Chapter 21


Chapter Twenty-One

Michaela Grace POV

Pagmulat ko ng aking mga mata ay puting kisame ang nakita ko, nasaan ako? Pagtingin ko sa kaliwa ay naanduon si Luke. Bakit sya naandito?

"Your awake, thank God!" Sabi nito at biglang napabalikwas sa pagkakaupo nya. At laking gulat ko ng yakapin ako nito. Ewan ko ba konting lapit lang ni Luke ay iba na agad ang nararamdaman ko.

"Are you alright?" Tanong nito, tumango naman ako. Wala na namang masakit o ano sa akin 'e. Pero may konting pangangati pa'rin akong nararamdaman.

"Why are you not talking? I must call the Doctor, wait me here" at akmang tatayo na sana si Luke ng pigilan ko.

"Ang oa mo naman 'e!" Sabi ko dito, bumalik naman ito sa pagkakaupo nya. Ramdam ko ang pagtitig nya sa akin, pero hindi ko pinansin.

"Hey, about what happened, im so sorry. I didn't mean to said that thing, im sorry" paghihingi nito ng tawad sabay hawak pa sa kamay ko.

Totoo ba ito? Tama ang rinig ko, si Luke nagsosorry sa akin? Nanatili naman itong nakatitig sa akin at pinaglalaruan ang kamay ko.

"Im so sorry, dahil tuloy sa akin ay napahamak ka" pagpapatuloy nito.

"Ayos lang yuon" sabi ko at ngumiti.

"Luke, pwede na ba akong lumabas ng hospital?" Pagtatanong ko dito, pagkatapos ay umiling naman ito.

"Pero hindi ka pa masyadong magaling" sabi nito sa akin.

"Hindi kasi ako komportable na nasa hospital, feeling ko kasi lalo akong magkakasakit dito" pagpapaliwanag ko, tumango namna ito sa akin at nagpaalam na aasikasuhin nya na daw ang bill para makalabas na ako ng hospital.

Ilang minuto naman ng makalabas si Luke ay pumasok naman si Mandy, agad itong lumapit sa akin.

"Whaa! Ate ayos kalang ba? May masakit sayo? Ano need mo? Water? Halaa atee!" Sunod-sunod na tanong nito sa akin, hay nako! Mana sya kay Luke. Magkapatid nga sila.

"Ang oa mo Mandy, tsk!" Pangaasar sakanya ni Sander, sinamaan nya naman ito ng tingin.

"Ayos lang ako Mandy, no need to worry" nakangiting sabi ko, umayos naman si Mandy ng pagkakaupo.

"Buti naman ate! Alalang-alala si Kuya sayo eh!" Pagkwekwento nito, napatahimik naman ako.

Si Luke? Nagaalala sa akin. Mah hart! Pero wait lang erase! Erase! Malay naman natin kaya sya nagaalala ay dahil kung sakaling may mangyari sa akin ay lagot sya kay Lola Beatrice dahil may binilin ito. Oo nga yun nga!

"Your blushing! Look at her Mandy!" Pangaasar ni Sander sa akin, agad namang humarap sa akin si Mandy at ayun nagtitili.

Gumalabog naman ang pinto at pumasok ang isang angel— i mean pumasok si Luke.

"Your so noisy Mandy! By the way, we can now go" pagkatapos ay bumaling sa akin si Luke.

Pagkatapos nun ay hinatid ako ni Luke sa amin, gusto pa nga sanang sumama ni Mandy kaso agad syang hinila ni Sander. Ewan ko dun sa dalawang yun parang may something na ewan. Pagkahatid sa akin ni Luke dito sa bahay ay ayaw ayw pa nga nyang umuwi, babantayan nya daw muna ako. Pero hindi ako pumayag, kakagaling lang namin sa byahe at wala pa syang pahinga kaya pinauwi ko na, unuwi itong napipilitan.

