CHAPTER 9
"ARE YOU okay?" tanong ni Maxwell nang makabalik kami sa unit ko. Natutuliro akong lumingon sa kaniya saka tumango. "Kanina ka pa tahimik sa daan. Hindi ako sanay. You're that tired?"
Napatitig ako sa kaniya. Of course, I couldn't tell him what happened between me and Maxrill. 'Yon ang gumugulo sa isip ko ngayon. It was wrong. Iniisip ko pa lang na may gusto sa 'kin si Maxrill, kinakabahan na ako. Natatakot ako sa hindi malamang dahilan.
"I'm sorry." Nagbaba ako ng tingin.
"No." Bakas ang pag-aalala sa tinig niya. "Is there something wrong? What's bothering you?" Pinagpantay niya ang mga tingin namin.
"Nothing." Ngumiti ako para hindi siya mag-alala.
Tumitig siya sa 'kin, inaalam kung totoo ba ang sinabi ko. Lalo pa akong ngumiti. Nagbuntonghininga siya at hinaplos ang buhok ko.
"Why don't you rest tomorrow? Sa susunod na araw ka na lang pumasok sa trabaho."
"What? I'm fine, Maxwell. Excited na akong mag-start, 'wag mo nang i-delay, please?"
"You're not fine."
"I am fine."
"Baka makasama sa 'yo kung pipilitin mo ang katawan mo, Yaz." He was serious.
Lumabi ako, umaarte. "Kaya ko naman, eh. Don't worry."
"So, what's bothering you?"
"Nothing." Nakangiti akong umiling. "Believe me, I'm fine."
"Are you sure?"
"Of course." Lumapit ako at yumakap sa braso niya. "I'm fine." Nagbuntonghininga siya. "Umuwi ka na para makapagpahinga ka na."
"I can stay a little longer. Diyan lang naman sa itaas ng ospital ang bahay ko," nakangiting aniya.
Ngumiwi ako. "Gagabihin ka lang kaya 'wag na. I know you're also tired. Para makapagpahinga ka na."
Hinila niya ako papalapit sa kaniya. "Susunduin kita nang maaga bukas."
"Why?"
"I wanna make sure you're fine."
Ngumiwi ako at nagpigil ng ngiti. "Okay, I'll wait for you."
"Bye for now." Yumuko siya at hinalikan ako sa labi.
Napapikit ako. Hanggang sa sandaling 'yon, sa dami ng nangyari sa amin, hindi pa rin ako makapaniwalang hinahalikan niya ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang ganito na kami ni Maxwell ngayon. Pinangarap kong mangyari ang lahat ng ito noon. Hindi ko akalaing posible at magkakatotoo.
Inihatid ko siya sa pintuan. Hindi mawala ang tingin at ngiti namin sa isa't isa hanggang isara ko ang pinto. Naisip ko na naman ang ginawa ni Maxrill. Hinawakan ko ang pisngi kung saan ako nito hinalikan. Napapikit ako sa lungkot. Mali 'yon. Maling-mali. Natakot na naman ako.
This is wrong, Maxrill. Ano'ng nangyari sa 'yo? Ano na lang ang sasabihin sa 'kin ng pamilya mo kapag nalaman nila 'yang nararamdaman mo?
Sumubsob ako sa mga palad ko. Alam kong maling isipin 'yon. Bukod sa selfish, sinabi kong obligasyon kong irespeto ang nararamdaman niya. Pero para sa 'kin, mali ang nararamdaman niya. Para ko na siyang kapatid. Itinuring ko talaga siyang nakababatang kapatid. Hindi man gano'n kabata, nakita ko siyang lumaki. Nakita ko ang kahinaan, kakulangan, lakas, at abilidad niya sa maraming bagay. Lahat ng 'yon ang naging dahilan para ituring ko na siyang pamilya. Ni minsan, hindi ko naisip na posibleng magkaganito ang nararamdaman niya sa dami ng pinagsamahan namin. Mas imposible pa ito sa relasyon namin ni Maxwell ngayon.
Hindi halos ako nakatulog nang gabing 'yon pero nagising pa rin nang maaga. Gaya ng sinabi ni Maxwell, maaga siyang pumunta sa bahay, may dalang breakfast. Sabay kaming kumain habang ino-orient niya ako.
"Good morning," sabay-sabay kaming binati ng nurses nang makapasok sa hospital.
Nasa 'kin ang paningin ng lahat, kahit 'yong mga hindi bumati. May ilang sinuri pa ang kabuoan ko. Nagtataka siguro kung bakit kasama ako ni Maxwell.
Ngumiti ako at tumango sa lahat. Napalingon ako kay Keziah na nakangiti habang papalapit sa amin. Inakbayan niya ako, hindi ko inaasahan, saka ako marahang inilayo kay Maxwell.
"Ako na ang magtu-tour sa kaniya," tumatawang ani Keziah. Feeling ko, hindi na ako safe.
"Thank you," ani Maxwell, ngumiti sa 'kin. "Keziah will take care of you. I have to go to my office."
Tutol ang puso ko. Pero hindi gano'n kalakas ang loob ko para tanggihan siya. Nakangiti akong tumango saka tinanaw ang paglayo niya.
Feeling ko, naiwan ako sa napakaraming strangers. Kahit na ang totoo, matagal ko nang kilala itong katabi ko, bukod sa pinsan siya ni Lee Roi.
Gusto kong kumawala sa pagkakaakbay niya. Hindi kami gano'n kakomportable sa isa't isa. Hindi gano'n kagaan ang loob ko sa kaniya para magkadikit ang balat namin. Pero dahil hindi ko siya pwedeng tarayan, hinayaan ko na lang.
Ipinakilala ako ni Keziah sa lahat. Bilib ako sa haba ng pasensiya niya sa paulit-ulit na pagsasabi ng pangalan ko. Kung ako kasi 'yon, baka nasuka na ako sa ikalawang banggit pa lang ng name niya.
She introduced me to all the specialists available at that moment. Every time na may chance, binubulong niya kung ano ang ugali ng mga 'yon na para bang close naman kami para mag-chika-han.
Pinuntahan din namin ang bawat area. We stayed longer sa special areas. Nanakit ang mga binti ko sa kalalakad. In-orient niya ako sa maraming bagay. Hindi naman na bago ang karamihan sa mga sinabi niya. But I must admit na malaking tulong ang ginawa niya dahil masyadong advanced ang mga gamit sa ospital na ito. How I wish I was able to digest all the information and details. Ang dami niyang sinabi.
