CHAPTER 5
DUMAMPOT NG roba si Maxwell sa mesa ng mga tuwalya habang papalayo kami. Halos paliparin niya 'yon sa hangin para ibalot sa 'kin, nagpapasikat. Ayun na naman ang mga galaw niyang nagdudulot ng kilig sa 'kin. Napangiti ako sa gano'ng simpleng kilos niya. Wala siyang ginawa nang gabing 'yon na inaasahan ko. Tila ba dininig ang lahat ng hiling ko sa iisang gabi. Para bang naabot ko nang sandaling 'yon ang ilan sa mga pangarap ko.
"Do you want to eat something?" tanong niya nang alalayan ako papasok.
"No, I'm full. Thanks."
This is so not him! What's happening? Is the world still spinning? Hindi na siya nagsalita pa. Iginiya niya ako paakyat. Kinabahan ako. Don't tell me, isasama niya ako sa kuwarto? Namilog ang bibig ko at gulat na tumingala kay Maxwell. Tutok ang paningin niya sa hagdan. But that would be so fetch! Nahawakan ko ang dibdib at bigay na bigay na lumunok.
Nilingon ko ang pinanggalingan namin, ipinagtaka kung bakit hindi na sumunod pa sina Maxpein at Maxrill sa amin.
Tahimik akong sumunod hanggang sa labas ng kuwarto ni Maxwell. Hindi ko nagawang tumuloy. Naestatwa ako at nakakilos lang matapos niyang lingunin.
Nagmukha akong luka-luka sa pilit kong tawa. "Good night, baby!" Sinubukan kong maging kaswal, kung paano ko siyang landiin, pero nabigo ako. Para akong nauupos sa mga tingin niya.
Matagal siyang tumitig sa 'kin saka natawa, hindi ko inaasahan. Pakiramdam ko ay noon ko lang siya napanood na tumawa nang gano'n ka-natural.
"Come in," he said casually, na para bang sala ang papasukin naming dalawa.
Nanlambot ang tuhod ko. "Hindi ka nagpapapasok sa kuwarto mo, baby."
Ngumisi siya. "A stroke of luck, I guess."
"Hmm." Pabiro ko siyang nginiwian. "Iba na 'yan, ah!" Napangiwi ako. Walang luck-luck sa in love!
Nawala ang ngiti sa labi niya. "So, you wanna be with Maxrill?"
What? Tinaasan ko siya ng kilay. "Did I say that? I didn't say that! Did I? Oh, come on!" naghihisteryang ani ko.
Naglapat ang mga labi niya. Nasisiguro kong naiingayan na naman siya sa bibig ko. "Then come inside."
Namilog ang bibig ko saka nakamaang na nahawakan ang dibdib. "Pagagalitan tayo ng parents mo, Maxwell." Hindi ko malaman kung matatawa ako o mahihiya sa sitwasyong 'yon. Hindi na naman umiiral ang natural na kapal ng mukha ko.
"Then you really wanna be with him." Pinagkrus niya ang mga braso at nanunuyang tumitig sa 'kin.
Are you still drunk or what? "No," giit ko. Bahagya akong tumagilid upang maitago ang tawa.
"I'll take you home, then."
Akma siyang lalabas nang pigilan ko. "What? I can stay. I wanna stay."
"Stay with me, then."
"Sa guest room ako."
"No."
"Why not?"
Nagbuntonghininga siya saka nag-iwas ng tingin. "Baka maisahan ako ni Maxrill."
Namilog ang labi ko saka ako natawa. "You can't be serious, Maxwell." Inilingan ko siya. "I still can't believe you."
"I'll prove it to you."
Bigla niya akong hinila ako papasok! "Maxwell!" halos maitili ko. "What are you doing?!" Panay ang tawa ko.
Batid kong maging siya ay natatawa, nahahawa. Pero pinipigilan niya 'yon. That was his typical. Parang ayaw niyang nakikita siyang tumatawa. Gusto niya ay 'yong misteryoso, seryoso. 'Yong mag-aalinlangan ang sinumang kaharap niya na magbiro.
Aaminin kong nagugustuhan ko ang Maxwell na ito sa harap ko ngayon. Bagaman malayo 'yon sa nakilala at nakasanayan ko. I knew it was selfish, kasi pabor ako sa lahat ng nangyayari mula pa kanina. But what could I do? It was like a dream come true.
Of course, I took the chance para umabuso. Hinawakan ko ang kamay niya na para bang natural na naming ginagawa 'yon. Hawak-kamay kaming tumuloy sa malawak at elegante niyang kuwarto. Pero palihim na sumama ang mukha ko nang bitiwan niya rin ang kamay ko. Naupo siya sa plateau chair saka tumitig sa 'kin.
Iginala ko ang paningin para maiwasan ang kaniyang hipnotismo. Kailangang bumalik ang kapal ng mukha ko sa lalong madaling panahon.
Hindi 'yon ang unang beses na makapasok ako roon. Ilang beses ko nang palihim na niloob ang kuwarto niya, lalo na noong nasa Amerika sila. Nahihiga ako sa kaniyang kama at ini-imagine na katabi siya. May mga sandali pa ngang ini-spray ko sa katawan ang colognes niya. Pero sa pagkakaalam niya, ito ang una.
