Chapter 24
"I miss him so fucking much!"
"Gago ka! Ginulat mo 'ko!" She clutched her chest in shock. "Pinagsasabi mo?!" Bea groaned and almost threw the ladle she was holding at me.
"I can't help it," I said tearfully.
"Ano ba nangyari?" she asked impatiently.
"I miss him."
"Oo, alam ko. Sinabi mo na 'yan kanina. Did you have a fight with, Prince?"
"No, it's not him..." I lowered my head and fidgeted with my fingers. "I miss him but I shouldn't."
"Not him?! Then who?!"
"Am I... going insane? I'm insanely miss him!"
"Okay, okay, Yshawn. So, sino nga ba kasi 'yan?" Nilapitan niya ako at pinagkrus niya ang mga braso niya sa dibdib. I raised my hands, was about to speak, but ended up lowering them and letting out deep breaths... I felt like I was about to cry. I heard Bea laugh a little at what I did. "Ano ba 'to, naglalaro ba tayo ng charade?"
Hindi ko na siya sinagot at hinila lang siya papunta sa terrace. Nang marating ay pinaupo ko siya sa sofa at napahawak naman ako sa noo ko habang paikot-ikot na naglalakad. Nakasunod lang ang tingin niya sa akin, nagtataka. Kahit ako ay nagtataka kung bakit ako nagkakaganito!
Maya-maya ay tumayo siya at nilapitan ako, inamoy niya ako at pinagtaasan ng kilay. Hinampas niya ako sa braso at pinagsabihan na huwag ko nang uulitin ang magmaneho nang nakainom. Iksakto namang may niluluto siyang sabaw kaya nawala rin ang tama ng alak sa katawan ko matapos niya akong pahigupin niyon.
Kasabay namin sa pagkain ang magkambal kaya noong matapos kaming kumain ay bumalik kami sa terrace para doon mag-usap. Naramdaman ko naman na matino na ang isip ko hindi tulad kanina na hindi makontrol, at kung anu-ano na lang ang mga sinasabi.
I sighed and sat on the sofa, facing her. "N-Nagkita na kami. Nandito siya."
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang naging reaksyon niya. Parehong nagsalubong ang mga kilay niya habang iniisip kung sino ang taong tinutukoy ko. Maya-maya pa ay nakita ko na lang na napatakip siya ng bibig at tumingin sa akin. Kilala na niya kung sino iyon kahit hindi ko na sabihin.
"Si Gino?" As I thought, she already knew who it was. I nodded and her reaction was in disbelief. "The heck! Kailan pa siya nandito?!"
And that was the time I opened up to her. I told her everything, from the beginning to the end. And I admitted what I've been feeling these past few days, I felt strange as my mind told me that I feel like I'm looking for him... No, I'm not just looking for him, but longing for his presence.
"So, he pursued his writing?"
"Hmm." I nodded. "And he wants me to read his works."
Ngumiwi ang mukha ni Bea, hindi pinaniniwalaan ang sinabi ko. Nagsabi pa ako ng mga nangyari para makumbinsi siya na totoo ang mga iyon hanggang sa nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Noong kinuha ko iyon ay bumungad sa screen ang number ni Gino.
Napatingin sa akin si Bea at hindi makapaghintay na sagutin ko ang tawag. Noong sinagot ko iyon ay mabilis siyang sumiksik sa akin at idinikit ang tainga sa phone ko para marinig ang nasa kabilang linya. Gino asked if we could meet on Sunday... he has finished his novel and he wants me to read it.
Matapos niyon ay napatingin si Bea sa akin. "Si Gino 'yon?! What the fuck?!"
Bea's reaction is similar to mine. I felt extreme nervousness and excitement when I saw his number and called. I feel like I'm drowning in something that makes me stutter and lose my sanity. That's how he makes me feel.
"Ilang beses na kayo nagkita pero 'di niyo man lang binring up 'yong nangyari noon?" she asked, her brows furrowed.
"Maybe we both think it is over... It shouldn't be discussed because it is the past."
Nag-iisip na patango-tango naman siya. "Pero tanong ko lang, personal 'to, ah? Personal mong sagot din. Gusto mo ba malaman 'yong reason kung ba't ka niya niloko no'n? O, 'di kaya may dahilan siya bukod doon? Hindi mo ba 'yon natanong sa sarili mo, o sa kaniya?"
