CHAPTER 3


"WHICH ONE is better, Ate? Itong yellow or itong blue? Tsk, ito ang hirap kapag magaganda; habang namimili ng isusuot, lalong gumaganda."

Panay ang buntonghininga ko habang nakatulala sa blinking text cursor sa monitor ng laptop ko. Hindi ko na malaman ang takbo ng case presentation na ginagawa ko. Ang mga daliri ko ay panay lang ang kuskos sa keyboard. Wala ako sa sarili. Hindi mawala sa isip ko ang masasakit na sinabi ni Maxwell kahapon.

"Oy, Ate!" Nakaririndi talaga ang boses ni Zarnaih.

"What?" malamya kong baling sa kaniya.

"Alin ang mas bagay sa 'kin? Kasi hirap na hirap na akong pumili! Parang bawat damit, mas lumalabas ang ganda ko."

Napabuntong-hininga ako. "'Yong blue."

"Talaga?" Ipinatong niya sa sarili ang asul na bestida saka humarap sa salamin. "Feeling ko, mas maggo-glow ang beauty ko sa yellow."

"Then wear the yellow one." Pairap kong inalis ang paningin sa kaniya.

"Bakit hindi ka pa mag-ready? Alas-singko na."

Minsan pa akong nagbuntonghininga. "'Wag na lang kaya akong sumama, Zarnaih?" Hindi ko siya nilingon. "May kailangan akong tapusing care pre. Sa Friday na ito, eh."

"Ay, that's very unusual of you, ah?"

"What?"

"Ipagpapalit mo ang isang del Valle sa case pre? Cannot be, Ate. Si Maxwell ang inspirasyon mo, at nar'on siya sa dinner."

"Oo nga." Lumabi ako.

Naramdaman ko siyang lumapit. "Hmm." Nakangiwi niya akong tinutuktukan sa noo. "Nag-away kayo, 'no?"

"Ni Maxwell?"

"Malamang! Alangang ma-depress ka nang ganiyan kay Maxpein? Duh?" Hindi ko siya kinibo. "Besides, si Maxwell lang naman ang umaaway sa 'yo kasi ayaw niya sa 'yo."

Pinagalitan ko siya gamit ang tingin saka ako sumimangot. "Hindi, ah." Mabilis kong inayos ang mga gamit ko.

"Hindi raw," nakangiwi niyang bulong. "What happened?"

"Wala nga." Nameke ako ng tawa.

"'Sus! 'Pagsyur, 'oy!" Pinagkrus niya ang mga braso at inilingan ako. "Sinabi ko naman kasi sa 'yo, ilang beses na. 'Wag mong sobrahan ang pagdikit-dikit kay Maxwell at mabilis 'yong maalibadbaran! Maulaw pud ka, 'te!" angil niya, sinasabing mahiya naman ako.

Napabuntong-hininga ako. "Nahihiya na nga ako," wala sa sarili kong sinabi.

"Ano ba kasi'ng ginawa mo?"

"Wala."

"Ano nga?"

"Wala nga." Muli akong nameke ng tawa. "Sige na, maliligo na ako."

"Ano'ng isusuot mo?" habol niya.

"Kahit na ano."

"Wow, ha? That's so not you! Sa arte mo, three days before pa lang ay prepared na ang outfit mo. How come hindi ka prepared ngayon?"

Nakapamaywang ko siyang hinarap. "Dahil ang gandang meron ako, bumabagay ang kahit na anong isuot ko. Hindi gaya niyang ganda mo, may binabagayan."

"Ugh! Excuse me?"

"Charot!" natatawang sabi ko saka kumaway papunta sa banyo.

Nagbuntonghininga akong humarap sa sink at tumitig sa sarili ko. Hindi pa man nagtatagal ay tumalikod na ako. Maski ako ay hindi kayang makita ang kahihiyang idinulot ng mga salitang binitiwan ni Maxwell sa 'kin.

Nagbaba ako ng tingin sa mga daliri ko. Dati naman na siyang galit sa 'kin. Dati na rin siyang masakit magsalita. Pero iba 'yong ngayon. Ininsulto niya pati ang pinaghirapan kong propesyon.

Nanlumo ako at padausdos na naupo sa sahig. Niyakap ko ang mga binti ko at saka ako yumuko. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha. Wala akong maramdaman kundi hiya. Matinding-matinding hiya.

Paano na ako haharap sa kaniya ngayon?

May kung anong bumubulong sa 'kin na 'wag nang sumama sa dinner party. Pero ang damdamin ko ay nagsusumigaw sa kagustuhang makita siya. Na para bang gano'n katagal ko na naman siyang hindi nakita.

Lumalabi akong kumilos. Halos abutin ako nang isang oras sa pag-aayos. Hindi mawala ang panlulumo ko dahil sa kahihiyan. Hanggang sa sandaling 'yon ay wala akong maisip na paraan para maging kaswal sa harap niya. Kailangan kong maibalik ang natural na kapal ng aking mukha.

"Ate!" Hindi na talaga ako nagugulat sa lakas ng bibig ni Zarnaih. Kahit pa ilang sementadong pader ang pagitan ng bibig niya at tainga ko, tumatagos ang boses niya.

"Nandiyan na," sabi ko nang makalabas ng kuwarto.

Sisinghalan ko pa sana si Zarnaih. Pero napako na ang paningin ko sa cute na cute nitong anak. Hindi ako makapaniwalang umiral ang taste ng kapatid ko. Magkapares na magkapares ang kanilang suot. Gusto ko siyang palakpakan dahil pinaghandaan niya ang gabing ito.

"Hello, Zelestaire Donatelli!" Lumapit ako sa baby. "Ang cute-cute mo naman, nagmana ka sa tita."

