Chapter 17
Chapter 17
"Mhm.. your favorite colour is brown, right?"
Nanlaki ang mga mata ko. "How did you know that?"
"I just guess.." he sneers making me shook my head in return. Bagaman may kapreskohan ang tono ng boses niya ngayon ay hindi ko na iyon pinansin pa. Ganun din ang ngisi niya.
Hindi ko alam ngunit ramdam ko ang kaibahan ng pagngisi niya ngayon kaysa kapag nasa opisina kaming dalawa. Ngayon kase ay tila napakagandang tanawin no'n. Hindi nakakainis, o nakakaasiwa gaya ng nararamdaman ko noon.
"Ikaw ba?" mahinang salita ko pabalik habang tinutukod ang siko sa mesa, nangalumbaba at tinignan siya.
Dahan-dahan naman siyang sumandal muli sa kinauupuan niya.
"What do you think?" Kunwaring nag-isip muna ako bago ko pinantayan ang pagngisi niya.
"I guess.. it's black?" I can't help but grin sheepishly.
I don't know.. but it's excessively obvious na ayon ang favorite colour niya. Ang office pa nga lang niya ay purong jet or raven black na ang bubungad pagkapasok. Mula sa babasagin niyang desk, entertaining sofa and athletic embankment. Plus, the silhouette of his office, it's in ebony style too making it arises in manly form; so elegantly mysterious. Same as his classy suit, tuxedo and threads or whatever accompaniments he has. Lagi talagang kulay itim, o 'di naman kaya'y nasa dark feature. Mabuti nga at hindi siya napagkakamalang isa sa mga men in black dahil sa pormahan niya.
"Yeah, obviously," Sumilay ang sinseryong ngiti sa mapupulang labi ni Miguel habang tinatanaw ang glass wall sa gilid.
Mahina akong natawa.
"Kung hindi ka nga lang maitsura.." I softly fabricated. He's really handsome, and the word 'maitsura' is a bit outraging kapag napagmasdan na ang mala-hollywood niyang looks. "B-baka napagkamalan pa kitang men in black or something.."
Mangha naman siyang napatingin sa akin, kumislap sa kakaibang paraan ang mga mata niya at tila hindi makapaniwalang tinuro ako.
"You..just laugh," he pointed out..
Muli naman akong nagbitaw ng magaang tawa sa naging reaksyon niya. I don't understand why.. he always become so darn speechless when I accomplished something na hindi pormal, at frequent sa harapan niya. Hindi ko tuloy mapigilang irapan siya, at kunwareng pagmalditahan.
"Bakit hindi ba pwede?" halukipkip ko.
"Nah.." Ipinilig niya ang ulo niya, nagpigil ng ngiti at pinansin na ang naging komento ko sa kanya kanina.
"So, uh.. Inaamin mo rin na—" He let out a soft, adorable chuckle. "I'm handsome..?"
I can't help groaned silently. Seryoso ba siya?
"Isn't it obvious? Look at them.." pagturo ko sa tatlong babaeng malayo-layo sa pwesto namin. "They giggling because of you."
Yes, napansin ko iyon kanina dahil ramdam ko ang bawat sulyap nila sa kasama ko. Magbubulungan, magkakatinginan at sabay na maghahagikgikan. Na tila ba kilig na kilig kay Miguel kahit wala pa itong ginagawa sa kanila.
"Sanayan na lang siguro.." He wiggled his brows, and it made pouted a bit.
"Wow, ah? Wala namang hanging amihan pero palakas na nang palakas 'yang kapreskohan mo." pagpaparinig ko. Uminom ako ng frappe na hawak at napailing.
Marahan naman siyang natawa kaya bahagya akong natigilan. Parang may nasasanay na ritong ngumiti-ngiti at tumawa-tawa ah? Kanina pa siya ganito habang kinakausap ako, and it makes me feel—that he is more than comfortable and pleased than me with this date of ours.
I secretly sighed. Aminin ko man o hindi, his behaviour this day gives me a gleam and bright mood. That if he smiled or something.. I automatically become so unexpectedly delighted.
