33


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 07/26/2020, 09:01 AM
Subject: Bahay Kubo

Hon,

Dumalo ako ng meeting sa Cebu branch Martes ng hapon. Napag-usapan doon ang tungkol sa isa na namang promotional event para sa Davao branch. At dahil nagustuhan ng board ang script na ginawa mo pati na rin ang pagiging epektibo nito simula nang na-ere ang advertisement, napagpasyahan na ikaw ulit ang kukunin.

Nagpataas ako ng kamay matapos masambit ang pangalan mo ng head of promotions. They all turned to look at me.

"Can we find someone else instead? I think she's...currently preoccupied," suhestiyon ko. Inaalala ko kasi ang kalagayan ng kapatid mo at tingin ko ay hindi mo siya maiiwan.

"Well...we can but...nakakapanghinayang lang because personally speaking, I think she's the best on her field. But of course, the final say would still be coming from you, Mr. Numero," sagot naman ni Ms. Dela Costa. She looked pale I observed. Nasabi rin niya kanina sa lahat na may jetlag pa siya dahil kaninang tanghali pa siya bumiyahe galing Maynila.

Bumuntong-hininga ako. I leaned on the backrest of my swivel chair. They were all looking at me. Nasa sampo ka tao ang nakapalibot sa isang malaking mesa. Pakiramdam ko, para akong isang padre de pamilya na hinihintay ang desisyon para sa lahat. Wala kasi si Dad dahil may importante daw siyang aasikasuhin. So I was delegated to be his proxy.

"Alright. I'll personally talk to her. If she agrees, then we'll be taking her."

The members nodded and Ms. Dela Costa smiled. She then turned to her PowerPoint presentation. "So with this one, our theme will be the best of Davao. Sceneries, best tourist destination, local foods, and of course, at the center of it all would be the best mall. The Halara Mall."

The proposal continued. Pareho lang ang naging takbo ng diskusyon sa nangyari sa Maynila. It was a good thing for me. Hindi na ako nanibago dahil hindi naman iyon ang unang beses na nakadalo ako sa isang board meeting. I guess Dad's urge of my involvement paid off.

Gabi na ako nang nakauwi sa bahay. Nagtaka pa ako nang makapasok sa loob dahil sa sobrang katahimikan. Paakyat na ako ng hagdanan nang makita  si Manang.

"Si Dad po? Hindi pa ba umuwi?"

"Naku, Ser! Abala pa iyon. May dinner date sila ni Ma'am Yasmin!" sagot niya sabay hagikgik. Halatang natutuwa.

"Paano niyo po nalaman?"

"Umuwi kasi si Ser dito kaninang alas kuwatro para magbihis. Tapos tinanong ako kung okay na ba iyong suot niya. Parang binata lang! Tapos ang bango-bango pa. Sabi niya may date daw sila ni Ma'am!"

Tumango ako. I couldn't help but grin. Napagtanto ko na 'yon pala ang tinutukoy niyang importanteng aasikasuhin. Ngayon alam ko na na totoong mahal niya talaga si Mom. I thought it's past the time to show her how much he loves her.

I visited Lovely in the hospital the next day. Para na rin makausap ka tungkol sa proyekto. Nakaupo tayo sa canteen ng ospital at katatapos lang na mananghalian. The awkwardness between us has lessen. Parang kaswal na ang trato natin sa isa't-isa.

Una nating pinag-usapan ang tungkol sa kalagayan ng kapatid mo. Napag-alaman ko mula sa'yo na sa isang buwan na ang operasyon niya. Pagkatapos nito ay ipinaalam ko na sa'yo ang napag-usapan na bagong proyekto.

"It's still up to you, of course," pagpapatuloy ko.

"I'll take it."

Natigilan ako. Sinuri ko ang bawat sulok ng mukha mo. Nakita ko ang determinasyon sa mga mata mo. "Are you sure? I mean with Lovely's situation..."

"Sa isang buwan pa naman ang operasyon ni Lovely. At isa pa, tama si Papa, hindi dapat tumigil ang career ko para kay Lovely. This project will definitely boost my career. Plus makakatulong ito sa amin. Dagdag tulong pinansiyal na rin para sa operasyon ni bunso."

Lumunok ako at isang beses na tumango. "You know my family is always there to help you, right? Even financially..."

Mabilis kang umiling at binigyan ako ng banayad na ngiti. "Hindi naman kami gipit financially, Sixth. Malago naman ang real estate business ni Papa."

"Alright. But...if in case...just don't hesitate to approach us."

Naglakad na tayo papunta sa kuwarto ng kapatid mo. At doon nadatnan na naman natin si Coli sa labas ng pintuan. Nakapamulsa na parang nag-aabang. Ginagawa niya na 'yon simula noong hiwalayan siya ni Lovely. Nilinga niya tayo na nasa likod niya. He cleared his throat.

"Uh...hello po."