"Sa tita na gandang-ganda sa sarili pero walang jowa," dagdag ng kapatid ko. "Halika na! Baka naghihintay na ang mga hambog. Naku, nakakahiya ka."

"Ako talaga?" nakataas ang kilay kong angil.

Tumawa siya saka mataray na sinipat ang aking kabuoan. Buong ganda naman akong umikot sa harap niya. At paghinto ay naka-pose na ako na animo'y isang modelo sa magazine.

"'Ganda ng takong mo, ah?" papuri niya.

Napangiwi ako sa inis. "Salamat, ah?" mapakla kong tugon.

Batid kong inggit lang siya sa four-inch light pink suede pointed YSL pumps ko. Hindi man lang niya pinuri ang YSL peach mini cocktail dress na suot ko. Hapit ito, strapless, at may disenyong lace at beads. Palibhasa'y ipit ang excitement, nakontento na ako sa light makeup at buhaghag kong buhok. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang simple ko ngayon.

Hindi ko inaasahang gano'n kabongga ang lugar na daratnan namin nang makarating sa venue. Paulit-ulit kasing sinabi ni Tito More na simpleng dinner celebration lang 'yon para sa pagbabalik nila sa Pilipinas.

Restaurant by the bay ang eksena. May nakadaong pang yate malapit sa mga mesa. Simple pero elegante. Romantic ang lugar kung tutuusin. Gawa sa kahoy ang karamihan sa haligi, mula sa sahig hanggang sa mga pundasyon. Ang nagpapaganda sa atraksyon ay ang nakapalibot na light bulbs na may iba't ibang kulay. Kahit saang sulok ay gano'n ang disenyo, umaabot hanggang sa nakadaong na yate. Napalilibutan ng iba't ibang halaman na halatang inalagaan bukod sa napakagandang atraksyon ng dalampasigan. Napakagandang tingnan.

"Mukhang maaga tayo," ani Zarnaih nang makarating kami. Inalalayan ko siyang makababa. "Kuya, sabihan mo ako kapag dumating na si Lee," aniya sa driver na agad tumango.

Pero hindi pa man kami nakakapasok ay pumarada na ang magkakasunod na sasakyan. Isa sa mga 'yon ay sasakyan ni Tito More at siyang pinakamaganda.

Excited kaming nakipagbeso ni Zarnaih, siyempre, lalo na ako, kina Tita Maze, Mokz, at Tito More. Si Heurt naman ay agad na yumakap papalapit sa 'kin.

Saka pa lang magkakasunod na bumaba sa kaniya-kaniyang sasakyan ang mga Echavez at Enrile. Nakipagbatian ako sa mga ito. Doon ko lang nalaman na dumaan sila sa daddy ni Randall bago dumeretso rito. Kapapasok lang namin nang magkakasabay na dumating sina BJ at Migz, Tob, at Michiko. Kasunod nila ay magkasabay ring dumating sina Lee at Kimeniah.

Siyempre, alam ko kung sino-sino ang mga wala pa roon. Hindi mapakali sa iisang lugar ang mga mata ko, panay ang lingon ko sa entrance. Maging sa parking lot, umaabot ang paningin ko. Hindi ako makapaghintay na si Maxwell naman ang dumating.

Agad akong namangha nang makapasok. Dalawang mahahabang mesa ang nakalaan sa amin, at nakapuwesto 'yon sa mismong deck. Parang floating restaurant. May bar island sa kaliwang bahagi ng deck. Sa kanan naman ay may combo grills. Sa gitnang harapan ay ang fireplace.

"Look, Maxspaun, Zelestaire wants to play!" Nilaro ko ang parehong kamay ng dalawang baby. Karga ko ang pamangkin ko habang si Maxspaun ay karga ng ama.

Nakatutuwa ang anak ni Maxpein. Hindi mawala ang kislap sa mga mata nito. Napakaguwapo sa t'wing ngingiti. Cute na cute ako sa dimples nito. Nasisiguro ko kasing kay Maxwell nito nakuha 'yon. Napakaganda ng kutis at nasisiguro ko ring guwapo kapag lumaki.

Ang pamangkin ko naman, masyadong bibo. Hindi mahirap alagaan . . . sa ngayon. Isandaang porsyento ang kasiguraduhang mas maganda pa ito sa 'kin paglaki. Kapag nagkataon ay siya lang ang matatanggap kong hihigit sa ganda ko.

"Ang guwapo ng anak mo, Maxpein!" nakangiting sabi ko.

"Ako ba naman ang tatay," mayabang na sabat ni Deib Lohr. Napangiwi ako ngunit muling napangiti nang laruin nito ang pisngi ng anak.

"Tss." Pumalag si Maxpein. Hindi talaga matatahimik ang angas niya kapag gano'ng harap-harapan siyang niyayabangan ng asawa. "Sa milyon-milyong lalaki, ikaw ang pinakamasuwerte. Maraming guwapo sa mundo, nag-iisa lang ako."

"Tch. Ako rin lang naman ang guwapong nagkagusto sa 'yo." Pinansuntok ni Deib Lohr ang kamao ng anak sa pisngi ng asawa.

Nangibabaw ang pagtikhim ni Randall, nang-aasar. Tiningnan siya nang masama ni Deib Lohr dahilan para magtawanan kami nina Maxpein.

"Where are the others?" tanong ni Maxpein. Batid kong hindi ako ang tinatanong niya.

"You mean your brothers?" nakangiwing asik ko.

"And Keziah." Nilingon niya ako.

"Psh." Nag-iwas ako ng tingin. Pero agad ding napalingon sa parking lot nang humarurot ang pamilyar na tunog ng sasakyan ni Maxwell.