Lumapit ako sa glass cabinet kung saan naka-display ang mamahaling watch collection ni Maxwell. Ang magkahalong asul at puting ilaw niyon ay mas pinagaganda ang mga relos. Sa simpleng pagtitig lang doon, kinikilig na ako. Naiisip ko kasi kung paanong lumalakas ang dating ng mga braso niya. Gano'n ako kabaliw sa kaniya. Na maging ang kutis niya, kinakikiligan ko.
Marami siyang collection. I think more than a hundred lahat ito. May mechanical watches, meron ding Quartz. May automatic, may chronograph. May modern, meron ding old designs. May sports watch, meron ding diver watches. May leather, merong metal. Lahat yata ng klase, meron siya. Ang tanging pagkakapareho ng mga 'yon bukod sa pagsasabi ng oras, lahat ay mamahalin.
"So, what's your favorite watch, Maxwell?" tanong ko nang hindi siya nililingon. Isa-isa kong tiningnan ang naka-display.
Nagulat ako nang ituon niya ang parehong braso sa magkabilang gilid ko, kinulong ako sa bisig niya. Naramdaman ko nang ilapit niya ang sarili sa 'kin at tumunghay mula sa likuran ko. Paano niya ba nagagawang lumapit nang hindi ko nararamdaman?
Sandali akong natuliro. Pakiramdam ko ay naburang bigla ang laman ng isip ko. Nalimutan ko yatang may tinatanong ako. Sa sobrang lapit niya ay nalalanghap ko ang kaniyang pabango kahit pa nahahaluan na 'yon ng amoy ng alak.
"Watching you," bulong niya.
Napailag ako nang maramdaman ang hininga niya sa batok ko. Nanghina ako.
Maxwell. Napapalunok akong tumitig sa kaniya. "Be serious, ano ka ba?" pabulong kong sinabi, ang paningin ay natutuon sa mga labi niya. Kinabahan ako nang magtama ang paningin namin. Paniguradong nakita niya ang galaw ng mga mata ko. "I mean, what's your favorite watch in your collection?"
Ngumisi siya. "That one's very special to me." Itinuro niya 'yong Bvlgari.
Natuon doon ang paningin ko. Pero naagaw ng kamay niyang humawak sa baywang ko ang aking atensiyon.
"I love my watches equally, but my favorite is usually my latest." Tumatama ang hininga niya sa pisngi ko. Hindi ko malaman kung sinasadya niya. Hindi ko na tuloy nagawang kumilos, sumagot, o mag-isip pa.
Why are you doing this to me?
Bumilis ang tibok ng puso ko. Makapal talaga ang mukha ko pagdating sa kaniya. Mabilis akong kiligin sa simpleng mga kilos niya, pero tinatablan ako sa ginagawa niya ngayon. Kinakabahan ako at naiilang. Nagagawa niyang tunawin ang mala-bakal kong mukha. Sa huli ay ako ang nahihiya at nanghihina.
"That's expensive," matipid kong sagot, ibinabalik ang usapan.
"Not the most expensive, but still my favorite because it's new. My grandfather gave it to me. It's a limited edition."
"I see." Nilingon ko siya. Gano'n kalakas ang loob ko. Nagagawa kong salubungin ang tingin niya kahit gaano pa kami kalapit sa isa't isa.
Dati ay siya ang hindi makatingin sa 'kin. Ako ang madalas na tumitig sa kaniya, nanunuksong tingin pa nga kahit nakikita kong hindi siya tinatablan. Balewala sa kaniya ang panlalandi ko. Pero hindi gano'n ang sitwasyon namin ngayon. I was sure nakikita niya ang pamumula ng mukha ko ngayong tutok sa 'kin ang atensiyon niya. Ako itong hayagang ipinakikita, sinasabi, at ipinararamdam ang feelings ko. Na kahit ilang beses niya akong iwasan ay naghahabol pa rin ako. Ngayong ginagantihan niya 'yon, parang gusto kong tumakbo.
Sa sobrang kaba ay kung saan-saan ako tumingin hanggang sa masulyapan ko ang mga bagahe niya. "So, you're leaving tomorrow, right?" Iniba ko ang usapan dahil hindi ko na matagalan ang pakiramdam.
"Yes," sagot niya. Nalungkot ako.
Walang bahid ng alinlangan ang sagot niya. Nagtataka tuloy ako kung bakit ganito pa siyang makitungo, desidido rin pala siyang iwan ako.
"Aren't you going to sleep yet?" Iniba kong muli ang usapan. Pilit akong kumawala sa mga braso niya, pilit din ang ngiti. "It's late, baka mapuyat ka. Mas maganda kung makapagpapahinga ka."
"I can rest anytime I want, Zaimin Yaz."
Sumimangot ako. "Grab this chance to get rest. Kapag bumalik ka sa trabaho, kulang na naman ang tulog mo."
Gusto kong magtampo. Gusto kong mag-inarte. Pero paano kong magagawa 'yon gayong naiilang ako sa mga titig niya? Naiisip ko tuloy kung ano ba ang meron sa mukha ko at hindi niya malubayan ngayon.
