CHAPTER 8
DUMAAN ANG mga araw nang hindi na namin napag-uusapan pa ni Maxwell ang tungkol sa mga sinabi niya. Hanggang ngayon tuloy, iniisip ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Wala akong lakas ng loob para buksan ulit ang topic tungkol doon. Hindi na naman gumagana ang natural na kapal ng mukha ko. Natatakot ako na baka mali ang intindi ko.
As far as I can remember, he's halfway in love with me. Does that mean that he's totally in love now?
Inilingan ko ang naisip. Aminado akong merong parte sa 'king umaasang gano'n na nga 'yon. Ako pa. Kahit simpleng titig nga lang niya, malalim na ang kahulugan sa 'kin. Na para bang siya, at hindi ako, ang patay na patay sa aming dalawa. Ang dahilan ko, hindi kasi ako sanay na ganito siya. He was not a liar. Ang totoo, masyado siyang totoo para magbiro ng kasinungalingan. Kung tutuusin, ang mga biro niya, madalas na totoo kaya naidaraan niya sa yabang. Katangian na nilang magkakapatid 'yon.
Pero may maliit na bahagi rin sa 'kin ang nagsasabing imposible talagang mangyari 'yon. Kailangan kong aminin sa sariling nakukulangan ako sa mga ikinikilos at sinasabi niya. Na ako mismo ay hindi kumbinsido sa mga ipinakikita niya. Sadyang pabor lang sa 'kin ang namamagitan sa amin dahil sa sobrang pagkalunod ko sa sariling nararamdaman.
I stayed in his penthouse for a week just like what he said. Last night, he asked me to stay for another week, but I disagreed. Today, I was waiting for Mang Pitong to pick me up and drive me to my flat. Sinadya kong piliin ang araw at oras na alam kong may duty siya. Bukod sa worried akong may makakita sa amin, alam kong pipigilan niya na naman ako.
Ang hirap. Kasi kinikilig ako sa t'wing pinipigilan niya akong umalis at sinasabing gusto niyang nar'on lang ako. Kapag feelings ko na ang nangibabaw, hindi na ako makapag-isip nang tama. Hindi ko na iniintindi kung ano ang dapat para sa 'kin. Naiisip ko lang 'yon kapag mag-isa na lang ako.
Hindi siya nanligaw sa 'kin. May kirot na dulot ang naisip ko. Pero . . . mahalaga pa nga ba 'yon sa edad kong ito? Hindi ko masagot ang sarili. Lalo pa't nakuha niya na ako. Nanlumo ako sa huling naisip—napapikit at nasapo ang noo. Masyadong mabilis ang lahat ng nangyari sa pagitan namin.
Nang mga sandaling 'yon, hindi ko naisip ang lahat ng ito. Bakit hindi nang mga oras na 'yon ko pinahalagahan at inalalang hindi man lang siya nanligaw sa 'kin? Sa halip, nagmamadali pa akong pumunta rito dahil gusto ko siyang makita at makasamang magtrabaho.
Ni klaruhin ang tunay niyang nararamdaman, hindi niya ginawa. Hindi niya sinabi nang malinaw kung gusto niya ba ako, mahal, o kahit crush man lang. Wala. Sa t'wing hahalikan at hahawakan niya ako, naiisip kong may feelings din siya sa 'kin. Pero kapag wala ang mga 'yon, inuubos ako ng mga tanong sa isip ko.
Ako itong tanga na basta na lang nagparaya, nakontento sa kilig. Ngayon, daig pa ako ng baging na may punong kinakapitan. Pakiramdam ko kasi, naiwan akong nakabitay ngunit walang makapitan.
Bilang babae, gusto kong malaman, gusto kong marinig. Hindi sa pag-iinarte, pero isa talaga 'yon sa mga dahilan para masukat at matimbang ko ang katayuan ko sa kaniya. Alam ko naman na ang timbang at katayuan niya sa 'kin.
I couldn't feel that he was taking advantage of me, but he was doing everything so effortlessly. Of course, I wanted flowers, chocolates, romantic dates, sincere words, teddy bears, and everything too.
He's not clear about his true intentions, and I can't really see it through him. But where the hell is my trust coming from? Why am I not cautious of being used, discarded, or brokenhearted? I want to guard my heart and be mindful of my actions, pero titig pa lang niya bumibigay na ako. Stupid.
Nalungkot ako. Sinuman sigurong nasa posisyon ko, gano'n ang mararamdaman. I was really crazy. Mas matimbang sa 'kin kung saan ako masaya kaysa sa tama at karapat-dapat para sa 'kin. Ang isip ko, gumagana lang t'wing mag-isa ako. Nakahihipnotismo si Maxwell. Puso lang ang gumagana sa katawan ko sa t'wing magkasama kami.
Napatayo ako nang tumunog ang elevator, at kasunod niyon, bumukas ang sliding door. Natigilan ako nang sa halip na si Mang Pitong, si Maxrill ang bumungad sa 'kin. Magsasalita na sana ako nang lumapit si Hee Yong at nakipaglaro. Agad itong humiga at nagpa-pet. Nagpapakamot sa tiyan at kumakahol sa t'wing ihihinto ko.
"How are you, Hee Yong?" tanong ko. Masiglang kumahol ang aso. "Traveler ka, ah?" Muli akong sinagot ng kahol nito, saka ko hinarap si Maxrill. Hindi ko naitago ang pagtataka. Seryoso siya, mukhang wala sa mood.
Kinabahan ako nang maglakad siya papalapit at maglahad ng isang bungkos ng red roses. Nagdalawang-isip akong tatanggapin 'yon pero sa huli ay tinanggap ko para hindi siya mapahiya.
Inamoy ko 'yon. "Salamat." Saka ako matipid na ngumiti. "Sana hindi ka na nag-abala." Ako rin ang natigilan sa sariling sinabi. Shit! You shouldn't have said that, Yaz!
Bahagya siyang ngumiwi at umiling. "It's not from me." Saka siya nag-iwas ng tingin. "It's from Maxwell." Tinalikuran niya ako matapos sabihin 'yon.
Napapahiya akong tumawa. "Sa kaniya pala, hehe. Thank you."
Hindi siya sumagot. Sinulyapan niya lang ako para ismiran. Matunog ang buntonghininga niya saka lumapit sa aquarium. Dinampot niya ang bottle ng fish feed at nagsaboy ng isang pinch sa tubig. Yumuko siya at pinanood ang mga isdang nag-uunahang lumangoy paakyat para kumain.
Sa tatlong magkakapatid, si Maxrill lang ang madaling pangitiin at may tsansang tumawa sa mga biro. Kung minsan nga, kahit walang nakatatawa, tumatawa siya. Hindi 'yon maaasahan kay Maxwell, lalo na kay Maxpein na pinagkaitan ng bait sa katawan. Hindi ko malilimutang makakita lang siya ng pagkain noon, nagliliwanag na ang mukha niya. Kapag nakalanghap ng masarap, tuwang-tuwa nang tumatakbo papalapit kung saan nanggagaling ang amoy. May kakayahan nga si Maxrill na humanap ng pagkain gamit ang pang-amoy.
