CHAPTER 6


LALO AKONG nalungkot habang nasa daan pauwi. Pero hindi ko maitatangging masaya rin ako. Masaya dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Maxwell, at lungkot dahil hindi ko alam kung babalik pa siya o kung may patutunguhan ba kaming dalawa.

Kinapa ko ang sariling damdamin. Wala man lang akong maramdamang takot dahil ang kalooban ko mismo ang nagsasabi na ginusto ko ang lahat ng nangyari. Talagang wala akong pinagsisisihan sa mga 'yon kaya wala akong karapatang maghangad ng higit pa. Na kahit ang tamang gawin ay panagutan ako ni Maxwell, kontento na ako sa naganap. Gano'n ako kababaw, gano'n ako kadali.

Hindi ko alam kung ano'ng plano ni Maxwell. Maging ang nararamdaman niya ay hindi ko inaalala. Masaya na ako sa kung anong namagitan sa amin. Gano'n na nga yata talaga ako katanga sa kaniya.

"Tsk, bilhan mo na nga ng teether si Spaun, babe? Please!" angil ni Deib Lohr nang makarating kami sa mansiyon.

Natawa si Maxpein. "What's it for?"

"Para 'yon na lang ang ilagay niya sa bibig niya." Saka ngumisi si Deib Lohr sa asawa. "'Wag 'yong sa 'kin. Tch."

"Dibdib mo ba'ng isinusubo, ha?" naiinis na angil ni Maxpein.

"Tsk, ang slow mo, babe! Ang slow-slow mo." Nakangusong kinuha ni Deib Lohr ang anak sa asawa.

"Wow, coming from a pagong like you," bulong ni Maxpein.

"Kay Daddy ka lagi sasama, anak, ha? Para lumaki kang mabait, mahaba, at guwapo."

"Mahaba, ah?" natatawang ani Maxpein.

Natawa rin si Deib Lohr. "Mahaba ang pasensiya. Tch."

Tinunghayan ni Maxpein ang anak habang karga ito ng ama. "Tatapusin lang ni Mommy ang mga inaasikaso niya 'tapos tututukan na kita. Kapag sa 'kin ka lumaki, sigurado na ang kasarian mo. Hindi ka pwedeng lumaki sa ama mo, Spaun."

"Tch. Bakit naman?" Binalingan din ni Deib Lohr ang anak. Natatawa ko silang inilingan. "Sa 'kin ka dapat lumaki, Spaun."

"Kapag diyan ka sa daddy mo, lalaki kang bully. Iyaking bully, malambot na bully." Kinausap ni Maxpein ang anak. "Paglaki mo, 'wag kang mambu-bully. Masama 'yon."

"Mam-bully ka, Spaun. Doon ko nakuha ang mommy mo."

Hinampas ni Maxpein sa braso ang asawa. "Puro ka kalokohan!"

"Babe naman."

"Alis," banta ni Maxpein, seryoso.

Ngumiwi si Deib Lohr, walang takot. "Pakasalan uli kita diyan, eh."

"Naku, sundan na 'yan!" buyo ni Zarnaih. Natawa ang buong pamilya.

Iiling-iling ko silang tinalikuran, natatawa na lang. Ang sarap nilang panoorin, ang sarap nilang tingnan. Nakakainggit. Na kina Deib Lohr at Maxpein ang pangarap kong pamilya. Lalo pa ngayon na tila umiikot ang mundo ng mga Moon sa baby ng kanilang pamilya. Nakatutuwa dahil walang sandaling hindi sila masaya.

Ayun na naman ang nang-aangking lungkot. Sa estado ng nararamdaman ko—kung saan handa akong magpauto, magparaya, magpaloko, magpagamit kay Maxwell, kapalit ng katiting na atensiyon—'yong kahit wala siyang nararamdaman basta maglaan siya ng kaunting panahon sa 'kin, mahirap. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hanggang sa sandaling 'yon, hindi pa rin ako humihingi nang higit pa roon. 'Yong para bang kontento na ako na may nangyari sa 'min, kahit pa umalis siya at hindi na magpakita.

Nakalulungkot na kontento na ako sa gano'ng sitwasyon. Nakalulungkot na wala akong balak maghabol. Nakalulungkot na desperada ako sa kakarampot na nangyari. Nakalulungkot na maramot ako sa sarili ko. Nakalulungkot na ganito lang ako.

Dumulog ang lahat sa mesa nang maihain ang dinner. Pero wala roon ang utak ko. Wala sa kahit na kanino roon ang atensiyon ko. Hindi ko man lang namalayang nakatulala na pala ako habang paulit-ulit na pinipisil ang sariling labi.

"Nag-e-emote lang 'yan," dinig kong ani Zarnaih. Inirapan ko siya. Tulala lang ako pero hindi ako bingi! "Sasama ka ba sa aming umuwi, Ate?"

Napabuntong-hininga ako. Alam kong gusto kong manatili sa mansiyon ng mga Moon. Gusto kong mahiga sa kama kung saan may nangyari sa amin ni Maxwell. Gusto kong alalahanin ang pakiramdam. Gusto kong alalahanin ang impit na ingay na ginawa namin. Gusto kong alalahanin ang humahangos niyang ingay. Gusto kong balikan sa isip ang lahat. Pero may pasok ako bukas. Ayaw kong mangarag sa paggising nang maaga.

"Yeah, sa inyo ako uuwi tonight," sagot ko.

Tinapos ko ang pagkain saka nagpaalam na aakyat sandali sa kuwarto. Hindi naman na sila nanguwestiyon. Pumasok ako sa kuwarto ni Maxwell. Nakangiti kong iginala ang paningin at natuon 'yon sa kaniyang watch collection. Napanood ko sa isip ang eksena namin doon kagabi. Lalo akong napangiti.

Alam kaya niya kung ano'ng pakiramdam ng naiiwan?

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Kinikilig ako pero parating bitin 'yon. Sa t'wing maiisip kong wala kaming label, na ako lang ang may nararamdaman, nalulusaw ang kilig ko. Kahit pa lumalaban ang isip ko. Sinasabi nitong hindi si Maxwell ang lalaking magte-take advantage sa feelings ng babae para lang mapunan ang pangangailangan ng kaniyang katawan.

Pumunta rin ako sa guest room kung saan may nangyari sa amin ni Maxwell. May kung ano akong naramdaman; makamundo, hindi nararapat. Napabuntong-hininga ako at padapang nahiga sa kama. Pumikit ako at muling inalala ang mga nangyari.

Iniisip niya rin kaya ako?

Hindi ko na magawang kiligin ni ang ngumiti man lang nang sandaling 'yon. Sa halip ay takot ang naramdaman ko. Takot na baka kung ano ang isipin niya sa 'kin. Takot na baka magbago ang tingin niya sa 'kin. At mas matinding takot pa sa posibleng dahilan niya kung bakit niya ginawa 'yon.

Hindi ko alam kung ano'ng klase ng experience meron si Maxwell. Wala akong nalalamang nagkaroon siya ng girlfriend. Sigurado ako roon dahil lahat ng kilos niya ay inaalam ko, o kung hindi naman ay ipinaaalam ng pamilya niya sa 'kin.

Pero hindi ako pwedeng magkamali, alam niya ang ginagawa niya kagabi. Walang sandali na naramdaman o nakita kong nag-alinlangan siya. Walang bakas ng kainosentehan sa bawat haplos at kilos niya. At kung ako ang tatanungin, nasisiguro kong paulit-ulit kong pagpapantasyahan 'yon.

