CHAPTER 7


MATAPOS ANG dinner ay inihatid ako ni Maxwell sa VIP room. Nanibago ako. Parang hindi na kasi part ng hotel ang kuwartong 'yon. Kung kuwarto nga bang matatawag. Dahil kung ako ang tatanungin ay condominium style na 'yon. May sariling kitchen, dining area, at sala. Nakabibilib ang katamtamang laki at elegante ngunit simpleng dekorasyon sa kabuoan ng kuwarto. Pakiramdam ko tuloy ay napakahabang panahon na ang lumipas mula nang huli akong bumisita rito dahil sa mga nakikita kong pagbabago kahit na ang totoo ay hindi naman. Sadyang mayaman at makapangyarihan lang ang mga Moon kaya ang lahat ng gusto ay nasusunod at naaayon sa kanilang plano.

Pero kahit anong ganda at paghanga ang maramdaman ko sa paligid, parating inaagaw ng panganay na del Valle ang paningin ko. Hindi maalis sa 'kin ang tuwa at ngiti. Paano'y ipinagbuhat ako ng loko. Nakaaasar nga lang dahil napaka-sexy pa rin ng dating niya habang hila ang maleta. Kahit yata ipatong niya 'yon sa mga balikat ay bagay sa kaniya. Hindi ko naiwasang mapaisip kung meron bang hindi babagay sa mga Moon. Dahil sa nakikita ko ngayon, mukhang imposibleng meron.

"I don't really need a room this big." Magkakrus na ang mga braso ko nang harapin siya. Pinanood ko siyang ipasok sa silid ang mga gamit ko. Napangisi ako. "Please, pakilagay na lang ang mga gamit ko sa side ng bed." Itinuro ko kunwari ang gawing 'yon, nang-aasar.

Awtomatiko siyang huminto at bumitiw sa mga maleta. Humalakhak ako, lalo pang nang-aasar. Namaywang siya at marahang naglakad papalapit sa 'kin. Halos malanghap ko ang hininga niya sa sobrang lapit. Kaswal lang naman sana 'yon kung hindi niya hinawakan ang magkabilang balikat ko at minasahe nang pagkasarap-sarap. Hindi pa nakontento ang loko, inilantad nang todo ang balat ko. Para akong naliyo sa pakiramdam, tumingala nang nakapikit at ninamnam ang masarap na pakiramdam. Napagod nga ako. Hindi ko ramdam dahil nasobrahan ako sa saya.

Mas nagpatakam ang loko nang mainam niyang haplusin ang balat ko. Hindi lang yata talento ang meron ang mga Moon. Meron din silang koryente. Koryenteng dumadaloy sa katawan. Dahil 'yon ang ipinararamdam sa 'kin ni Maxwell ngayon.

"Ang galing mo diyan," sabi ko nang nakapikit, muling nang-aasar. Ayaw kong ipakita sa kaniya ang panghihinang idinudulot niya. "Bakit hindi mo ito gawing sideline?"

Pero sa halip na patulan ako ng salita ay sa kilos siya gumanti. Hindi lang kilabot ang idinulot ng magagaling na kamay ni Maxwell. Hindi lang tuhod kundi ang buong katawan ko ang nanlambot. At wala pa man ay binabalot na ako ng kakaibang pakiramdam. Kung bakit malamig naman pero parang namumuo na ang mga pawis ko. Napamulat ako nang dampian niya ng halik ang buto sa itaas na bahagi ng dibdib ko.

"How about . . . you tell me which part of you I should touch first?" Sinasabi niya 'yon nang mapungay ang mga mata at nakatingin sa 'king labi. Mukhang hindi lang ako ang naliliyo. "Using my starved lips."

Kinilabutan ang kabuoan ko. Naiisip ko pa lang ang sinasabi niya, iba na ang epekto. Dumagdag pa ang boses niya na may hipnotismo at mga haplos niyang nakaloloko.

He loved what he was doing, and it was showing! I loved how I could see it in his eyes and how I could feel it in his hands. And it was really turning me on. Maging ang mapupungay niyang mga mata ay lalo akong pinanghihina. Nasisiguro kong alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon dahil sa nababasa ko roon.

"Naiisip ko palang na paparating ka ay hindi na ako mapakali. I wonder why."

Gumapang ang mga palad niya paibaba sa mga siko ko hanggang sa marating ng mga 'yon ang aking baywang. Napaigtad ako nang maramdaman ang iilang daliri niya sa balat ko sa likuran. Nagtama ang mga paningin naming hindi na magmulat nang maayos.

"You smell so good."

His forehead furrowed as he stared at my jaw. I swallowed thickly when he slowly leaned toward me and kissed me. When he kissed my ear, where my weakness was, my eyes closed completely. This kigwa, didn't look like he had plans to make me rest.

I didn't move. I let Maxwell take over my sanity and move me however he wanted. I wanted to question his silly smile while he tasted my lips, but the sensation he was causing on me held me back.

He looked at the whole of me with admiration as I finally took off all my clothes. Then he stared into my eyes while slowly unbuttoning his polo one by one. I kept on swallowing until my mouth was dry. Inuubos ng kigwa ang lakas ko ng loob. My natural confidence always eased when it came to him.

I bit my bottom lip when I saw how ready he was for me. It looked like his lips weren't the only part of him that was hungry—and I was sure of that. No woman would not be impressed by Maxwell's beauty. And any man would be amazed—if not envious—of his manliness.

His eyes widened while looking at every part of my body. I was automatically affected for reasons unknown to me. I wanted to cover every inch myself, but my hands wouldn't be enough.

Maxwell.

Wala pa man ay tinatraydor na ako ng isip ko. Gano'n na lang katindi ang pagpipigil kong lumapit. Gusto ko siyang hintayin. Gusto kong iparamdam niya sa 'kin kung gaano siyang nananabik. At sa unang pagkakataon ay ayaw kong gumawa ng hakbang para sa sarili kong kagustuhan.