Hanggang ngayon, naninibago ako. Sa t'wing makahaharap ko siya, hinahanap ko ang dating siya. Hindi ko alam kung ang pagiging seryoso niya ba ngayon ay dala rin ng maturity o hindi niya lang ako gustong makita.
Siya ba ang inutusan ni Maxwell na sumundo sa 'kin kaya ganyan siya kung sumimangot?
Feeling ko, naabala siya sa pagsundo sa 'kin kaya nasira ang mood niya. Gano'n naman kasi ang mga bunso sa t'wing nauutusan ng nakatatanda. Gano'n si Zarnaih sa 'kin noon.
Lumapit siya nang makontento sa mga isda. Salubong ang kilay at nakalapat ang mga labi. Sa iilang minutong nakatingin kami sa isa't isa, nakailang buntonghininga na siya, pagod siguro dahil galing trabaho. Pormal ang suot sa ilalim ng maroon leather jacket.
"Hi." Matamlay niyang binasag ang katahimikan, ginigising ako. At talagang ngayon niya lang naisipang bumati.
"You're here. Hi," sarkastikong sagot ko. "Sorry, I was not informed na ikaw ang susundo at maghahatid sa 'kin, Maxrill. Si Mang Pitong ang inaasahan ko. Pero walang problema!" Ipinakita ko ang excitement. "How are you?"
Hindi siya sumagot at nanatiling seryoso. Hindi ko tuloy malaman kung lalapit para bumeso at yumakap gaya ng normal naming ginagawa sa t'wing magkikita. Nakaka-bother ang pagiging seryoso niya. Pakiramdam ko tuloy, may ginawa akong mali nang hindi ko nalalaman.
Nilakasan ko ang loob. Lumapit ako at pinag-umpog ang mga balikat namin. Nakita ko nang mangunot ang kaniyang noo at halos pandilatan ako. Hindi ako nagpasindak.
"Kumusta ka sabi!"
"Tsh." Nag-iwas siya ng tingin at lumayo. "Everything's ready?" aniya nang lumapit sa mga gamit ko, hindi man lang ako nilingon.
"Ikaw ang maghahatid sa 'kin?"
"Obviously, yes," masungit niyang sagot.
Taas-kilay akong lumabi. "Oo, 'yan na lahat ang mga gamit ko. Pakibitbit."
Binuhat niya ang mabigat kong luggage dahilan para gumuhit ang mga ugat niya sa braso. Sinundan ko siya ng tingin nang dalhin ang lahat ng mga gamit ko. Lumapit ako nang maging ang handbag ko ay kinuha niya.
"Ako na rito," pag-agaw ko sa handbag.
Nagbaba siya ng tingin sa 'kin—bagay na hindi ko matanggap. Dati ay hindi halata ang agwat ng height namin. Paano nangyaring halos maabutan niya na si Maxwell ngayon?
Hindi niya pinakawalan ang handbag. Wala akong nagawa kundi panoorin siyang bitbitin at hilahin ang lahat ng gamit ko. Nahiya ako. Kung kay Maxwell ay nagawa kong iutos ang lahat, hindi ko magawa 'yon kay Maxrill.
Hindi mawala sa mga kamay at braso ni Maxrill ang paningin ko habang sinusundan siya ng tingin papalabas sa hotel. Hindi ko malaman kung lalapit ba para tumulong o hahayaan na lang siya. Hindi halatang nahihirapan o nabibigatan siya. Ang totoo, nakabibilib na parang walang laman ang mga bag at maleta ko kung dalhin niya, hindi gaya noong si Maxwell ang may bitbit at hila ng mga 'yon. Kung may talim lang ang kilay niya, sugatan na ako.
Grabe, naiiwan sa hangin ang amoy niya. Napaisip ako kung ipinaliligo ba ng magkakapatid na ito ang perfume nila. Lahat sila, gano'n.
Naagaw ng pula at vintage Dodge RAM truck ang paningin ko. Isa-isa at walang hirap na isinakay ni Maxrill ang mga gamit sa likod niyon. Natutuwa naman akong lumapit sa sasakyan. Mahilig ako sa mga lumang sasakyan. Kahit uugod-ugod na ay paborito ko ang Buick Vintage ko.
"Wow." Sinuri ko ang kabuoan, mula bubong hanggang sa gulong. "Is this yours?"
"Get in." Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tutok ang mga mata niya sa 'kin habang ang isang kamay ay nakahawak sa ibinukas niyang pinto.
"Where did you get this kind of car? I love classic cars, Maxrill! This is so fetch!"
"Mokz owned it before," pabuntong-hiningang aniya saka ako marahang itinulak papaupo sa passenger's seat. Gusto ko sana siyang pagalitan pero natigilan ako sa pag-iingat niyang maumpog ako. Mabilis siyang lumigid at sumakay. "He wanted to abandon it," nagkibit-balikat na aniya habang hinihimas ang manibela. "I took it. I know how to fix old cars. Now he wants it back."
"Wow."
I didn't know that. As in marunong siyang gumawa ng cars? Nakabibilib! Kung si Maxwell ito, paniguradong aabandonahin niya na rin ang sasakyan at bibili ng bago. Kung si Maxpein naman, paniguradong sasaktan niya ang mekaniko kapag hindi nito nagawa ang sasakyan niya.
Hindi ko namalayan ang sariling nakatitig na kay Maxrill. "Matibay pa?" Iginala ko ang paningin.
"Hindi nito kakayanin ang gamit mo kung hindi." Binuksan niya ang makina.
Naunsa mana siya, uy? Sumimangot ako. Kung gano'n ay mabigat nga talaga mga gamit ko? Bakit kasi binuhat niya lahat? Psh!
Tiningnan niya ako nang hindi ako sumagot. Parang inalam niya lang kung handa na ako. Pinaandar niya ang sasakyan matapos niyon. Na-amaze na naman ako. Maganda ang tunog at takbo niyon. Hindi ko maramdaman ang kahit ano; buhangin, patag, o mabato man ang daanan.
Panay ang linga ko, hindi magkandatuto sa pagkakaupo. Kung hindi sasakyan, paligid ang tinitingnan ko. Nagmukha tuloy akong ignorante.
"Sa tingin ko, tatagal pa ito kung aalagaan mo nang todo. Alam mo, 'yong sasakyan ko, pinaglumaan lang din 'yon ng daddy ko. Believe it or not, hindi pa ako nagkaroon ng brand new car. Hindi kami maluho ni Zarnaih sa cars. That's why my parents are saying that they're lucky to have us. Iba ang luho ko, you know." Nakangiti ko siyang nilingon. Sa itsura niya, para bang ingay na ingay siya sa 'kin. Napalabi ako.