"Mag-lunch na muna tayo?" anyaya niya.
Really? Together? Psh!
Labag sa loob kong sabayan siya. I was so mean. Matapos ang halos apat na oras na paglalakad para mai-tour at ma-orient ako sa maraming bagay, ayaw ko pa rin siyang makasama.
"How about Maxwell?" tanong ko.
Nakita ko nang tumaas ang kilay ni Keziah. Bahagya siyang humalakhak bago ako tapunan ng tingin. "Hindi siya pababayaan ni Wilma."
Mas mataas ang itinaas ng kilay ko kaysa kaniya. "Who's Wilma?"
"You don't know her?" May yabang sa tinig niya, nang-aasar.
Natural sa amin ang gano'ng asaran simula nang magustuhan naming pareho si Maxwell. Nagyayabang siya sa t'wing may nalalamang wala akong ideya. Gano'n din ako sa kaniya.
Hindi ko tatanungin kung kilala ko, buang! Ngumiti ako, pigil ang inis. "Hindi, eh. Sino ba siya?"
Lalo siyang tumawa, nakakaasar. "Hayaan mong si Maxwell ang magpakilala sa 'yo."
Nanggigil pa lalo ako sa inis pero hindi nagpahalata. "Okay."
Sumama ako kay Keziah sa cafeteria. Kahit workers doon, kilala niya. Gaya ng paulit-ulit niyang sinasabi sa lahat, "This is Zaimin Yaz Marchessa, Dr. Maxwell Laurent's good friend."
Good friend. Psh! Kung alam mo lang, 'day. Umikot ang mata ko saka lumapit sa buffet. "Kilalang-kilala ka na ng lahat dito, 'no, Dok?" Sinikap kong alisin ang sarcasm sa tinig ko. "They all look close to you."
"Of course." Kaya niya yatang sabayan ng halakhak ang bawat salitang sasabihin niya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o mayabang lang talaga.
Lahat ng ipinakilala niya, iba ang respeto sa kaniya. Respetong hindi lang bilang doktor o katrabaho. Sa tingin ko, dahil 'yon sa katayuan niya sa buhay ni Maxwell. Hindi na ako magugulat kung iniisip ng mga itong may relasyon sila.
"Kasama ako ni Maxwell kahit noong nagha-hire pa lang siya," dagdag niya.
"I see," pabuntong-hininga kong isinagot. "'Buti pumayag kang magtrabaho dito, Doktora?"
Tinapik niya ang balikat ko. Sa isip ko ay itinapik ko rin sa kaniya ang plate na hawak ko. Nakakainis!
"Yaz, kapag tayong dalawa lang ang nag-uusap, 'wag mo na akong tawaging doktora. Kapag may kaharap lang na ibang employees lalo na kung patient."
"Fine." Sinikap kong 'wag magtaray.
"Bakit naman hindi ako papayag? Look at this place," aniya habang iginagala ang paningin nang may paghanga. "Kahit sino, gugustuhing magtrabaho rito. Ikaw nga, pumayag din. Posibleng hindi nagkakalayo ang dahilan natin."
"At least ako, sanay nang malayo sa pamilya ko. How about you?"
Nagkibit-balikat siya. "At first, nahirapan akong magpaalam sa parents ko lalo na kay Mommy. Hindi ako ang worry nila, si Kimeniah. Of course, maiiwan siyang mag-isa. In the end, napapayag ko rin sila. Besides, madalang din naman kaming magkita since they're working outside the country. How about you? 'Buti okay lang sa 'yo na malayo kayong magkapatid sa parents ninyo?"
Sabay kaming naupo sa pandalawahang table. "Hindi rin naging madali. Para kasi kaming mga rebelde na wala namang problema sa pamilya. It's really hard to explain. Actually, si Zarnaih ang may lakas ng loob na umalis noon. She really wanted to stay in Laguna. Since hindi naman siya nagpabaya sa studies niya, hinayaan siya ng parents namin."
"And what about you? What made you stay in Laguna?"
Napatitig ako sa kaniya, tinitimbang ang dahilan ng pagtatanong niya. "It's a long story," lang ang isinagot ko saka nagbaba ng tingin sa kinakain.
"Kasisimula pa lang naman nating kumain, bakit hindi mo ikuwento?"
Napatitig uli ako sa kaniya. Wala sa itsura niyang nag-uusisa siya. Ang totoo, masyadong casual ang tone niya, parang gusto lang na may mapag-usapan kami. Sadyang hindi lang ako komportableng magkuwento. Hindi sapat ang foundation ng pagkakakilala namin para i-share sa kaniya ang parteng 'yon ng buhay ko.
"Of course, because of Zarnaih." Hindi ko alam kung matatawag bang kasinungalingan 'yon, pero totoong isa 'yon sa dahilan kung bakit ako pumunta sa Laguna noon. "Para mabantantayan ko siya. She's too young to live alone, kahit pa nar'on ang mga Moon para sa kaniya."
Tumango-tango siya. "Yeah, that's right. Pero hindi ba't sa SIS siya unang nag-aral?"
"Zarnaih really wanted to study in a different city when we were young. She wished to go to Manila. But since we live in Cebu, hindi pinayagan ng parents namin. Pero masyado siyang matalino. Nag-take siya ng exams sa iba't ibang schools. Nalaman na lang namin, she already passed the exams in three different international schools. Sa Manila ang first choice niya pero natakot din siya dahil magulo raw, so pinili niya sa Laguna."
"Bilib na bilib nga ang parents ni Lee sa talino ni Zarnaih."
"Bata pa lang kami, gano'n na siya. May silbi ang pagiging madaldal."
"So, sa Cebu ka nagtapos ng pag-aaral?"
Pinilit kong ngumiti. Dumarami ang tanong mo, inday. "Yeah, doon din ako nag-OJT at nakapag-work."
"You were a flight attendant, right?"
"Yeah." Nagbuntonghininga ako. "How about you?" Inunahan ko na siyang magtanong, kailangang mawala sa 'kin ang conversation. "Kailan mo planong mag-asawa?" Late na nang maisip ko kung tama o mali bang itanong ko 'yon. "I mean, do you have a boyfriend? Parang wala kasi akong nababalitaan na may boyfriend ka or dini-date."
Ngumiti siya saka ginalaw ang pagkain. "Alam mo kung sino ang gusto ko."
Napalunok ako. At alam mong hindi pwedeng maging kayo. "Sino?" Nagmaang-maangan ako.
