CHAPTER 4


HINDI NA naalis pa ang ngiti sa labi ko hanggang sa makauwi kami. Hindi ko na rin nabitiwan pa ang stuffed toy na kinuha ni Maxwell para sa 'kin.

"'Ganda ng ngiti mo, ah?" ani Zarnaih, hinablot ang stuffed toy sa 'kin.

"Ano ba?" nakangiti kong habol.

"Ano ba?" nakangiwing panggagaya niya. Nakasimangot niyang tiningnan 'yon. "Bigay ni Maxwell?" Nakangiti akong tumango. Nandidiri niya namang ibinalik 'yon sa 'kin. "Hindi ka nainsulto?"

"Bakit naman?" mataray kong tugon.

"Palaka iniregalo sa 'yo. Insulto 'yon kasi kahawig mo!"

"You're so mean, Zarnaih! Stop killing my self-esteem, I'm still single, please."

"'Arte mo! Psh." Inirapan niya ako. "Mabuti pa itong leon, kabuhok mo lang. Galing din sa kaniya?"

"It's so cute, right? Maxrill gave it to me," nakangiti kong sagot. Kukunin ko na sana 'yon nang muli niyang angkinin.

"Umamin ka nga sa 'kin, Ate?"

"What?"

"May gusto ba sa 'yo si Maxrill?"

Muntik na akong masamid. "Ano? Bakit mo naman naisip 'yon?" Nag-iwas ako ng tingin, pilit itinuon sa bigay ni Maxwell.

"Hindi ka ba nakahahalata?"

"Saan?"

"'Sus." Naupo siya sa tabi ko, sinalubong ang mga tingin ko. "'Wag mong sabihing hindi mo napapansin ang mga kilos ni Maxrill? 'Yong actions niya, lahat may sinasabi."

"What about his actions?" maang-maangan kong sagot.

"Kakaiba ang mga tingin niya sa 'yo, Ate. Hindi na 'yon tulad noon, 'no? May gusto si Maxrill sa 'yo, Ate."

Napalingon ako sa gawi ni Lee na napatulog na ang anak. "'Wag ka namang maingay, baka marinig tayo ng asawa mo."

"Hindi mo nahahalata?"

"Ang alin ba?" Nag-iwas ako ng tingin.

"Wow, maang-maangan, ah? Treynta ka na, Ate! 'Wag kang mag-feeling teenager, baka masampal ka ng kalendaryo dahil tapos na siya sa 'yo!"

Hindi ko na siya sinagot pa. Pilit kong hindi ipinahalata ang tunay kong reaksiyon sa mga sinasabi niya. Nag-aalala lang ako na baka marinig kami ni Lee. Baka kung saan makarating ang usapang 'yon. Hangga't maaari ay ayaw kong magbigay ng kasiguraduhan sa bagay na ako mismo ay hindi sigurado.

"Feeling ko nga, pati si Maxpein ay nakahahalata na," nakangiwing dagdag niya.

Awtomatiko ko siyang nilingon. "What do you mean?"

"Hindi ba't gusto kang ihatid ni Maxrill kanina kahit na alam naman niyang kasama mo kami ni Lee?" Sumimangot siya at umiling. "Ang sama ng mukha ni Maxpein, titig na titig sa bunsong kapatid. Kaya ayun, imbes na roon siya matutulog sa bahay ni Maxwell, pilit siyang pinauwi ni Maxpein sa mansiyon."

"Sumunod naman siya?" natatawa kong tugon. "I can't believe it. I thought kasama sa maturity niya ang tapang na tumanggi sa mga kapatid niya."

"Well, it seemed he had matured enough to fulfill himself. But still, Maxpein is Maxpein. Takot siya kay Maxpein lalo na kapag seryoso."

"Hindi na siya 'yong batang Maxrill noon." May kung ano sa 'kin na talagang nami-miss 'yon. Hindi pa rin ako maka-move on sa paninibago.

"I agree. Iba na si Maxrill ngayon. Meron nang gusto."

"Kanino?"

"Sa 'yo."

"Zarnaih, please." Pinandilatan ko siya. "Stop it. 'Wag ka ngang mag-isip nang ganiyan! Hindi gano'n 'yon, okay? We're just close to each other. I mean, I'm his ate, his noona."

"Naku, believe me, Ate!" Nakangiwi siyang umiling. "May gusto sa 'yo si Maxrill. Na kay Maxwell kasi ang paningin mo kaya hindi mo siya mapansin."

"Whatever, Zarnaih." Umikot ang mga mata ko.

"Ate, bilang lang ang segundo na wala sa 'yo ang paningin ni Maxrill. Ni hindi man lang lumingon sa ibang babae. Come on. Those moves? I know that already. I've been there. Gano'n na gano'n noon si Lee sa 'kin."

Whatever!

Napabuntong-hininga ako. I didn't know how to tell her what I really felt and my thoughts about it. Of course, nakita at naramdaman ko rin ang mga sinasabi niyang kilos ni Maxrill. Baka nga nauna ko pa 'yong mapansin kaysa sa kaniya. I'd been there also. For sure, mas marami pa akong naging experience kaysa kay Zarnaih. It was just that, hindi ko kayang aminin. Hindi ko kayang tanggapin.

Maxrill was like a younger brother to me. He was more than a friend only because I considered him family. Pero wala nang higit pa roon.

But I don't wanna tell Zarnaih about my thoughts. For sure, ipapahamak lang ako ng bibig niya.

Sinimangutan ko siya. "Bakit hindi na lang kasi si Maxwell ang pinansin mo?" Inilayo ko ang usapan. "Hindi mo ba nakikita ang actions ni Maxwell? Well, I do! I think he's starting to like me."

"Wow." Nanlumo siya. "You are so delusional, Ate. Kung may gusto sa 'yo si Maxwell, eh 'di, ikaw na sana ang date niya, impakta ka! Eh, nar'on si Keziah!"

"Makaimpakta ka naman," angil ko.

Napasimangot na naman tuloy ako. Kanina kasi ay naunang umuwi sina Maxwell at Keziah. Pareho raw silang maaga bukas sa BISH. Bagaman makikita ko si Maxwell bukas, kinakabahan akong maulit ang nangyari noong huli.

