Chapter One

Bakit nga kaya?

Lukrezia Niuala Dela Cruz's

"LU, I HAVE A NEW ASSIGNMENT FOR YOU."

Ngiting – ngiti ang Editor ko habang nakatingin sa akin. Gusto ko iyong tunog ng bagong assignment pero hindi ko talaga gusto ang pagkakangiti niyang ganoon sa akin. Isa akong writer sa isang prestihiyosong magazine sa bansa. Ginapang ko talaga ang trabahong ito because I love writing. – writing is my passion at na-realize ko iyon noong nasusunog na ako sa eight-to-five job na mayroon ako noon. Sabi ko noon sa sarili ko, hinding – hindi ako papakaalipin sa isang government office. Ayoko ng eight-to-five job, ayokong hindi ko hawak ang oras ko. May posisyon na ako noon sa kompanyang pinagta-trabahuhan ko pero nag-resign ako kasi nga mas gusto kong gawin ang passion ko.

Isa ako sa mga taong sinwerte na naging masaya sa gusto kong gawin. And now, I have a column in this magazine, hindi lang iyon may weekend column din ako sa isang broadsheet na malawak ang sirkulasyon sa Pilipinas. Hindi naman sa pagmamayabang pero medyo famous ako sa larangan kung nasaan ako. But still, I have a boss to please. Tinigilan ko ang ginagawa ko at saka tumingin sa kanya.

"Yes, boss, what's the assignment?" Tanong ko pa sa kanya.

"You are going to the biggest, flashiest, costume party in town!"

"And where is that?" Wala akong ideya. Hindi ako mahilig makipag-party. Umabot ako sa edad na thirty-three pero ni hindi ko naranasang malasing nang walang pang – uwi. Literal na trabaho at bahay lang ako. Kapag lalabas ako at may iba akong Gagawin, madalas ko pang kinukumbinsi ang sarili ko na kailangan kong gawin ang errands na iyon pero kung hindi naman, bakit ako lalabas? Ang init – init, ang traffic. Jusko! Doon na lang ako sa unit ko, hihiga, magbabasa, manonood ng kdrama o mag-stream ng music video ng paborito kong KPOP boy group kaysa naman sumali ako sa mundong puno ng polusyon.

"Sa CLPH! It's their annual costume party! Everyone would be there! Lahat ng sikat ay naroon! Ang sabi, kasama sa guest list si Charlotte Alcan!"

"Iyong singer?"

"Yes! Hindi lang iyon, Hailey and Theo Calimbao would be there! Makikita mo siya! Ma-co-confirm kung buntis nan ga ang future first lady of the Philippines." Natawa naman ako. Congressman palang naman si Theo Calimbao pero sinasabi na ng lahat ng tao na si Hailey Demitri – Calimbao ang magiging first lady ng Pilipinas. Ni wala ngang sinasabi si Theo Calimbao na gusto niyang maging Presidente ng bansa. Hindi naman dahil naging presidente ng bansa ang tatay ni Theo Calimbao ay ganoon rin ang tatahakin niyang landas. Sa totoo lang, mas palaban ang kapatid ni Theo pagdating sa politika – si Liu Calimbao. Pero ang balita nitong nakaraan ay wala naman itong balak na bumalik pa sa pagiging Senador o kung anuman. Sayang, crush ko pa naman iyon.

"Berta, remind me again why we need to confirm if Hailey is pregnant. Ano naman kung buntis siya? Asawa niya si Congressman at in fairness, hindi involved si Calimbao sa mga tumanggap ng pork barrel na iyan. Balita pa na ang ganda raw sa Distrito ni Congressman sa Bicol."

"Scoop kasi iyon." Nakasimangot na wika niya. Magkasing – edad kami ni Berta kaya ganito kami mag – usap. Sanay na rin siya sa akin na maraming tanong bago gawin ang utos niya. Although gagawin ko naman pero kailangan ko lang malaman kung tama ba na gawin ako ang assignment kasi ayoko nang maulit na isa ako sa dahilan kung bakit nasira o nadumihan ang image ng isang tao. Minsan nang naganap iyon at ipinangako ko sa sarili kong hinding – hindi na mangyayari muli.