He's here. Inayos ko nang pagkaigi-igi ang suot at buhok ko. Kahit alam kong ano mang gulo ng mga 'yon ay maganda pa rin ako.

"They're just in time," ani Mokz, agad na lumabas upang salubungin ang apo.

Humaba ang leeg ko sa kasisilip. Nahaharangan kasi ni Mokz ang entrance, tuloy ay hindi ko makitang bumaba sa kotse si Maxwell. Pero gano'n kabilis na rumehistro ang panlulumo sa mukha ko matapos makitang si Keziah ang kasama niya.

Napapabuntong-hininga akong nag-iwas ng tingin. Pilit akong ngumiti matapos magtama ng mga mata namin ni Maxpein.

Ayun na naman ang hiya ko. Feeling ko, hindi ko kayang pairalin ngayon ang kapal ng mukha ko. Ni hindi ko nga yata kayang kausapin si Maxwell ngayon.

"Where is Maxrill Won, maji?" tanong ni Tita Maze matapos salubungin ang panganay. Hindi ko magawang lingunin ang gawi nila. Mula sa salamin ko lang sila nakapangalumbabang tinatanaw.

"We're not together. I'll call him."

Nakita kong lumingon si Maxwell sa gawi ko. Nasisiguro kong sa tagal ng pagkakadapo ng paningin niya sa 'kin, nagawa niya nang pag-aralan ang kabuoan ko. Kung umiiral lang sana ang kapal ng mukha ko ay sinalubong ko na siya ng halik at yakap matapos niyang gawin 'yon.

"I like your sweatshirt, Kuya Maxwell. Lalo kang gumuwapo," papuri ni Michiko. Kakaiba talaga ang taste niya sa fashion, doon kami nagkasundo.

Niyuko ni Maxwell ang suot na itim na sweatshirt. Sa gitna niyon ay may nakaburdang letter "H".

"Gucci," nakangising ani Maxwell.

"Ano naman kaya ang ibig sabihin ng 'H', 'te?" tanong kunwari ni Migz kay Michiko. "Hari?"

"Handsome, ano pa ba?" ani BJ.

Biglang sumeryoso si Maxwell. "Humble." Napamaang na lang ang lahat sa kaniya.

Gustong manuyo ng lalamunan ko nang alalayan ni Maxwell si Keziah na maupo sa harap ni Zarnaih. Siya naman ang pumuwesto sa mismong harapan ko.

"Hi, Zaimin Yaz," bati ni Keziah.

Aligaga akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "It's nice to see you, Doktora."

Natawa siya. "Kalimutan natin ang trabaho sa ganitong okasyon, please."

Sa halip na sumagot ay ngumiti na lang ako. Hindi niya na kailangang sabihin 'yon dahil gano'n talaga ang ugali ko. Sadyang iba lang ang epekto sa 'kin ng sagutan namin ni Maxwell kaya maingat ako sa kilos at pananalita ngayon. Bukod sa talagang bitter ako na magkasama sila, natural din ang pagiging maldita ko. Ayaw ko sa kaniya.

Inagaw ni Tito More ang atensiyon nang makaupo ang lahat. Nakangiti silang tumayo ni Tita Maze sa harapan. Masaya niyang inanunsiyong mananatili na sila nang madalas sa Pilipinas. Siyempre, masaya ang lahat dahil paniguradong magkakasama na kami sa lahat ng okasyon. Bukod doon ay nasisiguro kong mas madalas ko nang makikita si Maxwell.

"Your son is not answering his phone, Dad," ani Maxwell nang makaupo ang ama.

Nagkibit-balikat si Tito More. "Maybe he's busy. Darating din 'yon, 'wag kang mag-alala. Besides, kainan ito, imposibleng mawala siya." Natawa ang lahat. "So, Keziah." Magandang ngiti ang iginawad niya rito. "I heard tinanggap mo ang offer ni Maxwell sa Palawan?"

Offer? Anong offer? Hindi ko napigilang tingnan si Maxwell, ngunit abala siya sa kabubusisi sa kalinisan ng mga kasangkapang kaharap niya. Talagang hindi siya magsisimulang kumain nang hindi nasisigurong malinis ang mga 'yon.

"Yes, Tito," tugon ni Keziah. Nag-init ang tainga ko. "Who am I to say no?"

You're Keziah Sirvey Gozon, you should've turned down the offer, amaw!

Gusto kong magprotesta. Nasisiguro kong ang offer na 'yon ay trabaho sa Palawan. Wala nang iba. At hindi ako sang-ayon doon. Pero sino ba ako para pakialaman ang mga desisyon nila? Oo nga't maganda ako pero hindi sapat na dahilan 'yon para pigilan ko sila.

May kung ano sa puso kong naghuhuramentado. Hindi ako makapapayag na madehado. Pero paano ko ibebenta ang sarili ko gayong gano'n ang kinahinatnan ng performance ko kay Maxwell kahapon?

Hindi ko na nagawang itutok ang atensiyon sa iba pa nilang pinag-uusapan. Panay na ang pag-iisip ko sa offer na binanggit ni Tito More. Interesado ako roon at pinaplanong usisain si Maxpein mamaya.

"Kumusta ang project mo roon, Deib Lohr? Tapos na?" Gusto kong ipagpasalamat ang pagtatanong ni Lee.

"It's almost done," nakangiwing tugon ni Deib Lohr. "We're not yet decided with the acanthus motif and Maxwell's ideas of beveled glass. We have yet to do something with the flat's base molding. Madali na lang 'yon. Maalaga kasi ang asawa ko."

