Chapter Five
OH! OH!
Lu's
HANGGANG ngayon ay natutulala pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa amin ni Rael. Ilang beses ko na bang sinabi sa sarili kong kailangan ko na iyong kalimutan. Hindi ko magawa sa tuwing natatahimik ako ay naaalala ko ang buong detalye, namumula ang mukha ko. Hinahanap – hanap si Rael ng katawan ko – isang bagay na hindi naman dapat dahil una palang naman ay mali ang naganap sa amin. Konswelo de bobo na lang talaga para sa akin na kung may natatandaan man siyang naganap ay hindi ako ang babaeng iyon sa alaala niya.
At first, I thought it was a blessing in disguise. Iniisip kong hindi ako dapat mag – alala kasi walang magbabago sa amin ni Rael. Pwede pa rin akong humarap sa kanya at nginitian siya tulad nang dati. It's okay – everything is gonna be okay – iyon ang paulit – ulit kong sinasabi sa sarili ko pero ako rin naman iyong umiiwas sa kanya. Mula nang bumalik ako sa Metro ay hindi na ako gumawa ng kahit anong paraan para ma-contact si Rael hindi tulad nang dati na palagi ko siyang kinukumusta. Nag-message naman siya sa akin noong gabing nakabalik ako ng Metro, tinatanong niya lang kung maayos ba ang byahe ko. Hindi ko na kasi siya hinintay kahit na iginiit niya pang sabay na lang kaming bumalik kasi sabay naman kaming nagtungo ng CLPH. Sinabi ko na lang na kailangan kong bumalik sa office nang maaga dahil may pag – uusapan kami ni Joy patungkol sa mga shots niya. Rael looked skeptical pero sa huli ay hinayaan niya na lang akong umalis kasama ni Joy. Gusto niya pa ngang ipahatid kami sa car service pero mabuti at may dalang sasakyan si Joy at sanay siyang mag-drive nang mahaba.
Ngayon, tatlong linggo na ang nakalipas mula nang gabing iyon at wala akong ni katiting na balita kay Rael. Hindi ko na alam kung anong ginagawa niya. Wala na rin akong balak alamin. Siguro sa mga susunod na panahon ay mahaharap ko siya, pero h'wag muna ngayon kasi nga hindi pa ako handa. Sariwa pa rin sa isipan ko ang mga bagay na nangyari sa amin. Kung magiging masaya siya kay Rina – okay na rin. Basta hinding – hindi ko sasabihin sa kahit na kaninong nabubuhay ang nangyari sa amin. It would be a secret that I would take to my grave.
"You okay, Boss?" Nagulat ako nang magsalita si Joy. Nakalimutan kong nasa meeting nga pala kami at may pinag-uusapan tungkol sa next issue ng magazine namin. Hindi ako masyadong nakikinig kasi naiisip ko na naman si Rael – isang bagay na pinagbawalan ko ang sarili kong gawin.
"Oo. Puyat lang ako. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi."
"May come back ba ang EXO?" Natatawang tanong niya.
"Si Kai lang naman kaya stream – stream muna ako."
"Nice! Pero h'wag masyado. Nakakasira ng bato ang pagpupuyat."
"Dalawa naman iyan." Pabirong wika ko. Natawa na rin si Joy. Mabuti na lang talaga at hindi ako gaanong tinanong ni Berta ng kahit ano sa meeting kasi hindi ako nakikinig. Sabay kaming lumabas ni Joy ng conference room nataon namang lunch break na kaya nagpasya kaming mag – lunch out sa malapit na mall. Nagsabi na rin ako kay Berta na hindi na ako babalik at masama ang pakiramdam ko – pero maghahabol lang talaga ako ng tulog. Kailangan kong bawalan ang sarili kong isipin si Rael sa gabi kasi dahil doon ay puyat na puyat ako.
Joy and I decided to eat at this Italian place. She ordered carbonara and pizza margherita, ako naman ay lasagna at chicken parmigiana.