"Public figure sila no."

"But they don't owe us anything." Biro ko pa. She just rolled her eyes.

"Fine! I know you're being careful kasi best friend mo iyong kalahi nila at sa nangyari kay Mariake Vejar noon pero gawin mo itong assignment mo ha! Aalis ka bukas ng hapon papuntang CLPH. Ipapahatid ka sa company car. Six hours ang byahe at alam kong ayaw mong mag-drive. CLPH wants their Halloween party to hit the papers kasi isa iyong charity para sa mga nasalanta ng nakaraang dalawang bagyo."

"Of course, Berta. I'll pack tonight. Thank you, Boss." Kinindatan ko siya. Nakasimangot na tinalikuran niya ako. Alam kong buntis si Hailey. Minsang nabanggit sa akin ni Rael iyon. Parang last month yata at nagpunta siya rito sa Metro para sa mga errands niya. Siyempre, nagkita kaming dalawa, kumain at kasama sa napagkuwentuhanan namin ang mga pinsan niya. Nabanggit niya lang na sinabi raw ni Hailey sa isang chat group na buntis na ito. Pero hindi naman kailangan malaman ni Berta iyon.

Buong araw lang akong nakaharap sa laptop ko para tapusin ang tatlong article na kailangan kong ipa-approve. Kung pupunta ako bukas sa CLPH ay kailangan matapos ko ito kasi Friday bukas. Saturday ang party. Wala akong balak umuwi ng Linggo. Lunes ako uuwi at Martes ako papasok ng office. Ayokong pumasok agad kasi siyempre pagod ako. Mag-charge muna ako ng social battery. Nang matapos ang mga kailangan kong gawin ay umalis na ako ng office. Umuwi ako sa unit ko para mag-empake. Iniisip ko nga kung anong kakainin ko mamayang dinner pero hindi ko pa maisip kasi hindi pa ako nagugutom. Kung uuwi naman ako sa bahay namin baka abutan na ako ng traffic. Wala na kaming bahay sa village kung saan katapat namin ang bahay nila Rael. Five years ago, na-diagnose si Papa na may prostate cancer kaya lahat ng pwedeng ibenta noon ay ibinenta namin para makadagdag sa panggastos at isa na nga roon ang bahay na iyon.

Nakakasama ng loob na ibinenta nila Mama iyon dahil doon kami lumaking magkakapatid. Lahat ng alaala ay naroon pero sa pagkakataong iyon ay kailangan ni Papa kaya okay na rin. Two years after mabenta ng bahay, namatay si Papa. Si Mama ay namili ng bahay sa Bulacan. Doon naman kas talaga ang probinsya namin. Doon sila nagkakilala ni Papa kaya doon niya gustong tumira. Kasama ngayon ni Mama ang kapatid kong si Luanne at ang pamilya nito.

Sa aming tatlong magkakapatid ay ako na lang talaga ang walang asawa. Si Kuya Lance ay nasa Belgium na at doon naninirahan kasama ng asawa niya at tatlong anak. Habang ako, trentahin, pahiga higa at puro koryano ang nasa isip. Minsan natatawa na lang ako sa kinahinatnan ng buhay ko. Hindi naman sa hindi ko gustong mag – asawa, iyon nga lang, hindi na talaga ako naghahanap.

Paglabas ko ng elevator ay saka ko naisip na kuhanin ang phone ko para tingnan ang code ng pinto ko. Siyempre, hindi ko iyon saulado. Lumiko na ako papunta sa unit ko pero napatigil ako nang makita kong nakaupo sa hallway si Rael. Nakadantay ang ulo niya sa pade, naka-indian sit siya na para bang kanina pa siya roon. Natatawang lumakad ako palapit sa kanya tapos ay marahan kong sinipa ang tuhod niya.

"Hoy, anong ginagaw mo diyan?" Tawang – tawang sabi ko. Idinilat niya ang isang mata niya tapos ay tumingin sa akin. Parang sinisiguro niyang ako nga ang dumating. Nang masiguro niya ay tumayo siya at saka parang may hinahanap sa kamay ko.

