Chapter 15
Chapter 15
Hindi ko mapigilang pumadyak sa kama, ipirmi ang labi at pagsalubungin ang mga kilay nang maalala ko nanaman ang nangyare. Paniguradong lukot na ang mukha ko dahil kanina ko pa hindi maintindihan ang sarili ko. Tatlong araw na ang nagdaan simula nung mangyare ang pagsasayaw naming dalawa ni Boss pero tila nandito pa rin ang pakiramdam na para bang nakalutang. Ramdam ko pa rin 'yung kakaibang kiliti na siyang kumikibot sa tiyan ko. 'Yung tipong paulit-ulit akong tinutukso.
Napabangon ako sa kinahihigaan ko.
Si Mr. Falcon..? For disturbing reason, he's always in my thoughts. He begins to embrace the major real estate of my sanities. To the point, that I find myself rehashing and abbreviating our former conversations in that night. I can’t stop thinking about him even when I'm apart, even we are apart. I most likely enjoyed the agonizing bliss of him kahit na parang imposible.
Everything feels exciting, and truly new after that moment. It change the way I behold things. That even every activities in my work can become more satisfying basta ba magkaroon lang kami ng interaction kahit papaano. I felt reprimanded, and euphoric. It may not seem completely like it, but being with him is somehow in scientific process.
Bagsak ang balikat akong napatingin sa kawalan. Hindi niya ako pinapatulog tuwing gabi. Bigla na lang siyang sumusulpot sa memorya ko, na kahit hindi ko naman talaga isipin—kusa siyang nagpapaulit-ulit dito sa utak ko. Ayaw niya talaga akong lubayan!
I crave and desire him.. similarly to how I can crave my favourite food. Na kapag kasa-kasama ko si Mr. Falcon, my dopamine and norepinephrine becomes active. It leads me to feel the pleasure, giddiness, and enthusiasm; that can fuel the sentiments of infatuation, or.. my attraction towards him. I start to find everything about him so damn irresistible and overwhelming.
"Damn it. Ano na bang nangyayare sa akin?" parang nababaliw na sabi ko. Hinawakan ko ang ulo ko at nauwi ito sa paggulo ng buhok dahil sa sari-saring emosyon.
I realized that I positively ideologies Mr. Falcon, and the way his best traits and abilities blasted. Kung ano ba siya sa trabaho, at kung gaano siya kadedicated sa lahat. Naging normal na sa aking tanawin 'yung mga best side niya simula nung gabing iyon. Even his red flags and incompatibilities ay talagang wala na sa akin—which is really confusing and illogical dahil hindi ako ganun.
I took a very deep sigh.
Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako nagkakaganito.. habang si boss naman ay tila wala namang pakealam. Yes! Umaarte lang siya nang normal. Na para bang walang espesyal na nangyare. Dapat nga'y gaya niya ay maging ganun din ako 'di ba? Kaso kahit na anong gawin ko, hindi ko talaga kaya.
Naiinis nga ako at may kung ano sa akin na nanghihimutok. Masyado akong apektado, at aminado ako roon. Sobrang big deal sa akin to the point na talagang napapaisip ako. It is because, it's my first time? O hindi? O baka naman nag-o-overthink lang ako? Whatever it is, I hope na hindi ako literal na baliwin.
Minulat ko ang mga mata ko bago panggigilan ang bagong sipilyong ngipin. Siguro, ito na iyong pagkakataon para subukan ko ng makipag-date sa anak ni Auntie. Ito na siguro talaga iyong tinatawag nilang perfect timing.
Natango ako, at naging desidido. "That's right, Bianca. Makikipag-date ka na lang."
May bahagi sa utak ko na parang naninibago lang talaga, na baka hindi lang ako sanay. After all, I'm not a romantic woman. I don't even believe in love. I know na sa mga romance stories o novel na binabasa ko lang 'yon nagkakatotoo, at sa mga fiction character na bumubuo nito.
