Chapter Three


Happy pill

PUYAT AKO. Paanong hindi ako mapupuyat kung bawat pagpikit ng mga mata ko ay nakikita ko si Rael na hinahalikan ako. Nagkakasala ako sa mundo at sa kaibigan ko dahil sa laman ng isipan ko. Hiyang – hiya ako kay Rael. Sobrang hiya ko na pagbalik namin sa cabin niya ay nagkulong na ako sa guest room at hindi na lumabas – kahit ngayong umaga ay hindi pa rin ako lumalabas. Pinakikiramdaman ko ang kabilang kwarto. Iniisip ko kung gising na ba si Rael. Kung gising na siya, lalabas na ba ako? Kinakabahan akong baka kapag lumabas ako ay mamula nang husto ang mukha ko. Mahahalata ni Rael na kung ano – anong iniisip ko.

"Pakshet!" Napamura ako nang may kumatok sa pinto ng silid na iyon. Alam ko namang si Rael iyon at kapag hindi ko binuksan ay magiging kahina-hinala ako. Huminga na lang ako nang napakalalim saka binuksan ang pinto. Hindi nga ako nagkamali – si Rael nga – si Rael na kaliligo lang at ang tanging suot ay ang blue ripped denim pants na iyon – jusko magkakasala na naman ako! Water from his hair was still dripping. Amoy na amoy ko iyong after shave niya.

"Bakit?" Tinaasan ko na lang siya ng kilay.

"Kakain na po, Senorita." Sabi niya sa akin. Tinawanan pa ako ng mokong saka tinalikuran ako. I made a face. Kung bakit naman kasi ngayon pa ako nakakaramdam ng ganito sa kanya na HINDI naman dapat kasi nga magkaibigan kaming dalawa. Sa tagal ng panahong magkasama kami, bakit ba kasi?! Mula sa pag – upo sa ilong niyang napakatangos, hanggang sa pagdampi ng labi niya sa mga labi ko. Grabe! Isa akong masamang kaibigan!

Pagbaba ko sa dining area ay nagulat ako dahil naroon ang mga magulang ni Rael. Si Miss Nikkita at Mr. Consunji. They were already eating pero nang makita ako ni Miss Nikkita ay nginitian at kinawayan niya ako.

"Good morning, Lu! Ang sabi ko kay Rael h'wag ka nang gisingin at baka pagod ka pero mapilit itong best friend mo. Alas diyes na raw at kailangan mong kumain. Halika na. Sit beside me." Iyon na nga ang ginawa ko. Mr. Yto Consunji smiled at me.

"How's your mom, Lu?" Tanong pa nito sa akin. Nagulat ako nang lagyan ako ni Rael ng fried rice at itlog sa plato, sinundan iyon ng danggit at tocina yata iyon.

"She's enjoying her retirement, Sir. Pati mga apo niya na-eenjoy niya ngayon."

"Ahh! The joy of the grandchildren! Parang kami ng Tita Nikki mo. Tuwang – tuwa sa mga apo namin. Kay Yael at Alyza Mae palang, napakarami na naming apo."

"Ginawa naman kasing hobby ni Kuya ai Ate AM." Bulong ni Rael. Hindi yata iyon narinig ng mga magulang niya kaya siniko ko siya.

"Pero mas masaya kung bibigyan na rin kami ni Rael ng apo, hindi ba, Nikki?"

"Pa, may apo ka na sa akin. Si MM." Parang nayayamot na wika niya.

"Anak, mahal namin si MM pero alam nating lahat na hindi siya sa'yo. Nakakalungkot ang nangyari sa inyo ni Mikee. We are proud of you when you have decided to take responsibility of the kid despite of MM not being yours, pero anak, nakikita naman namin ng Papa mo kung paano ka nasaktan lalo na ngayong iniuwi na ng mga Roothe si MM sa Amerika. Anak, mahal ka namin ng Papa mo, nag – aalala kami sa'yo." Hindi kumibo si Rael. Kumain na lang siya. Napansin kong nagpalitan nang makahulugang tingin ang mag – asawa. Napabuntong – hininga na lang si Miss Nikkita at tulad ni Rael ay kumai na rin siya.

Mukhang hindi nakatagal ang kaibigan ko kaya nag-excuse na lang siya at nagpunta kung saan. Si Sir Yto ay napapailing. Si Ma'am Nikkita naman ay parang naluluha.