So I grew confused when he stepped closer again. I couldn't help myself from gripping his arm when he grazed his palm on my chest and waist. I closed my eyes at the new sensation.

What's confusing about what he was doing? This isn't new anymore, Yaz, have some shame!

I was embarrassed that he could see my obvious excitement. I was sure he could read the longing I was feeling not only in my eyes, but on my whole face and body.

He wrapped his arms around my waist and crushed our mouths together. It was then I felt how thirsty he was. The idiot was very serious about knocking the breath out of me. His kisses devoured all my senses and left my body weak and helpless, completely relying upon his mercy. My legs had lost their strength and I snuggled against him to hold my weight. I was holding my own breath just to keep up with his kiss. He was very and truly eager!

From just kissing he was already moaning, searching, longing for more. Maxwell's muffle moan of pleasure was my favorite part whenever we were together. It was a sound that made me feel like water was sprinkling on the very essence of my womanhood.

Marahan niya akong itinalikod at nang magmulat ay tumama ang paningin ko sa sarili mula sa salamin. Ang gandang pagmasdan ng height namin, bagay na bagay. Height ni Maxwell ang paborito kong height sa buong mundo. Paborito ko ang likod niya pero mukhang paborito ko na rin ang dibdib niya. Kahit yata hindi ako bihag ng bisig niya ay magagawa akong protektahan ng kaniyang dibdib.

"Why the hell are you doing this to me?" he moaned. My eyes closed of their own accord from how good his voice sounded in my ears.

My head hung back when his head leaned down to kiss my neck. He held my temple to tilt my neck, exposing the skin he wanted to touch with his lips. A moan escaped my mouth when he touched my chest.

"I want you so bad . . ." he added hoarsely. I smiled, biting my lip.

My eyes opened suddenly when I felt his palm travel down to my thigh. Our eyes met in the mirror. I watched him raise my leg and rest it on the bed. Embarrassment enveloped me when the part of me I was hiding between my legs was exposed.

This kigwa stared at it very intently. "You're the most beautiful art that I have ever seen and touched, Zaimin Yaz." He said that with drowning admiration, his gaze not leaving the crown of the queen. And when I felt him move his body behind me, I realized he was the king. And he was very ready to sit on his throne.

He touched my lips with his fingers. I bit the side of my lips when he licked the same fingers he used to touch me with a moan, and his other hand traveled to my chest. I couldn't think, didn't know how to position myself when he touched my crown. I felt like my knees were about to give out, especially when he started kissing me again. I didn't know where to cling and how tightly when I squirmed at every touch of his lips on my body.

Shit, Maxwell.

In my head, I couldn't stop moaning his name. But in reality, he was the one moaning mine. I never thought that this could be possible between us. This was more—way more than the dream that looked so impossible to reach.

When he was satisfied with how wet I was, he gently laid me down on the bed. Right then, when he put the crown on the throne, I felt like exploding. But I couldn't believe how lucky I was with this handsome yet grumpy kigwa because he kept up with my every move. That was how we ended up tiring each other out—not twice, not thrice, but four times—just to fertilize the garden of the kingdom at the same time.

Gusto ko sanang tanungin pa si Maxwell kung dito siya sa tabi ko matutulog. Pero matapos marinig ang matunog niyang hininga, matapos makita ang pagod na talukap ng kaniyang mga mata, hindi na ako nagsalita pa. Nakangiti akong pumikit, masaya pa kahit pagod at nanlalata ang katawan. Isiniksik ko ang sarili sa kaniya at halos mapahalakhak ako sa tuwa nang kabigin niya rin ako at yakapin.

Kinabukasan nang magising ay agad akong napangiti nang maramdaman kung gaanong kahigpit ang yakap ni Maxwell. Para bang ayaw niya na akong pakawalan. Na para bang hanggang sa panaginip ay magkasama kami. Napakasarap mangarap sa umagang 'yon katabi ang lalaking ito.

Maingat kong inalis ang mga braso niyang nakayakap sa balikat at baywang ko, maging ang hita niyang nakadantay sa 'kin. Kung noon, hinihiling kong maging unan ni Maxwell; ngayon, gusto ko nang maging paborito niyang unan.

Mabilis akong nag-shower saka ako dumeretso sa kitchen bitbit ang aking laptop. Nagpatugtog ako bago lumapit sa fridge. Nakabibilib ang dami ng laman. Napangiti ako nang maisip na talagang pinaghandaan ni Maxwell ang pagdating ko. Naglabas ako ng bacon strips at eggs. Sinimulan kong mag-fry bago nag-toast ng bread.

Nakangiti kong sinabayan ang kanta habang nagluluto. May sandali pang napapasayaw ako. Iba talaga ang epekto sa 'kin ni Maxwell. Kahit yata isang buwan akong may mens, hindi masisira ang mood ko. Pero nasisiguro kong hindi magugustuhan ng kigwa ang isang buwang period. Paniguradong mas masungit pa siya sa 'kin niyon. Kahit na mas masungit naman talaga siya.

"Good morning." Kilabot ang idinulot ng tinig ni Maxwell, lalo pa nang hindi pa man ako nakalilingon. Sinapo niya na ang baywang ko. "Smells good." Yumakap siya nang mahigpit at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"Lahat ng luto ko, mabango."

"Ikaw ang tinutukoy kong mabango." Langhap ko ang toothpaste nang sumagot siya. Ramdam ko ang lamig nang idampi niya sa pisngi ko ang labi. "I want to eat."

"It's almost done."

"You're cooked."

Nagugulat ko siyang nilingon. "Napakapilyo mo!"

"I want to eat you," pabulong niyang sinabi. "Let me eat you instead."

Pinalo ko ang mga braso niyang ayaw kumawala sa 'kin. "It's too early!" napapahalakhak na sabi ko.