"Boss, matagal mo nang kaibigan si Rael Consunji?" Tanong niya sa akin. Bigla ay napainom ako ng flavored sparkling water na kakaserve lang ng waiter sa amin. Tango na lang ang isinagot ko sa kanya. "So, mayaman ka rin?"
"Loka! Hindi!"
"Paano mo naging kaibigan iyon kung hind imo sila kasing – yaman?" Natawa na naman ako.
"Nagkataon lang na nakabili ng lupa ang mga magulang ko sa village kung saan sila nakatira tapos doon na rin nagpatayo ng bahay sila Papa. Iyong bahay nila, likod iyong bahay namin. Kaya ayon. Kalaro ko si Rael noon hanggang sa mag-high school kami ay magkasama kaming dalawa."
"Anog trabaho ng Papa mo noon, Lu?"
"VP for finance ng isang banko."
"Tapos hindi kayo mayaman. Right!" Tumawa na naman ako.
"Si Mama at Papa ang mayaman pero nawala na rin naman iyon kasi lahat ng pera noon ay napunta sa pagpapagamot ni Papa noong nagkasakit siya at naibenta na rin ang bahay na iyon. Ikaw nga anak ng Senador!"
"Na involved sa flood control project. Nakakahiya." She even rolled her eyes. Tawang – tawa na naman ako. "Saka isa pa, anak ako sa labas. Hindi ako nepo baby." Hindi naman nagtagal ay dumating na ang order naming dalawa. We were in the middle of eating when a voice was heard from out left.
"Oh! Look who we ran into?" Napalingon ako at nakita ko si Andromeda Consunji. Nanlaki ang mga mata ko. She was looking at me with her wide beautiful smile. Napakaganda ng pinsang ito ni Ysrael. She was wearing a plain navy blue cotton dress – na sa bawat galaw niya ay sumusunod sa galaw niya. Her shoulder leght hair gave her more character. Para siyang kontrabida sa isang teleserye na tatapunan ka ng tubig sa mukha anumang oras mula ngayon.
"Andromeda..." I finally acknowledge here. "Uy! Ano kain!" Yakag ko sa kanya. She smiled wider.
"Okay! Dito na ako uupo. May kasama ka. Hello, ako si Andromeda, you can call me Andy. Who are you?"
"Joy."
"It is nice to meet you, Joy. Oh heto na pala si Rael!" Halos mailuwa ko ang kinakain kong lasagna nang magsalita si Andromeda. Lumingon ako at nakita ko si Rael na kasama si Rina. Rina looked divine in her casual dress Nakaladlad ang mahaba niyang buhok at napaka-ayos ng pagkaka-make up sa kanya. Para siyang pupunta sa isang photoshoot.
"So, it's true. They are dating." Wika pa ni Joy sa mahinang tinig.
"Yes. Yes, they are or, Rael is just one stupid boy. Takes after his brother Yael. Pareho silang bobo." Napansin kong nakatingin si Andromeda sa akin – iyong tingin na para bang may alam siyang hindi ko alam at hindi niya sasabihin sa akin kahit na anong pilit ko pa.
"It's good that he's dating." Wika ko na lang kahit na parang kinukurot ang puso ko. Nang makalapit si Rael sa table ay nakakunot ang noo niya sa akin.
"Tinatawagan kita, hindi ka sumasagot." Iyon agad ang bungad niya sa akin.
"Busy ako." Matipid na wika ko pero nakangiti na naman ako. He just shook his head.
"Ano naman kina-busy mo?" Maaskad na tanong niya. Bakit parang nanghahamon ng away itong taong ito? Wala naman akong ginawa sa kanya. Siya nga ang may ginawa sa akin.
"Come back season so busy ako." Iyon na lang ang napili kong idahilan sa kanya. Matagal na kaming magkakilala at magkaibigan kaya alam kong alam niya na mahalaga iyon.