What the hell, Yaz? Napapikit ako sa kahihiyan sa sarili.

Natinag ako sa magkakasunod na katok at napabalikwas ng bangon nang bumukas ang pinto at tumuloy si Maxpein.

"Pein." Tumikhim ako.

Deretso siyang tumingin sa 'kin. Seryoso siya, walang mababasang ekspresyon sa mukha. Normal niya na 'yon pero hindi ko naiwasang magtaka.

Lumapit siya at naupo sa harap ko. Naglikot naman ang mga mata ko, hindi malaman kung magtatanong o magbibiro sa presensya niya.

"May nangyari ba sa inyo ni Maxwell?" Hindi ko inaasahan ang tanong niya!

Natuliro ako. "What do you mean?" Iniwasan kong mautal. "Nothing, of course." Pinilit kong matawa. "Bakit naman may mangyayari sa 'min." Nag-iwas ako ng tingin. "I mean, duh?"

"I mean, nag-away ba kayo?"

Napapamaang akong lumingon sa kaniya, palihim na nakahinga nang maluwang. "No." Umiling ako. "We're good." Tumango-tango ako, gustong sundan ang sinabi pero wala akong makapang salita.

"I see." Nagbuntonghininga siya saka nakangiting iginala ang paningin sa kuwarto. "I always miss this place," may lungkot sa tinig niyang sinabi. "May parte ang mansiyong ito na paulit-ulit akong pinababalik."

"This is your home, Pein. That's the reason."

"I know." Nakangiti siyang tumingin sa 'kin. "Our home."

Napangiti rin ako saka tumayo. "Kailangan na naming umuwi."

"Visit them as often as you can, please?"

"Of course! Alam ko namang nami-miss nila ang mga luto ko."

"Yeah, paulit-ulit na iniuungot 'yan ni Mokz. Kahit ako ay hinahanap ang mga luto mo."

"Mabuti pa kayo." Ngumiwi ako. "Samantalang 'yong kuya mo, hindi man lang hinahanap ang luto ko."

"Yeah, but I heard ikaw ang ipinagluto niya."

Sabay kaming naglakad pababa. "Sinabi niya sa 'yo?"

Umiling siya. "Sinabi ng maid."

"Well, my luck."

"Tss. Milagro 'ka mo," sagot niya nang may nanunuksong ngiti.

Nagpaalam kami sa isa't isa saka sabay na bumiyahe pauwi sa kaniya-kaniyang bahay. Pagkarating naman, agad kong tinakasan ang bibig ng kapatid ko. Agad akong naligo at nagpahinga.

Kung gaano kabilis akong nakatulog kagabi ay siya namang tagal nang sandaling 'yon. Dinampot ko ang cellphone ko. Sa unang pagkakataon ay hiniling at umasa akong sana ay may text message man lang si Maxwell. Dismayado kong tinawanan na lang ang sarili matapos mabigo. Of course, that was not his thing.

Dumaan ang mga oras, araw, linggo, at buwan kagaya ng dati. Bumalik ako sa natural at paulit-ulit kong ginagawa. Bahay-trabaho ng lima o anim na araw sa isang linggo. Gumi-gimmick t'wing off o kung kailan mahila ng mga katrabaho. Kung manatili man ako sa bahay, nauubos ang oras ko sa online shopping at kahihintay sa mga 'yon na dumating.

Pero iba na ang pakiramdam ngayon. Meron nang kulang at alam kong si Maxwell 'yon. Hindi ako gano'n noon. Natatagalan ko nang wala siya. Kontento na akong kinikilig sa t'wing maiisip siya. Everything felt different now.

Parati akong lutang sa trabaho. Parating may iniisip. Kung dati ay nagkakamali ako dahil sa presensya ni Maxwell, ngayon ay dahil sa pagiging lutang at kawalan ng presensya niya. Kung dati ay kontento na akong hinihintay siyang bumalik, ngayon ay may kung ano sa 'king gusto siyang puntahan.

He was just drunk that night, Yaz. Nangyari ang lahat dahil lasing siya; wala sa sarili, gano'n. Don't expect too much from him. He's not here and he makes no effort to be around you. He's not just gonna sit back and twiddle his pen if he really likes you. For sure he'll go after you. Hindi ka niya iiwan kung mahalaga sa kaniya ang namagitan sa inyong dalawa.

Napayuko ako sa pareho kong palad at isinabunot ang mga kamay sa buhok ko. Hindi siya mawala sa isip ko sa panahong nakalipas. Masyado akong apektado at hindi na 'yon nakatutulong sa 'kin.

It'll be obvious if he does like you, Yaz. Come on. Kailangan kong makumbinsi ang sarili ko. Nangyari lang 'yon dahil wala si Keziah sa tabi niya. Ngayong magkasama na naman sila, balewala ka na.

Lalo akong nalungkot dahil sa mga tumatakbo sa isip ko. Pero kahit gano'n, hindi ko magawang umiyak. Ewan ko ba. Baliw na yata ako. Kaya sa halip na magkulong sa kuwarto ay bumaba ako para makiusyoso sa kapatid ko.

"Oh, wala ka yatang gimmick ngayon?" nakatunghay na ani Zarnaih.

"Nasa Singapore ang friends ko," patungkol ko sa mga ka-close ko sa trabaho.

"Bakit hindi ka sumama?"

"Hindi na-approve ang leave request ko," nakasimangot kong sagot.

Napalingon kami nang sabay kay Lee matapos nitong tumayo nang may mag-doorbell.

"Wow, look who came to visit us, Zelestaire!" Nangibabaw ang tinig ni Zarnaih. Napalingon naman ako sa gawi ng pintuan at napangiti nang makita si Maxpein at mag-ama niya.

Sa sandaling 'yon mismo ay naisip ko kung bakit nauna pa ang dalawang ito na magkapamilya sa 'kin. Naaalala ko noong bata kami ni Zarnaih, inaasahan ng parents naming ako ang mauunang mag-asawa. Hindi lang dahil mas matanda ako kundi dahil bata pa lang, nag-set na ako ng date kung kailan ako ikakasal: sa edad na twenty-eight. Sabi ko pa, magbubuntis ako the following year, at bago kami mag-second anniversary ng napangasawa ko, manganganak ako, para double celebration. Obviously, hindi gano'n ang nangyari.

Lumapit ako para salubungin ang mga bisita. Noon ko lang naramdamang miss ko na pala sila. Ilang linggo na rin mula noong huli ko silang makita. Dati-rati ay madalas akong dumalaw sa kanila. Nitong mga nakaraan, halos nagkukulong lang ako sa bahay. Masyado yata akong nalunod sa kaiisip kay Maxwell. Hindi ko lang marahil napansin dahil walang nakahahalata sa 'kin.

"Ang ganda talaga ng mata ng anak mo, Maxpein," papuri ni Lee. Nagulat pa ako nang makitang ito na ang may hawak kay Spaun.

"Mana kay Maxpein, siyempre," sang-ayon ni Zarnaih, karga naman ang sariling anak. "Mata lang ang maganda sa kaniya, eh. Ha ha ha!"

"Tss." Inirapan ni Maxpein ang kaibigan.

