Chapter 20

Chapter Twenty

Michaela Grace POV

Nasa byahe na kami ngayon pauwi, naging madali lang naman ang byahe namin kanina pabalik ng Hotel, dahil medyo malapit-lapit lang naman sa Hotel ang bahay nina Lola Beatrice.

Ang sabi ng Driver ay mga Dalawang oras lamang daw ang magiging byahe namin pauwi kung walang traffic. Katulad ng nakasanayan katabi ko ulit si Luke, at kung tatanungin nyo kung anong ginagawa nya ay.

Busy po sya sa pagta-type sa Phone nya, baka may katext na namang 'flings' nya.

"Ate Mica anyare?" Pagtatanong ni Mandy, hindi ko namalayan na nakatingin na pala sya sa gawi namin. Mukhang narinig namna ata ni Luke ang tanong ni Mandy kaya napalingon ito sa akin.

"Ah, wala" mailling sagot ko at pagkatapos ay tumingin na lamang sa daan.

"Love" pagtawag ni Luke, naramdaman ko ring pinatong nito ang ulo nya sa balikat ko.

"Love" tawag nito ulit at lalong nagsumiksik sa akin.

"Michaela Grace Cerna" pagtawag nito gamit ang buo ko nang pangalan kaya napalingon na ako dito. Pero hindi parin ako kumibo. Tinitigan lang naman ako nito.

"Ano? Alam ko namang busy ka magtext sa flings mo. Alam ko namang namiss mo sila" dare-daretsong sabi ko. Pagkatapos ko sabihin ay bigla akong napatakip sa bibig ko. Hindi dapat ako umaakto ng ganito, hindi dapat kasi! Hasyt! Katangahan ko na naman, magagalit si Luke nito baka sabihin Assuming ako.

"Are you jealouse?" Seryoso nitong tanong, nanatili naman akong tahimik. Nihindi ko alam ang isasagot ko.

"Tsk, don't be. Im just texting My Tita the Dean" pagpapaliwanag nito. Pero bakit? Bakit sya nagpapaliwanag, diba dapat magalit sya kasi wala namang kami bago nagseselos ako? Dapat hindi sya umakto ng ganito eh!

Ngumuso naman ito sa akin, kaya nagtataka ko itong tinignan. Mamaya-maya ay ngumuso ulit ito sabay turo na ng pisngi nya.

"Ewan nga sayo Luke!" Singhal ko dito, pagkatapos ay tumawa naman ito ng tumawa sa reaction ko.

"Hey!" Tawag nito kaya lumingon ako, pero wrong move pala dahil paglingon ko bigla nya akong hinalikan.

"Magnanakaw ng halik!" Sigaw ko dito. Pagkatapos ay pinalo ko sya.

"Your blushing" panunukso ni Luke sabay tusok pa sa tagiliran ko.

"Ehem! Langgam"

"Ang tatamis naman eh!"

Paghirit nina Mandy at Sander kaya napatingin kami sa kanila.

"Saan?" Pagtatanong ko dito. Sa van may langgam?
Mamaya-maya ay tumahik na ulit sila. Kaya kami naman ni Luke tahimik na ulit.

"Ano sabi ni Ma'am Dean?" Pagkatapos ay tumingin ako sa kanya.

"She said that we need to get the list of students who will join the Ball. Then we need to prepare the theme of the Ball also" pagpapaliwanag nito habang nakasandal sa akin.

"Pano yun? May pasok tayo tom eh? Monday bukas, for sure andyanna naman ang mga assignments.

"Don't worry, excuse naman daw tayo" sabi nito kaya tumango nalang ako.

"Pupunta ka Love?" Tanong nito, pupunta nga ba ako? Pero kasi.

"Baka hindi? Ewan depende kasi" nagaalangan pa akong sumagot kasi naman, feel ko hindi ako mageenjoy duon.

"Your going Love, and that's final" bigla nito sabi.

"Kailangan ba na pag M.A officer royale ay sasama ka? Required ba?" Required ba talaga? Kasi parang wala akong balak pumunta eh. Baka ma Op lang ako duon.

"Yes, and don't worry may ka date ka" nabigla ako sa sinabi nito. Ayokong magassume na sya yung kadate ko. Wala naman kasi syang sinabi na 'sya' yung kadate ko eh.

"Ikaw, pupunta ka?" Tanong ko rito, alam ko naman ang sagot. Ito oa ba hindi pupunta? Pst! Andaming magaagawang babae para lang makadate si Luke. Tumango naman ito sa akin.