"What?" nakalabi kong tanong, hindi nakatiis. Tumaas ang parehong kilay niya. "Why are you looking at me like that?" Pinilit kong matawa. "Are you trying to memorize each detail of my face so you'll remember it when you're away?" Sumubok akong magbiro pero ako rin ang nabigo.
Nakanguso akong nagbaba ng tingin. You're leaving me again. Kumibot-kibot ang mga labi ko saka wala sa sariling napangiti sa katangahan. Yeah, right. I cannot trust what we are.
Muli akong humarap sa kaniyang koleksyon at nagpanggap na namamangha sa katitingin doon. Naramdaman ko na naman siyang lumapit. Napapikit ako nang hawakan niya ang pareho kong balikat at pilit na iniharap sa kaniya.
Napapitlag ako nang hawakan niya ang baba ko upang magtamang muli ang paningin namin. "Stay single while I'm away, okay?" pabulong niyang sinabi. Those words melted my heart again and again. "I swear I can't afford to see you with someone else, Yaz."
Natigilan ako at unti-unting pinanlabuan ng mga mata. "Why are you saying these things?" wala sa sarili kong tanong.
Maxwell, please stop doing this. Nalungkot ako. I know you're just drunk. Naisip ko na naman ang lahat ng kilos niya mula kanina. He's halfway in love with me.
Gusto kong maniwala. Sino ba naman kasi ang hindi? Pero hindi ko magawa dahil may kulang at hindi ko matukoy kung ano 'yon.
What's wrong with me? Why can't I believe his words? Kung sabihin ko ang feelings ko, gano'n na lang. And I expected him to believe me more than anything. Ngayong sinasabi niya ang nararamdaman niya, bakit hindi ko magawang maniwala?
"You're just drunk." Pinilit kong ngumiti.
"Yes, I am drunk. Tomorrow I'll be sober and still want you."
"You want me?" hindi makapaniwala kong tanong.
"Yes."
Napatitig ako sa kaniya, inaalam ang sinseridad niya, saka ako natawa. "No, you don't."
Nangunot ang noo niya, naiinis. "What?"
"You're only saying that because you're drunk. You don't want me. You don't like me. You never did, Maxwell."
Napamaang siya saka napabuntong-hininga. "I just confessed to you a while ago."
"No. You were just joking."
"Yaz?" Umigting ang panga niya.
"Men don't like to be straightforward about their feelings, Maxwell," umiiling kong sinabi. "They'd rather stay ambiguous than be clear."
"Seriously?" tumatango niyang asik, naaasar. "So, you don't believe me?"
Natulala ako sa kaniya, hindi nagawang sumagot agad. "Because that would just be too good, Maxwell. And good is not what I am used to."
Naging matunog ang pagngisi niya. "You said I'm the best, Zaimin Yaz." Ang layo ng sagot niya.
"You've never been like this towards me." Pinandilatan ko siya. "Natatandaan kong sinabi mo sa 'kin na wala kang pinaniniwalaan sa mga sinabi ko in the past. Now you're acting jealous, possessive, and . . ."
"What?" naghahamon niyang tugon.
"You're confusing me." Hindi ko nagawang sundan ang huling sinabi.
"Go back to what you were saying." Inangat niyang muli ang mukha ko, ayaw maalis ang paningin ko sa kaniya. "I'm acting what?"
"In love." Nagbaba ako ng tingin.
"Am I not?"
Muli kong sinalubong ang tingin niya. "Maxwell . . ." Umiling ako nang umiling, pilit na ngumingiti kahit malungkot namang talaga.
"If you're afraid that I'm just drunk and not telling the truth," seryosong aniya, "I am just as much at risk. I am scared that you're just bored and decided to make me believe you're in love with me."
Namilog ang bibig ko. "Excuse me! Seryoso ako, 'no!"
"I am, too."
Napalunok ako. "Seryoso ka?"
"I am serious."
So, fetch is already happening. Lalo akong kinabahan. Hindi ko malaman ang sasabihin. Napatitig ako sa kaniya para muli lang umiwas. Talaga bang hindi niya inaalis ang tingin sa 'kin? Psh!
"What?" nababagot niyang tanong.
"Wait, bakit galit ka?" nakasimangot kong tugon.
"Bakit natahimik ka?"
"Nag-iisip ako, okay?"
"About what?"
"You, me, us!"
Ngumisi siya. "What do you think about me?"
"Wala," natatawa kong sagot.
"Tsh."
"Matulog ka na nga."
"Stay with me, please?"
Napamaang ako. "At bakit?"
"Because I'm leaving tomorrow."
Sumimangot ako. "So, ako naman ang pupuyatin mo?"
"Saan?" Sumilip ang halimaw niyang ngiti.
"Anong saan?" inosente kong tanong saka tumingala sa kisame. Narinig ko siyang tumawa, inirapan ko siya. "No." Itinulak ko siya papalapit sa kama. "Take a bath and go rest. I'll take a shower, and then I'll be back."
Mabilis pa sa hangin ko siyang iniwan. Dumeretso ako sa guest room na siya ring kuwarto ko noon. Hindi na kumalma pa ang nagwawalang puso ko. Padausdos akong naupo at hindi pa rin makapaniwala.