"Psh, ano namang koneksyon?" asik ni Zarnaih saka palihim na bumulong sa 'kin, "Ano'ng eksena mo, Ate?"

"Anong eksena?" inosente kong tugon. Nginiwian niya lang ako.

Tumango-tango si Lee. "Ayaw mong magtrabaho si Maxpein doon?"

Ngumisi si Deib Lohr. "Eh, kung asawa mo kaya ang itapon ko roon?" Saka siya sumimangot. "Ayoko ngang nawawala 'yan sa paningin ko."

"At talagang ako?" mataray na bulalas ni Zarnaih. "Bakit hindi itong kapatid ko? Total naman, si Maxwell ang goal niya sa buhay."

"Shut up," asik ko. Tiningnan ko siya nang masama.

"Psh. Bakit yata ang tahimik mo, Ate? Naninibago ako sa 'yo."

"What?"

Bahagya siyang lumapit at bumulong, "Hindi mo yata nilalandi ngayon si Maxwell?"

"Manahimik ka nga," pairing kong tugon.

"Hindi mo yata siya sinalubong ng emosyonal mong yakap?"

"I said, shut up."

"Nag-away kayo, 'no?"

"Pinagalitan niya ako," pag-amin ko, para matahimik na siya.

"Ayun na nga ba'ng sinasabi ko." Iiling-iling siyang lumayo sa 'kin.

Sa halip na sagutin ay inismiran ko na lang siya. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Maxwell. Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang deretso siyang nakatingin sa 'kin. Awtomatiko akong nag-iwas ng tingin.

"'Te, hindi kaya magkatuluyan 'yang mga anak ninyo in the future?" Itinuro ni Migz ang parehong anak nina Maxpein at Zarnaih. Naagaw niya ang atensiyon ng lahat.

"Ay, why not?" excited na sagot ng kapatid ko. "Total naman, maganda ang anak ko!"

"Mas matanda ang anak mo sa anak ko, Parrot," seryosong sagot ni Deib Lohr.

"Eh, ano naman? Ilang buwan lang naman 'yon. Age doesn't matter, Sensui. Because love has no age," dahilan ng kapatid ko.

"Ayaw niya sa maingay." Inilayo ni Deib Lohr ang anak. Natawa ang lahat.

"Please." Sumingit sa usapan si Tita Maze. "Bago ninyo pag-usapan ang love life ng apo ko, unahin ninyo muna itong panganay ko."

"Seriously?" asik ni Maxwell. Ipinatong niya ang parehong siko sa mesa at deretsong tumingin sa 'kin.

Agad na naghuramentado ang puso ko. Mas nagwala 'yon nang hindi niya alisin ang tingin sa 'kin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pero hindi ako nakapagsalita.

"Bakit nga ba hindi natin pag-usapan ang mga plano mo sa buhay, Maxwell Laurent?" ani Tito More.

"Come on, Dad." Nakita ko nang mag-iwas ng tingin si Maxwell.

"Your princess is already married, Maxwell," ani Tito, tinutukoy si Maxpein.

"So?"

"Ano pa ang hinihintay mo?"

"'Yong katulad ng prinsesa ko." Napabuntong-hininga si Maxwell.

"You're not getting any younger, son." Umiling si Tito More, nang-aasar.

"It's fine, Dad. I'm not in a hurry." Ipinagpatuloy ni Maxwell ang kinakain. "Besides, I know exactly who I want."

Pakiramdam ko ay lalo akong tumamlay nang lingunin ni Maxwell si Keziah. Kumirot ang puso ko nang mapanood siyang iakbay ang braso sa silyang kinauupuan nito.

Nawala lang sa kanila ang atensiyon ko nang may kumalabit sa hita ko. Nang magbaba ako ng tingin ay nar'on na si Hee Yong, ang Siberian Husky na anak ni Maxrill.

"I can settle down first if he's not yet ready to marry." Nangibabaw ang pamilyar na boses ni Maxrill. Napalingon ang lahat sa kaniya.

Humalimuyak agad ang bango ni Maxrill. Ang rugged look niya ay naging dahilan ng bulungan ng dalawang bakla. Mukhang naka-motor lang siya papunta rito dahil sa magulong buhok. Gusto ko tuloy alamin kung paano niyang naisakay si Hee Yong doon.

"I love you, Mom." Kay Tita Maze agad siyang lumapit at humalik.

"Where have you been, Maxrill?"

"I had a meeting with a client."

"About what?"

Nagkibit-balikat si Maxrill at nilingon ang panganay na kapatid. "I have good news for you, Maxwell."

"What?" walang ganang tugon ni Maxwell.

"You already have a competitor in Palawan. There's this businessman who revealed his plans to build a world-class hospital to handle complicated diseases. You're one island away from each other but your property is bigger. Challenging, huh?"

Hindi man lang kakikitaan ng interes si Maxwell. He was not threatened. "Really? Who is he?"

Nagkibit-balikat si Maxrill. "I didn't ask. I'm not interested. The important thing is you already have a competitor."

"Tsh. Ano ang maganda sa pagkakaroon ng kakompetensiya, Maxrill Won?"

"Come on, Maxwell Laurent. You cannot stand boredom. You need constant stimulation. Hindi ka ginaganahan kung wala kang kakompetensiya."

"And your point is?"

"Go to Palawan as soon as possible and start working."

"Tsh. I don't care."

"Tsh." Nakangising umiling si Maxrill, nang-aasar. "Wouldn't it be better if you start sooner?"

"Hindi pa kompleto ang tao ko."

"You can hire people while working."

"Hindi ko pwedeng madaliin ito, Maxrill." Seryoso na si Maxwell. "And I don't want to take risks. Malaki ang magiging problema kung magsisimula ang gano'n kalaking ospital ngunit kakaunti ang tao. Hindi ito katulad ng negosyo."