"Hindi naman tatagal ng tatlong minuto para sagutin mo ang tawag—"
"Rael, isn't it rude that you're not introducing your girlfriend t your best friend?" Sumabat si Andromeda. Jusko, gusto ko siyang halikan. Mukhang noon lang naalala ni Rael na kasama nga pala niya si Rina. I smiled at Rina. Dahil hindi nagsasalita si Rael ay ako na ang nagpakilala sa sarili ko.
"Hi, ako si Lucrezia. Lu na lang for short. Kaibigan ako ni Rael. Nice to meet you." Tumayo ako para makipagkamay sa kanya. Rina smiled at me.
"Lu Dela Cruz? Tama? Ikaw iyong writer ng Anything Lu sa newspaper! I am an avid fan of your column!"
"Thank you. Come, sit. Sumabay na kayo sa amin." Napakaplastic ko. Gusto kong tawanan ang sarili ko. Si Andromeda ay ganoon pa rin ang reaksyon. Nakangisi na nga siya sa akin sa pagkakataong ito ay sigurado akong may niluluto si Andromeda sa isipan niya.
"So..." Si Joy ang nagsimula. "Sinusundan ko ang career mo, Miss Rina. Noong sumali ka two years ago sa Miss Grand International and you won; I was so proud of you. Ang lungkot lang kasi hindi Magazine naming ang nakakuha ng exclusive interview mo."
"Ay, oh my god, thank you. Wait, ikaw si Joy diba? Anak ni Senator Luistro Abadi?"
"Yeah, too bad. Pero waka akong kinalaman sa flood control, flood control na iyan." Ang lakas ng tawa ko – na super awkward kasi gusto ko lang naman ipakita na hindi ako apektado sa presensya ni Rael – na siyang katabi ko ngayon kasi hindi naman talaga bakit naman ako maaapektuha. Like grabe?
Hindi ko naman iniisip ngayon na sobrang gwapo niya, na ang bango – bango ng pabango niyang minsang binili ko ang isang bote para i-spray sa kama ko kasi gusto ko siyag maamoy sa paligid ko.
"Ang OA." Wika ni Rael sa akin.
"Mas OA kang bwisit ka." Sa inis ko ay tinusok ko ng tinidor ang daliri niya. Nabigla naman ako. Napatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.
"Aray ha?"
"Na parang bumaon sa daliri niya ang tinidor?" Sarkastikong wika ko. Naulinigan namin si Andromeda na tumatawa.
"This is so interesting." Wika ni Andromeda sabay tawag sa waiter. "Kind Sir, could you give me a glass of margarita? Iyong unlimited."
"Andy, tanghaling tapat." Wika ni Rael sa kanya.
"And so? I drink when I find something interesting. It just so happened I saw it here." Binalewala ko na lang ang sinabi ni Andromeda.
"Ano nga palang ginagawa ninyo rito? Bakit kayong dalawa ang magkasama?"
"Oh! I'm just helping beautiful Rina here pick a dress for her party on Saturday."
"Well, it's my birthday and since Rael has finally introduced us, gusto kitang iinvite sa birthday ko, Lu, ikaw na rin Joy. Your sister Jammy would be there too."
"Hindi pa ba siya gagawing barrier sa flood control?" Komento ni Joy.
"Sira ulo." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Just saying. Kung pupunta tayo, Boss ayokong trabaho ito. Tatlong linggo na akong kuha nang kuha ng picture sa mga alta parties sa totoo lang sa CLPH lang ako nag-enjoy."
"Thank you. It's my party. Ako ang nagplano ng lahat." Pagmamalaki pa ni Andromeda. "Kaya lahat ng detalye alam ko – like as in alam ko. I'm like the eye in the sky. I could see everything."
