34
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Mon, 7/27/2020, 09:01 AM
Subject: Chance
Hon,
Matagumpay kong naluto ang pancit canton. I was grinning from ear to ear while bringing it to you on a plate. Naka-upo ka na sa sofa na gawa sa rattan.
"Bon appetit," sabi ko sabay lapag nito sa center table. May dalawang nakasinding kandila na nasa loob ng baso na sa magkabilang dulo nito. Parang dinner with candlelight lang ah.
Nag-angat ako ng tingin mula rito para makita kung nag-iba ba ang hitchura mo at napalitan ito ng pagkamangha dahil sa ginawa ko nang makita ko ang pamumula ng buo mong mukha. Tinakpan mo ang 'yong bibig ng isang kamay at nanginginig naman ang mga balikat mo. It was then that I realized you were trying to stifle a big laugh.
Nagtagpo ang kilay ko habang tinititigan ka. "What?"
Hindi mo na talaga napigilan ang sarili mo at pinakawalan mo na ang pilit na pinipigilang tawa.
"Your face...you should...look at...your face..." putol-putol na pagkakasabi mo dahil sa matinding pagtawa.
Napadampi ako sa pisngi ko. Naguguluhan pa rin talaga. "Why? What are you talking about?"
Umiiling ka habang tumatawa. Hinayaan lang kita. Bigla mong binuksan ang backpack mo na nasa upuan at kumuha ka ng isang salamin. Iniabot mo 'to sa'kin at kaagad ko namang tinanggap.
Napamura ako nang makita ang hitchura sa salamin. Kaya ka pala tumatawa ay dahil napuno na ng dumi ang mukha ko galing sa maitim na kawali.
"What the fuck," usal ko at dali-daling kinuha ang lampara na nakapatong sa isa pang upuan at nagtungo sa may lababo para maghanap ng batya at maghilamos sa mukha.
"I'm sure mabubusog ako nito dahil sa matinding effort mo, Sais!" panunudyo mo habang naghihilamos na ako.
"Kumain ka na nga lang. Tirhan mo rin ako ah."
Nangingiting sinaluduhan mo ako. "Yes, Sir!"
Nang matapos sa paghihilamos ay nilapitan na uli kita. Medyo basa pa ang mukha ko dahil wala naman akong dalang bimpo o panyo. Naupo na ako sa tapat mo. Natigil ka naman sa pagkain at binuksan mo ang bag. Kumuha ka ng panyo mula rito. Hinagis mo 'to sa'kin at nasalo ko naman.
"Thanks," sambit ko at ipinampunas na sa mukha ang panyo. Nag-iwas ka ng tingin at nagpatuloy na sa pagkain.
"Here." Iniabot ko pabalik sa'yo ang panyo mo.
"Hindi pa tapos. May madumi pa sa ibaba ng mata mo."
I blindly dabbed on it again. Umiling ka naman at halatang dismayado dahil hindi ko natunton ang tinutukoy mo. Sa huli ay bumuntong-hininga ka at tumayo.
"Akin na nga 'yang panyo. Ako na." Hindi mo na hinintay pa ang sagot ko at nilapitan mo na ako. Kinuha mo ang panyo mula sa akin at pinunasan na ako sa mukha.
I was staring intently at your face while you were doing it. Pansin ko naman ang matinding konsentrasyon sa mukha mo habang ginagawa mo 'to.
"There...wala na," you softly whispered.
"Wala na ba talaga?" bulong ko pabalik. Nakatitig lang sa mga mata mo.
Sa wakas, dumapo rin ang tingin mo sa mga mata ko. Sa wakas ay nasuklian mo rin ang titig ko.
"Wala na. Natanggal ko na...lahat."
I swallowed hard and licked my lips. "Wala na ba talagang natira? Baka naman...meron pa. Kahit konti..."
Banayad ang titig mo sa akin. Nakagat mo pa pang-ibabang labi mo. "Are we still talking about the dirt, Sixth?" Sasagot na sana ako sa'yo kaso pinutol mo naman ako. "Kumain ka na. Tinirhan na kita."
I slowly nodded and backed off. Nirerespeto ko ang desisyon mo. Tahimik lang akong kumakain. Tinalikuran mo na ako at kinuha ang lampara. Mabuti na lang talaga at puno ng lampara ang bawat sulok ng kubo. Hindi masyadong madilim.
"Maghahanap lang ako ng pwedeng mailapag sa sahig para matulugan natin."
"Pwede namang dito na ako sa sofa. O pwedeng diyan na ako sa baba at dito ka na lang sa sofa. Malamig kasi riyan sa sahig," sabi ko.
Nilingon mo ako at tinaasan ng isang kilay. I smirked when realization dawned on me.