"What time should I eat you then?"

"Maxwell, ano ba!" humahalakhak kong saway, nag-iinarte, lumalandi.

Tumawa siya. Napaka-sexy maging ng tawa. Normal pa ba ang tingin ko sa ugali at kilos niya? Hindi ko akalaing ganito si Maxwell. He was so wild! Napakalayo sa pagkakakilala ko sa kaniyang masungit, matalino, pino, tahimik, at kung magsalita naman ay nakatatakot kapag seryoso. Hindi ko kilala ang personality niyang ganito at hindi ko maitatangging gusto ko ang ganitong side niya. Nababaliw na yata ako. Wala akong makita ni mapansing pangit sa kaniya. I liked everything about him. Kahit pa sobrang sungit niya.

"Wala kang duty ngayon?" nakangiting tanong ko. Dahil sa actions niya ngayon, hindi na yata mawawala ang ngiti ko. Ikinikiskis niya ang ilong sa batok ko at panay ang amoy sa buhok ko.

"Wala," umiiling na aniya. "But I have a lunch meeting with my team. Tsk."

Natawa ako. "Bakit parang masama pa ang loob mo?"

"I wanna join you for lunch." Nagbuntonghininga siya. Palihim naman akong napangiti. "But I can eat a little and finish the meeting early. We can eat lunch together, maybe a little late. I hope it's fine with you."

"You don't have to join me. I'm sure na importante ang meeting mo."

Sa halip na sumagot ay dumungaw siya upang tingnan ako sa mga mata. "Hindi natin magagawa ito kapag nagsimula ka nang magtrabaho." Oh! I couldn't believe he was speaking in a very calm way, which was not his typical tone. "I want to spend time with you while you're free."

"'Sus! Maniwala ka sa 'kin, del Valle, masasabayan kitang kumain kahit may kaharap akong pasyente."

Kumunot ang noo niya. "You can't do that to my patients, Yaz."

Tumawa ako. "Siyempre, hindi, 'no! What I mean is, pwede kitang sabayang kumain sa hospital. Walang problema roon."

"Magkaiba tayo ng floor. At hindi tayo pwedeng magsabay. Bawal 'yon."

Ngumuso ako. "Ay, gano'n?" Sumimangot ako. "Oo nga pala. Hindi pwedeng magkaroon ng relasyon ang nurse at doktor."

"Relasyon?" Humalakhak siya.

Sa una ay napangiti ako, akmang makikitawa. Pero natigilan ako nang maisip ang laman ng reaksiyon niya. So stupid of you, Yaz. "Eh 'di, closeness. Psh! Bawal ang makipag-super close ang nurses sa doktor."

Muli kong itinuon ang atensiyon sa niluluto at hindi na sumandal sa kaniya. Bahagya akong lumayo at agad na naramdaman ang pagkabig niya.

"Pero walang problema sa 'kin kung sumabay kang mag-lunch sa meeting mo later. Makakasabay naman kitang mag-dinner," dagdag ko. Nagbago na ang mood ko.

Tahimik kaming nag-breakfast ni Maxwell. Iniiwasan kong sumimangot pero hindi ako pinagbigyan ng nguso at kilay ko. Mukhang napansin niya 'yon. Panay ang tuhog niya sa pagkain, at matapos isubo 'yon at nguyain ay itututok niya na ang paningin sa 'kin.

"I'll change the venue of the meeting, then. Para makasama agad kita kapag natapos."

Lalo akong sumimangot. "No need. Don't worry about me. Besides, hindi ka naman matagal sa meeting."

Nagbuntonghininga siya at hindi na nagsalita. Matapos kumain, may dumating na staff para iligpit ang dining at maging ang room. Bago na ang lahat ng sheets nang mapansin ko. Pinanood ko na lang si Maxwell na mag-ready. Hindi ko malaman kung matutuwa o maiinis sa pagiging metikuloso niya. Tutok sa sarili ang kaniyang paningin. Na para bang hindi pwedeng may mapupunang mali sa kabuoan niya. Bawat bagay, sinusuri bago isuot. Parang lahat, may akmang sukat para maging tama. Nakatutuwa, but at the same time, nakaiinis sa arte.

Muling may pumasok na staff, nag-alok na ayusan siya. Pinili niyang tawagin ako at ipaayos ang kaniyang tie. Napakaarte.

Panay ang lingon niya sa 'kin habang inaayos sa huling pagkakataon ang makintab niyang buhok. Pinagtaasan ko siya ng kilay saka ako ngumiti.

"You want me to stay?" tanong niya.

Humalakhak ako. "Who told you that? May meeting ka. I'm just watching you. Baka ikaw ang ayaw nang umalis kasi nandito ako." Papalipad kong hinawi ang buhok papunta sa likuran saka ko pinagkrus ang mga hita ko. Lumantad ang hubog ko nang hindi sinasadya.

"Your body wants me to stay, Yaz."

Namangha ako sa kapreskuhan ng kigwa. "In your wet dreams!" Tumayo ako para iwan siya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang talas ng tingin niya at sumamang mukha. "What do you want to have for dinner?"

"You know my cravings."

Pancit, pampahaba ng kigwa, amaw ka! Natawa ako sa kapilyahan sa isip. "Okay, I'll prepare a dinner for you."

Kinilig ako sa ganda ng ngiti niya. Pero sa halip na kulitin, hinayaan ko na siyang umalis. Napabuntong-hininga ako saka nakangiting iginala ang paningin sa kabuoan ng room. Napakasuwerte ko ngang talaga. Ang lalaking pangarap ko, kasama kong natulog sa kuwartong ito. Nakasabay kumain, nakatabing matulog, at dumampi ang labi sa 'kin. Ano pa ang hihilingin ng isang magandang tagahangang tulad ko? Hindi lahat ay nae-experience ang ganito.