I pursed my lips. "I did... I did ask myself but not yet to him."
"Ba't 'di mo itanong sa kaniya ngayon? May chance ka na." Napatingin ako sa kaniya at nakitang seryoso siya sa sinasabi niya.
"Why do people cheat then?" My brows went up as I waited for her to say something. "Isn't it because they found true love in someone else and not in you? That shouldn't be asked."
Ganoon naman talaga iyon, hindi ba? I may have given it all to him, but it may not have been enough, and he found what he was seeking in others that I did not. Then it's not just about that, it's also about who he likes or loves more... and it isn't me.
"Bakit ka pa nakikipagkita sa kaniya kung gano'n?" Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong na iyon. Uminom siya ng tubig na nasa harapan namin habang hindi inaalis ang tingin sa akin, inoobserbahan niya ako at hinihintay ang magiging sagot ko. "I'm not saying that you can't meet him but... iba kasi nakikita ko sa 'yo dahil diyan."
"Because we're best friends?" He ruined everything, yet we can't let go of our friendship. We've done a lot together... So maybe it's just that I easily left aside what he did, and that's why I became friends with him again because of that.
"But I don't see you like that." She shook her head. "I advised you to settle with him, not to get back with him. That's how I see you, Yshawn. You've already let someone in... you can't ever open it to anyone else."
"I won't." Tanggi ko agad.
"But with your reaction earlier, you were so, so close to that. You even screamed that you missed him so fucking much."
"I did?"
"Hm-hmm... Alam mo, advise ko, na h'wag kang uminom kapag may na-mi-miss kang tao." Tumawa siya at itinago niya pa ang tawa niya gamit iyong basong hawak niya. Napahilamos naman ako ng mukha, inis na inis sa sarili. "Ayos lang 'yan, parte talaga 'yan ng buhay."
"Dude, what the fuck..." Naidukmo ko ang mukha ko sa mga palad ko. I groaned.
Ngumuso ako at napabuga ng hininga. Agad namang napatayo si Bea noong marinig niya ang magkambal na tinatawag siya at nagpaalam din siya na may aasikasuhin lang sandali sa kusina. Habang wala siya ay nakatulala lang ako, nakatingin sa kawalan at iniisip ang sinabi niya.
I think of him all the time. I never go a day without picturing what my day might be like with him. I almost forgot what he did to me. Because of him, I forget things that bother me, I forget everything. He is the reason I'm here... telling and talking about him. I'm not supposed to feel those things or even think of him... I really shouldn't be.
But maybe there's something that brings me back to him. Maybe I'm the problem with why I'm feeling this way. Maybe my broken self finds a way to remember everything, and he's the one who pulls me through. I still don't get the point, and I'm not sure why I'm acting this way but...
"Could this be love?" I whispered. Tang ina, love? Gago, hindi! Malungkot ka lang kaya ka ganyan!
Nagpaalam na ako kay Bea at noong hinatid niya ako sa labas ay sinabi ko sa kaniya na huwag na siyang mag-alala sa akin. Inamin ko rin na may feelings pa rin ako kay Gino pero hindi naman ako sigurado kung ano iyon, maraming 'paano kung' kaya ginawa ko na lang na kaswal ang nararamdaman kong iyon.
"He already has someone with," sabi ko noong nasa tapat na kami ng kotse. She looked up at me, asking. "Kaya h'wag mo nang isipin na may iba pang kahulugan 'yong pakikipagkita ko sa kaniya." She's right, I already have someone and he also has... ganoon na lang iyon.
Umuwi ako ng bahay na walang gana. Hindi ko pa mabuhat ang sarili kong katawan na nakahiga sa sofa. Sunod-sunod ang buntong-hininga ko at hindi mapakali sa iisang tabi. Pumanhik ako sa kabilang side, tumihaya, dumapa hanggang sa isinabit ko ang mga hita ko sa backrest.
Iniisip ko na naman ang ginawa ko! I miss him? Puta naman, nakakainis isipin na sinabi ko iyon! Napasabunot na lang ako ng buhok. Hindi ko alam kung gaano ko katagal na iniisip iyon, ang alam ko lang ay nakatulog ako rito mismo sa sofa, hindi ko na rin nagawang maglinis at mag-ayos ng sarili dahil sa pagod.