"Oo nga pala. Malikot ka pala matulog. Baka mahulog ka pa kapag dito ka sa sofa. Sige, diyan ka na lang talaga sa baba," pagbawi ko. Inignora mo na ako at nagpatuloy ka na sa paghahanap. Nagpatuloy naman ako sa pagkain.
Niligpit ko na ang pinggan at mga kutsara sa maliit na kusina. Nang makabalik sa sala ay nadatnan na kitang naglalapag ng isang manipis na kutson sa sahig.
"Where did you find that?" tanong ko nang makalapit.
"Doon sa cabinet. Kaya lang wala akong nakitang kumot at unan," sagot mo na hindi ako tinitingnan.
"Pwede tayong um-order sa Shoppee..."
"Ha ha. Very funny," you sarcastically retorted. I chuckled. Tinungo ko na ang sofa at naupo roon. Nahiga ka naman sa inilapag mo na kutson sa baba.
Tinitigan ko ang pustora mo. Inuunat mo pa ang mga binti mo at mistulang naghahanap ng kumportableng posisyon. My sight landed on your painted toenails when I was reminded of something. I slowly stood up and went to the corner. Naghahanap ng maski maliit na kulambo o net. Luckily, after a few minutes, I found one. Isang pang-isahang lumang kulambo.
Nilapitan kita at lumuhod sa paanan mo. Humihikab ka na napasulyap sa akin. Marahan kong hinawakan ang mga paa mo at tinalukbungan ito ng kulambo na nakita ko.
"Naalala ko lang na hindi ka nakakatulog sa ibang bahay kapag wala nito," I softly whispered with a smile.
"Thanks... "sabi mo sa namamaos na boses.
"You're welcome." Tumayo na ako at bumalik ulit sa sofa na magiging higaan ko. Humiga na ako rito. Medyo awkward pa ang posisyon ko dahil hindi na kasya ang paa ko kaya mistulang nakabitin na lang ito sa dulo ng upuan. Samantalang ginawa ko namang unan ang bisig ko.
"Good night, Hon," I murmured.
"Night, Sixth."
I tried to close my eyes but you being near made it hard for me. Lagi na nga kitang naiisip kahit na noong malayo ka pa. Paano pa kaya ngayong nasa iisang kubo lang tayo?
Makalipas siguro ang halos isang oras ay hindi ka na gumalaw at nakatulog na. Dalawang oras pa ang dumaan bago ako nakatulog. Sa hating gabi, nagising na lang ako nang marinig ang malakas na kalabog. Dahil sa antok huli na nang mapagtanto kong ako pala ang pinagmulan no'n. Tangina, nahulog ako mula sa sofa.
"Sixth?" naaalarmang sambit mo saka napabalikwas ng bangon.
"I'm okay," I softly cursed. Napangiwi ako sa sakit ng puwet ko. Grabe pala talaga siguro ang pagkabagsak ko.
Kaagad mo akong dinaluhan. Naupo ako ng marahan sa sahig at isinandal ang likod sa sofa.
"Are you sure you're okay? Akala ko ba ako 'yong malikot matulog?" I thought you were mocking at me but you said it in a concerned tone.
"Yeah," I grunted.
"Dito ka na nga lang tumabi sa akin. Ang liit naman kasi niyang hinihigaan mo."
Napadilat ako at tiningnan ka sa mukha. "Are you sure? Okay lang sa'yo na tumabi ako?"
You rolled your eyes. "Kaysa naman mahulog ka ulit diyan. Sige na. Dito ka na."
I sighed and followed what you said. Marahan akong nahiga sa tabi mo sa kaliwang bahagi. Nahiga ka na rin. We were both staring at the ceiling. Akala ko noong una nakatulog ka na ulit kaya lang bigla kang nagsalita.
"I can't believe we are in this situation...Naalala ko tuloy noong nasa Danao tayo..."
I chuckled. Naalala ang pangyayari na 'yon. "Naligaw naman kasi tayo noon."
Mahina kang natawa. "Feeling expert ka kasi! Pero mas mabuti naman 'yong bahay na nai-stayhan natin kasi may kuryente."
"But we were arrested in the morning for trespassing though."
Humalakhak ka. Namayani iyon sa paligid. Ang sarap sa tenga. Lumapad lalo ang ngisi ko.
"Gosh! It was so shameful that you didn't want me sharing that incident kina Eg!"
Iniba ko ang posisyon at gumilid para makaharap ka. You did the same. This time, we were staring at each other with wicked grins.
"Shameful, huh? You did a lot of shameful acts, Hon."
"Mas marami kaya ang sa'yo!"
"But yours were worse," giit ko.
"Sige nga. Ano 'yong pinakamalala na ginawa ko?"