Gumala ako sa kabuoan ng kuwarto at tiningnan ang iba't ibang gamit para aliwin ang sarili. Kinuha ko ang photo album mula sa rack at nakangiting tiningnan.

Natawa agad ako nang makita ang pamilyang Moon. Ang seryoso nilang itsura at postura ay nahahaluan ng kalokohan dahil sa mga kuha ni Mokz. Walang solo na kuha, puro family pictures. Noon ko lang nakita ang itsura ng sa tingin ko ay lola ni Maxwell. Napangiti ako nang malito kung sino sa tatlong magkakapatid ang detalyadong nakakuha ng seryoso ring mukha nito. Hindi na ako magtataka kung kasingganda siya ni Maxpein kung ngumiti.

Hindi pa ako roon natapos. Halos lubugan na ako ng araw nang mapansin ang isang magazine kung saan nakaimprinta ang mukha ni Maxwell sa buong cover page. Nakamaang kong pinagmasdan ang may kalumaan nang magasin. Hindi na ako magugulat kung high school pa siya nang i-publish 'yon. Wala akong maintindihan. Sa Korean letters 'yon nakasulat. Tiningnan ko ang bawat pages at natawa nang maliban sa cover photo ay wala nang picture niya. Hindi ko rin sure kung may article dahil wala akong maintindihang salita maski isa.

Inalala ko ang mga kuha niya sa photo album. Sa itsura ni Maxwell doon, parang isang buwan siyang pinilit para makuhanan, para makasama sa family pictures. Nasisiguro ko ring taon-taon siyang pinipilit dahil isang taon ang pagitan ng bawat kuha sa loob ng twelve years. It was written at the bottom of every picture. Napaisip nga lang ako kung bakit t'wing March sila nagpapa-picture, ang huli ay noong 1995.

Sinubukan kong umidlip nang mapagod sa pagtitingin pero nabigo ako. Hindi mahinto sa paggala ang mga mata ko maging ang paglilikot ng isip ko. Nagtungo ako sa balkonahe at nilanghap ang masarap na hangin. Pero inakit ako ng dagat. Walang alinlangan akong bumalik sa loob at nagpalit ng swimsuit.

Naagaw ko ang atensiyon ng karamihan nang bumaba ako suot ang pink and white striped high-waisted two-piece. Tanging crochet cover up ang nakatabing sa katawan ko. Hindi na ako nag-abala pang mag-slippers o mag-ayos ng buhok. Wala akong naisip kundi maramdaman ang tubig.

'Yon nga lang, kahit ano yatang gawin ko, matakaw sa mata ang itsura ko. Hindi lang ang mga lalaki kundi maging mga babae ay humahaba ang leeg sa kapapanood sa paglalakad ko. Naaartehan siguro sa 'kin. Kahit kasi walang takong, hindi lumalapat sa sahig ang aking sakong.

"Good afternoon, Miss Yaz!" bati ng concierge. Nginitian ko lang siya. "Magsu-swimming po ba kayo? Inihabilin po ni Doc Maxwell na ipaalam sa kaniya kung makikita kayong lumabas ng kuwarto."

Kailangang informed? So fetch! Nakangiti akong tumango. "Oo, tell him na babalik ako bago dumilim."

"Gusto po ba ninyong hintayin ang sagot niya?"

Natawa ako. "No need, thank you. Makakasama ko rin naman siya later." Tango na lang ang isinagot niya.

Halos takbuhin ko ang pagitan ng hotel at dagat. Nakangiti kong hinubad ang cover up at nag-warm up. Gusto kong paikutan ng mata ang mga sipol na narinig ko. Ayoko ng gano'n, nababastusan ako. Kung si Maxwell 'yon, paniguradong rarampa pa ako. Hindi ko inalintana ang mga matang nanonood sa 'kin.

Bago lumalim ang tubig ay nag-dive na ako. Nakadilat kong sinisid ang malinaw na tubig. I missed this place. Na-miss ko ang feeling ng dagat dito, ang hangin, ang peace, lahat! Hindi ko naiwasang maalala ang mga sandaling kasama ko rito ang family and friends namin ni Maxwell. Sa t'wing mangyayari 'yon, naiisip kong napakasarap mabuhay. Parang lahat, posible. Nagkaproblema lang talaga nang dumating ang mga Rewis.

Nang makontentong lumangoy ay basa akong bumalik sa hotel. Ayun na naman ang mga matang nakasunod sa 'kin, naghahabaan ang mga leeg. Nagdere-deretso ako, at since walang pumigil sa 'king magpalakad-lakad kahit na tumutulo ang tubig sa buong katawan, dumeretso ako sa itaas.

"Where have you been?" Halos napatalon ako nang mabungaran ang boses ni Maxwell.

Nakatutuwa ang akma niyang pagsalo sa 'kin. Mukhang hindi ko na siya kailangang sagutin dahil sinuyod niya ng tingin ang kabuoan ko saka siya Nagbuntonghininga.

"I told you to wait for me." Humakbang siya papalapit. "You're wet."

Nagbaba ako ng tingin sa 'king katawan. "Sobra. Tumutulo pa." Saka ako nag-angat ng tingin sa kaniya upang matigilan. Napalunok ako nang maisip na double meaning ang palitan namin ng linya.

"Tumutulo . . ." aniyang nakangiwi.

Binuhat niya ako at nagmadaling ipinasok sa kuwarto. Hindi ko na nagawa pang magreklamo. Sa halip, nakagat ko ang labi, hindi sinasadyang mang-akit. Lalong naningkit ang kaniyang mga mata at sinipa ang pinto para sumara. Inaasahan kong itatapon niya ako sa kama dahil sa pagmamadali pero nagkamali ako. He gently laid me down and then abruptly took off all my clothes. He couldn't take his eyes off me even though he struggled to remove his tie. I was expecting he'd leave his boxers on, but my eyes almost popped out of their sockets when he took out his big and proud throne. I swallowed thickly.