Nakarating naman kay Mama ang balita, agad ako nitong tinawagan at humingi ng tawad dahil wala daw sya palagi sa tabi ko. Nagpapahinga ako ngayon sa kwarto ko ng mapabaling ako sa side table. It's a picture of him.

I miss him already, ang tagal nya narin kasing nawala. Kelan kaya ang balik nya dito sa Pilipinas, halos 4 years na ng huli ko syang makita and i was only 14 years old that time.

Naputol ang page-emote ko ng maring ang phone ko, pagtingin ko ay si Luke pala ito. Bakit naman kaya tumatawag ang mokong?

Mica: Hello bakit ka napatawag?

Luke: I just want to remind you to drink your medicine before 8 pm.

Mica: Yes Sir!

Luke: Wag kana pala munang pumasok bukas, you need to rest.

Mica: Papaano ang M.A ball? Saka papasok ako no!

Luke: I can handle that, Cassandra can replace you for a while.

Mica: Ano? Hindi! Papasok ako bukas and thats final!

Hindi nya ako papapasukin bago, ang ipapalit nya pa sakin ay si Cassandra? Ayoko nga! Hindi pwede no!

Luke: Are you jealous Love? Hahaha

Wait, what? Do i sound like a jealous girlfriend?

Mica: Hindi ha!

Luke: Hahaha your jealouse!

Mica: Bahala ka dyan! Goodnight see you tom!

Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag, pero ilang segundo lang ay tumawag ulit ito.

Luke: Goodnight Love! Sleep well and tight, see you tommorrow. Dream of your handsome boyfriend name ummm Luke!

Pagkatapos ay i-end nya rin ang tawag! Hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang nadarama ko pero! KINIKILIG AKO! ANG SWEET NYA!

Inaamin kona, im slowly falling to Mr. Playboy and i know it's bad.

Kinabukasan ay lutang pa ako ng magising, hindi ko rin ieexpect na ang aga dadating ni Luke! Ang epic ng itsura ko! May morning star pa ata ako nun at nakapantulog pa. Nakakahiya nga yung nangyari kanina eh!

Flashback

Pagkagising ko ay agad akong bumaba dahil sabi ni Yaya ay nakaayos na daw ang almusal, pagkababa ko ng hagdan ay may natatanaw akong tao sa may sala namin. Nakaupo ito.

"Good morning Love!" Bati ng nakaupo, Love? Si Luke lang ang tumatawag sa akin ng ganun at!

"I said goodmorning Love" ulit pa nito kaya kinusot ko ang aking mga mata at si Luke nga!

"LUKE?!" Gulat kong sigaw dito. Tumango naman ito sa akin.

"Your a fan of pikachu?" Tanong nito sa akin pagkatapos ay tumawa pa.

Duon lang nagsink in sa akin na nakapantulog ako na pikachu, agad agad naman akong tumakbo at bumalik sa Kwarto ko. Narinig ko pa ang pagtawa nya.

Nang makapagayos na ako, nakauniform na'rin ako. Ay umupo na ako sa dinning table, nagulat nga ako dahil naanduon na si Luke nang datnan ko.

"Dito ka kakain?" Tanong ko dito, tumango naman ito sa akin.

"Yes, i prepared all of this" mayabang na sabi nito, nanlaki naman ang mata ko. Marunong pala sya magluto? At hindi lang basta luto dahil masarap iyon!

"Marunong ka pala magluto! Next time turuan moko ha?" Sabi ko dito, nginitian naman ako nito at tumango.

End of Flashback

"Matutunaw na ako Love" sabi nito, agad naman akong nabalik sa ulirat ko. Oo nga pala! Naandito na ako ngayon sa kotse ni Luke. Pagkatapos kasi kumain ay nagpahinga lang kami saglit.

"Hindi kita tinitignan no!" Bawi ko dito, ngumiti naman ito ng nakakaloko.

"Hindi nga ba?" Sabi nito at tumawa pa.