"When you farted at the church and you told everyone it was me."
Humagikgik ka sa sinabi ko at pagkatapos ay ngumisi. "Dahil kasi 'yon sa langka na kinain ko. Pero hindi ka naman umalma noong gawin ko 'yon."
"You're grossed, Honey. And I was trying to protect you...from your sinful act."
"Sinful act, really? Pero pinakamalala pa rin talaga 'yong sa'yo. Noong kinain mo ang cookies na ni-bake ni Mama para kay Papa!"
I grinned. "Akala ko kasi talaga no'n, ni-bake mo 'yon para sa'kin."
You laughed hysterically. Napapunas ka pa sa maluha-luha mo ng mga mata dahil sa walang tigi na katatawa.
"But I think that wasn't my most shameful act."
Your brow shot up. May nakakubling ngisi pa rin sa sulok ng labi. "Bakit? Ano ba?"
"It was that one night, when I cheated on you," pagdedeklara ko sa mababang boses. I was looking at you seriously and intently. Tuluyan nang umatras ang nakakubling ngiti sa mga labi mo. You turned serious too.
"Sixth..."
"I hope for a chance, Hon. Even a tiny scrap of just a chance from you," agap ko sa determinadong boses. Umalingawngaw 'yon sa apat na sulok ng kubo.
Mariin at matagal ang titig na iginawad mo sa'kin. Pakiramamdam ko hahatulan mo na ako sa gabing 'yon. Hindi man lang ako kumurap. Pumikit ka ng mariin. It was like the light from the lamp was reflected on your eyes.
"Okay," you softly whispered.
"What?" manghang tanong ko at napaawang ang labi. Kahit naman dinig ko, gusto ko pa ring makasigurado at baka nananaginip lang ako.
"I am giving you a chance, Sais," you slowly said with your bedroom voice.
Matamis ang ngiti ko. Namumula na siguro ang mga mata ko. Parang nawalan ako ng kapasidad na magsalita nang ilang sandali. And when I finally found my voice, I was pouring out of too much gratefulness.
"Thank you! Thank you so much, Honey. Hinding-hindi mo ito pagsisisihan. Liligawan kita nang maigi. I'll be really patient."
Banayad mo aking nginitian. Marahan mong dinampi ang 'yong palad sa pisngi ko. I held on to it. Hindi naputol ang pagtititigan nating dalawa.
"Alam ko, Sixth. Because you've already been patient with me these past few weeks. I've seen your endless efforts. I have considered those in taking this risk with you again."
Pumikit ako nang mariin. Dinadama ang pagdampi ng palad mo. Hindi ko nga namalayan na may nakawala na palang luha mula sa mga mata ko.
"Are you crying?" you gently asked. Obviously surprised.
"Masaya lang," I softly cursed and cocked my head to the side. Ayoko na makita mo akong ganoon.
You softly laughed. It was sexy. I licked my lips and stared at you again. "Can I...hug you?"
Tanging pagtango ang naging sagot mo. Bahagya akong umusog papalapit sa'yo at niyakap ka. Niyapos mo naman ako pabalik. Magkasabay tayong bumuntong-hinga. Pakiramdam ko pareho nating hinintay ang pagkakataong 'yon. It was like we were both restless with our lives before and now finally finding peace at last. That we finally found our home.
Magkayakap tayo na nagising kinaumagahan dahil sa walang tigil na pagkatakot sa pinto. Namilog kaagad ang mga mata mo at mabilis kang napabalikwas ng bangon.
"Maybe that's our rescue!" Kaagad kang naglakad patungo sa pintuan at walang pagdadalawang-isip na binuksan mo ito. Ginawa ko pang harang ang kamay ko dahil sa nakakasilaw na araw na nanggagaling sa labas ng pintuan.
Bumangon na rin ako at sinundan ka sa pintuan. Doon, nakita natin ang nakatayong si Ms. Dela Costa at ang nakangising nakatayo sa tabi niya na si Mom. Nagulat pa ako dahil hindi ko naman inasahan na dadalo pala siya para sa proyekto. Sa malayong likuran naman nila ay ang buong team.
"Sorry, we're a bit...late. How was your night?" si Mom.
I almost groaned in frustration. Napagtanto ko na kasing sinadya nila 'yon. And it was Mom's scheme.
She shamelessly winked at me, "That good, huh?" she then turned to Ms. Dela Costa. "Alright! Shall we start?"
Sabay silang bumalik na sa team. Naiwan naman tayong nakasandal sa gilid ng pinto. Nahihiya akong sumulyap sa'yo.
"Honey, I'm sorry..."
"Kilala ko na si Tita. And well, what can I do? She's the boss," sabi mo sabay ngisi.
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top