"Saan susi mo? Inaantok na ako." Naghikab pa siya. "Saka kanina pa ako dito. Nagtext ako sa'yo pero hindi ka nagrereply. Di ka nga rin sumasagot sa tawag ko."

"Sorry. Nakalimutan ko ang personal phone ko dito. Company phone ang dala ko. Saka wala akong susi. 061786." Sabi ko sa kanya. Mukhang na-gets naman niyang code iyon ng pinto ko kaya agad niyang pinindot. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at nakapasok na kami. Tuloy – tuloy si Rael sa silid ng condo habang ako naman ay iniisip pa rin kung bakit siya nandito. Ibinaba ko lang ang bag ko at saka sumunod ako sa kanya sa silid ko. Nakahiga na kagaad siya sa kama. Nakapikit tapos iyong braso niya nakapatong sa noo niya. Mukha siyang pagod na pagod.

"Okay ka lang ba? Bakit nandito ka?" I asked again.

"Party. Bukas." Sa pagma-mumble niya ay iyon lang ang naintindihan ko.

"Sana nagdiretso ka na ng CLPH."

"Visit. Mikee."

Napaawang ang mga labi ko. Walong taon na ang nakalipas mula nang yumao si Mikee. Hindi ko naitanong ang buong detalye sa kanya pero ang sabi niya sa akin namatay si Mikee apat na araw matapos ipanganak ni MM – Maria Mikaela. Nabanggit rin sa akin ni Rael na hindi pala siya ang tunay na ama ng bata kundi isang lalaking nagngangalang Camilo. Wala akong ideya kung nasaan ang lalaking iyon pero si MM ay nasa puder ng mga magulang ni Mikee. Noong una ay ayaw ibigay ni Rael ang bata dahil sabi niya siya ang ama nito, pero nagsalita si Ignacio – ang Kuya ni Mikee. Nag – usap silang dalawa at iyon yata ang naging dahilan kaya pumayag siyang ibigay ang bata sa mga lolo at lola nito. He was broken hearted again after that. Minahal niya kasi si MM – nasa sinapupunan palang ito ni Mikee ay nag-uumapaw na ang pagmamahal niya para rito pero sa huli ay hindi rin siya ito nakasama.

I know he visits the kid. Last year, he came to the Metro, isinama niya ako dahil ibinili niya ng regalo si MM. He was always happy whenever he's with MM kaya alam na alam kong magiging mabuting ama si Rael pagdating ng tamang panahon.

"Are you asleep? Ayaw mong kumain?" Hindi na siya sumagot. Tulog na siguro. Kinumutan ko na lang siya at saka ako lumabas ng silid na iyon. Agad akong nagpunta sa kitchen para maghanap ng makakain. Mamaya gigising si Rael at sigurado akong maghahanap iyon ng pagkain. Nag-iisip ako kung fried chicken at spaghetti ang lulutuin ko o mag-oorder na lang ako sa restuarant sa tapat ng building o yayain ko na lang si Rael na kumain roon. He loves the food at Ernesto's. Iyon ang pangalan ng restaurant sa tapat ng building na ito. Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto kaya agad kong binuksan iyon. I smiled when I saw Leina De Angelo – iyong may -ari ng restaurant sa tapat at kapitbahay korito sa floor.

"Hello neighbor! Nagbake ng banana bread ang josawa ko. Medyo naparami, so here. Also, here." Inabot niya sa akin ang dalawang food container. "Baked mac iyan, gawa ko naman. Naparami kasi ang gawa naming dalawa."

"Thank you, Leina. Iniisip ko palang na kakain ako sa Ernesto's nandito ka na." Tumawa siya.

"Welcome! Enjoy the food."

"Thank you talaga! Pakisabi na rin kay Kuya Jorge, salamat." Kinindatan ako ni Leina at saka bumalik na sa unit niya. Nakakatuwa naman na hindi ko na kailangan magluto kasi may pagkain na at hindi naman siguro magrereklamo si Rael kasi nga hindi naman ako ang nagluto nito.