Nagpakawala ka ng malalim na hininga. Itinuro mo ang pinto at nginitian siya. "Pwede ka namang pumasok, Coli."

Malungkot siyang ngumiti bago nilingon ulit ang pinto. "Hindi na po...Kamusta na...siya?"

I looked at you. You gave him a small smile. "Medyo okay naman. Next month na ang operation niya."

Tahimik siyang tumango. I couldn't help again but feel bad for the guy. Ang tigas pa rin talaga ng desisyon ni Lovely na hindi na siya bigyan pa ng isa pang pagkakataon. Para sa kapatid mo, pinapalaya na niya si Coli. She thinks she's doing it for his sake.

"Hindi na po. Aalis na rin ako. I'll pray that her operation will go smoothly," aniya. Tiningnan niya tayo parehas at humakbang na paalis.

Natahimik tayong dalawa habang sinusundan ng tingin ang likod niyang papalayo na. Sinulyapan kita. Sumulyap ka naman sa akin pabalik. Bumagsak ang balikat mo.

"Nakakaawa na talaga siya. Kahit ano namang sabihin ko kay Lovely ayaw pa rin talaga niya."

"Maybe time will come. Marerealize din ni Lovely na hindi talaga magpapatinag at susuko si Coli sa kanya," sagot ko sa mababang boses.

"I don't know. Hindi ko rin talaga alam kung ano ang nagtutulak kay Coli para maging ganoon ka pursigido. I mean, ilang beses na siyang ni-reject at hindi man lang binabalingan ng pansin ni Lovely." You were biting your lower lip while absently saying those words.

"Mahal lang talaga niya,"malumanay kong sabi. Namumungay na ang mga mata kong nakatitig sa'yo. "Naiintidihan ko si Coli dahil ganoon din naman ako ka pursigido...sa'yo."

Napaawang ang labi mo dahil sa sinabi ko. Nag-iwas ka ng tingin at itinuon na lang ito sa pinto.

"Pasok na ako sa loob at baka nagtataka na si Lovely dahil nagtagal tayo. I'll just drop by the mall tomorrow for the contract. Salamat sa...paghatid."

"Alright. I'll see you...by then," marahan kong sinabi. Tumango ka at pumasok na. Naiwan naman ako sa labas na nakatayo ng ilang minuto pa. Sa huli, nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga at umalis na.

Iginugol ko ang buong araw sa mga paperworks para sa master's degree kinabukasan. Nakatanggap lang ako ng email galing kay Ms. Dela Costa na nagsasabing dumaan ka nga ng opisina para sa contract signing. Napangiti ako at naging panatag dahil alam ko na gusto mo talaga ang career mo at hindi mo ito pinapabayaan.

Wednesday night, I received a call. It was from the head of the marketing department. Sabi niya ay kung pwede na samahan ko ang team ng promotions and marketing sa Davao para sa gagawing two-day advertisement project shoot. Alam ko na kasali ka sa mga pupunta. At dahil nga siguro marupok ako pagdating sa'yo, walang pagdadalawang-isip akong pumayag na.

Kaya sa Huwebes ng gabi, sumakay na ako ng eroplano papuntang Davao. Nauna na ako sa'yo dahil napag-alaman ko na hapon kinabukasan pa ang punta mo.

I stayed in a hotel. Nagkaroon din ng kaunting briefing nang umaga na. Kasama sa briefing ang mga modelo para sa gagawing shoot at ang professional photographers and videographer.

Bumalik din ako ng hotel para mananghalian. Nang mag-alas dos na ng hapon ay kinuha ako ng van para ihatid sa location. Mag-isa lang ako sa van maliban sa driver dahil nasa isa pang van daw ang iba pa.

Mga punongkahoy na ang nadadaanan namin. Isang probinsiya sa Davao na kilala sa mayaman nitong kagubatan. Ilang sandali pa ay huminto na kami. Lumabas na ako ng sasakyan at iginala ang tingin sa paligid. Nasa paanan na pala kami ng isang bundok. Sa kabilang dako ay mayroong isang nipa hut na napapalibutan ng matatayog na punong-kahoy. It was like a place in the middle of nowhere. Wala akong ni isang nakitang kabahayan at tao. Ni parte nga ng team project hindi ko mahagilap.

"Are you sure this is the location?" tanong ko sa driver na nasa edad kuwarenta anyos na siguro.

"Opo, iyan po ang ibinigay na address eh."

Iginala ko ulit ang tingin bago ibinalik sa kanya. "Bakit wala rito ang iba?"

He checked his phone before looking at me. "Naku, sir. Baka naligaw pa 'yon o hindi nakita kaagad ang daanan. Sige po, susunduin ko pa ang iba."

Umalis ulit ang van kaya naiwan akong mag-isa. Hinintay ko kayo ng halos isang oras na. Nangangawit na ang binti ko kakatayo kaya naupo muna ako sa isang putol na punong kahoy na nasa lupa. Hindi ko naman magawang tumawag dahil dead battery na ang cellphone ko.