Dati, panay ang tango niya sa t'wing magkukuwento ako. Minsan, kahit wala nang katuturan ang mga sinasabi ko, nakikinig pa rin siya. Madalas, tungkol 'yon kay Maxwell. Kahit nga hindi niya lubos na maintindihan ang Tagalog ko, panay ang tango niya na akala mo, naintindihan. Malalaman ko na lang, pinata-translate niya kay Mokz ang mga sinabi ko. Madalas nga, mali-mali pa ang sinasabi niya kasi hindi niya matandaan ang tamang salitang sinabi ko. Masaya siya sa t'wing maririnig ang boses ko noon. Halos ako nga ang bukambibig niya dahil iniiwasan siya ng mga kapatid niya.
Sobrang kulit kasi! Napabuntong-hininga ako sa katahimikan kaya naman dumada na lang ulit ako. "You know how much I love clothes, right? 'Yon ang luho ko. Thank God they discovered online shopping! To be honest, I haven't worn the same outfit twice. I mean I consider clothes old after wearing them more than thrice," tuloy-tuloy kong sinabi habang panay ang lingon sa labas at kung saan pa. "I am my own stylist—" Nahinto ako nang bigla siyang magpatugtog. Napalingon ako sa gulat.
Kung Ayaw Mo, Huwag Mo ng Rivermaya ang kanta.
"Ang lakas mo namang mag-sounds! Hinaan mo!" angil ko saka hininaan ang sounds.
"Tsk, hey!" Tinapik niya ang kamay ko.
"Nakakabingi!"
"You're louder than my speakers, Yaz," umiiling na aniya.
"What?" asik ko. Umismid lang ang mokong.
Walang karea-reaksiyon ang mukha niya. Nalilito ako dahil hindi ako sanay nang ganito siya. Naninibago ako dahil ganito na siya ngayon. Nasanay ako nang maingay siya at interesado sa maraming bagay. Naninibago ako dahil tahimik na siya ngayong magbinata.
Natawa ako nang maintindihan ang lyrics. "Do you understand what you're listening to, Maxrill?"
"Oo," malamya niyang tugon na sumulyap lang sa gawi ko pero hindi ako deretsong tiningnan.
"You like Filipino bands?"
"Hmm."
Tumango ako. "I love foreign songs, but I'm familiar with OPM." Bahagya akong humarap sa kaniya. "So, what's your favorite song?"
Nagkibit-balikat siya. "I'm always nonplussed when people ask me about my favorites," kunot-noong aniya. "I don't have any."
Nasorpresa ako. "Really? I mean, kahit ano? Psh. Ang weird niyon."
"What's weird with that?"
"Siyempre, lahat, may favorite! Parang ako—"
"Tsh. Of course, you have a favorite." Pinangunahan niya ako, nasa tinig ang pait at sarkasmo. "But I'm sure you don't have a favorite dress. You don't wear the same thing twice, right? Because if you do, you'll wear it more than thrice."
Natigilan ako. Nabara niya ako nang todo roon at hindi ako makaganti.
"Well." Tumaas ang kilay ko, gusto ko biglang magtaray. "Hindi naman sa gano'n. Meron pa rin akong favorite, like designs, colors, like that. 'Yon ang madalas kong piliin at suotin."
"I don't have a particular type when it comes to things. I only have my likes and dislikes, my thing and not my thing. No favorites."
Naantig ang interes ko. 'Yon ang kaibahan niya sa nakatatanda at mas mayayabang niyang kapatid.
Si Maxwell, mahilig sa sasakyan. Favorite niya 'yong red niyang kotse, but his favorite color was black, that was why he always wore black. He loved traveling, his favorite country was Japan. His favorite drink aside from water was creamy coffee. He loved reading, hindi lang dalawa o tatlong beses niyang binasa ang medical books niya. I knew everything about him except for his feelings.
Si Maxpein, favorite ang sariling motor. Kahit pa may kotse, pinipili niya pa ring gamitin si Rabbit. Favorite snack niya rin ang Stik-O at Yakult. Kaya niyang kumain niyon maya't maya, pitong beses sa isang linggo.
Hilig din ng dalawang 'yon ang magyabang. Paulit-ulit nilang ginagawa 'yon.
Nakangiwi akong tumango. May pinagkaiba pala siya roon sa dalawa.
Dahan-dahan niya akong nilingon, sandaling tiningnan, bago itinuong muli ang paningin sa daan. Doon ko lang namalayang nakatitig pa rin ako sa kaniya.
Nag-iwas ako ng tingin at muling tumango-tango. Nakatutuwa, nakabibilib na iba siya kina Maxwell at Maxpein. At least, hindi na siya magmumukhang anino ng kuya at ate niya. Noon kasi, para siyang saling-pusa sa lahat ng bagay. Siya rin ang kulelat. Ginagawa siyang bola, at pinagpapasa-pasahan ng dalawa.
Dati, naaawa pa ako sa kaniya kasi gustong-gusto niyang maka-bonding 'yong dalawa, pero parehong suko ang mga 'yon sa kakulitan niya. Parati siyang naiiwan. Tuloy ay bine-baby siya masyado ng mga magulang niya. Ngayon, nakabibilib na may sarili na siyang lakas para sabayan sina Maxwell at Maxpein.
"How often do you listen to this song? Kung madalas, eh 'di, paborito mo ito," sabi ko.
"Then favorite ko ang lahat ng bands. I listen to all of their songs the whole day, every day, on repeat."
"So, wala kang favorite song? Ang weirdo mo, ah."
"I'm not weird, okay? You can't expect an answer from Maxwell about his favorite book, he'll kill you. You can't let Maxpein point out her favorite taco, she'll knock you out. Kung weird ako, ano pa sila? Tsh."
"Weird kasi kayong lahat," pabulong kong asik.
"I just don't really have strict absolute favorites. I wouldn't dare limit my experience."
Wow. Napangiti ako. "Nakabibilib ka naman." Totoong bilib ako sa mga sinasabi niya, ang laki ng ipinagbago niya, paulit-ulit akong nagugulat at humahanga.
Hindi niya ako tiningnan pero sumulyap siya sa gawi ko. Hindi siya nagsalita kaya itinuon ko na lang sa daan ang paningin.
Malinis at sementado na ang kalsada, jindi gaya noon na halos manakit ang lubot ko sa kaaalog sa sasakyan. Hindi pa rin fully developed, may parts na marami at matataas ang talahib, mapuno, wala masyadong bahay, at presko ang hangin. But if they asked me, I didn't want people to change it. I wanted the place to stay as it was. Imbes na pagkakitaan, kailangan nilang ingatan ang yaman at ganda ng Palawan.
Palibhasa'y malapit lang, nakarating agad kami. Bumaba si Maxrill para pagbuksan ako ng pinto. Hindi na rin ako hinintay na makababa ng loko, pinuntahan na ang mga gamit.
Ano ba ang ikinasusungit niya? May topak siguro. "Thank you," nahihiya kong sinabi matapos siyang panoorin lang na ibaba ulit ang mga gamit ko.
Ngayon ko lang napagmasdan nang todo ang magandang lugar. Humanga na naman ako kay Maxwell. Talagang tinupad niya ang lahat ng pangarap at plano sa lugar na ito. Nandito na lahat. The place was a master-planned medical, recreational development, residential, and commercial complex. Para itong isang malaking compound na kompleto sa necessities ng mga tao. May convenience stores, coffee and tea shop, maliit na park, at kung ano-ano pa. Para siyang bumuo ng maliit na city sa lugar na ito.
