Chapter 16
Chapter 16
Madali akong napabangon sa kama nang mapagtanto kong late na ako ng gising. Sumiwang na ang tirik na tirik na araw sa bintana ng kwarto ko; hudyat na nasa katanghaliang oras na. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko. It's already 1 in the afternoon! Napatanga ako at kaagad na napatayo. Sinulyapan ang notification bar sa itaas ng phone ko, at binasa ito. May one message akong natanggap, and it's from Auntie Eliza.
"Good morning ija. 2 pm in the Coffee Daring Shop. Enjoy!" Nung una ay nalito pa ako sa kung ano ba ang tinutukoy niya ngunit kalauna'y napamulagat na lamang ako nang may maalala.
"What the..? Two pm?!" Mabilis akong napakilos.
Nakaapak ang mga paa akong pumunta ng bathroom. Mamula-mula ang talampakan ko. Ganun din ang may kaputiang balat ko na may pantal pa—gawa siguro ng matinding pagtulog ko kagabi hanggang kanina.
"Mukhang mahuhuli pa ako ngayong araw ah?" nahihikab pang bulong ko, at ikinunot ang noo.
First time kong sumubok sa isang date, at nakakadismayang wala manlang akong nararamdamang excitement, bukod sa panic na baka mapahiya ko si Auntie sa anak niya. Ako kaya ang nag-insist na ituloy na iyong date na ni-recommend niya sa akin noon—tapos, wala manlang akong ginawang effort na maghanda kahit papaano ngayon.
Walang pasabing binuksan ko ang shift ng shower room nang makarating na ako rito. Mayamaya pa ay naramdaman ko agad ang patuloy na pagdaloy ng tubig sa buong katawan ko. Naligo ako. Mabuti na lamang at sanay na ako sa malamig na tubig kaya hindi na ako nilalamig kahit pa nabigla ang katawan ko.
Lumabas ako ng banyo habang tapis ng puti at malinis na twalya. Mahigpit ko itong ibinuhol sa gilid. Dumadausdos kase ang pulupot nito pababa sa dibdib ko.
Natigilan ako.
"Bakit parang palaki na nang palaki ang dibdib ko?" Wala naman akong iniinom na gamot para sa breast ko para magkaganito.
Nagtungo ako sa closet ko. Pero bago ko iyon buksan ay tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.
"Ano kayang susuotin ko.." mahinang bulong ko habang pinagmamasdan ang kabuoan ko.
I maybe looks so fresh and delicately soft at this moment dahil bagong paligo ay kaylangan ko pa ring humanap ng matino at hindi ganung kapormal na pair of clothes. Pero ganun na lamang ang pagtaas ng kilay ko nang bumungad ang mga pang-office work equips ko nang tanggalin ko na 'yung zipper. Mostly puro white longsleeve siya, at long skirt kaya naghanap pa ako ng iba, 'yung talagang babagay sa pupuntahan ko.
"Wala nga pala akong iba pang dresses.." Napatampal ako sa noo ko.
Naupo ako sa kama at tinanaw nang mabuti ang mga damit na naroon sa wardrobe ko. Kung hindi mga pyjamas ay purong pang-conventional outfits lang talaga ang naka-hanger doom. Mula sa creamy brown, and black coat ko, lengthy sleeves and office kilts. May iilang shirt at leggings naman pero pambahay ko na iyon.
Napabuntong hininga ako saka napalabi. "Paano na 'yan? Ano na ngayon ang susuotin ko..?"
Nangulambaba ako sa kama at nag-isip kung ano ang gagawin, o kung may tinatago ba akong kahit simpleng dress lang. And when something popped into my mind, I hastily stood up. Naalala ko iyong gift ni Auntie sa akin noon. Na hindi ko pinag-interesang gamitin manlang kaya ko itinago.
Slightly bending over the bed, I picked up my not-so-old rectangle box. Marahan ko itong kinapa sa ilalim gamit ang kanang kamay, at ipinatong sa kinauupuan ko kanina. I opened the pink ribbon and took the covered dress that protects its pleasing quality. This is a rural captivating dress that above the knee. Royal off-shoulder 'yung style nito, at hindi ganun katingkad 'yung mga highlights sa bawat gilid. It defined as simple yet graceful, and elegant top outfit.
I can't help but lifted the dress more. I position it into the air. Hindi naman siya gaanung exposed sa likuran kaya wala sa sariling napatango-tango ako.
"Pwede na ito.."