Nauna na akong magpaalam kay Zarnaih, sa takot ko na rin na baka ipilit niya ang napapansin kay Maxrill. Talagang hindi pa ako handang pag-usapan 'yon.

***

MAAGA AKONG dumating sa ospital kinabukasan. Naunahan ko pa ang head nurse sa endorsements. Pati tuloy ang trabaho niya, pinakialaman ko na. Inaral ko ang lahat ng charts saka inihanda ang sarili sa posibleng hawakang cases.

"Si Doc Maxwell ang assistant doctor sa ORIF," bulong ni Cyrene maya-maya. Kinindatan niya ako.

"I bet nar'on na naman si Doc Keziah?" pabulong kong angil.

"What do you expect? They're twinnies." Tumawa siya.

Ngumiwi naman ako. "Sino ang naka-assign na nurse?"

"He requested for you."

Nanlaki ang mga mata ko. "For real?"

Nagkibit-balikat siya. "Ask the head nurse."

Naloka ako. O sabihin na nating kinilig na rin. Pero agad din 'yong napalitan ng kaba. Tensiyonado ako pagdating kay Maxwell. Nag-alala tuloy ako na baka muling magkamali, magkabingi-bingi habang nagtatrabaho kasama siya.

Iyon ang surgical procedure kung saan kailangang i-realign ang malubhang bone fracture o baling buto sa normal nitong position. Saka kakabitan ng mga bakal para maging stable ang bones, makatulong sa paggaling, at mapigilan ang infection.

Lalo pa akong kinabahan nang maalalang hindi ko pa naa-assist ang orthopedic surgeon (espesyalista sa buto) na makakasama namin. Kung ni-request ako ni Maxwell, paniguradong kailangang ako ang mag-assist. Hindi ko pwedeng ibato 'yon kay Cyrene.

Matapos naming mag-lunch ay dumating ang pasyente. Wala pa man, balisa na ako. Nanlalamig ang mga kamay ko. Kahit na ayos na ang lahat, panay ang checking ko.

"Yaz!" malakas na pagtawag ni Melanie. Humahangos siyang lumapit sa 'kin.

"Emergency?" natatawa kong tugon.

"Congratulations, ikaw ang staff nurse of the month!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Wow! Hindi nga?"

"Oo nga!" Inilahad niya ang evaluation paper sa 'kin. "Congratulations!"

"Oh, my gosh, thank you!" Nagtatatalon ako sa tuwa.

That was my first time. Sure, it was a big deal for me. Kompara kasi sa mga kasamahan ko, maikling panahon pa lang akong nananatili rito. Bukod sa mahuhusay na nurse talaga ang mga kasama ko, hindi ko malilimutan kung ilang beses akong napagalitan noon bago tuluyang matuto. Aminado naman akong maarte ako at unti-unti pa lang na nag-a-adjust sa trabaho ang ugali ko.

Bukod doon ay hindi gano'n kadaling mapili bilang staff nurse of the month dahil hindi nakadepende sa area ang basehan niyon kundi buong hospital. Well, bukod sa performance, of course. Sa dami ng nurses, haplos sa buwan na mapili ang isang maganda lang na tulad ko. Napakarami kasing mas magagaling na nurse kaysa sa 'kin.

"Continue mo lang ang ganyang attendance. No more tardiness," nakangiwi ngunit nakangiting ani Melanie.

"Sure." Natawa ako. So, dahil pala sa attendance ito? Gano'n man ang naisip ay niyakap ko ang certificate.

"Malaking tulong ang magkakasunod na straight duty mo," pabulong niyang sabi. Sumimangot lang ako. "And you're not gonna believe it." Mas lumapit pa siya sa 'kin. "Ipinaglaban ka ni Sir Tunisi." Humalakhak siya.

"What, why?" Natawa rin ako.

"'Yong si Babette sana ang mapipili. Iginiit niya ang straight duties mo." Nakangiwi siyang ngumiti. "Magpapakain daw siya mamaya, buong OR."

"Wow." I was speechless, sobrang overwhelmed.

"Sige na. Aayusin ko pa ang frame mo." Tatawa-tawa siyang kumaway.

"Thanks, head nurse!" Nakangiti akong tumitig sa papel na hawak. Nag-angat lang ako ng tingin nang dumating si Cyrene. "Staff nurse of the month." Excited ko 'yong iwinagayway sa kaniya ngunit pinandilatan niya lang ako.

"Nandiyan si Doc Maxwell," bulong niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang humalimuyak ang pamilyar na amoy ni Maxwell. Kung tutuusin ay hindi niya na kailangang sabihin. Ang natural na amoy ng operating room ay nagagawang takpan ng nakahihipnotismong pabango ni Maxwell. Sa t'wing nasa paligid siya ay nalalaman ko, dahil 'yon at 'yon lang naman ang pabangong gamit niya. Relos at sapatos lang yata ang nagbabago sa kaniya.

Halos mapatalon ako matapos lumingon. nar'on si Maxwell sa likuran ko. Magkakrus ang kaniyang mga braso at nakasandal sa nurses' station. Deretso siyang nakatitig sa 'kin na tila ba kanina pa pinanonood ang pagsasaya ko.

Kuyaw ba. Bigla akong nakaramdam ng hiya. "Hi, Doc!"

"Hello," matipid niyang bati. Tinanguan niya lang si Cyrene saka pumasok sa quarters nila.

Psh! Hinintay lang talaga ng amaw na batiin ko siya.

Nagkangitian kami ni Cyrene at mabilis nang kumilos upang simulan ang trabaho.

"Good afternoon, everyone," bati ng surgeon.

Kasunod niya ay si Keziah na hindi ko na ikinataka nang dumeretso sa player. Agad siyang nagpatugtog ng kanta at sinabayan 'yon. You're In Love by Wilson Phillips.

Napaindayog sa kanta ni Keziah ang karamihan sa nar'on. Maya-maya lang ay halos sabayan na ng lahat ang kanta maliban sa amin ni Cyrene. Gano'n lagi ang eksena sa operating room sa t'wing nar'on si Keziah.

