32


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 07/19/2020, 09:01 AM
Subject: Pain

Hon,

Isang buong linggong hindi umuwi si Mom sa bahay. She stayed in a hotel. Kaya naman ng mag Lunes na ay napagdesisyunan ko na siyang dalawin.

Wearing a brown vneck shirt and faded jeans, I knocked on the door of her hotel room. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago niya mapagbuksan. Nang makita niya ako ay ngumiti siya.

"Pasok ka, anak."

I sighed and went inside. Nakapamulsa akong iginala ang tingin sa silid na pansamantala niyang tinutuluyan. She gestured towards the sofa. "Maupo ka muna. Do you want some coffee?"

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at bumuntong-hininga. "Hindi na po. Kailan ka ba uuwi sa bahay, Mom?"

Naupo siya sa sofa kaya naupo na rin ako sa tapat niya. Nagtaas siya ng isang kilay at umismid. "Inutusan ka ba ng Daddy mo?"

"Kahit hindi niya naman ako utusan, pauuwiin pa rin kita. Go home, Mom."

"Ayoko munang makita ang Daddy mo, Sixth."

"Hanggang kailan mo po planong ignorahin siya? Talk it out with him. Matatanda na kayo."

"You're right. Matatanda na kami. Nanghihinayang nga ako at ngayon ko pa ginawa ito. Sana noong una pa lang na alam kong hindi niya ako mamahalin, iniwan ko na siya."

"Mom..."

"No. Let me speak, Sais. Hindi ako mahal ng Daddy mo. Kahit hanggang ngayon. I had told you that he only married me because I had you right?"

Tumango na lang ako. Alam ko na naman ang kuwentong ito. Nagpatuloy naman siya. "Napilitan lang siyang pakasalan ako. Hindi niya naman ako mahal. Sana noon pa lang hindi ko na pinilit pa at ibinigay na lang ang kalayaan niya."

Namumungay ang mga mata kong nakatingin kay Mom. Dinig na dinig ko kasi ang sakit sa pagbigkas niya ng bawat salita.

"Pero ikaw na rin po ang nagsabi na mahal ka ni Dad sa paraan na kaya niya."

Malungkot ang ngiti niyang ipinukol sa'kin. Tinitigan niya ang bawat sulok ng mukha ko. "Akala ko rin magiging sapat 'yon para sa'kin. Hindi pala. But I don't regret having you, Sixth."

"I know that. I just want you to come home."

Humugot siya ng malalim na hininga. "I will be home. Pero hindi pa sa ngayon. I need sometime for myself. Sana maintindihan mo, anak."

Wala na akong nagawa kundi ang intindihin siya. I know how my Mom suffered. I understand how a one-sided love can make you feel. Dahil pakiramdam ko, ganoon ang sitwasyon ko sa'yo ngayon. Hindi ako umuwi ng bahay pagkatapos kong pumunta sa hotel na tinutuluyan ni Mom. Dumeretso ako ng ospital para dalawin si Lovely.

Akala ko noong una namamalik-mata lang ako nang makita si Coli na mabilis na naglalakad sa lobby papalabas na ng ospital. Namumula ang mga mata niya na para bang galing sa pag-iyak.
Hindi ko na siya nagawang pigilan pa sa paglalakad dahil deretso lang siya na parang walang ibang taong nakikita.

Bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba kaya mas binilisan ko pa ang bawat paghakbang. Isa lang ang nakikita kong dahilan noon at iyon ay si Lovely. Dahil sa bilis ng paglalakad ko ay mabilis akong nakarating sa silid niya. I nervously knocked and you opened the door. Your eyes were bloodshot too.

"Si Lovely..." sambit ko.

Luminga ka sa kama ng kapatid kaya sinundan ko ang tingin mo. Nakita ko si Lovely na humihikbi habang niyayakap ng Mama mo. Nasa gilid naman ang papa mo na pagod na nakamasid.

"Can we talk outside?" tanong mo. Tumango ako kaya lumabas ka na rin ng kuwarto. Naupo tayo sa bleachers sa labas.

