Chapter 18

Chapter 18

I seriously don't know how should I feel at this moment while glimpsing at the setting sun. They said that sunset was a sign that the day was over, and there was more to come the next day. More hope, and faith as they say. On the other hand, Psychology research has shown that being physically exposed to sunsets yields long-lasting satisfaction, and stress relief; a form of meditation allowing you to clear your mind of all that is going on in yourself.

But then, I believe that the reason why I truly love sunset is because.. It reminds me that there's a new specific tommorow; that I have to leave the past completely, and I just need to face the sunrise circumstances the next day. Sunsets made me feel that I always have a chance to rest and unwind. That I can take a break from my problems even in the meantime.

So when the sun comes out again in the morning because the sunset was over; there's a shining daylight that implied me, to start again, over and over.

Natatandaan ko pa nga noon kung papaano namin sabay na panoorin ni papa iyong paglubog ng araw. Ayon kase ang nakasanayan naming gawin kapag nagbalik na siya sa bahay matapos ng dalawang taong pagtatrabaho sa malayo.

Of course as a naive child, I asks him why can't I see him everyday; na bakit kaylangang maging ganun katagal at bakit hindi ko siya makasama palagi. But then, the only justification he says is that.. It's his job, and it's really important for him. Na maiintindihan ko rin daw ang sitwasyon niya kapag gaya niya'y may career na ako. Which is true naman dahil sa kanya ko na yata namana ang pagiging workaholic ko.

Pero that time, kahit ganun ang naging pagtugon niya sa akin ay hindi ko mapigilang mapaisip. Ano ba talagang meron sa Manila? Sa syudad? Sa lugar na kinatatayuan ko ngayon? Minsan ko na rin itong kinainisan sa totoo lang, para kaseng gustong-gusto ni papa na mag-stay na lamang dito kaysa sa amin. That even though it's been a very a long time na nagkasama kami; he didn't seem to remember to contact me or to check on me like a loving father.

Kahit may pagkukulang si papa, lagi naman siyang bumabawi kapag umuuwi na siya sa bahay. More likely, he's providing me the privilege to enjoy the day with him. Late bloomer kase ako kaya siguro napakadali ko silang paniwalaan noon.

Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ang lubog ng araw. Mula rito sa kinatatayuan ko ay ramdam na ramdam ko ang pagkibot ng puso ko. Miss na miss ko na si papa.

If only he was here with me.. I wish we could watch how the sun set together. Kahit naman may ginawa siyang bagay na hindi ko lubos isiping magagawa niya sa akin, hindi ko pa rin mapigilang mangulila sa kanya.

Papa, nasaan ka na po ba?

"Let's go..?" I veered around to look at my boss who had been quiet for a while.

To my surprise, he was just staring at me. His chocolate-brown eyes are obviously attempting to read something he wanted to infer through how my mind went by. Hindi ko tuloy mapigilang mapaharap na nang tuluyan sa kanya. Ramdam ko ang kahamugan ng hanging tumatama sa likuran ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Our eyes automatically came upon, and I can tell that his glamorous eyes are confiding me to allow him to do some comfort in his own way. He seems concerned why I am so sad and disheartened at this moment.

Sinakop niya ang espasyong namamagitan sa amin.

Dahan-dahan akong napalunok.

"M-Miguel.." I breathe out when suddenly, in a slow and careful motion, he brought his face closer to my face.

My chest tightened. I frozed and I can't literally move even a bit. In the place I was standing at, my heart was just thumping violently as I wait for him to take an action and move for something na parang alam ko—na hindi. Na parang kaylangan ko sa oras na ito, ngunit hindi ko alam kung sa ano bang kadahilanan.

B-bakit parang gusto kong halikan niya ako..? At ayon nga siguro ang naramdaman niya rin sa akin dahilan para gawin niya na ang biglaang pag-crave ko sa kung ano.

"I-I.." Miguel groaned and in just a snapped; I just felt his soft, delicate lips pressed to mine, guaranteeing my desire.

Nahigit ang paghinga ko. Tuluyan na akong napatulala. Naging marupok lahat ng kalamnam ng katawan ko, at nanginig sa nakakapanghinang paraan ang magkabilang tuhod ko. I almost fell down, and my body become tensed even more.