I immediately brought the underwear at cycling na gagamitin ko bago tuluyang suotin 'yung dress. Ramdam ko kaagad kung gaano ito kagaan kaya kumurba na ang ngiti sa labi ko. I peek my eyes at my reflection in the mirror, and my smiles widen even more when I saw how suit the off-shoulder dress was on me. I really look good, and I won't deny it. Na kahit nga wala pa akong make-up ay tila lalo akong bumata.
Although hindi naman ako ganun katanda dahil sa edad ko, pero kamuntikan na siguro—dahil nga sa mga pormahan ko.
Maaliwalas talaga akong tignan ngayon.
Simple pero parang may something..
Nagkibit-balikat na lamang ako. I hung the towel I used earlier in the hanger. After that, I combed my hair gently. I put a cream powder on my face, and also tint a nude lipstick on my faint lips. I seized my flat shoes that were on the side of the door, and gently put them on my feet. As I pinned my somewhat wet hair to my ear, I took my brown shoulder bag placed in a branch of a tree.
Actually mga statue tree ang lahat ng sabitan dito sa condo ko. Dalawa sa living room, isa sa kitchen, sa kwarto at bathroom ko. Nabili ko sa divisoria sa mura lamang na halaga.
Drinking some water bago tuluyang umalis, I suddenly peeped my eyes at the wall clock. At nagulat ako nang makitang lagpas 2 pm na pala.
"Hala.." Nagmamadali kong iniwan ang basong iniinuman ko sa lamesa. Mabilis pa sa hangin kong sinara ang pintuan ng condo, at ni-lock ito.
Napagdesisyonan kong hindi na gamitin ang kotse ko kaya hindi na ako nagtungo pa sa parking lot. Mas maganda siguro kung mag-commute na lang ako. At ayon nga ang ginawa ko; tumayo ako sa gilid ng kalsada, inangat sa ere ang kanang kamay, at tumawag ng taxi na maari kong sakyan.
"Saan po tayo ma'am?" tanong ni Manong driver.
Tinuro kon naman ang medyo may kalayuang lugar na tinutukoy ni Auntie sa mensahe kanina kaya napatango-tango ang driver, tila ba alam na kaagad ang sinasabi ko.
"Coffee Daring Shop. May date po kayo ma'am?" he asks brightly, but I just smiled at him in embarrassment.
I felt so shy and sheepish all of a sudden kaya hindi na ako sumagot pa. Inayos ko na lamang ang mga gamit sa loob ng bag ko, at hinigpitan ang hawak sa cellphone ko.
Mayamaya pa ay huminto na ang sasakyan, indikasyong narito na ako sa Coffee Daring Shop. Agad ko namang hinawakan ang pintuan. Inabot ko ang bayad kay manong driver, nagpasamalat at lumabas na.
Owtomatikong napaangat ang tingin ko sa heighten shop na nasa harap ko. Kaunti lang ang mga tao sa loob kung pagmamasdan mula rito sa pwesto ko. Halatang mamahalin, at may class ang lugar na ito kaya napailing ako.
Mukhang sosyal 'yung anak ni Auntie ah? Isip-isip ko pa.
Pinagbuksan ako ng pintuan nung isang staff na nakatayo lang sa loob kanina. May warming na ngiti sa labi nito habang tinitignan ako. 'Yung tipong pinaparamdam na welcome na welcome ako sa shop nila. But as usual, tahimik na pagtango lamang ang isinagot ko. Hindi ko na pinansin pa ang paligid, at ang mga taong napasulyap nang sandali sa akin.
Inikot ko ang paningin ko sa Coffee Daring Shop upang hanapin na ang anak ni Auntie.
Ang sabi niya sa akin nang tawagan ko siya habang nasa elevator ako ng unit ko kanina ay naka-suit raw ito dahil galing pa raw ito sa trabaho, which is really surprised me dahil weekends pa rin naman ngayon. Linggo. Ngunit mukhang gaya ko'y workaholic at conventional ito. Well, compatible kami kung ganun right? Kung sakaling mag-click kami ay walang problema. Pareho kaming may ibang priority. Isang bagay na katanggap-tanggap naman dahil mahalaga ang trabaho.
"Naka-suit.. Naka-suit—" nahinto ako, at wala sa sariling dumako ang tingin ko sa pinakadulong bahagi ng shop kung saan may nakatalikod na lalaking naka-coat ng itim.
Baka siya na nga 'yan. I assumed, at ni-ready na ang sarili.
Malalaki ang hakbang akong nagtungo sa pwesto niya. Pirming umupo sa bakanteng silya na nasa harapan niya, at kinuha ang buong atensyon niya sa pamamagitan ng pagtikhim.