I forced myself to go to work even though I knew I was so dead late. Nasita naman ako ng mga mas nakakataas sa akin at todo yuko pa ako para humingi ng tawad. Noong mag-luch ay pinagsabihan ako ni Ate Carra na ayusin ko ang schedule ko dahil hindi na pwede ang mga excuses ko na pumalo sa traffic, at kung anu-ano pang dahilan.
Dahil sa pagod ay iniwan ko na lang ang sasakyan ko sa kumpanya at nag-book na lang ng driver na maghahatid sa akin pauwi. My shoulders sank when I was dropped off at the front of my house, I then immediately straightened my body when I suddenly saw him in front of me.
Sando na itim ang tops niya at cream coffee loose trouser ang pangbaba. Nakasandal siya sa motor niya habang magkakrus ang mga braso sa dibdib, mukhang hinihintay ang pagdating ko.
Naglakad ako palapit at hindi man lang niya naramdaman ang presensya ko noong nasa tabi na niya ako. Tutok na tutok lang ang mga mata niya roon sa bintana, hindi ko alam kung ano iyong inaabangan niya.
"Oh! Nakita mo 'yon? May dumaang anino!" Halos mapatalon naman ako sa kinatatayuan ko noong bigla siyang nagsalita! Napatuwid pa siya ng tayo at tinuro ang bintana!
Nagsalubong kaagad ang mga kilay ko at napahawak pa ako sa dibdib. "Ginulat mo 'ko!" Akala ko ay hindi niya ako napansin!
Nakatingin lang siya sa akin na parang walang nangyari. Binulsa niya ang mga kamay niya habang ganoon pa rin ang postura niya, at maya-maya ay nakita ko ang pagnguso niya. Hindi ko naman maalis ang inis ko dahil doon... May dumaang anino? Huwag niya akong binibiro ng ganoon! Mag-isa lang pa naman ako sa bahay!
"Nakita ko... May anino talagang dumaan."
"Huh? Eh, ako lang naman nakatira diyan?" Salubong ang mga kilay ko. Hindi siya umimik at seryoso talaga ang mukha niya. Naglakad ako at hinawi siya patabi. "Tabi nga."
Tumingala ako patingin doon at ganoon din ang ginawa niya. Ilang saglit pa ay nakita ko ang tinutukoy niyang anino at nag-react pa ulit siya katulad kanina noong makita niya iyon.
"Multo? Multo yata 'yon," dilat na dilat ang mga mata niya nang sabihin iyon.
Napangisi naman ako sa reaksyon niya. Parang siyang bata na nakakita ng totoong multo, alam kong natatakot siya pero nilalabanan lang niya iyon. Napabuntong-hininga na lang ako at inaya siya sa loob na pumasok para i-check ang kwarto ko.
Inilapag ko ang mga dala kong gamit sa sofa bago naglakad paakyat at nilingon siya, hindi ko na kasi naramdaman ang presensya niya. At nakita ko na nga lang siya na nakatayo lang doon sa tabi ng sofa, nakatingala sa akin habang ang mga kamay naman ay nasa likuran.
"'Di mo ba 'ko sasamahan?" Napanguso ako noong makita ko siyang napahimas sa batok. Ganoon lang siya, hindi siya nagsalita at nasa sahig lang nakatingin. Natawa naman ako ng sarkastiko. "Natatakot ka ba?"
Tumingin kaagad siya sa akin nang sabihin ko iyon, salubong ang mga kilay. "Hindi, ah. N-Nahihiya langa ako. Ayoko naman maging kumportable agad, eh, hindi ko naman 'to bahay."
"Ah..." tatango-tango kong sambit. Halos maabot na ng gilid ng labi ko ang tainga ko noong peke akong ngumiti. "Make yourself comfortable then. I'm allowing you. Para ka namang others."
Natawa naman siya. "Nahihiya lang talaga ako... sa 'yo, pati na rin sa hitsura nitong bahay... ang laki," mahinang sabi niya habang nililibot ang tingin sa paligid. "Nagmumukha akong dumi sa sobrang linis."
He used to have a house like this, so why does he seem intimidated? Para namang bago sa kaniya na makakita ng ganito kalaking bahay. Naaalala ko pa nga noon kung gaano kalaki iyong bahay nila, mas doble pa nga ang laki niyon kaysa rito.