But in reality? I know that it's not, n-e-v-e-r! That if ever na ma-inlove man ang dalawang tao sa isa't isa o magmahalan sa umpisa at matatapos sa huling kabanata ang kwento nila. Na magkakatuluyan at bubuo sila ng pamilya; magsasama habang buhay nang walang kataksilan—ay isang malaking kahangalan.
Napailing ako, at kinuha na ang cellphone gamit ang kanan kong kamay. Kaagad kong hinanap sa contact list ang name ni Auntie.
"Linggo naman na bukas kaya free ako.." wala sa sariling bulong ko pa.
"Auntie?" pagtawag ko sa kanya nang sagutin na niya ang tawag.
"Yes ija? May kailangan ka ba?"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi at hindi kaagad nakasagot. Parang nahiya ako bigla dahil napapahikab pa siya. Mukhang naistorbo ko yata.
"Gabi na ah?" puna na niya kaya napangiwi ako, at humingi ng tawad pero mahina lang siyang tumawa.
"Napatawag ka..?" aniya kaya napabuntong hininga na ako. Alam kong narinig niya iyon kaya ramdam ko ang pagseryoso niya sa kabilang linya.
Nag-aalangang iginalaw ko ang daliri ko sa paa. Kung sakali kaseng i-brag ko 'yung date na matagal na niyang pinapakiusapan sa akin ay malamang na mag-uusisa pa si Auntie, at wala naman akong maisasagot doon.. dahil hindi pa ako sigurado.
I silently grunted.
It's now, or never!
"Susubukan ko na po 'yung sinasabi niyong date, Auntie—" halos mabilis pa sa rapper na pagbibigkas ko.
"Omg, Bianca.." singhap niya, at napatili pa. "Hinding-hindi ka magsisisi!"
Sighting in relief, I can feel how my heart glowed in happiness. Nawala ang tensyong nararamdaman ko. And when I heard how joyful and grateful her laughs is—it make me forget the reason why I wanted to try the date she was discussing about. Definitely, Auntie Eliza is really one of my comport zone.
"Bukas ah? Bukas na kayo agad mag-date!" Napakurap-kurap naman ako at mahinang natawa. Mukhang mas excited pa siya sa akin. "Free ka naman na bukas, right?"
Natango ako kahit hindi niya ako nakikita. "Yes, Auntie, free talaga ako tomorrow. Part of the weekends e, sunday."
"I know!" Binahiran niya iyon ng hagikgik kaya napangisi na ako. Sandali kaming nagkwentuhan, at nagtawanan.
"By the way ija, bakit nga pala susubukan mo na? May nangyare ba?" All of a sudden na tanong niya kaya napatikom ang bibig ko.
Ayan na Bianca.. I mentally cried out.
"A-ah kase.. Auntie—"
"What is it, dear?" Biglang sumeryosong saad ni Auntie Eliza, mukhang kaagad na naramdaman ang kaba sa boses ko.
"Tell me.." she let out as if she is expecting me to confess something.
"A-Alright.." nasabi ko na lang, at napatango.
Napagdesisyonan kong ipaalam na lang kay Auntie. Kaysa naman mag-isip ako nang mag-isip kung ano na ba talaga itong nararamdaman ko 'diba? Kung atraksyon lang ba ito sa lalaki o mas malalim pa roon. Atsaka.. panigurado namang hindi niya kilala si boss.
"I'm waiting.." pang-iingganyo pa ni Auntie.
Napahiga muli ako sa kama. Tumingala ako sa ceilings at nagpakatotoo sa sarili. "Ito nga po Auntie.. There's a man that at first was really bothersome for me. 'Yung tipong ang sarap palaging patulan kase masyadong provoking. Sumobra sa kayabangan, kasupladuhan at pagiging wirdo. Hindi ko talaga type. Palagi kaseng lumalagpas sa linya ko."