Inilagay ko muna sa dining table ang pagkain. Nagdesisyon akong mag-air fry na lang ng chicken para naman i-partner doon sa baked mac ni Leina. Habang naghihintay ay naupo ako sa couch sa living area at binuksan ang TV. Naisip kong mag-netflix muna pero dahil wala akong mapanood, I just played the video of my boys. Wala pang dalawang minuto ay lumabas na si Rael mula sa kwart ko. Naka-tshirt na lang siya ngayon saka pants. Kanina kasi suot niya pa ang polo niya.

"Ang ingay naman niyan." Kinuha niya ang remote at hinihaan ang tv.

"H'wag nga! Alam mong national anthem namin iyang Growl." Sabi ko pa sabay kuha ng remote.

"Oo na. Oo na. Pero diba sabi mo mas marami pa iyong pangalan ng boy group nila kaysa doon sa active members?"

"Tang ina nakalabas na ang bunso namin!" Sigaw ko pa sa kanya. Tumawa si Rael.

"Pikon."

"Umaano ka ba kasi rito?! Kung iinisin mo lang ako—"

"Ayoko sa mansyon kaya dito ako matutulog."

"Rael! Ang yaman – yaman ninyo tapos magta-tyaga ka sa condo ko? Hello Consunji Hotels? Skyline Vejar? May kamag-anak ka sa Forbes?" Matagal kong hinintay ang isasagot ni Rael sa akin. He just sighed and looked at me.

"Wala ka naman doon." Kinindatan niya pa ako. Binato ko siya ng unan. Napuno ng halakhak ni Rael ang buong unit ko. Kapag mag – isa ako ay naiisip kong sana ay naroon siya kasi umiingay ang unit ko. Kapag naman nandito siya ay nayayamot ako sa kanya kasi mapang – asar si Rael. Napakadali para sa kanya ang painitin ang ulo ko.

"Seryoso nga, bakit nandito ka?"

"Nami-miss nga kita." Nakangiting wika niya. "Minsan, naiisip kong sana katulad noong high school tayo pwedeng nasa bahay ninyo lang tayo at naglalaro ng psp o kaya man tatambay tayo sa bubong ninyo para lang magkuwentuhan. Masaya kasi iyon, Lu. Noon kasi hindi ko pa alam iyong kay..."

Mikee. Hindi niya lang talaga mabanggit. Huminga ako nang napakalalim saka tumabi sa kanya. I cupped his face. He made a face. Natawa ako.

"Do you regret it? Meeting Mikee? Falling in love with her?"

"Hindi. Kaya lang sana, sa ibang circumstances kami nagkakilala. Iyong pasok at shoot sa happy ending." Sabi niya pa sa akin.

"Pwede pa naman, Rael. Hindi pa naman huli ang lahat." Sabi ko sa kanya. "Hindi man si Mikee pero napakaraming ibang maaari mong papasukin sa puso mo. Hindi lang naman si Mikee ang para sa'yo. Kasi kung hindi pa halata, hindi siya para sa'yo. Para talaga siya sa garden ni Lord."

"Katulad ng Papa mo?"

"Oo." Ngumiti na rin ako.

"Hindi ko kasi alam..." Wikang muli ni Rael. "At this age..."

"At this age dapat babaero ka!" Sigaw ko pa. Napakaswerte talaga ng babaeng mamahalin ng best friend ko. Hindi siya babaero promise. Mabait nga kasi si Rael!

"Ang awkward nang magtanong ng paborito mong kulay sa mga babaeng nakakadate ko."

"Tanungin mo kung anong favorite position nila." Wika ko pa. Umalog na naman ang balikat ni Rael. Ibinalik niya sa akin ang unang binato ko sa kanya kanina.

"Missionary?" Tiningnan niya ako.

"Ay akala ko woman on top."

"Grabe, Lukrezia!"

"As if naman virgin ka pa! Trentahin ka na! Thirty – four tapos demure?"

"Luka – luka ka talaga!"

