31


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 07/12/2020, 09:01 AM
Subject: A week of leave

Hon,

After learning that Lovely's cancer has progressed into stage 2, I decided to stay in Cebu the entire week. Mabuti na lang at hindi na masyadong hectic ang klase ko sa masters. Puro na lang paperworks na pupwede ko namang gawin nang hindi pumupunta sa campus. Nakapag emergency leave na rin ako sa trabaho.

Hindi na rin natin pinag-usapan pa ang tungkol sa ating dalawa. Siguro nga dahil 'to sa pareho nating pagiging focused at pag-aalala kay Lovely. It was like it's normal for us to be together in one room. We weren't strangers, but we weren't friends either.

"Hey. How are you feeling?" tanong ko kay Lovely nang napadalaw ako ulit sa Lunes ng hapon. Nakahiga siya sa hospital bed.

"Fine. Pero medyo mabigat ang pakiramdam ko. Para akong nilagyan ng maraming bato sa loob ng katawan. Kasalanan kasi 'to ng mga tests na 'yon."

I chuckled lightly and glanced at you. Nagbabalat ka ng orange sa mesa. "May MRI kasi siya kaninang umaga. Pati na rin bone scan," pagpapaliwanag mo.

Tumango ako sa'yo at ibinalik ang tingin kay Lovely. Bigla akong naalarma nang makita ang pagpikit niya nang mariin na para bang namimilipit sa sakit.

I quickly stood up and hovered over her on the bed."May masakit ba? What's wrong?"

Pansin ko na rin ang paglapit mo sa kama. Pumunta ka sa kabilang gawi at kaagad na dinampi ang palad sa noo niya. Your face was filled with worry.

"Ano'ng masakit, bunso? Teka lang at tatawagin ko ang doctor."

Umiling si Lovely at marahang dumilat. "Huwag na, Ate. Hindi naman gaanong masakit. Kumikirot lang sa may bandang tuhod ko."

Tinitigan mo ang mukha niya gamit ang mga matang hindi kumbinsido sa sinabi ng kapatid. "Sure ka ba talaga? Sasabihin mo kay Ate kapag may masakit ha?"

She nodded weakly and turned to close her eyes again. Sabay naman tayong napalingon sa may pintuan nang marinig ang isang katok. Ilang sandali pa ay bigla na itong bumukas at pumasok ang isang pamilyar na lalaki. He's a pale looking guy with a shaggy hair. May dala itong isang basket ng prutas.

"Coli's here! Lovely, nandito si Coli," you whispered to her.

Umatras ako ng kaunti para makalapit pa si Coli kay Lovely. Your sister opened her eyes and rolled them while looking at what he's holding.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na Manga ang dalhin mo para makapagbasa ako. Bakit mga prutas 'yang dinala mo?"

He grinned and pointed a finger to his basket. "Manga. O 'di ba, may manga naman?"

"Ha ha. Very funny," your sister retorted.

Pinukol mo ng masaming tingin si Lovely saka kinuha mula kay Coli ang prutas na dala niya. Nilapag mo ito sa mesa na nasa sulok. "Alam mo, Coli. Dapat hiniwalayan mo na 'tong kapatid ko. Maganda lang pero maldita rin naman!"

"Sinubukan ko na po pero ayaw niya," he replied in a playful tone.

Lihim naman akong napangiti. Parang 'di nagmana sa'yo ang kapatid mo ah.

"Ang kapal ha! Anyways, Coli si Kuya Sais nga pala. I'm sure familiar ka sa kanya sa university noon. Kuya, si Coli, boyfriend ko," pagpapakilala ni Lovely.

He shyly smiled and offered a hand. I accepted it. "Siyempre. Ang galing niyo pong maglaro ng basketball."

Ngumisi ako. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Thanks. Naglalaro ka?"

"Ay hindi po. Kinulang sa tangkad eh. Pero lawn tennis player po ako. Saka badminton din."

I glanced at Lovely. Dahil siguro sa pamumutla ay mas naklaro ko ang pamumula ng pisngi niya. Tumaas ang sulok ng labi ko. Kaya pala naglalaro na ng sports, huh.

"Siya 'yong sinasabi ko sa'yo na Kuya kong nagsabi na sa simbahan ang dapat first date natin," sabad ni Lovely. Biglang napatayo nang deretso si Coli. Mahina siyang natawa at pahiyang napakamot sa batok.

You cleared your throat and stood up. Kinuha mo ang sling bag at sinuot ito."Lalabas muna ako para bumili ng meryenda natin."

"Samahan na kita," agap ko.

"Naku, hindi na. Kaya ko naman na."