May ibinulong siya. "Tapos ikaw lang mag-isa? Nakakalungkot. Mas gusto ko pa 'yong apartment mo noon, masaya tingnan."
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya noong marinig iyon. Bigla akong napatameme. Kinlaro ko ang lalamunan ko at hindi na lang inisip iyong sinabi niya.
I hissed. "Dami mong palusot. Takot ka lang talaga."
Napalingon siya sa akin. "Hindi..." todo tangging sabi niya pa, umiiling.
"Hindi naman pala. Sasama ka ba o sasama ka?" tanong ko at nakita siyang napakamot ng noo. Nakikita ko kung paano mag-flex ang muscles niya sa braso dahil doon. "One... one... two..."
Mabilis siyang naglakad paakyat ng hagdan noong magbilang ako. Noong nasa harapan ko na siya ay napatingala ako. Inosenteng-inosente tingnan ang hitsura niya habang nakanguso ang mga labi. Mapang-asar ko siyang nginisihan at umiling pa ako bago siya tinalikuran at umakyat na sa kwarto.
Noong nasa tapat na kami ay hinawakan ko na iyong door knob. Nilingon ko siya sa likuran ko at natatawa naman ako dahil halata sa kaniya na natatakot siya. Kita pa sa hitsura niya na gusto niya akong hawakan sa damit at magtago sa likuran ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
"Wah!"
"Oh, fuck!" Gulat na gulat na sambit niya noong pagkasigaw ko at napahawak pa siya doon sa railings. "Putik!" Natakot siya pero natatawa siya habang nagrereklamo sa akin.
"Hindi raw takot..." Napairap naman ako sa ere at sinipa iyong pinto. Noong bumukas iyon ay bumungad sa amin iyong vacuum cleaner na robot... Hindi anino iyong nakita niya sa bintana kundi ilaw galing doon sa vacuum. Sinet ko iyon sa ganitong oras na sa tuwing alas otso ng gabi ay automatic na lilinisin nito ang kwarto ko. "Tsaran... mama mo multo."
Nginiwian ko siya ng mukha at nilagpasan siya roon, hiyang-hiya dahil mali ang inaakala niya. Tinakot niya pa ako kanina pero nawala rin naman kaagad noong mapagtanto ko na ilaw lang iyon galing sa vacuum robot. Nakayuko siya habang nakasunod sa akin.
"Ba't ka pumunta rito? Anong meron?" tanong ko habang naglalapag ng inumin sa lamesa. Nakaupo siya sa stool at pinapanood ako sa ginagawa. Nang masalinan ko ng tubig ang baso niya ay tinulak ko iyon sa harapan niya. Inaya ko siyang mag-dinner pero tubig na lang daw.
Pagod ako, dahil din doon ay nahahalata iyon sa boses ko na ngarag. Maya't maya rin kung pumipikit ang mga mata ko dahil sa antok. Kung wala lang talaga siya rito ay kanina pa bagsak 'tong katawan ko sa kama.
Ininom niya muna iyong inabot kong baso ng tubig sa kaniya bago siya yumuko... hindi siya makatingin sa akin ng diretso, nahihiya. "I came 'cause you agreed to come with me."
"Sumama sa 'yo? S-Saan naman? Wala akong maalala na may sinabi akong ganyan." I faked a laugh, wondering what he said.
Napaawang saglit ang bibig niya. "Uh-Uhm... I called you last week. I said that I had finished the novel I was working on, and you agreed to read it at the place I said."
"Talaga? Pumayag ako? And ngayon 'yon?" sunod-sunod na tanong ko at tahimik na tumango naman siya. Napasinghap ako at naikagat ko pa ang hinalalaki ko habang inaalala iyon. Kailan ko ba sinabi iyon? Pumayag daw ako? Iyon ba iyong araw na nakila... "Oh, shit. Oo nga!" impit na sabi ko.
Napahimas ako ng mukha nang maalala iyon! Hindi ko na iyon matandaan, siguro dahil sa naging busy ako nitong mga nakaraang araw, ang dami ko ring iniisip noong mga araw na iyon.
Mabilis ko rin makalimutan ang mga nakalipas na nangyari. I'm not sure if it's an illness, but every time my anxiety attacks, it's as if some of my memories are being erased from my brain.