Just from the touch of our skin, a moan almost escaped my lips before I stopped it. I didn't want him to think that I was too excited from this, even though I actually was because of him. I kept on swallowing while he kissed my ear, attacking my weakness. His hand immediately went straight to my crown, making me close my eyes. I could feel his eagerness and impatience. I didn't know if it was because he was excited or because he was mad I left earlier. But I couldn't stop my body from resisting him—it wanted him, too.

"Maxwell . . ." Naidaing ko ang pangalan niya nang hawakan niya ako nang tuluyan, saka siya pumatong sa ibabaw ko. "Basa ako," sabi ko na ang tinutukoy ay suot ko. Maingat niyang inalis ang swimsuit ko.

Ngumiti ang kigwa. "Super. You're ready." Mas ngumiti pa ang loko, namula ako sa hiya! Pero hindi ko mapigilan dahil ayun na siya at lalo akong pinanghihina.

Naituon ko ang parehong siko sa kama at sinubukang labanan ang idinudulot niya sa 'king katawan. Pero hindi ko magawang kumilos. May kung ano sa mga kamay niyang pinananatili ako sa gano'ng posisyon, mas ipinararaya ang sarili.

He immediately positioned himself in front of me and stared into my eyes, like he was telling me we were one. I swallowed, closing my eyes when I felt how close we were . . . how deeply intertwined. He started slowly, but then quickened and quickened his pace a few moments later. I pressed myself on the bed, my throat drying up from choking on my stifled moans.

"Please moan." His voice was begging me. "Moan for me . . . I love you to hear you moan." He suddenly thrusted in deeper, causing me to finally moan—a sound that would've come out regardless if he asked or not.

He left out a soft and sexy moan which got me hotter and more excited in seconds. His knees spread out my legs wider and he drove himself deeper. I felt like I was about to burst, like something inside me was slowly working its way out.

Ibinagsak niya ang sarili sa 'kin at sabay kaming naghabol ng hininga. Pero maya-maya lang ay ayun siya at tatawa-tawa. Hinawakan ko ang pareho niyang pisngi at nakasimangot siyang iniharap sa 'kin. Gusto kong magtaray pero nang makita ang kinang sa kaniyang mga mata ay parang gusto ko na lang siyang titigan.

Tuwang-tuwa ang kigwa! "What are you laughing at?"

"Ang dami." Muli siyang humalakhak!

"Alin!"

"'Yong magiging baby natin . . . sana." Ninakawan niya ako ng halik sa pisngi saka siya bumangon. Dumeretso siya sa banyo at kahanga-hanga ang bilis ng pagligo.

"May lakad ka pa?" nagugulat kong tanong nang makitang naglabas siya ng panibagong suit and tie.

"The meeting is not yet over."

Lalo akong nagulat. "Then why are you here?"

"Dahil hindi ka pa umuuwi."

Bumangon ako at pinamaywangan siya. "Bahay ko ba ito?" Sa isip ay tatawa-tawa ako.

Pero sa halip na sumagot, kunot-noo siyang lumapit at pinulot ang cover sheet ng kama. Marahan niya 'yong ibinalabal sa 'kin at saka lumayo. "No, this is not your house." Kapagkuwa'y ngumisi ang kigwa. Hindi ko siya naintindihan. "I'll go ahead. Cover yourself, baka may makakita sa 'yo." Muli siyang lumapit para halikan ako sa noo saka ako tinalikuran at dumeretso papalabas.

Napangiti ako nang maisip kung ilang beses niya na akong hinalikan sa noo. I still couldn't believe he was doing this and that to me. Masungit pero sweet. Tinatawag na ng shower ang katawan ko pero dahil sa uhaw ay lumabas ako ng kuwarto para kumuha ng water. Masyadong malamig ang mga tubig sa personal ref.

Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makita kung gaano karami ang bisita. Hindi ko man lang narinig na may ibang tao bukod sa amin. Apat na lalaking nakaupo sa dining table at nakatingin sa laptop. Maingat akong lumapit at nakita si Maxwell na sine-set up ang projector. Malilinis at nagguguwapuhan ang mga bisita pero wala man lang panama sa itsura ng Maxwell ko.

Dahan-dahan akong tumalikod at tahimik na sanang tatakas nang sumipol ang isa sa mga bisita. Nakapikit kong nakagat ang labi dahil sa inis. Hindi ko malaman kung tatakbo ako o lilingunin sila uli.

"Doc, you brought us a hooker? Nice! I knew I was gonna enjoy this meeting!" Puno ng kalokohan at nakaiinsultong tawa ang tinig ng animal.

Sa inis ay hinarap ko sila, iresponsable, hindi inisip ang luluwa ko nang dibdib. "What did you just call me?"

"Shut up, guys! Bisita siya ni Maxwell." Hindi ko inaasahang mangingibabaw ang tinig ni Keziah. "Yaz."

Nilingon ko siya at agad na nilamon ng hiya. Kabado, nanginginig kong inayos ang sheet na nakabalabal sa 'kin.

"Go and put some clothes on," mahina niyang sinabi pero dinig ng lahat.

Napalunok ako at nalingunan si Maxwell na masama na ang tingin sa nakabalabal sa 'kin. Awtomatiko akong tumalikod at tumakbo pabalik sa kuwarto. Pabagsak kong isinara ang pinto at naghabol ng hininga. Hindi ko malaman kung magagalit ba o maiiyak. Hindi ko rin malaman kung ang dahilan ba ay ang pambabastos ng mga bisita o dahil sa galit na mata ni Maxwell. Tanging alam ko, naiinis ako.

Gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Kaya pala sinabi ni Maxwell na baka may makakita, dito pala ang meeting ng kigwa!

Nagulat ako nang lingunin ang pinto nang mangibabaw ang boses nina Maxwell at Keziah, nagtatalo. Nasundan ng magkakasunod na yabag. Maya-maya pa ay may kumakatok na.