"No, sa tingin ko ay kay Maxpein din nakuha ni Spaun ang ilong at labi niya. Hey, kiddo." Nilaro ni Lee ang mga daliri nito. Ngumiti si Spaun, kumikinang ang mga mata sa ganda. "Tsh. Ano na lang ang nakuha nito sa kaibigan ko?" nang-aasar na biro ni Lee. "Anak mo nga ito, Maxpein. Pero ikaw ba talaga ang daddy, Deib Lohr?"

"Shut up, will you?" asik ni Deib Lohr. "Ganyan na nga sila sa Korea, pati ba naman dito? Tch."

Natawa sina Maxpein, Lee, at Zarnaih. Lalo namang sumimangot si Deib Lohr. Wala akong ginawa kundi ang ngumiti habang pinanonood sila, hindi malaman kung may naiintindihan ba sa usapan o lutang na naman.

"Kung tawagin sa Korea ang anak ko ay Maxspaun, son of Maxpein. Parating gano'n, hindi nawawala ang pangalan ng asawa ko sa t'wing ipakikilala o tatawagin ang anak ko. Lahat sila ay gano'n. Parang hindi napapagod. Tch," nakangusong ani Deib Lohr. Natawa kami. "Dapat dito ay Maxspaun, son of the handsome Deib Lohr."

"Tara sa kusina, Maxpein. Nag-bake ako," nang-aasar na ani Zarnaih, iniiba ang usapan, lalo kaming natawa.

"Akin na nga ang anak ko, Lee. Tch!" Tumayo si Deib Lohr para bawiin si Spaun. "Paglaki mo ay 'wag kang sasama sa anak nilang bibe." Tiningnan niya nang masama sina Lee at Zarnaih.

"Ang sama ng ugali mo, Sensui!" angil ni Zarnaih.

Napapabuntong-hininga akong nag-iwas na lang ng tingin. Ano ba, Maxwell? Malalanta na ako. Ano ba talaga ang plano mo? Psh! Talagang hanggang sa sandaling 'yon ay hindi nawawala ang pag-asa ko kay Maxwell. Kahit pa daan-daang isipin din ang nagsasabing hindi 'yon mangyayari.

"Tahimik ka yata?" Hindi ko inaasahang mapapansin ako ni Deib Lohr.

Natatawa ko siyang inirapan. "Tahimik naman talaga ako."

"Nice joke," nakangising tuya niya.

"Naku, ganyan na 'yan si Ate mula noong lumipad papuntang Palawan ang bayaw mo." Umikot ang mga mata ko nang ibisto ako ni Zarnaih.

Natawa si Deib Lohr. "Bakit hindi mo sundan?"

"Excuse me, 'no? Hindi ako gano'n," maarte kong sagot, saka tinuhog nang tinuhog ang cake sa plate ko.

"'Sus! Kung dumikit ka nga sa 'kin noon," mayabang na ani Deib. Sumama ang mukha ko. "Bakit hindi mo gawin kay Maxwell 'yon?"

"Paano ba siya dumikit sa 'yo noon at parang naipagmamalaki mo?" asik ni Maxpein. Umayos ng upo si Deib Lohr.

Natawa na lang ako. "Come on, guys. Ganito lang ako kasi fresh pa, parang kahapon lang umalis si Maxwell."

"Fresh, kahit months ago na? Ilang beses ka nang iniwan ni Maxwell, hindi ka nagkaganyan. Dati nga ay sa ibang bansa pa nagpunta ang isang 'yon. Ngayong nandiyan lang sa Palawan, saka ka pa nagkaganyan. Sige, Ate. Magkuwento ka pa," pang-aasar ni Zarnaih.

"Shut up." Inirapan ko siya.

"Sinabi ko naman kasi sa 'yong hindi ka type niyon," natatawa niyang sinabi. Napangiwi na lang ako. Wala akong lakas para patulan siya. "Ayaw niya sa maarteng tulad mo kasi hindi tugma. Nahihigitan mo ang kaartehan niya at ayaw niya niyon."

Alam kong inaasar lang ako ni Zarnaih. Natural na sa kaniya 'yon at sa relasyon naming magkapatid. Pero sa sandaling ito, nasasaktan ako, dahil dumaragdag siya sa pag-o-overthink ko.

Masaya naming pinagsasaluhan ang cake na ginawa ni Zarnaih. Pinalis ko ang lahat ng iniisip tungkol kay Maxwell. Gaya ng dati ay masaya akong nakipagkuwentuhan sa kanila. Nahinto lang kaming pare-pareho nang muling mag-ring ang bell nang magkakasunod.

Tumayo si Lee upang buksan ang pinto at pare-pareho kaming nagulat nang makita si Maxrill.

"Dongsaeng." Tumayo si Maxpein, nagtataka sa presensya nito.

Ngunit ang paningin ni Maxrill ay tutok na agad sa 'kin. Panay naman ang pagkurap ko habang pinanonood siyang lumapit. Nanindig ang mga balikat ko nang hawakan niya at pisilin doon. Napigil ko naman ang hininga nang yumuko siya at halikan ako sa buhok. Lahat ay nagulat, napamaang sa inasta niya, lalo na ako!

"Hello, Yaz," bati niya.

Pilit ang ngiti ko siyang tiningnan. "Why did you do that?"

"What?"

"That . . ." Nahawakan ko ang parte ng buhok kong hinalikan niya. Pakiramdam ko ay masyado na akong namumula. Naiilang kong sinulyapan ang lahat ng nar'on.

"Because I missed you," pabulong niyang sagot. Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala. Naitikom ko lang 'yon nang masulyapan ang salubong nang kilay ni Maxpein.

Lumapit si Maxrill sa bakanteng silya pero nagkamali ako nang isiping doon siya mauupo, dahil binuhat niya ang silya at ipinuwesto 'yon sa tabi ko. Natutuliro kong nilingon ang lahat pero lahat sila ay kay Maxrill din nakatingin.

"What are you doing here?" seryosong tanong ni Maxpein.

"I have a client tomorrow," sagot ni Maxrill habang himas ang tiyan. "I'm hungry. Can I have some?" aniya na nakatanghod sa 'kin.

Muli kong nilingon ang lahat, hindi malaman ang gagawin. Hindi ko nagawang kumilos agad dahil sa mga titig ni Maxpein sa 'kin. Hindi ko tuloy malaman kung pagsisilbihan ko ba si Maxrill o ano.

"Ikaw, bata ka, oh!" wala sa sarili kong nasabi, sinikap na 'wag mabulol. "Kapag nalaman ni Maxwell ito, he'll get mad for sure. He doesn't want me to spoil you like a baby brother. You're not a kid anymore, sabi mo nga." Pinilit kong magtunog nagbibiro habang nagsa-slice ng cake para sa kaniya.

Naging matunog ang buntonghininga ni Maxrill nang iabot ko ang plate. Hindi niya sinunggaban ang cake gaya ng inaasahan ko, at sa halip ay nanunuya akong tiningnan.

"Where's Hee Yong?" Iniba ko agad ang usapan.

"Home." Matipid ang ngiti ni Maxrill.

"Eat your cake na. Ate Zarnaih made that," magiliw kong sabi pero parang nawalan siya ng gana at hindi na nagsalita. Naupo ako pabalik, bumaling ako kina Maxpein.

"How are you doing, Maxrill Won?" usisa ni Maxpein.