"Huwag ka na ngang choosy, Ate. Wala kang sasakyan 'di ba? Ginamit nina Mama at Papa. Baka mamayang gabi pa 'yon bumalik. Magko-commute ka?"

You bit your lower lip. Probably thinking and deciding. Inilagay ko ang mga kamay sa bulsa. "I brought my car with me. I can...drive for you."

Mas tumatag ang kumpiyansa ko na magiging okay din 'to nang bumuntong-hininga ka. "Fine. Sige na nga."

Awtomatikong lumabas ang ngiti ko at kaagad ko itong tinakpan sa pamamagitan ng pasadyang pag-ubo. I gestured towards the door. "Let's go?"

Sumulyap ka sa kapatid mo kaya napasulyap na rin ako. Lovely was shamelessly smirking at us while her boyfriend just gave us an innocent look. Suminghap ka at naglakad na papuntang pinto. Sumunod naman ako.

Tahimik lang tayo na sumakay ng elevator. Hanggang sa pumanaog ito ay wala pa ring imikan. Nang nasa parking lot na ay nauna ako ng hakbang sa sasakyan. I opened the door at the backseat and gestured inside. "Pasok ka."

Kinagat mo ang 'yong ibabang labi. Hindi nagpirmi ang mga mata mo at palipat-lipat ito ng tingin sa may pinto ng backseat at front seat.

"Or...you want to seat at the front seat?" I hesitantly asked. Ayoko kasing pangunahan ka sa kung ano ang gusto mo.

"Ang awkward kasi kapag sa likod ako sumakay. Hindi naman kita driver kaya...siguro sa harap na lang...ako?"

I licked my lips and looked at you indulgently. "Kahit ano'ng gusto mo, Hon."

Lumunok ka at walang pagdadalawang-isip na binuksan na ang pinto sa may front seat. Bumuntong-hininga ako at isinara ang pinto sa likod. This is going to be a long ride. Nasa-isip ko.

Pumasok na ako sa driver's seat. I was strapping my seatbelt when I asked, "Saan ba tayo bibili ng meryenda?"

Iginala mo ang tingin sa loob ng sasakyan. Siguro naaalala mo na dito kita isinasakay. Noong tayo pa. "Sa McDo na lang. Para mas malapit."

Tumango ako at pinaandar na ang kotse. Tahimik ka lang habang nagmamaneho ako. Mabuti na lang at hindi medyo traffic kaya halos sampong minuto lang at nakarating na rin tayo. Nang mai-park na ang kotse ay mas nauna ka pang lumabas kaysa sa akin. Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ko. Siguro takot ka na ako pa ang magbukas ng pinto para sa'yo.

We both entered McDonald's. Medyo marami-raming tao sa loob. I gestured toward the empty seat. "Umupo ka na lang. Ako na ang pipila para sa order. Ano ba ang bibilhin?"

"Uh...apat na burgers, fries, drinks, samahan mo na rin ng spaghettis." Bubuksan mo na sana ang dala mong sling bag nang pigilan kita.

"Ako na ang bahala. I'll be back." Hindi ko na hinintay ang sagot mo at pumila na ako. Habang pumipila ay muli kitang nilingon. Nakaupo ka na sa silya at nakatingin sa akin. Pero kaagad ka namang nag-iwas ng tingin at napahaplos sa buhok. I softly chuckled and faced the line again.

May tatlong tao pa na mas nauna sa'kin sa pila. Bigla akong napalinga nang may tumapik sa balikat ko.

"Sixth! Ikaw nga. Kailan ka pa nakauwi ng Cebu?" tanong sa akin ng isang nakangising lalaki na nasa kabilang linya. He looked familiar.

"Noong Sabado lang."

Luminga-linga siya sa likod ko. "Sino'ng kasama mo?" My forehead creased in confusion. I found him weird for asking. Lalo pa at kung malapit kami sa isa't-isa dapat maaalala ko siya.

Masyado akong abala sa paghahalungkat sa memorya kung bakit nga ba siya mukhang pamilyar nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Oh, kasama mo pala si Honeybee del Sol, huh. Nakita ko siyang nakaupo doon. I'm sure ikaw ang hinihintay no'n," aniya na may pilyong ngisi.

Hindi ko na siya nasagot pa dahil tinawag na siya para sa order niya. Kalaunan ay tinawag na rin ako. Matapos matanggap ang order ay lumabas na tayo at naglakad patungo sa kotse. Inilagay ko sa likod ang mga pagkain. Nang maisara ang pinto ng backseat ay nakakunot ang noo kong binuksan ko naman ang nasa harap. You slid inside. Sumunod naman ako.

"Are you okay?" bigla mong tanong.