Umalis ako sa pagkakasandal sa pinto. Bumukas 'yon at pumasok si Maxwell. Hindi agad siya nakapagsalita, sa halip, tiningnan ang kabuoan ko.

Kinakabahan ako. I was sure pagagalitan niya ako. I was sure sisisihin niya ako kung bakit ako lumabas nang ganito ang itsura. I was sure napahiya siya sa mga kasama.

"I'm sorry, Yaz." Hindi ko inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig niya. "Sorry, nakalimutan kong banggitin na ipinalipat ko rito ang meeting dahil nag-aalala ako sa 'yo." Gusto kong maiyak pero awtomatiko akong napaharap sa kaniya. Lumapit siya at yumakap sa 'kin. "I already fired them."

"Wait—what?"

"But I did thank them for a month of serving. I'll send them a certificate and a plaque of recognition, and their salary."

"You're joking!"

Nakangiwi siyang umiling. "Sorry, I kid you not. I'm in need of doctors, not perverts."

"Psh!" Umikot ang mata ko. "Joke lang nila 'yon. Parang hindi mo naman alam ang biruan sa loob ng medical team."

Nagbaba ako ng tingin kahit na ang totoo, hindi na bago sa 'kin ang gano'ng pang-iinsulto. Noong college ako, alam kong marami ang gano'n ang tingin sa 'kin. Malandi, easy-to-get, kaladkarin, at kung ano-ano pang masasamang salita.

"Trust me, bumabaha ng applicants." He smiled at me. "Take a shower. I'll bring your clothes."

Hinabol ko siya ng tingin, nalungkot. Alam kong kailangan ni Maxwell ng tao. Hindi lang nurses, gaya ng sinabi ni Maxpein, kundi iba't ibang specialists. I was sure sinabi niya lang 'yon para hindi sumama ang loob ko. Nagbuntonghininga akong ngumiti. Dahil sa nakasanayan kong sungit niya, naghanda na akong mapagalitan.

Nag-shower ako, at gaya ng sinabi niya, inihatid niya ang Marks & Spencer sleepwear and undies.

Nag-shower din siya pagkatapos ko, saka ako tinabihan sa kama. "We will move in my penthouse tomorrow. I'll help you pack your things," aniya habang nakapikit at mahigpit ang yakap.

"Wala ka bang duty?"

Ngumiti siya. "Natutuwa ako dahil ayaw mong um-absent ako."

Napangiti rin ako. "Kailangan ka ng mga pasyente mo."

"I know." Nakangiti siyang Nagbuntonghininga, nakapikit pa rin. "Aalis tayo pagkauwi ko."

Ilang saglit lang ay mukhang tulog na si Maxwell. Nakangiti ko siyang tinitigan. Ano na lang kaya ang masasabi ng pamilya namin sa ganitong relationship? Ano kaya ang iniisip ni Maxwell sa pagpayag ko? Iniisip niya kayang easy-to-get ako?

Napabuntong-hininga ako. Ayun na naman ang lungkot. Wala kaming label. Wala kaming kasiguraduhan. Wala akong pinanghahawakan. Ano'ng tawag sa ganitong setup namin?

Ang nakakainis pa, aware ako sa sitwasyon—sa lahat. Pero kahit parang kinukurot ako sa puso sa t'wing maiisip ang sitwasyon, hindi ko kayang talikuran at kalimutan na lang ang lahat. Pipiliin ko pa ring makasama, mayakap, at mahalikan si Maxwell kahit hindi ko alam ang tunay niyang nararamdaman. Gano'n ako kabaliw. Gano'n ako katanga.

Gaya ng sinabi ni Maxwell, pumunta kami sa penthouse niya kinabukasan gamit ang chopper. Siya ang nagbuhat sa lahat ng gamit ko. I had no choice, he wouldn't let me do anything. Hinayaan niya lang akong manood. Isa sa mga pangarap ko ay ang pagsilbihan siya, pero nagugustuhan ko ang pagsisilbi niya sa 'kin. He was damn serious at all times, nakakunot pa rin ang noo, at kung minsan ay masama ang tingin sa mga bagay. Pero ayun ako, kinikilig at nalilibang pa rin.

Iginala niya ako sa penthouse. Nar'on 'yon sa pinakamataas na floor ng hospital building na pag-aari niya. It was amazingly luxurious, with an exceptional interior design, tasteful home decors, and the best overlooking view of the beach. Ito na yata ang pinakamahal na floor sa buong Palawan. Kung pwede lang, hihilingin kong doon na lang tumira. Pero hindi pwede. Wala akong naririnig na kasiguraduhan sa kaniya.

Sabay kaming nag-dinner nang gabing 'yon. He cooked for me. 'Yon na ang pinakamasarap na steak na natikman ko. Nagkuwento siya tungkol sa mga doktor na sinibak niya. Gaya ng sinabi niya, ibinigay niya ang nararapat sa mga ito. Habang nagsasalita nga, nakataas pa ang kaniyang noo, nagmamalaki, ipinaaalam sa 'kin ang kapangyarihan at kakayahan niya—tipikal na ugali ng mga Moon.

Nagising ako kinabukasan nang wala siya sa tabi ko. Tumawag siya at doon ko nalamang nagpaalam siya bago pumasok pero hilo ako sa antok. Tumawag uli siya pagsapit ng lunchtime at sinabing hindi makasasabay kumain dahil marami siyang pasyente at aasikasuhin. Mabuti na lang, hindi agad ako nagluto. Kinilig na lang ako nang may naghatid ng lunch. Nag-utos daw siya na asikasuhin at pagsilbihan ako.

Muling may tumawag bago dumilim. Excited kong sinagot, iniisip na si Maxwell pa rin 'yon. Pero pareho kaming nagulat ng nasa kabilang linya nang mabosesan ang isa't isa.