"Come on, brother." Talagang nang-aasar si Maxrill. "The people of Palawan need care. Your patients and profession need you as well. I think it's better if you reach out to them before they reach out to you. Besides, prevention is better than cure, right?"

"Bakit ba kating-kati kang paalisin ako?"

"Huh? You're paranoid, Maxwell." Humalakhak si Maxrill. "I'm just doing my job. It was you who decided to finish it as early as we can so you can start. What happened to your goals? Change of heart, huh?"

Ngumiti si Maxwell. "You're annoying me, Maxrill." Masyado na siyang seryoso at batid kong napipikon na. Halata kasing inaasar talaga siya ni Maxrill. At sa tono nito, para nga namang pinaaalis niya na si Maxwell papuntang Palawan.

Humalakhak si Maxrill. "Everything annoys you." Sinulyapan niya si Maxpein na naramdaman agad ang tingin niya. "What do you think, Maxpein?"

Nagbuntonghininga si Maxpein. "Your idea is good," aniya, sumang-ayon ang mga magulang nila. Walang naisagot si Maxwell.

Bigla akong nalungkot. Alam kong ilang araw lang siyang mananatili rito dahil lilipad na siya papuntang Palawan. Pero sa usapan nila ngayon, pakiramdam ko ay mababawasan pa ang iilang araw na 'yon.

"Anyway, sa bahay na ninyo pag-usapan 'yan," ani Mokz. "Kumain ka na, Maxrill."

"No, thanks." Nagulat ang lahat sa pagtanggi nito. "I have no appetite."

"Why, are you sick?" awtomatikong tanong ko, hindi niya inaasahan.

Matagal siyang napatitig sa 'kin. "No, I'm just tired." Ngumiti siya. "How are you, Yaz?"

Matagal bago ako nakasagot. "I'm fine."

"What are you having?"

Tiningnan ko ang plate ko. "Steak." Suminghot si Maxrill at hinimas ang tiyan. Napangiti ako. "Do you want me to get you something to eat or drink?"

Bahagyang nanliit ang mga mata niya. "Will you do that for me, please?"

Nakangiti akong tumango. "Sure."

"Why don't you do it yourself, Maxrill Won?" Hindi ko inaasahang magsasalita si Maxwell sa naninitang tono.

Napahinto tuloy ako sa pagtayo at napalunok sa sama ng tingin ni Maxwell. Wala pa man ay parang sinasabi niya nang 'wag akong aalis sa kinauupuan ko.

Natigilan ang lahat nang magtama ang paningin ng magkapatid. "You got a problem with that, Kuya?" Ngumisi si Maxrill.

"Get your own food, Maxrill." Nagbabanta na ang tinig at tingin ni Maxwell.

Napabuntong-hininga si Maxrill saka lumingon sa 'kin. "Go back to your seat, Yaz. I'm not in the mood to eat."

"No, it's fine," nakangiting sagot ko saka sinulyapan si Maxwell. Wala na sa 'kin ang kaniyang paningin pero nailang ako nang maramdaman ang tingin ng lahat. "Dati na kaming ganito ni Maxrill. Kapag may sakit siya at walang ganang kumain, basta ako ang nag-serve, kumakain siya." Naramdaman ko na lang na kailangan kong ipaliwanag 'yon.

Bago pa may magsalita ulit ay lumapit na ako sa buffet at grills. Habang naghihintay ay sumulyap ako pabalik at napanood si Maxrill na kumuha ng silya at itabi sa upuan ko. Pinaurong niya ang lahat para makasingit ng puwesto.

Napapailing akong dumampot ng panibagong bote ng wine at bumalik sa kanila. Natigilan ako nang ang mga mata ni Maxwell ang masalubong ko. Sa ilang dipang layo namin sa isa't isa, nararamdaman ko ang talim ng titig niya.

Tumayo si Maxrill nang makalapit ako at kinuha ang hawak kong plate. "Thank you, Yaz. I'll finish this."

"Dapat lang," nakangiting sagot ko saka kinapa ang kaniyang leeg. "May lagnat ka, 'no?"

Umiwas siya. "Wala."

"Bakit wala kang ganang kumain? Hindi ikaw 'yan, Maxrill." Natawa ako.

"Yeah, ngayon pa lang ako ginaganahan. Finish your food."

Nakakailang ang katahimikan. Nagkaniya-kaniya na ng usap ang magkakatabi. Ang tensiyon ay umiikot sa pagitan ko at ng dalawang magkapatid na ito. Hindi ko alam kung bakit at saan nagmumula.

"Ang dinig ko ay nag-perform ng operation si Maxwell Laurent sa BIS hospital. Kumusta ang performance niya?" Iniba ni Mokz ang ihip ng hangin.

Ngumiti si Keziah, na kay Maxwell ang paningin. "Maxwell is a great doctor. Wala akong masabi. Minor operation lang 'yon pero nakabibilib talaga siyang magtrabaho kahit nasaang area pa siya. He has a heart and gifted hands that are willing to connect with his patients emotionally and provide them compassionate support." Sinabi niya 'yon sa proud na proud na tono, akala mo jowa.

Nilingon at nginitian ni Maxwell si Keziah. Nadurog ang puso ko pero nagawa ko pa ring umirap. Nagbaba ako ng tingin at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Please excuse me," paalam ni Maxrill. Nilingon ko siya. Hindi ko inaasahang kikindat siya sa 'kin. "I'm just going to talk to someone." Isinenyas niya ang cellphone saka naglakad papalayo.