Muli na namang tumingin sa akin si Andromeda. Sinasabi niya bang alam niya ang nangyari sa amin ni Rael. Si Rael naman ay wala talagang pakialam. Nakatingin lang siya sa kinakain niya – tila iniispeksyon, kulang na lang ay amuyin niya pa sabay harap sa akin at sinubuan pa ako – ako naman out of habit na ibinuka ko ang bibig ko para isubo nga iyon – nakalimutan kong dapat ay hindi dahil naroon si Rina – girlfriend ni Rael. Nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit mo sinubo sa akin! Para kang tanga!"
"Masarap kasi! Gusto kong matikman mo." Walang abog na wika niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. Sira ulo talaga. Apologetic na tumingin ako kay Rina.
"Rina, sorry. Makulit lang talaga si Rael."
"It's okay. Ang cute ninyo nga. I have always wanted a friend like you two. Kaya lang wala akong best friends lagi kasing hindi ko alam kung kaibigan ko sila dahil sa akin o dahil sa power ng Papa ko."
"H'wag kang mag – alala. From now on, friends na rin tayo." Sabi ko pa sa kanya. Ngumiti si Rael kay Rina.
"I told you. She will like you." Masuyo pang hinaplos ni Rael ng pisngi ni Rina – kasabay noon ay tumirik ang mga mata ko. Jusko! Para akong nakapagitna sa mag – jowang high school.
Nang matapos ang lunch ay humiwalay na kami ni Joy sa kanila. Mukhang magrereklamo pa si Rael pero hindi na siya nagsalita kasi nga may sinabi sa kanya si Rina na para bang naalala niya na may gagawin nga pala sila. Nagtungo na kami sa kotse ni Joy. Nakisakay lang naman ako sa kanya at nagpahatid na rin ako sa condo unit ko. I thanked her and left her car. Umakyat na agad ako sa uit ko at pagsara ko ng pinto ay saka ako parang nasa teleseryeng napa-walling ako hanggang sa napaupo ako sa sahig.
"Tang ina... ang sakit – sakit." Natatawag sabi ko – natatawang, lulumuha na pala ako. "Ang sakit – sakit talaga."
xxxx
DALAWANG BUWAN ang matuling lumipas mula nang gabing may mangyari sa amin ni Rael at masasabi ko naman na kahit paano ay balik na sa dati ang buhay ko. Tinanggap ko na sa sarili kong hindi ko kayang iwasan si Ysrael at kasama na sa buhay niya si Rina. Hindi ko alam kung anong nangayari nang gabing iyon. Baka noong umalis ako ay natagpuan siya ni Rina. Baka may nangyari nga talaga sa kanila – pagkatapos namin na siyang iniyakan ko talaga kasi bakit, hindi ba ako sapat? Pero noong naisip ko naman na baka nga may nangyari sa akin nayamot rin ako kay Rael, napakalandi niya! Isa pa sobrang nakakadiri na pinasak niya iyong kanya sa akin tapos pinasok niya rin sa iba! Sobrang unhygenic!
Pero kinalimutan ko na lang. Hinayaan ko na. Para saan ba? Hindi ko rin naman sasabihin kay Rael ang totoo. Ikamamatay ko na ito. Hinding – hindi ako aamin kahit anong mangyari. Nang hapon iyon ay aalis ako kasi may fan meeting ang baby ko sa MOA Arena. Jusko. Makikita ko na si DO Kyungsoo! Ang gwapo – gwapo niya! Gusto ko talagang gumawa ng banner kagabi na ang nakalagay ay DO, anakan mo ako! Pero baka kasi kuhanin ng marshall kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko.
Alas siyete ang fan meet pero alas singko palang ay nasa MOA na ako para makapag – ikot ikot. Siyempre nagbihis ako ng maganda. Kailangan iyong bihis ko ay iyong para bang makikipag-date ako sa boyfriend ko. Naglagay pa nga ako ng flower crown. I was wearing a white off shoulder knee length dress. Grabe! Para kay DO nagkulot pa ako at nagpagawa ng kuko. Kailangan napakaganda ko kasi sobrag swerte mi Kyungsoo dahil makikita niya ako ngayong gabi!