Pero sa halip na ituon sa kaniya ang paningin ay naagaw ng pagpasok ni Maxwell ang atensiyon ko. Talaga namang nakabubuhay ng dugo ang kaguwapuhan niya at malakas na dating. Sa simpleng pagpasok niya habang nakasuko paharap ang mga braso, bumilis ang tibok ng puso ko. Agad na kumilos si Cyrene upang tulungan siya. Ako naman ay pumuwesto na sa tabi ni Ma'am Minnie.

"Ngayon lang yata dumami ang audience ko? Ngayon lang ba nag-ORIF dito? Good," sarkastikong anang surgeon.

Napatingala sa amphitheater ang karamihan. Doble nga ang bilang ng nanonood doon kaysa nakasanayan.

Nakangiwing tumango-tango ang surgeon. "Mukhang hindi lang interns ang interesado sa ORIF ko, ah? Maging nurses ay narito." Siya na ang pinakasarkastikong doktor na nakilala ko. Wala yatang sinabi sina Dra. Natasha at Dr. Marwan dito.

Matunog ang buntonghininga ni Ma'am Minnie. "Ang male nurses ay paniguradong si Marchessa ang ipinunta. Tapos na ang duty nila." Tatawa-tawa niya akong sinulyapan saka muling bumaling sa surgeon. "Kung nasaan si Marchessa, nar'on ang audience."

"Really?" Nilingon ako ng surgeon. "Kung gano'n, pasikatan natin ang audience mo, ma'am." Ngiti lang ang naisagot ko.

"Akala ko naman ay gusto nilang matuto," biglang ani Maxwell.

"Si Doc Maxwell talaga, masyadong seryoso," biro ni Ma'am Minnie.

Ang sabihin ninyo, seloso!

Mabilis na nagsimula ang operasyon, hindi ko pa yata naririnig ulit ang boses ni Maxwell. Masyado siyang seryoso, gano'n na rin si Keziah.

Humanga na naman ako. Kani-kanina lang ay nagbibiruan ang mga doktor. Ngayon ay pare-pareho na silang tutok sa ginagawa. Hindi man mag-usap ay nagkakaisa.

"Ang dinig ko ay ito ang huling operation na hahawakan ninyo," anang surgeon maya-maya. Pareho niyang sinulyapan sina Maxwell at Keziah bago muling itinuon ang mata sa operasyon. "You guys are planning to settle down?" Ngumisi siya, lumabi ako.

"No." Si Maxwell ang sumagot, nakagat ko ang labi ko sa tuwa. "Not yet," hindi ko inaasahang idaragdag niya. Sabay pa silang humalakhak ni Keziah. "Do you want to come with us? I need a good physician devoted to diagnosing, preventing, and treating disorders and diseases of the body's musculoskeletal system. I bet that's you."

Humalakhak ang ortho surgeon. "Thank you for the compliment, but this hospital is my home, Dr. del Valle."

"I'm glad that you're home." Ngumisi si Maxwell.

"Kung kailangan mo ng tulad ko ay malaki nga ang ospital mo. I'm proud of you, Dr. Maxwell del Valle."

"Asawa na lang ang kulang sa buhay niya," ani Ma'am Minnie. Siya lang ang nurse na nakakabiruan ng mga doktor. "Napakasuwerte ng mapapangasawa mo, Doc Maxwell."

"I agree." Tumango-tango ang ortho surgeon. "What about Dr. Bentley Scott Pendragon? He's a good doctor. I mean, a hell of a doctor!"

Natawa si Maxwell. "And a pain in the ass." Natawa ang mga doktor.

Napabuntong-hininga na lang ako. Aksidente namang napalakas 'yon dahilan upang maagaw ko ang atensiyon ng surgeon. Dalawang beses niya akong nilingon.

Tumango-tango ang surgeon bago nagsalita. "How about our nurse?" may respetong aniya, nakabibilib, hindi ko inaasahan. "You look single."

"I am, Doc." Itinutok ko ang paningin sa pasyente.

"Don't waste your genes, lady. Take advantage before it's too late." Humalakhak ang surgeon. Sa gulat ko naman ay hindi ko nagawang sumagot. "Sayang ang ganda mo."

"You think she's pretty?" Hindi ko lalo inaasahan ang tugon ni Maxwell.

"What, pretty? She's beautiful!" May paghanga sa tinig ng surgeon, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Na-flatter ako sa compliment niya pero naiinis ako sa tanong ni Maxwell.

Pairap kong tiningnan si Maxwell at hindi inaasahang masasalubong ang tingin niya. Kahit naka-mask, sigurado akong nakangisi siya. Makikita 'yon sa kaniyang mga mata.

"Ako lang ba ang hindi nagagandahan sa 'yo, Yaz?" Lalong nag-init ang ulo ko sa tanong niya. Dumagdag pa ang nakalolokong tawa ni Keziah.

Gusto ko siyang sagutin pero ayaw ko siyang bastusin sa harap ng mga narito bukod sa hindi ko rin alam kung ano ang isasagot.

Maya-maya lang ay tungkol na sa operasyon ang usapan nila. Tinuruan ng surgeon sina Maxwell at Keziah. Kaliwa't kanan naman ang pagsagot ng mga ito. Para silang nagtatagisan ng utak. Bagaman naiintindihan ko ang karamihan sa mga sinasabi nila, hindi ko magawang sumabat. Pakiramdam ko ay usapan lang 'yon ng mga doktor.

"You're doing great, Yaz," baling sa 'kin ni Maxwell, hindi ko na naman inaasahan. "Have you assisted an ORIF operation before?"

"Yes, Doc," nauutal kong sagot.

Tumango-tango siya. "I'm glad to hear that."

Napamaang ako nang matagal sa kaniya. Muntik na namang maging dahilan 'yon para hindi ko marinig ang surgeon. Mabuti na lang at nar'on si Ma'am Minnie. Para ko siyang anghel na isinasalba ako sa pagkakamali.

Ang simpleng papuri ni Maxwell na 'yon ang bumura sa lahat ng hinanakit ko sa kaniya. Kung noong una ay minasama ko ang sinabi niya, ngayon ay parang bigla kong naintindihan. Hindi na tuloy nawala ang ngiti ko hanggang matapos ang operasyon.