Mukhang nahalata ni Miguel ang naging matinding epekto ng biglaang paghalik niya sa akin kaya mas idiniin niya pa ang sarili sa akin. He flawlessly swayed our position. He keep me leaned in the frigid railings. Ngayon ay nasa harapan ko siya, pinangingibabawan ako at ikinukulong sa mainit niyang pangangalaga. He was caging me with his protruded arms.

Napaangat ang tingin ko sa malamlam niyang mga mata. And I lulled, eyes widened as I become enthralled by his deep gazes. He's gawking at me intently making my heart melt gradually.

"Bianca.." Miguel whispered in a husky voice. He moved his head in my left side which makes his fluffy lips to gently shifted. He tried to penetrate my mouth, and I just absentmindedly let him.

Napahawak ako sa balikat niya dahil sa paghihina, tila hinihigop ng nakakapasok niyang halik ang buong lakas ko. Ang labi niya ay walang kasing lambot, at hindi ko man aminin ay talagang natutukso ako.

Filled with unspoken desire and affection, I kissed him back. Siguro ganito talaga ang nangyayare kapag nasa ganito ka ng sitwasyon. Dahil kahit hindi ako marunong humalik ay nagagawa kong tumugon.

Lumalim ang halikan naming dalawa.

Kung nung una ay walang kasing rahan ang bawat pagsalubong ng labi namin sa isa't isa, ngayon ay agresibo na. Wala ni isa sa amin ang gustong humiwalay. Wala ni isa sa amin ang nais pumutol sa apoy na aming sinisimulan.

Napabaling pagilid ang ulo ko nang hindi ko na makayanan pa ang intensidad ng halik niya. Masyadong mainit, at nakakalilo. Halos hindi ko na mapantayan pa kung papaano niya ako halikan ngayon. Ngunit mukhang nahihibang na talaga ako dahil hinahayaan ko lamang siya.

I can't seriously resist Miguel's tasty, fervent kisses.

"Uhm.. M-Miguel," Isang impit at taksil na daing ang lumabas mula sa bibig ko. He licked my side lips, at dahil alam niyang may kiliti ako sa ibaba no'n.. he devoured my lips completely.

Napadiin ang paghawak ko sa kanya. Iyong tipong halos ikalukot na ng coat na suot-suot niya. Hindi ako bigla mapakali. Nahuli na niya ang kiliti ko, at nakakapanghina lang dahil tila ayaw na niya iyong tigilan. Para tuloy akong cat in heat, and she-wolf that in mating season sa reaksyon ko.

Arching my back lustfully, I can't help but part my lips even more. Naramdaman ko naman ang pagsakop ng dalawa niyang palad sa kanina ko pang namumulang pisnge. Nahigit na ang hininga ko, at kasabay naman no'n ay ang mabilis na pagpintig ng puso ko.

"T-teka.. Tama na," pagpirmi ko sa labi ko at naghahabol ang hiningang lumayo sa kanya. Pero dahil makulit si Miguel at ayaw papigil, hinabol niya pa rin ang labi ko.

Mukhang bibigyan nanaman niya ako ng isang matinding halik! Sa isiping iyon ay umiwas na ako, ipinilig ko ang ulo ko, at inosente siyang tinignan sa mga mata.

"Hm?" he chuckles seductively at mukhang nabasa kung bakit ganun na ang naging pagtugon ko.

Naisandal ko na lamang ang noo ko sa matigas, at matipuno niyang dibdib bilang pag-ayaw. Habang siya naman ay marahang pinaikot ang braso sa makurba kong bewang. Palihim akong napakagat sa pang-ibabang labi. Aminin ko man o hindi, nagustuhan ko na kung paano niya ako haplusin.

Napapikit ako nang mariin.

Sinulit ko na kung gaano kasarap ang pakiramdam kapag nasa bisig niya.

Mayamaya pa, nang makapag-isip na ako. Napagtanto ko na ang ginawa namin. Wala sa sariling inabante ko ang mga paa ko. Umatras ako sa kanya, at kalauna'y mabilis pa sa hanging tumalikod.

Shit.

"M-mauuna na ako sa'yo, boss!" I blurted out. I was panicking. Anxiety engulfed my whole sanity.

Natigilan si Miguel mula sa likuran ko. Ginawa ko naman iyong pagkakataon para makatakbo. Sounds childish, but this is so embarrassing!