Nag – iikot – ikot muna ako sa loob ng mall. Naisip ko kasing kumain na muna bago ako pumasok sa loob ng arena kaya iyon na muna ang ginawa ko. I wanted ramen, so I looked for my favorite ramen place. Sanay naman akong mag – isa kaya hindi ko na pinapansin ang mga tao sa paligid ko. I was only checking my phone when I suddenly felt someone touch my shoulder. Nang lumingon ako ay nakita ko si Rina. Ngiting – ngiti siya sa akin. May hawak siyang isang paper bag ng isang high end na store. I smiled at her.
"Kanina pa kita nakita noong nasa labas ka palang. I was wondering kung ikaw nga kasi the last time we saw each other was two months ago, so I wasn't sure." Rina was soft – spoken. Mukhang mabait talaga siya kaya sigurp kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko ay hindi ko magawang mainis sa kanya.
"Hello, Rina! Kumain ka na ba?" I asked her. Rina shook her head. "Join me. Come on!" Naupo naman siya sa tapat ko at saka nagpalinga – linga.
"Ikaw lang?" Tanong niya sa akin. I gladly nodded. "Hala, baka nakakaistorbo ako sa ME time mo."
"Okay lang. Ano ka ba naman."
"You look like you have a date." Pansin niya sa akin.
"Parang ganoon na nga." Napahagikgik ako. Napansin kong nanlalaki ang mga mata nita.
"May boyfriend ka? Sabi kasi ni Rael wala raw at mukhang wala kang balak mag-asawa."
"Sira ulo talaga iyon! Wala pa sa plano kong mag – asawa. Kung darating siya, good pero kung hindi naman, magtatanim na lang ako ng mga gulay sa bakuran ko iyong pwedeng isahog sa sinigang. Paborito ko kasi iyon." Sabi ko pa sa kanyang natatawa pa. Mukhang hindi naman niya na-gets ang joke ko. Umubo na lang ako.
"I'm so sorry." Sabi niya sa akin.
"Bakit naman?"
"Kasi... nakakahiya talaga pero sinabi ko kay Ysrael na baka kaya wala kang boyfriend kasi may gusto ka sa kanya."
"Pinagsasabi mo?" Napakunot ang noo ko. Mataman naman niya akong tinitigan.
"You are so close kasi eh. The last time pa, sinubuan ka niya ng food. I'm sorry if I was licke that. Akala ko kasi... saka bago lang kami ni Rael. I really want this to work. Hindi ko alam kung nasabi niya sa'yo pero... he's the first man in my life."
Mine too. Putang ina mo, Rael. "Over naman sa revelation, Girl! Wala akong gusto kay Rael no. Sana kung meron, noon pa sinabi ko na sa kanya. Jusko, sabay kaming naliligo sa ulan noon dati! Walang malisya rito! You could count on me." Sobrang na-amaze ako na hindi ako tinamaan ng kidlat dahil sa pinagsasabi ko. Mukhang sa pagkakataong iyon naman ay napalagay siya sa akin. Dumating ang order namin nang magkasunod at habang kumakain ay nagtatanungan kami. Tinatanong niya ang mga paborito ni Rael at bilang mabuting kaibigan naman ay sinabi ko sa kanya ang lahat. Gusto kong maging maayos sila ni Rael. Nararamdaman kong genuine si Rina sa akin. Nang matapos ang pagkain ay magkasabay kaming naglakad palabas ng ramen place na iyon.
"Susunduin ako ni Rael. You should stay, say hi to him. Sabi niya kagabi ay halos hindi raw kayo nagkakausap."
"Busy kasi ako sa work at sure akong busy rin siya sa hacienda niya sa Quezon."
"Oh! Have you been?" Rina asked excitedly. Natawa ako at umiling.
"Napakalayo noon, wala akong balak bumyahe para lang makita siya no." Sabi ko pa kay Rina. Natawa naman siya sa akin. "Oh, paano mauna na ako. Male-late ako sa date ko." Kinindatan ko siya. Napakunot na naman ang noo ni Rina.
