Chapter Six


Wow!

Lu's

DAHIL wala nga akong kakaibang sakit ay agad rin ako na-discharge mula sa ospital. Naroon pa rin si Rael. Hindi niya ako iniwanan mula kagabi hanggang ngayong nakasakay ako sa wheelchair papunta sa lobby ng ospital. Siya na rin ang nag-asikaso ng bill ko. Sinabi kong babayaran ko naman siya kapag nakabalik na ako sa condo pero tinanguan niya lang ako na para bang sinasabing gawin ko kahit na anong gusto ko. Hindi ko alam kung bakit parang mas apektado pa siya sa akin sa nalaman kong kalagayan ko. Sabagay, hindi ko naman malaman kung anong iniisip niya basta ako, isa lang ang gusto kong gawin ngayon – ang umuwi sa Bulacan at umiyak nang umiyak sa Mama ko.

Ano bang ginagawa ko sa buhay ko? Thirty – three years old na ako nabuntis nang hindi kasal. Habang naiisip ko iyon ay naluluha ako. Naaawa ako sa anak ko kung sakali pero mahigpit pa rin ako sa katotohanang hinding – hindi ko sasabihin kay Rael ang totoo. Kakalimutan ko nang tuluyan ang nangyari nang gabing iyon na nagbunga sa batang ito. Pinahid ko ang mga luha ko. Nang makarating kami sa lobby ay inalalayan ako ni Rael na tumayo at dahan – dahan kaming naglakad patungo sa kotse niya. He also opened the door for me. Nang masiguro niyang maayos ako ay saka siya pumasok sa loob ng kotse niya. Noon siya nagbuntong – hininga. Siguro, naaawa rin siya sa akin. Iyak kasi ako nang iyak.

"H'wag kang umiyak. Sabi ni Tita Danelle bawal kang ma-stress kasi bawal sa baby."

"Eh sa naiiyak ako eh. Anong magagawa mo?" Binalingan ko siya. Napapalatak si Rael. "Siguro iniisip mo ngayon na ang tanga – tanga ko kasi buntis ako. Siguro iniisip mo na ang landi – landi ko kasi nabuntis ako. Thirty – three na ako pero nabutntis pa rin ako. Na hindi ako nag-iingat—" Napahagulgol ako. "Tang ina! Tang ina! Buntis ako, Ysrael! Anong gagawin ko! WAHHHHH!"

"Magtigil ka nga. Unang – una, bawal kang mag – isip ng kung ano – ano. Pangalawa, wala naman akong iniisip na kahit na ano tungkol sa'yo. Ang mahalaga manatili kang healthy para sa batang iyan. Saka, ano naman kung buntis ka? May boyfriend ka. Malamang, malamang..." Napansin kong ilang beses napalunok si Rael bago siya muling nagsalita. "Malamang nagse-sex kayo kaya may bata. Anong gusto mong lumabas sa kanya, nata de coco?"

Bigla akong natawa habang umiiyak pa rin. Huminga lang nang napakalalim si Rael.

"Sino bang ama niyan? Tang ina kapag hindi ka pinanagutan niyan, bubugbugin ko iyan." Inabutan niya ako ng tissue para punasan ang mga luha ko. "Sino nga?" I looked at him. Nangangati ang dila kong sabihin sa kanyang siya ang ama pero hindi ko talaga magawa.

"Hindi mo siya kilala." Sabi ko sa kanya. "Saka isa pa, wala lang naman iyon. One night stand lang."

"Eh ano kung one night stand?" Tanong pa niya sa akin. "Gumawa siya ng bata, natural pananagutan niya iyan! Sino nga?!"

"Bakit ba nagagalit ka? Bakit sinisigiwan mo ako?" Napaluha na naman ako.

"Uy, hindi... H'wag ka nang umiyak, okay? Sige kung hindi ka pa ready na sabihin, hindi muna kita pipilitin. Iuuwi na muna kita." Napakagat labi ako. Dahan – dahan akong lumingon kay Rael.