Humalakhak na naman siya, tumitig sa 'kin saka inilapag ang hawak na spoon. Sumandal siya at pinagkrus ang mga braso. "What's your relationship with Maxwell, by the way?"
Nagulantang ako sa pagiging prangka niya. Hindi ko alam kung paanong sasagot. Pero ayaw ko namang magmukhang nangangapa sa kung ano rin ang relasyon namin ni Maxwell sa isa't isa.
"We're more than friends but less than a couple," nakangiting sagot ko, ginagalaw ang pagkain, hindi siya magawang tingnan.
"And you're fine with that?" nakangiwi ngunit nakangising tanong niya. "I mean, walang label?" She was so sarcastic!
Natitigilan akong tumitig sa kaniya. Pinilit kong ngumiti pero lumantad ang pait sa 'king labi. "Yeah." Hindi ko alam kung pagsisisihan ko bang 'yon ang isinagot ko. "I mean, may pagkakaintindihan kami ni Maxwell nang sa amin lang. Mga bagay na kahit i-explain namin sa iba, kami lang ang makaiintindi."
Nakangisi siyang umiling. "As in no commitments? Aside from false hopes and promises, you can't have anything without commitment, Yaz. Don't you fear wasting your time?"
Tinitigan ko siya. Gusto kong magtaray. Gustong-gusto kong magtaray. Pero hindi pwede. Siyempre, bukod sa senior ko siya, I didn't want to make a scene. Hindi maganda para sa magandang tulad ko ang magsimula ng gulo lalo na nang dahil sa isang lalaki.
Hindi ko matanggap na hindi ako makaalma. Ang kinaya ko lang ay ngumiti nang pagkaganda-ganda. Hindi na ako nagsalita pa. Tahimik naming tinapos ang tanghalian at muling bumalik sa orientation at familiarization sa ospital. Magkasama kami ni Keziah hanggang sa afternoon snack time. Disappointing dahil gabi na nang makita ko uli si Maxwell.
"Here's your uniform." Inilapag ni Maxwell ang malaking paper bag sa mesa. Nar'on kami sa office niya.
"Ang bilis naman," sabi ko saka binuksan 'yon. "Thank you."
"You may start tomorrow."
"I'm excited," nakangiting sagot ko. "Saang area nga pala ako magsisimula?"
Si Keziah ang sumagot. "Sa dental area kita in-assign."
Nagugulat ko siyang nilingon. "Dental?" Halos mautal ako. Pinilit kong ngumiti. "Bakit doon? I mean . . . wala akong exposure sa dental area, Keziah." Halos ibulong ko ang mga huling salita.
"Kaya nga ie-expose kita."
"Bakit ikaw?" Hindi ko napigilang itanong 'yon. "I'm sorry." Umiling ako, nag-aalalang baka masamain ni Keziah ang tanong ko. Nilingon ko si Maxwell. "Mas na-expose ako sa emergency room, surgical ward, at operating room, Maxwell. I'm expecting na doon din ako maa-assign ngayon."
"Rotation naman dito every three months, so malilipat ka sa iba't ibang area. Maxwell and I are aware naman kung saan-saang area ka na-rotate before sa BIS Hospital. Nagkataon lang na kailangan ng nurse sa dental area kaya doon ka mapupunta." Si Keziah pa rin ang sumagot.
Bumigat ang loob ko, nanatili kay Maxwell ang tingin bagaman si Keziah ang nagsasalita. I was sure nakita ni Maxwell na sumama ang mukha ko. Kaya hindi na ako nagulat nang maupo siya sa harap ko para pagpantayin ang tingin namin. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinaplos sa pisngi.
"Don't you like it? Bago ang lahat ng environment mo. Why don't you take it as a challenge?" nakangiting sabi ni Maxwell. Nangungumbinsi ang tinig niya pero umaalalay. Ramdam kong hindi niya ako pababayaan.
Mabigat pa rin ang loob ko. Feeling ko, may nagkulang sa 'kin. Nawala ang excitement ko. Imbes na kabahan, imbes na mag-alala ako dahil sa wala akong experience sa area na 'yon, parang nawalan pa ako ng gana.
Hindi sa minamaliit ko ang dental area. Sadyang wala pa roon ang puso ko. Idagdag pa ang mga sinasabi ni Keziah. Naiinis ako dahil feeling ko, siya ang nagdedesisyon.
"I know you can do it," dagdag ni Maxwell.
Nilingon ko si Keziah, wala sa amin ang paningin. "Fine," pabuntong-hiningang ani ko. "I don't think I have a choice anyway."
"Yaz . . ." malambing na ani Maxwell, pinisil ang kamay ko.
Ngumiti ako. "I'm fine. It's alright. I'll take it as a challenge just like what you said. No problem, I'm quick to adapt, anyway."
"Thank you." Muling pinisil ni Maxwell ang kamay ko.
"How about dinner at my place? Wilma cooked dinner," ani Maxwell.
Nilingon ko agad siya. Nginitian niya ako. Ayan na naman si Wilma! Kating-kati na akong itanong kung sino ang Wilma na 'yon pero baka pagtawanan lang ako ni Keziah.
"Maxrill will be there, too," dagdag niya.
"Sure," agad na sagot ni Keziah.
Napalunok ako. Gusto kong tumutol. Bukod sa ayaw kong makasama si Keziah, I didn't think I was ready to face Maxrill again. That'd be awkward. But I wanted to be with Maxwell. I wanted to eat dinner with him. I also wanted to know who Wilma was.
Dumeretso nga kami sa penthouse ni Maxwell. Sa labas pa lang, sumasamyo na ang mabangong amoy ng niluluto. Nagising ang gutom ko. Nanguna akong pumasok at muling natigilan matapos magtama ang paningin namin ni Maxrill.
Nakasalampak siya sa sofa, basta makapandekuwatro at halos yakapin ang tinitipang gitara. Nahinto siya sa pagkanta pero hindi natigil sa pagkalabit ang mga daliri niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapamilyaran ang tinutugtog niya. Napatitig ako sa mga daliri niya at halos mapaatras nang makitang nakatitig siya sa 'kin. Agad akong nag-iwas ng tingin at sumunod kay Maxwell. Wala sa sarili kong hinuli ang braso niya at hindi na 'yon binitiwan.
Nagbaba ng tingin sa 'kin si Maxwell, nagtataka. Tiningala ko siya pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Nagulat na lang ako nang kalasin niya ang kamay ko't iniyakap 'yon sa likuran niya saka niya ako inakbayan papunta sa kusina. Nawala ang kaba ko.
