Chapter Two

Muntikan

Lu's

ANDROMEDA CONSUNJI – OREJON - si Andy, ang unang – unang bumati sa amin ni Ysrael pagkadating namin ng CLPH. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwina ay natutuwa ako kay Andy. Wala kasi siyang pakialam sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. She mostly talks about sex at dahil doon parang ayaw siyang ipakausap sa akin ni Rael. Hindi raw kasi sa bansa lumaki si Andromeda at ang mga kapatid nito. They were raised in Hawaii, at masyado yatang independent si Andy dahil roon.

"I haven't seen you in a long time, Best friend!" Nagbeso kaming dalawa. Si Rael ay napailing pero hindi kumibo. Ibinaba niya mula sa kotse – na siyang nagsundo sa amin sa may main building nang dumating kami kanina – ang mga gamit namin. Hindi nakalagpas sa akin na tiningnan niya nang masama si Andy.

"Busy ako sa work. Kumusta ka?" Ngiting wika ko.

"Heto, nag – aalaga ng baby girl." Noon ko lang napansin ang batang babaeng nasa likuran niya na namumulot ng maliliit na bato. Ipinakita niya iyon sa Mommy niya.

"Mamãe, look! A rock na parang heart!" Ngumiti si Andromeda sa anak niya at saka ginulo ang buhok.

"That's great, Love! But could you kindly say hello to Tito Rael's best friend first?" Hindi ko alam kung anong trip ni Andy at lagi niyang nilalagyan ng diin ang salitang best friend per hinayaan ko na lang. Tiningnan ko ang batang babaeng kasama niya. Napakaganda. She has shoulder length hair and bitin na bangs tapos ay bungi siya sa ibabang ngipin kaya napangiti ako lalo nang ngitian niya ako.

"Hello, I'm Oceana! You can call me Eana!"

"Hi!" Yumuko pa ako para magkapantay kaming dalawa. "You have beautiful eyes. My name is Lu. How old are you?"

"Five po!" Ipinakita niya sa akin ang daliri niya pero apat lang iyon kaya natawa ako pati na rin si Andy.

"Doll, that's only four. Here." Inayos pa ni Andy ang kamay noong bata. "That's five. The lady said your eyes are beautiful. What are you gonna tell her?"

"Hiya ako, Mamae." Natawa si Andy.

"Ang cute niya." Sabi ko pa.

"Siyempre, mana sa akin. Anyway, I'll see you at the party tomorrow! Say bye na to your new friend, Oceana." Hinawakan na ni Andy ang kamay ni Oceana pero bago siya umalis ay may tinanong muna siya sa akin.

"How is he? It's been eight years since Mikee, is he okay now?"

Napatingin ako sa bahay kung nasaan si Rael. Hindi pa siya lumalabas.

"Hindi pa yata. He went to her grave yesterday. Sana lang ay hindi siya nag – iiyak roon hindi tulad dati..." Pahina nang pahina ang boses ko. Ngumiti lang si Andy.

"That's the thing, Best friend, akala lang ni Rael hind pa siya okay. Siguro, sanay na lang siyang nalulungkot para kay Mikee. They were in a relationship after all. But from what I am seeing, hindi na tulad ng dati ang sitwasyon. Ysrael just needed to open his eyes to see how colorful his life is... Sana lang hindi masyadong matagal." Kinindatan na naman niya ako at tuluyan na siyang nagpaalam. Ang wierd talaga ng mga kamag – anak ni Rael. Buti na lang kaming pamilya, hindi ganoon kayaman kaya hindi ganoon ka-wierd.

"Buti naman umalis na si Andy." Wika niya pagpasok ko ng cabin niya. Natawa naman ako.

"Magkasing edad ba kayo at Andy lang ang tawag mo sa kanya?"

"Sa dami namin hindi ko na alam kung sinong mas matanda sa akin o mas bata basta pinsan ko silang lahat, kundi ko pinsan, kapatid ko." Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Inakyat ko na iyong mga gamit mo sa itaas. Doon ka sa guestroom, sa tapat noon iyong kwarto ko."

"Okay."