"And it makes me feel furious, annoyed and damn irritated. He always pissed me off to the point na sumama na talaga iyong image niya sa akin. Na kahit wala pa siyang ginagawa, minsan ay nanggagaliti na agad ako. Masyado akong nagiging apektado, at hindi ako ganung tipong tao.."
"I'm so mad at him, Auntie." Pumirmi ang labi ko. "Kase ano bang meron sa kanya? Bakit lagi ko siyang napapansin? Bakit.. Hindi ko siya kayang balewalain na lang? Bakit palaging big deal para sa akin lahat nung mga kilos niya? Masyado talaga siyang palaisipan sa akin kaya naninibago ako. After all, aminin ko man o hindi, he is the only man who can stir my not-so-available heart."
"The type of thing that makes me so anxious just by staring to his chocolate-brown eyes, and to discern that he is also staring at me.. made me feel doomed. Because, I know deep inside that I can't get rid of him anymore even though I wanted to." halos pabulong na sabi ko.
Natahimik ang kabilang linya. Marahil ay mataman akong pinakikinggan kaya nagpatuloy na lamang ako.
"He also makes my heart thumped in so much beat, Auntie. Especially when.." Napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang pagngiti. "W-when we danced three days ago, parang biglang lumala.."
"And right now.. I can still recalled how much I become so soft and vulnerable while just dancing with him. Natibag lahat ng pader na inipon ko rito sa dibdib ko. Sa isang gabi ay tila nawala nanaman ako sa sarili. Bigla nanaman akong nablangko. At 'yung panibagong Bianca na itinatag ko sa halos anim na taon ay isang kurap lang na bumalik sa dati. Naging marupok nanaman ako. Nawala nanaman ako sa katinuan.. ganun kasimple."
Nabuntong hininga ako. "Pero hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko. Para kase siyang isang nakakakiliting kuryente, Auntie. Nakakapanghina nga lang dahil madali niya akong natamaan. Nahuli niya 'yung kiliti kong 'di manlang sumagi sa isipan ko..na meron pala ako."
Wala sa sariling binago ko ang posisyon ng katawan ko sa kama at tumingin sa wall. Parang bigla akong hindi mapakali.
"He made me feel those emotions that even me, can't even name.. Auntie,"
"Hindi mo mapangalanan? O ayaw mo lang talagang kilalanin?" pagkibo niya bigla. "Matalino ka, Bianca. Paniguradong simula pa lang nung una ay alam mo na ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman mo sa kanya, at ayaw.."
"At ayaw ko lang itong tanggapin?" pagputol ko naman na ikinailing ko rin kalaunan. "I don't really know, Auntie. It confused me. Matalino nga ako, pero may limitasyon at hangganan pa rin 'yung mga kaalaman ko."
"Hm?"
Napatango ako. "Opo."
"O baka naman totoo talaga 'yung sinsabi nilang 'mangmang sa pag-ibig ang mga taong matatalino'?" she pointed out.
Pag-ibig..?
"Agoi mangmang.." reaksyon ko na lamang kaya natawa na siya. "I'm just making you relax ija, kahit kase malayo ako sa'yo ay ramdam ko ang pagiging tensyonado mo."
Napailing ako, at nagpatuloy sa pagku-kwento sa kanya. Nararamdaman kong nakikinig naman siya kaya lahat nung mga thoughts na tumatakbo sa utak ko these past few weeks na tungkol kay Miguel ay inilabas ko na.
"It's really weird and unusual talaga Auntie. And being crazy with him is unimaginable things I can think of lalo na't 'di ko naman siya ganun kakilala. Puro talaga first time ko. Pero kita mo naman.." Pinagsilop ko ang mga kamay ko. "Here I am, telling to you 'cause I can't keep it by myself anymore."