Does he really like me, or is it just a hookup? He's drunk, paano ako maniniwala?
Alas-tres na nang matapos akong mag-shower at magbihis. Sumampa ako sa kama. Pero sa halip na matulog, panay ang sulyap ko sa pinto. May kung ano sa 'king nagsasabing lumabas ako at bumalik sa kuwarto ni Maxwell dahil nagsabi akong babalik. Pero sinasabi rin ng isip ko na tulog na ito at mahiya naman ako.
Ugh! Ginulo ko ang sariling buhok saka nagpapadyak na dumapa. Pero napapitlag ako sa magkakasunod na katok. Maxwell?
Dali-dali akong bumangon. Nagulat ako nang mapagbuksan ang bagong ligo na si Maxrill. Punas-punas pa niya ang buhok saka ngumiti nang makita ako.
"So, you're still up," nakangiting aniya.
"I guess I still am," natatawang sabi ko.
"I am, too." Biglang nangibabaw ang tinig ni Maxwell. Sabay kaming napalingon ni Maxrill sa gawi niya.
Uh-oh.
Nakita ko nang pasadahan ng tingin ni Maxwell ang suot kong red satin chemise. Napapabuntong-hininga niyang hinubad ang roba at isinuot 'yon sa 'kin, saka siya tumango kay Maxrill. "What's up, kid?"
Nagbuntonghininga si Maxrill. "I made soup," aniya, nawala ang magandang ngiti.
"Of course, you made soup," nakangising ani Maxwell. "What's surprising about your stomach, anyway?" Lumapit siya sa 'kin at naglahad ng kamay.
Pinandilatan ko siya. "What?" pabulong kong asik.
"He made soup," nang-aasar niyang sagot, isinenyas ang kapatid. "What a wonderful time to be awake."
Sa halip na tanggapin ang kamay niya ay nakangiwi akong nanguna pababa. Panay ang bulong ko habang pinakikiramdaman ang magkapatid sa likuran ko.
Mga amaw! They're not tripping me, aren't they? I mean, siguro na-miss lang talaga nila ako kaya may extra sweetness silang eksena? Gano'n? I mean. . . . Nakamot ko ang sariling ulo. I didn't know why I was reacting like this.
"Wow! Hmm, mukhang recipe ko 'yan, ah?" Agad akong gumilid sa table para tunghayan ang bowl ng soup. "It smells good!"
"It tastes better than its smell," nakangising ani Maxrill.
"Tsh," asik ni Maxwell. Magkakrus ang kaniyang mga braso habang nakatitig sa kapatid.
Sinadya kong lumayo nang magtangka si Maxwell na aalalayan akong maupo sa tabi niya. Siyempre, hindi ko siya tiningnan para maging ganap ang pagiging inosente ko. Pero si Maxrill naman ang akmang aalalay sa 'kin kaya muli akong umiwas at sinadyang maupo sa puno ng mesa. Kailangang wala akong makatabi nang solo sa kanila. Kung hindi, siguradong bawat higop ko ng sabaw, may kabuntot nilang angilan.
Nilasahan ko ang soup. Napapikit ako sa init at banayad na anghang niyon. "It's delicious, Maxrill," namamangha kong sinabi. "You know how to cook." Tumango-tango ako.
Ngumiwi si Maxrill. "I remember watching you."
"That's cool." Hindi makontento sa pananahimik si Maxwell. Hindi natural 'yon. "Mabuti at pagluluto ang natutuhan mo habang pinanonood siya. I salute you, dongsaeng."
Ngumisi si Maxrill. "You wanna know what I learned aside from that, hyung?"
Sumeryoso si Maxwell pero hindi na sumagot. Umubo-ubo ako upang matunaw ang namumuong tensiyon nila.
"I'll get you something to drink." Agad na kumilos si Maxrill.
"Tsh." Agad na umiling si Maxwell nang makitang wine ang inilabas nito. "She wants water." Tumayo siya at pinangunahan ang kapatid sa pagkuha ng tubig.
"Drink." Sabay nilang sabi nang sabay ring ilapag ang glass sa harap ko.
Natitigilan akong tumingin sa kanilang dalawa saka pilit na natawa. Hindi ko malaman kung alin ang unang kakamutin: ang noo, ang pisngi, o ang batok ko. Nase-stress ako sa dalawang ito!
Tinungga ko ang parehong glass. "Matutulog na ako." Saka ako tumayo.
Awtomatikong umalalay sa 'kin si Maxrill. Bilib naman talaga ako sa mga kilos ng magkakapatid na ito, sobrang bilis. "I'll take you to your room," nakangiting aniya, saka nilingon ang kapatid. "Ah-ah." Inilingan niya si Maxwell nang akma nitong pigilan siya. "You wouldn't want to leave those dishes." Isinenyas niya ang pinagkainan. "Ayaw ni Maxpein na may hugasin, Kuya." Nginitian niya ito nang halos hindi na makita ang mga mata, nang-aasar. "Good night, Maxwell Laurent!"