"I told you, Nikki, let me decide for him."

"Yto, naaalala mo ba si Tosca?" Malumanay ngunit mariing wika ni Miss Nikkita.

"What about her?"

"Tatay wanted you to marry her, and yet you didn't. Kasi sabi mo sa akin noon hindi ka magiging masaya dahil hind imo mahal si Tosca. What makes you think na magiging masaya si Rael kung ipakakasal mo siya kay Rina Osias?"

"Excuse me po. Si Rina Osias po? Iyong anak ng Defense Secretary?" Curios na curios ako. Sir Yto nodded.

"Kalaro ni Ica iyon noong mga bata pa sila. Nagkita kami ni Arnulfo nong nakaraan sa golf course at napag- usapan namin ang mga bata, si Rina at ang kaibigan mo. It's a tempting idea. Rael would marry a perfect woman for her. Napakaganda ng repustasyon ni Rina. She is very beautiful, kind and a doctor too. Sa tingin mo ba ay magugustuhan siya ng kaibigan mo, Lu?" Sa pagkakatanong ni Sir Yto sa akin ay para bang may bilang talaga ang opinyon ko. Sa totoo lang, hindi ko alam. Sa tagal naming magkaibigan ni Rael ay tatlo lang ang alam kong naging nobya niya. Si Mikee ang pinakahuli at alam kong pinakaminahal niya sa lahat. Sa pagkakaalam ko wala naman pagkakapareho ang mga babaeng naging girlfriend niya noon. Pare-pareho silang babae – malamang. Dorothy – his first girlfriend was our classmate in high school. Matalino siya, mabait rin, Morena, kulot ang buhok. Si Luciana naman ay college na niya naging girlfriend, kung si Dorothy ay mahinhin si Luciana naman ay out going, outspoken at gimikera and then si Mikee and I really think that Mikee is the most special one.

"Hindi po ako si Rael kaya hindi ko alam ang sagot doon, Sir." Nakatawang wika ko. Tumango na lang si Sir Yto.

"I sometimes think that he's better inside a seminary. Baka magandang impluwensya sa kanya si Arkanghel." Wika pa ni Sir Yto. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at nang matapos ako ay nag-excuse na ako saka ko hinanap si Rael. Lahat ng katangahan sa isipan ko ay nawala na kasi napalitan na iyon ng pag – aalala. Nakita ko siyang nakaupo sa swing set sa may garden doon sa labas ng cabin niya. Dalawa iyon kaya naupo ako sa isa. He was quiet – too quiet for my liking.

"Huy..." Dinutdot ko ang balikat niya. Noon lang siya tumingin sa akin.

"Did they tell you about Rina?" He asked. Tumango naman ako.

"Do you think I should marry her to shut them up?" He even asked me.

"Magiging masaya ka ba?"

"I just wanted to please my parents."

"At this point, hindi ba't mas mahalaga ang kasiyahan mo? Sinabi naman ng Mama mo na hindi ka magiging masaya roon. Iniisip lang naman ni Sir Yto pero hindi naman iyon final."

"Paano ba ako magiging masaya?"

"Sabi ko naman sa'yo, subukin mong mag – move on. Mamaya sa party, tutulungan kitang maghanap ng jojowain doon!" Noon napatawa si Rael. Inabot niya ang kamay ko at saka pinisil iyon.

"You know what, Lukrezia, I wouldn't know what to do if you're not here."

Parang bobo naman itong si Rael. Kung ano – anong pinagsasabi sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya. Wala naman akong masasabi.

Nang hapon iyon ay abala na ako sa paghahanda para sa trabahong ngayong gabi ko gagawin. Nagpaalam ako kay Rael na pupunta ako sa hotel kasi doon ko kikitain ang assigned photographer ko para sa araw na ito. Okay na rin iyong ako na lang mag – isa ang pupunta para naman malayo ako sa kanya para mawala itong mga kalaswaan sa utak ko. Kailangan siguro namin ng space.

Gusto pa nga nita akong samahan pero tumanggi na ako. Mabuti at nagpasama sa kanya si Ma'am Nikkita na magpunta sa spa para magpamasahe. Gusto kong pasalamatan ang nanay niya.