I quickly undid my facial expression. "Yeah. Of course. May ano lang. Uh...nakakita yata sa'tin kanina sa loob...na magkasama."

"Kakilala mo?"

Sumulyap ako sa'yo at pinaandar na ang kotse. "Yata. Kilala niya ako. Pamilyar naman siya kaya lang hindi ko maalala ang pangalan niya."

"Siyempre kilala ka niya. Nasa Cebu na tayo, Sais," sabi mo na may bahid ng panunukso. Pareho tayong natigilan dahil sa huli mong sinabi. Unang beses mo kasi akong tinawag ng Sais simula noong maghiwalay tayo.

Pinilit ko namang mag-focused na sa pagmamaneho. You cleared your throat and sidetracked. "Nag-aalala ka ba na baka ipagkalat niya na kasama mo ang ex girlfriend na niloko mo?"

Halos nasamid ako sa sariling laway dahil sa deretsahang pagbanggit mo. Dinaan ko na lang sa pag-ubo. "Hindi naman..."

You softly chuckled. Ang kalmado mo na sa paksang 'to. Parang ako lang ang pinagpawisan ah. "Mas chismoso ba talaga kayong mga lalaki? Anyways, wala na akong pake kung may issue man. Mas may mabibigat na bagay pa akong inaalala kaysa diyan. At kung ano man 'tong motibo mo sa paglapit mo ulit sa akin, siguro hindi ko na dapat isipin pa."

There was an awkward but at the same time comfortable silence. Wala ng nagsalita sa atin hanggang sa makabalik na tayo sa ospital. Nasa parking lot na tayo ng ospital at ni hindi pa nakakalabas ng sasakyan nang tumunog ang ringtone ko. I took my phone out of my pocket and looked at the screen. It was Dad. Sinagot ko 'yon. "Po?"

"Nasa ospital ka pa ba?" tanong niya na nasa kabilang linya. I quickly glanced at you.

"Yes, Dad. Napatawag po kayo?" Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Did your Mom tell you anything?"

Bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya. He sounded restless. "Tungkol po saan? Dad what's going on? Is Mom okay?"

Ilang segundo pa siyang hindi nagsalita. Tanging paghinga niya lang ang naririnig ko. Napatingin ako sa'yo. Siguro nga nakikita mo na ang matinding pangamba sa mukha ko dahil malumanay ang tingin mo sa akin.

"Your Mom is not here, Sixth. She's gone..."

Mas lalo lang akong naguluhan at kinabahan sa sinabi ni Dad. "Ano? How come? What do you mean, Dad?  Pauwi na po ako diyan," sabi ko at kaagad na pinatay na ang tawag.

Napatingin ako sa'yo at ngumiwi. "I'm sorry. Hindi na kita masasamahan papasok ng ospital. I have to go home."

"Naiintindihan ko, Sixth. Is everything okay? Is Tita okay?"

Napahilot ako sa sentido. "I don't know. Sinabi lang ni Dad sa'kin na umalis daw si Mommy sa bahay."

Hinawakan mo ako sa braso. Your eyes were gentle. "You should go. I-update mo ako tungkol kay Tita...or..."

Namumungay na ang mga mata kong nakatitig sa'yo. Alam ko kasi na malapit ka sa Mommy ko. "Of course."

Mabilis kong pinaandar ang kotse matapos mong makababa at makuha ang pagkain na nasa likod. Nang makarating sa bahay ay mabilis na akong pumasok sa loob at nadatnan si Dad na nasa sala. Nakaupo sa sofa at nakadungo ang ulo habang nakatayo naman sina Manang sa ibaba ng hagdanan. Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang pagpasok ko.

"Ano po bang nangyari?" bungad ko.

"Wala na ang ibang damit ng Mom mo sa closet niya. Pati 'yong isang luggage niya nawawala. I think your Mom left me."

"Have you tried calling her on her phone?"

"Hindi niya sinasagot ang tawag ko."

Napahilamos ako sa mukha. "Nag-away po ba kayo?"

He looked at me guiltily. At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko ang hindi maipagkakailang takot na nasa mukha ni Unorelio Numero. "Nagkasagutan lang kami kaninang umaga."

I sighed. Napatingin ako kila Manang na bakas sa mga mukha ang pangamba. Ibinalik ko ang tingin sa ama kong halatang lugmok. I know he wasn't telling me the entire story or reason of their fight. Pero sa isipan ko, mayroon na akong ideya kung bakit umalis si Mom.

"I'll call her. I'll talk to her, Dad."

Lumamlam ang mga mata ni Dad. Umakyat naman ako sa kuwarto at tinawagan na si Mom. After the first ring, she answered. Only to tell me that she isn't coming home.

-Sixth-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top