Hindi pa man nakasasagot ang bunso, sunod-sunod na ang tanong ng ate nito. Inaasahan pala ni Maxpein ang pagdating ni Maxrill pero hindi sa bahay ni Zarnaih. Sa paraan ng pag-iinteroga ni Maxpein ay hindi ko naiwasang isipin na nararamdaman na rin niya ang mga kilos ni Maxrill sa 'kin.

"How have you been, Yaz?" Maxrill leaned on the sink while I was washing the dishes. May hawak siyang baso ng wine, nasa bulsa ang isang kamay, at deretsong nakatingin sa 'kin.

"I'm fine, bunso," biro ko.

"Tsh."

"What?"

"Don't call me bunso."

"Ano'ng gusto mo?"

Ngumisi siya. "What's the sweetest endearment for you?"

"Sweet nga 'yong noona mo!"

"Tsh. Forget that." Naiinis siyang nag-iwas ng tingin.

"Bakit nga ba hindi mo na ako tinatawag ng noona? Nami-miss ko na 'yon."

"Really?" nakangiti niyang tanong, sa tonong naaasar.

"Doon mo ako sinanay."

"Then, sasanayin kita sa pangalan mo."

"Mawawalan ka ng galang." Nakangisi ko siyang pinandilatan.

Hinarap niya ako. "Igagalang kita bilang babae, hindi bilang ate."

Napatitig ako sa kaniya. Ngunit agad din akong nag-iwas nang makita kung gaano siyang kaseryoso. Kinuha ko ang towel at nagpunas ng kamay upang maiwasan ang tingin niya. Babaling na sana ako papalayo nang muling matigilan. Nar'on na si Maxpein sa likuran namin. Hindi na ako magugulat kung narinig niya ang lahat ng napag-usapan namin ni Maxrill.

Napalingon ako kay Maxrill, kabado. Naglapat ang labi niya na para bang nasusuya sa presensya ng kapatid. Naiilang ako. May kung ano sa 'kin na gustong itago ang napapansin ko kay Maxrill. Natatakot ako sa ganitong reaksiyon ni Maxpein. Pero hindi maingat si Maxrill. Talagang sinasadya niyang ipakita sa lahat ang mga hindi maipaliwanag na pagpaparamdam niya sa 'kin.

"Let's go home," anyaya ni Maxpein saka tinalikuran kami.

"Are you free tomorrow?" habol ni Maxrill nang akma ko siyang lalampasan, hindi pinansin ang kapatid. "I'll pick you up after work. Let's have a date."

Nagugulat ko siyang nilingon. "May . . . may kailangan akong gawin," nauutal kong sagot. "Maybe next time, Maxrill."

"How about I'll take you to work, pick you up after, and send you home?"

"Maxrill, you don't need to do that."

"Please?"

Handa na akong tanggihan siya ngunit pinipigilan ako ng mga mata niya. Nang sandaling 'yon ay hindi ko makita ang isip-batang Maxrill na nakagawian ko. Ang narito ngayon sa harap ko ay binatang lalaki na humihingi sa 'kin ng oras at atensiyon at hindi ko alam kung paanong tatanggihan 'yon.

"Alright," napipilitan kong sagot. "Pero bukas lang, okay?"

"What about my date next time?"

Nanlumo ako. "Alright, okay. Iisipin ko na lang na busy ang ate at kuya mo kaya ako ang niyayaya mo." Nginisihan ko siya.

Nakita ko siyang natigilan, pilit ang ngiting nagbuntonghininga saka tumango. "Whatever." Halos mapailag ako nang haplusin niya ang buhok ko. "I'll see you again tomorrow. Good night."

Nanlulumo ko siyang inihatid ng tingin. Lalo pa akong nanlumo nang makita kung gaano na kaseryoso si Maxpein. Maging ang nanunuri at nakikiramdam niyang mga tingin kay Maxrill ay hindi nakaligtas sa 'kin.

"Tsk tsk." Napalingon ako sa umiiling na si Zarnaih. "'Ganda mo, 'day!" aniya saka tinalikuran ako.

Hindi ko magawang sagutin ang pang-aasar niya. I didn't understand why I felt guilty. Hindi ko matukoy kung para kanino ang guilt: kay Maxrill ba o kay Maxpein. Hindi ko ginusto kung anuman ang ipinakikita ni Maxrill. Pero hindi ko rin mapigilang makonsiyensiya.

Igagalang kita bilang babae, hindi bilang ate.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. Sa isip, hiling kong sana ay magbago ang ihip ng hangin at bumalik siya sa dati. Mas gugustuhin ko ang makulit na Maxrill na walang ibang problema kundi ang pagkain. Pero imposibleng umedad siya pabalik. Hindi na siya babalik sa isip-batang Maxrill Won del Valle.

Napabalikwas ako nang mag-ring ang cellphone ko. Naiinis ko 'yong dinampot at pinandilatan matapos makita ang pangalan ng caller.

Maxwell! Dali-dali ko 'yong sinagot. "Hi, baby!"

"Hmm. Hi."

"Napatawag ka?" excited kong tanong.

"Just checking up on you. How are you?"

Napapadyak ako sa sobrang kilig. Walang kasingganda ang boses ni Maxwell! Pakiramdam ko ay nag-e-echo 'yon sa pandinig hanggang sa dibdib ko. Halos mapunit ang pisngi ko sa kangingiti at magsugat ang labi sa pagkakakagat.

"I'm fine. Bakit ngayon ka lang tumawag?" nakalabi kong tugon.

Sandali siyang natahimik. "Sorry, I got busy."

Napanguso ako. Ayaw kong mag-demand. "Just asking," magiliw kong sagot, nagpapanggap. "How are you?"

"Lumabas ka ngayon?"

"No. Magdamag lang akong nasa bahay."

"Good."

"Why?"

"Nothing. Nandiyan si Maxrill."

"Yeah, galing siya dito sa bahay."

Dinig ko siyang nagbuntonghininga. "And what did he do?"

Nag-flashback sa isip ko ang lahat ng nangyari at napag-usapan namin ni Maxrill kanina. "We ate cake—"

"Together?"

"Yes."

"Why?"

"Anong why?" Natawa ako. "Kasama sina Maxpein, Deib Lohr, Zarnaih, Lee, at 'yong mga bata."

Muli siyang nagbuntonghininga. "Good."

"Seloso!" pang-aasar ko.

"Seriously?"

"Sabihin mong hindi?"

"Hindi."

"Psh." Lumabi ako. "Ang tagal mong hindi nagparamdam. Ngayong nandito si Maxrill, bigla kang napatawag."

"Dahil noong nandito siya, alam kong walang aaligid sa 'yo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Excuse me, marami sa ospital, 'no!" Nasapo ko ang sariling noo matapos sabihin 'yon. Ang kapal talaga ng mukha mo, Yaz! Pero . . . totoo naman!

Muli siyang nagbuntonghininga. "Go to sleep."

Napanguso ako. "Kailan ka ulit tatawag?" napapangiti kong tanong.

"I can't promise. But I'll call you every time I can."

"Okay," nakanguso kong tugon. "Anyway, Maxrill will pick me up tomorrow—"

"No."

"Yes," mariin kong tugon.

"No, of course not. He will not do that."

"Yes, he will do that."

"Yaz?"

"Yes?"

"No."

Natawa ako. "Wala ka kasi rito para sunduin at ihatid ako."

"Seriously?"

"Why not?"

"I'll be jealous, I'm telling you."

"Why?" Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang nakapupunit na ngiti.