"I'm just stating the fact here, you know.." Miguel mumures after he cleared his dry throat.
"Uh, okay.." natatawa ngunit kibit-balikat na sabi ko na lang sa kanya.
"Nabanggit din ni mom that you don't have a boyfriend? Never experience to have one..?"
"Oh.." reaksyon ko at dahan-dahan akong napatango.
"But why?" he asked, he seems so attentive and cautious like his mother.
"Anong but why.. but why ka d'yan,"
"What I mean is.. Bakit?" Okay, tinagalog mo lang, pre.
Pinagmasdan niya ako gamit ang magagandang niyang mata at ibinuka ang bibig para magsalita muli.
"Maganda ka—"
"Alam ko.." Over confident na sabi ko ko dahilan para mapangiti na siya.
"Well, it's so damn obvious. And I'm glad that you know it very well."
"Mhm.."
"Kaya nga malamang sa malamang ay maraming ng.." Pinaglalaruan ba ako ng paningin ko? Para kaseng nandilim bigla 'yung ekspresyong niya, at naging mailap ang mga mata niya bago siya muling nagpatuloy sa pagsasalita. "N-nagtangkang manligaw sa'yo.."
Napatango naman ako, at hindi na pinansin ang pag-iiba bigla ng mood niya.
"I know.. " Napabuntong hininga ako. Nagbaba ako ng tingin sa kanya at ipinirmi ang labi. "Pero career ko kase 'yung lagi kong inuuna, trabaho palagi ang inaatupag ko. Plus the fact that I don't really want to be involved with someone—especially when it comes to boys."
"Yes, niligawan nila ako pero dahil lang iyon sa itsura ko, at magandang career na iniingatan ko. They don't really like me emotionally, maybe physically, yes.."
Naalala ko tuloy 'yung isang guy na unang nanligaw sa akin noon. He's a good man, at parang pareho kami ng ugali kaya naging komportable ako sa kanya. Pinayagan ko siyang manligaw sa akin but then, when I heard him telling something off to his friends that include me.. made me really turn off. Idagdag pa sa nabalitaan kong sinusulsolan lang din siya nung mother niya to court me kase desente raw akong babae. So I confronted him, I told him that I'm not a virgin anymore. He froze, and become dumbfounded that time.. and the next time I knew, nawala na siya bigla.
"Isipin mo kase, hindi pa nga nila ako kilalang kilala pero niligawan na agad ako.." nangingising bulong ko at dismayadong napailing. "Mga lalaki nga naman.."
"What do you mean by that?" he asked hesitantly. Tumingin naman muna ako sa frappe na hawak-hawak ko. Nakapalibot ang kamay ko doon kaya malaya kong nakikita ang humahaba ko na palang kuko.
Umilap ang mga mata ko sa kanya, napatingin sa malayo at pinabigat ang paghinga bago napagpasyahang magsalita na.
"Kayo kaseng mga lalaki.. magaling lang kayo sa una. After you used a woman, you'll leave her instantly. That after you make her believe in happiness and euphoria.. you will make her feel how much the hell means. How can most of you so heartless like that, hm? I don't want to be so judgemental, but that's what you, boys, always means in every girl's life."
"Why..?" Mapait akong napangiti sa kanya.
Hindi ako sumagot sa naging pagtugon niya at pinakiramdaman lamang ang sarili. However, I can still perceive how his stares deepened; precisely locking his gaze on me.
"Miguel, do you agree with me.. if I say that we should invest in our career rather than a relationship?" All of a sudden na tanong ko na naging dahilan para mapaangat siya lalo ng tingin sa akin.
"Somehow, I guess.."
"Maybe.. Pero para sa akin, palagi. Nagkaroon ako ng mindset that.. All the work we put in now will be indispensable to our success later in life. Na importanteng nagawa natin ito nang mabuti. And, we don't just take it for granted." I expressed, and took a very intense sigh. "All the pressures and distress of growing up are upon us, as we try to figure out what we want to do with the rest of our lives. We can't even manage to handle our own needs, yet someone convinces us that we just need a relationship—which is so.."
