04




"ollie? / nile?" we suddenly said in unison.

our mouths ajar while looking at each other.

binatukan ko siya.

"hala siya, kanina ka pa nananakit ah." he frowned.

"alam mo bang dahil sa'yo kaya ako nagka-trauma sa aso mula bata?" giit ko.

"sus, tagal tagal na no'n eh!" he said nonchalantly at naupo sa tapat ng isang bahay kaya sumunod rin ako.

"pero yung matagal na 'yon, andito pa rin!" sagot ko. luma-liza ba? twinny ko 'yun eh!

tinuro ko yung peklat sa likod ng binti ko dulot ng pagkagat ng alaga niyang aso noon.

tinignan niya ito at bigla na lamang tumawa, naalala niya siguro yung kagaguhan niya noon.

"timang ka kasi, ang cute cute kaya ni caramel tapos tinakbuhan mo siya syempre hahabulin ka no'n. akala mo talaga nakakita ng halimaw. hay, si ollie ka nga talaga!" he chuckled.

"mas timang ka! anong pautot yung magdala ka ng aso sa classroom namin? syempre nagulat ako kasi baka kagatin ako. ayun, kinagat nga ako!" napasinghal ako. shet talaga, buti na lang hindi ako na-ulol nung bata dahil sa kagat ng aso niya.

"shhh!" nakalagay pa ang hintuturo sa tapat ng labi niya upang patahimikin ako sabay himas sa tuta niyang natutulog na pala sa lap niya.

i was grade one back then and he's grade two naman. alalang-alala ko pa yun, lahat ng classmates ko nagkukumpulan na para bang tuwang-tuwa tapos sinilip ko kung anong pinagkakaguluhan. pagsilip ko aso pala, tinahulan ako bes syempre tumakbo ako habang habol habol pa rin ng aso at habang pinagtatawanan ng mga classmates ko. mga paker sila, lalong lalo na si nile, ni hindi man lang pinigilan yung alaga niya. pareho silang baliw mag-amo!

hanggang sa napagod akong tumakbo no'n at napahinto, namalayan ko na lang na may kagat na ako sa binti at nagdurugo na 'to.

paggising ko noon nasa clinic na ako, nahimatay daw ako eh. ang oa ni ako 'no. nakita ko agad no'n si nile na nakasilip sa pinto. he mouthed sorry, mukha siyang inapi no'n at mangiyak-ngiyak pa.

dumating agad ang mama ko that time, pinagsabihan niya si nile pero hindi naman siya nagalit sa kanya.

hanggang sa nilipat ako ng praning kong nanay sa ibang school. after many years, ngayon na lang kami nagkita't nagkausap ni nile.

"pasalamat ka na lang at naturukan na ng anti-rabies si caramel kundi isa ka ng bulldog ngayon- aray!!!" daing niya matapos ko siyang suntukin sa braso.

"shh!" pagpapatahimik ko gaya ng ginawa niya kanina kaya pinanliitan niya ako ng mata.

"mas magpasalamat ka sa akin. dapat kaya masususpend ka ng one week noon, pinigilan ko lang sila." pagmamalaki ko. totoo 'yon dahil bawal magdala ng aso sa school lalong-lalo na sa classroom tapos nakakagat pa ito. nakita ko namang nag-iba ang tingin sa akin ni nile, tingin ng nanunukso. paker siya oh.

"hmmm.. bakit?" panunukso niya at bahagya pang inilapit ang mukha.

"naawa ako sa'yo eh. tsaka di naman ikaw yung kumagat sa akin eh, yung aso mo. siya dapat ma-suspend."

"tss, kagatin kita dyan eh." he mumbled.

"what?"

"wala, ang sabi ko namimiss ko na si caramel.." sambit niya sabay tingin sa langit at napanguso. napangiwi tuloy ako.

"...buti na lang dumating sa buhay ko 'tong si ef-ef kaya happy na uli ako!" masiglang sambit niya at pinanggingilan ng husto ang alaga niyang baliw at dinila-dilaan naman siya nito sa mukha.

aww, i wish i could love dogs as much as he do.

sadyang ang sama lang talaga ng mga aso sa akin-mga aso ni nile to be specific.

ilang sandali ay nagkayayaan na kaming pumunta sa kanya-kanya naming pupuntahan.

"bye, idiot!" paalam ko at binitbit na ang mga pinamili ko kanina. tumalikod na ako't naglakad.

"hoy!" sigaw niya sa di kalayuan kaya lumingon ako. kumaway lang pala si gago, ginamit ko na lang ang paa ko para kumaway pabalik dahil may bitbit ako. nagpatuloy na lang muli akong maglakad.

"hoy!" muling sigaw niya kaya napaikot na lang ako ng mata at muling lumingon.

"kailan mo babalik jacket ko?" sigaw niya habang naglalakad paatras dahil sa kabilang daan ang daan niya. babalik agad agad?

"gusto mo ngayon na eh!" sagot ko at akmang huhubarin na ito. naghintay akong pigilan niya ako pero hindi, bwisit.

napairap na lang ako sa kawalan. "ewan ko sayo! basta!" sigaw ko habang siya ay tawa ng tawa dahil na-achieve niyang bwisitin ako.

nagpatuloy na akong muli sa paglalakad nang sumigaw na naman siya kaya inis na akong napalingon.

"pinagtitripan mo ba-" napatigil ako nang makitang wala na siya doon, lumiko na siguro ang hayop.

hays, pero na-miss ko rin ang kakulitan ng schoolmate kong 'yon. medyo close kasi kami noon dati, lagi niya kaming sinasamahan sa recess at lunch kasama ang mga kaibigan ko. mas close niya pa kami kaysa sa mismong classmates niya.

naglakad na akong muli pero sa paglingon ko ay may muntik na akong mabunggo.

malapad na dibdib ang tumambad sa akin kaya nag-angat ako ng tingin.

"oh it's you!" bati niya at ngumiti.

bahagya akong napatulala sa kanya.

si.. si-

di ko pa nga pala alam ang pangalan niya pero masaya akong muli ko siyang nakita.



• • •


a /n : h3ll0! halos one week na lang pasukan na namin saya😢 kaya baka araw-arawin ko na update nito🤗

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top