"Let's ask Yaz," pagbabalik ni Keziah sa usapan. "Siya ang nakasama ni Maxwell sa minor procedure."

Biglang nanuyo ang lalamunan ko. "Ha?" sabi ko nang mag-angat ng tingin. Lahat sila ay tutok na sa 'kin. Nangapa ako ng sasabihin. "Magaling naman talaga siya, and everybody knows that already."

Gumuhit ang ngisi sa labi ni Maxwell. "Is that all you can say?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What do you expect me to say?"

Ipinatong niya ang siko sa mesa at nakapangalumbabang tumingin sa 'kin. "What do you think of me?"

Napamaang ako, lalong nangapa ng isasagot. "Well . . ."

"Well?"

"Your qualities are unquestionable, Maxwell. You're undeniably skillful and passionate. That's what makes you a good doctor."

"Good, huh?" Ngumisi siya, natigilan ako. "Keziah thinks I'm great, and you think I'm good?" sarkastiko niyang tugon, na para bang kulang na kulang sa isinagot ko.

"Well, you're better—"

"I hate that word, Zaimin Yaz," pagpigil niya sa 'kin, pinakadiinan ang pangalan ko.

Natigilan ako at lumabi. Ano ba ang gusto niyang sabihin ko? Lalo siyang yumayabang kapag pinupuri. Dahil sa sagutan namin ay wala ako sa mood na pataasin ang percentage ng kayabangan niya.

Napasimangot ako nang makita ang nababagot sa kahihintay niyang mukha. "You're the best, then," napipilitan, napapabuntong-hininga kong sagot.

"Yes." Tumunghay siya papalapit sa 'kin. "I became the best because of you," pabulong niyang sinabi, ngunit imposibleng ako lang ang nakarinig. "You inspire me."

Natigilan ako at kunot-noong napatitig sa kaniya. "Huh?"

"Well, you inspire me in some ways." Nag-iwas siya ng tingin, tinapos bigla ang pagkain. "You're the kind of person who would not give up on anything or anyone."

"Huh?" nalilito pa ring tugon ko, ang ngiti ay hindi na mapigilan.

"But you talk and think too much." Tumayo siya at nagpaalam gamit ang ibang lengguwahe.

Nasundan ko siya ng tingin, tuluyan nang napangiti. Nakagat ko ang aking labi at nagsasayaw sa kinauupuan.

"Naku!" Nangibabaw ang tinig ni Zarnaih, nang-aasar.

"Uy, 'wag ganiyan, 'te," saway ni Migz sa kapatid ko, nagbibiro. "Mag-a-assume na naman ang lola ninyo."

"Mga amaw, manahimik kayo." Palihim kong kinagat ang aking labi saka ngingiti-ngiting sinundan ng tingin si Maxwell.

Natanawan namin si Maxwell nang maglakad siya pabalik. Hawak niya na ang isang bote ng hard drink at dalawang shot glass. Sinulyapan niya ako bago muling naupo sa harap ko.

Naninibago ako. Hindi naman kasi siya dating ganito. Ito na yata ang pinakamadalas niyang pagtingin sa 'kin, walang pakialam kung sino ang makakakita.

Nawala lang sa kaniya ang paningin ko nang padarag na hilahin ni Maxrill ang silya sa tabi ko. Inayos-ayos ko ang buhok bago nakangiting lumingon sa kaniya.

"Are you done?" tanong ko kay Maxrill.

Nagulat ako nang ayusin niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko. "Let's dance, Yaz."

"Ha?" napapamaang kong tugon.

"I want to dance."

"You don't know how to dance, Maxrill."

Humalakhak siya. "Try me."

Namangha ako. "Kailan ka pa natuto?"

Sa halip na sumagot ay kinuha niya ang kamay ko. Matagal niyang tinitigan 'yon habang hinahaplos, bago muling nag-angat ng tingin sa 'kin.

"Ever since I started dreaming about dancing with the girl I like."

Sa halip na sumagot ay napalingon ako kay Maxwell nang pabagsak niyang ilapag ang bote ng hard drink. "What?" asik niya pa dahil tumingin ako. "Wala sa 'kin ang mga paa mo, Zaimin Yaz. Go ahead and dance."

Napisil ko ang batok ko at wala sa sariling natawa. Nakaloloka. "Sure," sagot ko kay Maxrill saka nagpatangay sa kaniya.

Pero hindi ko inaasahang lalayo kami sa deck. Dinala niya ako sa bar island, indoor part ng restaurant, saka siya um-order ng dalawang hard drinks para sa amin.

"You're drinking now?" nagugulat kong tanong.

Ngumisi siya. "I'm not a teen anymore, Yaz." Naiinsulto siyang tumawa.

Iginala ko ang paningin sa lugar, eksakto namang tumugtog ang Remember Me This Way ni Jordan Hill. Nagkatinginan kami ni Maxrill na para bang naisip namin ang isa't isa dahil sa linya ng kanta. Ako agad ang sumuko. Nakaiilang siyang tumitig. Wala sa sarili kong tinungga ang isang shot glass ng hard drink saka muling sumenyas sa bartender.

Natitigilan akong pinanood ni Maxrill na lagukin uli 'yon. Mas nagulat siya nang humingi at lumagok ako ng dalawang glass pa.

"Easy, lady." Pinigilan niya ang braso kong tumungga uli, ikalima na sana 'yon. "We're not in a hurry."

Napahalakhak ako. "Don't worry." Tinapik ko ang balikat niya. "As long as my skirt is still on, I'm not drunk."

Napabuga siya ng hangin. "You're gonna get yourself drunk. We're still going to dance."

"I can surely dance." Muli pa akong humalakhak.

