Chapter 22
Chapter Twenty-Two
Michaela Grace POV
Bukas na ang pinakapinaghahandaan at pinakahihintay na M.A Ball, kung hindi lang sana ako Vice president Royale, hindi na ako pupunta kasi i'm sure na baka ma-out of place lang ako duon. Si Luke naman for sure pagkakaguluhan yun.
It's been almost 5 days ng busy kami nina Luke, I mean the whole M.A Royale.
Dahil halos ang dami naming inaayos, ang theme. Ang tutugtog na banda at ang venue. Ang kapartner ni Mandy ay si Sander, laking gulat ko nga na yung palaging magkaaway pa ang magiging magkapartner.
Habang si Jane naman ang kapartner ay syempre ang Boyfriend nyang si Herald, ang sweet-sweet pa nga ng proposal ni Herald eh! Nakakakilig.
Lahat sila may date na ako na lang ata ang wala, hinihintay ko na yayain ako ni Luke, pero malabo atang mangyari yun. Saka baka tapos na yung pagpapanggap namin so bakit nya pa ako yayayain diba?
Hindi nya rin ako nasusundo tuwing umaga, miski hatid hindi na'rin, baka nga tapos na talaga yung pagpapanggap namin.
"Boom!" Napabalikwas tuloy ako ng upo, pano ba naman may nanggugulat. Pagtingin ko si Stephen pala.
"BAKIT KA BA NANGGUGULAT?" Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras, kasi naman nagmumuni-muni ako.
"Sorry, tulala ka kasi 'e" sabi nito sabay tungo, bigla naman akong nakunsensya.
"Ayos lang, sorry din nagulat kasi ako eh" pagbawi ko dito, nagtaas naman ito ng tingin sabay ngiti sa akin.
"Lunchbreak na, kain tayo?" Pagyaya nito, wala naman akong kasabay dahil nauna na sina Jane saka wala rin naman si Luke kaya pumayag na ako kay Stephen.
Pagkadating namin sa Hallway ay nakasalubong namin si Jane at Herald, niyaya namin sila at ayun pumayag naman kaya sabay-sabay kaming apat na nagtungo sa cafeteria.
"May kadate kana sa M.A Ball, Ica?" Pagtatanong ni Stephen kaya nilingon ko naman sya at umiling.
"Hindi ka niyaya ni Luke?" Tanong ulit nito, katulad kanina ay umiling ulit ako.
"Kaya naman pala matamlay" pangaasar ni Jane peor hindi ko nalang pinansin.
Busy ako sa pagkain ng may kumalbit sa akin, pagtingin ko isa itong babae, cute na babae. Mukhang elementary palang ata ito, napangiti naman ako ang cute nito.
"Atwe Mica? Pinabwibwigay po ni Kuya Kwelvin" sabi nito sabay abot sa akin ng isang rose at isang papel.
"Thank youuu" pagkatapos ay kinurot ko ang pisngi nito, mahagikgik naman ito pagkatapos ay umalis na.
Inamoy ko ang bulaklak, fresh ito. Tinignan ko naman ang nakasulat sa papel.
Goodafternoon Love! Meet me in our school Hall, i'll be waiting for you.
- Kelvin M.
"Iwan ko na muna kayo ha? May pupuntahan lang ako" pagpapaalam ko kina Herald, Jane at Stephen. Tumango naman sila.
"Ingat ka Ica" pahabol ni Stephen, nginitian ko naman sya bilang sagot.
Pagkadating ko sa may Hall, ay biglang may naglaglagang red and white petals ng rose. Ano naman kaya pakulo ni Luke? Pagkatapos ay may nakakalat na papel, pinulot ko ang isa. Ang nakalagay ay 'Will' pagkatapos ay 'You Be' pagkatapos ay 'My Ball Date?' Bumukas namna ang isang pinto at lumabas dun si Luke.
May dala-dala itong boquet ng Roses. Lumapit ito sa akin ng may ngiti sa mga labi nya, nangtuluyan itong makalapit ay inabot nya sa akin ang Boquet.
"Will you be my ball date, Mica?" He asked while seriously looking at me.
"Nakakainis ka!" Bigla kong sigaw dito.
"Why Love?" Nagtataka itong tumingin sa akin.
Nakakainis ka kasi nageffort ka ng ganito, nakakainis ka kasi mas lalo akong nahuhulog, nakakainis ka kasi baka hindi mo ako saluhin, nakakainis ka kasi ang sweet mo!
"Pano pag hindi ako pumayag?" Tanong ko dito, sumeryoso naman ang tingin nito sa akin.
"Well if you said no, pupuntahan parin kita sa Bahay nyo kung ayaw mo sumama hahatakin kita papuntang M.A ball" seryosong sabi nito, napangiti ako bayolente talaga.
"Oo nalang" natatawang sabi ko dito, ngumiti namna ito sa akin.
"Do you already eat Lunch, Love?" Pagtatanong nito tumango naman ako.
"Oo, ikaw?" Tanong ko pabalik.
"Yes, but can i eat you?" Lokong sagot nito kaya hinampas ko.
"Kasabay mo bagong fling mo kumain no?" Tanong ko dito, umiling naman ito. Psh! Kunwari pa!
"Diba ang tagal mo sumagot! Siguro talag--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng magsalita sya.
"Nah, nagpadeliver lang ako, by the way you look beautiful today" sagot nito inirapan ko naman sya.
"Nagdress lang maganda na agad?" Pamimilosopo ko dito.
"Okay, you look ugly today, happy Love?" Pangbawi nito sa akin kaya sinamaan kolang sya ng tingin pero ang walangya tumawa lang.
"I'm just joking but seriously, you look beautiful today. I've heared that to ever boys today, theyre talking about you" nakasimangot itong sabi sakin.
"Psh! Selos kalang eh" pangaasar ko dito, taena Luke! Wag ka sasagot ng 'Oo' kasi yung puso ko magwawala.
"I'm not" sabi nito.
"Sige! Magtha-thank you muna ako dun sa mga nagsabi na maganda ako ngayong araw" pang-aasar ko dito.
"I'm jelous" biglang sabi ni Luke.
"Ano ulit? Hende ke nereneg?" Sabi ko dito, sumeryoso naman ito.
"Bingi, let's go mala-late tayo sa next subject" pagyaya ni Luke, kaya sabay na kaming lumisan sa Hall at nagpunta sa classroom namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top