"Nakita ko si Coli kanina. Galing siya rito? Parang...umiiyak."

"Hiniwalayan siya ni Lovely," you softly answered. Mabilis akong  napatingin sa'yo. You were already teary-eyed. Bigla ka na lang tumayo at pinalis ang luha sa pisngi.

"I need some fresh air. Can you take me somewhere, Sixth?"

Marahan ang pagtango ko. Tumayo na rin ako at naglakad tayo palabas ng ospital. We were silent the whole time we were in the car. I wasn't even sure where we were headed. Basta nagmaneho lang ako hanggang sa makarating tayo sa isang cliff. I stopped the car. We went out silently.

Una kang naupo sa gilid ng bangin. I looked at the surroundings. Wala ni isang bahay o establisiyemento dahil isa itong malawak na kalsada papunta sa isang sikat na bundok na dinadayo para mag-hike. I slowly sat beside you. Nakatingin ka lang sa kawalan. Nakatingin naman ako sa'yo.

"Kinausap kami ng doktor ni Lovely kagabi. Ibinalita niya sa amin na kailangan daw putulin ang kaliwang paa ng kapatid ko. Hanggang tuhod. Para hindi na kumalat ang cancer cells."

Napasinghap ako. Awang ang labi na nakatingin sa'yo. I was rendered speechless because of shock. I swallowed hard. At dahil halos hindi na ako makahinga ay napatayo ako. Napasapo ako sa noo at napatingala sa langit. Ang sikip sa dibdib. Para akong nananaginip.

Umiyak ka. Wala akong nagawa dahil inaamo ko rin ang sariling sakit na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Maybe we were both like that for an hour. Parehong nagluluksa sa sitwasyon ng kapatid mo. I was there standing beside you but I couldn't hold you because my own pain has numbed me down.

Sa huli ay sinubukan kong maging matatag para sa'yo. Dahil sa mga oras na 'yon alam ko na kailangang-kailangan mo ako. Lumuhod ako sa likod mo at niyakap ka. You were trembling so I held you tighter. Closer. Gusto kong akuin lahat ng sakit na nararamdaman mo. Hagulgol ng iyak mo at hampas ng mga alon sa dagat na nasa baba ng bangin ang namayani sa paligid.

Mas humigpit pa ang hawak mo sa braso ko na nakapulupot sa'yo.

"Bakit sa dinami-dami ng tao, si Lovely pa? Ang bata-bata niya pa, Sais. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay..."

"Kakayanin niya 'to, Hon. Matapang 'yon. We'll all be there for her."

You glanced at me. Namumugto na ang mata sa kaiiyak at pulang-pula na rin ang ilong mo. Your cheeks were wet from your tears. "Gusto kong maging matatag para kina Papa at Mama. Ayaw kong makita nila na nanlulumo na ako sa hina. But I am weak. Kahit ngayon lang gusto kong magpakalunod sa kahinaan."

I caressed your cheeks. Pinalis ko ang mga luha sa pisngi mo. "You're not weak. You're the strongest woman I know. At kung gusto mo man na maging mahina, gawin mo. Maging mahina ka at sumandal sa akin. Pipilitin kong maging malakas para sa'yo."

You looked at me indulgently. Ibinaba mo ang tingin sa mga labi ko. You licked your lips. At dahan-dahan, inilapit mo ang mukha mo sa'kin. Your lips were hovering above mine. So close, but not touching. Our foreheads touched. Kumunot ang noo mo. It was like you were thinking it through.

It was me who crossed the bridge. I kissed you softly then. Your lips moved with mine. I noticed you were a bit hesitant so I chose to stop. I didn't want you to think that I was taking advantage with your moment of weakness.

I swallowed and licked my lips. Tinitigan ko ang namumungay mo ng mga mata. Ibinaba kong muli ang tingin sa mga labi mo. Your lips were red and wet. Hinawakan mo ang kabilang pisngi ko gamit ang isa mong palad. Mapagtanong ang titig na ipinupukol ko sa'yo. Slowly, you touched your lips into mine. I almost got lost. I kissed you back softly again. But this time, your kisses were different. It was desperate. Tila naghahanap. Tila kumakapit. You wanted it hard, I gave you indulgently.