Pero naiintindihan ko naman si Rael. Mahirap nga namang magsimula muli kaya lang talagang gusto kong sumaya siya ulit. Sa dami ng pinagdaanan ni Ysrael, the least that this universe could do is to give him someone that would always be loyal to him, iyong aasikasuhin siya, mamahalin at hinding – hindi iiwanan kahit kailan.

"Lu, nagugutom na ako." Sabi niya pa sa akin.

"Eh di kumain na tayo. Lika na." Hinatak ko na siya para tumayo at magpunta sa kitchen. Hinango ko sa airfry ang chicken at inilagay ko saglit sa microwave ang Baked Mac ni Leina. Naglagay naman si Rael ng plato sa dining table. Siya na rin ang naglabas ng tubig mula sa ref. Nang ilagay ko ang baked mac ay nakita kong kinakain na niya ang banana bread na bigay ng kapitbahay.

"Ang sarap nito. Gawa mo?"

"Hindi. Iyong nasa kabilang unit. Diba mag-asawa iyon, tapos si Leina, dati dito siya nakatira sa unit ko. Naging friends kami at kapag may mga luto sila, binibigyan nila akong dalawa."

"Baka naman type ka noong asawa."

"Si Kuya Jorge? Jusko, hindi!" Natawa ako. "Kapag nakita mo silang dalawa, akala mo laging nasa honeymoon stage. Ganoon sila ka-sweet!"

"Nainggit ka naman?" Tudyo niya sa akin habang sumasandok ng Baked Mac. "Mag-boyfriend ka na kasi."

"Wala ngang matinong mahanap dito! Saka, nasa South Korea ang para sa akin."

"Ha?"

"Si DO." Sabi ko pa.

"Akala ko iyong Chen?"

"Hindi na pwede. May asawa na siya. Ninang na lang ako ng mga anak niya."

"Ha?"

"Ha ka nang ha, kumain ka na lang ang dami mong sinasabi!" Pinanlakihan ko na lang si Rael ng mga mata. Umiling siya at saka kumain na nga lang. Siya na rin naman ang naghugas ng plato at nagligpit. Ako naman ay nagsimula nang mag – empake.

"Saan ang punta mo?" Tanong niya sa akin. Napansin kong nakatayo na siya roon sa may pintuan ng silid ko.

"Sa CLPH. Diba may party kayo bukas? Iyon ang assignment ko eh." Hindi ko a siya nilingon.

"Ayos pala. Sabay na lang tayo bukas. Alis ako ng maaga."

"Papasok pa ako sa office. Mga 2pm pa ako makakaalis. Ihahatid ako ng company car."

"Hindi na. I-cancel mo na iyon. Anim na oras ang byahe. We could use the chopper." He told me. I looked at him. Nakita kong nilabas niya ang phone niya at may tinawagan. Parang nagdesisyon na si Rael na siya ang masusunod kaya sinundan ko siya para sabihin na hindi pwede kasi papasok pa ako ng office bukas.

"Yes, Kuya Kairos, mga 2:45, pwede ba iyon?" Napaawang ang labi ko. "Okay. Thank you. Punta na lang ako ng Vejar Towers bukas ng 2:30." Nang matapos siyang makipag – usap sa Kuya Kairos niya ay hinarap niya ako.

"Done. Sunduin na lang kita sa office ninyo bukas ng 2 pm. Ako na rin magdadala ng gamit mo sa kotse para hindi mo na isipin. 2:45 ang alis natin. 3:30 nasa CLPH na tayo. Sa Cabin ko ikaw mag-stay."

"Sagot ng company ang hotel ko..."

"Nonesense. Magho-hotel ka pa, nandoon naman ako. Ano?" Siguro ay nagtataka si Rael kung bakit titig na titig ako sa kanya. I just shook my head. Mabait si Rael kaya lang minsan umaandar pa rin ang pagiging dominante niya – tulad ngayon.

"Wala naman... Thanks, Rael." Lumapit si Rael sa akin para hagkan ako sa noo.

"You're very much welcome, Luka – luka." Natatawang sabi niya. Hindi naman ako makatawa dahil parang naramdaman kong mabilis ang tibok ng puso ko.

Bakit ba ganito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top