"Wala bang girlfriend 'yon si Doc Maxwell?" tanong ni Cyrene habang nagbabalot kami ng instruments.

"Wala pa." Ngumiti ako.

"Hindi naman kaya bakla 'yon?"

Pasinghal ko siyang nilingon. "Torpe," pagtatama ko sa kaniya. "Hindi bakla, Cyrene. Torpe," mariin kong pagtatama.

"Bakit gano'n kumilos? Medyo malambot."

"Pino." Muli ko siyang itinama. "He's just soft and gentle, Cy."

"Bakit, may nagugustuhan na ba siya?"

"Meron."

"Sigurado ka?"

"Of course!" Umikot ang mga mata ko. "So . . . fetch."

"Sino?"

"Who knows?" Muli akong ngumiti. "Nandiyan lang 'yon sa tabi-tabi. Baka nga nakakausap mo pa."

"Ikaw, ah? You're not sharing your secrets with me. Ano'ng meron sa inyo ni Doc Maxwell?"

"Okay, I'm gonna share my secret."

"What?"

"Secret, bleh." Lumabi ako.

"Ang corny mo." Sabay kaming natawa.

Buong maghapon akong masaya noon. Natapos ang shift ko nang hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Hindi mawala ang simpleng papuri ni Maxwell sa pandinig at isip ko. It was not my first time, it just felt so good.

Hindi ko inaasahang makasasabay ko pauwi si Maxwell. Nakangiti ko siyang nilingon habang naghihintay kami sa elevator. Nilingon niya ako at nanunuyang tinitigan.

Should I thank him? I bit the side of my lip. Psh. Why should I? He wasn't even sorry for what he said last time. I'll consider us quits.

Nauna siyang sumakay nang bumukas ang elevator. Gusto kong matawa nang mukhang naghihintay siya na sumakay rin ako.

"You own the space, Doc," biro ko.

"Are you sure?"

Good mood ang loko, isasabay ako? "Pwede ba akong sumabay?"

Sa halip na sumagot ay isinenyas niyang sumakay na ako. Kagat ko na naman ang labi sa pagngiti nang pumasok sa elevator. Nakangiti kong pinagmasdan ang bawat detalye ng kaniyang likuran.

"It's still early." I didn't expect him to talk. "I'll take you home."

Napamaang ako sa gulat. Hindi ko nagawang magsalita agad. "May dala akong sasakyan," napapalunok, nauutal kong tugon.

Nilingon niya ako at matagal na tinitigan, saka siya nagbuntonghininga at nag-iwas ng tingin. "Okay."

Palihim akong napangiti nang paunahin niya ako palabas. Hindi tuloy nakaligtas sa paningin ko ang malilikot na nurses. Nag-uunahan ang mga ito na sumilip sa gawi namin. Ang mga lalaki ay nasa akin ang paningin. Ang mga babae ay halos matunaw sa katititig kay Maxwell.

"Bye, Yaz!" anang isa sa mga lalaki, hindi nakatiis. Para silang mga high school na nagtutulakan, nagsisiksikan, at nagtutuksuhan habang naglalakad ako sa kanilang harapan.

Natatawa ko silang kinawayan. Hindi man deretsong tiningnan ni Maxwell, sa galaw ng ulo niya ay tila sinulyapan niya ang mga ito.

"Alam nilang off ko bukas kaya ganyan sila magbiro," sabi ko nang makalabas kami.

"Whatever."

Kunot-noo niyang iginala ang paningin sa parking hanggang sa mamataan ang kotse ko. Napangiti ako nang manguna siya papalapit doon.

"I'll fly back to Palawan the day after tomorrow," nagbuntonghiningang aniya. "I'll throw a party tomorrow night. You can come by any time you want, I'll be around."

So . . . fetch!

Wala akong nakapang sagot. Napipi ako sa gulat. Pakiramdam ko ay may sapi ang lalaking ito sa harap ko. Mukhang na-overpower ng asukal ang toyo sa katawan niya.

"What?" Nagsisimula na naman siyang magsungit. "Are you coming or what?"

"Of course, I'll be there. Matatanggihan ba naman kita?" Pinigilan kong matawa. Pairap niyang inalis ang tingin sa 'kin.

Hindi ako makapaniwalang hindi ako nalungkot. I mean, I should be sad because he was leaving, and that meant I wouldn't see him for a long time, that I'd have to wait until he returned . . . unless magbakasyon ako sa Palawan o siya ang bumisita rito.

Isinenyas niyang sumakay ako. Agad naman akong tumalima. Pinakiramdaman ko kung halusinasyon ko lang ang nangyayari. Pero ang lahat ng 'yon, totoo.

Tumunghay siya sa bintana ng kotse ko, kinilabutan ako. He never did that before! "Drive safely, Zaimin Yaz. Have a good night." Tinapik niya ang balikat ko saka tumayo nang maayos.

Ilang beses akong nagkamali bago naisuksok nang tama ang susi. Hindi ko pa malaman kung isasara ang bintana o hahayaang bukas. Basta ko na lang pinaandar papalayo ang kotse ko kahit may parte sa puso ko na gusto pa siyang makasama.

***

INABOT ako ng umaga sa kaiisip, kinikilig pa rin. Hapon na nang magising ako kinabukasan. Para pa rin akong nakalutang sa langit. Hindi mawala ang ngiti sa labi at panay ang pagkanta habang naghahain sa sarili.

"Ate." Lumapit si Zarnaih. "May party sa mansiyon ng mga Moon mamaya." Kumakanta akong tumango. "Alam mo? Ah, talaga? Sino'ng nagsabi sa 'yo?"

"Mi numero uno, Maxwell Laurent, baby."

"'Pagsyur, 'oy!" Ayaw niyang maniwala.

"Tinuod na!" Inirapan ko siya, sinasabing nagsasabi ako nang totoo.

"Anyway, dadaan kami bukas ni Lee bago umalis si Maxwell. Hindi rin kami magtatagal."

Nakapamaywang ko siyang hinarap. "Bakit hindi na lang kayo pumunta mamaya?"