"Don't go out with him. Please."

Napabuntong-hininga ako. "Bukas lang, promise."

"No," mas mariin niya nang sinabi, nakikiusap.

"But I said yes already."

"Tsk." Matagal siyang natahimik sa kabilang linya. Gusto kong ma-guilty pero lamang ang kilig. Hindi ko mapigilang ngumiti. "Whatever." Malalim ang buntonghininga niya.

"I promise you, bukas lang. Ihahatid niya lang ako sa trabaho, susunduin, at ihahatid ulit sa bahay."

"Wow." Sarkastiko siyang humanga. "'Yong mga bagay na hindi ko nagagawa, really?"

"Your fault. Bakit kasi hindi mo gawin?" naghahamon kong biro.

Sandali na naman siyang natahimik. "Go to sleep. Good night."

"Good night." Hinintay niya akong ibaba ang linya. Hindi ko tuloy malaman kung matutuwa ako o malulungkot na naman. Nang sandaling 'yon ay pinili kong maging masaya.

Kinabukasan ay tinupad nga ni Maxrill ang sinabi. Maaga pa lang ay tumawag na siya upang alamin ang oras ng duty ko. Tanghali ay nasa bahay na siya. Pinilit ko siyang mananghalian kahit sinabi niyang ipinagluto siya ni Heurt. Bumisita raw ito nang malamang dumating siya.

"So, when are we going out?" tanong ni Maxrill habang papalabas kami ng bahay.

Natawa ako. "Ano ka ba? I know you're busy. May client ka, right? Siya na muna ang unahin mo."

"I'll find time for you."

"Maxrill?"

"I can do that, Yaz. I can date you without affecting my work. And I can give you more than that, without a doubt."

May kung anong haplos akong naramdaman sa puso ko. Pero ang mata ko ay pinuno ng lungkot. Sa ibang bibig ko gustong marinig ang mga salitang 'yon. Bakit kaya gano'n?

Sa halip na sumagot ay nagtuloy na lang ako papalabas ng gate. Ngunit pareho kaming natigilan ni Maxrill nang makita si Maxwell, nakapamulsa at nakasandal sa kotse niya.

Ilang beses akong kumurap, kinusot pa ang mga mata. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya.

"Maxwell . . ." sambit ko. Tumitig siya sa 'kin na para bang hindi niya nagugustuhan ang nakikita.

Nagbuntonghininga siya saka sumulyap sa kapatid. "Hey, Maxrill."

"What are you doing here?" tanong ni Maxrill, nakangiti sa hindi makapaniwalang paraan.

Ngumisi si Maxwell. Sa halip na sumagot ay humakbang siya papalapit sa 'kin. Nalito ako nang ilahad niya ang kamay sa 'kin. Napalingon ako kay Maxrill, nag-igting ang panga niya dahilan para makonsiyensiya ako lalo na nang awtomatiko kong abutin ang kamay ni Maxwell upang sumama.

"You can go home, Maxrill. Ako na ang maghahatid sa kaniya," ani Maxwell.

Buntonghininga ang tanging isinagot ni Maxrill. Tila kinurot ang puso ko nang sulyapan niya ako. I'm sorry . . . sinabi ko nang walang tinig. Wala na siyang nagawa nang akayin ako ni Maxwell papasakay sa kotse. Nakita ko pang tumango si Maxrill nang lumulan si Maxwell. Tiningnan ko si Maxrill habang papalayo kami, malayo ang kaniyang tingin.

Napalingon ako kay Maxwell, tutok siya sa pagmamaneho. Magsasalita na sana ako nang mapansin ang kaniyang itsura. Mukhang wala pa siyang tulog o sapat na pahinga. Naitatago niya ang pagod sa nakahihipnotismo niyang ngiti at pabango.

"What?" Nagulat ako nang magsalita siyang bigla.

"Bakit bigla kang lumipad papunta rito?"

"Isn't it obvious?"

"Hindi kita maintindihan, Maxwell." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Ihahatid lang naman ako ni Maxrill."

"Why can't I?"

"You're doing it already."

"Sa kaniya ay nakangiti ka, sa 'kin ay parang galit ka na."

"Dahil napahiya siya."

"I'm sorry." Ramdam ko ang sinseridad niya.

"Sa kaniya mo dapat sabihin 'yan," pabuntong-hininga kong sinabi. Besides, wala naman tayong relasyon para umasta ka nang ganito. "Bumalik ka na sa Palawan."

Naramdaman ko nang lingunin niya ako, maging kung gaano katagal siyang tumingin sa 'kin. Sunod-sunod ang pagbuntonghininga ko.

Hindi na siya umimik pa hanggang sa maihatid ako sa ospital. Nagpasalamat ako pero tinitigan niya lang ako. Mabigat ang loob kong iwan siya at pumasok pero kailangan kong gawin 'yon.

Hindi naman sa kinakampihan ko si Maxrill. Nakokonsiyensiya lang ako dahil ramdam kong napahiya ito. Maayos itong nakiusap, pumayag ako, at nagsabi rin naman ako kay Maxwell. Walang dahilan para bigla niyang agawin ang eksena. Nagi-guilty rin ako dahil may chance akong magpahatid kay Maxrill pero si Maxwell pa rin ang pinili ko.

Nang makaupo sa nurses' station ay sinubukan kong tawagan si Maxrill. Hindi siya sumasagot, kaya naman nag-text na lang ako para mag-sorry.

Buong maghapon kong dala sa isip at dibdib ang nangyari. Aminado akong paulit-ulit kong hinihiling na sana ay maihatid ako sa trabaho ni Maxwell. Pero hindi sa ganitong paraan. Iniisip ko kung ano ang naramdaman ni Maxrill, at hindi kinakaya ng konsiyensiya ko ang itsura niyang rumehistro sa isip ko. Mabigat tuloy ang pakiramdam ko hanggang sa matapos ang shift.

"Naku, bilisan mo na diyan at nakatulog na sa quarters ang sundo mo," ani Ma'am Minnie.

"Ako po?" nagtataka kong tugon.

"Oo, ikaw nga. Sino pa ba?" natatawang aniya. Tatanungin ko pa sana siya ngunit kumaway na siya papalayo.

Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko at nag-out. Dumeretso ako sa doctors' quarters. At gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Maxwell na natutulog. Nakaupo, magkakrus ang braso, at patumba-tumba na ang ulo.

Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito?

Napapabuntong-hininga akong lumapit. Bigla ko pang nasalo ang mukha niya nang awtomatiko 'yong matumba paglapit ko. Nagising tuloy siya.

"Why are you still here?" pabulong kong tanong.

Ngunit sa halip na sumagot ay nakaupo siyang yumakap sa baywang ko at muling pumikit.

"Maxwell?" Inuga ko ang balikat niya.

"Hmm?" ungot niya.

"Ano ka ba, baka may makakita sa atin dito."

"Five minutes."

"Come on, let's go home."

"I'm so damn tired, Yaz. Give me five minutes."

Naawa naman ako. Hinaplos ko ang mukha at buhok niya. "Ako na ang magda-drive. Let's go home."

Awtomatiko siyang tumayo matapos kong sabihin 'yon. Nagulat ako nang iakbay niya ang braso sa 'kin at naglakad na animo'y lasing.

"Umayos ka nga, Maxwell."

"I'm dizzy."

"Wala ka pang tulog, 'no?"

Tumango siya. "I told you, I was busy."