Muli kong tiningala ang hospital at napangiti sa penthouse ni Maxwell. It was so unique and luxurious. 'Yon ang nasa sentro ng lugar. Napalilibutan ng maraming puno at halaman, may nakaaaliw na park sa tabi para sa mga bata. Nasa kabilang part ang payapang dagat. Ang ospital na hindi maipagkakailang pag-aari nila dahil sa letrang "M" nitong porma.
"This way," ani Maxrill nang akma akong tutuloy sa ospital. "You're going straight to the flat."
Sinulyapan kong muli ang ospital saka nakasimangot na sumunod sa kaniya.
Kaliwa't kanang halamanan at maliliit na puno ang sumalubong sa amin. Napakarami ring bulaklak, iba't iba ang kulay at mukhang sagana sa alaga. Gusto ko tuloy amuyin.
Tiningala ko ang kulay abo at walong palapag na building. Sa isang tingin pa lang, masasabi nang hindi basta-bastang materyales ang ginamit. Parang kahit anong lindol, hindi magigiba.
"I like the design of this building. It's so . . . fetch," nasabi ko bago kami tuluyang pumasok.
"Yeah," pabuntong-hiningang sagot ni Maxrill. Napatingin tuloy ako sa mga gamit kong dala niya. "Deib Lohr designed the entire building. All of his plans went really well. We were all satisfied."
Napangiwi ako dahil gano'n na lang talaga ang tawag niya kina Deib Lohr at Maxwell. Pero naisip ko, Mokz lang din ang tawag ko sa kanilang lolo.
Nakangiwi akong tumango saka iginala ang paningin. Lalaking-lalaki ang design and details ng lugar. Maging ang mga kulay ay hindi kataka-takang lalaki ang pumili. Hindi umaabot sa lima ang kulay na nakikita ko: itim, puti, abo, at krema. Pero hindi masakit sa mata. Lahat ay bumabagay sa bawat isa.
"Hindi ko alam na minimalist pala si Deib Lohr," sabi ko habang nakatingin sa paintings na alam kong ito rin ang nag-paint. "Kung si Maxwell siguro ang nag-design nito, paniguradong maraming arte."
"No way. He's very picky."
Natawa ako. "I agree." Sumulyap ako sa relos. "Lunchtime na pala. Kumain na kaya siya?" pabulong kong sabi.
"Wilma will take care of him." Sinulyapan ako ni Maxrill bago tumuloy sa front desk. Hindi ko inaasahang maririnig niya ako.
Wilma? Tumaas ang kilay ko. Who the hell is Wilma?
Agad akong sumunod at pinanood siyang kausapin ang isa sa mga babae roon. Hindi magkandaugaga ang mga babae sa harap ni Maxrill. Nagkandautal-utal ang isa sa pakikipag-usap habang ang isa naman ay aligaga sa pagdulog sa kailangan namin. Gustuhin ko mang itanong kung sino ang Wilma na tinutukoy niya, hindi ko na nagawa.
Inihatid ako ni Maxrill sa kuwarto. Sinadya niyang hindi magpatulong. Siya ang nagbitbit at naghila ng mga gamit ko. Nangunang pumasok si Hee Yong. Dumeretso ito sa carpet na nasa sala at humiga. Inilapat nito ang ulo sa mga kamay at saka nanood sa amin.
Napanganga ako sa ganda ng unit ko. Mabilis kong nilibot ang buong lugar at humanga dahil wala akong makitang kulang sa mga gamit. Hindi ako makapaniwalang dito ako titira.
"Is this really for me?" nagugulat ko pa ring sabi.
Walang naging reaksiyon si Maxrill nang lingunin ko. Deretso lang siyang nakatingin sa 'kin, malapit sa vanity na nasa tabi ng pinto, nakasandal, nasa bulsa ang isang kamay. Sa ilang dipang layo namin sa isa't isa ay naamoy ko ang humahalimuyak niyang bango.
"This place is so big!" bulalas ko, manghang-mangha. Hindi na naman siya sumagot.
Pumasok ako sa kuwarto at muling humanga. Talagang kompleto ang gamit. Actually, may mga damit din doon, puro puti at itim.
Mabango ang washroom nang pasukin ko. Kung lahat ng kuwarto, ganito ang ayos, wala nang mamomroblema sa personal needs. Kompleto ang gamit!
"Wow." Muli akong lumapit kay Maxrill na deretso pa ring nakatingin sa 'kin. "Thank you." Bigay na bigay ang ngiti ko pero wala akong makuhang reaksiyon at sagot. Nailang tuloy ako. "Are you okay?" Alanganin akong ngumiti. "Are you hungry?"
Umiling siya saka nag-iwas ng tingin. Lumapit siya sa malaking bintana at hinawi ang malaki ring kurtina. Tumambad sa 'kin ang overlooking ng beach mula sa balcony.
"Oh my!" Napatili ako. "Ang ganda-ganda rito!" Nagkumahog akong sumilip. "Thank you talaga!"
Nagbaba siya ng tingin sa 'kin. "You don't have to thank me. Thank my brother. You're Maxwell's. He'll give you everything."
Natigilan ako. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mao-offend sa sinabi niya. Hindi ko maramdamang kailangan kong ipagmalaki ang sinabi niya. May pait sa tinig niya na hindi ko mahanapan ng dahilan.
Sumimangot ako. Galit ba siya sa 'kin? Ano'ng ginawa ko? Sa inis ay lumapit ako at hinila ang kaniyang polo. Nakakunot na ang kaniyang noo nang lumingon sa 'kin. Lalo akong sumimangot bago siya pinagtaasan ng kilay.
"Kanina ka pa tahimik. Kung sumagot ka naman, sobrang sungit. Galit ka ba sa 'kin, Maxrill?"
Matagal siyang tumitig sa 'kin. Hindi siya mukhang galit pero hindi ko mapangalanan ang emosyong nasa mga mata niya.
Lumabas siya sa balcony at suminghap. "You stayed in Maxwell's space." Nakapamaywang siyang humarap sa 'kin. "Why?"
Natigilan ako. 'Yon ba ang ikinagagalit niya? So, galit nga siya?
Hindi ko alam kung paanong magpapaliwanag. Ni hindi ko alam kung may karapatan ba akong magpaliwanag. Natatakot akong baka iba ang isipin niya sa isasagot ko. Posibleng isipin niya na makapal ang mukha ko, kahit 'yon naman talaga ang totoo. Posible ring isipin niyang gano'n ako ka-easy-to-get, kahit totoo rin naman 'yon.
Paano ba ako magpapaliwanag?
"He asked me to stay there," nahihiya kong sagot.
"Of course, he did." Mapait ang ngisi niya, medyo nainsulto ako. "You let him because you wanted to stay there too, right?"
Hindi ako nakasagot, Nagbuntonghininga siya at tinalikuran ako. Sinundan ko siya ng tingin saka ko nakamot ang ulo.