Nasapo ko ang noo saka ako nangunang umakyat. Sumunod naman si Maxrill at talagang hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ako naihahatid sa kuwarto. Gusto kong matawa nang marinig ang pag-agos ng tubig mula sa kitchen. I couldn't imagine Maxwell washing the dishes.
Huminto si Maxrill sa mismong pinto at ngumiti sa 'kin. "I hope you enjoyed tonight, Yaz."
"I did," agad kong sagot, hindi siya magawang tingnan sa mga mata. "Thanks for the soup. It was delicious, Maxrill."
Ayun na naman ang panliliit ng mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. "Good night, Yaz."
"Good night, Maxrill." Kinawayan ko siya.
Hindi ko inaasahang lalapit siya. Napasinghap ako nang mapagtantong inabot niya ang doorknob. Bahagya akong napaatras at alanganing napangiti. Pinanood ko siyang isara ang pinto at doon lang ako nakahinga nang normal.
Natutop ko ang sariling bibig saka nasapo ang noo. Mababaliw ako sa mga lalaking ito! Kung hindi ko magawang paniwalaan ang mga kilos at salita ni Maxwell, paulit-ulit naman akong nagugulat kay Maxrill.
Dumeretso ako sa bathroom at nag-toothbrush. Nakatingin ako sa sarili habang naghuhugas ng kamay hanggang sa magpahid muli ng lotion. Pero wala akong masabi sa sarili kong ganda. Pati ako ay napipipi rito.
Halos mapatalon ako sa gulat nang bumukas ang pinto ng kuwarto nang makalabas ako ng banyo. Napanood kong nagpalinga-linga si Maxwell sa kuwarto bago tumama sa 'kin ang paningin. I was expecting him to smile, but he didn't. Napamaang ako nang i-lock niya ang pinto habang nakatingin sa 'kin. Naestatwa ako sa kinatatayuan nang maglakad siya papalapit sa 'kin.
"Wait, why did you lock the . . . door?" Hindi ko magawang pagtaasan siya ng boses. Napapalunok ako sa mga hakbang niya papalapit.
"What happened?" agad na tanong niya.
"Huh? Nothing."
"He left?"
"Yes, right after sending me here."
"Good." Nakasisilaw ang ngisi niya. "I'm glad he's aware how to place back my possessions."
Possessions? Gusto kong mainis pero wala akong makapang inis sa puso ko. Hindi nakikisama ang katawan ko.
Hindi ko na rin malaman kung ano ang sasabihin, o kung ano ang gagawin. Ayun kami at magkaharap. Nakatingin siya sa 'kin habang ako ay hindi siya magawang salubungin. Kinakabahan ako sa katotohanang gano'n siya kalapit sa 'kin at ganito ako kahina.
"Bakit nga pala wala si Keziah kanina?" Hindi ko malaman kung saan nagmula ang tanong na 'yon, basta na lang lumabas sa bibig ko.
"She's busy, on duty."
Tumango ako, hindi pa rin siya magawang tingnan. "Alam niyang aalis ka na mamaya?"
"Yeah." Nagbuntonghininga siya. "She's coming with me."
Marahan akong nag-angat ng tingin. Matagal bago ako napilitang ngumiti. "Ah, yeah, I remember."
Hindi siya nagsalita. Nanatili kaming gano'n, nakatayo. Hindi niya pa yata inaalis ang paningin sa 'kin mula nang pumasok siya. Naiilang pa rin ako pero may namumuo nang tampo sa dibdib ko. 'Yon nga lang, kaya kong balewalain 'yon. Sanay na ako, marunong magtiis. Ngunit aminado akong naiinggit akong makakasama siya ni Keziah na magtrabaho sa Palawan.
"Wala si Keziah kaya ako na lang muna, gano'n ba?" tanong ko. Sinikap kong magtunog nagbibiro, nang-aasar.
Mukhang nagtagumpay ako dahil nangunot ang kaniyang noo at nagtiim-bagang. "What?"
"Kung nandito siguro si Keziah, paniguradong giniyera na ako niyon."
"She's not like that."
Napatitig ako sa kaniya saka pilit na ngumiti. Yeah, right. Kasi ako ang gano'n. Ako ang bungangera, nanggigiyera, ilusyonada, inggitera, at assume-era . . . so fucking fetch! Psh!
"I see." 'Yon lang ang naisagot ko sa dami ng naisip. "Sige na, magpahinga ka na. Para bukas, may lakas ka. I'll wake up early. I'll cook breakfast for you."
Nginitian ko lang siya saka tinalikuran. Dere-deretso akong nahiga sa kama at pumikit. Pinakiramdaman ko ang kilos niya, hinintay siyang lumabas ng kuwarto. Ngunit hindi nangyari ang inaasahan ko.
My eyes immediately opened when I felt the mattress dip, and I was stunned to see Maxwell staring straight at me. Both of his palms were resting on either side of me on the bed, caging me in.
I opened my mouth to speak, but he suddenly bent down to kiss me. My breathing stopped and my chest exploded with nervousness. He pressed his lips hard on my own, sucking and sipping again and again. I could feel his longing and hunger for reasons unknown to me. Maxwell sighed into my mouth, racking my body with feelings I couldn't name.