"You have a date?! Hala! Nasaan?!"
"Naghihintay na iyon sa akin. Seven pm ang start naming. Bye, Rina! See you soon!" Napansin kong palapit na si Rael sa kinatatayuan ni Rina kaya tumakbo na ako palabas ng seaside. Maglalakad lang naman ako papuntang Arena. Hindi na ako kailangan makita ni Rael pero dahil sa kalituhan ko imbes na doon ako lumabas sa mas malapit sa Arena ay napalayo pa ako pero okay lang. Aakyatin ko pati Mt. Pulag makita ko lang ang baby ko – at maiwasan si Ysrael...
xxxx
NGITING – NGITI pa rin ako nang dumating ako sa unit ko nang gabing iyon. Dalawag oras akong kinikilig kasi ang cute – cute ni DO sa fan meet. Jusko. Ilang beses kong inakalang malalaglag ang panty ko buti na lang talaga hindi natuloy. Jusko! Sulit iyong kinse mil ko! Kumanta na, kumaway pa, nagalit pa, sobrang cute talaga!
"Good evening, Lu. Ginabi ka na yata." Natagpuan ko si Kuya Jorge sa lobby na may dalang kung anong brown paper bag.
"Wow! Mukhang puspusan ang paglilihi ni Ate Leina! Mcdo ba iyan, Kuya?" Inusisa ko na ang dala niya.
"Oo. Ang weird maglihi. Gusto ng two-piece chicken thigh part pero iyong kanin at iced tea dapat galing sa Mcdo." Ang lakas ng tawa ko. "Mukhang pinaglilihan niya rin iyong sarili niya kasi palagi siyang nakaharap sa salamin." Hindi na natapos ang tawa ko sa mga kuwento ni Kuya Jorge. Sabay kaming umakyat sa elevator at dahil magka – floor lang naman kami at magkapitbahay ay sabay na rin kaming naglakad sa hallway. Ang cute ni Kuya Jorge habang kinukwento niya sa akin ang mga paglilihi antics ni Ate Leina. Sobrang bait ng mag – asawang ito. Bagay na bagay talaga sila sa isa't isa.
"Oh, may tao pala sa'yo. Boyfriend mo?"
"Ha?" Laking gulat ko nang makita ko si Rael na nakatayo sa labas ng unit ko. Titig na titig siya sa amin ni Kuya Jorge. Madilim na madilim ang mukha niya.
"Saan ka ba galing ha? Uwi ba ito ng matinong babae?" Bungad na bungad! Hindi man lang nahiya kay Kuya Jorge!
"Ooppss. LQ. Alis na ko, Lu. Bye! Bukas na lang." Mabilis pa sa alas kwatro na pumasok si Kuya Jorge sa katabing unit. Naiwan ako sa gitna ng hallway na nakatitig kay Rael. Huminga muna ako nang napakalalim at saka pinamaywangan siya.
"Bakit ba nandito ka? Gabi na ah. Di ka pa umuwi sa inyo."
"Ikaw ang tinatanong ko. Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing? Sinong kasama mo? Sino iyong lalaking iyon? Bakit ka tawa nang tawa! Aba naman, Lucrezia kung nakakatawa siya napakacorny naman ng humor mo!"
"Dameng ebas! Umuwi ka na." Sabi ko na lang sa kanya. Parang lalong nainis si Rael.
"Saka bakit pinalitan mo iyang code ng pinto? Kanina pa ko rito tapos di ako makapasok! Tinatawagan kita naka-dnd ka." Niraratrat ako ni Rael. Natutulig ako. Ewan ko ba. May mga oras na gusto ko siyang makita o maamoy tulad ng dati pero nitong mga oras na ito nayayamot lang ako kasi ang lakas – lakas niyang huminga.