"Hindi na para sa gano'ng party ang beauty ko. Besides, hindi ako pwedeng magpuyat. Kailangan kong bantayan si Zaydie," patungkol ni Zarnaih sa anak.

Hindi ko na siya pinilit. Na-excite na naman ako. Parang gusto kong ihinto bigla ang pagluluto at kumaripas ng takbo para maghanap ng swimsuit. Marami akong pairs na hindi pa nagagamit at lahat 'yon ay babagay sa ganda ng pool ng mga del Valle.

One-piece or two-piece? Alin kaya?

'Yong fringe top two-piece swimsuit ang napili ko sa huli. Plain na itim 'yon pero ang lakas ng dating. Sinadya ko nang isuot at pinatungan na lang ng loose white crop top at high-waisted denim shorts. Kapares ang canvas red kicks at pula ring sling bag.

"I'm ready to go!" anunsiyo ko nang makababa. "I'll be home tomorrow midnight!"

"Siguraduhin mong kapag lumandi ka, si Maxwell lang ang makakakita. Kapag nar'on si Maxrill, magbalot ka ng katawan." Kinawayan ako ni Zarnaih. Lumapit naman ako sa baby niya at humalik. "Pakisabi na darating kami ni Lee tomorrow afternoon. Enjoy!"

Dumaan ako sa The Barb para sa Glenfiddich at Bacardi bago dumeretso sa mansiyon ng mga Moon. Excited akong nag-park sa harapan saka sinuyod ng tingin ang mansiyon. Parati kong nami-miss umuwi rito.

Nakangiti akong bumaba at tumuloy sa backyard. Janet Jackson's music covered the entire place.

"I'm here na!" anunsiyo ko habang nakataas ang parehong alak na bitbit. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makita kung sino-sino ang mga bisita.

Natigilan ako matapos makita ang ilang doktor, interns ng BISH, at mga mukhang hindi pamilyar sa 'kin. Madali kong ibinaba ang parehong braso para maitago ang lantad na tiyan ko. Nakagat ko ang aking labi at napilitang ngumiti.

Naigala ko ang paningin. Hindi ko inaasahang gano'n karami ang bisita. Halos lahat ay naka-swimsuit. May mga sumasayaw, naggi-grill sa isang tabi, nagkukuwentuhan, kumakain, at iba pa. Even the pool was occupied. Nagkalat ang plastic cups at chips. Habang ang mga pamilyar naman sa 'kin, ang mga nakakasama ko sa ospital, ay nasa mahabang mesa at kumakain, including Maxwell. Mukhang kaniya-kaniya sila ng katuwaan.

"Good evening, everyone," mahina kong bati matapos lumapit.

"Hi, Yaz!" magiliw na bati ni Ma'am Minnie. Ngiti lang ang naitugon ko.

Nakita ko nang suyurin ako ng tingin ng karamihan. Gano'n na lang talaga siguro kalakas ang boses ko para maagaw ang atensiyon ng lahat. Tumitig sila sa 'kin nang may paninibago. Noon lang kasi nila ako nakita sa gano'ng suot, nang hindi naka-uniform.

"'Yan ang gusto ni Maxwell." Biglang nangibabaw ang boses ni Maxpein mula sa 'king likuran. Nilingon ko siya. "'Yong nakamaong at hindi nakatakong. You look good."

"Maxpein." Niyakap ko siya nang mahigpit. "Bakit ang daming buwisita?" paismid kong bulong.

Ngumiwi siya. "Hindi ko nga rin alam na friendly pala si Maxwell. Mukhang marami pa siyang kakilala kaysa sa 'kin."

Wala akong nagawa kundi ang sumama nang akayin ako ni Maxpein papalapit sa lahat. Nahiya ako nang pasadahan muli ako ng tingin ng mga nar'on. Pakiramdam ko kasi ay gano'n na kalaswa sa tingin nila ang itsura ko.

"Maxwell, introduce Yaz to everyone," pautos na ani Maxpein.

"Kilala nila ako," pabulong kong tugon.

Pinagkrus ni Maxpein ang braso nang harapin ako. "You're a Marchessa, not a del Valle . . . well, yet," nakangising aniya. Saka siya muling bumaling sa kapatid. "Introduce her."

Sinalubong ni Maxwell ang tingin ko saka siya ngumisi. Nakagat ko ang labi ko upang mapigilan ang sariling ngumiti.

"Leave her to me," sagot ni Maxwell.

"Kailangan kong bantayan si Spaun," nakangiting ani Maxpein saka tinapik ang balikat ko. "Enjoy."

Muling nagsalubong ang tingin namin ni Maxwell. He rested his chin on his fist saka deretsong tumitig sa 'kin. Naitikom ko ang aking bibig at tiniis ang kiliting dulot ng dumadaloy na kilig sa buong katawan ko.

"Hello, Yaz." Hindi ko inaasahan ang tinig ni Maxrill.

Nar'on siya sa madilim at gawing likuran ni Maxwell. He was leaning against the wall with one foot resting on the other, his typical, at deretso ring nakatingin sa 'kin.

"Your style is absolutely gorgeous. You became more attractive," dagdag niya.

"Thank you, Maxrill," matipid ang ngiting tugon ko.

"You should've called me to pick you up."

"It's okay," nakangiting sagot ko.

"I was waiting for you. I've been practicing my dance moves," humahalakhak na aniya saka naglakad papalapit sa 'kin. "Let's dance, Yaz."

Maxrill was wearing a plain white shirt and a cotton pattern shorts. May hawak siyang bottled beer at bacon chips na nakaipit sa kaniyang mga daliri.

Naagaw ni Maxwell ang paningin ko nang tumayo at maglakad din papalapit sa 'kin. Nilampasan niya si Maxrill, na sarkastikong napahalakhak nang mapagtanto ang pakikipag-unahan ng kaniyang kuya.

"What's up with you, Maxwell?" paghabol ni Maxrill ngunit hindi siya pinansin ng kapatid na patuloy lang na lumapit sa 'kin.