Marahas akong bumuga ng hangin bago ko ipikit ang mga mata ko. At sa isip ko ay tila nakahanda ng sumalubong sa akin ang nangyare nung gabing iyon, kasabay ng perpektong pagsulyap ng mapungay na tskolateng mga mata ni boss sa akin.
"Oh.." ang naging maikling pagsagot lang ni Auntie dahilan para dahan-dahan kong imulat ang mga mata ko.
It's a good thing na wala siyang masabi kahit panandalian lang dahil kung meron man, hindi pa ako handa. It's my first time after all, and it's definitely will terrify me.
"Kaya po gusto kong makipag-date dahil baka naninibago lang talaga ako sa ganung ka-intimate na eksena," dahilan ko pa. "Na baka hindi lang ako sanay kaya ako nagkakaganito.."
Tanging ang kalmadong paghinga lang ni Auntie ang naririnig ko sa kabilang linya kaya napaharap na ako ng higa. Hinawakan ko nang mahigpit ang cellphone ko, at nag-isip kung ano pa ba ang sasabihin ko.
"Hindi nga ako maka-get over Auntie e." sumbong ko, at ngumuso.
"Ang nakakainis lang ay umaarte siya nang normal matapos no'n! Parang ako lang 'yung affected ganun, at talagang nakakapang-init ng ulo iyon." hindi na mapigilang angil ko habang nakakuyom ang kamao.
Sinulyapan ko 'yung bed sheet, at doon binuhos ang nararamdamang frustration. Inilap ko ang mga mata at malakas pang nilamukos iyon, literal na nanggigil. Ngunit ganun na lamang ang pagpaskil ng ngiwi sa labi ko nang makitang halos mapunit na 'yung bed sheet.
"Gosh, Bianca.." Auntie cried out, trying to hold my resentment and asks. "D-do you like him..?"
Bumuntong hininga ako, at napapikit nang mariin. Ito 'yung tanong na nagpahinto talaga sa akin. Namuo man siya sa isipan ko ay hindi ko maatim na kilalanin o tanggapin tulad nung naging pagtugon ni Auntie kanina. Dahil kahit na ano mang isipin ko, hindi ko mabakasan kung sa paanong paraan at dahilan ba. At kung bakit 'siya' pa. Bakit si Mr. Falcon pa? Bakit 'yung lalaking.. kahit kilala ko man ng personal ay patuloy na nagiging misteryoso sa akin.
"I.. I don't know, Auntie, hindi ko na alam.." parang nanlulumong sabi ko na lamang.
"You like him, ija." Auntie incredibly stated, wala ng paligoy-goy, at kung magkaharap lang kami ay malamang sa malamang ay nakaturo na ang daliri niya sa akin.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi.
Desisyon si Auntie. Isip-isip ko.
"H'wag mo na lang kaya ituloy 'yung date niyo ng anak ko—" Umiling ako sa narinig, at kaagad na tumutol.
"No, Auntie." seryosong sabi ko. Determinado na talaga akong mawala si Miguel sa sistema ko kahit papaano. "Susubukan ko po.."
"Is that so?" she confirmed, and tsked. "Kung ganun ay hindi na pala kayo meant to be ng anak ko. Bakit ba sa boss mo pa mismo iyan naramdaman.."
"Po? Meant to be?" Nangunot ang noo ko.
"Nothing, ija."
"Huh..?" Pero hindi na niya ako pinansin. "Hays. Mali yata ako ng pairing.." she just added. Afterwards, she let a small 'huhu', seemingly disappointment to something bago huminahon. "Pero okay lang ija, kung saan ka masaya, doon na lang din ako."
Napangiti ako kahit na naguguluhan sa sinasabi niya tungkol sa pairing niya 'kuno. Inayos ko ang buhok ko at napapilig ng ulo.
"I'm curious, Bianca. Who's your boss? Hindi mo pa kase nababanggit 'yung name niya." aniya kalaunan kaya napatingala na ako. Lumingon ako sa mga bagay na nakadikit sa wall sa tabi ng kama ko, at pinagmasdan iyon.