"Grabe! Shut up na! Masakit na ang ulo ko." Binuksan ko ang pinto ko. Siyempre sumuno siya. Nagtuloy ako sa sala at naupo roon.
"Saan ka nga galing! Alas onse ng gabi na!" He hissed at me. Dinaan ko na lang si Rael sa tawa pero naiinis na ako.
"Ano ka ba? Tatay ko? Para lang matahimik na ang kaluluwa mo, nakipag-date ako, okay?" Natahimik si Rael habang nakatitig sa akin.
"Kanino? Sino iyon?"
"Boyfriend ko."
"HA! Boyfriend raw! Wala ka naman noon!"
"Weh? Di mo sure. Tsk. Umuwi ka na nga!"
"Gaga! Hindi na ako uuwi! Dito na ako matutulog." Sabi niya pa sa akin. I just made a face. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko. Pagod ako, wala akong lakas para i-entertain si Rael kaya tinawagan ko si Rina. I put her on speaker.
"Hi, Rina, ako ito, si Lu."
"What are you doing?!" He hissed at me.
"Hello, Lu, anong atin?"
"Nasaan ka ba? Nandito kasi si Rael sa condo ko. Napapagod na raw siyang mag-drive pauwi sa kanila. Diba sabi mo around the area ka lang? Okay bang sa'yo na siya?" Habambuhay...
"Hala! Galing na siya rito kanina eh! Hindi naman siya nagsabi."
"Nahihiya raw siya kasi diba may usapan kayong you'll take it slow together? Sobrang baduy nitong Lolo." Natawa si Rina sa kabilang linya. Halatang kilig na kilig.
"Okay, pakisabi sa kanya aabangan ko siya sa lobby." Sabi na lang ni Rina. "Oo nga pala! How's your date?" Natawa na naman ako.
"Ayon! Nakakakilig! Sobrang cute niya, Girl!"
"I'm soo happy for you, Lu."
"Thanks, Rina. Papuntahin ko na riyan si Rael. Ingat!" I ended the call and looked at him. "You're welcome."
"For what?" He asked me.
"For finding you a place to stay for the night. Hindi ka pwede rito. Ayoko sa panget na masungit na lolo." I even rolled my eyes. Nakakapagod talaga ang araw na ito para sa akin. Lagi na lang naman akong pagod. Nadagdagan kasi ang work load ko sa company kasi nagresign na iyong assistant EIC namin kaya ako muna ang gumagawa ng trabaho niya. Tinutulungan naman ako ni Berta pero palagi pa rin akong pagod. Napakadali kong mapagod ngayong mga araw na ito.
Napagod rin ako sa FM kanina pero enjoy na enjoy ako lalo na kapag naiisip kong sobrang bango ni Kyungsoo.
"Hindi pa tayo nag- uusap! Sino ba iyang lalaking iyan ? Bakit nakikipag-date ka basta – basta? Paano kung masamang tao iyan?!"
"Hay naku, Rael! Tigilan mo muna ako at umuwi ka na sa jowa mo. Napapagod ako talaga." Tumayo na ako para iwanan siya sa living area. Papasok na ako sa loob ng silid ko para magpahinga ng sandali at maliligo pero pagtayo ko ay bigla na lang akong nakaramdam ng panghihina ng tuhod. Mukhang nakita ni Rael iyon kaya agad niya akong sinapo.
"Lucrezia! Ano ayos ka lang ba?!"
"Oo! Parang pinulikat ako eh." Wika ko pa pero natigilan ako nang maramdaman ko ang kung anong mainit na likido na lumabas sa ilong ko. Dugo. Dumudugo ang ilong ko.
"Tang ina!" Rael hissed. "Dadalhin kita sa ospital! Tang ina! Tang ina!" Sabi niya pa sabay buhat sa akin nang pa-bride style. Hindi ako makakibo kasi sa totoo lang takot na takot ako. Isa lang ang naaalala ko at ang nasa isip ko – si Papa. Ang papa kong namatay sa prostate cancer. Naalala kong narinig ko noon ang doctor at sinabi niya kay Mama na maaaring isa sa aming magkakapatid ang makamana ng cancer gene ni Papa.