"Ayos lang, Yshawn. May... ibang araw pa naman. Maybe we can talk about it when you have some free time."
"Huh?" iyon lang ang nasambit ko sa pagkadismaya! Hindi pwede, wala na akong ibang araw na libre ako... Ngayon lang! Hindi ako sigurado kung mayroon pa nga. Umiling ako. "Hindi, pupunta tayo. I mean... Okay lang, maaga pa naman."
Napalingon siya sa akin. "Sure ka-"
"Oo," I cut him off. Pilit pa ang tawa ko noong naglakad na ako paakyat sa kwarto. "Magbibihis lang ako. Diyan ka lang mabilis lang 'to."
Nakasunod ang tingin niya sa akin at sinisigurado niya pa na ayos lang ba talaga sa akin na umalis ngayong diys oras ng gabi. Hindi ko na lang siya pinansin at nagmamadali na lang akong nagbihis.
As long as I'm still standing, I won't waste having fun... I'm sick of waking up to work... I also have a life, I need to feel that too. And if I have to feel that with him, that's not the case... That works in my favor because even in this way, I felt that we were fine.
"Tara na?" Malawak ang ngiti ko noong nakababa na ako, naroon siya sa sofa tahimik na nakaupo. Nag-half bath na lang din ako para magising. Kumunot naman ang noo ko noong mapansin ko na bigla siyang napatulala sa akin. Na-conciouse tuloy ako bigla dahil sa mukha ko siya mismo nakatingin. "B-Bakit? May mali ba sa mukha ko? Nakabaligtad ba, o mali pagkakalagay ko sa mata ko?"
Napaiwas kaagad siya ng tingin at aligaga pa noong tumayo siya palapit sa akin. "Nothing. I was just wondering if you're really okay to go at this time-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya noong iniwan ko siya roon. "Ang dami mong sinasabi. Gusto mo ba o ayaw mo?" sabi ko habang naglalakad na palabas ng bahay, nakasunod naman siya sa akin.
"Gusto," sabi niya nang matapat na kami sa motor niya. "But it's inconvenient for you, yet you're just trying not to be because of me, I know. And I don't like that." Seryoso ang boses niya pati na rin ang mukha niya.
Kumawala naman ang tawa ko noong marinig iyon, nagtataka naman siya sa naging reaksyon ko. "Salamat sa concern pero tanga, oo, pagod ako pero ginusto ko naman 'to. Kaya baliw, ayos lang. Ano ba? Pumunta ka rito kaya alam kong trip mo ring gumala sa kung saan... Eh, kung ayaw mo, ako na lang mag-isa ang aalis. I'm smart... I can run this." Tinapik ko itong motor niya.
Umiiling-iling siya habang nakangiti. Ganoon ang hitsura niya habang nakatingin sa akin. Para siyang naninibaguhan sa akin. Siguro kaya siya ganito dahil noong unang kita naming dalawa ay nakilala niya ako na seryoso at propesyonal. Eh, hindi naman ako iyon.
"You can?" walang tiwalang sabi niya pa at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Siyempre! Ikaw lang ba paborito ni lord? Kami rin, 'no. Pantay-pantay tayong lahat sa mata niya... Eqaulity ba!"
Ngumisi siya. "Sa mata ko, hindi," mahinang sabi naman niya.
Ngumiwi naman ang mukha ko. "Problema mo na 'yon, tanga."
Napatakip siya ng bibig at tinatago niya ang tawa niya roon. "Where did you get those words?"
Napahinto naman ako. " It... it's just me. Ganyan naman talaga ako, ah? Bakit, may problema ba do'n?" That's how I really am... That's the real me, that's just how I am every time I'm in front of him. Hindi ko iyon napapansin.
Nakangising umiling na lang siya at sumampa na roon sa motor niya. Suot na naming pareho ang helmet pero hindi pa ako sumakay. Sinenyasan ko siyang umalis. Pinanindigan ko ang sinabi ko na kaya kong magmanaeho dahil hindi ko gusto iyong hitsura niya na parang minamaliit ako.
Pilit siyang napababa ng motor. Sinakyan ko iyon at ini-start. Tinanong niya pa ako ulit kung kaya ko ba talaga, pino-provoke niya ako kaya pinihit ko ang handle noon. Sabi nila ay parang nag-bi-bisikleta ka lang naman kapag nag-mo-motor pero ba't hindi ko makontrol?