Gano'n na lang ang gulat ko nang gumapang ang braso ni Maxwell upang sakupin ang buong baywang ko. Aligaga, nakamaang akong nag-angat ng tingin sa kaniya, at halos mapapikit kasabay ng paglunok, nang maramdaman ang paulit-ulit at patuloy na pagpisil niya sa tagiliran ko. 'Yon ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang palad niya sa balat ko. Hindi ko alam kung sinadya niyang hawakan ako sa parteng nakalantad. Ang tanging nauunawaan ko ay ang kakaibang kilabot na dulot ng mainit niyang palad.

Mas kinabig niya pa ako papalapit. "Yaz, everyone," ang tanging sinabi ni Maxwell.

Nakabibilib lang na ang lahat ay sumagot upang batiin ako. Gano'n kalakas si Maxwell. Batid ko ang pagtataka ng karamihan. Nasisiguro kong iniisip na ng mga ito kung ano'ng meron sa amin ni Maxwell. Maging ang bulungan ng mga babae ay hindi nakaligtas sa pandinig ko. Hindi ko na naman napigilang kiligin.

Nahawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa 'kin nang muli 'yong pumisil. Surprisingly, he interlocked his fingers firmly with mine, covering the most ground possible and getting as close to me as possible. It was as though he was taking possession of me. I stood nervously, shifting my weight from one foot to the other, with my left hand was buried deep in my pocket.

My gosh, mi numero uno, why are you so fetch?

"Maxwell." Napapalunok akong tumingala sa kaniya. "Lasing ka na ba?" nakasimangot kong tanong. Nalamangan na ng amoy ng alak ang kaniyang pabango, sa unang pagkakataon.

Tumingin siya sa 'kin, mapungay na ang mga mata. Inayos niya ang mga hibla ng buhok sa noo ko saka ngumiti. Kinabahan ako sa sobrang lapit at tutok niya.

"Mas matapang pa sa kahit anong alak ang dugo ko," bulong niya. "I am the firstborn del Valle."

"Yeah, right," nakangiwing tugon ko, pigil ang kilig. "You're drunk."

"Sayaw . . . o ako?" pabulong, natatawang ani Maxwell, ang paningin ay nasa mga kasama.

Wala na sa amin ang paningin ng mga nar'on pero halatang nakikiramdam sila. I was sure they were continuously wondering what the score was between this drunk guy and I.

"Answer me, Zaimin Yaz," aniya na muling pinisil ang baywang ko.

Napapikit ako sa ginawa niya. Naging matunog ang paglunok ko. "Seriously?"

"Seriously," sagot niya saka nagbaba ng tingin sa 'kin. "Sayaw . . . o ako?"

"Ikaw."

Sumulyap ang nakapanghihinang ngiti niya. "Good." Marahan niya akong iginiya paupo sa tabi ng kaniyang silya. "Maxrill, go to your room."

"What the hell?" nagugulat na tugon ni Maxrill.

Natawa si Maxwell. "Your mom is looking for you."

"Shut up!" Kunot-noong hinubad ni Maxrill ang top at dali-daling tumalon sa pool.

"Your brother is so hot, Doc," anang babaeng intern, mukhang lasing na rin. "I mean, he's sizzling hot!" Hindi nito naalis ang paningin sa lumalangoy nang si Maxrill.

"Believe me, there's so much more to him than just his sizzling hot looks." Sarkastiko ang ngiti ni Maxwell habang nilalaro ang yelo sa baso.

Agad akong pinagsilbihan ng maids. Lalo akong nailang nang panoorin ako ni Maxwell na kumain. Naririnig ko ang usapan nila pero wala roon ang atensiyon kundi nar'on sa mga mata niyang minamatyagan yata ang bawat nguya at pagsubo ko.

Hindi gano'n ang party na inaasahan ko. Akala ko, kami-kami lang. Nagkamali ako. Pero hindi ko magawang manghinayang, mainis, o kung ano pa man. Ang ikinikilos ni Maxwell mula pa kanina ang bumubulabog sa buong sistema ko, pinagwawala ang kaluluwa ko.

"Please give me a drink." Inilahad ko ang baso kay Maxwell.

Nangunot ang noo niya. "No."

"Yes!" mariing sabi ko, napalakas. Napalingon tuloy ang ilang nar'on sa amin, palihim na natawa.

Tumikhim si Maxwell. "Don't drink too much." Pinagsalin niya ako.

"I bought that!" asik ko.

"I'll pay you, then. Just don't get wasted."

"I don't need your money." Sinimangutan ko siya. "What I need," dinampot ko ang bote ng Bacardi, "is this drink." Pinuno ko ang baso saka mabilis 'yong ininom.

"Woo! Go, Yaz!" alulong ng male interns.

Muli akong nagsalin at itinaas ang glass ko. "Cheers, everyone!"

"Yaz?" angil ni Maxwell. Lumabi lang ako sa kanya.

Sinadya kong uminom nang magkakasunod, magkakahalong liquids. Noong una ay gusto ko lang asarin si Maxwell. Gusto kong ipagpatuloy niya ang nakapaninibagong asta at kilos. Masyado akong kinikilig para tigilan niya 'yon. The feeling was bizarre but wonderful, one of the best feelings in the world. Hanggang sa hindi ko namamalayan ang tama ng alak sa katawan at katinuan ko.

This is not you, Maxwell. Why are you doing this to me? Nakangiting nanguwestiyon ang isip ko. Don't you dare stop acting like this . . . please?

"Yaz!" Maya-maya ay tinawag ako ni Maxrill. Nakangiti ko siyang nilingon at mas napangiti pa nang makitang kumakaway siya. "Come swim with me!"

Excited akong napalingon kay Maxwell. "I'll go and swim with him," paalam ko. Muli akong tumungga sa baso saka tumayo.

Ngumisi siya. "No, you're not. Sit down."

Nawala ang ngiti ko. "Excuse me?" bulong ko habang papaupo.

"Swimming . . . o ako?"

Napamaang ako. Why are you making me choose? And what's with the tone of voice? It was husky and damn sexy!

"Stay."

"Ano ako, aso?" Napalingon ako sa mga kasama namin sa mesa, inaalam kung may nakarinig ba sa usapan namin. "I want to swim and I'm gonna swim. I prepared for this," lumalabing sabi ko. "I'm already wearing my swimsuit under these clothes."