Paglipas ng ilang minuto ay dumating ang isang itim na sasakyan. Nang nakahinto 'to ay bumaba ka. Just like me, you were wearing casual clothes. A white T-shirt and high waist jeans. May nakasakbit na bag sa likod mo.

"Where's everyone?" tanong mo nang makalapit ka sa akin. Nakaalis na rin ang sasakyan na naghatid sa'yo.

"I have no idea. Mag-iisang oras na ako rito."

Nilinga mo ang daanan. "This is weird."

Kinuha mo ang cellphone mula sa bulsa ng backpack mo."There's no signal."

I softly cursed and stood up. Napangiwi pa ako sa sakit ng binti ko. "I think they're not coming."

Your face fell. Nasapo mo ang noo. "Anong gagawin natin ngayon? We are in the middle of nowhere!"

"Maybe they'll realize that they left us here. At baka balikan tayo."

Bumuntong-hininga ka at wala na ring nagawa pa. We waited for a few more hours. Hanggang sa mag-alas singko na at nilalamok na tayong dalawa. Wala pa rin talagang sasakyan na dumating o dumaan man lang.

Tiningnan mo ang kubo. "Baka may telepono sa loob? Or something na magagamit natin."

Tumango ako at sinundan ka palapit sa kubo. Nang nasa tapat na ng pinto ay binuksan ko ito.
Nauna akong pumasok sa loob at sumunod ka naman. May native na upuan na gawa sa kawayan. Mayroon ding maliit na CR na glass sliding door pa. And there was also a kitchenette in the corner. Napakasimple ng loob. Naalala ko tuloy ang kantang bahay kubo.

"Wala akong nakikitang telepono. I don't even think na may nakatira pa rito," sabi mo. Nakatingin ka sa ibabaw ng cabinet na gawa sa kahoy.

Tumingala ako. Pansin ko ang kisame na gawa sa banig. Wala akong nakikitang ni isang bombilya ng ilaw. "I don't even think there's an electricity in here. The place looks clean though."

"My God! We should call for help! Kaya lang nasa liblib na lugar tayo na wala pang kabahayan!"

"Calm down, Honey. We'll just...stay here for the meantime. Bukas na bukas baka dumating na sila o baka may dumaan ng sasakyan," kalmante kong sinabi.

You looked at me ridiculously. "Are you crazy? Paano ako kakalma?! Paano kung may pumasok dito na mga bandido o mga mababangis na hayop?"

I licked my lips while looking at you. You looked so panicky. "That's why we need to stay inside for now."

Mabilis kang nagtungo sa pintuan. Kinabahan ako bigla. "Where are you going, Honey? Malapit ng magdilim sa—"

Natigilan ako nang imbes na buksan ito ay may kinutingkay ka sa lock ng pinto. Marahas mo akong nilingon. Masama ang tingin na ipinupukol sa'kin.

"I'm not going anywhere! Sinisiguro ko lang na walang makakapasok dito na baboy ramo!" bulong-bulong mo. I couldn't help but grin with how you were reacting with the situation.

"Ayaw mo no'n? May hapunan na tayo kapag nagkataon?" I teased.

Humalukipkip ka at tinaasan ako ng isang kilay. "Ha ha. Very funny. Parang hindi ka takot sa tuta ha!"

I chuckled. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumigil lang ako at umayos na nang iritado kang nagtungo sa isang maliit na kusina. Kaagad kitang sinundan.

"I'm hungry," pagdedeklara mo habang sinusuri ang loob ng cabinet.

Ang liit ng kusina na puro gawa lang sa kawayan, mayroong maliit na lababo na wala namang gripo kundi isang banga lang.

"Dalawang pancit canton! Seriously?" you muttered.

My stomach growled. Halatang gutom na rin. "Pwede na 'yan."

Kinuha mo ang mga ito at saka tumayo ka na. Nakapamaywang lang nakatingin sa akin. "Now, saan natin lulutuin 'to? Wala man lang stove!"

Napatingin ako sa mga panggatong na nasa ilalim ng lutuan. "Ako na ang magluluto."

Sinundan mo ang tingin ko. Muli mong binalik ang tingin sa'kin at ngumisi ka. "Good luck with that."

I moved my shoulders in circular motion. Nacha-challenge ako dahil sa sinabi mo. I winked at you. "I don't need luck, Hon. I got adapted skill."

You rolled your eyes at me. Nag-squat ka ulit sa harap ng cabinet at may kinuha. Isang maduming kawali. Iniabot mo ito sa akin at nagpagpag ka pa. Kunot-noo ko naman itong tinitigan habang hawak-hawak. Bigla mo akong tinapik sa balikat. You even tiptoed just to reach my shoulder.

"Best of luck adaptive skilled, Sixth Numero," panunudyo mo saka iniwan ako.

"It'll be one hell of a long night," bulong ko sa sarili pero malaki naman ang ngisi.

-Sixth-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top