"Yaz? What are you doing there?" tanong ni Keziah.

Kinabahan ako. "I'm . . . well . . . I'm staying here."

"In Maxwell's penthouse, really?"

"Yes." Napapikit ako at nakamot ang sariling noo.

Dinig ko siyang nagbuntonghininga at nagpakawala ng hindi ko malaman kung sarkastiko o naiinis na tawa. "And you're fine with that? Are you in a relationship with him?"

"No." Halos gumaralgal ang tinig ko.

"Seriously? I mean, you'll soon work for Maxwell, Yaz. And you both know that you're not allowed to live together."

"I don't live here, Keziah. And I'm not gonna stay here forever. Besides, sa guest room ako natulog." Hindi ko binanggit na doon din sa guest room natulog si Maxwell.

"Then move out as soon as possible. Hindi magandang tingnan na nagsasama kayo nang walang relasyon."

Hindi ko napigilang maalala ang salitang itinawag sa 'kin ng sinibak na empleyado ni Maxwell. "I will, soon."

"Bye."

Galit ba si Keziah? I took a deep breath and covered my face. Nakakahiya! Kung gano'n, hindi niya alam na narito ako? Maxwell should've told her, total nakita niya naman ako sa hotel noong nakaraan. Tsk. This isn't fetch!

Binalot ako ng kahihiyan. Kung tutuusin, kayang-kaya ko siyang tarayan. Pero umurong ang ganda ko. Dahil alam ko ang pinupunto niya at kinain ako ng hiya dahil sa tono ng kaniyang pananalita. Hindi tuloy mawala sa isip ko ang mga sinabi niya.

Sandali kong pinag-isipan ang sitwasyon bago nakapagdesisyon. "She's right, I can't stay here. I'll only ruin his reputation. I'll talk to him later." Na-depress ako. Hindi ko tuloy nalibot ang mini library ni Maxwell.

Dumating ang gabi nang hindi ko siya nakausap. Umuwi siyang pagod. Kumain lang siya nang kaunti, naligo, at natulog na.

Maaga akong nagising kinabukasan at nagtaka nang wala si Maxwell sa tabi ko. Alas-sais pa lang at alas-diyes naman ang duty niya.

Nagkagulatan kami nang magpunta ako sa sala at siya namang pagbukas ng pinto. Pumasok siya, inihawak ang kamay sa pintuan, at naghubad ng rubber shoes. Pinanood ko ang galaw ng balikat niya. Paborito kong pagmasdan ang tindig niya. Parati akong kinikilig kahit anong simple niyon.

Ngumiti siya habang papalapit sa 'kin. Hindi ko pagsasawaang panoorin ang lakad niya. Kinilig na naman ako dahil ngayon lang nangyari 'yon. Hindi gano'n ang reaksyon ng isang Maxwell Laurent del Valle sa t'wing makikita ako noon. Parang masakit ako sa mata niya, may nakaaasiwang presensya.

Lalo pa siyang ngumiti nang pagmasdan ang kabuoan ko. 'Yong tingin na para bang may namuong biro sa kaniyang isip. Gusto kong alamin. Sinuot ko ang puting long sleeves niya matapos maligo kanina, at bukod doon ay wala na akong ibang suot pa.

"You're a little early. Where have you been?" nakangiti kong tanong nang makalapit siya.

Pero sa halip na sagutin ako ay matunog siyang tumawa. Napamaang akong ngumiti, hindi malaman kung makikitawa ba sa kaniya.

Ugh? Ano ang iniisip niya? Is he laughing at me or what? Why is he laughing, then? Gusto ko talagang malaman, nakakikilig man 'yon o purong kalokohan.

"I'm asking you, Maxwell," maarte kong sinabi, nakalabi. Pero ang totoo ay nanlalamig na ang mga palad ko. His presence was more than just being here. There was an impact in it, empowering me. Hindi ko pa rin tuloy maiwasang kabahan kapag nagkakadikit kami. Nar'on ang paninibago. Hindi na yata mawawala 'yon, pero talagang hinahanap-hanap ko.

Hinuli niya ang baywang ko mula sa likuran at kinabig ako papalapit. "I went out for a jog," pabulong niyang sinabi. Agad na tinalunton ng labi niya ang likod ng aking tainga. Nanindig ang balahibo ko at napapikit. "You smell good."

"Eat your breakfast na," hindi mapakali kong sinabi. Nakikiliti ako sa ginagawa niya at ayaw ko 'yong ipakita.

"Join me."

"Bilisan mo dahil may pasok ka pa."

"Alin ang bibilisan ko?"

"Maxwell!" Pinalo ko ang braso niyang humigpit pa sa pagkakayakap sa 'kin. "Anyway, I called Mang Pitong yesterday and asked him to show me the unit I'll be occupying soon. I want to move there as soon as possible para masanay ako."

Binuksan ko agad ang tungkol sa paglipat. Hindi ko masabing ayaw kong may maisip na iba ang taong makaaalam na narito ako sa penthouse. Bukod sa hindi naman talaga tama ang ganitong sitwasyon namin.

"Stay," malambing na aniya saka dinampian ng halik ang likod ng tainga ko, his favorite spot.

"Ano ang gagawin ko rito? Psh."

Napabuntong-hininga siya. "I think they can manage without me." 'Yon ang sinabi niya nang walang maisagot sa 'kin.

Lumayo ako pero hindi ako pinakawalan ng mga braso niya. "Pumasok ka na," banta ko. Kinunutan niya ako ng noo. "Magagalit si Keziah," paismid na ani ko.

"Scary." Sarkastiko siyang ngumisi.

"Maxwell?" Tiningnan ko siya nang masama.

"Now I'm scared," nakangiting niya. "Of course, papasok ako."

"Dapat lang! Marami kang pasyente." Pilit kong inalis ang mga braso niya.