"Wilma, I'm home," ani Maxwell nang makapasok kami sa dining.
Nakangiting tumango-tango si Maxwell nang mamataan ang handa nang mesa. May vegetable dishes, mapuputing rice, at sarsiadong isda. Ang nakaagaw sa atensiyon ko ay ang mga nagyeyelong buko na may straw. Nakatatakam! Bigla akong nauhaw.
"What's for dinner, Wilma?" ani Keziah na sumunod sa amin. Gusto kong magtaas ng kilay dahil sa tono ng pananalita niya, para bang gano'n na sila ka-close ni Wilma.
Nilingon ko ang babaeng nakatalikod sa gawi namin. Morena, may katangkaran, at medyo bata pa—mas mukhang bata pa sa mommy ko. Nakasuot siya ng apron at kasalukuyang nakatuwad sa harap ng oven.
"Si Maxrill, nasaan?" sa halip na sagutin sila ay 'yon ang sinabi ni Wilma.
"I'm here." Halos mapatalon ako nang mangibabaw sa likuran ko ang tinig ni Maxrill.
Naramdaman 'yon ni Maxwell kaya nagbaba siya ng tingin sa 'kin. Nilingon niya ang kapatid bago muling tumingin sa 'kin. Nag-iwas ako ng tingin at pumikit nang mariin. Hindi pwedeng magtuloy-tuloy ang gano'ng reaksiyon ko. Nasisiguro kong mahahalata ako ni Maxwell. Malakas ang pakiramdam ng magkakapatid na ito.
"Maupo na kayo," ani Wilma.
Natigilan siya nang makita ako. Hinubad niya ang oven mitt at inilapag ang pot holder. Lumapit siya at namaywang sa harap ko. Walang alinlangan niyang sinuyod ang kabuoan ko.
"Ikaw si Zaimin Yaz?" Nakataas ang kilay ni Wilma.
Nilingon ko si Maxwell. Kalmado ang ngiti niya, saka ko muling tiningnan si Wilma. "Yes po."
Ngumiwi siya saka tumango-tango. "Maupo na kayo." Dinig ko pa siyang nagbuntonghininga bago kami tinalikuran.
Ugh . . . that's rude.
Hindi ko alam kung gano'n lang ba si Wilma. Hindi niya siguro ako gusto, ewan ko kung bakit.
But what did I do? Napanguso ako. She's not doing anything bad naman, but it's kinda uncomfortable. Napabuntong-hininga ako, nahihiya.
Si Keziah ang naunang maupo. Inalalayan akong maupo ni Maxwell sa harap ni Keziah saka naupo sa tabi ko. Hindi ko inaasahang mauupo si Maxrill sa harap ko.
Nilanghap ni Keziah ang gulay at seafood habang pinagkikiskis ang mga palad saka niya pinanood si Wilma na ilapag ang tray ng dalawang buong manok galing sa oven.
Naupo si Wilma sa puno ng mesa habang nakatingin sa 'kin. Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likuran ng tainga saka matipid na ngumiti. Kinuha ni Wilma ang bowl ng rice at iniabot sa 'kin.
"Doon ka natulog sa exclusive suite ni Maxwell sa hotel, hindi ba?" tanong ni Wilma habang pinagsisilbihan si Maxrill.
Kinabahan ako. How did she know?
Wala akong idea kung paano niya nalaman dahil hindi naman siya isa sa mga umasikaso sa 'kin habang nar'on kami. Ngayon ko lang siya nakilala.
"Opo," matipid kong sagot.
Tumango si Wilma saka inihain ang kanin kay Maxrill. "Ilang araw siyang hindi umuwi rito sa penthouse kaya nalaman ko," sagot niya na para bang nabasa ang laman ng isip ko. "Diyan ka na sa flat tumutuloy?"
"Opo." Hindi na yata hahaba pa ang sagot ko.
"Mabuti naman." 'Yon lang at hindi na nasundan pa ang tanong ni Wilma.
She made me more uncomfortable. Gusto kong tanungin si Maxwell kung gano'n lang ba talaga si Wilma. Naisip ko ring kung may masama sa pakikitungo niya sa 'kin, I was sure aalma si Maxwell, even Maxrill.
"Wait." Biglang nagsalita si Maxrill, nilingon siya ng lahat. "Put the pan back, Maxwell."
"Why?" inosenteng tugon ni Maxwell.
Hindi sumagot si Maxrill. Napilitang sumunod si Maxwell at inilapag ang roasting pan na kinalalagyan ng mga manok. Kunot-noong tinitigan ni Maxrill ang mga manok. Sumama ang mukha niya at binalingan si Wilma.
"Did you just . . . roast my freaking chicken, Wilma? Are these my chicken?" di-makapaniwalang asik ni Maxrill habang nakaturo sa manok.
Natakpan ko ang aking bibig para pigilang tumawa. Tumikhim si Maxwell, pigil din ang tawa. Sumandal siya at pinaglaro ang mga daliri sa labi habang nakakrus ang isang braso. Nagbaba rin ng tingin si Keziah, pinipigilan ang bungisngis.
Inosenteng tiningnan ni Wilma ang mga manok saka nagtaas ng kilay kay Maxrill. "Oh, eh, ano naman ngayon? Ano'ng kakainin mo kung hindi?"
"What?"
Naihilamos ni Maxrill ang mga palad, di-makapaniwalang tinitigan ang mga manok. Unti-unting siyang nanlumo.
Pinigilan kong tumawa. Manok niya? Alaga niya ang mga manok na 'yan?
Naalala ko tuloy ang isip-batang Maxrill noon. Siya 'yong batang kapag pinapili kung sino ang gustong maging kapatid, pipiliin ang mga hayop kaysa kina Maxwell at Maxpein. Lahat ng uri ng hayop o insekto, gusto ni Maxrill. Kahit langgam, kaya niyang alagaan kung gugustuhin niya. Gano'n ang trip ni Maxrill, kakaiba sa dalawa niyang kapatid.
Nabalot ng matinding katahimikan ang mesa. Pasimple kong sinulyapan si Maxrill. Hindi na naalis pa sa mga manok ang paningin niya. Hindi ko na talaga mapigilang matawa, kaya pumihit ako sa tabi, sa gawi ni Maxwell, at saka doon ngingisi-ngising tumawa.