"Hindi nga! May nakita lang akong langgam sa seatbelt mo!" Pagpapalusot ko dito. Sana gumana! Kundi geherahin ko yung admin ng (palusot.com)

"If you said so" sabi nito at nagumpisa ng magdrive. Sa byahe ay tahimik lang, dhail narin nakafocus si Luke sapagdridrive. Naisipan kong juhanin ang cellphone ko, pero laking dismaya ko na wala iyon.

"Any problem?" Tanong nito sa akin, napasimangot ako at binaba ulit sa baba ang backpack ko.

"Nakalimutan ko yung phone ko" simpleng sabi ko at nilaro-lati nalang yung daliri ko.

"Let's get back?" Tanong nito, umiling naman ako malalate na kami kung babalikan pa namin at saka nasa kalagitnaan na kami ng byahe eh.

"Then just borrow this" sabi nito at inabot ang cellphone nya laking gulat ko naman, papayagan nya akong heramin ang phone nya.

Pero bago pa magbago ang isip ay inabot ko na iyon, wala iyong password kaya nabuksan ko agad. Laking gilat ko ng bumungad sa akin ang wallpaper nya, kaming dalawa ito nung nasa skyranch.

Bago kasi kami umalis ay nagpapicture kami. Napangiti naman ako, pero napansin ko na napalinga sya sa akin.

"Ang cute ko dito!" Sabi ko sabay pakita ng wallpaper nya, bigla naman itong uniwas ng tingin at nagfocus na sa pagmamaneho. Pansin ko rin ang pamumula ng pisngi nito.

"Pwede gamitin yung facebook?" Tanong ko, rumango naman ito sa akin. Pagkabuka sko ay bumungad sa akin ang account nya, nakita ko ang profile pic nya. Sayang ang gwapo nya sana dito pero ang seryoso nya.

Dahil pakialamera ako ay binuksan ko ang camera nya at patago syang pinicturan, ayan! Stolen. Kahit stolen ay ang gwapo nya parin no?

"Titig na titig" sabi ni Luke nagulat naman ako dito.

"Eh? Tinitignan ko lang, ang ganda ko pala magpicture no? Magphotographer nalang kaya ako?" Dare-daretsong sabi ko, para sana makalusot. Tumango naman ito sa akin.

"Pero alam mo mas maganda to kung ipro-profile mo hehez" biglang sabi ko, nako naman self! Bat wala kang preno.

"Give it to me" sabi nito, napakamot ulo ko naman itong ibinalik sa kanya. Ayan! Kasi naman ehh nagalit tuloy:'<

Sakto namang traffic kaya kinalikot, kalikot nya ang cellphone nya. Nang hindi na traffic ay inabot nya na ulit sa akin ang phone nya, nagtataka ko itong tinanggap.

Pero ayos narin to! Makakapahfacebook ulit ako! Laking gulat ko na ang dami ng notification, nakalagay na naguldate daw si Luke ng profile.

Pagtingin ko ay:

Kelvin Marcus updated his profile
3 mins ago.

"I've got all i need right here on my passenger seat"

Credits to My Love @Mica Cerna💓


PHOTO

Hindi ko sinasabing kinikilig ako! Pero parang ganun na nga! At boom almost 10k love reaction na agad ang profile nya! As in Love lahat at wala man lang Like.

"Let's go Love malalate tayo" yaya nito at lumabasna kami ng kotse. Pagkalakad namin ay pansin ko ang tinginan, palagi naman eh pero nagulat ako ng mayoarang kinikilig pa.

"Ang sweet ni Prince Kelvin"

"Nakita mo na yung bago nyang profile?"

"Ang angas nya! At ang gwapo!"

"And that caption! He's so sweet to his girlfriend!"

Yaan ang bulong bulungan ng dumaan kami, may ilang titig na titig kay Luke at may ilan ding kulang nalang ay patayin na ako gamit ang kanilang tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top