"I'll go to the hospital. You wanna come with me?" tanong niya nang nakapamulsa lang, nakaharap sa gawi ko pero hindi ako tinitingnan.
Awtomatiko akong lumapit. "'Wag mo akong sungitan, sasama ako sa 'yo."
Doon niya ako pinukol ng tingin, nananatiling seryoso. "Kahit hindi ako magsungit, hindi ka sasama sa 'kin nang dahil sa 'kin. I'm jealous, Yaz."
Sumuko ang atay at balun-balunan ko sa sinabi niya. Natawa ako sa gulat, humalakhak nang bitin at halatang nabibigla. "Bakit ka naman magseselos? I mean . . ." Gusto kong sundan ang sasabihin pero sa isang sulyap niya ay napipi ako.
Bakit nga ba siya magseselos? Bakit nga ba nagseselos ang isang tao? Hindi ko sinagot ang sarili. Ayaw kong sa 'kin manggaling ang sagot. I was not ready for that.
"Let's go," anyaya niya saka ako tinalikuran. Halos bumangga ako sa kaniya nang muli siyang lumingon. "Hee Yong!" maawtoridad niyang tawag. Ayun naman at kakawag-kawag ang buntot ng aso nang lumapit. Kinausap ito ni Maxrill sa salita nilang hindi ko maintindihan.
Galing na ako sa penthouse pero ngayon ko lang nakita ang kabuoan ng hospital. Nakanganga ko yatang pinagmasdan ang bawat parts. Parang lahat, gawa sa glass. Hindi lang ang walls, even ang marble floor tiles, parang may glass on top of it. Nakabibilib sa ganda. Noon lang ako nakakita nang gano'n ka-luxurious na ospital.
Hindi pa nga gano'n karami ang employees. O sadyang nasanay lang ako sa BISH na kaliwa't kanan ang nurse na naglalakad at iba pang hospital personnel.
"Hee Yong." Yumuko si Maxrill saka ito kinausap sa sarili nilang lengguwahe. Nakatutuwang parang nakaintindi ang aso dahil nahiga na lang ulit ito at tumitig sa amo, saka ako sinulyapan ni Maxrill, senyales na sumunod na ako sa kaniya.
Nakasunod sa amin ang paningin ng karamihan—patients, relatives ng patients, at healthcare workers. Wala ni isa sa mga 'yon ang nilingon ni Maxrill. Lahat ay humahangang pinanood siyang maglakad hanggang sa pumasok kami sa elevator. Tahimik si Maxrill hanggang doon.
Umakyat kami papunta sa ward. Tahimik. Naghahalo ang natural na amoy ng chemicals, wall paint, at air freshener. Naglakad kami hanggang sa maabot ang dulo. We turned left and reached the doctors' quarters. All glass din ang walls at overlooking ang beach. May conference table, kaliwa't kanang vending machine na may chips, drinks, coffee, at tea. May limang malalaking TV screens kung saan baseball ang mapapanood sa dalawa, and the rest, nasa medical channel na. May kulay itim at leather ding sofa sa harap ng pinakamalaking TV. Sa magkabilang tabi ay naglalakihang bookshelves na puno ng makakapal at maninipis na libro.
Napalingon ako nang lumabas mula sa isang pinto si Maxwell. Sa 'kin unang dumapo ang paningin niya bago nilingon ang kapatid. "You came," nakangiting aniya saka lumapit at yumakap kay Maxrill.
Nakatutuwa sa t'wing makikita silang gano'n. Akala mo, hindi nagkikita. They didn't say it much, but you saw in their eyes and actions how happy they were to see each other.
"Have a seat," alok ni Maxwell. Tumitig siya sa 'kin na para bang sinusuri ang kabuoan ko, saka siya muling bumaling kay Maxrill. "Kumusta?"
"I'm busy," nakangiwing ani Maxrill.
"Good." Tumango si Maxwell. "I heard Mokz left the country. Who's taking care of Mom and Dad?"
"Dirk is dedicated to his work. He takes care of everything. Besides, Maxpein's around."
"How's your project?"
"Mind-blowing. I think, South coast is going to be a problem."
Kumunot ang noo ni Maxwell at umayos ng upo. "Why, what is it?"
"I'm not yet sure." Bakas sa buntonghininga ni Maxrill ang bigat ng problemang sinasabi niya. "There's this someone who wants to own the entire private land, I heard." Naningkit ang mga mata niya saka itinutok ang paningin sa kapatid.
"Are you sure?"
Tumango si Maxrill. "I checked all of his transactions. He's damn serious."
"Seriously? That land is private. Paano niya nalaman ang tungkol doon?"
"That's why I'm here. I wanna know his singularity, knack, and baggage, in case he doesn't know who he's dealing with."
Ayun na naman sila sa pag-uusap na hindi naman kalaliman ang mga salita, nauunawan at naiintindihan, pero parang sila lang ang nagkakaintindihan. 'Yon ang misteryo nilang parati. May pagkakaunawaan sila nang sila-sila lang. Kung mag-usap, hindi kompleto ang detalye, ni walang banggitan ng pangalan. Pero kakatwang nakikilala nilang parati ang tinutukoy ng bawat isa. Nakababaliw.
"Be careful, Rill." Nar'on ang pag-aalala sa tinig ni Maxwell. "Call me if you need help, I'll call Maxpein," biglang biro niya.
"She doesn't know anything about it yet. It's her freaking land."
Humalakhak si Maxwell. "You gotta warn this whoever-he-is," mariing aniya. "He's in danger."
Pinaglaro ni Maxwell ang daliri sa labi saka sumulyap sa 'kin. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at halikan sa likod. Napapamaang kong tinitigan ang kamay ko saka nagtatanong na tumingin sa kaniya. Pero na kay Maxrill na uli ang kaniyang paningin. Nang si Maxrill naman ang lingunin ko, masama na ang tingin niya sa kamay ko, maging sa 'kin.
"Have you heard of the Venturis, Rill?" kaswal na tanong ni Maxwell.
Kumunot ang noo ni Maxrill. "What's that?" Siya rin ang natawa sa sarcasm niya.
"They're planning to construct a casino." Sarkastikong humalakhak si Maxwell. "I turned them down."
"I don't know them. Baka ako, kilala nila," kaswal na ani Maxrill, inosente sa kayabangang taglay.
"Maybe they're the ones trying to score the entire south. Hindi na ako magugulat. That guy's a bit pushy. What's his name again?" Nag-isip si Maxwell. "Oh, Montrell. Montrell Venturi." Ngiwi lang ang isinagot ni Maxrill.
"Excuse me, Doc?" Natinag kami nang may kumatok. "Emergency."
Agad na tumayo si Maxwell at isinuot ang gown. Lumapit siya at humalik sa noo ko, bagay na hindi ko napaghandaan. Natigilan ako at napalunok. "I'll see you later," bulong niya saka bumaling sa kapatid. "Let's have dinner together, alright?"
"Arasseo," ang tanging tugon ni Maxrill.