Napaiwas ako nang sulyapan niya ang katawan ko. "No," malumanay, nagpapasensiyang aniya, saka ngumiti. "You prepared for me, not for the party."

Nangunot ang noo ko. "What's wrong with you?" natatawa kong bulong. Sumama ang timpla ng mukha niya. "You're drunk, Maxwell. You're not usually like this." Binigyan ko siya ng nanunuksong tingin. "Hindi ka ganito sa 'kin."

Nagbuntonghininga siya saka nag-iwas ng tingin. "Alright, go ahead and swim . . . with my brother." Diniinan niya ang huling salita.

Nakagat ko ang labi saka bahagyang tumunghay sa kaniya. "You jealous?"

Tiim-bagang niya akong tinitigan. "I'm selfish."

"Still, you're jealous."

"Whatever." Nagbuntonghininga siya. So, he's jealous? So fetch! "Go."

"You're not mad, are you?"

"I said I'm selfish. You can swim wearing those things." Malamya niyang itinuro ang mga suot ko.

"May swimsuit ako!"

"Wearing those things," mariing ulit niya, nakaturo sa hanging top ko. Sa tono niya ay sinasabi niyang 'yon ang kailangan kong gawin.

Hindi ko na napigilan ang matawa. "Come on, we'll just swim and have some fun. Just like before, when he was a kid."

"He's still a kid, a spoiled one. He's unknown, unidentified, un . . . whatever," seryoso niyang sinabi. "Not until he met the most beautiful girl around. Now he's Maxrill Won del Valle." Matalas ang pagkakatitig niya sa 'kin.

"We all know that I'm not the most beautiful girl around." Hindi ko maitago ang kilig sa mukha ko.

Mataman niya akong tiningnan. "But you're one of them." Natigilan ako. My heart missed a beat. "Just go ahead and have fun." Ngumiti siya, nakakaakit ang mga mata.

Kapag ako nasanay, Maxwell, naku! Bantay ka talaga!

Kinawayan ko siya saka ako humakbang papalayo. Huhubarin ko na ang top nang mangibabaw muli ang tinig ni Maxwell. "What the hell, Yaz?!" asik niya. Bago pa man ako makalingon ay nakalapit na siya.

Halos magbanggaan ang mga katawan namin. "What?"

"Maghuhubad ka rito?"

"Yeah, why?"

"In front of everyone? Seriously?"

Natawa ako. "What's wrong with that? I told you, suot ko na ang swimsuit ko."

"No." Ngumiti siya habang umiiling. "No, of course not. You're not gonna do that."

"What?"

"Come here."

Naguluhan ako nang igiya niya ako sa madilim na parte, malapit sa puno. Siyempre, sinundan kami ng tingin ng mga nar'on. Natawa ang karamihan. Si Maxrill naman ay masama na ang tingin at panay ang iling. Nang makontento sa dilim ay tinalikuran ako ni Maxwell.

"Now," aniya.

"Now, what?" Hindi ko pa rin mapigilan ang matawa.

Naiinis na siya nang lingunin at pinagkunutan ako ng noo. "Remove those things and swim."

Napahalakhak ako. Oh, I love Bacardi! This is really fetch! "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? What's the difference kung makita nilang alisin ko ang top ko? It's not as if I'm gonna get naked?" natatawa ko talagang tanong. "Maxwell, ah? Naninibago ako sa 'yo. I'm telling you, baka ma-misinterpret ko ito," nanunukso kong sabi, saka mabilis na hinubad ang top at shorts ko.

"Let me warn you, then." Hinarap niya ako at hinawakan sa pulso.

Bahagya niya akong hinila papalapit dahilan upang magkadikit ang katawan namin.

"I'm already halfway in love with you, and I am very territorial." Diniinan niya nang husto ang mga huling salita. "Some days, I'll let you stare at the masterpiece that I am. Most days, you cannot. Some days, I'll let you kiss and hug me. Most days, I'll be the one doing that. Don't do something that'll break my heart." Hinaplos niya ang pisngi ko.

He's halfway . . . what? My breathing got harder, and my heart seemed to beat louder and faster. Is he telling the truth? Napatitig ako sa kaniya at hindi nakasagot.

Sandali siyang tumitig sa 'kin bago ako inakay papalapit sa pool. Inalalayan niya ako palusong sa tubig, hawak ako sa kamay, hindi inaalis ang tingin sa 'kin. Hindi ko tuloy malaman kung lalangoy na ba o muling aahon para yumakap sa kaniya. Iba ang idinulot sa 'kin ng mga salita niya.

Binitiwan niya ang kamay ko dahilan para mahulog doon ang paningin ko. Nanghinayang ako dahil hindi na magkalapat ang mga palad namin.

He's halfway in love with . . . me.

"Doc Maxwell, mauuna na kami." Lumapit para magpaalam si Dr. Marwan kasama ang asawa niya dahilan para tuluyan akong talikuran ni Maxwell. "Thanks again for the invitation. Have a good trip."

"I promise I'll come to visit all of you." Isa-isang niyakap ni Maxwell ang kasamahan.

Nakipagpaalaman din ako, hindi sila magawang tingnan sa mga mata. Paniguradong pagbalik ko sa trabaho ay sangkatutak na panunukso ang aabutin ko.

Nasundan ko ng tingin si Maxwell nang magpaalam siyang ihahatid ang mga bisita sa labas. Nagulat ako nang maharapan ko si Maxrill. Titig na titig siya sa 'kin, kunot ang noo at parang naiinis. Ang kalahati ng kaniyang mukha ay nakalubog sa tubig. Nababalisa ako sa titig at presensya niya. Nag-iwas na lang ako ng tingin at inilubog ang sarili sa tubig.

Nakaahon na si Maxrill nang umangat ako. Sumaglit siya sa mesa at pagbalik ay may bitbit nang alak at baso.

What am I going to do now?

"Is this yours?" Itinaas niya ang bote ng Bacardi.

"It's for everyone," nakangiting sabi ko.