"Pwede bang ihatid mo ako kay Mama... sa Bulacan?" Tanong ko pa. Rael just nodded kaya paglabas namin ng ospital ay dumiretso na kami sa daan papunta ng Bulacan. Naluluha pa rin ako. Hiyang – hiya ako sa sarili ko habang iniisip ko ang mga susunod na pangyayari sa buhay ko. Of course, abortion is not an option. It's not like I didn't know the consequences of my actions that night. Isa pa, gusto ko rin ito. I had always wondered what it would feel like having a child for myself. Mahal na mahal ko ang mga pamangkin ko at minsan ay naiinggit ako sa mga kapatid ko. Now, I am given a chance to be a mother to this beautiful soul. Kaya ko naman. Kakayanin ko kahit na mag – isa ako.

Sa kaiisip ko ay hindi ko namalayang naidlip na pala ako. Ginising na lang ako ni Rael nang nakatapat na ang sasakyan niya sa bahay namin sa San Jose Del Monte, Bulacan. Lumingon muna ako sa bahay ni Mama at ilang beses huminga nang napakalalim bago ako nagpasyang bumaba.

Hindi kalakihan ang bahay ni Mama, hindi tulad noong kinalakihan naming magkakapatid. It's a simple town house with three bedrooms. Walang second – floor ang bahay, pero malawak iyon. Agad kong binuksan ang gate para makapasok sa loob. Nakasunod sa akin si Rael. Tahimik pa rin siya. Pumasok na kami sa main door at doon nakita ko ang kapatid kong si Luana na pinakakain ang anak niyang tatlong taong gulang lang.

"Hi, Tita!" Binati ako ng baby girl. I smiled at my niece.

"Oh! Ate, uuwi ka pala, hindi ka man lang tumawag." Tumayo si Luana para hagkan ako tapos tinanguan niya si Rael. "Nandoon si Mama sa kitchen kasama si Rainer, nagluluto sila ng inihaw na isda. Puntahan ninyo na lang saka kumain na rin kayo." Lumakad agad ako. Lumalakad palang ako ay sumisigaw na ako ng Mama.

"Maaaa!" Hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak. Agad namang lumabas si Mama mula sa kitchen kasunod ang asawa ng kapatid ko.

"Lucrezia! Ano ba't para kang tanga!"

"Maaa! Mama! Buntis po ako!" Sinabi ko agad sa kanya sabay yakap. Kung naiba lang ang sitwasyon ay baka natawa si Rainier at si Rael sa pinagsasabi ko pero hindi sila natatawa kasi napuno siguro ng pagkabigla ang reaksyon nila. "Maaa! Buntis ako eh. Nakakainis!"

"Para kang tanga! Ano naman kung buntis ka? Eh di kapag nanganak ka aalagaan natin ang bata! Hayan si Rael! Pananagutan ka naman niyan." Natigil ang pag – iyak ko at napatitig kay Mama. Bigla akong umiling. Si Rael naman ay hindi alam kung anong sasabihin.

"Mama, hindi po si Rael ang ama ng baby ko." Sorry na Lord. H'wag sana akong tamaan ng kidlat sa pagsisinungaling ko pero hindi ko talaga kayang sabihin na si Rael ang ama ng baby ko.

"Ay hindi? Pasensya ka na, Rael. Akala ko'y magkasama kayo ay ikaw ang ama ng bata. Kumain na ba kayo? Magsikapag – almusal muna kayo." Hindi pa rin ako bumitiw sa pagkakayakap kay Mama. Napansin kong nilagpasan ako ni Rainier at pumunta agad kay Rael. Feeling ko umalis silang dlawa. Tahimik pa rin akong umiiyak kay Mama. Hinahaplos – haplos lang naman niya ang likuran ko.

"Mama, sorry." Humihikbi ako.