"Oh diba, kung nagbyahe ka pa e di nasa daan ka pa hanggang ngayon. Pagod ka pa, tapos iniisip mo pang mag-hotel mas comfortable naman dito. Ano bang gusto mong kainin? Tatawag ako kay Ino para mapadalhan tayo." Parang naghihintay siya ng sagot sa akin pero ako nakatitig lang sa kanya. Ang gwapo talaga nitong si Rael eh. Grabe iyong face card niya kayang isalba ang buong ekonomiya ng Pilipinas. Noong college pa kami palagi kong naririnig na mas gwapo daw si Ysmael Pio kaysa kay Ysrael Angelo. Na kesyo mas malakas ang dating ni Yael tapos si Rael daw ay plain looking lang.

Nagkakamali sila roon. Mas gwapo si Rael. Mas defined ang jawline niya, mas maganda at expressive ang mga mata niyang tila laging nangungusap. Mas makapal ang kilay niya na talagang unang mapapansin sa mukha niya and his nose – jusko – sana all ganyan katangos ang ilong. Grabeng ilong masarap upua---.

Napangiwi ako – bakit ko naman uupuan ang ilong ni Ysrael?!

"Hoy, Luka – luka! Napapano ka ba? Kanina pa kita tinatanong nakatulala ka diyan. May problema ba?" Seryosong tanong niya sa akin.

"Ha?"

"Ha ka rin. Magpahinga ka na nga muna roon. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo. Seriously, Lu, kung nakakapagod ang trabaho mo, take a rest. Hindi iyang para akong nakikipag – usap sa pader." Nakakunot ang noong wika niya. Nalilitong tinanguan ko na lang siya at umakyat na sa itaas para magpahinga sa silid na sinabi niya sa akin.

"Sino ba naman kasing taong bobo ang mag – iisip na uupuan ko ang ilong ni Ysrael?! Bakit ko naman gagawin iyon?!" Litanya ko sa sarili ko nang masiguro kong sarado na ang pinto ng silid at hindi na niya ako maririnig. Jusko. Nakakadiri naman ako. Nahiga na lang ako sa kama at nagdasal nang taimtim para hindi ko na maisip ang mga bagay na ito. Mula kinder ay magkasama na kami. Kinder palang ay matangos na ang ilong niya pero bakit ko naiisip na upuan iyon at anong sirkumstansya ang mangyayari para maupuan ko ang ilong niya?

"Jusko, luka – luka nga ako." Bulong ko sa aking sarili. I just shook my head. Hindi ako nandito para isipin ang ilong ni Rael. Nandito ako para magtrabaho at kailangan kong tapusin iyon kasi by Wednesday kailangan nasa table na iyon ni Berta.

Pero paano ba ako makakatrabaho kung puro pag – upo sa ilong ni Rael ang naiisip ko?!

"Ahhh!" Napasigaw ako. Bahala na nga!

xxxx

HINDI KO napansing nakatulog pala ako. Nang magmulat ako nang mga mata ay alas sais nang hapon na. Napabalikwas pa ako nang bangon kasi nakatulog ako ng dalawan oras. Ni hindi man lang ako ginising ni Ysrael. Bumangon ako at nagsuklay muna bago ako lumabas ng silid. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakarinig ako ng mga boses sa ibaba. Nagtawanan pa ang iyon. Nang makarating ako sa first floor ay nakita ko ang asawa ni Yael Consunji – si Alyza Mae na may kargang batang babae. She smiled at me.

"Oh, gising ka na pala, Lu. Kanina inakyat ka ni Rael para tawaging kumain pero tulog ka nga raw kaya hindi ka na niya ginising." Ngumiti rin ako kay Alyza Mae pero hindi ko maiwasang isipin na tuwing nakikita ko siya ay may bago siyang anak. Parang pang – lima na yata nila ni Yael ang batang iyon. "Nasa kitchen sila, puntahan mo na lang. Kanina ka pa hinihintay ni Rael." Tinanguan ko na lang siya at nagtuloy ako sa kitchen kung nasaan ko natagpuan si Rael, Yael at Ica na nagkukuwentuhan. They were laughing – si Ysrael man ay tumatawa rin kaya napatatda ako. Natutuwa talaga ako kapag nakikita ko siyang tumatawa kasi may pagkakataong kahit isang ngiti ay hindi niya magawa.