"I can eat canned tuna, Wilma, you know me," ani Maxrill. "You did not ask for my permission."
"Dahil alam kong hindi ka papayag."
"You should've asked me first." Seryoso si Maxrill. Tuloy ay nahinto nang tuluyan ang pagtawa ko.
"Maxrill." Maawtoridad ang tinig ni Maxwell. "It's cooked already, and I'm hungry."
"Don't touch my chicken," banta ni Maxrill.
"What are we going to do with it, then? Throw and waste it?"
"I won't eat my pet."
"Then let us eat it."
"What?"
"Maxrill Won?" Kunot na ang noo ni Maxwell. "Eat the grass, and the sea creatures—" Nahinto siya nang tingnan nang masama ni Maxrill. "Seafood, I mean."
Bumagsak ang mga balikat ni Maxrill sa panlulumo, masama ang mukha. Panay iling niya. Parang anumang oras, magwo-walkout siya. Tiningnan niya nang masama si Wilma na hindi naman pasisindak. Nginiwian lang nito si Maxrill at pumalatak.
Wala nang nagawa si Maxrill nang hiwain ni Maxwell ang mga manok. Ginupit niya ang parts at pinira-piraso. Ngumiwi sa panonood si Maxrill. Para bang siya ang nasasaktan sa ginagawa ng kapatid.
Dinampot ko ang pan ng seafood at iniabot kay Maxrill para mawala roon ang atensiyon niya. Natigilan siya at gulat na tumitig sa 'kin, saka siya nagbuntonghininga at tinanggap 'yon. Nagulat ako nang ihiwalay niya ang dish sa rice. Dati kasi, halos umapaw ang pagkain sa plate niya. Ang dami ring dumi sa table at bibig niya.
Siya madalas ang nagsisimulang kumain pero nasasabayang matapos ang lahat kung hindi nahuhuli. Gano'n siya karaming kumain. Pero ngayon ay nakikita kong pili at bilang lang ang piraso na kinukuha niya. Malaki talaga ang ipinagbago niya.
Si Maxwell lang ang magastos sa plato at platito dati. Ayaw niyang pinaghahalo-halo ang ulam at kanin sa iisang plato. Kailangang lahat ay may kaniya-kaniyang lalagyan at serving spoon.
Nakatatawa ngang isipin dahil nabanggit sa 'kin ni Mokz na may kaugalian sila sa pagkain. May mga pagkakataon daw na nagpapatong sila ng meat sa cup of rice. Pero ang magkakapatid na del Valle, ayaw na may ibang dadapo sa plates nila kahit sila mismong tatlo.
"Do you like the food?" tanong ni Maxwell.
Nilingon ko siya. "Yes, it's delicious."
"Good."
Sinulyapan ko si Maxrill. Hindi talaga siya tumitingin sa amin. Ayaw niya kaming makitang kumakain ng manok. Magana pa rin siyang kumain, pero dahil hindi gaya noon na kinakamay niya ang seafood, maraming natitirang laman sa pinagkainan niya ngayon.
"Thanks po sa dinner. Busog na busog ako," nakangiti kong sinabi kay Wilma nang magdesisyon kami ni Keziah na umuwi na.
Inaasahan kong ngingitian ako ni Wilma at sasabihin niyang bumalik ako, pero hindi 'yon nangyari. Ni hindi man lang niya ako nginitian. Tango lang ang isinagot sa 'kin. Dahil wala akong karapatang magdamdam ay hinayaan ko na lang.
Inihatid nila kami pauwi. Nagulat ako nang malamang doon din pala sa flat nakatira si Keziah. Nasa iisang floor kami at halos magkaharap lang. Pinagawa talaga ni Maxwell ang building na 'yon para sa employees ng Moon Medical Center.
Walang paglagyan ang excitement ko nang pumasok kinabukasan. Siyempre, first day ko at hindi ako makapaghintay na magsimula. Pero pagkapasok pa lang, nalito na ako. Hindi ko alam kung saan ako dapat dumeretso. Kaya naman kahit nag-aalinlangan, tinawagan ko si Maxwell.
"Hello?" Hindi ko inaasahang si Keziah ang sasagot ng phone.
Natigilan ako. "Good morning, Doc Keziah." Pinilit kong ngumiti. "Gusto ko lang itanong kung saan ba ako dapat dumeretso? Should I meet you first?"
"We already talked about this last night, right? You're assigned in the dental area. Of course, doon ka pupunta. Nar'on ang chief nurse, si Lizbeth Arandia. She's waiting for you kanina pa. She'll orient and endorse everything to you."
Bigla akong nahiya. Alas-diyes ng umaga hanggang alas-sais ng hapon ang pasok ko. Thirty minutes na lang, late na ako.
"Thank you." 'Yon lang at ibinaba ko na ang linya. May pasyente na siguro si Maxwell kaya hindi siya ang sumagot sa tawag ko.
Malaki ang ospital. May tatlong entrance at exit bukod pa sa emergency exits. Nasa ground floor ang emergency area, sa bandang kaliwa. Sa kanan naman ang Out-Patient Department (OPD). Sa gitna naman ay ang daan kung nasaan ang derma at dental area. Nasa second floor ang ilan sa special areas at semi-private wards. Ang private wards naman, nasa third floor. Ang sumunod na floor ay penthouse ni Maxwell.
Sa paglalakad pa lang papunta sa area ko, nakita ko na kung gaano ka-busy ang ibang areas lalo na sa Emergency Room at OPD. Nainggit agad ako. Kung hindi lang dahil kay Keziah, pinilit ko na siguro si Maxwell na i-assign ako sa OPD or ER kung hindi talaga pwede sa OR. Pero ayokong magpaimportante kaya hindi ko na lang din pinilit. Ayokong isipin nilang pareho na namimili ako ng trabaho.
Dumeretso ako sa dental area. Natuliro ako sa kaba nang makita kung gaano karami na ang waiting. All-glass ang area. May anim na clinic doon at iba't ibang specialists.
Tumuloy ako at sinalubong ng nasisiguro kong chief nurse na binanggit ni Keziah. "Good morning, ma'am," nakangiting bati ko.
"You're late," ganting sagot nito nang may ngiti rin.
Nahiya ako. "Sorry, ma'am. Hindi na mauulit."
"I'm Lizbeth, your chief nurse."
"Zaimin Yaz Marchessa, ma'am." Tinanggap ko ang kamay niya.
"Welcome to Moon Medical Center." Itinuro niya kung saan ko pwedeng ilagay ang gamit ko.