"Ano ka ba? Okay lang anak. Hindi ako galit. Ano naman kung buntis ka? Trenta'y tres ka na! Ayos na iyan kaysa naman mabulok pa ang matres mo. Maganda iyan at mapakinabangan naman kahit isang beses lang." Noon ako kumalas kay Mama. Wala ngang bahid ng kahit anong galit ang mukha niya. Nakangiti siya pero napansin kong may luha siya sa mga mata. Ngumiti ako sa kanya at muli siyang niyakap.

"Anong plano ninyo ng tatay ng bata?" Tanong niya sa akin. Muli na naman akong kumalas kay Mama saka ako umiling. "Anong wala?"

"Ako lang po at ang baby ko, Mama." Mahinang wika ko. Hiyang – hiya ako kay Mama. Napabuntong – hininga siya.

"Ayos lang iyan. Nandito naman ako pati na rin ang Kuya Lance at si Luana. H'wag kang mag – alala. Walang hahanaping kahit ano ang anak mo kasi mamahalin natin siya nang buong – buo. H'wag ka nang umiyak." Sabi niya pa sa akin sabay ginulo pa ang buhok ko. Bago pa kami tuluyang magkaiyakan ni Mama ay niyakag na niya akong mag-almusal sa dining area. Naroon na si Rael na kandong na ang anak ni Luana – si Miya. Mukhang tuwang – tuwa si Rael sa pamangkin ko. Alam ko namang mahilig makipaglaro si Rael sa mga bata. Alam na alam kong spoiled na spoiled sa kanya ang mga anak ng mga kapatid niya. Hindi na rin iba si Rael sa pamilya namin kaya kilala siya ng mga pamangkin ko. I know that he would be a good father. Kung siguro sa parallel universe kami at nalaman niyang buntis ako at siya ang ama baka magtatalon siya sa tuwa because he loves kids so much and I know for a fact that he would love his kid so much.

"Tita! Tito El!" Sabi pa ni Miya sa akin.

"Yes, that's your Tito Rael."

"Kumain ka na. Bawal kang malipasan ng gutom." Sabi pa ni Rael sa akin. Napatango na lang ako. Sa totoo lang ay wala akong kagana – gana pero kailangan kong lamnan ng tyan ko para sa buhay sa loob nito. Nilagyan ako ni Mama ng sinangag sa plato at saka binigyan ng ham at at itlog. Parang ayaw tanggapin ng lalamunan ko ang kinakain ko pero inuudyukan ako ni Mama at ni Rael kumain. Nang matapos kumain ay nagpasya akng lumabas muna. May munting garden si Mama at sa gitna niyon ay may maliit na lilim kung saan may garden set. Doon ako naupo at nagbuntong – hininga. Hindi naman nagtagal ay naroon na si Rael. May dala siyang dalawang tasa ng kung ano at nang ibigay niya sa akin ang tasa ay nakita kong mainit na tubig lang iyong akin samantalang sa kanya ay kape.

"Bawal ang caffeine." He told me. I just nodded. He sighed. "Look, hindi pwedeng hindi mo sasabihin sa akin kung sinong ama ng anak mo." Sabi ni Rael. Malumanay naman ang pagsasalita niya pero hindi niya ako madadaan sa ganoon.

"Bakit pa?" Mukhang malapit na siyang mapikon. Magkaharap kaming dalawa at nakikita ko ang namumuong sama ng panahon sa pagmumukha niya.

"Kagabi lang natin nalaman na buntis ka. I am assuming na hindi pa kayo nakakapag – usap para sabihin sa kanya na magkakaanak na kayo. He should know these things, Lucrezia! Dapat ngang pakasalan mo siya! Wala siyang bayag!" Sa pagkakataong iyon ay mataas na ang boses niya. Napapalatak ako.

"H'wag mo nga akong sigawan." Sabi ko pa sa kanya. Kahit paano ay kumalma siya.