"Hi, Ate Lu!" Ica stood up to kiss me. "It's been a long time! Akala ko tinatago ka sa amin ni Rael eh."

"Hindi ko siya tinatago. Busy siya sa work." Sabi pa ni Rael. "Kumain ka na. Halika na rito." Sabi niya sa akin. Nang hindi ako agad nakalapit ay siya na ang lumapit sa akin para hatakin ako. Tumabi ako kay Ica doon sa mini dining table kung nasaan ang mga pagkain at saka nagsimula nang kumain.

"Ano, Lu, may boyfriend ka na ba?" Tanong ni Kuya Yael sa akin. Natawa si Rael.

"Paano magkaka-boyfriend iyan, alas siyete nang gabi kailangan nakahiga na siya at kung ano – anong kdrama ang pinagpapanood."

"Tatanda ka bang dalaga, Ate? Or you want to try the other side?" Nakangising tanong ni Ica sa akin. Natawa naman si Yael.

"Pwede, pwede. Maraming single lesbian friends si Ica."

"Just tell me if you want to try them."

"Manahimik ka nga, Nautica." Wika pa ni Rael na nakahalukipkip na sa tabi ng Kuya nila. "H'wag mong kulitin si Lu. Kung ano – anong pinagsasabi mo. Baka mamaya ma-offend siya."

"Luh! Ate, na-offend ka?"

"Hindi no. OA lang iyang Kuya mo." Binelatan ko si Rael. Napansin ko namang nagkatinginan si Ica at Yael – si Kuya Yael ay tumawa nang napakalakas.

"Bakit ba kasi hindi na lang kayo. Tutal wala namang girlfriend si Rael, wala kang boyfriend. Kaysa naman nabubulok ka sa farm mo sa Quezon, pakasalan mo na si Lu. Ano pang hahanapin mo?" Siniko pa ni Yael si Rael.

"Ang ganda noon." Sabi pa ni Ica. "Best friend to lovers trope." Rael shook his head.

"Lu is family. Anong pinagsasabi ninyo?"

"Okay lang iyon! Ex nga ni Perseus si Hailey eh." Sabi pa ni Yael.

"Tawag doon ay family stroke." Wika pa ni Ica. Nag-high five pa silang magkapatid. Si Rael naman ay iling nang iling. Parang sa lahat ng sinabi ng magakapatid na ito ay sa pag – iling ako ni Rael ma-o-offend. Kung makailing siya para bang diring – diri siya sa ideyang pakasalan ako! Jusko! Good catch ako! Laude ako nong college, mapagmahal sa magulang, may savings sa banko, may sariling kotse, magaling magluto at higit sa lahat mas VIRGIN pa ako sa coconut oil tapos siya naman...

"H'wag mong pinagpapansin itong dalawang ito. Magka birthday month sila kaya parehong sira ulo." Sabi na lang ni Rael sa akin. Nilagyan niya pa ako ng barbeque sa plato ko at sinabihang kumakain nang kumain kasi ang payat ko na. Totoo namang namamayat ako pero anong gagawin ko? Na-stress talaga kasi ako sa trabaho.

Matapos kumain ay sinamahan na namin si Ate Aly sa living area. Hindi pala nila anak ni Kuya Yael iyong batang babae. Anak pala iyon ni Nautica at tinawag niyang Lourdes ang baby.

"Nasaan si Berry?" Hindi ko matiis na itanong sa kanya.

"Nasa Singapore. Sa Martes pa ang balik niya. May seminar kasi roon. Miss na nga namin siya ni Lourdes, diba baby? I love you. Mommy Ica loves you so much." Pinaghahalikan pa ni Ica ang pisngi ng anak niya bago siya ngumiti sa akin. Sa pagkakataong iyon ay nasa garden na si Rael, Yael ay Aly kasama ang mga batang sina Yohan, Yanna at Yuna. Naghahabulan si Rael at Yuna. Si Yohan ay nagpapalipad ng saranggola kasama si Yanna.