"Where can I start, ma'am?" Abot-abot sa lalamunan ang kaba ko.
"Nakatutuwa ka naman." Ngumiting muli si Ma'am Lizbeth. "Hayaan mong ituro ko na muna sa 'yo ang mga importante at dapat mong malaman. Bukas ay ite-train ka ni Susy sa pagiging dental nurse. Sa ngayon, mag-observe ka na lang muna sa kaniya."
Para akong bumalik sa pagiging student nurse. Bitbit ang notepad at ballpen, bumuntot ako kay Ma'am Lizbeth. Sa kaniya ko nalaman ang iba't ibang specialization sa area na 'yon. Itinuro niya ang ilang parts ng bawat clinic. Of course, isinulat ko ang lahat ng maiintindihan ko. I didn't think kaya kong i-digest ang lahat ng information.
"General practitioner doctor ang naka-assign sa clinic na ito." Itinuro ni Ma'am Lizbeth ang unang clinic. "Dito natin ginagawa ang cleaning, whitening, at pasta."
Kulay green ang dental chair sa loob ng clinic ng GP. Maraming drawers at may sariling emergency cart. Nakatutuwang tingnan na lahat ng handles ng drawers, kakulay ng dental chair.
Naintindihan ko ang design nang makita ang ikalawang clinic. Kulay blue naman ang dental chair doon, maging ang mga handle ng drawers at e-cart.
"Dito naman ang clinic ng endodontist," nakangiting ani Ma'am Lizbeth. "Siya ang espesyalista sa roots at nerves."
Nagpatuloy sa pagtuturo si Ma'am Lizbeth, panay rin ang pakikinig at pagsusulat ko. Ang sumunod na clinic ay red. Para 'yon sa orthodontist na siyang espesyalista sa jaw at structure ng ngipin. Ito rin ang gumagawa ng braces.
The fourth clinic was violet na para sa periodontist na specialist sa gums at implants. The fifth one naman ay prosthodontist clinic, kulay black, na siyang nagre-replace ng missing or natural teeth, at nag-i-implant din umano ang mga ito.
Hindi naman gano'n katagal ang pagtuturo ni Ma'am Lizbeth pero napagod ako. Gamit na gamit ang pandinig at utak ko sa dami ng sinabi niya. Alam kong kaya gano'n ang pagod ko ay dahil hindi ito ang area na gusto ko. Wala rito ang puso ko.
Ipinakilala ako sa dental nurse na makakasama ko. Mas matanda nang apat na taon sa 'kin si Susy. Mukha siyang masungit pero pakiramdam ko naman ay mabait. Taga-Davao siya kaya nakagaanan ko agad ng loob. Tinanggap niya ang malaki at magandang offer ng MMC for self-achievement.
Puro palpak ang performance ko nang magsimula. May pagkakataon na haharang-harang ako sa daan ni Susy. Panay ang buntonghininga ng mga doktor sa bawat pagkakamali ko. Nade-delay ang trabaho nila sa mga mali at kabagalan ko. Hindi pa man ako tumatagal, nade-depress na ako.
Kung tutuusin, madali ang trabaho rito compared sa areas na pinanggalingan ko. Sadyang wala akong idea sa dental area. Maski noong nag-aaral ako, wala namang na-tackle tungkol dito. Para akong bumalik sa zero. Pinipilit kong isipin ang sinabi ni Maxwell. I should take this as a challenge. Bukod sa sinabi ni Susy na makukuha ko rin ang lahat sa tamang panahon, basta mag-focus at practice lang ako.
Matamlay akong naupo nang makarating kami ni Susy sa cafeteria pagsapit ng lunch break. Maski yata um-order, hindi ko magawa. Nakapanghihina ang training. Hindi naman gano'n karami ang ginawa ko, walang-wala sa dami ng trinabaho ni Susy, pero pagod na pagod ako.
"Hindi ba nagalit sa 'kin ang mga doktor, Susy?" nahihiyang tanong ko habang kumakain. "I mean, feeling ko, napaka-useless ko kanina."
"Buang!" natatawang aniya sabay iling. "Lahat naman, dumaan sa gano'n. Pare-pareho tayong hindi marunong at walang alam sa simula. Kahit magalit sila, they need to understand because you're new. Besides, hindi naman itinuro noong college ito."
Na-guilty ako. Siguro, may nagalit nga. "You're from Davao. Paano mo nalaman ang vacancies dito?"
"Nag-conduct ng medical mission sina Dr. and Dra. Enrile noon sa lugar namin. Naghanap sila ng applicants. Luckily, isa ako sa mga pumasa."
Namamangha akong tumango. "Hindi ko alam ang tungkol diyan."
"You're related to Dra. Gozon kaya ka nakapasok dito, 'di ba?"
Tumaas ang kilay ko. Talagang si Keziah ang dahilan, ah? Kailan pa? Pinilit kong ngumiti. "Sino'ng may sabi niyan?"
"Nabanggit lang ni Ma'am Lizbeth," nakangiting aniya. "May darating daw na kaibigan si Dra. Gozon galing sa pinanggalingan nilang hospital ni Dr. Maxwell."
Gusto kong sabihin na hindi si Keziah kundi si Maxwell at ang pamilya nito ang dahilan kung bakit ako nandito. Gusto kong ipagmalaki kung ano ang relasyon na meron ako kay Maxwell. Lumalaki ang ulo ko sa inis. Gusto kong sabihin ang lahat ng 'yon hindi para talagang ipagmalaki kundi para patunayang hindi si Keziah ang dahilan.
Pero nasisiguro kong may dahilan sila kaya gano'n ang kanilang sinabi. Pwede naman kasing sabihin ni Maxwell 'yon kung kinakailangan.
"Yeah." Sinakyan ko na lang ang nalalaman niya.
Mukhang seryoso sa buhay si Susy kaya nga mukhang masungit. Hindi siya ang tipo ng nurse na may tinatagong kalokohan at gaslaw sa katawan. 'Yon bang bastos ang bibig pero may pinag-aralan. But I was sure she was mabait.
Magkakasunod na dumating ang nurses mula sa ibang area sa cafeteria. Sinabi ni Susy kung saan naka-assign ang nurses na 'yon base sa uniforms nila.
"Pwede palang magsabay-sabay ng breaktime ang nurses?" nakangiwing sabi ko. "Nasanay akong isa-isa bawat area ang break."