Sa restaurant ako naghintay, hindi nagtagal ay nakita ko na si Joy – ang photographer ko. Sabi niya sa message niya sa akin ay kaninang umaga siya dumating. May event pa kasi siyang pinuntahan kahapon kaya hindi kami magkasabay – sabagay, hindi rin kami magkakasabay kasi nga si Ysrael ang kasabay ko.

"Good afternoon, Lu. Nakakuh ana ako ng copy ng program mamaya. Iyong guestlist nag-request na ako sa kanila, ang sabi ay isesend na lang sa email ko iyong mga nag – RSVP. Grabe, ang laki ng party na ito."

"Excited ka ba? First time mo sa CLPH?"

"Hindi ko first time. My father has a membership here."

"Eh diba naglayas ka?" Natatawang wika ko.

"Tinakwil pero hindi naman mawawala iyong surname ni Dad sa pangalan ko so when I showed them my ID, alam na nila. Anyway, I'm here for work, sadya lang na gagamitin ko ang perks ng membership ni Dad kaysa naman iyong evil stepmom ko ang makinabang." Natawa ako sa sinabi niya. "I was looking for your room number, sabi ng staff hindi ka naman naka – check in sa hotel."

"Hindi nga. Ano... kasama ko si Ysrael."

"Consunj? What is he? Boyfriend of FUBU?"

"Gaga! Best friend since kindergarten." Tumawa na lang ako. Sinimulan na naming pag-usapan ang gagawin namin mamaya. I told her that she would be always on call. Kailangan nasa entrance siya para makuhanan ng larawan ang mga guests.

"Don't take photos of Hailey Demitri." I told her.

"Uhhh! Magkaiba kayo ng sinasabi ni Ma'am Berta!" Natawa siya.

"Seryoso. Let her be the one to announce if she's pregnant or not. Hindi naman iyan ang scoop na pinunta rito. Nandito tayo para i-highlight and costume party slash charity event na ito."

"Okay. Ako nang bahala kay Ma'am Berta. Si Mariake Vejar ba kukunan din ng photo?"

"If she wants. Kung ayaw niya ay h'wag. Gagawin ng ibang magazines pero hindi tayo. We must respect her privacy." I owe it to Mariake Vejar. Huminga ako nang napakalalim. Malaki ang utang ko sa kanya at sa tuwing naiisip ko ang nangyari noon ay nakakaramdam ako ng hiya sa kanya.

There was once a time when everyone thought that she was Kairos Vejar's mistress. Lahat naman ng magazine, newspaper at social media ay nagsulat tungkol sa issue na iyon ni Mariake, pero ang article kong inilabas sa magazine namin ang tila pasabog na sumira nang husto sa reputasyon niya. I wrote the article as if I was crucifying her for being a mistress and as it turns out hindi naman pala. Hiyang – hiya ako sa kanya kaya sa tuwing makikita ko siya ay natatameme ako. I asked for her forgiveness, pinatawad niya ako pero nagi-guilty pa rin ako tuwing naaalala ko ang bagay na iyon.

At five in the afternoon ay naghahanda na ako sa cabin ni Rael. Nagkasundo kami ni Joy na magkita na lang sa event's place. Napagdesisyunan kong ituloy na lang ang white lady costume ko pero hindi ko na isinuot ang wig kasi mukha akong tanga.

Seven pm ang start ng program kaya dapat at six palang ay naroon na ako. Tumawag na ako ng golf cart para naman hindi na ako maglakad nang malayo. Sa Adelaide Hall gaganapin ang party – may kalayuan iyon rito at ayokong maglakad kasi mapapagod ako. Wala si Rael sa loob ng cabin nang dumating ako kanina. Mabuti na rin iyon. Naisip kong hindi kami dapat magsama nang matagal kasi nga kung ano – anong napag-iisip ko.

Bandang five – forty – five ay namataan ko na ang golf cart sa labas ng cabin. Kinuha ko ang voice recorder ko, notepad at cellphone bago ako lumabas ng silid. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Rael na nakatayo roon na para bang kakatok siya. Napaawang ang labi ko.

Grabe! Ang gwapo naman ni Rael! Ang costume niya ay isang 90's rock star. He was wearing a leather blazer – walang inner shirt iyon. Fit na denim pants – na bumabakat yata ang Junjun niya pero bakit ko ba iniisip iyon? Dapat ay hindi.