"Grabe, ang laki na ni Yohan. Ilang taon na siya?"

"Twenty na. Ang tangkad na nga. Mas matangkad pa kay Rael at Yael." Natatawang sabi ni Ica habang isinasayaw – sayaw si Lourdes na parang antok na antok na.

"Rael is so good with kids." Biglang wika ko.

"I know." Sabi pa ni Ica. "I also know that he misses MM so much."

"Nasaan na si MM? Hindi ba sila nagkikita? Tuwing weekend yata dinadalaw niya si MM sa mga lolo nito."

"Hindi niya ba sinabi sa'yo, Lu? Dinala na nila Auntie si MM sa Amerika. They would be staying there for good."

"Kailan? Wala siyang nabanggit sa akin." Ica smiled and looked at her brother.

"Kahapon nang umaga. Inihatid niya pa nga sa airport si MM. Ate Hya said that MM was crying so hard. Ayaw niyang iwanan ang Daddy Rael niya pero wala naman kasing magagawa. Parents na ni Mikee ang nagdesisyon na doon na muna sila sa Amerika. Mahirap pa rin kasi para ay Auntie ang pagkawala ni Mikee. Rael... he couldn't do anything. Hindi naman kasi siya ang tunay na ama."

Napakagat ako ng labi. Tinanong ko siya kagabi kung bakit siya nagpunta sa Metro. Tinanong ko kung bakit sa condo ko gusto niyang mag-stay and knowing the reason now, I realized that Rael didn't want to be alone.

"Kaya nga pinuntahan naming siya ngayon ni Kuya Yael kasi alam naming malungkot siya. And the things we said in the kitchen earlier, it's just for laughs, Lu. Sana hindi ka na-offend sa amin ni Yael."

"Naku! Hindi! Ano ka ba naman!"

"Thank you... but you know, minsan iniisip kong sana ay kayong dalawa na lang. You two are so good together. Peas in a pod – ganoong kayong dalawa." Ica smiled at me again. Napansin kong nakatulog na si Fides sa mga bisig niya at mukhang napansin niya rin iyon kasi nag-excuse siya para ilagay sa crib ang bata. Naroon lamang ako sa kinatatayuan ko at tinititigan si Rael. Kung alam ko lang ang totoo, sana mas niyakap ko siya nang mahigpit at hindi inisip na upuan ang ilong niya.

Anong klase ba naman akong kaibigan? Grabe ako.

xxxx

"ANONG COSTUME MO BUKAS?"

It was already eight in the evening at napagdesisyunan naming ni Rael na maglakad – lakad sa paligid ng cabin area. Maraming bahay roon, pero ang mga bahay na iyon ay para lamang sa pamilya ni Rael – sa mga uncles, aunties, at mga pinsan niya.

"Depende kung anong meron sa closet ko. Dress to scare daw ang theme bukas. Malamang si Sariel zombie ang costume. Paborito niya iyon eh." Ang tinutukoy niya ay ang pinsan niyang funeral director sa Pangasinan. "Ikaw ba, anong suot mo?"

"White lady ako. Iyon ang dress na dala ko eh." Sabi ko na lang sa kanya. Napansin kong natatawa siya sa akin.

"Hindi ka pwedeng white lady. Ang ikli kaya ng buhok mo."

"Kaya nga may wig. Bobo naman ito."

"Grabe ha! Consunji ako tapos tinatawag mo akong bobo."

"So? Kailan ba nagkaroon ng effect sa akin iyang Consunji powers mo? Pareho lang tayong tao, mabaho ang tae natin." Sukat ba naman napahalakhak nang malakas si Ysrael. Tinakpan ko ang bibig niya kasi baka mamaya ay may makarinig sa amin. Dinilaan niya ang palad ko para maalis ang kamay ko sa bibig niya.

"Yuck! Rael naman! Nakakadiri!" Sabi ko sa kanya. Umaalog pa rin ang balikat niya.

"Lu, sumama ka na lang sa farm ko sa Quezon para naman may clown ako roon."

"At ginawa niya akong past time. Sira! May tf ako. Twenty – thousand per hour."