"Sabagay hindi ka naman mahihirapang maghanap ng kadate mo" simpleng sahot ko pagkatapos ay ngumiti dito ng pilit.

"Love, date tayo" biglang pagbasag ni Luke sa katahimikan, tama ba yung narinig ko o hindi?

"Love date tayo" paguulit nito.

"Gagabihin na ata tayo eh" yun nalamang ang nasagot ko. Wala naman kasi sina Lola Beatrice para magdate kami.

"Dinner date, just the two of us" pagpapaliwanag nito.

"Luke, wala naman sina Lola Beatice eh hindi mo na kailangang—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ito.

"Just a thank you date" pagsagot nito, ah. Thank you date lang pala, akala ko naman Date talaga. Sorry na nagassume ako eh.

"Kahit wag na Luke, pagod narin tayo eh" pagdadahilan ko. Mattapos na yung pagpapanggap namin bago ganito pa? Ayokong tuluyang mahulig mahirap eh.

"You can't say no to me" sagot nito at halatang galit na ito. Hayst! Nabadmood na naman.

"Okay sige" sagot ko nalang dito.

"Sa bahay muna tayo, ill just get my car" biglang sabi ni Luke. Tumango naman ang driver nina Luke si Mandy naman ay napatingin sa amin.

"Ate? Namumula ka ata" tanong nito takha ko naman syang tinignan. Kaya lang naman ako namumula ay pagnagkakaallegy ako.

"May shrimp ba iyong kinain natin sa Hotel?" Kanina kasi bago kami pumunta kay Lola Beatrice ay kumain muna kami.

"Oo ata ate? Bakit?" Mukhang nagaalala na ito. Umiling naman ako.

"Nandito na po tayo" binuksan naman ni Luke ang pinto.

"Wait me here" sabi nito pagkatapos ay lumabas na.

Ilang minuto ng Lumabas sya ay lumabas na'rin ako. Nahihirapan kasi akong huminga.

"Ate bakit ka lumabas? Mukhang uulan ata eh" lumabas din pala si Mandy.

"Naiinitan ako" yun lang ang naging sagot ko. Maya-maya ay dumating narin si Luke. Bumaba ito.

"Let's go" Yaya sa akin ni Luke, pinagbuksan pa ako nito ng pinto.

"Ba-bye Mandy!" Paalam ko at tuluyan na akong pumasok sa kotse ni Luke.

May ilang segundo na kami ni Luke dito sa loob ng kotse pero hindi nya pa'rin ito pinapatakbo.

"Ayaw mo ba talagang magdinner kasama ako?" Tanong nito at tinitigan ako. Napababa naman ako ng tingin.

"Hindi naman sa ayaw per—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla nitong hampasin ang manibela.

Hindi ko na napigilan at napakamot na ako sa balikat ko, nang tignan ko iyon ay may pantal-pantal na itong pula. Patay na! Lalong kumakati pagkinakamot ko, idagdag mopa na bumibigat ang likod ko.

"Mica? What happen?" Tanong ni Luke, hindi ko naman sya magawang masagot kasi sobra nang bugat ng pakiramdam ko.

"Shit! Allergic? The fuck Mica! Bakit ka kumain ng bawal sayo? The fuck! Napakabobo mo!" Sigaw ni Luke sa akin, napayuko naman ako.

"Ate! Kuya! Ano ba nangyayari?" Kahit hindi na ako tumingin alam kong si Mandy iyon.

Binuksan ni Mandy ang pinto at hinila ako palabas, may narinig naman akong tumakbong kotse. Marahil si Luke nga iyon.

"Ate! Omg! Namumula ka! Jusq ateee!" Sigaw ni Mandy at halata sa kanya na natataranta na sya.

Hindi ko alam pero unti-unti nang nagsitulo ang mga luha ko, masakit kasi na si Luke pa ang mismong magsabi sa akin na 'bobo ako' sino ba sya?

Tumakbo ako ng tumakbo, nihindi ko alam kung saan ako pupunta. Narinig ko pa ang pagtawag ni Mandy pero patuloy lang ako sa pagtakbo.

Napatigil lang ako ng makarating ako sa isang park, naupo ako sa isang swing at duon tahimik na umiyak. Ang park ang palagi kong comfort room, maya-maya ay maytumutuli mula sa kalangitan, umuulan pala, tila nakikisama ang panahon sa akin.

Nanatili lang akong nakaupo dito sa swing. Unti-unting lumalabo ang paningin ko, pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay may naaninig akong bulto ng tao na papalapit sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top