I shut my eyes tightly, then I carefully locked my hands around his neck. My chest hurt from anxiety mixed with a strange wave of excitement and raging butterflies in my stomach.
But my heart thundered louder in my chest when I felt him slowly press his weight on my body, bringing us impossibly closer. Maging ang bigat niya ay masarap sa pakiramdam, nakaloloka. Bakit ganito ang epekto ni Maxwell sa 'kin? Hindi normal!
He lowered the strap of my top. His palm immediately explored the skin, and he wasn't satisfied with what he touched. Every move of his fingers was followed by his lips, grazing and caressing, leaving goose bumps in their wake.
He lowered my other strap, causing half my body to be exposed to him. He stared at me sharply. Then he grabbed me, and I melted when I felt his lips on mine again. I felt like I could bruise my own mouth with what he was doing.
I didn't—couldn't—think anymore. My attention, as well as my emotions, were all focused on him.
My body followed the descent of his kiss. I didn't stop him when he took off the rest of my clothes.
"Maxwell." I flinched when I felt him bite the side of my underwear. "Are you s-sure about this?" In my head, I facepalmed myself. Ako pa talaga ang nagtanong? My God, Yaz!
I didn't know if I wanted to cry or laugh at myself from embarrassment. I bit my finger while looking at him. I swallowed hard when his eyes followed the finger on my lips before glancing back at me.
He grinned and greeted my lips with a kiss again. I had longed for his kisses; I had been dreaming about his arms around me ever since I could remember. Right then and there, I knew I wanted him so much. I didn't want anyone else's lips on mine—only his. And I needed them every day. Now that I knew the feeling of his mouth, there were no words to describe it.
Only now was I able to believe his words and actions earlier. His kisses proved to me that I owned him just as much as he owned me.
"Yaz . . ." he whispered. His breathing was quick, chest rising and falling rapidly. The passion of his kiss was intense, too intense to last longer.
He got up and quickly took off his black shirt. He was surprised when I sat up to push him on his back. Giving him a teasing look, I gently pulled down his checkered flannel pants. Then I froze when only the boxers were left.
Oh . . .
I swallowed. He was unbelievably . . . hard . . . long . . . tight, and . . . thick . . . with the obsessive need to stuff himself.
I was shocked when he got up and pushed me this time on my back. Both of us laughed and stopped when our lips met once more. There was his hypnotism again, keeping me in place.
"Maxwell," I called softly before I drowned in his touch completely. He stopped to look at me, but his lips continued kissing every inch of skin they could touch. "Under . . . or on top?" I asked, copying his word choices earlier.
He stilled for a moment before laughing. I smiled, staring at him. He was so handsome and sexy. He drove me crazy but kept me impossibly sane at the same time.
"Which one do you want?" he asked teasingly, excitedly. Like he couldn't wait. "Under . . . or on top?"
Instead of answering, I pushed him again on his back, and he didn't protest. I completely removed the rest of what was left on my body, keeping my eyes on his the whole time. I could tempt and tease him with my gaze, but I knew he could feel me trembling when he positioned me on top of him.
Staring at each other, we both swallowed hard, and then we finally felt each other. I then dropped my weight totally, moved rhythmically on top of him.
Shutting his eyes, he raised his head with his lips parted, and then buried his head on the pillow again. "You feel so good," he almost growled. His husky voice signified that he was totally turned on—which really drove me wild.
I couldn't stop myself from watching him. And I felt that I was going crazy while watching Maxwell. His moans and sighs gave me a rush of different feelings as he gripped my hips very tightly. He was making me feel so much that I was not used to, new sides of him that I was starting to like.
I blinked, meeting the ceiling when I opened my eyes again. I combed my fingers through my hair. And completely drowned in the feeling of our bodies together.
Soon, we were both panting for air. He sat up and met me with a kiss, then laid me down and settled on top of me. He dropped his arms on either side of my body and pushed hard, thrusting with strength. I hugged him tightly, losing control of myself.
Moments later, he fell on top of me. We were both breathless and still panting. He stared in my eyes like he wanted to say something.
Bagaman pagod, ngumiti ako. I love you, Maxwell.
"Don't love me too much, Yaz," pabulong niyang sinabi, tila sinagot ang ibinulong ng isip ko. Inayos niya ang ilang hibla ng buhok sa 'king mukha. "I don't want you to hate me. I don't know how much I can take if that happens."
"Why would I . . . hate you?" nalulungkot kong tanong.
Pero unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata, nahawa ako. "Just in case."
Hindi ko inaasahang nang dahil sa sobrang pagod ay pareho kaming makakatulog . . . nang magkayakap at walang pakialam, kontento sa mga naganap.
***
NAGISING ako kinabukasan at agad na napangiti sa mahigpit na yakap ni Maxwell. Natawa ako matapos makita na talagang parehong braso niya ang nakayakap sa 'kin. Nasisiguro kong namamanhid na ang braso niyang nadadaganan ko.
Tinitigan ko ang malalim niyang pagkakahimbing. Hindi ko napigilang mapangiti lalo na nang maalala ko ang nagdaang gabi. 'Yon na yata ang pinakamagandang umaga at pinakamagandang gising ko.