Jusko... Ako na yata iyon. Ako yata ang susunod na mamamatay sa aming magkakapatid. Napahikbi ako. Yumakap ako kay Rael. I buried my face in his neck.
"Rael, natatakot ako..." Napahikbing wika ko.
"Everything will be okay, Lu. Okay? Wala kang dapat ikatakot."
Mabuti na lang at malapit sa residential building ko ang Varess Medical City. Doon ako dinala ni Rael. Agad akong tinaggap sa ER. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Takot na takot ako. Nitong mga huling araw ay napapansin kong palagi akong pinupulikat at palaging masakit ang mga binti ko. Ngayon ko lang naisip na parang lasang metal ang bibig ko. Naluluha ako. Baka mamaya may leukemia ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mama ang lahat. How could I break my mother's heart? I can't. Wala pang sampung taong patay si Papa at sariwa pa kay Mama lahat ng sakit. Hindi ko kaya.
They did all the tests for me. Iyon ang sabi ng doktor sa ER. Bilin daw ni Rael na kailangan i-test lahat nang ite-test sa akin. Ang kailangan ko lang raw gawin ay ang maghintay at magpahinga. Nang matapos ang series of tests na iyon ay dinala ako sa private room. Naroon si Rael sa labas at naghihintay sa akin. Mangiyak – ngiyak pa rin ako. Nang maiayos ang hospital bed ay umalis na ang mga nurses na naghatid sa akin. Narinig kong nagpasalamat si Rael sa kanila tapos ay lumapit siya sa akin.
"Bakit nandito ka pa? Baka hinahanap ka na ni Rina."
"Tingnan mo itong taong ito." Napapalatak pa siya. Hinawakan niya ang kamay ko. "Pwede ba naman kitang iwanan? Tumawag na ako kay Rina at sinabi kong dinala kita rito sa ospital." Sabi pa niya sa akin. Humihikbi pa rin ako.
"Hindi... hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mama kapag may cancer ako."
"Sira ulo. Wala kang cancer. Baka fatigue lang iyan. H'wag ka ngang mag – isip ng kung ano – ano. Kumalma ka. Matulog ka. Bukas lalabas lahat ng results mo. Pero sabi ni Tita Danelle, iyong blood test mo, ngayon rin malalaman ang resulta. Kung may irregularities doon, mag-start sila ng mas comprehensive tests para sa'yo pero h'wag mo munang isipin iyon. Okay?" Hinaplos – haplos pa ni Rael ang buhok ko pagkatapos hagkan ang noo ko.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto at mula roon ay dumating si Danelle Consunji – ang Tita ni Rael. She was smiling. Okay, that's good. Nakangiti siya. Ibig sabihin ay wala akong cancer? Wait, girl, di mo sure.
"Tita, how is it?"
"Oh well, her WBC and RBCs are normal. Walang irregularities sa dugo ng kaibigan mo, Rael. So, hindi na natin kailangan ng ibang tests pa."
"Wala po akong cancer, Doc?"
"Hija, wala kang cancer. Pero kailangan kita resetahan ng vitamins. Mula ngayon bawal ka nang magpuyat, ma-stress at magpakapagod. Kung umiinom ka ng alak, iwasan mo na rin muna. You need to eat healthier because now you're eating for two, Hija."
Eating for two?
"Ano... ano po?"
Danelle Varess Consunji looked at me. Tinapik pa niya ang kamay ko.
"Congratulations, Hija, you're two months pregnant."
Napatingin ako kay Rael na nakatingin rin sa akin. Nakaawang ang labi niya na tila ba nag-aapuhap ng sasabihin.
Ako naman ay isa lang ang gustong sabihin – putang ina mo, Rael. Pero siyempre hindi ko gagawin iyon...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top