"Sorry. Nag – aalala lang naman ako sa'yo. Paano na iyan? Anong plano mo? Kakausapin mo ba siya?" Gustong – gusto kong sabihin na kausap ko na ang lalaking nakabuntis sa akin pero hindi ko ginawa. Ang laki ng takot ko. Ayokong magkasira kami ni Rael.

"Hindi ko siya kakausapin."

"At bakit hindi? Dehado ka rito! Akala mo ba papayag akong dehado ka?"

"May asawa siya okay? It was just a night. Isang beses akong nagkamali kaya lang nagbunga. Hindi ko pwedeng sabihin kasi ayokong makasira ng pamilya." Jusko, kung buhay ang tatay ko sisilihan niya ang bibig ko kasi kung ano – anong pinagsasabi ko kay Rael. Mukhang nagulat na naman siya sa sinabi ko. Muli na naman siyang napabuntong – hininga. Napasabunot pa siya sa kanyang sarili tapos ay tumayo siya. Nagulat ako lumuhod siya sa harapan ko at hawakan ang mga kamay ko.

"Your baby wouldn't have to look for a father because I will be the best Ninong tatay I could be, Lucrezia. Pangako iyon." Biglang tumulo ang mga luha ko.

"Sinong nagsabing kukunin kitang Ninong?"

"Ako na nga nag-vo-volunteer!"

"Paano pala kung si Kuya Yael ang gusto kong ninong?"

"Bobo naman si Kuya Yael! Parang hindi mo alam iyon. Halika nga rito!" Iyon lang at niyakap niya ako. Muli na naman akong napaiyak. Sorry, sorry talaga, anak. Hindi kita kayang bigyan ng buong pamilya, Natatakot ako talaga. Sorry..."



xxxx

TINANGHALI na ako ng gising dahil anong oras na rin naman kami nakauwi ni Rael galing Bulacan kagabi. Maghapon kami sa bahay ni Mama dahil hindi siya pumayag na umalis agad kami dahil ipinagluto niya pa ako ng pang – isang linggo pagkain. Sa susunod na linggo raw ay pupunta siya rito para dalhan ulit ako ng kakainin ko. Alam na alam ni Mama na hindi ako marunong magluto kaya siya na ang nag-adjust. Kailangan kong kumain ng healthy lalo na ngayong buntis nga ako.

Si Rael ay ayaw pang umuwi kagabi at mukhang napilitan lang siya dahil tinawagan siya ni Ma'am Nikkita. Sabi naman niya ay babalik siya ngayon pero hindi ko naman siya hinihintay. Kasabay ng katotohanang hindi ko sinabi sa kanya na siya ang ama ng anak ko ay hinanda ko na rin ag sarili kong hindi ko siya palaging makakasama kasi nga hindi naman na dapat. Dapat nga ay iwasan ko na siya pero masyadong suspicious iyon.

Bumangon na ako para mag – almusal. Pasalamat na lang ako na wala akong nararanasang orning sickness. Sabi ni Mama ganoon rin daw siya noong nagbubuntis. Kaya lang raw niya nalalaman na buntis siya kasi nade-delay ang cycle niya. Ako naman, sa sobrang busy ko sa trabaho ay hindi ko na namalayan kung nagkaroon na ba ako o hindi pa.

Namili ako sa padala ni Mama. May sopas siyang pinadala sa akin kaya iyon na lang ang inilagay ko sa microwave at nang uminit iyon ay agad akong naupo sa maliit kong dining area at nagsimulang kumain. Natutulala pa ako pero natigil iyon nang may kumatok sa pinto ko. Agad akong tumayo para buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang mag-asawa si Ica at Berry. They were so beautiful smiling at me like that. Napansin kong naka-pajama lang silang dalawa. Iyong silk terno na pajama pero kahit ganoon ang suot nilang dalawa ay napakaganda pa rin nila.

"Good morning to the pretty pregnant lady! Congrats, Ate!" Niyakap agada ko ni Ica, matapos ni Ica ay si Berry naman. Napasinghap ako. Sinabi ni Rael sa kanila.