Natataranta siya sa likuran ko kaya ganoon na rin ako hanggang sa ibinagga ko na lang ito sa poste. Muntik pa sana akong matumba kung hindi niya ako kaagad nahabol at naalalayan. Bumaba ako ng motor habang nahihiyang tumatawa.
"Sabi ko sa 'yo, e... kaya kong patakbuhin 'yan." I awkwardly laugh.
Na-fu-frustate niya akong tiningnan at buntong-hiningang umiling. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tinanong kung ayos lang ba ako. Tumango na lang ako at sinasapawan ang pagkapahiya sa paraan ng pagtawa at pagngiti.
Binaybay na namin ang daan papunta sa lugar na sinasabi niya. Nabanggit niya sa akin ang pangalan pero hindi ako pamilyar doon, sa kaniya ko lang din narinig ang lugar na iyon. Mahaba-haba ang biyahe. I unconsciously smiled as I felt the night air engulfing my body... it just felt so wonderful.
When I raised my head, I saw how lovely the moon was... The Moon and Starry turned out to be our guides to our destination. Halos hindi ko na mapigilan ang mapangiti at mapahiyaw sa tuwa dahil sa ganda ng lugar... We're on the avenue and all I can see are those grasslands and the silhouette of the high mountains in the distance.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nanatili pa rin ang payapang pakiramdam dito sa dibdib ko habang unti-unti kong binubuksan ang mga braso ko. I spread out both of my arms, dinama ang daloy ng pagtakbo at malamig na haplos ng hangin. Noong dumilat ako ay nakita ko ang reaksyon ni Gino sa salamin, nakahahawa ang ngiti niya kung kaya't napangiti na rin ako sa kaniya.
I want to feel alive again, twice as much.
Pinihit niya paliko ang motor. Palayo na ito doon sa kalsada at ilaw lang na nanggagaling sa motor niya ang nagpapaliwanag sa paligid. Mababa ang mga damo at dinadaanan talaga ang lugar na ito dahil may daan rito na binabaybay na rin namin.
Hininto niya ang motor dito sa lilim ng puno pagkatapos ay bumaba na ako. Narating na namin ang lugar na sinasabi niya. Habang inaayos niya ang pagkaka-park ng motor ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid, napaka tahimik at ingay lang ng mga kuliglig ang naririnig ko.
"Napaka dilim naman dito," mahinang sabi ko habang inaaninag ang paligid.
"But nighttime is more peaceful," pagsasalita niya sa tabi ko.
Naparada na niya nang maayos ang motor niya at nakapatay na ang headlight noon, liwanag ng buwan na lang ang nagbibigay ilaw sa paligid. Hinugot ko ang phone ko at in-on ang flashlight para kahit papaano ay alam namin kung ano ang dinadaanan namin.
"It's unusually peaceful... and there's only the two of us here." Nakatingin lang ako sa daanan. Mababa lang naman ang mga damo, wala naman yatang ahas kapag ganito.
"You scared?"
Napatingala ako sa gilid ko at pinagkunutan siya ng noo. "Me, scared? You really asked me that, huh?" Ikaw nga 'tong takot na takot sa multo.
"Don't mind the ghost... pero kung meron man..." Mahina siyang tumawa bago itinuon ang paningin sa paligid. His voice was so soft. "The main thing is... we share the place's peace and beauty with them, right?"
Napangisi naman ako. "Ang laking tulong ng sinabi mo." Umiling ako.
"Thank you."
Habang naglalakad kami sa gitna ng kapatagan ay nagkukuwento siya tungkol sa mga multo, mga trivia at fun facts. Ang sabi niya, iyong mga bata at hayop ang madalas makakita at makaramdam ng presence ng mga multo... dahil daw mataas ang level ng energy nila na nakaka-attract sa mga multo.
"Ghosts are sometimes misidentified as imaginary friends by kids," seryoso niyang sabi. Hindi na ako natutuwa sa kuwento niya. "They thought it was their imaginary friend but it was really a ghost-"
Kinlaro ko ang lalamunan ko at napahinto naman siya sa pagkukuwento. "Malayo pa ba?"