Sinundan ko ng tingin si Maxwell, gulat pa rin. Naiilang naman ako kay Maxrill. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa nakita. Sapo niya na ang mata at noo nang sulyapan ko. Matagal siyang tumingin sa kung saan bago tumayo at iniwan ako.
Aligaga naman akong sumunod. "Where are you going, Maxrill? I'm coming with you," excited kong sinabi.
Nagbuntonghininga siya. "Somewhere."
"Saan?"
Matagal bago siya sumagot. "Outside."
"Samahan na kita." Sumunod ako nang sumunod sa kaniya.
"I'll take Hee Yong outside."
"Huh, saan?" Kinawayan ko si Hee Yong na tumayo nang makita si Maxrill.
"Somewhere outside, okay?"
Natawa ako kasabay ng pagkamot sa ulo. "Panay ka somewhere at outside, saan ba 'yon?"
"At the back of the building, then."
"What are you going to do there? Sasama ako," pangungulit ko.
"Hee Yong's going to poop," aniya, tumitig sa 'kin.
Napangiwi ako, pinanood niya ang reaksiyon ko. "Okay, I'll join you guys," nakapamulsang sabi ko.
Pumunta kami sa park na para sa mga bata. Malakas ang hangin. Nagsisimula na ring dumilim. Pinanood ko si Maxrill na sundan ng tingin si Hee Yong. Nagpalakad-lakad ito habang inaamoy ang bermuda grass pero lumampas ito sa park kaya sinundan namin. Umabot kami malapit sa dalampasigan.
Nakapamulsang tumabi si Maxrill sa malaking bato at tinanaw ang nagpapaalam nang araw. Sinulyapan ko si Hee Yong na nagmimilagro sa isang tabi, saka ako lumapit kay Maxrill at naupo sa malaking bato.
"Are you gonna stay here too?" tanong ko.
"No."
Tumango ako. "Aasikasuhin mo lang 'yong napag-usapan ninyo ni Maxwell kanina?"
"Yes."
Muli akong tumango-tango. "Ang ganda rito, 'no?" sabi ko nang walang masabi, saka sinuyod ng tingin ang payapang lugar.
The place was very relaxing, peaceful, good for the body and mind. Hampas ng tubig, sumasayaw na puno, at mga lumilipad na ibon lang ang maririnig.
"Don't you have a girlfriend, Maxrill?" maya-maya ay tanong ko.
Natigilan siya at lumingon sa 'kin. Tumitig siya na para bang may mali at masama sa tanong ko. Na para bang napakamanhid ko para magtanong nang gano'n.
Napalunok ako saka nameke ng tawa. "I mean, you're in the right age naman na. Saka sa ganyang edad dumarami ang crush."
"Do you know how old am I now?"
Nakasimangot akong nag-isip. Hindi niya nahintay ang sagot ko, humarap siya at napepesteng tumitig.
Ilang taon na nga ba siya ngayon? Ang alam ko lang ay malaki ang tanda ko sa kaniya. "I'm six years older than you, right?" Halatang hindi rin ako sigurado.
"How old is my brother?"
"Thirty-one," mabilis kong sagot.
"Tsh," palatak niya saka ako muling tinalikuran.
"So, you're twenty . . . three?" hula ko.
"I'm twenty-four." Naiinis niya akong nilingon.
"Eh 'di, tama nga ako." Pumalakpak ako. "Anim na taon ang tanda ko sa 'yo."
"You weren't sure. Your guess is wrong."
"Psh! Ang tanong ko kasi, kung may girlfriend ka na ba. Hindi kung ilang taon ka na o ilang taon ang tanda natin sa isa't isa. Kung wala kang girlfriend, how about crush?"
"I'm too old for crushes."
"What?" nakangiwing sabi ko. "Uy, hindi, 'no! You're never too old to have nice feelings. I mean your age is the starting path of putting together the ideas of love, physical feelings, and connection."
"Exactly," pabuntong-hiningang aniya. "Love and crush are two different feelings."
"At ano ang kaibahan?" nakangiwing tugon ko.
"Crushing is a bit less dramatic than love. The only problem about crushing is the awkwardness of friends finding out and laughing at you."
Nakangiwi akong ngumisi at tumangong muli. Malakas ang loob ko dahil wala sa 'kin ang paningin niya. "And what about love?"
"Love is about decision-making." Humarap siya sa 'kin. "It's to either move on or make advances toward someone until you're satisfied." Ayun na naman ang nanliliit niyang mga mata habang nakatuon sa 'kin. "Ang gusto ko lang ay makita, makausap, at makasama araw-araw ang crush ko noon," seryoso niyang sinabi, deretsong nakatingin sa 'kin. "Pinag-iisipan ko nang ligawan siya ngayon."
Nawala ang ngiti sa labi ko. "Ah, talaga?" sabi ko sabay iwas ng tingin. "Sino ba 'yang crush mo?"
"Tsh." Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong muli siyang tumalikod.
Natahimik ako. Hindi ko alam kung lilingunin pa ulit siya. Sa halip na panoorin si Hee Yong na dumumi, ang paglubog ng araw na lang ang tiningnan ko. Sobrang ganda. Nakita ko kung paanong nagbago ang kulay ng mga ulap. Mula sa puti, naging kahel ito hanggang sa kainin ng dilim.
Inihatid ulit ako nina Hee Yong at Maxrill sa unit ko. Hindi na sila pumasok, nakahinga ako nang maluwag. Naiilang pa rin ako sa napag-usapan namin ni Maxrill. Mula ngayon, pag-iisipan ko na ang topic sa t'wing kasama ko siya. Ayaw kong mag-assume pero sa t'wing magkausap kasi kami, nauuwi sa nararamdaman niya ang usapan.
Ayaw kong kilalanin ang nararamdaman ni Maxrill. Kung iba siguro ang nasa sitwasyon naming dalawa, hindi ko 'yon pag-iisipan nang masama. Pero dahil ako at siya ang involved, ayoko. Hindi ko matanggap. Pakiramdam ko, nagkakasala ako sa pamilya niya at sa mata ng ibang tao. Kahit pa wala kaming ginagawa at kapatid lang ang tingin ko sa kaniya.
Matagal akong naligo, nasobrahan sa tuwa sa tub. Pero nang matapos ay naglagay ako ng light makeup saka pumili ng isususot sa dinner. Habang naghihintay, nag-unpack ako ng mga gamit. Kung walang nag-doorbell, hindi ko mapapansin ang oras. Masyado akong naaliw.
Patakbo akong pumunta sa pintuan, I was sure it was Maxwell. Hindi nga ako nagkamali. Ayun siya, guwapong-guwapo sa simpleng pagkakatayo sa harap ng pinto.
"Are you ready?" tanong niya saka tumuloy.
"Not yet." Napapikit ako nang salubungin niya ng halik ang aking noo.
"Dinner is ready."
"Will you wait for me?"
"Of course." Magkaakbay kaming dumeretso sa kuwarto. "Hmm, you need help?" aniya nang hubarin ang coat. Nakita niya ang makalat ko pang mga gamit.
Umiling ako. "I'm hungry na."