Kumilos ako at tinangkang pagkalasin ang braso niya upang makawala ako, ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang magmulat siya at pagkunutan ako ng noo.
"Where are you going?" galit agad niyang tanong.
Napangiti ako. "I'll cook breakfast for you."
"For me?"
"For you."
"Good for one person, sure, hmm? Okay," nakangising aniya.
Sabay kaming bumangon at tumuloy sa bathroom upang maghilamos at magsepilyo. Nakatatawa dahil hindi niya ako mabitiwan, hindi niya ako maiwan, gayong inaasahan ko nang gigising ako nang wala siya. Hindi ako makapaniwala.
Hindi naman na siguro siya lasing, hindi ba? Oh, my fetch! He's really serious? Wala sa sarili ko siyang pinandilatan. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin, nagtatanong ang mga mata. "What do you want for breakfast?" halos mautal kong tanong.
Inginuso niya ako. "You."
"No." Natawa ako. "Okay, let's go downstairs." Ngunit muli akong napaatras. "Paano nga pala kung makita nila tayo?"
"Nino?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Ng parents mo, ng mga kapatid mo."
Napaisip siya. "Dati naman na nila tayong nakikita, hindi ba?"
Umikot ang paningin ko. "I mean, natulog tayo nang magkasama, Maxwell."
"Tsh," asik niya saka hinablot ang braso ko at inakay ako papalabas. Kaswal siyang naglakad habang ako ay kinakabahan. Nakatingin lang ako sa likuran niya hanggang makarating kami sa ibaba.
Palihim akong bumungisngis. Noon ko lang nakitang magulo ang buhok ni Maxwell. Noon ko lang siya nakitang gusot ang damit at walang sapin ang mga paa. At bukod doon, wala akong makitang muta sa maliliit na mga mata niya.
"Hey," pagpalag ko nang iupo niya ako sa high chair, sa harap ng kitchen island, saka siya pumuwesto sa harap ko. "You'll cook for me?" nagugulat kong tanong nang magsuot siya ng apron.
"And for me," nakangising aniya. Napamaang ako sa pagkamangha.
Pinanood ko siyang magluto. Pinigilan kong pagtawanan ang pagiging metikuloso niya. He cooked fried rice, bacon, omelet, and mashed potato. Unbelievable.
"You eat fruits in the morning, right?" tanong niya, ang paningin ay nasa bowl ng prutas. "We've got grapes . . . bananas, what do you want?"
"Saging," nakangiti kong sagot, ang parehong kamao ay pinapatungan ng baba, nakatutok sa kaniya.
"Saging . . . o ako?"
Lumabi ako. "Ikaw."
Ngumisi siya. "Good." Pumitas siya ng dalawang saging at inilapag sa harap ko. Nag-angat muli siya ng tingin sa 'kin. "Coffee . . . or me?"
Nakagat ko ang labi sa pagngiti. "Coffee?" kunwaring nakasimangot kong sagot. Sumama ang mukha niya. "Have coffee with me, please." He then prepared everything for me. I must be dreaming. "What time are you leaving, Maxwell?"
Itinuon niya ang parehong siko sa high table at tumunghay sa 'kin. "We own the plane; I can go anytime I want."
"Of course, you cannot." Hindi namin inaasahan ang tinig ni Maxrill. "Go finish your food and we'll leave," may awtoridad niyang sinabi. Sabay namin siyang nilingon. "Good morning, Yaz," kaswal niyang bati.
"Good morning," natitigilan kong tugon. "Eat with us."
Sinulyapan ni Maxrill ang nakahain. "Looks like everything was made for you to eat alone." Sinulyapan niya kaming pareho saka siya dumeretso sa fridge.
Hindi ko nagawang magsalita. Nangangapa, nakikiramdam kung nilingon si Maxwell. Nakakunot ang kaniyang noo at panay na ang buntonghininga. Pumuwesto siya sa harap ko at pinagsilbihan ako.
Nagbaba ako ng tingin nang maramdaman ko si Hee Yong na naglalambing sa hita ko. "Hey, good morning, cutie!" bati ko rito. Panay ang pagkaway ng buntot nito. "You want bacon?" Kumuha ako ng maliit na piraso at ibinigay rito.
"Hee Yong," nananaway na pagtawag ni Maxrill. Nagulat ako. Agad naman itong tumalima. "Sit."
Napatitig ako kay Maxrill. Napabuntong-hininga na lang ako at muling itinuon sa pagkain ang atensiyon. Ngunit hindi ko na magawang kumilos. May kung ano nang pumipigil sa 'kin dahil sa presensya ni Maxrill. There was something wrong. Bakit parang galit siya? Naiilang tuloy ako. Pakiramdam ko ay may kailangan akong itago, bagay na para lang sa amin ni Maxwell.
Nakita ko nang magsalin ng cereal at milk si Maxrill sa isang bowl. Tahimik siyang nagsimulang kumain.
"I have a conference meeting later, I guess before dinner." Binasag ni Maxwell ang katahimikan. "Maxrill needs to be there with me. Maybe we'll leave after lunch."