"Ikaw ba 'yung.." Balak ko sanang tanungin kung siya ba ang anak ni Auntie ngunit hindi ko na nagawa pa dahil side view pa lang niya ay namukhaan ko na.
P-paanong..?
"Whoever you are, I don't fucking care." My eyes widened. "I already have a girlfriend, and I love her so much—"
"Boss!?" napasinghap ako at hindi na pinansin pa ang pinagsasabi niya.
Napatingin naman siya sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Sabay na pumarte ang mga labi namin at parehong nalaglag ang panga nang makita ang isa't isa. He looks so shock, and I am freaking dumbfounded.
S-siya nga! I mentally exclaimed, at sa sobrang terrified ko ay naitaas ko pa ang daliri ko at tinuro siya.
"A-anong ginagawa mo rito..?" nagtatakang tanong ko habang kumukurap-kurap pa sa kanya.
"You.." Miguel stared at me. "Anong ginawa mo sa harap ko?"
Isn't it obvious huh?
Wala sa sariling inirapan ko siya.
"Malamang nakaupo.."
"What the.." reaksyon niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang pamimilosopo ko.
Ako naman ngayon ang ngumisi sa kanya, at humalukipkip.
"Wala tayo sa office ngayon kaya sasabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin."
"I'm just asking you—" pinutol ko ang sinasabi niya. "Sumasagot lang din naman ako."
"The fuck?!" Gusto kong matawa sa panggigigil niya bigla ngayon sa totoo lang.
Miguel's face was crumpled and suddenly folded like a waste paper. God, I'm starting to love this day. Salubong ang mga kilay niya habang hindi malaman kung ano bang ekspresyon ang ipapakita sa akin. For once ay tila nawala ang pagiging collective niya, at natutuwa ako dahil sobrang priceless no'n para sa akin.
Palihim akong napakagat sa pang-ibabang labi at pinatili ang ngisi sa mukha ko para inisin pa siya lalo.
"It's vengeance time, Miguel." pagpaparating ng mga mata ko sa kanya habang nakatitig.
Mr. Falcon abruptly tilted his head, comprehending what I am planning to do. Napahawak siya kanyang sintido, at tila biglang nanakit ang ulo sa akin. Mayamaya pa ay may ibinulong siya sa sarili niya na hindi ko naman maintindihan.
Nabaling ang atensyon ko sa waitress na nasa harapan na pala namin ngayon. Hindi ko na halos napansin pa.
"Magandang hapon, Miss. Did you already choose your order?" ani nito sa akin habang pormal na nakatayo.
Kinuha ko ang menu na nakalagay sa ibabaw ng lamesa bago napatango. "One slice of black forest cake and frappe, please.."
Naglabas ito ng tila lumang notebook kaya kumunot ang noo ko. Tinignan ko ang iba pang mga crew nung shop. Nakasuot sila ng sinaunang mga damit, na pinaghalo sa henerasyon namin ngayon. Hindi ko mapigilang tuluyan ng pagmasdan ang paligid. It's classical, and peculiarly relaxing. May mga nagpapatugtog pa nga ng tila tradisyonal na instrumento sa maliit nilang quarter sa gilid.
"Set A it is, then.." Narinig kong pagsagot nung waitress.
Natigilan ako, at nang akmang aalis na siya ay muli ko siyang tinawag.
"How about him?" tukoy ko kay Miguel. "Hindi mo ba siya tatanungin?"
"P-po? Kanina kase Miss ay tinatanong ko na po si Mr. Falcon.." mahinang sabi niya, pabulong na at tila ingat na ingat sa mga itutugon sa akin. "But he told us that he don't want to—"
My boss tsked, suddenly cutting the waitress words off. Napalingon naman kami sa kanya at sabay siyang tinignan. But his expression just swivel in a blank paper, that even me.. can't read him fully.
"I already change my mind," he says in baritone voice making me shivered slightly. Is his manly tone turn me on?
"I want.." sumulyap siya sa akin, at tumikhim. "One Black Americano and Cheesecake."
Nagital naman ang babae sa gilid. "P-po?"
"You didn't heard me?" mapanganib na sabi ni Miguel. Seryoso ang mga mata niya nang tignan ang waitress kaya nakita ko naman ang pagdaan ng takot at pag-aalinlangan sa mga mata nito.
Pinanlakihan ko ng mata si Miguel for his rude behavior but he just defy it. Instead, he emphasize how serious, and cold he is while glaring at her; 'yung waitress na putlang-putla na ngayon.