"So..?" he trailed to making me bite my lower lip for seconds.
Bakit ba parang interesadong interesado siya sa mga thoughts ko? At aminin ko man o hindi ay ang sarap talaga no'n sa pakiramdam.
"So seriously unsettling and troublesome.." sagot ko. "After all, relationships only keep us away from the prize of being successful."
Napataas ang isang kilay niya sa akin. Pero kalauna'y piniligan ako ng ulo, matamang pinakatitigan at nginisian.
"Ouch. That kinda hurts.. I think? " he chuckles, and I just shrugged. "Pero totoo naman kase. Isang malaking sagabal lang kapag pumasok ka sa isang relasyong.. alam mo naman palang walang kahit na anong patutunguhan. It's just extremely time-consuming, and honestly a waste of our energy. Kaya nga kaysa makipagrelasyon ka pa.. i-invest mo na lang 'yung time and effort mo into something that will actually bring us good in returns."
Pinagsiklop ko ang mga palad ko sa lamesa, at nagpatuloy. "Let's just say that career will be there in 5 years or even decades, but your relationship won't."
"Seriously?" Pure amusement dance in his chocolate-brown eyes as he gaped at me. 'Yung tinging nagsasabing.. totoo ba iyong sinasabi ko, or if, I really mean it.
"Let's be frank and be realistic, Miguel. Relationships in our generation just don't last. This is both a gift and a curse. Well, mas lamang nga lang 'yung curse." Napailing ako. "Kaya nga ako.. I don't waste my time trying to hold on to something that won't work. I always keep in my mind that holding on to a worthless relationship will never get me ready for what is to come."
Also, I believe that our career has limitless potential, while your partner's days are limited.
In a career, you get out what you put in, while in a relationship.. no matter what you do, you know that it has an expiration date. Your partner's days are limited, so why bother to take it gayong pansamantala lang pala ang lahat? Parang masyadong nakakaloko lang..
Natahimik siya, at matamang nakinig na lamang sa akin bagay na nagbigay sa akin ng kalayaan para mas masabi ko pa 'yung personal opinion, and thoughts ko sa topic namin ngayon.
"And lastly, 'yung loyalty na hindi na magiging issue sa mga career natin. But with our generation, keeping loyal and faithful is one of the things we find ourselves wrestling with on a chronic basis lalong lalo na sa isang relasyon. The temptation out there is just too great, that many of us aren't built to avoid it. But because I've been choosing career over the relationship, hindi ko na kaylangang mag-worry na iiwan ako ng isang tao for someone younger, pretty or stronger than me.."
Hindi ko na kaylangang mag-worry na iiwan nanaman ako ng isang taong mahalaga sa akin para sa mga taong pinapangarap niyang makasama. Isip-isip ko pa.
Hindi ko mapigilang magbalik tanaw para alalahanin si papa. 'Yung papa kong nagbigay sa akin ng mga trauma ngayon, at kung bakit ganito na ang mga nagiging mindset ko kapag patungkol sa love, relationship, and trust.
"Atsaka 'yung relationship? It always comes with extra baggage, trust me,"
"Really?" Miguel asked me, and I just silently took a deep breath.
"Yes. Because your partner can be hiding things from you that you would never imagine. Although it may be shocking kase sobra 'yung trust mo sa kanya. But still, we can't really expect people to actually say who they are upfront."
He crossed his arms. "Betrayals and deceptions, I see.."
"Nakuha mo.." I pointed with a small smile on my lips but he just eyed me seriously.
"Bianca, I'm curious. Did someone.. hurt you, so awfully?"
Natigilan naman ako doon.
But seconds later, I just slowly shook my head. I can't answer him. Nag-aalalangan ako kung magsasalita pa ba ako at sasabihin ko sa kanya gayong sinseryo naman ang pagiging curious niya. Mukha pa nga siyang nag-aalala. Nonetheless, I know that there is probably nothing wrong if I tell him some..right? Masyado na rin kaseng mabigat, at baka makatulong siya kahit papaano? Lalo na't it's my first time na maging open sa iba. O kung iba na nga lang ba para sa akin si boss.