Mula rito sa kinahihigaan ko ay matatanaw ang lahat ng mga picture ko, namin ni Auntie. Sari-saring posing sa iba't ibang taon, at pin. Kapansin-pansin din halos na naroon lahat ng favorite quotes ko, at bible verse na nakatinta naman sa mga vivid sticker. They are pinned on the wall perfectly. Huminga ako nang malalim saka tinignan ang pinakagitna na siyang agaw pansin sa tinagurian kong wall of life.
Nandoon ang full name ni boss, nakasulat gamit ang penmanship ko. It's in romans type, displaying perfectly kasama ng nag-iisang picture niyang nakuha ko sa google.
Multo akong napangisi.
"Falcon.." mahinang pagbanggit ko. "Engineer and CEO. Miguel Falcon.. Siya po ang boss ko, Auntie."
Napatitig ako sa mga mata ni Boss at mahinang napakagat sa pang-ibabang labi, kahit sa litrato ay tila tumitibok nang mabilis ang puso ko.
"Oh.." mahabang bulong ni Auntie, at mukhang kanyang nakilala. "Really? He is your boss?" paninigurado niya pa.
"Yes, Auntie." Tumango ako kahit 'di niya ako nakikita. "Siya po 'yung new boss namin ngayon sa Falcon.. Bakit po? Kilala niyo po ba siya—"
Ngunit hindi na siya nakasagot pa. Naibaba ko naman kaagad ang cellphone ko lalo na nang marinig na lamang ang ended tone.
"Pinatay..? Bakit kaya?" Nanliit ang mga mata ko. Never akong binabaan ng tawag ni Auntie kaya nakakapagtaka.
Wala sa sariling tinignan ko ang notification bell nang magpop roon ang mensahe mula sa TNT, at ganun na lang ang pagkaawang ng bibig sa nakita.
Ka-Tropa, naubos na ang Unli Allnet Calls & Texts load mo—
"W-wala na pala akong balance.." Napakamot ako sa kilay ko. Inihagis ko ang cellphone ko sa unan matapos kong patayin ang screen. Mag so-sorry na lang ako bukas kay Auntie.
"Ano ba itong nararamdaman ko?" Out of nowhere na tanong ko habang makahawak pa sa dibdib ko.
Muli akong napalingon sa larawan ni boss. Naka-pin ito sa gilid. Medyo may kalayuan man dito sa pwesto ko ngunit malinaw pa rin namang nakikita. Makapal na perpektong kilay. Nakakalunod na mga mata. Matangos na pagkurba ng ilong. Nakakaagaw pansing panga. At tila nang-aakit na mapupulang labi.
Napangiti ako. Ngunit kalauna'y napailing nang makitang seryoso pa rin siya kahit sa litrato.
Naalala ko pa no'n nung naghanap ako ng litratong nakangiti siya sa goggle pero wala talaga akong mahanap. Kahit na mapunta ako ibang website tulad ng top bachelor na kasama siya, business tycoons, and even in celebrity faces ay wala talaga. Mabuti na lang at may natagpuan akong sekretong tab; kung saan may mga rare photos ng mga pribadong tao, at kasama siya roon. Pero talagang nag-iisa lang, bagaman seryoso pa rin ay medyo nakakurba naman na ang labi niya rito pangiti.
Ipinilig ko ang ulo. "Bakit nga ba nandiyan ka?"
Bakit nga ba ginawa ko ang weirdong bagay na ito? Ilagay ang litrato ni Miguel sa wall of life ko with matching full name pa. Na para bang mas malaki ang parte niya sa buhay ko kaysa kay Auntie.
I took a very deep and intense sigh while looking at his photo. Hindi ko pa nga kayang mapangalanan kung ano itong nararamdaman ko sa'yo.. pero feeling ko'y malala na. Malalang-malala na.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top