"I-I'm very sorry Mr. Falcon.. N-noted po," Nagkandautal-utal na sabi nito habang nanginginig ang mga kamay sa sobrang pagkabahala.
"Leave," utos pa ni Miguel kaya pumirmi ang labi ko.
I want to hiss at him sa totoo lang, pero pinili kong 'wag na lang at manahimik. After all, siya pa rin naman ang boss ko. Ako dapat ang sumunod sa kanya, at hindi siya ang susunod sa akin. Nang bahagya ng yumuko ang babae at madaling umalis sa harap namin ay sadya kong nilakasan ang pagbuntong hininga ko at tumingin kay boss. Ipinaparamdam ko sa kanya na hindi ko na talaga nagugustuhan ang inasta niya.
Pero tinignan niya lang din ako, suplado niya akong tinaasan ng kilay at piniligan ng ulo.
Left with no choice, lumingon na lang ako muli ako sa paligid. Tahimik akong nagmuni-muni hanggang sa makaramdam ako ng matang mainit at bulgar akong pinagmamasdan. Nawala ang ngiti ko at inismidan ang unggoy na ito.
"Ikaw ba 'yung anak ni Auntie?" I implored him kahit na alam kong siya na.
Pinanliitan niya ako ng mga mata. "What do you think, hm?"
"Hindi." I promptly retorted, and it made him stilled.
Nagsalubong ang makapal na kilay ni Miguel bago iling-iling na ngumisi sa akin. Kaswal siyang sumandal sa kinauupuan niya ngayon, mataman akong tinitigan sa mga mata, at nagawa pang mag-cross arms sa akin; na tila ba inoobserbahan ang buong pagkatao ko.
"So, ikaw pala 'yung Bianca na sinasabi ni Mom." tila siguradong pagkausap nito sa akin, napapatango-tango pa.
Pinantayan ko ang tapang ng titig niya, at sinalubong ang mga ito.
"So, ikaw pala 'yung anak na sinasabi ni Auntie Eliza." Ilang segundo kaming nagkatinginan. Parehong persistent, at ayaw paawat.
I gulped silently. Hindi ko alam pero parang hindi nakakasawang pagmasdan kung gaano kalalim.. tumingin ang mga mata niya. Nawala ang ilang sa akin, at talagang sinamantala ko ang pagkakataon para makabisado ang bawat sulok ng tsokolate niyang mga mata. Although, hindi ko naman na kaylangan pang pag-aralan ito dahil tila memoryado naman na siya ng isip ko.
"M-Mr. Falcon and Miss...?" Kaagad na nawala ang atensyon ko kay boss nang may boses akong narinig.
I heard Miguel tsked again, para bang biglang nairita dahil naputol ang eye contact naming dalawa. But I didn't glance at him at all; I ignored him gaya ng ginawa niya kanina nung sinisita ko siya.
"Bianca," pagbanggit ko sa pangalan ko, at tumango naman ang mga ito.
"Miss Bianca ito na po 'yung One slice of Black Forest Cake and Frappe mo.." she told me while putting my order on the table. "And for you Mr. Falcon, One Black Americano and Cheesecake." ani naman ng isa pa. Ngayon ko lang napansin na ibang mga waitress na ito, at hindi na 'yung babaeng nag-assist sa amin kanina. Mukhang natakot talaga kay Miguel.
"Thank you.." pormal na pagpapasalamat ko, at bahagyang iginilid ang frappe ko sa bahagi ng mesa.
"Very much welcome, Miss. Please, enjoy your date." In unison, they proclaimed with a sunny smile to their faces..
Nagkatinginan naman kami ni boss dahil sa narinig bago sabay na nag-iwasan ng tingin.
Darn, ito nanaman 'yung impact ng unggoy na ito..
He makes my heart violently countered, endorsing with something I already know of.
"Yeah, right." mahinang bulong ni Miguel, hinawakan ang suot na business tie at pinaluwag ito.
Nangunot ang noo ko. "H-huh?"
"Might as well, let's just deal with this situation Ms. Del Pilar."
"And what.. do you mean by that?" hindi mapigilang pag-utal ko.
"I mean it.." seryosong salita niya. "Let's enjoy our date, Bianca."
Tuluyan na akong nag-angat ng tingin sa kanya. Panay ang awang ng bibig ko at hindi ako makabuo ng salitang itutugon mula sa sinabi niya.. mula sa narinig ko. Pero inosente niya lamang akong tinignan, nanunuksong nginitian ako at pinagkibit-balikatan.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top