"My father.. How can he do those things to us? To his own daughter? H-how did he manage to leave us, just like that?" maliit na boses na panimula ko. "Alam ko namang anak lang ako sa labas, pero hindi manlang ba niya ako inisip? He left me alone with mama, and he don't damn know what I went through with my own mother."
My heart starts to ached painfully.
I can feel how my hands tremble with overflowing emotions.
"If.. If Auntie Eliza hadn't seen me before, I probably wouldn't be here now or maybe.. I w-won't exist to this world anymore." I murmured, at muli nanamang sumagi sa isipan sila mama't papa.
Ayoko ko na silang isipin pero sa bawat araw na nagdaan ay padami nang padami ang tanong ko sa sarili ko. Na, ni minsan ba.. inalala manlang nila ako? O hinanap? It's been a years, pero nandito pa rin 'yung sakit na dulot ng sarili kong mga magulang. I'm not mad or angry at them. It's just that.. I want an answer.
Sobra akong nagtatampo. Dahil paano nila nakayanang saktan ako nang ganito? Paano nila ako natiis? Hindi ko tuloy mapigilang hilinging.. s-sana hindi ko na sila makita pang muli. Makasarali na kung makasarili. Pero pinoprotekthan ko lang naman ang sarili kong 'wag ng masaktan pa.
Masaya na ako sa buhay ko ngayon.. Hindi ko na sila kaylangan pa.
Siguro nung mga 19 pa ako, hiniling ko na magkaroon ng himala at makita pa sila. Pero ngayong 25 years old na ako. Kaya ko na, hindi ko na sila kaylangan pa.. Nakaya ko nga ng anim na taong hindi ko sila kasama e. Paano pa kaya ang susunod na taon na magdadaan ngayon.
"When I was 19 years old, ayon na yata ang edad at taong pinakamasakit sa lahat. Kase.. I seriously lost everything I thought I have." Namanat ang boses ko dahilan para sunod-sunod akong mapalunok. Palihim kong pinunasan ang namumuong luha sa mga mata ko.
I don't want to to cry anymore.
Kota na ako dyan 'di ba? Graduate na ako sa pagiging crybaby. I fake my expression, and force a smile on my lips.. I changed the subject into light. Habang si Miguel naman ay nakatingin lang sa akin, may kakaibang emosyong nagdaan sa tsokolate niyang mga mata, tila nakikiusap.. na lumaban ako. Na 'wag akong panghinaan dahil ayaw niya akong makitang umiiyak.
I closed my eyes, and tilted my head.
I cleared my throat.
"Fortunately, Auntie Eliza was there. I truly owe her my life. She was there when I needed someone next to me. S-she was there when I needed someone to lean on.. Inasikaso niya ako, ginabayan at tinuring na anak. Sobra pa sa sobra 'yung pasasalamat ko sa kanya. Niligtas niya ako, at buong buhay ko iyong tatanawing utang na loob."
"I even think that she became my guardian than my parents e. That she became more a mother than my biological mum." I shake my head.. "So, when she asked me to a date, I agreed."
"I dont know what totally happened, Bianca. But I'm just here too.." Mataman akong tinignan sa mga mata ni Miguel. Inangat niya ang sarili niyang kamay para hawakan ang kamay kong nasa mesa at hinaplos ito. "Nandito na rin ako, Bi.. Hindi na lang si mom."
I cracked a genuine smile at him.
I also looked up to hold back the tears I wanted to shed too.
Nagiging emosyonal na talaga ako ah? Parang kahit na maliit na bagay lang ay iniiyakan ko na kaagad, at kahit sa simple niyang salita ay iba agad ang nararamdaman kong kakontentuhan. I was relieved and soothed by what I just heard from him. Those words.. na bukod kay Auntie ay wala ng nagsasabi sa akin.
But can he really do that? Can Miguel stay too..?