"Congrats!" Berry even kissed my cheeks tapos ay pumasok na sila. Naguguluhan ako. Anong ginagawa nila rito?

"Anong meron?" I asked them. Noon ko napansin na may dala silang mga paper bags at eco bags.

"Nagpunta kami sa farmer's market at binili ka namin ng mga pregnancy essentials, Ate! Kanina pa kami dapat nandito pero namili pa kami for you. Kanina pa rin tawag nang tawag si Rael sa akin para itanong kung nandito na kami. Ang kulit noon." Napapailing si Ica habang inaayos ang mga dala nila sa counter top. Nakatitig lang ako. Ica even opened my ref. "Ay! May sapin – sapin? Gawa ba ito ni Tita?"

"Oo. Para sa'yo iyan. Nalimutan kong ipadala kay Rael."

"Thank you! I really love this! Honey, mamaya tikman mo ito. Ate Lu's mom makes the most delicious sapin – sapin."

"Okay, Love." Napaka-sweet nilang dalawa. Nagtutulungan silang mailagay sa ref ang mga dala nila. "Kumain ka na ba, Lu?" Tanong sa akin ni Berry.

"Ito, kumakain palang."

"Hindi ka naman nagsusuka? Nag-aacid ka ba? I used to feel those noong buntis ako kay Fides." Sabi pa ni Berry sa akin. "Si Ica sobrag swerte noong buntis kay Lou last year jusko, parang wala lang." Salitan sila sa pagbubuntis.

"But you still took care of me, Honey kaya thank you."

"Teka--- ano ba kasing ginagawa ninyo rito?" Naguguluhan pa rin kasi ako.

"Rael wanted to make sure na may kasama ka ngayon kaya nandito kami."

"Akala nga niya pumasok ka. Buti hindi."

"Bakit? Nasaan ba si Rael?" Nagkatinginan si Berry at Ica.

"Oh well, he's with Rina. Naospital si Rina kaninang madaling araw. She fell and her mother called Kuya Rael. Buntis rin si girl. Ayon, si Mama at Papa, tuwang – tuwa. Magkakapo na raw sila kay Kuya. Grabe. Best friends talaga kayo. Magiging daddy na si Kuya, ikaw magiging mommy. Destiny." Napalunok ako...

"Wow..." Iyon lang ang nasabi ko...

xxxx










































ANDROMEDA OREJON was looking at the monitor while holding her margarita glass. She was so sure that she knew all that happened at her party. Alam niyang wala siyang nalampasan. Ultimo pinakamaliit na detalye ay nakita ng mapanuri niyang mga mata. Pero may isang siyang hindi maintindihan. She keeps on playing the footage in front of her – the footage of Rael and Lucrezia entering the hotel suite. Five hours later, Lu left. Silence filled the hallway. Ilang oras walang dumating na tao sa hallway na iyon hanggang sa lumabas si Rael at si Rina sa kwartong iyon nang magkasama. Paano nangyari iyon?

Unless someone tampered with the tape. That's the only explanation for this.

Andy closed her laptop, and she called in Cielo – her Tita Casiel's youngest child. Hindi naman nagtagal ay dumating si Cielo.

"Yes, Ate Ands?"

"Who else has access to the cctv tapes, Cielo?"

"Why ask me? I'm the Marketing and Revenue Manager of CLPH, hindi ko trabaho ang security."

"Don't me with that attitude. Ako ang nagpa-uso niyan." Tinaasan niya ito ng kilay. "But you know about it, right? So, who else is in – charge."

"The President himself. Si Kuya Achill."

"Alright..." Andromeda grinned. She just brought herself a mission.

"Why? Is there something wrong?"

"Wala naman. It's just that my gut is telling me that I wouldn't be a plain bored housewife for so long..."

This game is getting interesting and Andy wants to play god. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top