Nakangiti siyang tumango saka nagsalin sa dalawang baso. Inilapag niya ang isa sa harap ko bago siya naupo sa poolside.

"Yaz?"

"Hmm?"

"Would you like to come with me?" tanong niya.

Napamaang ako at matagal bago sumagot, "I can't." Bagaman wala akong ideya kung saang lugar ang tinutukoy niya ay gano'n ang isinagot ko.

Ako man ay nagulat at napatitig sa kaniya. Gusto kong bawiin agad ang sinabi pero huli na. Nagtiim ang bagang ni Maxrill. I know I offended him or made him feel bad, but I did not mean to do that. Wala pa man kasi siyang nababanggit, agad na akong tumanggi.

Mapait ang ngiti niya, malayo ang tingin. "Maxwell will be there too." Nar'on ang pagkapahiya sa tinig niya.

Nakagat ko ang labi saka ako nagbaba ng tingin. Masaya akong nar'on si Maxwell, baka pumayag ako kung sinabi niya agad sa 'kin. Pero hindi ko magawang ma-excite. Para akong nasaktan sa mababaw na paraan dahil sa tono ni Maxrill. Ayaw kong kilalanin ang pakiramdam na pilit niyang ipinararamdam sa 'kin.

"Only the three of us here? Where's Maxpein?" Nangibabaw ang tinig ni Maxwell.

Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya. Sinulyapan niya ang kapatid at matapos niyon ay hindi na inalis ang tingin sa 'kin. Nagulat ako nang hubarin niya ang polo at pants saka nag-dive sa tabi ko! Pag-ahon ay nasa likuran ko na siya. Agad akong kinilabutan nang magdikit ang balat namin.

"She can't drink," ani Maxrill, masama na naman ang mukha. Ang mga mata niya ay nar'on sa nagbubungguan naming katawan ni Maxwell.

"Where are your parents?" napapalunok, nasasamid kong tanong, iniiba ang ihip ng hangin.

"They're already sleeping," si Maxwell ang sumagot. "The party started early. You were late."

"Hindi ko alam." Nag-iwas ako ng tingin.

"It's alright." Talaga yatang hindi inaalis ni Maxwell ang tingin sa 'kin. Gusto kong alamin kung anong gayuma meron ang suot ko at bigla siyang nagkaganito.

Nabaling lang sa kapatid ang paningin niya nang matunog nitong ilapag ang baso sa harap niya. Napangisi si Maxwell saka dinampot 'yon. Napamaang ako nang sabay nilang tunggain ang kaniya-kaniyang baso. Sa gulat ay nalagok ko rin ang laman ng sariling shot glass. Nagpaulit-ulit ang gano'ng eksena hanggang sa maubos namin ang parehong bote. Sa unang pagkakataon ay naranasan kong uminom nang tahimik kahit may kasama. Bilib talaga ako sa magkakapatid na ito. Tumatagal nang hindi nagsasalita.

Maya-maya ay nag-dive si Maxrill at lumangoy paroo't parito. Ilang beses niyang ginawa 'yon. Pinanood ko siya nang may paghanga. Gusto kong matawa nang mag-dive din si Maxwell at magpasikat. Hindi lang dalawa o tatlong beses siyang nagparoo't parito. Ginawa niya 'yon sa iba't ibang paraan ng paglangoy.

"Let's race," hamon ni Maxwell maya-maya. Umahon siya paakyat at tinabihan ang kapatid.

"Do your worst," mayabang na tugon ni Maxrill.

"Guys, stop it. You're both drunk," saway ko.

"No, you're joining us." Lumapit si Maxrill at hinila ako paakyat sa poolside! Napatili ako. "You'll be the prize."

"What's up with you?" Nakangisi siyang hinarap ni Maxwell. "You're drunk."

"We are all drunk." Ngumisi rin si Maxrill.

Nagulat ako nang bigla akong agawin ni Maxwell. "If she's the prize, then I'm already the winner. Fuck the race."

"You're not fair." Bigla akong inagaw pabalik ni Maxrill. Pilit niya akong ipinuwesto sa likuran, tila pinoprotektahan sa hindi malamang dahilan.

This is so not fetch.

"Move aside," nakangiti ngunit nagbabanta ang tinig ni Maxwell.

"No."

"Move aside, dongsaeng."

"No, hyung." Ngumisi si Maxrill.

"That's my spot right there, Maxrill." Mas malalim na ang banta sa tinig ni Maxwell. "And you're in it. Move . . . aside."

This can't be happening. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawa at hindi malaman kung ano ang gagawin o sasabihin.

"Yaz," tawag ni Maxwell, ang paningin ay nasa kapatid.

"Maxwell . . ." mahinang tugon ko.

"Si Maxrill . . . o ako?" Noon lang siya tumingin sa 'kin. Napalunok ako.

Sasagot na sana ako nang may pumalakpak sa likuran namin. Si Maxpein. "What . . . the . . . fuck?" Isa-isa niya kaming tiningnan. "So, this is not only about getting the girl? It's about pride, right?" Nawala ang ngiti sa mukha niya. "Pumasok na kayo."

"Oh, come on. We wanna swim," asik ni Maxrill.

"Go sober for a month, Maxrill Won."

"Come on, Maxpein."

Hindi sumagot si Maxpein. Makahulugan ang masamang tingin niya sa dalawa pero hindi ko makuha.

"Are we going to fight here? I'm sleepy." Gumitna ako, pinipigilan ang namumuong tensiyon sa tatlo.

Nilingon ako ni Maxwell at agad na sumuko. It was so easy to attract his attention right now.

"I'll take you to your room," presinta ni Maxrill.

Nakangiting tinapik ni Maxwell ang braso nito. "The key is with me."

"Enough, please?" saway ko. "What's going on with you, guys? Nakakaloka kayo, nakakapanibago."

"I wanna go to sleep too," ani Maxwell. Naglakad siya papalapit at hinila ako sa tabi niya. "Siya . . . o ako?"

"Stop it," banta ko.

Ngumisi siya saka sumeryoso. "Take me to my room."

Napamaang ako at napatitig sa mga kapatid niya. Si Maxwell ba talaga ito? Ano ang nangyayari sa kaniya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top