Hindi ako mabilis malasing. Ang totoo, sanay ako sa iba't ibang uri ng alak. Pero kahit yata hindi ako uminom ay nalalasing ako sa nakalilitong kilos ng magkapatid na ito. Nakapaninibago. Hindi ako sanay at hindi ko malaman ang mararamdaman ko.

Naninibago ako sa mga kilos ni Maxwell. May kung anong nagsasabi sa 'king nagseselos siya gayong alam kong hindi niya ako gusto. Nagugulat ako sa mga kilos ni Maxrill. Ipinararamdam niya sa 'king gusto niya ako gayong alam naming parehong si Maxwell ang gusto ko.

"You can surely dance better now," pigil ang tawang aniya.

Sasagot pa sana ako pero natigilan ako sa paraan ng pagkakatitig niya. Nakangiti ang mga labi pero may lungkot sa mga mata. Hindi ko maintindihan.

Kinuha ni Maxrill ang kamay ko. Gaya kanina, tinitigan niya na naman 'yon sa paraan na para bang namamangha siya dahil noon niya lang nahawakan 'yon nang gano'n. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli, pero nasisiguro kong hindi 'yon ang unang beses na naghawak-kamay kami. Balewala lang sa 'kin 'yon noon. Kaya naman, gano'n na lang ang pagtataka ko sa paraan niya ng pagkakatitig doon ngayon.

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at marahan akong itinayo. Hindi niya inalis ang paningin sa 'kin hanggang sa makarating kami sa gitna ng dance floor. Gusto ko sanang lingunin ang mga nar'on dahil nasisiguro kong kami lang ang sumasayaw sa sandaling 'yon. Pero may kung ano sa mga titig ni Maxrill. Hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kaniya.

"Maxrill . . ." wala sa sariling sambit ko.

Kunot-noo akong napatitig sa kaniya. Hindi ko pwedeng balewalain ang emosyong nababasa ko sa mga mata niya pero masyado akong inaantig ng konsiyensiya.

Nagbaba ako ng tingin. Bumigat yata ang paghinga ko. Naiilang ako at nanlalamig ang mga kamay.

Does he have feelings for me? 'Yon ang kanina pang nagpapaulit-ulit sa isip ko. Mali, hindi lang kanina. Mula nang bumalik sila mula sa Korea.

"Are you sad?" pabulong niyang tanong.

Awtomatiko akong nag-angat ng tingin. "No." Muli kaming nagkatitigan. "Are you?" seryoso kong tugon.

Hindi niya na kailangang magsalita dahil nakikita ko na ang sagot sa kaniyang mata at mukha.

"Yes."

"Why?"

"I have a hopeless crush on someone I have no chance to be with."

Kunot-noo akong napatitig sa kaniya. Parang gusto ko nang maiyak. Hindi pwede ang naiisip ko. Bata lang siya sa paningin ko. Wala na akong ibang pwedeng ituring sa kaniya kundi nakababatang kapatid lalo pa at wala akong kapatid na lalaki.

"Maybe she's not the one for you," pandederetso ko.

"How do you know if someone is meant for you or not?"

Napailing ako, nagkamot ng ulo. Napangiti ako at saka tumawa. Napisil ko ang sariling batok saka muling napangiti. Kung ano-anong ikinilos ko dahil sa hindi maipaliwanag na epekto ng sinasabi at ipinararamdam niya.

"Maxrill." Noon pa lang ako nag-angat ng tingin. "I don't feel comfortable talking about this with you. I'm . . . I'm sorry," nauutal, kabado kong dagdag.

Totoo 'yon. Hindi ako komportableng pag-usapan ang tungkol doon sa kaniya. Siguro, dahil hindi ko pa siya narinig na umaming meron na siyang nagugustuhan. Lalo na at ang madalas kong nalalaman ay maraming nagkakagusto sa kaniya. Pero ang magkuwento siya nang ganito, nang pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy, nakaiilang. Hindi ko kaya. Mas kinakabahan pa nga yata ako dahil sa posibleng sabihin niya.

Mapait siyang ngumiti. "It's fine."

Nasaktan din ako nang mabasa ang lungkot sa mga mata niya. Nag-iwas agad ako ng tingin nang mamasa ang aking mga mata.

"Do you want to play?" biglang tanong niya, hindi ko inaasahan. 'Yon ang Maxrill na kilala ko. Kung hindi pagkain, laro ang kailangan sa 'kin.

Masigla na siya nang muli kong tingnan. Nalito na naman tuloy ako, nagdadalawang-isip kung tama ba ang naiisip ko.

Ambisyosa nga yata ako at mahilig mag-assume. Tama bang isipin mo na may gusto siya sa iyo, Yaz? Hello? Mas matanda ka pa nga sa ate niya!

Sa huli ay pinili kong balewalain ang napansin. Masyado kasi 'yong imposible, hindi kapani-paniwala.

Kung imposibleng magustuhan ako ni Maxwell, mas imposibleng magustuhan ako ni Maxrill. Duh? I'm way older—way, way older than him!

"Sure!" alisto kong sagot.

Hindi na namin nagawang tapusin ang kanta. Inalalayan niya ako papalapit sa game machines na nasa tabi ng jukebox.

"Which one do you like?" Nakangiti niyang isinenyas ang mga crane claw machine.

Napangiti ako nang makita ang maliliit na panda stuffed toys sa unang machine. Sa ikalawa ay iba't ibang kulay naman ng teddy bears. Sa ikatlo ay stuffed tigers at lions. At sa ikaapat na machine ay si KeroKeroppi.

"I want a lion," nakangiting tugon ko, pukol sa machine ang paningin.

"The plush or a real one?" Hindi ko inaasahang mangingibabaw ang tinig ni Maxwell sa tabi ko.