"Me too. We can do this later, after dinner."
"No, you're tired na. I can finish everything later. Kaninang umaga ka pa sa trabaho, hindi ba?"
"Yeah," pabuntong-hiningang aniya. "But I'm fine, I can help you."
Yumakap ako sa kaniya. "'Wag ka nang mapilit. Magpahinga ka na lang para bukas, may lakas ka."
Tumitig siya sa mukha ko at saka ngumiti. "Do you like your place?"
"Yes!" excited kong sagot. "Thank you, and thanks for the flowers too. You're so sweet." Hinalikan ko siya sa pisngi at saka ako kumalas. Nagbihis ako at ilang sandali pa ay pababa na kami. "Saan tayo magdi-dinner?" excited kong tanong nang nasa daan na kami.
Ngumiti siya pero tutok sa pagmamaneho ang paningin. "Somewhere special."
Hindi na ako nangulit. Ayaw kong ubusin ang natitirang lakas ni Maxwell sa kakulitan ko lang. Panigurado kasing pagod na siya sa trabaho at ginagawa lang ito para sa 'kin. Na-appreciate ko ang effort niya. Gusto ko tuloy pagsisihan ang mga inisip ko kanina lang umaga.
Pinindot ni Maxwell ang player at natawa ako nang marinig ang kanta. Bakit Ba Ganyan ni Dina Bonnevie.
"Wow! Hindi ko alam na ganyan pala ang music taste mo," biro ko.
Natawa rin siya. "It's Keziah's, okay?"
Unti-unting nawala ang ngiti ko. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon 'yon sa labas. "Sumasakay siya rito?"
"Yeah." Naramdaman ko nang lumingon siya sa 'kin. "Madalas."
Tuluyan nang nawala ang ngiti sa labi ko at hindi na kumibo pa. Ayun na naman ang mga tanong gaya kaninang umaga. Kinukuwestiyon ko na rin ngayon maging ang bulaklak at dinner, kung totoo nga bang sweet ang mga 'yon. O ginagawa niya lang 'yon dahil gano'n ang normal sa relasyon. Hindi na mawawala ang pag-iisip ko kung ano ang tawag sa relasyon namin. Ayaw ko mang gamitin ang salitang relasyon, wala nang ibang salitang pwedeng ipalit para hindi ako umasa, at ayokong paasahin ang sarili ko.
Matapos ang mahabang biyahe, narating namin ang seafront restaurant. Kahit madilim, nakita kong napalilibutan ng puno ang daan. May design na dalawang malalaking maskarang pang-tribe sa magkabilang kahoy sa entrance. Inalalayan ako ni Maxwell pababa at sabay naming pinasok ang wooden bridge na napalilibutan ng matatayog na mangroves.
"Wow." Nakangiti at tatango-tango kong tiningala si Maxwell. "It's beautiful here."
"Just like you," nakangiting aniya saka iginala ang paningin.
Ngumiwi ako saka muling itinuon sa paligid ang mga mata. Sobrang ganda ng lugar, 'yon pa lang ang nakikita ko. I think mas maa-appreciate ko 'yon kung umaga. Hindi ko masyadong makita kung gaano karami ang mangroves ngayon at kung hanggang saan ang maaabot ng pathway. It looked romantic, though.
Excited man akong marating ang dulo ng mahabang wooden bridge, hindi ko mapigilang hangaan ang magandang daan.
Dayon camo. Binasa ko ang nakasulat sa panibagong entradang nasa harapan namin. Nilingon ko si Maxwell at mukhang nakuha niya ang tingin ko.
"It means welcome," nakangiting aniya.
Ngumiwi ako. I know.
Muli pa akong humanga nang marating namin ang dulo. The seafront restaurant rested on stilts above the water. Mas maganda pa 'yon kaysa nasa isip kong makikita. Maganda ang ambiance at kahanga-hanga ang interior designs at handmade decors. Madilaw ang ilaw pero bumagay sa lugar, lalong pinagmumukhang romantic.
May dalawang staff na sumalubong sa amin para ihatid kami sa may kalakihang table, perfect spot to enjoy the magnificent view of the sea. May parts akong hindi makita dahil madilim, pero natuwa ako dahil kumikinang sa tubig ang liwanag ng buwan. Pipiliin ko pa ring puntahan 'yon nang gabi.
May ilang customers bukod sa amin pero lahat, malayo sa table namin. Tiningnan ko si Maxwell, nakatingin lang din siya sa 'kin. Ngumiti ako saka naupo sa harap niya.
Bakit nga ba naisip kong date ito? Naisip ko 'yon matapos makitang apatan ang table.
Hindi na ako nagulat nang maya-maya lang ay pumasok si Maxrill. Ang ikinagulat ko ay nang makitang kasama nito si Keziah.
Nanibago na naman ako kay Maxrill. Dati, mukha siyang model kahit saan man magpunta. Sumobra naman sa kawirduhan ngayon. He was wearing a white V-neck shirt, black ripped jeans, and black low-cut Chucks. Hindi ko naiwasang isipin na ginagaya niya ang porma ng mga bandang pinakikinggan niya.
"Hi, good evening," bati ni Keziah.
Agad siyang lumapit kay Maxwell para yumakap at bumeso na animo'y ilang buwan silang hindi nagkita. Kahit na ang totoo, magkasama sila sa trabaho. Gusto kong um-order ng bagong kulong seafood soup at madulas sa harap niya.
"Hi, Yaz!" Sa 'kin naman siya lumapit para yumakap. Iniwasan ko ang beso niya.
"Hi." Si Maxrill ang binalingan ko. Hindi naman sumagot ang loko, naupo na lang basta sa harap ko.
"Kung ganito tayo gabi-gabi, magastos," biro ni Keziah.
"KKB ba?" naaasar, nagpapanggap kong biro. "Nagtitipid ka?"
"Huh? Of course not. Besides, it's Maxwell's treat," ani Keziah.
"Just kidding," humahalakhak na sabi ko. "Walang problema sa 'kin kung gabi-gabi akong kumain dito. I like the place!" Hindi na sumagot si Keziah, nginitian na lang ako.
Gaya ng inaasahan ko, puro seafood halos ang is-in-erve. May crab na pinaliguan ng creamy coco sauce, sizzling squid rings, grilled fish na may kasamang seaweeds, clams in clear broth, crispy pata, bagoong, at paborito kong enseladang talong. May fruit slices, buko juice, at iced tea rin.
"Try this one." Pinagsilbihan ako ni Maxwell.
Halos lahat ng klase ng pagkain ay inilagay niya sa plate ko. Hindi niya inalis ang paningin sa 'kin hangga't hindi ko tinitikman isa-isa. Maging ang reactions ko, hinintay niya.
Natawa ako. "Kumain ka kaya, Maxwell."
"No, I wanna see your reaction. What can you say? It's good, right?"
Ngumunguya akong tumango. "It's delicious!"
Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. "Now, try this." 'Yong crab naman ang inilagay niya sa plate ko.
"Go ahead and eat. I'll try everything."
"Eat it," excited niyang sinabi.