"Aalis ka na? Gusto mo bang sabay na tayo?" Nakangiting wika niya. Umiling na lang ako.

"Hinihintay na ako ni Joy sa Adelaide Hall. Magkita na lang tayo. Bye, Rael!" Nagmamadaling nilayasan ko siya. Habang nasa golf cart ako ay napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi talaga pwedeng ganito. Sa nakalipas na mga taon kasi ay hindi na kami madalas magkausap kaya siguro ganito ako. Kailangan ko lang ulit na sanayin ang sarili ko sa presensya ni Rael para hindi naman tumitibok nang napakabilis ang puso ko.

"Hi, Lu!" Hindi naman naging mahirap sa akin na makita si Joy. Nakaabang na agad siya sa entrance. Lumapit agad ako sa kanya.

"May mga dumating na ba?"

"Meron na. I got pictures of Rina Osias and her father. She looks great! I also have the picture of that weird Consunji – Alice in Wonderland pero zombie. May batang maliit na tumatakbo na naka – MOANA costume habang kumakanta ng How far you will go. Ang cute!" Pinapakita niya sa akin ang mga shots na kinuha niya pero parang may sariling kaluluwa ang kamay ko na nilipat papunta sa larawan ni Rina Osias. Tama si Joy – ang ganda nga. Rina was wearing a princess costume Medyo safe pa nga ang costume niya pero mukha siyang royalty talaga.

"Girl crush?" Tudyo ni Joy sa akin.

"Hindi. Chineck ko lang. Maganda nga. Kamukha niya si Cinderella. Pasok na ako. Keep your lines open." Sabi ko na lang sa kanya. Pagpasok ko sa loob ng function hall ay talagang nalula ako. Hindi naman ito ang unang beses na nagpunta ako sa lugar na ito pero hindi yata talaga ako masasanay sa kung gaano kayaman ang mga may – ari at kung gaano ka-engrande ag lugar.

Dress to scare and impress ang theme ng party. Marami rin namang nakakatakot ang costume pero kapansin – pansin talaga ang mga magagandang gowns na suot ng mga bisita. Some of them are princesses, others are from those slasher movies, may nakita pa akong Annabelle at Valak. Ang cute nga. Pumwesto agada ko sa may bar at nanghingi ng flavored sparkling water. Hindi ako iinom kasi official work night ito. Magmamasid lang ako. Kakausapin ang ilang sa tingin ko ay may kinalaman sa event na ito at ang unang – unang kakausapin ko at siya na ring nagpatawag sa Magazine namin – ang head of the family na si Gabriel Consunji – ang Uncle ni Rael.

Halos lahat sila ay narito na. Yza Demitri came in with her husband Helios Demitri. Kasama nila ang anak na si Hailey Demitri – Calimbao at ang asawa nitong si Congressman Theo Calimbao. Bumabati sila sa lahat. Mukha nayakap na ni Hailey Demitri ang buhay niya bilang asawa ng isang politician.

Ang sumunod kong nakita ay si Perseus Vejar naman kasama niya ang isang babaeng naka-suot ng Harley Quinn costume – partner sila Joker and Harley Quinn. Cute. I took a photo of them. Hindi ko kasi kilala ang babaeng iyon pero makikilala ko siya. Ang sunod na dumating ay ang kambal ng mga Vejar na kapatid ni Percy kasama ang mga asawa at anak nila.

Yael and Alyza Mae were wearing The sound of Music costume. Ang cute – cute ng pamilya nila. Si Yohan ang karga ang nakababata niyang kapatid na si Yuna – o baka si Yoodie iyon? Hindi ko alam basta may bata na naman silang kapatid. Napakaraming Consunji sa lugar na ito. Hindi lang naman sila – even the Vice President of the country is attending the party. Nakakatuwa, ang dami – daming pamilyar na mukha sa lugar na ito ngayong gabi.

Panandalian kong nakalimutan si Rael at ang mga mahahalay na pinag – iisip ko sa kanya. Naging abala na kasi ako sa trabaho. Natapos na ang pagpasok ng mga bisita kaya nakaupo na si Joy sa tabi ko. Nang umakyat si Gabriel Consunji sa entablado para magsalita ay pumwesto na rin si Joy para kunan ang lalaki. Ako naman ay agad na inilabas ang voice recorder ko pati na rin ang phone ko. I need to capture this.