"Kaya nga hindi ka na dapat pumunta."

"Hindi ka dapat nagpapahatid sa kapatid ko," may awtoridad niyang sinabi.

"Kung magalit ka naman ay parang may relasyon tayo," nakanguso kong tugon.

Awtomatiko niyang inalis ang pagkakaakbay sa 'kin. "So, kayo ang may relasyon?"

"Wala akong sinabing gano'n." Pinandilatan ko siya.

Muli siyang umakbay sa 'kin dahilan para maagaw namin ang atensiyon ng mga staff. Hindi ko malaman kung anong reaksiyon ang ipakikita sa kanila matapos nila kaming pagbulungan.

"Don't mind them," ani Maxwell. "And don't date my brother."

"I'm not dating anyone." Pinalo ko siya sa tagiliran.

"Stop going out with him."

"I did not." Muli ko siyang pinalo. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay bahagyang bumagsak ang katawan niya. "'Wag mo nga akong diktahan? Ayoko ng dinidiktahan ako. May sarili akong desisyon, Maxwell."

"Okay."

Tiningnan ko siya nang masama. Hindi nakaligtas sa 'kin ang pangangalumata niya. "'Wag ka nang magpupuyat ulit."

Ngumiwi siya. "I can't avoid it."

"At mas lalong 'wag kang magmamaneho nang ganyan."

"Sure."

"Kumain ka na ba?"

Umiling siya. "I waited for you."

"The whole shift?" nagugulat kong tanong. "Nakaya mo 'yon?"

Nakangisi siyang tumango. "I'm the best."

"Buang ka! Sinabi ko bang maghintay ka?" Hindi ko naitago ang inis dahil sa pag-aalala. "Dadaan na ako sa bahay ninyo, ipagluluto kita."

"I need to sleep."

"No, kakain ka."

"Babalik pa ako sa Palawan bukas nang madaling-araw."

"What?"

Ngumuso siya, nagpapa-cute. "Marami akong pasyente bukas."

"Ah, basta, ipagluluto kita at kakain ka. Kahit ako na ang maghain sa 'yo sa kama."

Ngumisi siya at kinagat ang labi. "Sure . . ." paos niyang sagot.

Amaw! "Siguraduhin mo lang, Maxwell."

Ngumisi siya. "Nang-a-under ka na, ah?"

Sisinghalan ko pa sana siya pero natigilan na ako sa ganda ng pagkakangiti niya. "Magpapa-under ka ba? Del Valle ka."

"Kung sa panganay ng Marchessa, why not?"

"Psh, 'pagsyur."

"What's that?"

"Wala!"

Dumeretso kami sa mansiyon ng mga Moon. Gaya ng inaasahan, nagulat sila nang malaman kay Maxrill na dumating si Maxwell nang walang pasabi. Sangkatutak tuloy na pambabara ang inabot niya kay Maxpein. Palibhasa'y antok na antok, walang lakas sumagot si Maxwell.

Hindi ko naiwasang kabahan habang nagluluto. Wala kasi akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila. They were all speaking in Korean. Gustuhin ko mang pagpahingain si Maxwell habang hinihintay ako, hindi siya nakaligtas kay Maxpein.

Hindi ko rin naiwasang hanapin si Maxrill. Pero hindi na ako nagtanong pa. Kung wala siya rito ay paniguradong nar'on 'yon sa bahay ni Maxwell.

"Get up," utos ko nang makapasok sa kuwarto ni Maxwell. Bitbit ko ang tray kasunod ang maid. Ipinagluto ko siya ng adobo.

Wala pa man ay sinunggaban niya na 'yon. Napangiwi naman ako. Kung hindi pa makaaamoy ng pagkain ay hindi magugutom.

Kung anong lakas kumain ni Maxrill ay siya namang dalang ni Maxwell. Sa sobrang busy, madalas siyang malipasan. Dinig ko, noong nasa ibang bansa sila ni Maxrill, madalas siyang nauubusan ng pagkain. Ang dahilan ng bunso, masisira lang ang pagkain kahihintay sa panganay at ayaw niyang magsayang ng pagkain kaya inuubos niya na. Si Maxpein naman ay madalas na nalilipasan din ng gutom. Ngunit hindi dahil sa pagiging busy kundi dahil sa sobrang pagtulog.

"Ah . . ." Umasta si Maxwell na susubuan ako, nagulat ako. "Ah . . ." kunot-noo nang pag-uulit niya.

Napapangiti, napilitan akong isubo 'yon. "'Wag ka nang magpapagutom ulit."

"Alright."

"Matulog ka agad."

"Agad?"

"Agad." Pinandilatan ko siya.

"Alright," pabuntong-hininga niyang isinagot. "Sleep beside me, Yaz."

"What?" Muli ko siyang pinandilatan.

"Bitin ang yakap ko kanina."

Sa halip na magalit ay napangiti na lang ako. Pinanood ko siyang kumain. Nabusog na rin ako nang paulit-ulit niya akong subuan hanggang sa maubos naming pareho ang inihanda ko. Ang saya ko dahil sa dami ng niluto ko, halos siya ang nakaubos.

Inutusan ko siyang magpahinga na. Bumaba naman ako para iligpit ang mga gamit.

"Yaz." Nangibabaw ang tinig ni Maxpein habang abala ako sa hugasin. Bago pa ako makasagot ay nakalapit na siya. "I'll ask you a favor."

Kinabahan agad ako. "Yes?" napapalunok kong tugon.

"I want you to work in Palawan."

Naihinto ko ang ginagawa at napapamaang na tumingin sa kaniya. "Wait, what did you say?"

Nagbuntonghininga siya. "Kailangan ni Maxwell ng nurse—maraming nurse. Kulang pa siya sa tao. Ang mga aplikante niya ay hindi qualified sa posisyong hinahanap niya."

Hindi ko naiwasang mag-alala lalo na at nakapaninibago talaga ang itsura ni Maxwell. Pero nangibabaw ang excitement ko. Totoong hinihiling kong mangyari ito pero nahihiya akong magsabi sa kabila ng makapal kong mukha. But at the same time, nag-aalala ako.

"Bakit hindi niya sinabi?" tanong ko.

"Kailangan niya ng personal nurse," nakangising ani Maxpein. "Dahil pinapatay niya ang katawan niya sa katatrabaho."

"Okay," pagpayag ko.

Nagliwanag ang mukha ni Maxpein. "Are you sure?"

Natawa ako. "Okay ka lang? Dream come true ang offer mo, 'no!"

Napailing siya. "Trabaho, Yaz."

"Oo nga, psh! Gano'n na rin 'yon."

"Tss."

"Kahit walang sahod ay tatanggapin ko 'yan!"

"Pwede ba naman 'yon?" Natawa siya.

"Oo, volunteerism." Nagtawanan kami.

Hindi ko maitago ang saya nang gabing 'yon. Pakiramdam ko ay biglang nagbago ang buhay ko. Ang lungkot na pinagdaanan ko sa mga nakaraang linggo ay nabayaran ng isang magandang offer ni Maxpein.

Akala ko ay nagampanan na ni Keziah ang posisyon sa buhay ni Maxwell na pinapangarap ko. Pero sabi ni Maxpein, busy rin ito.

Hindi ko na ginising pa si Maxwell nang makabalik ako sa kuwarto niya. Sa halip na tabihan siya ay dumeretso na ako guest room. Kakatwang sa kabila ng presensya ni Maxwell at magandang balita ni Maxpein, nakatulog ako agad.