Tumango si Susy. "Ayaw ni Dr. Maxwell na nalilipasan ng gutom ang nurses at doctors. Pero dalawang nurse lang ang pwedeng mag-break at dalawa ang maiiwan sa post."
Wow . . . ang bait talaga ng baby ko! Napangiti ako.
Napasulyap ako sa mga OR nurse na naupo sa katabi naming mesa. Naiinggit na naman ako, hindi lang sa area nila, pati sa uniform. Bukod doon, maganda at guwapo ang dalawa. Nababagay talaga ang itsura ko sa area nila, napakasama ng ugali ko.
Naagaw ang atensiyon ng lahat nang pumasok ang grupo ng mga doktor at maupo sa unahan. Huling pumasok sina Maxwell at Keziah. Nagtatawanan ang dalawa sa pag-uusap. Napangiwi ako at malalim na nagbuntonghininga.
Umugong ang tuksuhan ng nurses, mga taga-ER at OR. Naririnig ko ang ilan na sinasabing bagay na bagay sina Maxwell at Keziah. May ilan namang naiinggit sa pagkakapares nila. Habang ako, nagngingitngit ang kalooban sa kinauupuan.
"Nakatutuwa talaga ang dalawang 'yan." Hindi ko inaasahang magkokomento si Susy. "Madalas pagkumpulan ng tuksuhan 'yan sina Doc Maxwell at Doc Keziah. Bagay na bagay kasi sila."
"Mao ba?" naninigurong tugon ko. "Paano naman sila naging bagay, eh, ang baduy ni Keziah?"
"Huh?" Naguluhan si Susy at natawa. Sumimangot na lang ako. "Pareho silang mabait kahit medyo mahigpit. Bagay na bagay talaga."
Umikot ang mga mata ko sa inis! Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin. Ni hindi ko nga maituon ang atensiyon sa sinasabi ni Susy dahil ang pandinig ko ay nakikiusisa sa usapan sa kabilang mesa. Sinasabi kasi ng mga ito kung gaano ka-sweet sina Maxwell at Keziah sa isa't isa sa duty.
"Talagang sweet sila kapag nagdu-duty, ah?" tanong ko sa mga nasa kabilang mesa.
Nagugulat akong nilingon ng mga ito saka nagtinginan. Hindi nila alam kung ano ang isasagot sa 'kin hanggang sa maglakas-loob na magsalita ang isa. "Actually, professional naman silang kumilos pareho. Kami lang itong nagbibigay ng meaning sa mga kilos nila kadalasan," nakangiting sagot ng babaeng naka-green scrub suit.
"Katuwaan lang, gano'n. Lalo na kapag toxic ang duty, gusto lang naming may mapagkatuwaan," anang bading sa blue scrubs.
"Pareho naman silang single kaya walang problema," sabi naman ng isa pang naka-blue.
Parehong single? Gusto kong magprotesta pero kulang ako sa karapatan. Karapatan, 'yon ang wala sa 'kin.
"Pero mas bet ko pa rin 'yong kapatid ni Doc Maxwell, si Accountant. 'Yong may kabuntot laging husky?" anang bakla. "Grabe, gusto kong makita 'yon kapag bagong gising! Feeling ko, fresh pa rin!"
"Crush ko si Doc Maxwell pero kay Doc Keziah na siya. Kaya doon na lang din ako kay Accountant, mukhang single pa," biro ng babae. "Kung 'yong aso nga, kinakantahan niya, ano pa kaya kapag kami na? 'Di ba?"
Natawa ako. "Si Maxrill 'yon," sabi ko.
Gulat nila akong nilingon. "Kilala mo si baby?" biro ng babae. Natawa na naman ako saka tumango.
"Hindi ba't ikaw 'yong nurse na ipinasok ni Dra. Keziah?" usisa ng bading na nurse Sinadya niyang lumipat sa mesa namin at tumabi sa 'kin. Nagsipagsunuran naman ang dalawa pa niyang kasama.
Pareho kaming nailang ni Susy. Pero dahil gusto ko ring mag-usisa, hinayaan ko sila. "Oo, ako nga." Paninindigan ko na ang pagiging intrimitida ni Keziah.
"Ay, shala!" Inilahad ng bakla ang palad sa 'kin. "I'm Raffy, nice to meet you . . . ?"
"Zaimin Yaz," pakilala ko. Ipinakilala niya ang mga kasama kaya ipinakilala ko rin si Susy.
"Baka naman pwede mong i-refer 'yong jowa kong nurse?" ani Raffy.
"Ang kapal ng mukha mo, bakla," angil ni Mitch, taga-ER. "Baka gusto mo munang itanong kung paano sila naging friends?"
"Hehe, paano nga ba?" tanong ni Raffy.
"'Yong cousin ni Doc Keziah, husband ng sister ko. Medyo mahabang story." Napakaplastik ko. Ang hirap ngumiti kapag pinag-uusapan ang babaeng hindi ko gusto.
"But you're friends, right?"
"Hmm." Talagang nag-isip ako. "Yeah, I think we are."
"Bakit parang hindi ka sigurado?"
"Kasi nga, 'yong kapatid ko talaga ang friends nila." Hindi ko talaga kayang sabihin na friends kami ni Keziah.
"Baka naman pwede mong kausapin si Doktora, Yaz?" nakalabing pakiusap ng bakla. "Tatanawin ko talagang utang na loob!" biro niya.
Tumaas ang noo ko saka malditang ngumiti. "Ibigay mo sa 'kin ang résumé niya at kakausapin ko si Doktora." Plastik ang naging ngiti ko sa huli. Hindi ko na yata talaga magagawang ngumiti nang natural kapag si Keziah ang pinag-uusapan lalo na sa mga narinig ko ngayon.
Pero ano'ng karapatan mo para makaramdam ng ganyan, Yaz? Maganda ka pero wala kayong relasyon ni Maxwell. Saka wala namang masama kung gano'n ang gustong palabasin nina Maxwell, na si Keziah ang nag-offer sa 'yong magtrabaho rito.
"Grabe, thank you! Thank you!" palahaw ng bakla, naagaw ang atensiyon ng ilan.
Lumingon ang male nurses sa gawi namin. "Raffy, ipakilala mo naman kami sa mga kasama mo," udyok ng isang lalaki.
"Oo nga, 'yong bago," tudyo naman ng isa pa.
Umugong ang tuksuhan sa puwesto namin dahilan para maagaw namin ang atensiyon ng mga doktor na nar'on. Hindi na ako nagtaka nang magtama ang paningin namin ni Maxwell. Nakasandal siya sa silya, nakapatong ang isang braso sa mesa, at deretsong nakatingin sa 'kin.