Aligaga akong napalingon sa gawi ni Maxwell at gulat na napatitig nang halos idikit niya ang sarili sa 'kin. Tumunghay siya sa crane claw machine ng stuffed lions at tigers. Hindi ako makapaniwalang tinatanong niya kung alin ang gusto ko, 'yong laruan ba o totoong leon, sa gano'n kainosenteng paraan.

Inosente siyang tumingin sa 'kin nang hindi ako makasagot. "Tell me."

Naging matunog ang pagbuntonghininga ni Maxrill. "I'll get it for her, Hyung."

Pakiramdam ko ay noon lang ulit tinawag ni Maxrill nang gano'n si Maxwell. Pero nakapag-aalala ang tono at diin ng pananalita niya. Naninita, nagbabanta, at nang-aangkin.

Wala sa sarili akong tumawa, nababaliw. "Ako na. Magaling ako diyan."

Inosente nila akong nilingon. Tumingin ako sa magkabilang gilid ng damit ko at noon lang napagtantong wala akong bitbit na coins.

Napisil ko ang batok at nag-angat ng tingin kay Maxwell. Mapirap niyang inalis ang paningin sa 'kin saka naghulog ng barya. Awtomatiko siyang naglaro sa machine, sa paraan na para bang exam ang kaharap niya.

Matunog na namang nagbuntonghininga si Maxrill at inilingan ang kapatid. Kunot-noo niyang pinanood si Maxwell, sa paraan na para bang paulit-ulit na hinihiling sa isip na sana ay 'wag itong makatsamba. Hindi siya nabigo dahil sumablay si Maxwell.

"My turn." Dinunggol ni Maxrill ang kapatid dahilan para paatras itong mapunta sa likuran niya.

Pumuwesto siya at itinodo ang konsentrasyon sa makina. Gusto kong matawa nang pinaroo't parito ni Maxrill ang claw, paulit-ulit, mabilis at malakas, saka niya binitiwan ang joystick. Kusang gumalaw ang claw at dumampot ng lion.

Nanlaki ang mga mata ko nang ihulog ng claw ang stuffed lion sa pocket ng machine. Nagugulat kong nilingon si Maxwell. Malamya siyang sumulyap sa 'kin.

Si Maxrill ang kumuha ng stuffed lion at iniabot 'yon sa 'kin. "Thanks for the dance, Yaz."

Naestatwa ako nang haplusin niya ang pisngi ko. Tuloy ay hindi ko nakita nang talikuran niya kami.

"Thank . . . you, Maxrill," sabi ko pero hindi niya na narinig.

Nakokonsiyensiya kong sinulyapan si Maxrill. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin, ang sundan o hayaan na lang siya. Nasisiguro kong naiinis siya sa biglang pagsulpot ni Maxwell. Maging ako ay nagtataka. Nagtataka, dahil hindi ko alam kung bakit sumunod sa amin si Maxwell. Nagtataka, dahil hindi ko alam kung bakit sa halip na mainis ay parang mas gusto ko pang narito siya.

Nakangiti kong tiningnan ang stuffed lion. Gusto kong matawa dahil maliit pa lang 'yon pero mayroon nang mane.

So fetch! Such a cute plushie version of Maxwell Laurent del Valle. Napahagikhik ako sa naisip.

"Seriously? That softie makes you happy?" Nakaiinsulto ang tono ni Maxwell.

Naiinis akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Ikaw kaya ito! Of course! "So what?" mataray kong tugon. "Maxrill got it for me. I'm more than happy."

Pinagkunutan niya ako ng noo. "Mas gusto mo na siya niyon?"

Napamaang ako. "Ano? Hindi, 'no!" asik ko.

Humakbang siya papalapit, napaatras ako at napasandal sa claw machine. Halos magbanggaan ang mga ilong namin nang magbaba siya ng tingin sa 'kin. Napalunok ako nang maghulog siya ng barya sa makina.

"Do you like my brother, Yaz?" pabulong na tanong niya, ang paningin ay pasama nang pasama.

"What?" di-makapaniwalang asik ko.

"May gusto ka ba sa kapatid ko?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "What makes you think so? Wala, 'no!" singhal ko.

Awtomatiko siyang ngumisi. "Good."

Nababaliw na siya. Talagang hindi ko mahuli ang topak ng del Valle na ito. Sa lahat ng del Valle ay kakaiba ang kulo ng dugo ni Maxwell. Hindi lang sala sa init o sala sa lamig kundi sumasala sa lahat 'tapos ay biglang maghahalo-halo.

Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa machine. Mula sa likuran ko ay naglaro siya dahilan para mabihag ako ng yakap niya. Talaga namang nagkasunod-sunod ang paglunok ko. Pakiramdam ko ay nawala sa puwesto ang puso ko. Hindi ko nagawang gumalaw.

Napanood ko kung paano niyang ginaya ang paraan ni Maxrill. Pero hindi ko na nagawang ituon doon ang atensiyon dahil sa gano'n katinding presensya niya.

"Here." Napapitlag ako nang iabot niya ang premyo sa 'kin.

Tiningnan ko siya sa gilid ng mga mata ko. Dahil kung lilingon ako ay mahahalikan ko ang labi niya. Sa gano'ng distansya namin ay nalalanghap ko ang alak mula sa kaniyang hininga.

"Thank you," nauutal, nasasamid sa sariling laway, na sagot ko.

Ngunit hindi na siya nagsalita pa. Ang antipatikong del Valle na 'yon ay tinalikuran lang ako at nakapamulsang naglakad papalayo. Na para bang nilibang niya lang ang sarili sa paglalaro.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top