"Yaz." Nagising ako sa tinig ni Maxwell kinabukasan. Nanlalabo ang mga mata ko nang tingnan siya. "Bakit hindi ka tumabi sa 'kin?" naghihinanakit niyang sabi.

Natawa ako. "Ayaw na kitang gisingin."

"I'm leaving."

Alam na kaya niya ang offer ni Maxpein? "Okay, magre-ready lang ako."

"No, you don't have to."

"Are you gonna be okay?"

"Yeah. Anyway, I'll see you again tomorrow." Ngumisi siya.

Tomorrow? Kung gano'n, alam niya na?

Hindi ko inaasahang yuyuko siya para halikan ako sa labi. Bigla akong nahiya. "Go back to sleep."

"Take care, Maxwell."

"I can't wait to see you again." Pinaghaplos niya ang pareho naming ilong. Gusto kong itanong kung nananaginip ba ako. "Bye for now."

Hinalikan niya ako sa pisngi at noo, at hindi na hinayaang sumagot. Nakatingin kami sa isa't isa habang papalabas siya hanggang sa maisara niya ang pinto. Nakangiti akong bumalik sa tulog.

Nang araw ding 'yon ay kinausap ako ng pamilyang Moon. Nang hapon naman ay magkakasama kaming pumunta sa BISH para sa pormal, bagaman biglaan, kong pagpapaaalam. Marami ang nabigla, kahit ako, hindi pa rin makapaniwala. Siyempre, lalong nagulat si Zarnaih nang malaman ang balita ko. Hindi na nga naman ako umuwi nang gabing 'yon. Bumalik lang ako para ibalitang sa Palawan na ako magtatrabaho. Lahat ng papel ko ay ipadadala niya na lang doon oras na maayos na.

Gaya ng napag-usapan, nang sumunod na araw ang nakatakda kong pag-alis. Emosyonal akong inihatid ni Zarnaih sa airport kasama ang mga Moon. Hindi ko naman makuhang malungkot dahil alam kong pwede nila akong puntahan any time. Besides, I was too excited to feel sad.

Nagpresinta na akong 'wag nang magpasundo at sumakay na lang ng ibang airline. Ayaw ko nang makaabala, bagaman mas mabilis at komportable kung eroplano ng mga Moon ang gagamitin.

Hindi mapantayan ang excitement ko. Kahit hirap na hirap, kahit bigat na bigat, nakangiti kong binitbit ang naglalakihan kong maleta. Natagalan nga lang ako sa loob mismo ng airport. I asked someone to help me lift my luggage off the carousel, but he was not happy to oblige. I was not even disappointed, masyado akong excited.

Someone was waiting for me outside nang makalabas at ipinag-drive ako hanggang port. Sa sobrang excitement ay naikuwento ko sa maikling sandali ang reason kung bakit ako nandito. Nakangiti siyang nakinig at masaya akong w-in-elcome. Though he should've gone inside and helped me with my stuff.

Lahat ng damit at gamit ko ay bago, I bought them online. At ang pinakasimple ang siyang isinuot ko ngayon. Siyempre, ayaw kong ipahalata kay Maxwell ang excitement ko. Pulang crochet sexy dress 'yon. Mahaba sa likuran pero may kaiklian sa harapan. Kapares niyon ay black high wedge seagrass sandals at shell embellished cowboy straw hat. Nagmukha namang natural ang messy wavy hair ko.

Si Mang Pitong, ang caretaker ng pamilyang Moon, ang sumalubong sa 'kin sa port. Bumilib na naman ako dahil bagong yate ang dala niya. Nasa gitna niyon ang emblem ng Moon family.

"So, tell me, Mang Pitong, did Maxwell ask about me?" nakangiti kong usisa, tumabi ako sa kaniya sa deck. "Was he excited that finally he'll see me na? Like, I traveled for almost four hours to get here, I'm sure he asked my whereabouts, yeah? He did, right?"

"Hindi naman," nakangiti, deretso, walang alinlangan, at walang pakundangang sagot ni Mang Pitong.

Nawala ang ngiti sa labi ko, nakataas ang kilay na nag-iwas ng tingin. "Well, I'm sure he did," nakangiti, nagtatago ng hiyang tugon ko. "Hindi lang siguro sa inyo nagtanong." Sabay kaming natawa sa huli.

I missed this place. Lalo na ang napakasarap at sariwang hangin na dito ko lang nalalanghap. I mean, sure, I had been to other places, and I could tell na masasarap ding langhapin ang hangin doon. Even sa lugar namin sa Cebu ay maipagmamalaki ang malinis na hangin. Pero iba ang hangin sa Palawan. Mala-Maxwell sa sarap.

Halos takbuhin ko ang Moon Hotel nang makadaong ang yate. Wala nang paglagyan ang excitement ko. Gusto ko nang makita si Maxwell.

Gano'n kadali kong nakalimutan ang nagbibigatan kong maleta. Hinayaan ko 'yong buhatin ni Mang Pitong nang mag-isa. Wala akong awa, samantalang mukha pa 'yong mabigat kaysa sa katawan niya.

Sa hotel ako mananatili sa gabing 'yon. Bukas ay ihahatid naman ako ni Mang Pitong sa tutuluyan ko. Hindi na ako nagtanong. Inisip ko na lang na si Maxwell mismo ang pumili ng unit na i-o-occupy ko. Parang umaalon sa tuwa ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay ngayon lang natutupad ang mga pangarap ko: ang makasama si Maxwell sa trabaho.

"Nandiyan po kaya si Maxwell?" tanong ko nang makapasok kami sa hotel.

Nakangiting tumango si Mang Pitong. "Nasisiguro kong naririto pa 'yon."

Hindi nga nagkamali si Mang Pitong dahil sa mismong lobby pa lang ay namataan ko na si Maxwell. Halos mapatalon ako sa tuwa. Gusto kong itili ang pangalan niya at tumakbo papalapit para yakapin siya.

Pero mukhang abala si Maxwell sa pakikipag-usap sa isang lalaki. Mukhang VIP. May dalawang nakaunipormeng guwardiya na panay ang linga sa di-kalayuan dito.

"Sino ang kausap niya, Mang Pitong?" Hindi ko inalis ang paningin kay Maxwell. Panay ang pagkagat ko sa labi habang sinusuyod ng tingin ang kabuoan niya.

Napako ang paningin ko sa braso ni Maxwell. Maski 'yon ay may sariling dating! Klarong-klaro ang kaputian niya. Napakalinis niyang tingnan at sobrang guwapo. Lahat ng relos ay gumagandang tingnan kapag suot niya na.

"Mula sa angkan ng mga Venturi. Mayamang negosyante," ani Mang Pitong.

Tumango-tango ako saka nilingong muli ang dalawa. Both of them were sitting on the couch and sipping a cup of drink. I couldn't believe na tumanggap ng bisita si Maxwell sa lobby. That was not him. He always gave VIP treatment to his guests.

Nilingon ko ang bisita at mataman itong pinag-aralan. Matangkad, halos maabutan ang Maxwell ko. At hindi ko maitatangging makalaglag-panga rin ang itsura nito. I was sure he wasn't a male model, but he should have been. His eyebrows were thin and narrow, perfect for his brown eyes. His hair was copper brown and styled to perfection. His aquiline nose complemented his prominent jaw and cheekbones. Handsome in an understated way, his shoulders spoke of strength. He possessed a leonine power and talked with purpose and authority.