Hinarap niya ako at itinutok ko naman sa kaniya ang flashlight ng phone ko. Nakita ko ang reaksyon niya na walang emosyon habang nasa likuran ko siya nakatingin. Pumaikot ako at sinundan ang tingin niya, itinapat ko pa ang flashlight doon sa direksyon na tinitingnan niya.
"Did you see that?" he whispered.
"Ang alin king ina mo?!" Seryoso, natatakot na ako!
Bigla siyang sumigaw at natataranta naman akong napatakbo sa takot! Halos madapa pa ako sa pagmamadali! Maya-maya pa ay napahinto rin kaagad ako noong marinig ko siyang tumatawa roon sa damuhan, nakahiga na siya sa sobrang tawa. Parang kabiruan!
"We're here! We're here... I'm sorry," sabi niya habang nakahawak pa sa tiyan at tumatawa.
"Ang lakas din ng trip mo eh, 'no?!"
Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at noong nasa tapat na niya ako ay hindi ako nagdalawang isip na kotongan siya. Napatulala siya sa ginawa ko at hindi man lang umaray kahit alam kong nalakasan ko iyon. Ngunit ilang saglit lang din ay napahawak siya roon at umaaray... pero nagagawa niya pa ring tumawa.
"Baliw!" Umirap ako.
Naglatag na siya ng blanket. Umupo na ako sa tabi niya at inilapag ko naman ang phone ko habang nakabukas pa rin ang flashlight. Pareho kaming natahimik, at napamasid na lang sa paligid... Pareho naming dinadama iyon.
The breeze, those birds chirping, the sound of crickets that can be heard everywhere. Everything was perfect. How I wished that this moment would never end... if only it could.
"Mas marami ka pang alam na lugar dito sa Luzon kaysa sa 'kin." Months pa lang siya rito pero mas marami pa yata siyang napuntahang magagandang lugar. It just made me realized that I really was too busy living in the way of work and forgot to see these places.
Itinukod niya ang mga kamay niya sa likurang bahagi para magsilbing alalay, pagkatapos ay nilingon niya ako. "You've been here for years. Have you ever traveled?"
Sarkastiko naman akong natawa sa sinabi niya. "Nakapag-travel na 'ko... Laguna to Manila. Mula sa bahay ko sa Laguna, hanggang sa main office ng company na tinatrabahuan ko sa Manila."
"So your main house is in Laguna?" he asked.
"Hmm." I nodded.
I'm a busy person and since I live in Laguna and just have a house that Prince took for me in Manila, the only travel I've ever experienced is going around the office and traveling to Manila for work. Traveling for money is heaven, but it is also traveling to goddamn hell. It's just like a fairground ride.
"But that's not what I meant." He shook his head while grinning.
"Bakit? Travel pa rin naman 'yon, ah? Nakapunta sa ibang lugar... that's what travel means, 'di ba?"
"Hm-hmm..." He nodded, obviously not wanting to intervene and argue. "Guess I don't need to explain. You're right."
"Dapat lang." I hissed.
He just smiled, and we fell silent once again. Tahimik lang siyang nakatingin sa kawalan habang naroon pa rin ang ngiti sa mga labi niya. Napansin ko na naman iyong balbas niya, hindi pa rin niya nililinis ang mukha niya. Pero bukod doon mas napansin ko ang pagbabago ng katawan niya, he gained muscles.
"You can touch it." Agad akong napaiwas ng tingin noong sinabi niya iyon. Nang marinig ko ang mahinang tawa niya ay wala sa sarili akong napalingon sa kaniya. Inaasar ako! Tiningnan niya ang braso niya at nilingon ako, sumisenyas. He extended his arm toward me. "Here."
I laughed in disbelief. "Do you think I'm that desperate?" I tsked, shaking my head.
He firmly shook his head. "No. I just saw you looking at my arm so I offered it to you."
"Ano?!" inis na sabi ko at halos idukmo ko na ang mukha niya sa damuhan. "You, man? Looking is not the same as wanting to touch."
Napasinghap ako sa sobrang inis at naikuyom ko pa ang mga kamao ko. Ayan, ngumiti na naman siya bago tumingin sa harapan. Wala talagang pagbabago sa taong 'to.
"But I'm desperate," bigla niyang sabi.
"Sinasabi mo?" Salubong ang mga kilay ko.
