin. Pero heto siya at alalang-alala na baka magsuicide nga ito bigla.
"Yes," sagot niya kay Q. "Change of career muna ako since wala akong ibang project ngayon."
Project like may ipinapa-trabaho si Cobra sa kaniya. Trabahong illegal. Katulad ng may ipananakaw sa kaniya, may bahay na ipaaakyat sa kaniya o kaya may kailangan siyang manmanang tao. She was trained for that, too. Hindi siya palpak sa ganoon.
"Sa ngayon, sasamahan kita rito sa condo mo. Doon ako sa kabilang kuwarto. Sumigaw ka lang kapag feeling mong like mong mag-suicide, para naman mapigilan kita, okay?"
"Okay." Ngiting-ngiti ang mapula nitong mga labi.
Tuloy ang usapan nila. Ipapakita niya kay Q ang buhay na malayo sa buhay nito bilang isang mayamang tao. Magiging janitor slash bouncer ito sa club na pinagta-trabahuan niya. Siguro naman ay mati-thrill ito sa buhay-mahirap. Para naman maranasan man lang nito ang ibang buhay bago ito magpatiwakal.
Tumayo siya at pinuntahan ang magiging kuwarto niya sa condo ni Quiro Saavedra.
Napangiti si Tecla nang buhayin niya ang ilaw sa loob ng magiging tulugan niya. 'Hmn, not bad...'
Malaki ang kuwarto. Malaki ang kama at malinis. Magiging komportable siya.
Doon muna siya titira sa condo nito hanggang sa mapagdesisyunan nga ng lalaki na mamatay na lang ito. Pero hindi siya papayag. Habang naroon siya ay hindi ito mamamatay. Hindi...lalo na sa mga kamay niya.
Sino ba talaga si Quiro Saavedra? Maliban sa may agiw ang utak ng guwapong binata.
Sino ba ang tanga na halos nasa kaniya na ang lahat pero gusto pa ring mamatay? Nabo-boring-an sa buhay. Ang lame ng excuse nito pero sasakyan ni Tecla.
Siguro hindi niya lang talaga gets ang takbo ng utak ng mga mayayaman. At hinding-hindi niya iyon mage-gets dahil hindi naman siya ipinanganak na mayaman. Ipinanganak siyang malas.
...
KINABUKASAN ay nakabuntot siya kay Q. Si Quiro Saavedra. Iba na ang misyon niya ngayon. Iyon ang tulungan itong i-appreciate ang buhay. Nakakatawa dahil sa dinami-dami ng tao sa mundo ay siya pa talaga ang magtuturo dito tungkol sa kahalagahan ng buhay.
Siya na isang GRO sa club? Siya na dating namamalimos sa kalye? At siya na isa sa tinaguriang anghel sa pusali ng walanghiyang puno ng isang sindikato.
Siya na nakapatay na ng tao. At hindi lang basta tao, kundi sarili niya pang ama. At hindi lang iyon, mayroon pang iba. May napatay na rin siyang isang halang ang kaluluwang businessman. Kinokonsola na lang ni Tecla ang sarili na masamang tao naman ang pinatay niya, ngunit paano naman ang pagkakapatay niya sa inosente niyang ama?
Shit! Natampal niya ang kaniyang noo. Hindi niya dapat isipin pa iyon. Hindi muna.
May bago na siyang misyon. Iyon ay tulungan si Q. Tulungan itong ibalik ang thrill sa buhay.
Eh, bakit hindi mo patalunin sa building? O kaya paglanguyin sa malalim na karagatan? Marami pang extreme sports na maglalagay ng thrill sa katawang lupa ni Q. Sumasalit sa isip niya ang mga tanong at suggestion na iyon. Kaso mukhang hindi iyon ang thrill na hinahanap ng lalaking may agiw ang utak.
So dito niya ito dinala sa club. Inalis niya si Quiro sa Beauty and Madness Strip Club at dinala sa Wild Flowers. At least dito ay mas mababantayan niya ito. Mas marami kasing pating sa kabilang club kesa sa karagatan. Mga pating na nangangain ng guwapo. At ayaw niyang malapa nang buhay si Quiro.
Pinagpalit niya na ito ng magiging uniporme nito sa club. Isang itim na t-shirt at itim na pantalon. Gusto niyang mapasipol nang lumabas mula sa banyo ang binata.
Akala niya ay mababawasan ang appeal nito sa simpleng jeans at shirts, pero nagkakamali siya. Mas nag-umapaw ang sexiness ng mokong.
Maganda ang pagkakahapit ng pants nito sa ibabang bahagi ng katawan, at malinis na nadala ni Q ang itim na t-shirt. Magulo ang hindi purong itim na buhok na alon-alon, gayunpaman ay malinis pa ring tingnan. He looked so fresh. Yummy.
And Q's deep set of eyes, dark long lashes and high bridged-nose made his appearance very strong and powerful. Hindi ito mukhang janitor slash bouncer. Mas mukha itong male stripper o kaya naman ay modelo sa isang sexy magazine para sa mga kababaihan. Kaya siguro natanggap agad ito sa club. Dahil umalembong agad ang mamasang nila.
"Hey?"
Napakurap sya.
"Okay lang ba?" tanong nito. "Para kasing ang sikip."
"Ha?" Napatingin siya sa itinuturo nito. Nanlaki ang mga mata ni Tecla nang makitang ang harapan ng pantalon nito ang tinutukoy ni Q. Mukhang sasabog na ang kinaroroonan ng bakal na krus.
"Tecla?"
"Ha?" Itinaas niya ang tingin sa guwapo nitong mukha. Shit. Bakit ba biglang uminit ang paligid?
"Sabi ko ang sikip nitong pants. Kawawa naman ang junjun ko."
Napangiwi siya. "O siya, hahanap ako ng ibang pants para sa 'yo." Hindi kasi nito puwedeng gamitin ang mga mamahalin nitong damit at baka mahalata sila.
Sumakit ang ulong bumalik sa dressing room si Tecla. Kinakabahan siya sa mga pating sa club na ito. Malamang sa malamang ay puputaktihin ito mamaya ng mga kasamahan niya. Dahil ang tipo ni Q ang tipo ng pagmumukha na hindi basta-basta, tiyak niyang marami itong babaliwing GRO habang naririto ito.
Namo-mroblema tuloy siya. Paano nga ba niya ito papapangitin? Iyon yata ang pinakamahirap gawin. Dahil kahit yata basahan ang ipasuot kay Q ay super guwapo pa rin ng tinamaan ng magaling.
"I'll wait for you here, Tecla!" pahabol na sabi nito sa kaniya.
Tuluyan na siyang napailing. Pati ang boses nito ay masarap pakinggan.
Teka, bakit nga ba niya pino-problema kung dumugin ito ng mga kababaihan? Ano bang pakialam niya? Hindi naman niya ito boyfriend.
'Anong nangyayari sa 'yo, Tecla? Tuluyan ka na bang nabaliw?' inis na sita niya sa sarili.
Siguro nga nababaliw na siya dahil mukhang hindi niya kakayanin na pagkaguluhan ng mga kasamahan niyang GRO ang lalaki mamaya. Hindi siya makakapagtrabaho nang maayos, at malamang na buong gabi, baka itali niya si Quiro sa kanyang bewang para lamang mabantayan ito.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top