"Sugapa. Wala bang best friend discount?" Sa pagkukwentuhan namin ay hindi ko napansing nakarating na pala kami sa malawak na baseball field. Mukhang nangawit na si Rael kalalakad kaya naupo na siya sa damuhan. Sumunod naman ako.

We were only wearing our jammies. Naka-strawberry terno pajama ako samantalang si Rael ay puting t-shirt lang at itim na silk bottom jammies. Ang presko niyang tingnan. Gwapo talaga ang mokong.

"Kung nalulungkot ka naman pala sa Quezon, bakit hindi ka na lang bumalik sa Metro?"

"Kasi nga si Mama kung kani-kanino ako ipinakikilala kapag nandito ako. She wants me to date those girls. Mga anak naman kasi ng mga kaibigan niya, hindi ako makatanggi kasi baka isipin nila ang yabang ko naman."

"Wala ka na bang balak mag – asawa, Rael?" Seryosong tanong ko. "Wala na ba talagang lalagpas kay Mikee?" I asked him again.

"Hindi ko alam."

"Paano mo kasi malalaman? Ayaw mo namang subukan. Hindi naman pwedeng habambuhay kang magluluksa. As a nawalan ng tatay dahil sa cancer, mahirap talagang mag – move on. Mahirap gumalaw, Rael. Hindi naman kasi nawawala ang sakit. Nandyan lang siya, nakakasanayan lang natin, but somehow, we must move on face life and be happy once again."

"Nakakapagod bumalik sa una, Lu. Nakakatakot magsimula uli."

"Oo nga at nakakatakot ang mga bagay na iyan, pero alam mo, ang mga taong nagsisimula muli ay may taglay na lakas. And you are one of the strongest people I know, Rael. You just need to find that strength to finally start over."

Pagak na tumawa si Rael saka hinawakan ang kamay ko. "Naks, writer ka nga. Ang galing mo sa words eh."

"Seryoso ako! Try, Rael. Try to find another reason for living." Huminga ako nang napakalalim. "Alam mo, minsan natatakot ako kasi baka mamaya pati pagiging buhay ayawan mo na."

"Hindi naman. Masama iyon. Alam kong malungkot lang ako pero ayoko pa namang mamatay." Natatawang sabi niya. "Mawawala rin naman ito. Tama ka, kailangan ko ng bagong rason para mabuhay."

"Very good!" Napuno ng katahimikan ang pagitan naming dalawa.

"So, paano, hindi pwedeng clown?"

"Tarantado!" Nilapat ko ang kamay ko sa pisngi niya para itulak iyon palayo pero hinuli niya ang kamay ko at kinilit ako sa tagiliran. Napasigaw ako. Tumayo ako agad para tumakbo palayo sa kanya pero hinabol ako ni Rael. Paikot – ikot kami sa damuhan roon at pilit niya akong hinahabol tuwing mahahawakan niya ako ay kinikiliti niya ako – tatakbo na naman ako hanggang sa mahuli niya ako sa baywang at saka kiniliti nang kinilit hanggang sa mapahiga ako sa damuhan.

Napaimbabawan niya ako. Tawanan pa rin kami nang tawanan hanggang sa mapansin kong nakatitig na lang siya sa akin. Napaawang ang mga labi ko. Napansin kong seryoso ang mukha niya, napansin ko ring nakatitig siya sa labi ko – hahalikan ba ako ni Rael? Jusko po, mahabagin!

"Tang ina, para akong nanonood ng romance film ha!"

"Hindi ko baa lam kung kikiligin ako o mandidiri ako."

Biglang tumayo si Rael. Itinayo na rin naman niya ako. Nakita ko ang nagsalitang miron – ang kambal ng mga Vejar. Sina Achilles at Apollo.

"Ang baduy, uso pa pala nag habulan ngayon, Pol." Wika noong Achilles. Ang tagal ko na silang kilala pero hindi ko pa rin madetermine kung sino si Apollo at Achilles.

"Shut up!" Rael hissed and then he took my hand to leave that place. Nakatitig lang ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko – bakit ba ang bilis na naman ng tibok ng puso ko?    

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top