Pareho tayong hingal matapos ang halikan. You looked away. Ilang sandali pa ay dahan-dahan kang tumayo. Sumunod naman ako. Inayos mo ang buhok mo. You cleared your throat.

"We should go. Baka... hinahanap na nila ako."

I silently followed you towards my car. Pumasok na tayo sa loob. Naging tahimik lang ang biyahe natin. Ni isang beses hindi mo na ako nilingon. You were staring straight ahead. I wanted so bad to ask you about the kiss but I controlled myself. Kung ayaw mong pag-usapan 'yon ay naiintindihan ko.

Nang makarating na sa tapat ng ospital ay inihinto ko ang sasakyan. Nakabibinging katahimikan ulit ang bumalot sa ating dalawa.

"Babalik na lang ako bukas para dumalaw. I think your family needs privacy for this moment," halos pabulong na pagkakasabi ko sa namamaos na boses.

"Sige. I guess...I'll see you then." Lumabas ka na ng sasakyan at pumasok sa loob.

I drove away. Imbes na sa bahay umuwi ay nakipagkita ako kina Ricker at Eghart sa Mango Avenue. Nakaukupa na sila sa isang mesa roon pagdating ko. May mga pagkain na rin silang in-order.

Pareho silang naging tahimik ng ilang minuto matapos kong ibalita sa kanila ang kundisyon ni Lovely. Napainom pa si Ricker ng beer matapos kong magkuwento.

"Sigurado na ba talaga sila, bruh na iyon talaga ang resulta?" pangatlong beses na tanong ni Eghart.

"Tanga. Doctor na nga ang nagsabi 'di ba?" naiiling na sabad ni Ricker sabay mahinang pagmura.

"Tang ina. Tang ina talaga," paulit-ulit na sabi ni Eghart habang nakatitig sa bote ng beer pagkatapos ay kinuha ito at uminom.

"Plano namin nina Eg at Aki na bumisita kay Lovely bukas ng umaga sa ospital. Anong oras ka ba bibisita bukas para sabay na tayo?" si Ricker.

"Bukas ng hapon pa. May board meeting kasi ang kompanya bukas ng umaga. Kailangan kong dumalo."

"Hindi pa rin ba umuwi si Tita?" manghang tanong ni Eghart. Umiling lang ako.

"Kailangan talagang gumawa ng grand gesture ng Daddy mo para lumambot ang puso ng Mom mo sa kanya!" suhestiyon ni Ricker saka napasandal sa upuan.

Tumikhim si Eghart sa tabi niya. "Hindi ko ma-imagine si Tito Uno na na magsumamo at mag down on bended knees sa Mom mo, bruh. Hitler 'yong Dad mo eh."

Ricker and I both chuckled. Ilang minuto pa ay dumating si Aki na nakasuot pa ng puting uniporme. Kaagad siyang naupo sa tabi ko at tinapik ako sa balikat bilang pagbati.

Ricker tsked in front of him. Pinasadahan niya ito ng tingin. "Hindi ka man lang talaga umuwi para makapagbihis? Baka tadtad ka pa ng mikrobyo ha."

Ngumisi lang si Aki sa kanya at nagsimulang kumain. Halatang gutom na rin.

"Baka nagmamayabang lang siya sa atin mga bruh dahil maputi ang uniporme niya!" panunuya ni Eghart na malapad ang ngisi. Umiiling lang na nagpatuloy sa pagkain si Aki.

The conversation shifted to a lighter topic. Iyon din ang gusto ko sa mga kaibigan ko. Kaya nilang pagaanin ang pakiramdam ko kahit pansamantala lang.

Gaya na lang ng sinabi ko, muli akong dumalaw kay Lovely sa ospital sa hapon kinabukasan. Halos hindi ko siya makausap dahil sobrang tahimik niya na. Laging nakatulala na para bang may malalim na iniisip. I tried to strike a conversation, but to no avail I got no response from her. It made me worried. Hindi ako sanay sa isang tahimik na Lovely. At nasisiguro kong ganoon din ang nararamdaman ng pamilya mo, Hon. Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin.

