05



"h-h-h-hello."

gusto na lang sapukin ang sarili ko sa sobrang pag-utal.

bumalik lang ako sa katinuan nang bigla niya akong hawakan sa balikat at alug-alugin.

"huy, ako 'to! if i'm not mistaken, ikaw yung wala sa huwisyong babaeng nakaharang sa kotse. si tulala girl! ako nagligtas sa'yo no'n, di mo na ko natatandaan?" sunod-sunod na sambit niya kaya napanganga ako. ang daldal pala nito ni babe! joke.

pero grabe ha, wala sa huwisyo at tulala girl talaga ha? mukha ba talaga akong tanga that day? eh sa nabighani ang puso ko sa pagtulong niya sa matanda eh!

"o-oo naman, tandang-tanda kita 'no- i mean tanda pa kita, di nga ako nakapagpasalamat sa'yo e. thank you pala ah!" masiglang sambit ko at ngumiti siya bilang tugon. salamat naman at hindi na ko nautal na gaya kanina. mamaya di na ako mabansagang tulala girl eh, sinto-sinto girl na. kaya umayos ka ollie!

ang dami agad naming napagkwentuhan sa maikling oras. paano, ang dami niyang kwento sa buhay. nakwento pa nga niyang di pa raw tuli ang kapatid niya like wtf kinwento niya talaga yung nakapila na sila pero sumuko sa takot kapatid niya kaya tumakbo pauwi tapos sinugod niya pauwi at pinikon ng pinikon hanggang sa pumayag na rin. kamuntikan pa nga niyang ikwento kung paano tinutuli eh, bwisit ka babe baka nakakalimutan mong babae ang kakwentuhan mo ah.

"uy, kanina pa tayo nagkukwentuhan dito pero di pa tayo magkakilala." sambit ko at napakunot ang noo niya pero agad niya itong naintindihan.

"oo nga 'no! so, anong pangalan mo?"

"sa'yo muna."

"hi sa'yo muna!" bati niya at inilahad ang kamay upang mag-hand shake.

"ano kasi?" pangungulit niya. enebe keshe eyeke nge sebe e kesh kete jen.

"ollie."

"cyle."

at nag-hand shake kami. gusto kong mapa-yehey dahil alam ko na ngayon ang pangalan niya.

i've been wanting to ask him about the muffins i'd given yesterday kaso baka magmukha lang akong stalker kasi malalaman niyang alam ko kung saan siya nakatira so 'wag na lang pre.

nakauwi na ako sa bahay habang nasa isip ko pa rin yung kwentuhan namin kanina. ang saya lang dahil pagtapos kong mabwisit kay nile, bigla namang dumating si cyle.

day well spent! ♡

naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko.

from: uknown number

hoy! san ka nakatira?

nireplyan ko siya,


sa lugar kung saan wala ka at ang aso mo! >:)


sabi ko na nga ba't magsisisi akong binigay ko ang number ko kay nile.



• • •


a /n : lame nito huahuahua. btw, ang pag-pronounce sa name ni cyle is kayl. hehe inartehan ko lang spelling pero kung sayl ang pagbigkas niyo kayo bahala!🦄


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top