Sa kasamaang-palad, madali lang akong nahablot ni Miguel. Mula sa pagkakahawak niya sa braso ko, bumaba ito sa palapulsuhan ko. Hinila niya ako at dumertso ako papunta sa dibdib niya. Nang tumama ang tungki ng ilong ko sa panloob niya, muli kong naamoy ang panlalaki at natural niyang bango.

"Hindi mo ba ako papatuluyin manlang sa unit mo?" ani niya sa seryosong tinig. Inangat ko ang tingin ko ngunit sa iba ako lumingon at hindi sa kanya. Iniiwasan kong magtama ang mata naming dalawa.

"Uh, okay..? P-pero, bitawan mo muna ako," nasabi ko na lang. Nanginginig ang mga labi ko. Kinakabahan akong marinig niya kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko.

"Mhm.." Miguel kind of taunted, seeing how my cheeks redden. "But why can't you look at me right now, Bi?"

Nag-init ang magkabilang pisnge ko sa narinig. He's definitely crazy! Itatanong niya pa ba 'yan gayong katatapos lang namin mag..

"Let me go.." Kumawala ako. Binawi ko ang wrist ko mula sa kanya. Ngunit mas malakas siya kaya hindi ako nagtagumpay.

Pinagsalubong ko ang magkabilang kilay ko para sekretong pakalmahin ang nagwawala ko nanamang puso.

"B-bitaw sabi e!"

"Tumingin ka muna sa'kin.." he playfully asserted, eyeing me as if he finds me so adorable at this moment.

Matigas akong umiling sa kanya.

"Ayoko nga!"

"Look at me.." Although, his voice are soft, I didn't look at him like he wanted to.

"H-hindi nga.. Ayoko."

"Alright, hinding-hindi na kita bibitawan kung ganun." tila nanakot na sabi niya, at mas lalong hinigpitan ang paghawak sa akin. Idiniin niya pa lalo ang katawan niya sa katawan ko kaya sigurado akong sobrang lapit na talaga namin.

Napailing ako, at para matapos na ang usapan namin ay wala sa sariling napapayag na ako sa kagustuhan niya.

"B-bitawan mo muna ako!" I shrieked first. "Paano ako titingin sa'yo kung ganito ka? And, please.. Ilayo-layo mo nga 'yang katawan mo sa'kin." dere-deretsong singhal ko pa habang kumakawala sa kanya.

Miguel let out a mischievous chuckle. Amusement danced in his eyes while pure satisfaction showed on his manly face. He enjoy my reaction for a few seconds before he completely let go of his hold.

Nakahinga ako nang maluwag.

Matapang akong tumingin sa kanya, pataas sa tsokolate niyang mga mata at humalukipkip.

"Happy?" I raised my eyebrows.

"Oh yes, baby.. I'm verry happy," He grinned while softly caressing my heated cheeks.

Napamaang ako sa kanya. Malaya kong nakikita sa mga mata niya ang pagkislap habang pinagmamasdan ako, tila nagniningning ang mga ito. Mukha talaga siyag tuwang-tuwa kapag na-co-corner ako.

With that, napagdesisyonan kong yayain na lamang siyang umalis dito sa rooftop. Mukhang hindi rin naman siya magpapatalo sa akin kaya might as well, hayaan ko na lang siya.

Muli ay tumalikod ako. Mabilis akong lumakad palayo. Malalaki ang bawat hakbang ko habang pasulyap-sulyalp sa kanya.

"Ouch!" biglang daing ko nang may tumamang metal sa noo ko.

"Look in what you were striding at, Bianca." Miguel stand up beside me. Napalabi ako. Hinimashimas ko ang namumula kong noo at tuluyan ng pumasok sa elevator.

"Ang sakit.." ani ko pa, at napangiwi.

"If you're just being damn careful, woman. That won't precisely happened." Nadinig kong sabi naman niya; nanenermon na. At may idinagdag pa siyang salita roon ngunit hindi ko iyon malinaw na narinig dahil sa sobrang hina.

"Ano?" takang tanong ko sa kanya, nakakunot ang noo.

"Nothing." He shook his head. "Mag-iingat ka na lang sa susunod.." seryosong usal niya pa.

"Oo na!" sagot ko na lang.

Nang marinig ko ang pagtunog ng elevator ay agad akong lumabas mula rito. Alam kong nakasunod lang si boss sa akin kaya nagtuloy-tuloy lamang ako. Napabuntong hininga ako matapos kong huminto sa tapat ng unit ko. Bahagya akong yumuko bago ilagay na ang pin ko. Ngunit bigla akong natigilan nang may maalala.