Kinabukasan bumalik na naman ako. Sa pagbalik ko bitbit ko na ang Manga na gustong-gusto niyang basahin. Napatigil ako sa paglalakad nang makalapit na sa tapat ng pinto ng kuwarto niya. Nakita ko kasi si Coli na nakatunganga lang sa tapat ng pinto. He looked tired and problematic.

Napatingin siya sa akin at mapait na ngumiti. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at napakamot sa kanyang batok. Na para bang hiyang-hiya siya na naabutan ko. "Uh...pasensya na po. Napadaan lang."

"Wala ka bang balak na pumasok sa loob?"

He chuckled nervously. Marahan siyang umiling. "Hindi na. Ayaw naman po ni Lovely na makita pa ako. Aalis na rin ako."

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang umalis. I felt sad for the guy. Umangat ang sulok ng labi ko nang mapagtanto na magaling pumili si Lovely ng boyfriend. Pumasok na ako sa loob at nadatnan si Lovely na nanunood ng palabas sa TV. Kaagad na dumapo ang tingin niya sa hawak ko. Ngumuso siya.

"Akala ko hindi ka na babalik dahil sa pagiging snob ko these past few days."

"Makapal ang apog ko 'di ba?"

She opened the palm of her hand. "Akin na! Para sa akin 'yan hindi ba?"

Mahina akong natawa at iniabot na ito sa kanya. Kaagad niyang binuklat ang Manga at nagsimulang magbasa. Napatingin ako sa paligid. "Bakit wala kang kasama?"

"Nagpunta si Mama at Papa sandali sa bangko. Si Ate naman kakaalis lang para pumunta saglit sa canteen."

Naupo ako sa silya malapit sa kama. She was now busy in reading. "Nakita ko si Coli sa labas ng pinto," marahan kong sinabi. Her eyes stopped scanning for a bit. Then she resumed reading.

"Ang tigas ng ulo niya," she muttered.

"Bakit mo ba kasi hiniwalayan?"

Napasulyap siya sa akin at umismid. "Chismoso ka na pala ngayon, Kuya? Saka mas maigi na 'yon. Para hindi na siya mahirapan pa. Ayaw niya 'yon? Hindi na siya pagtatawanan ng mga tao na may girlfriend na putol ang isang paa."

I stiffened. Natigilan ako sa sinabi niya. I clenched my jaw. "Who told you that?"

"Ako lang."

"That's just bullshit and you know it," giit ko. Unti-unting napigtas ang litid ng pasensya.

"Totoo naman. Sa huli pareho lang kaming mahihirapan. Mapapahiya lang siya..." halos pabulong na niyang pagkakasabi.

Yumuko ako at sinubukang hagilapin ang tingin niya. "Look at me, Lovely. Hindi ka nakakahiya. You may lose one leg but it wouldn't make you any less of a person. Kaya huwag kang mag-iisip ng ganyan. Naiintindihan mo ba?"

She bit her lower lip and sighed. Ibinaba niya ang binabasa at tumingin na sa akin. Pansin ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.

Her lips trembled. "Ayokong mawalan ng paa, Kuya. Natatakot ako. Mahal ko si Coli kaya lang baka naaawa lang siya sa'kin. Ayaw kong kaawaan. Ayaw kong maging abnormal..."Nanginginig ang buong katawan niya habang humihikbi. Tumayo ako at naupo sa gilid ng kama para yakapin siya.

I hugged her tighter as her body uncontrollably shook. I kissed the top of her head. "Nandito lang ako at kaming lahat para sa'yo. Wala kang dapat na katakutan. Mas malakas ka pa kaysa sa sakit na 'yan. You're not alone in this. We're all here for you, bunso."

"I am scared. I am so scared..." paulit-ulit niyang sinabi sa garalgal na boses habang para naman akong paulit-ulit na sinasaksak.

-Sixth-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top