"Can I touch yours?" He pouted as he looked at me.
"M-Mine? What?" I said in disgust. "Ew, no!" Hahawakan, iyong akin? Baliw!
He chuckled. "What I mean is your cheeks. Can I?"
Tiningnan ko siya nang maiigi kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Nakita ko namang ngumiti siya at malarong pinagtaasan pa ako ng mga kilay. Napangiwi naman ang mukha ko, and just I raised my middle finger bago nag-iwas ng tingin sa kaniya. Tumawa lang siya at umiling.
Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon na lang ang pansin sa paligid, ngunit maya-maya pa noong nilingon ko ulit siya ay ganoon pa rin ang hitsura niya, gustong-gusto pa ring hawakan ang pisngi ko.
"Gusto mo talaga?" tanong ko at agad naman siyang tumango. Bahagya siyang umusog palapit sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako. Pasiring akong tumingin sa harapan bago ko inangat ang pisngi ko. "Hmm... Mabilisan lang."
Before he focused solely on my cheek, I caught a glimpse of his smile widening out of the corner of my eye. I then saw his index finger pointing at my cheek and felt him poke it many times.
"Wow..." I heard his amazement. "Y-Your cheek... It's so soft..."
Inilayo ko na ang mukha ko sa kaniya. "Why do you seem to want to bite it?" I joked.
"Can I?"
"Ha?" I said in surprise. "Are you insane?" Shouldn't he refrain from saying that?
I distanced myself from him. Umayos lang siya ng upo at muling tumingin sa kawalan bago nagpakawala ng mahinang tawa. Clearly, he was trying to trip me.
Kinuha niya iyong mga in-order namin sa drive thru. Inilagay niya ang mga iyon sa pagitan namin at pina-flashlight-an ko pa siya para makita iyong laman noong plastic. Isa-isa niyang nilabas iyon at inabot sa akin at tahimik lang kaming kumakain.
"I think I need to find new places where you can go," he suddenly said. "And I'll just list those as recommendations."
"You'll do that for me?"
"Uhm..." he uttered, thinking. "Nope. I want to travel and share with you the places I've been. That's it."
Napaawang naman ang bibig ko, hindi inaasahan ang magiging sagot niya. What do I expect? Na espesyal ako para gawin niya ang bagay na iyon para sa akin? Stupid! I looked like a fool in his eyes as if I need more from him.
"Okay." Tumango lang ako na parang hindi napahiya. "Salamat."
Muli na naman kaming tumahimik. Pareho naming hindi namamalayan iyon dahil sa ganda ng lugar. Parang ayaw naming sirain ang katahimikan.
"Were you happy here?"
I looked at him when he asked me. That's an unusual question. Simple lang naman ang tanong na iyon pero bakit parang mahirap sagutin? Bumuntong-hininga ako habang iniisip kung kailan ba ako naging masaya.
"This world overwhelms me, and I don't know when I was truly happy." What I said made me snicker. "I guess all I felt was hatred."
Nilingon niya ako, mapungay ang mga mata. "What made you hate this world?"
Nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya. "People," sagot ko.
People don't make sense to me. There are numerous norms and laws, they are intelligent and can think and feel, they are in charge... They know right and wrong, they have this awareness but I don't understand how they can make others feel as if they don't belong in this world, as if they don't exist... and worthless.
I was a victim of domestic violence, my own brother, father, and other people close to our family were able to physically and emotionally hurt me. Physical and verbal abuse, I experienced those... from my own family. Just one day, I realized that people are weird, in a bad way... and I hate it.
"There's no one here, you can be happy." He looked at me.
"You're here..." I said and that made him look dumbfounded. I looked at him and our eyes met. "But I will."
His eyes seemed to be talking to me, his gaze was meaningful and I could see how sincere it was. I shortly looked down before turning back my eyes to his, I smiled at him and after a few moments, I witnessed the smile forming on his lips.
For so many years, I have set foot in this world, many people have walked with me, and every time I stumbled they were there to help me...
They were just by my side, ready to give me an embrace whenever I needed someone to understand and sympathize with me.
I could feel their worry and fear of what was transpiring to me. And so they supported me, but all the people embraced me...
It turns out that there is just one person who can give me more than that, words that are filled with wisdom and heart... Gino sent it.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top