Gabriel Consunji's remarks about the crisis gripping the country reflect a layered and urgent reality—one shaped not only by economic instability, but by a convergence of environmental disasters, systemic corruption, and urban vulnerability. Thus, this charity event came to life. Ang perang malilikom sa event na ito ay ido-donate ng imperyo sa mga taong nasalanta ng sunod – sunod na kalamidad. Ipinaliwanag niya na bawat plato sa party na iyon ay may presyo at mamaya ay magkakaroon ng auction – na siyang inaabangan ng lahat.

Ayon na rin kay Sir Gab, ang mga anak at pamangkin raw niya ang papasok sa auction. Sina Ody, Miguel, Uriel, Raphael, Rael, Ino, Tino, Hunter, Ino, at Tino.

"Naiinip na ako." Nagulat ako nang magsalita si Rael sa likuran ko. Nakapamulsa siya tapos ay nakasimangot. "Labas na tayo." Yakag niya sa akin.

"Sir, nagtatrabaho pa kami ni Joy."

"Iyong kasama mo? Nasaan? Hindi ko pa siya nakikita."

"Ayon, busy sa pagkuha ng pictures." Tinuro ko si Joy sa kaliwa. Napansin kong nakahawak siya sa may parteng dibdib niya. Napaawang ang labi ko.

"Is she okay?" Si Rael ang nagsalita. Agad akong tumakbo kay Joy.

"Anong nangyayari? Hindi ka makahinga?" Hinawakan ko agad siya at saka tinitingnan siyang pilit. May tinitingnan si Joy sa bandang kaliwa niya kaya sumunod na rin ang mga mata ko. It was a tall man, wearing an all-white three-piece suit. "Joy?!"

"Kilala mo ba iyan, Lu?" He asked me.

"Luigi Arandia." Sabi bigla ni Rael. "Kapatid ni Lemuel Arandia, iyong newly elected Metro councilor na kalat na kalat sa news noong nakaraan. "Okay pa bai yang kasama mo, Lu?"

"Okay naman ako. Tumibok lang nang napakabilis itong puso ko. Para akong naghahabol ng hininga pero okay na ako, Lu. Pasensya ka na. Doon muna ako sa may table ni Vice President." She excused herself.

"Dapat yata dinala sa infirmary iyang kasama mo." Wika niya pa sa akin.

"Okay naman daw siya eh. Jusko ninerbyos ako. Akala ko hihimatayin siya." Natawa si Rael tapos ay pinindot ang pisngi ko.

"Mula noon hanggang ngayon, nerbyosa ka. Lika, sayaw na ta—"

"Rael! My man!" Bigl ana lang inakbayan ni Ody si Rael. May dalang alak na si Ody. Mukhang lasing na rin siya. Katunayan noon ay hinalikan niya pa sa Rael sa pisngi sabay kindat.

"Ody, ano ba? Parang bobo ka naman. Bitiwan mo nga ako!"

"Tado, hindi! Mag-iinom tayo! Bye miss! Babalikan ka mamaya ng pinsan ko!"

Hinayaan ko na lang na kuhanin ni Ody si Rael. Pero kahit paano ay nakaramdam ako ng lungkot kasi dapat sasayaw na kami pero okay lang. Hindi ko alam kung ready na ako kasi baka kung anong kalaswaan na naman ang maisip ko.

Hindi na kami nagkita ni Rael sa mga sumunod na oras. Wala rin siya sa auction. Hindi ko alam kung saan siya dinala ni Ody o ng mga pinsan niya. Mamaya ko na lang siya hahanapin. Tatapusin ko muna ang trabaho ko.

Ala – una nang madaling – araw nang mapagpasyahan namin ni Joy na tapusin na ang trabaho. Halos umuwi na rin naman ang mga bisita. We just took some photos of the venue and those remarkable costumes that would be featured in our magazine. Inihatid ko si Joy sa hotel niya hanggang sa suite niya. Ako naman ay nagpasyang maghintay ng car service sa lobby pabalik sa cabin ni Rael.

Naglalakad na ako papunta sa may elevator nang makarinig ako ng ingay.

"Amputang ina mo naman, Rael! Tumayo ka riyan! Hindi kita kaya!"