"We have to leave earlier," ani Maxrill, ang paningin ay nakatuon sa kinakain. "We'll have a meeting with a pharmaceutical executive to get their company's prices down for a lot of reasons."
"Alright." Napabuntong-hininga si Maxwell. Mukhang wala siyang magagawa sa mga sinabi ni Maxrill lalo pa at halatang bihasa na ito sa ginagawa.
"I can . . . take you to the airport, right?" mahinang tanong ko.
"Of course," kaswal nang sagot ni Maxwell. "Maxpein will be there, too. She'll send you home."
"Okay." Pilit ang naging ngiti ko sa naghahalong lungkot dahil aalis na si Maxwell at pagkailang dahil sa presensya ni Maxrill.
Maya-maya pa ay dumulog na sa mahabang mesa ang mga Moon, kasama na si Maxpein at kaniyang pamilya, matapos maghanda ng agahan ng maids. Nakipagkuwentuhan ako sa kanila. Mukhang hindi nila alam na natulog kami ni Maxwell sa iisang kuwarto. Panay ang tawa ko sa mga kuwento ni Maxpein, inaasar niya si Deib Lohr. Dumating din si Zarnaih kasama ang kaniyang mag-ama. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nagkasama-sama kaming lahat uli.
Pero hindi ko maitatanggi ang lungkot ko. Alam ko kasing ilang oras lang 'yon, magkakalayo na naman kami ni Maxwell. Akala ko ay ayos lang sa 'kin na malayo siya uli matapos ang namagitan sa amin. Baliktad pala dahil dumoble ang lungkot ko dahil sa nangyari.
Mabilis na tumakbo ang oras. Maya-maya lang ay magkakasama na kaming nasa airport. Kaniya-kaniya na ng habilin sina Tita Maze at Tito More sa magkapatid. Si Mokz naman ay paulit-ulit lang na tumatawa.
Maya-maya pa ay dumating si Keziah, bigla akong naetsapuwera. Gaya ng magkapatid, samot-saring habilin din ang iniwan ng mga Moon sa kaniya. Sa kaniya ipinaubaya ang mga bagay na gusto kong ako ang gumawa; ang pagpapaalala sa pagkain, pagtulog at pahinga ni Maxwell sa tamang oras. Siyempre pa, nar'on din ang Gozon family na kaliwa't kanan ang panunukso sa kanila ni Maxwell.
Nanatili ako sa isang tabi, magkakrus ang mga braso at naaasiwa sa hindi magandang outfit ko. Paano kasi ay huli na nang mapagtanto kong kaunti na lang ang damit na naiwan ko sa mansiyon. Hindi tuloy pasado sa panlasa ko ang sariling suot.
Nakasimangot kong hinintay si Maxwell na tumingin sa 'kin. Ang paningin niya kasi ay nakatuon sa pamangkin at hindi mawala ang ngiti. Pero hindi 'yon nangyari. Masyado siyang nalunod sa pakikipaglaro kay Spaun para maalala pa ako.
"Let's go," maya-maya ay anunsiyo ni Maxrill. Napalunok ako nang lingunin niya ako. "Take care of yourself, Yaz," nagbuntonghiningang aniya saka pilit na ngumiti. "I'll see you again soon."
"Take care," nakangiti kong sagot. "I'll miss you, Maxrill," pabiro kong sinabi.
Natitigilan siyang tumingin sa 'kin saka naglapat ang mga labi. "I'll never be that kid again," pabulong niyang sinabi, may kung anong hinanakit sa tinig. "Stop missing me." Saka niya ako tinalikuran.
Natigilan ako. Maxrill.
Napabuntong-hininga ako at nagbaba ng tingin. Nasa harap ko na si Maxwell nang muli akong mag-angat ng tingin. Napasimangot ako sa masamang timpla ng mukha niya. Napapabuntong-hininga niyang sinulyapan ang kapatid saka lumipad pabalik ang paningin sa 'kin. Tiim-bagang siyang tumunghay at ginawaran ako ng halik sa pisngi.
"Maxwell . . ." bulong ko.
Napapamaang kong nilingon ang kaniyang pamilya. Lahat ay nagpapanggap na abala sa isa't isa, kunwari ay walang nakita. Hindi ko maintindihan kung bakit nakahinga ako nang maluwag nang makitang malayo na si Keziah.
Hinawakan ni Maxwell ang mga braso ko at iniyakap ang mga 'yon sa kaniya. "Please stop looking at him," bulong niya. "You're destroying me."
"No." Nahawakan ko ang parehong pisngi niya. "I'm sorry."
"We're leaving," mahina niyang sinabi. "I can't wait to see you again, Zaimin Yaz."
"I'll miss you, Maxwell." Puso ko ang nagsalita para sa 'kin.
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at sa halip na tumugon ay nagbuntonghininga siya. Ramdam ko ang lungkot niya. Nakonsiyensiya ako pero walang nagawa. Hinaplos niya ang pisngi ko, pilit ang ngiti. Muli niya akong dinampian ng halik bago tuluyang tinalikuran.
Maxwell.
Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong klaruhin tungkol sa amin. Ang dami kong gustong aminin, tanungin, siguruhin . . . pero ang tanging nagawa ko ay panoorin siyang maglakad palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top