"Tsk," dinig kong palatak niya.

Tumaas ang kilay ko at nilingon siya. "What?"

"I deserve rest."

"Then rest."

"In your arms."

Pinigilan kong ngumiti. "Kumain na muna tayo."

Inilahad ko ang kamay sa kaniya. Nakangiti niya 'yong kinuha. Hindi pa man kami tuluyang nakalalapit sa mesa, ayun na naman ang mga braso niyang pumupulupot sa baywang ko.

"Do you plan to eat like this?" natatawa kong sabi.

"If it's possible. Let's try," seryoso niyang sinabi.

Tinapik ko ang kamay niya. "Silly."

"Come sit on my lap."

Hindi niya hinintay pang sumagot ako. Hinila niya ako at ipinuwesto sa kandungan niya! Ngumisi siya matapos makita ang gulat ko. Pero sa halip na inisin ako, dumampot siya ng strawberry at isinubo sa 'kin. Kinagat ko ang kalahati. Halos maduling ako nang sunggaban at kagatin din niya ang kalahati pa. Hindi na ako nagulat nang halikan niya ako matapos gawin 'yon. Halik na para bang ang tagal naming hindi nagkita, sabik na sabik. Ayun na naman ang paghangos niyang nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa 'king sistema, pinabibilis akong huminga. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang mga haplos niya.

Sapilitan kong binawi ang sariling labi at natawa nang makita ang pangungunot ng noo niya. "Sinabi nang kakain na." Pinigilan ko uling matawa.

"I'm already eating," asik niya.

"Hindi pagkain ang labi ko, Maxwell."

"Why do I always crave its taste, then? I want your lips for breakfast, lunch, snack, dinner, midnight snack, breakfast . . . snack." Matunog siyang ngumisi, ang paningin ay nasa labi ko pa rin. "And this feels good, too." Tinukoy niya ang pagkakaupo ko sa kaniyang kandungan. "I can touch all the best bits of you in this position, which is now my third favorite, I guess."

Malanding Maxwell! "Kumain ka na." Akma akong tatayo nang hulihin niya na naman ang baywang ko at pilit akong iniupo. "You're really planning to eat like this, huh?"

"As long as we're comfortable," kunwari ay inosente niyang sinabi. "Let's eat."

Bagaman nahihirapan, pinanindigan ko ang pag-upo sa kandungan niya. Kailangan kong sulitin ang ganitong topak ni Maxwell. Dahil kapag bumalik siya sa normal, 'yong nuknukan ng sungit, paniguradong hahanap-hanapin ko ito. Halos hindi ako magkandaugaga sa kaaabot sa mga inihanda ko. I prepared a bacon and egg sandwich, soup and coffee for him. Juice at fruits naman ang sa 'kin.

Hindi mapanawan ng ngiti ang labi niya habang pinanonood akong subuan siya. Nailang tuloy ako at panay simangot.

"What now, Maxwell Laurent?"

"I like the way you're spoiling me."

"Really?" Nginiwian ko siya. "That's because you're also spoiling me with your time."

"You like it?" seryoso niyang tanong saka isinubo ang hawak ko. Ngumunguya siya habang nakatingin sa 'kin, hinihintay ang isasagot ko.

Of course, silly! Ngumiwi ako kunwari. "Well . . ."

"What?" Awtomatikong nangunot ang noo niya, natawa ako. "My time is precious." Ngumisi siya. "But so are you."

Really? So. . . . Tumaas ang kilay ko, itinago ang tuwa. "Three days from now, I'll start working, right?" Nag-slice ako ng sandwich at muling isinubo 'yon sa kaniya. "What about my uniform?"

"The tailor's coming tomorrow."

"Should I wear something white? Temporary lang naman."

Umiling siya. "Next week ka na pumasok."

"What? No. Kailangan mo ng nurse."

Tumango siya. "Exactly."

"Exactly what?"

"I personally need a nurse," nakangising aniya. "To take care of me. Stay here for a week. I'll tell the tailor to rush your uniforms. I'll give them your measurements."

"You know my size?"

"I can describe every inch of you, wholly."

Napamaang ako. "Buang," natatawa kong bulong. Nangunot ang noo niya. "Ang alam ng parents at kapatid mo ay magtatrabaho agad ako."

"They said that?"

"No, but that's what we all know."

"So?"

"So, kailangan ko nang magsimula sa work in three days, Maxwell. For sure, Maxpein will get mad if she knows about this."

"It's not like I'm stopping you from working. And it's not like I'm afraid of my younger sister." Mayabang talaga ang kigwa. Hindi ko nga maramdaman ni nginig nang banggitin niya ang pangalan ng kapatid.

"You're not, but you want me to do nothing for a week," nakangiwing sabi ko. "Besides, unfair 'yon sa colleagues ko sa bagong trabaho. Nagsisimula na silang magtrabaho while I'm doing . . . personal things . . . with the boss? That is so not fetch, Maxwell. Where's my contract?" Inilahad ko ang kamay sa kaniya.

Humalakhak siya saka matamang tumitig sa 'kin. "You're not my employee, Yaz. I'm not offering you a contract, I want a commitment." Seryoso niyang tinitigan ang mga labi ko.

"What?" Nautal ako.

"Commitment . . ." pabulong niyang sinabi, naliliyo sa katititig sa 'king labi.

Napalunok ako. Matagal na nagproseso sa utak ko ang sinabi niya. "You mean . . ."

"Commit yourself to what's best for you, Yaz," namamaos niyang sinabi.

He wants . . . us, right?

Namasa ang mga mata ko . . . dahil sa pagiging maarte o sadyang naging emosyonal lang. Tama ba ang intindi ko? I didn't want to assume this time. I needed confirmation.

"You mean . . . you want us?"

"I want you, Yaz."

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Hindi ko malaman ang sasabihin at masyadong pinangunahan ng kaba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top