Nakita ko si Ody na akbay si Rael. Si Rael naman ay tawa nang tawa at ilang beses na nalalaglag mula sa pagkakahawak ni Ody. Sumubsop pa si Rael sa carpted floor pero tumawa ulit siya.

"Anong nangyayari rito?" Tanong ko sa kanya nang makalapit ako.

"Itong si Rael eh! Hindi ko rin naman alam! Iyong palang baso na may happy pill siya ang nakainom!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Happy pill? What?! Drugs? Pinainom mo ng drugs si Ody?!"

"Hindi iyon drugs! Sobrang tahimik kasi ni Rael kaya nanghingi lang ako kay Reese ng pampa-happy! It's not drugs! I swear!" Nakaramdam ako ng pag – aalala sa kaibigan ko. Kahit ilang beses niyang sabihin sa akin na hindi drugs iyon, naniniwala akng drugs iyon kasi saan ka nakakita ng Rael na lasing na lasing tapos tawa nang tawa? Hindi ko napansing binuksan na ni Ody ang pinto ng suite sa gilid ko.

"Tulungan mo ako. Hindi ko siya pwedeng iuwi sa cabin niya ng ganito. Papatayin ako ni Uncle Yto saka ni Papa ko!" Dahil nalilito na rin naman ako ay wala akong nagawa kundi ang tulungan siya. Kabang – kaba ako. Si Rael ay tawa nang tawa. Kung ano – anong sinasabi niya. Nang mailapag namin siya sa kama ay walang salitang iniwanan ako ni Ody roon.

"Jusko naman, Ysrael! Anong pinagagawa mo sa buhay mo?!" Inis n ainis na wika ko. Nakadilat siya at nakatingin sa akin. Tumawa na naman siya.

"Miss, why do you sound so mad at me?" Rael asked me. Natigilan ako. He sounded so normal and sober pero halata sa mga mata niyang lasing na lasing siya.

"Hindi ako galit. Nag – aalala lang saka anong Miss? Okay ka ba?" Nagulat ako nang tumayo siya at lumapit sa akin. Dahan – dahan ang mga hakbang niya. Ako naman ay napapaurong hanggang sa lumapat na ang likod ko sa pader.

"Rael..."

"Are you the woman Ody is talking about? I like his taste. You look so delectable in that fitted white dress of yours, Love."

Putang ina? Anong pinagsasabi nito?! Napasinghap ako nang hawakan ni Rael ang pisngi ko tapos ngumisi siya sa akin.

"Have I seen you before? You look so familiar." Anas niya habang palapit nang palapit ang mukha niya sa mukha ko. Kabang – kaba ako. Akala ko lalabas na ang puso ko sa lalamunan ko. Jusko po. Jusko po!

"Rael... ano ba?" Gusto kong pagalitan ang sarili ko kasi imbes na magmatigas ako ay anas lang ring lumabas iyon sa bibig ko – na para bang hinihintay ko lang na lumapat ang labi niya sa labi ko at nang mangyari iyon ay parang narinig kong kumanta ang mga anghel sa paligid ng soprano na AHHHHH.

Nakadilat lang ako. Gago. First kiss ko ito. First kiss ko mula sa naka Happy pill na Rael na para bang hindi ako nakikilala kaya ganito ang halik niya sa akin.

It wasn't gentle. It was a collision of breath, of longing – pero para saan? O baka naman imahinasyon ko lang na may longing roon? Baka kasi idealistic lang ako kaya ganito ang nararamdaman ko. My fingers curled into his blazer as if anchoring myself more to that moment. Ayokong matapos ito. Ayoko nga ba? Hindi tama ito. Pagsisisihan ito ni Rael bukas pagkagising niya.

Si Rael nga lang ba ang magsisisi?

"You taste so damn good, woman." He pulled away for a while to look into my eyes. Lunod na lunod na ako at alam kong sa mga susunod na pangyayari ay wala na akong control kasi... kasi... kasi...

Alam ko. Alam ko kung bakit pero ayokong aminin sa sarili ko.

Ayoko. Because the moment I admit it to myself, things would be different, and I don't want to lose Rael like that – just because of that.

But when he kissed me again, I threw all my inhibitions to the window and let him have his way on me.

Bahala na bukas. Bahala na talaga. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top