But Maxwell was far different. He had the kind of face that made you stop in your tracks. Looks that made your heart pump irregularly. Soft gestures that made you wonder what it was like to be with him. He had this strong and defined face that made you weak. His dark eyebrows, which gave him a serious expression, were damn attractive. He had red lips perfectly shaped for kissing. His voice was husky but deep, with a very serious tone. Everything about him captivated me. I couldn't help but blush while staring.

Lalapit na sana ako nang mag-iba ang timpla ng itsura ni Maxwell. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita kong mag-igting ang panga niya. I was sure he didn't like what he was hearing right now.

"This island is private, Mr. Venturi. I demand respect for its privacy," mariin, pormal na ani Maxwell nang magtaas siya ng boses. Kinabahan tuloy ako. Kapag gano'n na kasi ang kaniyang tono, mapuputol na ang manipis na pisi ng espesyal niyang pasensiya.

Matunog ang pagngisi ng tinawag na Mr. Venturi. "You haven't heard any of our plans yet, Mr. del Valle."

"Maybe because nothing ignited my interest, Mr. Venturi, and I wonder why that is."

"Yet," mariing dagdag ni Mr. Venturi. "Come on, Maxwell. Give this to me. Give me a chance."

Nagbuntonghininga si Maxwell, nauubusan na talaga ng pasensiya. "If you're planning to put up another business venture, do it in another island, in another place. 'Wag dito. Uulitin ko, pribado ang islang ito, Mr. Venturi. Kailangan ko ang pag-intindi at respeto mo."

Humalakhak si Mr. Venturi. "You don't get it, do you, Maxwell Laurent del Valle?" sarkastikong aniya, pinasadahan ng tingin si Maxwell. "This place is perfect for business; that's why I'm running after it. Your population matched my customer profile to support my business. Well, of course, I'm not pertaining to the locals here. I'm talking about the huge number of tourists. Hindi basta-basta ang mga turista mo, ikaw man ay aminado."

"Ikaw ang hindi nakaiintindi sa 'kin, Montrell Venturi." Hindi malaman kung natatawa o naiinis na si Maxwell. "Casino ang plano mong itayong negosyo. If you're expecting a del Valle to approve and accept your proposal as easy as that, you're probably out of your mind."

Ngumiti ang bisita, nagpapasensiya. "The purpose of this business plan is to raise funds for educational programs, Mr. del Valle. I'm very much aware how important education is to you. I can show you an accurate business plan and enough funding for you to make sure that this business will be established correctly. I'll give you a copy of my license once it is released."

Napahalakhak si Maxwell, asar na asar na. Ngumingiti na lang para hindi mabastos ang bisita niya. Humigop siya sa sariling tasa saka muling sumandal at pinagkrus ang mga braso.

"Montrell," nakangiting pagtawag ni Maxwell. Ang paningin ay nasa sariling kamay. "I cannot allow you to destroy this delightful island, and that's final." Tumayo siya, hudyat na pinaaalis niya na ang bisita. "Thanks for visiting, Mr. Montrell Venturi."

Dismayadong tumayo ang bisita. Tatango-tangong tinanggap ang kamay ni Maxwell. "May I remind you that you might be among the richest people in the country, but you are not the most powerful one, Maxwell." Sinuyod niyang muli ng tingin si Maxwell. "Thanks for being so accommodating," sarkastikong dagdag niya.

Tango lang ang isinagot ni Maxwell saka iminuwestra dito ang daan, lalong nang-aasar. Mabilis na naglakad ang lalaki, papunta sa gawi ko. Lalampasan na sana ako nito nang muli akong lingunin. Bumalik ito at hinarap ako. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuoan ko.

"Good afternoon, sir," magalang kong bati, naiilang. "Hi, Maxwell." Agad na kumibot ang pisngi ko at labi sa pagngiti. Baby!

"Good afternoon." Ngumiti sa 'kin si Montrell saka nilingon si Maxwell. "Your wife?"

Ah! Wife? So . . . fetch!

Awtomatiko kong nakagat ang labi saka nakangiting nilingon si Maxwell. Binigyan niya lang ako ng nanunuyang tingin at hindi sinagot ang bisita.

"I'm Montrell Venturi." Inilahad nito ang kamay sa 'kin.

Nilingon ko si Maxwell, ang paningin niya ay nasa kamay lang ni Montrell, na nakanguso ko namang tinanggap.

"Zaimin Yaz Marchessa," nakangiti kong tugon.

Nabigla ako nang halikan ni Montrell ang likuran ng palad ko! "I see. So you're—"

Tinapik ni Maxwell ang kamay niya at inagaw ang braso ko. "She's my nurse." Hindi na naituloy ni Montrell ang sasabihin nang pangunahan siya ni Maxwell, masama na ang tingin.

"I see." Nakangising tumango si Montrell. "Nice catch," aniya na nasa akin ang paningin. Nawala ang ngiti sa labi ko. "You need more nurses, I heard."

Napakislot ako nang maramdaman ang braso ni Maxwell na pumatong sa balikat ko. Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya, hindi na malaman ang mararamdaman.

Nakangiwing tinalunton ng tingin ni Montrell ang braso ni Maxwell sa 'king balikat, saka siya ngumisi. "Your private nurse?" tila natatawang aniya pa.

Hindi man lang nagbago ang blangkong itsura ni Maxwell. "My own nurse." Napako sa kung saan ang paningin ko sa gulat. Muling inulit ng isip ko ang sinabi ni Maxwell lalo na ang diin doon. "Take care on your way home, Montrell."

"Thank you." Nagbuntonghininga si Montrell saka inayos ang coat. "Ang dinig ko nga ay may paparating na kalamidad."

Ngumisi si Maxwell. "The calamity's here already, right in front of you. No need to worry."

Umawang ang labi ni Montrell sa pagkakatitig kay Maxwell, prinoseso ang sinabi nito, saka muling ngumisi. "I see. Until then, have a good night."

Sabay naming tinanaw ang paglayo nito. Salubong na ang kilay ni Maxwell nang malingunan ko. Naiinis niyang niluwagan ang kurbata saka nakapamulsang humarap sa 'kin.

Matagal siyang tumitig, nagbuntonghininga bago nagsalita, "Welcome back to Palawan."

Hindi ko na nagawang sumagot. Excited akong yumakap sa kaniya. Naramdaman ko siyang nagbuntonghininga nang pagkalalim-lalim. Napanguso ako ngunit sadyang lamang ang saya ko. Gano'n talaga si Maxwell sa 'kin. Idinaraan na lang sa pagbuntonghininga ang kakapalan ng mukha ko.

Nakagat ko ang labi nang maramdaman ko ang haplos niya sa likuran ko. "Your dinner is ready," aniya nang ilayo ako.

"Join me."

"No."

"Please?"

Nakangisi niyang isinabit ang ilang hibla ng buhok sa likuran ng aking tainga. "In your wet dreams."

Napamaang ako saka tinanaw ang paglayo niya. Bastos talaga!

"Next time ay 'wag kang makikipagkamay sa mga lalaki," nakangisi niyang sinabi. Natawa ako ngunit agad ding nahinto 'yon nang bigla siyang sumeryoso. "You also need to protect what's mine."

So . . . fetch.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top