Natawa ako. Hindi ko malaman kung maninibago sa astang 'yon ni Maxwell o ano. Sinulyapan ko ang mga kasama namin, pareho lang nanonood ang mga ito. Nahiya tuloy ako.
"I'll eat everything. Eat your food na," utos ko kay Maxwell.
Maya-maya, nag-open ng topic ang intrimitidang Keziah kaya sa kaniya na napunta ang atensiyon ni Maxwell. Noong una, nakikinig ako. Pero nang walang maintindihan, itinuon ko kay Maxrill ang paningin. Natawa ako nang makita kung gaano na siya kalinis kumain ngayon. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang amount ng food sa plate niya.
Nasanay kasi akong walang natitirang space sa plate niya sa t'wing kumakain. Kaya nga madalas siyang napagagalitan. Siya kasi ang pinakamakalat kumain sa lahat. Kabaligtaran ni Maxwell na sobrang linis naman.
"Masarap ang crispy pata," sabi ko habang humihigop ng buko juice.
"Eat all of it, then."
"Tataba ako," nakangiwing sabi ko. "Saka ikaw ang matakaw rito," biro ko.
Hindi na siya sumagot. Na-bore tuloy ako. Hindi na ako nakasingit sa usapan nina Maxwell at Keziah, lalo pa at tungkol sa complicated case ng patient ang topic nila. Kahit nakaka-relate ako, it was kind of awkward, baka iba ang conclusion ko.
"Pwede akong lumabas sandali? Magtitingin-tingin lang ako," paalam ko nang hindi na makatiis sa pakikinig.
Natitigilang nag-angat ng tingin sa 'kin si Maxwell. "Where are you going?"
"Diyan lang." Itinuro ko ang wooden bridge.
"I'm coming with you."
"Hindi na." Pinigilan ko siya. "Nasa labas din naman si Maxrill. Magpapasama na lang ako sa kaniya."
Kumunot ang noo ni Maxwell. "I'm coming with you."
Pinandilatan ko siya. "'Wag mong iwan si Keziah nang mag-isa rito. I'm okay."
Lumabas ako at naglakad-lakad. Kaliwa't kanan ang lingon ko, napapangiti sa ganda ng paligid. Hindi na yata ako mahihinto sa paghanga. Humawak ako sa kawayan at tiningala ang buwan. Bilog na bilog 'yon, maliwanag pero hindi nakasisilaw.
Pero naagaw ng tunog ng gitara ang atensiyon ko. Napalingon ako sa dulo ng wooden bridge kung saan nanggagaling ang tugtog. Nar'on si Maxrill, kaharap si Hee Yong. Nakatayo siya, nakataas ang isang paa sa kawayan upang maipatong sa hita ang gitara habang si Hee Yong ay nakaupo, nakalabas ang dila, at nakatingala sa kaniya, nakikinig.
Maingat akong naglakad papalapit. Ayaw kong masira ang moment nila. Hindi ko malaman kung matatawa o ano. Nakatutuwa silang panoorin. I didn't know why I found it sweet and unique. Si Maxrill lang ang kilala kong nanghaharana ng aso.
Nang makalapit, doon ko lang narinig nang maayos ang kanta. Pare Ko ng Eraserheads at bagay na bagay sa boses niya. Ngayon, sigurado na akong si Maxpein lang ang pinagkaitan ng magandang boses sa kanila. Banayad ang tinig ni Maxrill bagaman lalaking-lalaki, bagay sa banda ang boses niya.
Huminto ako bago tuluyang makalapit at nakangiting nanood. Palitan ang tingin ko kina Hee Yong at Maxrill, pero sa huli ay natuon na kay Maxrill dahil sa boses niya. May hawig sa boses ni Maxwell, may hindi maipaliwanag na gasgas. Malaki nga lang ang boses niya kompara sa bunsong ito.
Huminto si Maxrill at lumingon sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko at nakagat ang labi. Hindi ko malaman kung babalik na sa restaurant o magso-sorry muna. Dahil sa pagkakakunot ng noo ni Maxrill, mukhang hindi niya nagustuhang nasira ko ang moment nila ni Hee Yong.
"I'm sorry," nahihiya kong sabi.
Hindi nagsalita si Maxrill. Hindi rin siya kumilos. Nanatili lang siyang nakatingin sa 'kin.
Nang hindi ko malabanan ang tingin niya ay tumalikod na lang ako basta at nagmadaling naglakad pabalik.
Pero natigilan ako nang tumugtog uli ang gitara kasunod ang banayad na tinig niya. Hindi ko malaman kung bakit nakatalikod naman ako pero, feeling ko, nakaharap na siya sa 'kin.
Marahan akong lumingon, hinahawi ang buhok na nililipad ng hangin, hanggang sa muling magtama ang aming paningin.
Itinuloy niya ang pagtugtog, Ligaya ng Eraserheads na ang kinakanta. Kinanta niya 'yon nang sobrang bagal. Nagtutunog malungkot ang kanta kompara sa original na may kabilisan at saya.
Tumugtog siya nang mabagal habang humahakbang papalapit nang hindi inaalis ang malungkot na tingin sa 'kin.
Kinabahan ako. Hindi ko malaman kung mananatili o aatras na lang. Hindi ako makakilos. Ginawa niya 'yon nang paulit-ulit at huminto may isang hakbang bago kami magkabunggo.
Huminto ang mga daliri niya sa pagtipa at hinawakan na lang ang gitara gamit ang isang kamay para mawala 'yon sa pagitan namin. Napalunok ako.
Naging mas mabagal na ang pagkanta niya, halos maduling sa pagkakatitig sa 'king labi. Sunod-sunod ang paglunok ko, naestatwa sa kinatatayuan nang maramdaman ang hininga niyang malapit na sa mukha ko, at halos ibulong na lang ang kanta.
Napapikit ako nang hawakan niya ang pisngi ko. Dumiin ang pagkakapikit na 'yon nang maramdaman ang dampi ng kaniyang labi sa 'king pisngi.
What the hell, Yaz?!
Napamulat ako at umatras may dalawa o tatlong hakbang ang layo sa kaniya. Magkalayo na kami pero pakiramdam ko ay nar'on pa rin ang palad niya sa pisngi ko. Pinipigil ko ang hininga habang nakatingin sa kaniya.
"I know for you it's not love," ani Maxrill. Napalunok ako. "But I'm sure it's more than just a crush, Yaz."
'Yon lang at tinalikuran niya na ako. Napako ang paningin ko sa kung saan. Hindi ko siya masundan ng tingin. Bigla kong naramdaman ang matinding lamig ng gabi. Nayakap ko ang sarili bago muling inaninaw ang likod ni Maxrill.
Hindi ko na pwedeng itanggi sa sarili ko ngayon ang mga ikinikilos at sinasabi niya. Kailangan ko nang kilalanin ang nararamdaman niya. Na kung hindi ko man 'yon magawang suklian, obligasyon kong irespeto 'yon. Pero paano, kung ganitong hindi ko maipaliwanag ang naging reaksiyon ng ginawa niya sa 'kin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top