"Baby, I'm just here.. Nandito na rin ako." he continuously whispered while kissing the top of my hair, and seconds later, I froze when I personally felt his warmth—Just to find out that his arms are hugging me perfectly.
My heart beamed in foreign passions as I let him engulf me at this moment. I can feel how protected and cautious I am with his hugs and light kisses. Na tila ba nasa tamang bisig ako. Na para bang nasa tamang tao ako sa pagkakataong ito. I can feel my safety with him being this intimate. He made me feel that no one will hurt me again, that he would never let anyone wreck me.. Because he is already here, and he's willing to be my protective shield.
"T-thank you.." mahinang bulong ko, at nagulat na lamang ako nang bahagya niyang guluhin ang buhok ko.
"I didn't expect that we almost spend the whole day with this cafe hm?" Napaangat ako ng tingin sa kanya. Naabutan ko naman siyang nakasulyap sa kanyang relo.
"I didn't notice that it was getting late. And as much as I want to be with you this day, ayoko namang gabihin ka. Come on, I'll bring you to your place, my secretary." ani pa ni Miguel kaya napalingon na ako sa labas.
Tama siya.. Mahamog na ang paligid. Nagsisiuwian na ang mga ibon sa kalangitan. At malapit ng lumubog ang araw. Wala sa sariling napatayo ako kaya napatayo rin siya.
"What happened—" he asks, but I didn't let him to finish it at walang pasabing hinila ang kamay niya.
"B-bakit ba?" Tinanguan ko ang mga staff na nadaanan namin kaya pinagbuksan na kami nito ng pinto palabas.
"Bilisan natin.." I murmured habang hinahanap ang kotse niya sa parking lot.
Nang nasa harap na kami ng sasakyan niya ay agad akong humarap sa kanya. Parang robbery na kinapa-kapa ang bulsa niya, at dinukot ang susi roon. Nakita ko naman kung papaano siya mapaigtad sa sobrang pagkabigla.
"What the.."
"Ayon!" matamis na pagngiti ko nang makuha ko na ang susi sa kanya.
Sinulyapan ko naman siya pero nakanganga lang ang gwapo niyang mukha sa akin. Marahil ay gulat na gulat sa pagiging agresibo ko.
"Tara.." yaya ko pa habang binubuksan na ang mga pintuan ng sasakyan.
Nang akma siyang pupwesto sa driver seat ay hinila ko siya agad palabas at inunahang umupo rito.
"What the hell woman.." he hissed while glaring at me.
"Pumasok ka na.." utos ko na lang bago buksan ang makina. Wala namang magawa si Miguel kung hindi sundin ako kaya sekreto akong napangiti.
"Mag-seatbelt ka.. Bibilisan ko ang pagmamaneho."
"But—" Nagbalak pa siyang tumutol pero umiling na ako.
"No buts.. Baka hindi ko na maabutan iyon," nagmamadaling sabi ko.
Mabilis kong isinuot ang seatbelt, at hinawakan ang manibela. Inikot ko ito at madaling nag-speed dahilan upang muntik na kaming sumubsob sa harapan. Napailing na lamang ako sa sariling kagagawan.
"Hinay-hinay lang.." saway ni Miguel, salubong na salubong na ang mga kilay niya.
Hindi ko siya pinansin at pinaharurot na lamang ang kotse niya. Mabuti at walang gaanong sasakyan ngayon kaya mabilis kaming nakarating sa condominium ko.
"Grabe.." hingal ko.
"You.. What the hell! Bakit ka ba nagmamadali?" Nakahawak sa dibdib na sermon sa akin ni boss nang makapasok na kami sa elevator.
Napadilat ako bago napakamot sa kaliwang kilay. Muntik ko ng makalimutang kasama ko nga pala siya.
"S-sorry nga pala.." But Miguel just tsked in annoyance and looks really breathless while looking at me right now.. making me feel so guilty. Hinila-hila ko ba naman kase kanina e.
"So, care to explain why?" Still disgruntled, he asked me.
"Sunset.." marahang pagsagot ko, at kasabay no'n ay ang pagbukas ng elevator.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top