Psh! Tumayo ako at sinulyapan si Susy. "Let's go?" anyaya ko saka bumaling sa mga bagong kakilala. "We have to go na. Marami pa kasing pasyente sa dental area."
"Totoo 'yan! Ewan ko ba sa mga tagarito. Mga taong-dagat naman pero parang hindi matitibay ang ngipin!" biro ni Raffy. "Bakla, 'yong favor ko, ah?"
"Napaka-user mo, Raffy!" biro ni Mitch.
"Sige, puntahan mo na lang ako sa area," nakangiting sabi ko saka sila kinawayan. "Nice meeting you guys."
Umugong ang ingay ng male nurses nang dumaan kami ni Susy. Sinadya ko kasing dumaan sa harap ng mesa nila. May ilan na tinatanong ang pangalan ko. Wala akong nilingon sa kanila. Ramdam ko ang paningin ni Maxwell sa 'kin. Tingin na para bang may kakayahang ibalot ang kabuoan ko.
Sa daan pabalik sa area, nasulyapan ko si Maxrill sa lobby; nakasalampak sa isa sa mga sofa at kayakap na naman ang gitara, kaharap si Hee Yong na nakaupo, hinihingal sa tuwa habang nakalabas ang dila.
"Siya ang tinutukoy ng mga taga-ER at OR, 'di ba?" usisa ni Susy.
Tumango ako. "Oo, si Maxrill Won del Valle. Ngayon ko lang nalaman na siya pala ang accountant dito." Nakangiti kong nilingon si Susy.
Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
'Di ko na nakita
Pumutok na pala.
Gusto kong matawa nang marinig ang tinutugtog at kinakanta ni Maxrill! Nahinto ako sa paglalakad at pinanood sila ni Hee Yong. Kahit 'yong aso, nag-e-enjoy sa pakikinig. Nakatutuwa ang effort ni Maxrill na tugtugan at kantahan ito. Wala siyang pakialam kung sino ang nakakakita, basta maharana ang best friend niya.
"Mauna ka na," sabi ko kay Susy. "Promise, susunod ako agad."
"Sige," nakangiting aniya saka ako tinalikuran.
Sayang lang ang pera ko
'Pinambili ng lobo
Kung pagkain sana
Nabusog pa Hee Yong ko
Ngumiti si Maxrill nang matapos ang kanta. Lalapit na sana ako nang may pumasok na grupo ng mga lalaki. Pawang mga naka-suit at dumeretso sa front desk.
Nilingon din ni Maxrill ang mga ito. Tumayo siya at inilapag ang gitara, saka siya lumapit sa grupo ng mga lalaki. Wala sa sarili akong sumunod nang mapamilyaran ang isa sa mga lalaking 'yon.
"Good afternoon," bati ni Maxrill.
Nilingon siya ng mga ito. Ngumiti ang familiar sa 'kin. "I'm here for Dr. Maxwell Laurent del Valle, I'm Montrell." Hindi ako nagkamali. "Montrell Venturi."
Tumango si Maxrill. "You're from?"
"The Venturi Clan." Nagmamalaki ang tinig ni Montrell.
Ngumisi si Maxrill. "I'm not familiar with your clan, sorry." Nagbuntonghininga siya. "Is he expecting you?"
"No," nakangiting ani Montrell. "Pero hindi na ito ang unang beses na mag-uusap kami. I just want to talk to him about a few things."
"Like what?"
"Interesado ako sa isla sa Balabac. I want to acquire the entire island." Sinabi 'yon ni Montrell na para bang nangangarap at siguradong magaganap.
Matunog na ngumiti si Maxrill na nagpakunot sa noo ni Montrell. "Are you serious? It's dangerous."
"You mean that island is dangerous?" Ngumiwi si Montrell. "Don't get me wrong, but I don't plan to live there. Instead, I'm planning to put up a business. Dadayuhin na 'yon ng tao oras na maging pag-aari ko. Maniwala ka sa 'kin. It will not matter anymore if the island is dangerous or not."
Tuluyang natawa si Maxrill dahilan para lalong gumuhit ang inis sa mukha ni Montrell kahit anong ngiti pa ang gawin nito.
"Sorry," nakangiting ani Maxrill. "I mean the owner of the island is dangerous."
Kunot-noo, bagaman nakangiting umiling si Montrell. "Maxwell is the owner, right?" Inilingan siya ni Maxrill. "Wait, you're confusing me. Bakit ba sa 'yo ko sinasabi ito? Where's Maxwell?"
Tiningnan ni Maxrill ang relos. "He's inside the operating room right now. You can wait for him at the lobby, probably . . . until midnight. Or you may set an appointment and come back tomorrow."
"Wait." Humalakhak sa pagkainsulto si Montrell. "Who are you?"
Uh-oh.
Natigilan si Maxrill. Nakita ko kung paanong nawala nang unti-unti ang ngiti sa labi niya. Nangunot ang noo niya saka ngumiti uli. Pero hindi siya natutuwa. Tumalas ang tingin niya.
That question. . . . Hindi ko makalimutan ang reaksiyon ni Maxpein sa t'wing tatanungin siya ng gano'ng tanong noon. Seryoso. Na para bang walang sinumang may karapatang tanungin siya nang gano'n.
"Who are you?" pag-uulit ni Montrell nang lapitan si Maxrill, napakayabang.
Nagbuntonghininga si Maxrill. "I am . . . the thirdborn del Valle," kaswal niyang sagot pero ang kapangyarihan at awtoridad ay nar'on.
Paano ba nila nagagawa 'yon? Ang simpleng linya ay nagtutunog misteryo sa kanila. Mga weirdo talaga.
"I am Maxrill Won del Valle of the Moon family." May kilabot na dulot ang pagpapakilala niya. "Until then." Tumango si Maxrill at tinalikuran na ang mga ito.
Nakita ko kung paanong napalitan ng gulat ang plastik na ngiti ni Montrell Venturi. Talagang hindi niya tinantanan ng nakalolokong tingin si Maxrill hangga't hindi ito nawawala sa kaniyang paningin. May ibinulong siya sa apat na tauhang kasama bago tuluyang nilisan ang lugar na 'yon.
Hindi ko malaman kung bakit bigla akong kinabahan. Gusto kong sundan si Maxrill pero kailangan ko nang bumalik sa trabaho.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top