"First time ko nga palang magpapasok ng bisita rito.." mahinang bulong ko, sapat na para hindi niya marinig.

"May problema ba?" Umayos ako ng tayo, at nilingon siya. Pirmi siyang nakatabi sa akin kaya ako naman ngayon ang sumeryoso.

Ngayon, alam ko na kung gaano ka-espesyal para sa akin ang lalaking ito.

"B-bakit?" he asked me as he suddenly gulped.

I silently gasped.

Did he really stuttered?

"Pasok.." pagyaya ko na lamang.

"Alright.." Nagkibit-balikat siya, mataman muna akong pinakatitignan bago tumuloy na nga sa loob.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok na rin. Tinanggal ko ang suot kong sapatos, at ipinalit sa talampakan ko ang isang pares ng cotton sleepers na nasa may gilid. Pero ganun na lamang ang panlulumo ko nang makitang nagtuloy-tuloy lang talaga si boss sa condo ko. Naitapak niya ang suot niyang sapatos sa carpet ng living room ko, at dahil galing kami sa labas ay alam kong madumi 'yon.

Napakamot ako sa batok. Maglilinis na lang ako kaysa pagsabihan siya dahil malamang sa malamang ay ako rin naman ang matatalo sa huli. He always give me a no choice.

Inilapag ko ang dala kong bag sa sofa nang makitang pinagmamasdan na niya ang loob ng unit ko.

"Feel at home.." labag sa loob na sabi ko, at iniwan na siya roon.

Pumunta ako sa kusina. Inilagay ko sa lababo ang basong ininuman ko kanina. Binuksan ko ang mini ref, at kinuha ang glass tumbler na may kalakihan ang sukat. Mabuti at nalagyan ko ito ng tubig kaya malamig na. Inangat ko ang kamay ko at inabot ang box na nasa taas ng ref. Hinanap ko roon ang pack ng flavor juice na paborito ko, at nagtimpla.

Mayamaya pa ay natapos na ako kaya nagbalik na ako sa sala. Inilapag ko sa mesa ang babasaging baso, at salubong ang kilay na tinanaw si boss na naka-upo na ngayon sa gitna ng sofa, at tila ba isang haring namahinga rito.

"Juice?" I asked him, at tumabi sa kinauupuan niya.

"I don't have any snack kaya juice lang 'yan." mahinang pagkibo ko pa sa kanya. "Hindi naman kase ako nagpapasok ng bisita rito except kay Auntie."

"W-what..?" Muntik na siyang mabulunan nang marinig ang sinabi ko. Naisantabi niya ang iniinom na baso.

"Oh," Abot ko ng tissue. Laging may tissue sa bahay. Nakagawian ko ng bilhin dahil sipunin kase ako.

"Ayos ka lang ba?" I can't help but consult him. Something is off in his reaction, and I can't identify what it is.

"You mean.. si mom lang ang nakapunta rito?" marahang tanong niya, isa-isang salita at tila nag-iingat pa.

Tumango ako sa kanya, at nginisian siya. "Kaya nga napakaswerte mo ngayon dahil ikaw pa lang ang pinapasok kong lalaki rito sa unit ko."

"T-talaga?"

"Oo nga.." Tingin ko sa kanya ngunit nagulat ako nang umiwas siya ng tingin.

Miguel cleared his throat. When his chest panted, I crossed my arms in confusion.

"S-so.. You're the only one who's here?"

"Oo, bakit?" Muli siyang umiwas ng tingin kaya nagtaka na talaga ako.

Ano bang meron kung ako lang mag-isa rito? O kung kaming dalawa lang ngayon?

"Bakit ka ba nagkakaganyan boss—"

"L-Late na.. Uuwi na ako," biglang pagtayo niya.

Nangunot ang noo ko saka tiningala siya. "Huh?"

"I'm going.." nagmamadaling sabi niya, at pilit akong binigyan ng ngiti. "Thanks for today, Bianca. See you tomorrow. Goodbye!"

Napakurap-kurap ako, at napanganga nang makitang wala na kaagad siya sa harapan ko. Ang tanging narinig ko na lamang ay ang pagsara ng pintuan; na nagsasabing tuluyan na nga siyang umalis sa unit ko.

Napalabi ako..

"He's being weird again.."

L A D Y  M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top